You are on page 1of 10

Pangalan: RYAN DEXTER G.

ROCHE
Kurso at Taon: BEED 1st year Seksyon: K Iskedyul: TThS 3:00pm-4:00pm

Aralin 5
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL
AT NASYONAL

Topic Title
Korapsyon, Konsepto ng Bayani,
Droga, Kahirapan at Climate Change

Activating Prior Knowledge


Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang nakasalungguhit sa
pangungusap at kung hindi wasto, isulat ang tamang sagot upang maging tama ang
pahayag. Gamitin ang nakalaang patlang sa pagsasagot (dalawang puntos bawat
numero).

_________TAMA1. Ang terorismo ay anumang Gawain ng karahasan o pagbabanta na may layong manakot ng
tao o magbanta na mapapasapanganib ang kanilang buhay, kalayaan, karapatan at seguridad.

KONTRAKWALISASYON 2. Globalisasyon ang tawag sa kondisyon na hindi nagiging permanente ang isang
manggagawa sa kanyang trabaho.

VIETNAM 3. Malaysia, China at South Korea ang ilan sa mga umaangkin sa isang isla sa Dagat Timog Tsina.

__________TAMA 4. Ang underemployed ay kawalan ng kakayahang makakita ng hanapbuhay ng isang taong


gusting magtrabaho.

___TAMA 5. Isa sa mga bagay na nag-ugat sa pandaigdigang ugnayan ng mga tao, bansa, organisasyon at
negosyo ay tinatawag na globalisasyon.

Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahulugan ng iba’t ibang isyung panlipunan.


2. Mabatid ang epekto ng iba’t ibang isyung panlipunan.
3. Matukoy ang mga gawaing maaaring maging daan sa paglutas ng mga ito.
4. Mabuksan ang isipan ng makikinig sa mga isyung panlipunang ito;
Pre-Assessment

1
Panuto: Pumili ng isang kategorya ng panlipunang isyu at gumawa ng concept map.
Ipaliwanag ang ginawang concept map batay sa mga gabay na tanong:

Pagpupuntos: Concept Map- 10, Pagpapaliwanag- 15

1) Ano ang depinisyon ng bawat konsepto?


2) Ano-ano ang mga mayor na konsepto at menor na konsepto ng isyu?
3) Paano nag-uugnay-ugnay ang mga konseptong ito?

Kakapusan ng kaalaman

Walang trabaho
KAHIRAPAN Kawalang disiplina

Maagang pagbubuntis

1.)* Kakapusan ng kaalaman- hindi ka makakahanap ng trabahong maganda kung wala kang pinag-
aralan.
*Walang trabaho- walang kakainin at walang pagkikitaan upang masuportahan ang pang araw-araw
na gastusin.
*Maagang pagbubuntis- isa ito sa nagdudulot ng kahirapan dahil at dahilan ng pagtaas ng
populasyon sa bansa.
Kawalang disiplina- dapat bawat tao ay disiplinado upang matuto tayong sumonod sa mga
patakaran.
2.) Sagot: Ang mayor na konsepto ay ito ay ang mga taong hindi sapat ang janilang kinikita para sa
araw-araw na gastusin. Ang menor naman ay kagutuman at hindi payak na kalusogan.
3.Nag-uugnay-ugnay ang mga konsepto dahil sa mga dahilan ng kahirapan.

2
Korapsyo
n

Climate Konsepto ng
Change Bayani
Napapanahong
Isyung Lokal at
Nasyonal

Droga Kahirapan

Learning Activity Sequence or Examples and Discussions

KORAPSYON
• katiwalian o pangugurakot na tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Sa
pilosopikal, teolohikal o moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral
nakawalang puridad at paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
• Ang korapsyon aysistemang pagnanakaw ng indibidwal na nasa posisyon ng pera ng
kinasasakupan niyapara sa sariling kapakanan.
• Ang Korapsyon ay gawaing karumal-dumal.

BAKIT KAYA ITO NANGYAYARI?


• Ang pagiging ganid o sakim sa kapangyarihan at pera ay isa sa mga maituturing na
sanhi nito. Ang mga kadalasang korap ay iyong mga politiko o empleyado ng
gobyerno na hindi nakukontento sa kung ano ang kinikita nila sa pagtatrabaho,
kung minsan ay dala ng matinding pangangailangan sa pera.
• Pagiging matakaw sa kapangyarihan ng mga namumuno.
ANO KAYA ANG EPEKTO NITO?
• Ito ay magdudulot ng kawalang tiwala ng mga mamamayan sa mga politiko o
empleyado ng gobyerno. Mawawalan din sila ng gana na makilahok sa mga polisiya o
programa ng pamahalaan dahil sa ganitong katiwalian.
• Sa kabilang banda naman, ang korap ay masisiyahan sa pagkimkim ng pera mula sa
kaban ng bayan. Sila ay mananatiling nakangiti kung humaharap sa publiko na
animo’y walang ginawang kasalanan dito.
REKOMENDASYON o MGA MAAARING GAWIN:
• Magbigay ng karampatang impormasyon sa mga mamamayan tungkol sa isyung ito,
nang sa gayon ay maging bukas ang kanilang isipan dito.

3
• Maging mas makilatis sa mga ibobotong politiko — huwag magpapadala sa mga
pampabango na ginagamit nila sa tuwing nangangampanya.
• Mas higpitan ang batas o mga parusa sa mga gagawa nito — kung makakamit ito,
paniguradong mababawasan kung hindi man mauubos ang mga korap sa
pamahalaan. Sa paraang ito rin mapapanatiling malinis ang mga ahensiya ng
pamahalaan.

KONSEPTO NG BAYANI
• Ang isang bayani ay hindi lang tumulong sa kanyang sariling kababayan kundi ang
tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan.
• Ang bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang gawain. Layunin nila na
makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay ng kanilang mga kababayan.
Sila ang mga taong naaalala dahil sa laki ng kontribusyon nila upang mabago ang
kalagayan ng isang bansa.
Katangian ng isang bayani (batay sa National Heroes Committee)
• Ang mga may konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka para
sa kalayaan ng bansa.
• Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o buhay para sa
kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
• Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na henerasyon.
• Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng isang
kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong proseso na ginawa ng partikular na tao
na isang bayani.
MGA BAYANI NOON AT NGAYON
NOON hanggang NGAYON
Dr. Jose Rizal
• Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng
kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng
pananakop ng Espanya sa bansa.

Andres Bonifacio
• Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim
na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa
Pilipinas
Heneral Antonio Luna
• Itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling na heneral sa panahon ng
rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
Apolinario Mabini
• Siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga
bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.
Emilio Aguinaldo

4
• Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga
huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang
Espanyol-Amerikano (1898), at sa laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang
Pilipino-Amerikano (1899-1901).
Emilio Jacinto
• Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa
pinakamataas na opisyal ng Katipunan. Kilala siya sa mga aklat-aralin sa
kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan.
Francisco Balagtas Baltazar
• Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William
Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa
panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang
Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.
Gabriela Silang
• Ang matapang na asawa ng lider ng Ilokanong maghihimagsik na si Diego Silang.
Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa
himagsikan laban sa mga Kastila.

NGAYON
kinokonsiderang mga Bayani
Mga OFW's

● Ang mga OFW (Overseas Filipino Workers) na nagsasakrispisyo sa ibang bansa para
sa kapakanan ng kanilang pamilya ay itinuturing ding mga makabagong bayani.
Nakakatulong sila hindi sa kanilang pamilya kundi maging sa gobyerno din.
Tumatatag ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga pinapadalang
pera o remitanses
Ang mga Guro

● Marami sa mga guro ang nagtitiis sa init, pagod at kayod upang maibigay lang ang
estudyante nila ng magandang hinaharap. Iniwan nila ang prestihiyosong
pagkakataon na makapunta sa ibang bansa para lang matulungan ang bata dito na
magkaroon ng maayos na buhay. Ang isa pang kabutihan dito ay ginagawa nila ito
para sa ikabubuti ng bayan, kahit inderektang ninanais nila.
Mga Frontliners

● Itinuturing na mga bayani ang mga frontliners na nakikibaka laban sa pandemya.

DROGA
● Ang droga ay isang substance na kung makapapasok sa katawan ay may
kakayahang baguhin ang iyong pisikal at mental na kakayahan.
• Ito ay maaaring maging legal tulad ng alak, caffeine at tabacco at maaari ring maging
illegal tulad ng marijuana, ecstacy, cocaine o heroine.
• Ang mga droga ay mga lason. Ang dami na ginamit ang makatitiyak sa resulta.

5
• Ang kaunti ay nagsisilbing pampasigla (nagpapabilis sa iyo).
• Ang mas marami ay nagsisilbing sedatibo (pinababagal ka).
• Ang mas marami pa ay nakalalason at maaaring makamatay.
Epekto ng Paggamit ng Droga
• Ang ilan sa gumagamit nito ay nagiging depress, agrisibo, inaantok, tinatamad,
paranoid, hindi mapakali at madaldal.
• Ang paggamit ng droga ay maaaring mauwi sa emosyonal at sosyal na mga problema.
BAKIT GUMAGAMIT NG DROGA ANG MGA TAO?
Gumagamit ng droga ang mga tao dahil may gusto silang baguhin sa buhay nila.
Heto ang ilan sa mga dahilan sa paggamit ng mga droga na ibinigay ng mga kabataan:
• Para makibagay

● Para “makatakas” o makapag-relaks

● Para mapawi ang pagkabagot

● Para maging parang matanda

● Para magrebelde

● Para mag-eksperimento

KAHIRAPAN
• Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi. Ang absolutong kahirapan ang
kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang
makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang
pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig, nutrisyon, pangangalagang
pangkalusugan, kasuotan, at tirahan.
• Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Ito ay isa rin
sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng solusyon. Mahigit
kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyag pilipino na nagsasabi at
itinuturing ang kanilang sarili bilang mahirap. Ito ay batay sa ikalawang ‘survey’ na
ginawa ng SWS o Social Weather Stations.

SANHI NG KAHIRAPAN
KAKULANGAN SA EDUKASYON
• Isa sa pinakamalaking problema ng mga taong nakakaranas ng kahirapan ay ang
kakulangan sa edukasyon. Dahil sa kahirapan, hindi sila nakakatanggap na sapat
na kaalaman upang matulungan ang kanilang pamilya. Edukasyon ay importante
dahil ito ay ang tanging yaman na hindi kailanman mananakaw. Ito ang nakakapag-
hulma sa ating kaisipan at kakayahang maging matagumpay sa buhay. Ang kawalan
ng edukasyon ay nakakapagdulot ng kamangmangan sa mga kabataan.
KAWALAN NG TRABAHO

6
• Ito ang nagdudulot sa kahirapan. Ukol sa ating ekonomiya at sa overpopulation,
hindi na sapat ang bilang ng trabaho sa dami ng mga nagtatapos. Dahil dito wala
silang pagkakakitaan upang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa pang araw-
araw na pangagailangan.

KAWALANG DISIPLINA
• Kailangan nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto
tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang nagdaang matatalinong
mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay
wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero
iilan lang talaga ang handang magbago.
EPEKTO SA KABATAAN
• Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang mga
kadalasang epekto nito ay ang:
MAAGANG PAGBUBUNTIS
• Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis dahil
hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at
kung ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga
pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa dahil mas lalong nadadagdagan
ang nanganganak .
KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN
• Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing
pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang
pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila
ay may kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain.
SOLUSYON
PAGPAPLANO NG PAMILYA
• Ito ang dapat pagtuunan ng pansin bago magisip na magsimula ng pamilya. Ito ay
importante dahil ang pagplaplano ng pamilya ay nakakapag-iwas sa kahirapan.
• Dito nagkakaroon ng kaalaman kung ilang anak ang kaya nilang suportahan sa pang
araw-araw. Ito ay mahalagang maibahagi sa mga taong nakakaranas ng kahirapan
upang magkaroon sila ng kaalaman tungkol sa mga responsibilidad na batid nito at
upang maiwasan narin ang pagdagdag ng mga nabubuntis.

CLIMATE CHANGE
• Ano ang Pagbabago sa Klima?
• Ang pagbabago sa klima ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa klima
na nangyari sa mga dekada, siglo o mas matagal. Ito ay sanhi ng mabilis na pagtaas
ng mga greenhouse gas sa kapaligiran ng Earth dahil lalo na sa pagsunog ng fossil
fuels (eg, karbon, langis, at natural gas).
• Ang mga heat-trap na gas na ito ay nagpapainit sa Earth at sa mga Karagatan na
nagreresulta sa pagtaas ng antas ng dagat, mga pagbabago sa mga pattern ng bagyo,
binagong alon ng karagatan, pagbabago sa pag-ulan, pagtunaw ng niyebe at yelo,
mas matinding mga kaganapan sa init, sunog, at tagtuyot. Ang mga epekto na ito ay
inaasahang magpapatuloy at sa ilang mga kaso, patindihin, na nakakaapekto sa

7
kalusugan ng tao, imprastraktura, kagubatan, agrikultura, suplay ng tubig-tabang,
baybayin, at mga sistema ng marine.

Pagkakaiba sa Pagitan ng Panahon at Klima


• Panahon ay tumutukoy sa mga kondisyon ng atmospera tulad ng temperatura at
pag-ulan sa loob ng maikling panahon (ilang oras o ilang araw). Ang lagay ng
panahon ay kung ano ang nararanasan mo araw-araw.
• Klima ay ang average na pattern ng panahon para sa isang partikular na lugar sa
loob ng mahabang panahon, karaniwang hindi bababa sa 30 taon.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE


Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:
1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na
panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at
sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na
bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang
greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng
carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na
siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic
na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate
change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE
• Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
• Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng cholera at iba pang sakit na may pagtatae.
-Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).

• Dulot ng polusyon (allergy)


Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at
pangkabuhayan nito.

Learning Exercises
anuto: Ipaliwanag ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ito sa loob ng hindi lalagpas sa
limang pangungusap lamang.

Paraan ng Pagpupuntos:

Pamantayan: Puntos

● Nilalaman ● 3

● Balarila ● 2

Kabuuang Puntos: 5 bawat numero

8
1. Sa iyong palagay, malaki ba ang naging ambag ng mga bayani natin sa nakaraan kung
papaano tayo hinubog sa kasalukuyan? Oo kung itoy ating isasapuso Malaki ang
magiging ambag nito sapagkat ang kanilang mga ginawa ay para sa kanilang kapwa
Pilipino.
2. Papaano mo patotohanan na ang OFW’s ang modernong bayani natin at sila ang may
malaking ambag sa pagpapaunlad ng bansa? Sapagkat sila ang may maraming
natutulungang Pilipino maka angat sa buhay sapagkat ang kanilang sahod ay
binabawasan at itoy mapupunta sa tax ng bansang pilipinas.
3. Sa iyong palagay, ano ang nagtutulak sa tao upang mangurakot? May solusyon pa ba ito?
Paano ito masosolusyonan? May solusyon ito kong walang mang lalamang ng kapwa
sapagkat tayung mga Pilipino ay dapat mag tulungan upang ang bansa natin ay maiahon
sa kahirapan.
4. Sa ating obserbasyon sa paligid o sa pakikinig natin ng mga balita sa media, talamak na ang
paggamit ng Droga. Ano sa palagay mo ang mga rason kung bakit gumagamit ang tao ng
Droga? Magbigay ng dalawang rason at ipaliwanag ito.Gumagamit ito sapagkat sa sulsol ng
iba o ang pagkalat nito sa ating bansa . magiging lulong ka dito kong itoy iyong
gagamitin.
5. Bakit mas marami sa populasyon ng bansa ang mahirap? May kasalanan ba ang gobyerno
rito o ang tao mismo? Ipaliwanag ang iyong sagot. Naka deppende ito sa nakakataas
sapagkat mas pinipili nilang manglamang sa kapwa natin kisa sa tumulong.
6. Bilang isang estudyante, sa paanong paraan ka makatutulong na mapanatili ang klima ng
bansa? May paraan pa nga ba? Ipaliwanag ang iyong sagot. Bilang isang estudyante
kelangan mo mapanatili ang klima sap ag tutulong sa paglinis sa kapaligiran at mag
ambag ng tulung upang mapanatili ang kagandahan ng lugar.
7. Mula sa napag-aralan na leksyon sa mga isyung nangangailangan ng pagbabago, kung ikaw
ay papipiliin, ano ang bibigyan mo ng natatanging pansin at bakit? Pangatwiranan ang iyong
sagot.Kung ako ang papipiliin papansinin ko ang mga taong nag hihirap na kailangan
ang taong maraming pera sapagkat lahat tayong mga tao ay kailangan din umangat kaya
bigyang pansin ang mga mahihirap na gustong umahon sa buhay.

Biblical Integration
Mga Hebreo 13:16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa nang mabuti at ang pagtulong sa
kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

References

Mga Aklat:
Mortera, Melvin O. (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Books Atbp. Publishing
Corp.: Mandaluyong City.
Peña, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. St.
Andrew Publishing House: Bulacan.
Zapico, Marvin M. et. al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville
Publications: Malabon City.
https://www.coursehero.com/file/51241725/KORAPSYONdocx/
https://web.facebook.com/1338610182910819/posts/ano-ang-solusyon-sa-
korapsyonmakulong-at-maisalba-ang-kaban-ng-pera-ng-mga-mamay/
1991381897633641/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/notes/luna-alan/10-paraan-na-labanan-ng-sambayanang-
pilipino-ang-korapsyon-katiwalian-kasabwatan/10153344749960437/?_rdc=1&_rdr
https://prezi.com/p/lxwpddssu9zl/konsepto-ng-mga-bayani/

9
http://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/10/mga-bayani-ng-pilipinas-at-ang-
kanilang.html
https://en.wikipedia.org/wiki/National_hero_of_the_Philippines
https://ghistorians.wordpress.com/2012/03/30/bayani-noon-at-ngayon/
https://www.drugfreeworld.ph/drugfacts/lsd/the-truth-about-drugs.html
http://localrehsb.net/kahulugan-ng-droga
http://www.worldsocialism.org/filipino/ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-mundo
http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/08/submitted-poem-karalitaan
https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/06/06/mga-sanhi-at-bunga-ng-
kahirapan-sa-pilipinas/
http://kahirapansabansa.blogspot.com/2015/10/kahirapan-sa-pilipinas.html
http://komunikasyon-gandhi2016.blogspot.com/2016/10/katiwalian-ng-pamahalaan.html
https://prezi.com/xncty5zxeqda/sanhi-at-solusyon-sa-kahirapan/
http://flracaza10.blogspot.com/2018/03/kahirapan.html
https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-sa-pilipinas-
81bc76790219
https://nicoleleynes.atavist.com/kahirapan
https://reefresilience.org/tl/community-based-climate-adaptation/climate-change-
introduction/
https://reefresilience.org/tl/climate-and-ocean-change/
http://www.doh.gov.ph/climate-change

Prepared By:

SWEETZEL ANNE R. BENDOL, LPT


Guro ng Filipino

Approved By:

DERBIE P. PADOJINOG, EDD


Dean –College of Education

10

You might also like