You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 8

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan:______________________________Grade & Section:_____________ Score: __________

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. REMEMBERING
1.Ano ang tawag sa panggitnang pangkat ng tao sa lipunan ng Gitnang Panahon sa Europe?
a. Bourgeoisie b. Hari c. Politiko d. Pari
2. Sa sistemang pang-ekonomiyang ito, ang batayan ng kayamanan ng isang bansa ay nasa dami ng ginto at pilak.
a. Bullionism b. Imperyalismo c. Kolonyalismo d. Merkantilismo
3.Anong uri ng pamahalaan ang pinamumunuan ng hari at reyna?
a. Komunismo b. demokrasya c. Federalismo d. Monarkiya
4.Sino ang manlalayag na nagpatunay na ang mundo ay hugis bilog?
a. Amerigo Vespucci b. Bartholome Diaz c. Christopher Columbus d. Ferdinand Magellan
5. Saan nagsimula ang industriyalismo?
a. France b. Italy c. Great Britain d. Spain
6. Ito ay kagamitang nagbibigay ng tamang direksyon.
a. araw b. buwan c. compass d. relo
7. Gimagamit itong pampalasa sa pagkain.
a. asin b. betsin c. knorr d. spices
8. Makinang nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bokilya.
a. cotton gin b .steam engine c. spinning jenny d. power loom
9. Pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika noong Rebolusyong Industriyalismo.
a. uling at iron b. uling at langis c. uling at tubig d. uling at kuryente
10. Tinawag itong “pinakamaningning na hiyas” noong ikalawang yugto ng imperyalismo.
a. Amerika b. India c. Great Britain d. France
11. Isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang
Bansa
a. concession b. kolonya c. protectorate d. sphere of influence
12. Siya ang Pope na naghati sa lupaing maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
a. Pope Alexander VI b. Pope Benedict I c. Pope Francis d. Pope James VI
13. Karagatang natuklasan ni Ferdinand Magellan.
a. Atlantic b. Arctic c. Indian d. Pacific
14. Natuklasan ni Bartholome Diaz sa timog bahagi ng Africa.
a. Cafe of Africa b. Cape of Good Hope c. Cape of South d. Cape Verde
15. Paniniwalang ang araw ang Sentro ng Solar System.
a. Astrolope b. Copernican c. Geocentrism d. Heleocentrism

B. UNDERSTANDING
16. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang Bourgeoisie?
a. Sila ay mga mangangalakal c. Sila ay may malawak na lupain
b. Sila ay mga alipin d. SIla ay may karapatang mamahala
17.Paano nanumbalik ang kapangyarihan ng Hari ng Europe?
a. Sa pamamagitan ng pagsakop ng mga lupain c. Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga landlord
b. Sa pamamagitan ng tulong ng mga Bourgeoisie d. Sa pamamagitan ng pagbenta ng mga ari-arian
18. Sa paanong paraan ginusto ng mga Europeo ang sipces o rekado?
a. Gamit bilang palamuti c. pampalasa ng kanilang pagkain
b. Pantaboy ng masasamang espiritu d. bilang isang pampasuwerte
19.Ang nag-udyok sa mga kanluranin upang maglayag patungong silangan ay ang ___________.
a. paghahanap ng mga spices at mga kayamanan c. pakikipagsanib puwersa sa mga mahihinang bansa
b. pakikipagkilala sa iabt ibang tao sa mundo d. paglalakbay upang makita ang mga magagandang tanawin
20.Hinati ni Pope Alexander VI ang mundo para sa Portugal at Espanya upang _____________
a. maipakita sa mga tao na pwedeng hatiin ang mundo
b. malaman ng Spain at Portugal ang kanilang hangganan wsa paggalugad
c. magkaroon ng disenyo ang mundo
d. masobrahan ng Portugal ang kanyang tutuklasing lupain
21. Anong suliraning naidulot ng Unang Yugto ng Kolonisasyon sa mga bansang nasakop ng Espanya?
a. pagkawala ng kalayaan c. pagkakaroon ng madaming kakampi
b. pagiging sikat sa mundo d. pagkamit ng kapayapaan
22. Ano ang naging epekto ng Enlightenment o Kaliwanangan sa pamahalaan?
a. nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno
b. nagkawatak-watak ang magkakakampi sa pamahalaan
c. nagkaroon ng makabagong ideya na maaaring gamitin sa ikabubuti ng pamamahala
d. walang pagbabagong naganap at wala itong naging epekto.
23. Ginawang protectorate ng mga mananakop ang mga bansang nasakop dahil _________
a. iyon ay utos ng hari nila kaya dapat nila itong sundin
b. gusto nila ng protektahan ito mula sa paglusob ng ibang mananakop
c. inakala nilang inutil ang mga bansang ito
d. naghahanap pa sila ng ibang bansang sasakupin
24. Ano ang paniniwala ng mga Europeo tungkol sa white man’s burden?
a. ang mga mapuputi ay dapat na maghari sa mundo
b. tungkulin ng mga mapuputi na layuan ang mga bansang maiitim ang lahi
c. obligasyon nilang panaigin ang kanilang kabihasnan sa mga bansang sinakop
d. ang itim ay walang karapatang mamuno sa anumang bansa
25. Ano ang kinahinatnan ng pananakop ng mga Europeo?
a. dumami ang kanilang mga kaibigan c. naging mabuti ang kanilang samahan sa ibang bansa
b. naubusan sila ng mga tauhan sa paglalayag d. lumawak ang kanilang mga teriroyo o lupain

C. APPLYING
26.Ang compass ay ginagamit ng mga manlalayag. Paano mo ito gagamitin?
a. hahayaan na lamang c. itatapat sa araw
b. itatapat sa lokasyon na tatahakin d. ibibigay sa kapwa manlalayag
27. Sa pag-aaral, naunawaan at nalaman mo mula sa mga binasa mong aklat ng AP ang tunay na pakay ng mga
dayuhan kung bakit isinakatuparan ang kolonyalismo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maaaring gawin? Piliin
ang sagot sa ibaba ng mga pahayag.
1. Magsasagawa sa klase ng dula-dulaang nagpapakita ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga dayuhan
2. Ipapanood sa klase ang mga videos/pelikula na nagpapakita ng pananakop at pagsasamantala
3. Pagbibigay ng pamphlet na may larawan ng pang-aabuso at pagsasamantala ng mga dayuhan
4. Gagawa ng isang tula o awitin na may Damdaming nasyonalismo
a. 1 2 3 4 b. 2 3 4 1 c. 3 4 1 2 d. 3 4 2 1
28. Ang mga bansa sa Asya at maging sa Amerika ay biktima ng panghihimasok at pagsasamantala ng mga Kanluranin
kaya naman nagdulot ito ng damdaming nasyonalismo at nagnais ang mga kolonyang bansa ng kalayaan. Sa paanong
paraan mo maipapakita ang iyong makabayan laban sa mga dayuhang mananakop?
a. Pagbili ng produktog imported
b. Makipagkaibigan sa mga dayuhan para magkaroon ng mas malalim na samahan
c. paggamit ng dahas upang patalsikin ang mananakop
d. pagpapahalaga sa mga kultura, tradisyon, paniniwala at pagtangkilik sa sarinig produkto
29. Ang repormasyon ay ang pagbabago sa pamamalakad ng simbahang katoliko noong Gitnang Panahon. Paano ito
nakatulong sa kasalukuyan?
a. nalalaman ng mga tao ang tamang katuruan sa bibliya
b. nagiging bukas ang simbahan para sa lahat
c. mas lumalalim ang pananampalataya ng mga tao
d. a at c
30. May sapat na suplay ng uling at iron sa panahong Industriyalismo, gagamitin ito bilang ______
a. pangluto c. pampatakbo ng mga makinarya
b. pansulat d. hindi ko papansinin
31.Paano naipapakita ang iyong pagkamakabayan?
a. tatangkilikin ang produkto ng ibang bansa c. gagayahin ang mg KPOP
b. susunod sa mga kaugaliang maka-Pilipino d. hindi susunod sa mga batas
32.Ang teleskopyo ay naimbento noong Rebolusyong Industriyalismo, paano ito ginagamit sa kasalukuyan?
a. ginagamit upang Makita ang malalayong bagay o lugar
b. pinangsusukat sa lawak ng lupain
c. pinangtitimbang sa mabibigat na bagay
d. pinangpoprotekta ng mata mula sa sinag ng araw
33. Ang Enlightenment ay nakatulong sa mga kababaihan noon at ngayon sa pamamagitan ng __________
a. pagbibigay ng mga karapatan sa kababaihan ng pantay na karapatan sa mga kalalakihan
b. pagkakaroon ng asawa kung sila ay handa na
c. pakikisalamuha sa ibang mga kalalakihan
d. pananatili sa tahanan at paggawa ng mga gawaing-bahay
34.Paano mapapakinabangan ang Rebolusyong Industryal sa kasalukuyan?
a. napapadali ang mga gawain natin sa araw-araw
b. nakadepende na lamang ang mga tao sa bagong kagamitan at nagiging tamad na
c. nawawalan ng gana ang mga tao na maghanap ng trabaho
d. marami ang nawawalan ng hanap-buhay
35. Ikaw ay pumuntang Amerika para magtrabaho, nagulat ka dahil sa malaking pagkakaiba ng kultura at kaugalian ng
mga Amerikano, ngunit pagkalipas ng sampung taon ay nasanay ka na sa kanilang kultura. Bilang isang Pilipino, ano ang
iyong gagawin upang mapanatili ang sarili mong kultura at pagkakakilanlan?
a. makikisabay sa uso sa Amerika
b. kalimutan na lamang ang kultura ng Pilipinas
c. panatilihin ang kultura at kaugaliang Pilipino kahit nasa Amerika ka
d. mag-asawa ng Amerikano at huwag nang umuwi ng Pilipinas

D. ANALYZING
36. Alin ang naglalarawan ng Rebolusyong Industriyal?
a. paggamit ng makinarya upang maibsan ang gawaing manwal
b. pagdami ng mamamayang lumipat mula sa syudad papuntang probinsya
c. pagsikat ni Galileo Galeli at Thomas Hobbes
d. pagsikat ni Graham Bell dahi lsa naimbento niyang telepono
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epekto ng Rebolusyong Industriyal o Industriyalisasyon?
a. dumami at bumilis ang produksyon c. dumami ang trabaho para sa mga tao
b. dumagsa sa lungsod ang mga taga probinsya d. nagpatayo ng maraming paaralan at mall
38.Anu-ano ang maaaring tuwirang epekto ng pagkakaroon ng kaisipang kolonyalismo sa isang bansa.
Piliin ang sagot sa ibaba ng mga pahayag.
1. Nasanay ang mga tao sa paggamit ng produktong dayuhan
2. Nagtatag ang mga mananakop ng sentralisadong pamahalaan
3. Pinakinabangan ng husto bunga ng Rebolusyong Industriyal
4. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
a. 1 2 3 4 b. 2 3 4 1 c. 3 at 4 d. 1 at 2
39. May matagal nang alitang pulitikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong
Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang naitulong sa pananagumpay ng huli.
Batay dito, ano ang mas angkop na pangyayari ang maaaring mabuo?
a. magkakampi ang France at United States
b. magkasabay na nilabanan ng England ang US at France
c. galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa US
d. ginamit na pagkakataon ng France ang Rebolusyong Amerikano upang mapabagsak ang England
40. Alin sa mga sumsunod ang kabilang sa hindi dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
a. paggamit ng manifest destiny
b. paglaganap ng terorismo sa bansa
c. bunsod ito ng pangangailangan ng hilaw na materyales
d. pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan

E. EVALUATING
41.Ang bullionism ay sentral sa teorya ng mga merkantilismo kung saan ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa
dami ng mahahalagang metal. Ano ang ipinapahiwatig ng konseptong ito?
a. Ginto at pilak; kapalit ang mga sandatang pandigma laban sa mananakop
b. Mas maraming ginto at pilak; maraming pera ang malilikom mula sa mga buwis
c. Pagkakaisa sa pamamagitan ng mga ginto at pilak para sa kalayaan
d. B at C
42. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Espanyol, sa panahon ngayon alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa
impluwensya nila?
1. Inagaw ng mga Dutch ang Moluccas mula sa Portugal
2. Natuklasan ni Magellan ang Karagatang Pasipiko
3. Paglaganap ng Katolisismo sa ibat-ibang panig ng bansa
4. Tsinelas at karwahe ilan sa mga salitang Espanyol na ginamit ng mga Pilipino
a. 1 at 4 b. 1 at 2 c. 2 at 3 d. 3 at 4
43. Sa epekto ng imperyalismo sa Africa, pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman. Ang
ipinapakahulugan nito ay __________
a. Nasira ang katutubong kultura ng mga taga Africa
b. Pag-unlad ng bansang Africa dahil sa pananakop ng Kanluranin
c. Sinira ng mga taga-Africa ang likas na yaman ng Kanluranin
d. Umangat ang pamumuhay ng mga taga-Africa
44. Nang mapabagsak ng mga rebolusyunaryo ang hari ng France at maitatag ang Republika, ito ay nagbigay takot sa _
a. Great Britain at Spain na hindi mapipigil ang kapangyarihan ng Pranses
b. Pranses na hindi maipagpatuloy ang pagpapalaganap ng rebolusyon
c. Monarko, dahil sa posibleng pagbagsak ng kanilang pamumuno
d. Pranses, dahil sapagpapadala ng hukbong sandatahan
45. Kailangang madama at paghirapan ang pagkamit ng nasyonalismo; ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang proseso sa pagkamit at pag-unlad ng nasyonalismo ay hindi biglaan
b. Ang damdaming pagiging matapat at mapagmahal sa bansa
c. Pagpapahirap sa mga taong naghahangad ng kalayaan
d. Pagiging miserable ng buhay ng taong naghahangad ng nasyonalismo

F. CREATING
46. Ikaw ay kabilang sa merkalismong doktrina. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin upang mapaunlad ang iyong
bansa?
a. daragdagan ang pagbabayad ng buwis na binabayaran ng mga mamamayan at mga dayuhan na nag-aangkat
ng mga produkto
b. Magpapagawa ng pandigmang barko kapalit ang pilak at ginto
c. Pagpapataas ng dami sariling produkto upang hindi na umasa sa produktong dayuhan
d. Pagtangkilik sa dayuhang produkto, upang tangkilikin din nila ang produkto sa iyong bansa
47. Kung ang iyong bansa ay kabilang sa mga bansang hindi umuunlad o natutulog ng mahabang panahon, ano ang
iyong gagawin kaugnay sa impluwensya ng Enlightenment?
a. hihikayatin mo ang iyong kapwa na mag-aral at gumamit ng katuwiran para iwanan ang tradisyunal na
kaugalian
b. ibebenta ang ari-arian ng iyong pamilya upang matustusan ang inyong pangangailangan
c. ipagpapatuloy ang mga paniniwala sa pamilihan dahil ito ay kaugnay sa pamumuhay ng isang tao
d. gagamitin ang katuwiran upang mapaunlad ang mga kaugalian at pamahiin na pinamana ng iyong mga ninuno
48. Sa epekto ng kolonisasyon sa mga bansang nanakop, ginamit nila ang “pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan,
ispiritwal at pangkultura”. Ano ang ang nagpapatunay dito?
a. pakikipagpalitan ng produkto sa ibang bansa
b. paglago ng ibat-ibang relihiyon sa ibang panig ng bansa
c. pagtatrabaho ng sapilitan sa ibayong bansa
d. pagbebenta ng teriyoryo ng Pilipinas
49. Kung ikaw ay kabilang sa panahong nangyari ang rebolusyon laban sa Great Britain, ang larawan sa ibaba ay
kumakatawan Sa Estado ng Amerika, ito ay nagbibigay mensahe na ___________

a. kailangang maging matalino sa pakikipaglaban katulad ng ahas


b. pagkakaisa susi sa pagtatagumpay
c. mag-ingat sa British na kawangis ng ahas
d. walang maaapi kung walang papaapi
50. Ikaw ay kabilang sa mga millenials kung tawagin, alin sa mga pahayag ang nagpapakita na may nasyonalismo pa rin
sa panahon ngayon?
a. mamuhunan sa ibang bansa para malaki ang kita
b. sumunod sa batas na ipinapatupad ng sariling barangay
c. mag-tapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa
d. gumamit ng wikang Ingles sa pagpapakilala ng kulturang Pilipino

Prepared by: Checked By:

John Arthur F. Goltiao Rowena A. Domingo


Teacher II Head Teacher

Approved:

Josie M. Macaraeg, Ed.D.


Principal IV

You might also like