You are on page 1of 2

Kabanata 9: Ang Tagapagligtas

Sa pagkakataong ito, hindi na natiis ng gerero na si Alladin ang naririnig na daing at


panaghoy. Matinding awa ang kaniyang nadarama sa lalaking kaniyang naririnig.
Kaya hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang
mga dawag hanggang sa marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Nang makita
niya ay nagdalawang isip siyang tumulong kaagad, sapagkat ang binatang
nakagapos ay Kristiyano na mortal na kalaban ng mga morong katulad niya. Anyong
sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay.
Sinugod at pinatay ng gerero ang dalawang leon, pagkatapos ay kinalagan ng tali
ang binatang noon ay wala nang malay. Alalang-alala siya sa kaniyang iniligtas.
Hinaplos niya ang mukha at dibdib nito upang damhin kung humihinga pa.
Napayapa lamang si Alladin nang magsimulang kumilos at makitang buhay pa ang
Kristiyanong kaniyang tinulungan.

Kabanata 10: Pagkalinga ng Isang Kaaway


Nang matauhan at magising ang binate na si Florante, si Laura agad ang unang
nasambit na pangalan at hinanap. Nagulat siya nang mamalayang nasa kandungan
siya ng isang morong itinuturing na kaaway ng kaniyang lahi at wala siya sa
kandungan ni Laura. Pinilit niyang bumangon subalit hindi niya kinaya. Ipinaliwanag
ng gerero na hindi niya natiis na hindi tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man
sila ng pananampalataya, nakaukit din sa kaniyang puso ang pagtulong sa kapwa
gaya ng iniuutos ng langit. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit
pang ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas.

Kabanata 11: Mga Mapagpalang Kamay


Walang kibuan ang dalawang binata na sina Florante at Aladin hanggang sa
lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang malapad at malinis na
bato. Pinakain ng Moro ang binata na hindi nagtagal ay nakatulog sa kaniyang
kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising
ay naghihimutok. Kinabukasan ay nagsimula nang manumbalik ang lakas ni
Florante. Dahil sa pagtataka, itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob ni
Florante.

Kabanata 12: Bugtong na Anak


Isinalaysay ng binatang Kristiyano ang kaniyang buhay. Nagbalik-tanaw siya sa
kaniyang nakaraan mula nang siya ay isilang hanggang sa masadlak sa kaawa-
awang kalagayan. Siya ay si Florante na nag-iisang anak nina Duke Briseo ng
Albanya at Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang
kaniyang ama ay tanungan o sanggunian ni Haring Linceo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama
si Duke Briseo. Ibinahagi rin ni Florante sa gerero ang ilang mahahalagang
pangyayari sa kaniyang buhay lalo na noong siya ay bata pa lamang. Nang sanggol
pa siya ay muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng
pinsang si Menalipo. Isang araw naman, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa
kanilang salas at dinagit ang kaniyang diyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya ay
siyam na taon na, pinalilipas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa
ay natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal
siya sa kalikasan.

You might also like