You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI

Don Hilarion G. Gonzaga Memorial High School

Talisay City,Negros Occidental

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOMIKS

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.

a. Antropolihya b. Demograpiya c. Sosyolohiya d. Ekonomiks

2. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at __________ na pamamahala.

a. Nomia b. Nomos c. Nomesia d. Noikos

3. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.

a. Opportunity Cost b. Trade-Off c. Insentibo d. Marginal Cost

4. Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

a. Opportunity Cost b. Trade-Off c. Insentibo d. Marginal Cost

5. Mahalagang konsepto ng Ekonomiks na nangangahulugang karagdagang halaga.

a. Opportunity Cost b. Trade-Off c. Insentibo d. Marginal Cost

6. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?

a. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon

b. Isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan

c. Isinasaalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon

d. Isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

7. Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong __________.

a. Ugali b. Gawi c. Desisyon d. Program

8. Umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

a. Kakulangan c. Katapusan

b. Kakapusan d. Shortage

9. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.


a. Kakulangan c. Katapusan

b. Kakapusan d. Scarcity

10. Ito ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto.

a. Batas ng Demand

b. Batas ng Supply

c. Production Possibilities Frontier

d. Ceteris Paribus

11. Nangangahulugan itong other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik na pinag-aaralan.

a. Cateris Paribus b. Ceteris Peribus

c. Cateris Peribus d. Ceteris paribus

12. Ang punto na nasa labas ng kurba ng Production Possibilities Frontier ay naglalarawan ng konseptong __________ na plano ng
produksyon.

a. Infeasible b. Inefficient c. Efficient d. Undefined

13. Isang palatandaan ng kakapusan ang extinction ng mga species ng halaman at hayop.

a. Tama b. Mali c. Hindi Matukoy d. Walang Anuman

14. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng sigalot, pag-aaway-away at __________.

a. Pagkasira b. Kompetisyon c. Proteksyon d. Konserbasyon

15. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ng angkop at makabagong upang mapataas ang produksyon.

a. Polisiya b. Teknolohiya c. Programa d. Ekonomiya

16. Ito ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang pang-araw-araw na gawain.

a. Pangangailangan

b. Kagustuhan

c. Kaligtasan

d. Respeto

17. Ang Theory of Human Motivation ay nagmula kay __________.

a. John Meynard Keynes b. Adam Smith c. John Watson Howe d. Abraham Harol Maslow 18.
Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.

a. Pangangailangang Pisyolohikal b. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

c. Pangangailangang Panlipunan d. Kaganapan ng Pagkatao

19. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak at pakikilahok sa mga gawaing sibiko.

a. Pangangailangang Pisyolohikal b. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

c. Pangangailangang Panlipunan d. Kaganapan ng Pagkatao

20. Ito ang pinakamataas ng antas ng pangangailangan ng tao.

a. Pangangailangang Pisyolohikal b. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan


c. Pangangailangang Panlipunan d. Kaganapan ng Pagkatao

21. Iayos ang hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas nito:

1. Pangangailangang Panlipunan

2. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao

3. Kaganapan ng Pagkatao

4. Pangangailangang Pisyolohikal

5. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan

a. 2, 3, 4, 5, 1 b. 1, 2, 3, 4, 5 c. 3, 2, 1, 5, 4 d. 4, 5, 1, 2, 3

22. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba batay sa antas ng pinag-aralan, ito ang salik na

__________.

a. Kita

b. Edad

c. Panlasa

d. Antas ng Edukasyon

23. “There isn’t enough to go around,” kasabihang sumasalamin sa suliranin ng kakapusan, mula kay

__________.

a. John Meynard Keynes

b. Adam Smith

c. John Watson Howe

d. Abraham Harol Maslow

24. Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.

a. Supply b. Alokasyon c. Demand d. Kakapusan

25. Katanungang pang-ekonomiko na nagsasabing maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na

paraan ng paggawa upang mabuo ang output.

a. Ano ang gagawin?

b. Paano gagawin?

c. Para kanino gagawin?

d. Gaano karami ang gagawin?

26. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon,

pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng

isang lipunan.

a. Sistemang Pang-ekonomiya

b. Alokasyon
c. Pagkonsumo

d. Salik ng Produksyon

27. Sistemang pang-ekonomiya na ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay

nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

a. Tradisyonal ng Ekonomiya

b. Market Economy

c. Command Economy

d. Mixed Economy

28. Sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

a. Tradisyonal ng Ekonomiya

b. Market Economy

c. Command Economy

d. Mixed Economy

29. Pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang

malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.

a. Tradisyon

b. Kita

c. Presyo

d. Mga Inaasahan

30. Bahagi ng buhay ng tao simula nang kanyang pagsilang sa mundo.

a. Alokasyon

b. Pagkonsumo

c. Produksyon

d. Distribusyon

31. Alin ang hindi salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?

a. Kapaligiran at Klima

b. Pagbabago ng Presyo

c. Kita

d. Mga Inaasahan

32. Tataas ang kakayahan ng tao na kumonsumo kapag kaunti ang kanyang ___________.

a. Mga Inaasahan

b. Kita

c. Pagkakautang
d. Pangangailangan

33. Pamantayan sa pamimili kung saan ang mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling

gawain ng tindero o tindera lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.

a. Hindi Nagpapadaya

b. Mapanuri

c. May Alternatibo o Pamalit

d. Makatwiran

34. Kailan masasabing matalino kang mamimili?

a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.

b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.

c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.

d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.


35. Kagawaran ng gobyerno na naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili.

a. DOH

b. DTI

c. DSWD

d. DepEd

36. Tungkulin ng mamimili ang magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at

kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.

a. Mapanuring Kamalayan

b. Pagkilos

c. Kamalayan sa Kapaligiran

d. Pagkakaisa

37. Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang

ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”

a. BFAD

b. ERC

c. POEA

d. SEC

38. Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa illegal recruitment activities.

a. BFAD

b. ERC

c. POEA
d. SEC

39. Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang

makabuo ng output.

a. Alokasyon

b. Produksyon

c. Sistemang Pang-ekonomiya

d. Kakapusan

40. Dapat bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya

na:

a. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo

b. Lumilinang ng likas na yaman

c. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo

d. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman

41. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

a. Lupa b. Lakas-paggawa c. Kapital d. Entrepreneurship

42. Mga manggagawang may kakayahang mental o __________.

a. Blue-collar Job b. Yellow-collar Job c. White-collar Job d. Red-collar Job

43. Tumutukoy sa kalakal ng nakalilikha ng iba pang produkto.

a. Lupa b. Paggawa c. Kapital d. Entrepreneurship

44. Tagapag-ugnay ng lupa, paggawa at kapital upang makabuo ng produkto at serbisyo.

a. Ekonomista

b. Siyentista

c. Entrepreneur

d. Mananaliksik

45. Ito ang patuloy na pagbabago sa produkto at serbisyo bilang susi sa pagtamo ng pagsulong sa bansa.

a. Imbensyon b. Inobasyon

c. Imbestigasyon d. Improvisation

46. Tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.

a. Produksyon b. Alokasyon

c. Negosyo d. Sistemang Pang-ekonomiya

47. Negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.

a. Sole Proprietorship b. Partnership

c. Corporation d. Cooperative
48. Organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong paghatian

ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo

a. Sole Proprietorship b. Partnership

c. Corporation d. Cooperative

49. Pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.

a. Sole Proprietorship b. Partnership

c. Corporation d. Cooperative

50. Layunin nito na makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa

pinakamababang halaga.

a. Sole Proprietorship

b. Partnership

c. Corporation

d. Cooperative

“Ang EXAM ay parang PANLILIGAW. Isipin mo munang mabuti bago mo sagutin.” - Salgie P. Sernal

Prepared: Checked: Approved:

Rey an Q. Montano Sally S. Alimane

You might also like