You are on page 1of 4

Republic of the

Philippines
Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Roxas City
MILIBILI NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Roxas
Ikatlong Markahang sa Araling Panlipunan 7
Teacher: SOPHIA A. ARTATES
Test 1 Multiple Choice. Basahing maigi ang mga katanungan. Pillin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga
sinakop para sa sariling interes.
a. Imperyalismo b. Kolonyalismo c. Merkantilismo d. Kapitalismo
2. Ito ay dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pangpolitika, pangkabuhayan, at
kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado.
a. Imperyalismo b. Merkantilismo c. Kolonyalismo d. Kapitalismo
3. Ang mga sumusunod ay dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya sa unang yugto ng
Imperyalismo maliban sa:
a. Mga Krusada b. Renaissance c. Merkantilismo d. World War 1

4. Sa Europe umiral ang prinsipyong kung pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, ay may
pagkakataon na maging mayaman. Ano ang prinsipyong ito?
a. Kapitalismo b. Merkantilismo c. Marxism d. Narsisismo
5. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang magpresenta ng mga aral sa
kasalukuyan ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Alin ang mas angkop na gamitin sa
isang video conferencing?
a. Multimedia Presentation c. Pagkukuwento at pagtatanong
b. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng
haka-haka d. Debate at pag-uutos ng dapat gawin
6. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasmo at imperyalismo sa mga Timog at Kanlurang Asya?
a. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo nang mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran
ng bansa.
b. Naging mabagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
c. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
7. Ito ay isa sa apat na salik ng imperyalismo kung saan nagpaligsahan ang mga Europeo sa pagpalawak ng
kanilang kapangyarihan.
a. Rebolusyong Industriyal c. Kapitalismo
b. White Man’s Burden d. Udyok ng Nasyonalismo
8. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan b. Pagkamulat sa kanluraning panimula
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa d. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
9. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng
karapatang pantao ng mga Indian lalo ng ng kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyon
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng sati at female infanticide
d. Pagbabawal sa matatandang kaugalian tulad ng foot binding at concubinage
10. Ito ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europe. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan
mula Europe patungong India, China, at iba pang Silangan.
a. Jerusalem b. Constantinopole c. Italy d. France
11. Sa unang yugto ng Imperyalismo, nagpaligsahan ang mga Kanluranin na manakop ng mga bansa sa Asya.
Anong bansa ang nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya?
a. Germany b. United Kingdom c. Portugal d. Spain
12. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga bansang Asyano.
Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asyano?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa Sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot ng mabilis na pagluwas ng
kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mga
kanluraninn.
c. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa naganap na kasalang katutubo at dahuyan.
d. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong kanluranin.

13. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


a. Ito ay nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukadong mamamayan.
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan ng buwis ng pamahalaan
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa
14. Ito ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding magmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan.
a. Sosyalismo b. Nasyonalismo c. Kapitalismo d. Narsisimo
15. Si Mahatma Ghandi ay naging instrumento upang makamit ng India ang kanilang kalayaan. Sa anong paraan
itinatuguyod ni Ghandi ang pagkamit ng kalayaan?
a. non-violent means b. violent means c. defensive means d. passive means
16. Ito ay ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi o racial
discrimination.
a. Rebelyong Indian c. Nasyonalismo
b. Rebelyong Sepoy d. Rebelyong Ghandi
17. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
a. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
b. Sa kagustuhang magsama-samang muli ang mga Hudyo
c. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
d. Dahil sa pananakop ng ibang lupain
18. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
b. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
c. Pagkapatay kay Mohandas Ghandi
d. Pagkakaroon ng diskriminasyon ng mga India
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa India?
a. Hindi na pantay na pagtrato sa kanilang lahi.
b. Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles ang mga likas na yaman ng India
c. Amritsar Massacre
d. Rebelyong Sepoy
20. Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismo sa Timog Asya. Bakit hindi agad
naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo?
a. Dahil takot sila maipakita ang nasyonalismo
b. Dahil hindi pa sila handa sa nasyonalismo
c. Dahil karamihan sa mga bansa ay hawak ng Imperyong Ottoman
d. Dahil hindi sila naniniwala nasyonalismo

II. PAGSUSURI SA TEKSTO


Panuto. Basahing maigi ang talata. Sagutan ang mga katanungan batay sa talatang nabasa.
NASYONALISMO SA ASYA
Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga
sa Inang-bayan (Kabihasnang Asyano SEDP edisyon). Ang Nasyonalismo sa may iba’t ibang anyo tulad ng
defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive
nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.
Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa. Makikita ito sa pagtutulungan at
pagkabuklod-buklod ng mamamayan sa iisang kultura, saloobin at hangarin. Maitururing ding manipestasyon ng
nasyonalismo ang pagmamahal sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bayan.

Naipapakitta rin ang nasyonalismo sa pagiging makatuwiran at makatarungan. Ang kahandaan ng isang tao
na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng
nasyonalismo.

1. Ipaliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo? (2 puntos)


2. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita o maipapahayag ang iyong pagmamahal sa iyong bansa
(nasyonalismo)? 3 puntos
3. Ano-ano ang manipestasyon ng nasyonalismo? (5 puntos)

III. MODIFIED TRUE OR FALSE. Basahin ang mga katanungan. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
TAMA at MALI kung ang pahayag ay walang katotohanan. Kung ang pahayag ay mali, hanapin sa kahon ang
tamang kasagutan at isulat ito sa sagutang papel.

Mohandas Ghandi Central Powers

Marco Polo Allies

Non-violent means Unang Digmaang Pandaigdig

_____________1. Si Jawaharlal Nehru ang naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangi-tanging
tahimik na pamamaraan ng pagtututol upang matamo ng India ang kalayaan. Nakilala sya bilang Mahatma o
Dakilang Kaluluwa._____________
_____________2. Ang civil disobedience ay ang paraang ipinakilala ni Mahatma Ghandi kung saan hinikayat
nya ang mga Indian na magboykot o huwag bumili ng mga kalakal ng Ingles.__________
_____________3. Si Mohammed Ali-Jinnah ang nakilalang “ Ama ng Pakistan”. Pinamunuan nya ang Muslim
League na may layuning paghiwalayin ang Pakistan at India.______________
_____________4. Si Vasco da Gama ay isang italyanong adbenturerong nakapunta sa China at naging tagapayo
ni Kublai Khan. Isinulat nya ang the travels of Marco Polo.___________
_____________5. Nakilala si Mohandas o Mahatma Ghandi sa kanyang pagsulong ng agresibong paraan sa
pakikipaglaban para sa kalayaan.________________
________________6. Ipinatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang sistemang Mandato kung saan ang isang
bansa ay naghahanda upang maging Malaya at isang nagsasariling bansa na isasailalim muna sa patnubay ng
bansang Europeo.________________
________________7. Noong Agosto 1914 ay sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig._________
________________8. Maraming dahilan kung bakit sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914. Isa na
dito ay ang pag-aalyansa ng bansang Europe.______________
________________9. Ang alyansa ng Germany, Austria-Hungary at Italy ay tinawag na Allies.__________
________________10. Natalo sa Unang Digmaang Pangdaigdig ang Allies sa Versailes, France. Isa sa mha epekto
nito ay ang pagpasok ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya.

IV. JUMBLED LETTERS. Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pumili ng dalawang dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na magtungo sa Asya. Magbigay ng maiksing
paliwanag.

Mga Dahilan na Nagbunsod (Nagtulak) sa Mga Kanluranin na Magtungo sa Asya

1. MGA USRAKAD (mula 1096 hanggang 1273)-________________


2. RACMO OLPO-_______________
3. NARESIANSCE-_______________
4. PAGSAKGAB NG ELOPONITNATSNOC-___________________
5. REMKANLISTIMO-_________________

“Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa
lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya”. James 1:5

Inihanda ni: Bb. SOPHIA A. ARTATES Iniwasto ni: JESIEVEL A. GABAIS


Teacher I Teacher III/ AP Coordinator

Noted by: ROSALI E. APRUEBO


Principal III

__________________________________
Parent’s Signature

You might also like