You are on page 1of 12

COLEGIO DE STA. LOURDES OF LEYTE FOUNDATION, INC.

TABONTABON, LEYTE
Brgy. 1 Quezon Tabontabon, Leyte
Cellphone No.: 0905 724 4430
Website: https://csllfi.wordpress.com

COLLEGE OF NURSING & COLLEGE OF ENTREPRENEURSHIP

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik


Modyul 2

Layunin:

1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito


2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa
3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binabasa

Sanggunian:
CSLLFI CSLLFI

Belvez, Paz M. and Iliscupidez, Priscila P. et al. Sining ng Komunikasyon Pangkolehiyo


(Filipino I). 2003. Rex Printing Company, Inc. P.Florentino Sta. Mesa Heights, Lungsod ng
Quezon.
Santos, Angelina L. et al. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon. 2012. Mutya
Publishing House, Inc. 105 Engineering Road, Araneta University Village, Potrero, Malabon
City.
Magracia, Emma B. et al. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. 2008. Mega-
Jesta Prints, Inc. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision Dalandan, Valenzuela City.

Aralin 2: PAGBASA

Tumangan et al. (1997). Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na


simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga
kaisipan.
Austero et al. (1999). Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at
kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-
unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.
Lorenzo et al. (1994). Ang isang masining na pagbabasa ay yaong umaalinsunod
sa mga alituntunin nang maayos, tama at mabisang pagbabasa na nagiging kapaki-
pakinabang sa bumabasa o mga nakikinig.
Richards, Platt at Platt (1992). Ang pagbasa ay pag-unawa sa nakasulat na teksto upang
maunawaan ang nilalaman nito. Maaari itong gawin sa matahimik na paraan at maaari rin
naman sa paraang oral.
Belvez et al. (1987). Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito. Ang pagbasa’y isang
bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsulat. Ito’y pag-unawa
sa wika ng may-akda sa mga nakasulat na simbolo. Ito ay paraan ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya ng mga kagamitang nakalimbag.

Ang Proseso ng Pagbasa


A. Prosesong Sikolohikal na pagbasa :Teoryang Iskema

Ayon sa simulain ng teoryang ito, ang teksto, pasalita man o hindi aywalang taglay na
kahulugan. Ang isang teksto ay nagbibigay ng direksyon sa tagapakinig o tagabasa kung paano
bubuuin ang kahulugan nito mula sa dating kaalaman o background knowledge na tinatawag
CSLLFI

ding iskema. Ang teoryang iskemang ito ay nakaorganays na sa ating dating kaalaman at mga
karanasan kung saan nakalagay na sa ating isipan at maayos na nakalahad ayon sa
kinabibilangan nito. Ang dating mga kaalamang ito ay hindi lamang basta o nananatiling
nakaimbak sa ating mga utak, bagkus ang mga ito ay patuloy na ginagamit sa pag-uugnay ng
ating mga makabagong karanasan o kaalaman. Patuloy ang mga iskemang ito na nadaragdagan ,
nalilinang, napauunlad at nababago.
Ang mga iskemang ito ay matatawag ding “kahon ng impormasyon” kung saan
nakaimbak ang lahat ng mga karanasan. Ang isang indibidwal ay nakabubuo ng isang konsepto
na nanggaling na sa dati niyang kaalaman. Tulad halimbawa ng konseptong “pagpasok sa
eskwelahan”. Ang mga iskema ay nagmumula sa ating panlahat na karanasan na ating
naiuugnay sa kasalukuyan na kung saan mayroon nabubuong konsepto na ang eskwelahan ay
lugar kung saan nag-aaral ang mga bata, may malalaking mga gusali ang makikita, at may mga
masisipag na mga guro. Kasama na rin sa iskemang ito kung paano tinuturuan ang mga batang
mag-aaral pati na rin ang tamang pagkilos, pagsasalita, maging ang pagsasamahan ng mga guro
sa eskwelahan.

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
CSLLFI

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
Ang lahat ng mga bagong impormasyong ating natutunghayan ay nananatili at naiimbak sa
ating dating kaalaman o iskema. Bago pa man magbasa ang isang tao ng tekstong napili, ay
mayroon na siyang ideya tungkol dito batay sa taglay niyang iskema. Ito ay ayonn sa bagong
paniniwala sa proseso ng pagbasa. Babasahin pa rin ang teksto upang mapatunayan sa sarili na
ang mga haka o hula ay tama o may pagkakahawig o may pagkukulang. Sa ganitong
pangyayari, masasabi na ang teksto ay isa lamang instrument sa proseso ng pagbuo ng
kahulugan. Hindi ang teksto, kundi ang kaisipang nabubuo ng mga mambabasa ang mahalaga
upang maunawaan ito

B. Interaktibong Proseso ng Pagbasa


Napakahalaga sa isang guro at mag-aaral ang pagkakataon ng isang matibay na pag-
unawa sa proseso ng pagbasa. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang Teoryang “Bottom Up”
Binibiyang diin ng teoryang ito na ang pagbasa ay nag pagkilala ng mga serye ng mga
nakasulat na simbolo upang maibigay ang kaakibat nitong tunog. Ang pagkatuto sa pagbasa ay
nag-uumpisa sa pagkilala ng mga titik o letra hanggang sa salita, parirala o pangungusap
patungo sa talata bago maibigay ang kahulugan ng binasang teksto. Samakatwid, ito ang unang
hakbang upang makilala ang mga nakalimbag na anumang simbolo ng binabasang teksto tulad
CSLLFI

ng mga letra na siyang bumubuo ng mga nakasulat na salita.

Ayon kay Badayos (1999), ang isang taong umaayon sa pananaw ng bottom up ay
naniniwala na ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga salita, ang teksto ang pinakamahalagang
salik sa pagbasa.
Lahat ng mga kaalamang matututuhan ay nanggaling sa pagbasa sa tekstong napiling
basahin. Maibibigay ang kabuuang kahulugan ng tekstong binasa sa huling bahagi nito. Ang
pag- unawa sa binasa ay nagsisimula sa teksto patungo sa tagabasa na kung saan ang teksto ay
ang “bottom” at ang tagabasa ay ang “up”.
2. Ang Teoryang “Top Down”
Kung ang teoryang bottom up ay nagsisimula sa teksto patungo sa tagabasa, ang top
down naman ay nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa (top) patungo sa teksto (down) sapagkat
ang dating kaalaman o prior knowledge ang nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto. Habang
nagbabasa ang isang indibidwal ito’y nakikipag-usap sa may-akda sa pamamagitan ng teksto
kung kaya’t masasabing ang tagabasa ay isang aktibong indibidwal sapagkat gamit niya ang
dating kaalaman. Upang lubos na maunawaan ang teoryang ito, tunghayan ang tatlong
impormasyon ayon kay Badayos (1999):
a. Impormasyong Semantika. Ito ang pagpapakahulugan sa mga salita at

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
pangungusap.
b. Impormasyong Sintaktik o impormasyong istruktura ng wika. Ito ay tungkol sa
pagkakaayos at istruktura o kayarian ng wika.
c. Impormasyong Grapho-Phonic. Tungkol ito sa ugnayan ng mga letra (grapheme)
at mga tunog (phonemes) ng wika kasama rito ang impormasyon tungkol sa
pagbaybay na naghuhudyat ng kahulugan.

3. Teoryang Interactiv. Sa ilang mga eksperto sa pagtuturo ng proseso ng pagbasa, hindi raw sapat
na ang teoryang bottom up at top down lamang ang gagamitin o bibigyang pansin. Mas
makakatulong daw nang malaki sa mga tagapabasa kung pagsasamahin o gagamiti nang sabay
ang dalawang teorya bottom up at down, para lalong maging epektibo ito, dahil dito isinilang ang
teoryang interactive. Ibig sabihin hindi lamang ang teksto ang bibigyang atensyon, kasama na rin
dito ang pag-uugnay ng sariling karanasan at pananaw o ang kaalaman.

C. Mga Elemento ng Metacognitiv na Pagbasa


Sa pagbabasa natin ng anumang teksto mayroon tayong sinusunod na proseso na kung
saan magiging magaan at maayos ang ating pag-unawa sa binabasa. May tatlong proseso
ng pagbasa ayon kay Lachica (1999).
1. Bago magbasa
CSLLFI

Karaniwang itinatanong ng guro sa mga mag-aaral ang mga sumusunod bago basahin
ang isang akda:
 Hanapin ang mga kasagutan batay sa mga nakahandang tanong sa loob
ng teksto.
 Magbigay ng sariling palagay tungkol sa paksa.
 Magbigay ng haka tungkol sa kasunod na teksto.

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
Ang mga binibigyang halaga bago magbasa sa pagbasang kritikal ay ang mga sumusunod:
 Ang mga sanhi kung bakit naisulat ng awtor ang paksa
 Ang kaangkupan ng paraang ginamit at lapit sa pagsulat ng teksto
 Ang pagbubuo ng mga sariling kuro-kuro sa sulatin
Sa mga natunghayan sa itaas tungkol sa gawain bago magbasa, binibigyan tayo ng
pagkakataon na hanapin ang mga kasagutan sa mga tanong kung saan lumalabas tayo sa loob ng
tekstong binasa, ngunit ang mga kasagutang ito ay malapit o may kaugnayan pa rin sa tekstong
binasa. Dito natin nagagamit ang kritikal na pag-iisip kung bakit naisulat ang teksto at paano
ginawa ito ng may-akda. Maaari rin nating itanong ang mga sumusunod:
 Ano ang pamagat ng akda? Ano ang gusting iparating sa atin ng teksto?
 Ano ang layunin nito? Magbigay ba ng impormasyon o magbigay ng kawilihan
sa mambabasa?
 Ano ang ginamit na istilo ng may-akda?
 May alam ka ba tungkol sa may akda?
 Kailan naisulat ang akda?
CSLLFI

Ang mga katanungan sa itaas ay maari nating gamitin bilang mga huwaran na magiging
basehan upang makalikha tayo ng pamamaraang interpretasyon at paglutas ng mga balakid na
siyang kailangan sa pagbasang kritikal ng teksto.
2. Habang nagbabasa
Ang mga tekstong dumaraan sa yugtong ito ay dumaraan sa iba’t ibang uri ng pag-
aanalisa tulad ng pagsagot sa mga tanong. Ilan san mga katanungang ito ay kung tama o mali
ang pagpili ng tamang salita. Nalilinang dito ang ating kakayahang magbasa ng kritikal ngunit
hindi pa rin sapat ang mga ito dahil ang mga kasagutan ay nakatuon lamang sa kung ano ang
tanong. Kailangan pa rin ang pagbibigay ng sariling kuro-kuro at opinion.
Ayon kay Lachica (1999), ang mga sumusunod ay makatutulong upag matuto tayong
bumasa at magbigay ng reaksyon sa nilalaman at ginamit na wika sa pamamagitan ng anotasyon
at analisa:

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
Anotasyon
Ang pagbibigay ng anotasyon sa pagbasang kritikal ay napakahalaga dahil naitutuon
natin ang atensyon sa nilalaman at wika ng teksto. Ito ay isang paraan ng pagbibigay kahulugan
o impormasyon sa teksto. Ang anotasyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsasalungguhit,
paggawa ng katanungan at paggawa ng balangkas.

Ang Pagsasalungguhit. Dito ginagawa ang pagsalungguhit sa mga salita o pariralang


di mauunawaan. Pagkatapos ay bibigyang kahulugan ang mga salitang sinalungguhitan batay sa
pagkakagamit nito sa pangungusap. Maaaring hanapin ang kahulugan nito sa diksyunaryo o mga
referensyang aklat. Ang mga kasagutan ay maaaring talakayin nang pangkatan sa tulong pa rin
ng guro.
Ang Pagtatanong. Ang pagsasagawa ng mga katanungan ang pinakamagandang bahagi
ng anotasyon na kung saan nakikita ang ating pagiging kritikal na mambabasa sa pamamagitan
ng pagsulat sa mga katanungang ito sa gilid ng pahinang binabasa. Maaaring tanda ito ng hindi
natin pagkaunawa sa binabasang teksto o may pag-aalinlangan tayo sa takbo ng pagtalakay ng
may-akda sa teksto, o kaya nama’y may kulang ang ating kaalaman tungkol dito.
CSLLFI

Ang Pagbabalangkas. Ang pagbabalangkas ng pangunahing paksa ng teksto at ang


pagkafocus ng talakay ay nakatutulong nang malaki sa pag-unawa natin sa mga impormasyong
nakasaad. Makikita rin sa pagbabalangkas ang pagkakaayos ng mga kabatiran na binibigyang
suporta sa loob ng teksto. Kailangang alam nating tukuyin ang pangunahing ideya ng bawat
talatang ating binabasa. Maisasagawa ang gawaing ito kung tatandaan natin na: halos argumento
sa unahan o hulihan ng talata at ng mga pangatnig na naghuhudyat ng pinakagitna ng
argumento. Tulad ng mga salitang dahil dito, samakatwid, alalaong baga, at iba pa.
Nagkakaroon ng malaking pagkakataon ang mga mambabasa na maunawaang mabuti
ang bawat pahiwatig ng manunulat sa tulong ng pagsasalungguhit, pagtatanong at
pagbabalangkas.

Analisa
Sa puntong ito handa na tayong analisahin ang argumento pagkatapos nating matukoy
ito atang wikang ginamit ng may-akda. Ang argumentong ito ay tumutukoy sa katotohanan o
konklusyon ayon sa pahayag ng may-akda na maaaring suportahan ng mga opinion o kuro-kuro.
Dito maaari nating itanong ang mga sumusunod:

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
 Ano ang nais bigyang diin ng may-akda sa kanyang sinulat?
 Alin sa mga nabanggit ang itinuturing niyang katotohanan?
 Maituturing bang katotohanan ito?
 Anu-ano ang mga katibayang isinaad ng may-akda o manunulat?

Kapag mataman nating sinusuri ang ating pagbabasa sa kritikal na pamamaraan,


ito’y nagpapahiwatig na:
 Hindi basta naniniwala sa lahat nang binabasa
 Handa tayong maglahad ng mga tanong na sa ating palagay ay hindi tama
 Dadaan sa malalim na pagsusuri ang argumento
 May nakahandang katwiran o dahilan upang tanggapin ang ilan at salungatin
ang iba.
May kakayahan ang bawat indibidwal na ihiwalay ang payak na katotohanan sa mga
opinion lamang, pati na ang pagkakaroon ng lakas ng loob na itanong ang pagkakaiba ng
dalawa.

Mahalaga rin na malaman natin kung paano ginamit ang wika sa paghahayag ng katotohanan at
opinyon. Sa pag-aanalisa sa wikang ginamit, ang mga sumusunod ay ating kilalanin:
CSLLFI

 Ang kadalasang paglitaw ng mga magkakatulad na imahe


 Magkakasunod na paglalarawan
 Walang pagkakaiba ng paglalarawan sa tao at pangyayari
 Pag-uulit ng mga salita, parirala, mga halimbawa at ilustrasyon
 Parehong istilo ng pagsulat at marami pang iba

3. Pagkatapos magbasa
Napapalawak pa ang kaalamang ating natamo sa pagbabasa bago at habang ginagawa ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng buod, ebalwasyon, paglilimi at muling pagbubuo. Itoang
pamamaraang lohikal matapos ang pagbabasa ng teksto. Sa paggawa ng lagom makikita ang
mga natutuhan sa pagbabasa at pag-aalaala sa binasang teksto bilang pagtatamo sa mga
kaalaman. Mahalaga ring matutuhan natin ang paggawa o pagsulat ng ebalwasyon , mga
komentaryo o mga opinyon tungkol sa binasa. Ang mga ito ay nagpapakitang ating kritikal na
pag-unawa at interpretasyon bunga n gating pakikipagtalastasan sa teksto.

Ayon kay Carl Woodward ang pagbabasa ng aklat ay isang mabisang paraan upang
maabot ang makabagong karunungan at kaalaman ng tao magmula noong unang panahon

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
hanggang kasalukuyan.

Dalawang Paraan ng Pagbasa


1. Tahimik na Pagbasa.

Sa paraang ito ay mata lamang ang siyang ginagamit sa pagbabasa at walang


tunog o pasalitang ginagawa. Ang pagbabasa nang tahimik ay mapabibilis kung
isasaalang-alang ang mga sumusunod:
a. Sapat na ilaw at tahimik na lugar upang mapangalagaan ang kondisyon ng
paningin.
b. Isaisip ang buong diwa ng binabasa at hindi ang bawat salita lamang.

c. Sumangguni sa diksyunaryo kung may salitang hindi maunawaan upang


mapalawak ang talasalitaan.
d. Pakilusin ang mata simula sa kaliwa pakanan.
e. Iwasan ang pagkibot ng labi kapag nagbabasa nang tahimik.

2. Pasalitang pagbasa
Sa paraang ito ay mata at malakas na tinig ang siyang ginagamit sa pagbasa.
Ang pasalitang pagbasa ang higit na gamitin kung unang yugto ng pag-aaral ng pagbasa
CSLLFI

ang pag-uusapan dahil sa yugtong ito ay nagsisimula pa lamang na kumilala at


magbigay ng interpretasyon ang mag-aaral sa mga nakatalang sagisag ng kaisipan.
Ginagamit ang pasalitang pagbabasa kung may tagapakinig na nais makibahagi sa mga
interpretasyon ng mga nakalimbag na sagisag. Ang mga sumusunod na bagay ay sapat
tandaan upang maging maayos ang pagbasa nang malakas:
a. Kailangang katamtaman lamang ang agwat ng aklat buhat sa mata ng
bumabasa.
b. Kailangan ang sapat na lakas ng boses.
c. Dapat maging malinaw ang pagbigkas ng mga salita
d. Sundin ang mga bantas upang malaman kung saan ang diin ng binabasa.
e. Kailangang tumingin sa mga nakikinig paminsan-minsan

Mga Panukatan o Dimension sa Pagbabasa


Sa pagbabasa ng guro sa mag-aaral ng mga salaysay, kwento, dula, paglalahad at iba
pang uri ng babasahin, marami siyang nilalayong malinang sa mag-aaral. Hindi ang kakayahan
lamang ng mag-aaral sa pagkilala sa mga nakatalang mga sagisag ng diwa at kaisipan kundi

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
higit pa roon. Ang mga babaasahin ay nakatutulong sa paghahandog sa mag-aaral ng
mayayamang karanasan na makatutulong sa paglinang ng mabubuting kaalaman, kasanayan,
pag-uugali, kawilihan at saloobin at mga pagpapahalaga.sa ikalilinang ng lahat ng mga ito, may
mga panukatan sa pagtatanong, ito ay panukatan o dimension sa pagbasa.

Narito ang limang panukatan o dimension sa pagbasa.


1. Unang Dimensyon – Pag-unawang literal
a. Pagpuna sa mga detalye
b. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
c. Pagsunod sa panuto
d. Pagbubuod o paglalagom sa binasa
e. Paggawa ng balangkas ng binasa
f. Pagkuha sa pangunahing kaisipan
g. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
h. Pagbibigay ng katotohanan upang mapatunayan ang isang nalalaman na
i. Paghanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyon
j. Pagkilala sa mga tauhan
k. Pag-uuri-uri ayon sa pamagat
CSLLFI

2. Ikalawang Dimensyon – Pagkaunawang ganap sa mga kaisipanng may-akda lakip ang


mga karagdagang kahulugan
a. Pagdama sa katangian ng tauhan
b. Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghagang salita
c. Paghinuha ng mga katuturn o kahulugan
d. Pagbibigay ng kuro-kuro at opinyon
e. Pagkuha ng kalalabasan
f. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
g. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
h. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isnag binasa
i. Pagbibigay ng pamagat
3. Ikatlong Dimensyon – pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng
pagkalahad
a. Pagbibigay ng reaksyon
b. Pag-iisip na masaklaw at malawak

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
c. Paghahambing at pagbibigay ng pagkakaiba
d. Pagdama sa pananaw ng may-akda
e. Pag-unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama
f. Pagpapahalaga sa binasa
g. Pagkakilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipan ng mga pangungusap
h. Pagpuna sa mga detalye
i. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
j. Pagsunod sa panuto
k. Pagbubuod o paglalagom sa binasa
l. Paggawa ng balangkas ng binasa
m. Pagkuha sa pangunahing kaisipan
n. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
o. Pagbibigay ng katotohanan upang mapatunayan ang isang nalalaman na
p. Paghanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyon
q. Pagkilala sa mga tauhan
r. Pag-uuri-uri ayon sa pamagat
4. Ikaapat na Dimensyon – pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan
CSLLFI

upang magbunga ng bagong pananaw at pagkaunawa


a. Pagbibigay ng mga opinyon at reaksyon
b. Pag-uugnay ng binasa sa sarili at sa tunay na buhay
c. Pagpapayaman sa talakayan ng aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
kaugnay na karanasan
d. Pag-aalaala sa mga kaugay na impormasyon
e. Pagbibigay ng katotohanan upang dagdagan ang mga nalalaman na
f. Pagpapaliwanag ng nilalaman o ng binasa batay sa sariling karanasan
5. Ikalimang Dimensyon – pagkilala ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at
kawilihan sa binasang seleksyon
a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
b. Pagbabago ng wakas ng kwento o lathalain
c. Pagbabago ng pamagat ng kwento
d. Pagbabago ng katangian ng mga tauhan
e. Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento o lathalain
f. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor
Pag-unawa sa Paksa
1. Bakit sinasabing ang pagbasa ang unang hakbang sa pagtatamo ng kaalaman? Ipaliwanag ang
sagot.
2. Anu ang nabuong resulta sa pananaliksik ng mga eksperto hinggil sa pagbasa?
3. Ibigay ang dahilan kung bakit hindi sang-ayon ang ilang eksperto sa teoryang baba-pataas na
prosesso sa pagbasa?
4. Bakit mahalaga ang koordinasyon ng pinag-mumulan ng mga impormasyon sa interaktibong
pagbasa?
5. Anu-ano ang mga dimensyon ng pagbasa? Ipaliwanag ang bawat isa.

CSLLFI

RESSHELL C. FLORES resshellflores@gmail.com 09352459399


Instructor

You might also like