You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN

College of Arts and Sciences


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
GAS – FILIPINO
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023
Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan

PAMAGAT NG GAWAIN: FOLK DANCES: ANG ISTORYA-SAYAW


PETSA GAWAIN: AGOSTO 29-30, 2023
LUGAR : Harapang Klase, Silid-Aralan
TAGAPAMAHALA: Kaguruan ng Filipino
DESKRIPSIYON NG GAWAIN:
Ang Istorya-Sayaw ay pagpapamalas ng kaalaman at talento ng mga mag-aaral sa mga katutubong sayaw sa Pilipinas at ang mga kuwentong hatid nito. Layunin nitong
maipamulat ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan, seguridad, at pagpapatupad ng katarunugang panlipunan sa bansa.
MEKANIKS:
1. Ang ISTORYA-SAYAW ay isang pansilid na gawain para sa mga mag-aaral sa Baitang 11 at 12.
2. Ito ay magsisilbing Gawaing Pagganap na bibigyan ng marka.
3. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng oryentasyon ng kanilang guro ukol sa paglikha nito sa oras ng harapang klase.
4. Ito ay dapat na maisagawa sa Ikatlong Linggong Aralin
5. Ang mga mag-aaral ay pipili ng isang katutubong sayaw sa bansa na naghahatid ng mensahe ng: Kapayapaan, Seguridad, at Pagpapatupad ng Katarunugan
sa Lipunan.
6. Ito ay isasagawa ng pamamagitan ng Pangkatan na may (7) hanggang (10) kasapi. Ang pagkat ay kailangan magsaliksik ng mga iba’t ibang uri ng
katutubong sayaw akma sa aralin sa barayti ng wika at sa tema ng buwan ng wika.
7. Ang katutubong sayaw na malilikha ay mayroon lamang na (3) hanggang (5) minuto palugit.
8. Ang kasuotan ay dapat na hindi lalagpas sa P 100 hanggang P 200 kada mag-aaral. Ipinapayo na gumamit ng mga resaykle na kasuotan para sa gawain.
9. Ang presentasyon ay isasagawa sa oras at silid ng guro sa Filipino.
10. Ang guro sa Filipino ay pipili ng pinakamahusay na pangkat magpapalas ng galing sa kulminasyon ng gawin sa Agosto 31, 2023 sa ganap na 1:00 n.h.
11. Mahigpit pa rin ipatutupad ang mga Health Protocol sa araw ng pagsasagawa ng gawain.
12. Ang kantang gagamitin ay dapat na dumaan sa proseso ng copy right law.
13. Ang gawain ay dadaan sa pagtatama ng guro batay sa rubrics at mapapabilang sa mga pangangailangan para sa unang markahan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
KUWENTO-SAYAW
Pamantayan sa Pagmamarka Pinakamahusay Mahusay Nangangailangan ng Pagpapaunlad Rating
(10-5) (5-3) (3-1)

Kalinawan ng Mensahe ng Napakalinaw ng mensaheng nais iparating May isang bahagi ng sayaw ang hindi May dalawa o higit pa bahagi ng sayaw
Katutubong Sayaw ng sayaw. naging akma kaya ito ay naghatid ng di ang hindi naging akma kaya ito ay
(10) kalinawan ng mensahe. naghatid ng di kalinawan ng mensahe.

Pagsunod sa tema ng Buwan ng Naipamalas ng sayaw ang koneksyon sa May isang bahagi ng sayaw ang hindi May dalawa o higit pa bahagi ng sayaw
Wikang Pambansa 2022 at aralin at sa tema ng buwan ng wika. naging akma aralin o sa tema ng buwan ng ang hindi naging akma aralin o sa tema
Pagpapamalas ng mga bagong wika. ng buwan ng wika.
pagkatuto buhat sa Aralin (10)

Pagkamalikhain ng Katutubong Napakamalikhian ng galaw at ritmo sa May isang galaw at sayaw ang hindi akma May dalawa o higit pa galaw at sayaw
sayaw(5) sayaw. sa ritmo. ang hindi akma sa ritmo.

Kasuotan Napakaangkop ng kasuotan sa sayaw na May isang kakulangan sa kasuotan kung May dalawa o higit pa kakulangan sa
(5) ipinamalas. kaya’t ito ay nakaapekto sa ganda ng kasuotan kung kaya’t ito ay nakaapekto
sayaw. sa ganda ng sayaw.
Kabuoan

Inihinda ni:

Bb. Mary Kristine D. Sesno


Inaprubahan ni:

G. Paolo Roman V. Doronio


UNIVERSITY OF THE EAST – CALOOCAN
College of Arts and Sciences
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL
GAS – FILIPINO
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023
Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan

PAMAGAT NG GAWAIN: KUNDIMAN:TAWAG NG TANGHALAN SA SILANGAN

PETSA GAWAIN: AGOSTO 31, 2023


LUGAR : Ika-11 Palapag, Gusaling TYK
TAGAPAMAHALA: Kaguruan ng Filipino
DESKRIPSIYON NG GAWAIN:
Ang kundiman ay isang uri ng awiting naglalahad ng masidhing pagmamahal sa iniibig. Sa pagtataguyod ng ganitong uri ng awitin kalakip nito ang
paggamit ng wika na kung saan sumasalamin ang mayamang kultura at paraan ng pakikipagkomunikasyon ng taong umaawit nito. Sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa 2023, ang Departamento ng GAS-Filipino ay nakikibahagi sa pagdiriwang ito sa pamamagitan ng isang kompetisyon na may pamagat na
Kundiman: Tawag ng Tanghalan sa Silangan. Layunin ng kompetisiyong ito na hasain ang galing ng mga mag-aaral sa pag-awit kasabay ng pagtangkilik sa sariling
awitin at pagmamahal sa wika.

MEKANIKS:

1. Ang kompetisyon Kundiman:Tawag ng Silangan ay bukas para sa lahat ng mga mag-aaral sa baitang11 at 12. Ito ay magsisilbing Gawaing Pagganap na

bibigyan ng marka.

2. Magkakaroon ng audition na magaganap isang linggo bago ang pinal na kompetisyon. Hindi rin lalabis sa dalawang minuto ang nasabing audition.
Kinakailan din na magdala ng sariling minus one o maaari ring acapella sa pag-audition.

3. Magkakaroon ng rehistrasyon na kung saan tatanggap lamang ng 30 naunang kalahok na sasalang audition.
4. Maglalabas ng opisyal na listahan ang departamento na magiging bahagi sa pinal na kompetisyon.

5. Pipili ang komite ng kompetisyon ng sampung may pinakamataas na nakuhang puntos sa audition.
6. Sa pinal na bahagi, inaasahan na maghanda ng buong awitin na kundiman na sumikat.

7. Inaasahan ang pagsuot ng angkop na kasuotan sa pinal na kompetisyon.


8. Mula sa sampung pinal na kalahok may tatlong magwawagi: Kampeon, Unang karangalan at Ikalawang karangalan na tatangap ng sertipiko at plaque.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
KUNDIMAN: TAWAG NG TANGHALAN SA SILANGAN

Pamantayan sa Pagmamarka Bahagdan / Puntos


Timbre at kagandahan ng boses 35 %

Interpretasyon at ekspresyon habang umaawit 30 %

Kalinawan ng boses sa pag-awit 15 %

Pagtatanghal sa entablado 20 %

Kabuoan 100 %

Tagapanguna ng mga Gawain:

Bb. Mary Kristine D. Sesno

G. Angelito C. De Castro

You might also like