You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 8

Unang Markahan-Lagumang Pagsusulit


Pangalan: _________________________ Petsa: ___________________

1. Ano ang pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng tao?


A. Neolithic
B. Middle Paleolithic
C. Lower Paleolithic
D. Upper Paleolithic

2. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkatatag ng permanenting tirahan?


A. Baha C. Pagsasaka
B. Bagyo D. Digmaan

3. Ano ang tawag sa Sistema ng pagsulat ng kasbihasnang Sumer?

A. Pictogram C. Cunieform
B. Hieroglyphics D. Caligraphy

4. Lahat ng salita sa ibaba ay mga pangunahing lahi sa mundo maliban sa isa, ano ito?
A.Mongoloid C. Caucasian
B.Dravidian D. Negroid

5. Anong tawag sa kauna-unahang imperyo sa daigdig?


A. Akkad C. Assyrian
B. Roman D. Babylonian

6. Anong pangkat ng tao sa sistemang Caste ng India ang mga magsasakang walang sariling lupa?
A. Sudra C. Vaisya
B. Pariah D. Ksatria

7. Anong tawag sa wikang klasikal ng panitikan Indian.


A. Hindi C. Bengali
B. Nepungo D. Sanskrit

8. Alin sa sumusunod ang maaring mag larawan sa klima ng Indonesia?


A. Tropical na klima
B. Mala Disyertong Init
C. Buong Taon na nagyeyelo
D. Nakararanas ng apat na klima

9. Alin sa sumusunod ang suliranin maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag unlad ng ekonomiya
B. maraming sigalot sa mga bansa
C. may posibilidad na maraming mamamayan ang hind magkaka unawaan.
D. walang sariling pagkakakilanlan ang bansa

10. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko
B. Umunlad ang Sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko
C. ang Sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan
D. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.

11. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?

A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga
estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.
C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

12. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (u)


A.May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator.
B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin.
C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng unang imperyo sa daigdig.
D.Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang taong nanirahan sa mga
lambak nito.
13. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? (U)

1
A.Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
C. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
D.Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao.

14. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong
Neolitiko? (U)
A.Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan.
B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain.
C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop.
D.Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa kasalukuyan.

15. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang
mga paniniwala? (U)
A.Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon.
B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon.
C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon.
D.Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon

16. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? (U)
A.Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
D.Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

17. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? (U)
A.Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga ambag.
C. C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D.Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

18. Alin sa mga sumusunod ang naging daan sa pagpapangkat ng mga tao sa lipunan.
A. Trabaho C. Wika
B. Relihiyon D. Lahi

19. ang panahong paleolitko ay kilalan sa kasaysayan bilang panahon ng pag unlad sa kultura ng tao, bakit sinasabing
kontrolado ng specie na Homo habilis ang panahong paleolitko?
A. Dahil sa larangan ng agrikultura at pagpipinta, walang makatalo sa specie na ito.
B. dahil sa kakayahan ng specie na ito namakagawa ng kasangkapang yari sa bato.
C. dahil dalubhasa ito sa larangan ng labanan.
D. dahil natutunan nila ang pag-pa amo ng hayop.

20. Kapuna-puna ang mabilis na pag-unlad ng sinaunang tao sa larangan ng panghanap-buhay, paano nagsimula ang
sistemang pangkalakalan?
A.nagsimula ito ng matuklasan ng tao.
B.nagsimula ito ng maimbento ng tao ang Sistema ng pagsulat.
C. nagsimula ang sistemang pangkalakalan, kasabay sa pagpa amo ng hayop.
D. nag simula ang kalakalan dahil natuklasan ang pagsasaka.

21. Ano ang hanapbuhay sa panahong Paleolitiko/


A. Pagmimina
B. Pagpapastol
C. Pangangaso
D. Pangangalakal

22. Anong tema ng heogrpiya ang tinutukoy kung ang pinag-uusapan ay ang kaunlarang nakamit ng Tsina dulot ng 1 child
Policy.
A. Lugar C. rehiyon
B. Lokasyon D. Interaksiyon

You might also like