Professional Documents
Culture Documents
UNANG BAHAGI
( SAKNONG 1- 83)
Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na ‘di halos mapasok
ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop
dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat,
nakatali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay
gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan, kasawian,
kalupitan at pagsasamantala sa kahariang Albanya. Walang katarungang umiiral sa loob at
labas ng bayan. Nangyayaring pinapanigan pa ng makapangyarihan ang masama at
sinungaling: pinapatay ang nagsasabi katotohanan at binubusalan ang nagsasabi ng
kabutihan. Sa lahat ng ito’y nagsawalang-kibo na lamang ang mga tao. Kagagawan ni Konde
Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring Linseo at
ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos. Humihibik siya sa langit na sana’y
parusahan ang may kagagawan ng lahat ng ito, ngunit waring ayaw siyang pakinggan ng
Diyos. Sa kabilang dako, nananangan siyang Diyos ang nakababatid kung ano ang nanasa
sa loob niya.
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito at
parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t
nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na
si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang
nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob
ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni Laura.
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa
buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa
namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay pinababaunan ni
Laura ng luha. Pinahihiyasan din ni Laura ng letrang L at mahahalagang bato at dyamante
ang turbante ni Florante. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata ay huhugasan
agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng
binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit
natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang
pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si
Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.
Nagkataong dumating sa kagubatang kinaroroonan ni Florante ang isang mandirigma
o gerero na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya, si Aladin. Naupo ito sa
lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Inagaw ng kanyang malupit na amang si Sultan
Ali-Adab ang pinakamamahal niyang si Flerida. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama. Kahit masakit ay
namayani pa rin kay Aladin ang paggalang sa ama kaya’t sa halip na gantihan ang amang
nang-agaw sa kanyang kasintahan ay minabuti niyang magparaya at maglagalag na lang sa
kagubatan kung saan nakagapos si Florante. Naghimutok ang gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-
ibig.
1
II. IKALAWANG BAHAGI
(SAKNONG (84-171)
2
III. IKATLONG BAHAGI
(SAKNONG (172-255)
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante kay Aladin ang kanyang buhay
simula sa una hanggang sa naging masama ang kanyang kapalaran. Si Florante ay ipinanganak sa
Albanya. Sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca naman ang kaniyang mga magulang. Kung sa Krotona
siya ipinanganak, siyudad ng kanyang ina, imbes sa Albanya na siyudad ng kanyang ama ay mas
naging masaya sana siya. Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo. Nakuwento rin
niya na kamuntikan na siyang madagit ng isang buwitre habang ito’y natutulog sa kinta nung siya’y bata
pa. Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at pinatay ang buwitre sa pamamagitan
ng pagpana dito. Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol kasama
ang kaniyang mga kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon. Madaling araw palang ay umaalis na ito
sa kanila at inaabot ng tanghaling tapat. Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni Florante
doon dahil inutos ng kanyang ama na siya’y umalis sa Albanya.
Pinutol ng ama ni Florante ang tinatamasa niyang kaligayahan sa hangaring mapabuti ang
kanyang buhay. Pag-aaralin siya sa Atenas upang mamulat ang kanayng isipan sa wastong
pakikisalamuha sa kapwa sa kapwa sa kabila ng pagtutol at pagluha ng kanyang mahal na ina. Batid
ni Duke Briseo na sa magulang ibinubunton ang sisi kapag ang bata’y hindi naging mabuting sa kanyang
paglaki tulad ng pagpapalaki sa layaw at samang ibinubunga nito. Ang mundo ay puno ng kahirapan
kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang tao ay di marunong magtiis, hindi niya
mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo. Ang lahat ng ito’y dulot ng di-wastong pag-
aaruga o kapabayaan ng magulang. Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung siya’y bata pa
upang doon ay mag-aral. Doon ay mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong buhay. Nag-aral si
Florante sa ilalim ng pangangasiwa ni Maestro Antenor. Mula noong dumating sa Atenas ay gayon na
lamang ang kanyang lungkot at pangungulila. Hindi niya mapigilan ang pagluha, mabuti na lamang at
inaaliw siya ng maestrong kumukop sa kanya. Isa sa kanyang dinatnan ay si Adolfo, kanyang
kababayan at nanak ni Konde Sileno, labintatlong taong gulang, larawan ng kabaitan. Ngunit ang
ipinagtataka niya ay hindi niya makagiliwan ang ipinapakitang kabaitan nito. Samantala, natutuhan niya
nag pilosopiya, astrolohiya at matematika. Anong laking tuwa ng kanyang mga kaeskwela pati ng
kanyang dahil sa mabilis niyang pagkatuto. Nahalata hindi bukal sa kalooban ang ipinapakitang
kabaitan ni Adolfo.Nahalata rin ito ng mga mag-aaral minsang magdaos palatuntunan ang paaralan.
Nagdaos ng isang paligsahan sa pagsayaw, larong buno at arnis. Pagkaraa’y nagtanghal ng isang
trahedya at dito’y gumanap na Etyokles at Polinese sina Florante at Adolfo. Nagkalaban ang dalawa
bilang magkapatid kapwa naghahangad ng korona ng kanilang si Edipo. Ngunit sa halip na sundin ang
iskrip ay ipinabatid ni Adolfo na inagaw ni Florante ang kanyang kapurihan at dapat itong mamatay.
Ngunit nakaiwas siya sa tatlong maririing tag ani Adolfo, Salamat sa mabilis na pagsaklolo ni
Menandro.Kinabukasan ay hindi na nila Nakita si Adolfo. Umuwi na ito sa Albanya.
Isang taon pa ang inilagi ni Florante sa Atenas habang hinihintay ang pasya ng kanyang ama;
hanggang sa makatanggap siya ng sulat na may hatid na kamandag sa kanyang puso. Isinasaad sa
sulat ang pagkamatay ng kanyang ina. Nawalan siya ng malay at nang manumbalik ang kanyang
kahinahunan, nakadama siya ng lungkot at sakit.Nag-iisa siya sa gitna pagdurusa at kalungkutan. Labis
dinamdam ni Florante ang pagkamatay ng kanyang ina. Nawala ng halaga pati ang pang-aliw ni
maestro hanggang dumating ang ikalawang sulat ng ama na pinauuwi siya sa Albanya. Hindi naman
nagkulang ng payo si at habilin ang kanyang maestro upang makapag-ingat kay Konde Adolfo
pagdating sa kanyang bayan. Luhaan ang mga kaeskwelang naghatid kay Florante gayundin si
Menandrong lungkot na lungkot sa paghihiwalay nila hanggang sa payagan ng kanyang amain na
sumama sa Albanya. Sa bilis ng sasakyan ay nakarating agad sa bayang sinilangan.
3
IV. IKAAPAT NA BAHAGI
SAKNONG (256-346)
4
IV. IKALIMANG BAHAGI
SAKNONG (347- 399)
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si Aladin mula
sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante,
mamuhay na silang magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa
kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit
wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan ng ulo
si Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas
sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal
ni Flerida.
Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap.
Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang minamahal,
nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung
papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit
nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal
tumakas ang babae na nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at
gubat hanggang sa mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang pagtatagpong iyon,
di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na
gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo,
ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari
at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si
Laura ngunit humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante.
Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at naipatapon. Handa nang
magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura
kay Florante. Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na
iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.
Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang hukbo.
Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong
hari na si Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa
pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.
Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa
Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura.
Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang
kanyang “Ay!...Ay!”