You are on page 1of 107

------------------------------

TITLE: MEET THE CHI [COMPLETED-EPILOGUE]


LENGTH: 587
DATE: Aug 26, 2012
VOTE COUNT: 106
READ COUNT: 6219
COMMENT COUNT: 19
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: lalice0610
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2013-11-24 16:22:42

------------------------------

####################################
Prologue
####################################

She told me her name is Eve.

She's non-human.

She's not an angel. Neither a ghost, she is not.

She's vulnerable.

I can touch her, I can pinch her and I can even kiss her.

She's extraordinary.

She can control the wind.

She has superpowers but she's not a superhero.

We met in a very spontaneous way.

She told me she came somewhere from heaven and she needs my help.

I ignored her but she threatened that she'd kill me.

I don't know what to do with this girl and I even ask myself,

Of all the people...

Why me?
"Help me find my body"

-The Chi.

####################################
Author's Note
####################################

Lahat ng mga susunod na kabanata ay pawang kathang isip lamang.

AS IN LAHAT. HAHAHA!

Lahat ay pawang GAWA-GAWA ko lamang.

UTANG NA LOOB, WALA KAMING DICTIONARY kaya KUNG ANO MANG KAHULUGAN ANG IBINIGAY KO
SA IBANG WORDS DIYAN, MAKISAMA! HAHAHA ;DD

Kanya-kanyang TRIP yan, WALANG BASAGAN.

Mwahahaha! ;D

Thank you! ♥

GOD BLESS! ^_______^

-Lalice

START~
####################################
Chapter 1
####################################

"Gusto mo hatid na kita?"


"Talaga NEON?! (*O*)" at saka kami umalis ng may ngiti sa labi itong babaeng kasama
ko.

Para naihatid lang masayang masaya na 'to? Ang babaw ng happiness ng babaeng 'to
grabe!

"Sige, hanggang dito na lang" saka ko ako nagpaalam sa kanya

"Neon next time ulit ah!" tuwang tuwa siya niyan.

Anong next time? Last na 'to lul! BWAHAHAHA

"Geh" atsaka ako umalis, bale, yung babae kanina, isa lang naman sa mga chix ko.
BWAHAHAHA

Kailangan ko ng magmadali, may tatagpuin pa akong isang chix! ;D

"Hatid mo din ako!" bigla na lang may umiimik sa kung saan, guni-guni ko lang
siguro yun

"Huy! Hatid mo ako!" may naririnig talaga ako

"Pssst! Hatid mo din ako!!!" napalingon ako, pagtingin ko, may isa palang babaeng
nakasunod sakin

Teka, kelan pa 'to dito?! [?___?]

"Teka! Kanina ka pa diyan?! At sino ka?!" tanong ko dun sa babaeng nakaputing


damit, maliit lang siya, siguro mga hanggang balikat ko lang

"Ang dami mo namang tanong! Nagpapahatid lang naman po ako *pouts*"


"Eh sino ka nga?! Saka bakit naman kita ihahatid! Hindi ka naman mukhang chix!"
hindi naman talaga siya mukhang chix, mukha kasing aabay pa 'tong isang 'to,
nakaputi kayang damit tapos may bulaklak pa sa ulo. Anu kaya yun?! Gabing gabi na
kaya

"Ah! Hindi ako chix, isa akong 'chi'!" tapos parang may nagsinding light bulb sa
ulo niya

"Ako nga pala si Eba at isa akong chi at kailangan ko ng tulong mo!" tuwang tuwan
siya niyan, teka, anong 'CHI'?! at anong kailangan ng tulong ko?

"Anong chi?! Anong chi ang pinagsasasabi mo diyan?! Chumi ka na ng chumi! Tumabi ka
nga! May pupuntahan pa ako! Chupi!"

"Kuya naman e! Sige na! Hatid mo ko! Kelangan ko nga kasi ng tulong mo!!!" ano bang
pinagsasasabi ng babaeng 'to?!

"Tumabi ka nga! Hindi nga kasi kita kilala! I don't talk to strangers!" nakahara
kasi siya sa daan, lintek na babae 'to.

Pumikit siya at saka siya huminga ng malalim.

"Ako si Eba, isa akong chi! Kailangan ko ng tulong mo! Nice meeting you!" saka niya
iniabot yung kamay niya sakin

Psssh, sino daw siya? Si Eba? Isang chi? Takteng chi yan, chumi na ng chumi ang
isang 'to, may sayad ata 'to e? At, ano bang kailangan ng tulong ko?! =____=

"Ok, ako si Adan, hindi ako isang charity worker, makakaalis ka na" saka ako
naglakad palayo sa kanya

Siya pala si Eba ha, pwes ako si Adan! BWAHAHAHAHA ;D

Lakas din ng trip ng isang yun!


"KUYA NAMAN E!!!" siya yan, yung si Eba, nagsisisigaw dun sa likod, hindi ko siya
nililingon, bahala siya, kung chix pa siya e di sana hinatid ko na siya noh?!
BWAHAHAHA e mukha namang aabay e atsaka mukhang may sayad, hindi din siya maganda,
what's the sense of minding her?! Tsss.

"pssssheeeew" tunog yan ng hangin, takteng panahon, bigla na lang nahangin!

"KUYAAA! Hatid mo 'ko!!!" hindi ko siya nililingon, bahala siya

"pssssheeeew*pssssheeeew" palakas ng palakas yung hangin

"KUYAAA!"

"pssssheeeew*pssssheeeew*pssssheeeew" brrr. Ang lamig!!! Lintek na hangin ka!

"KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!" di ko na napigilan, napalingon na ako! Takteng babae


yun! Ang ingay!

"pssssheeeew*pssssheeeew*pssssheeeew*pssssheeeew"

Napatingin ako sa kanya and I was like: O____O!!!

"Kuya!!! Pag di mo ko hinatid, lilipadin ka ng hangin ng wala sa oras!!! (>O<)"


pagtingin ko sa kanya, may nakapalibot sa kanyang ipo-ipo!

FCUK!!! AM I DREAMING?!!! O_____O

Sinampal ko yung sarili, takte! Nananaginip ata ako ng gising!!!

"FCUK! Is this for real?!" napasigaw na din ako! Hindi ito totoo, nananaginip lang
ako!
"Yes KUYA, this is for real! And you see these whirlwinds around me? THIS WILL
STRIKE YOU IF YOU'LL REFUSE TO HELP ME!" she's threatening me! Fcuk! Mangkukulam ba
'tong babaeng 'to?!

Nakatanga lang ako sa kanya. I was like O___O!!! for about 5 minutes.

NANANAGINIP LANG AKO

NANANAGINIP LANG AKO

NANANAGINIP LANG AKO!!!

HINDI ITO TOTOO! O_____O

"Ok KUYA, Listen to me." Medyo kumakalma na siya, pati yung hangin ganun din. She
can control the wind? (O.o)

Teka, TAO BA 'TONG KAHARAP KO?! O___O

"I need your help" nagpause siya atsaka lumakad papalapit sakin, nasa medyo
kalayuan kasi ako, yung ipo-ipo, nasunod sa kanya

"I'm non-human, I came somewhere from heaven" hindi ako makaalis sa kinatatayuan
ko, gusto kong tumakbo! Parang may napigil sa paa ko from running away, malakas,
hindi ko makita

Hindi daw siya tao! OBVIOUS naman e! San ka nakakitang tao na may kakahayahang
kontroling ang HANGIN aber?! Tapos galing pa daw siyang langit!!! The FCUK! Totoo
ba itey?! O___O

"So you're an angel?" out of the blue, bigla kong nasabi

"No, I am not an angel" palapit na siya ng palapit, I want to run but I can't,
something's dragging me to stay, GOD naniniwala ako sa'yo! Tulungan mo ako! May
mangkukulam sa harapan ko!
"So ano ka pala?! MULTO?! Multong kayang kontrolin ang hangin?!" kinakabahan na ako
niyan, kung hindi siya tao, hindi siya anghel! E di isa na lang ang option! Isa
siyang multo!

"I'm not a ghost" malapit na siya, malapit na talaga siya! HIHIMATAYIN na ata ako!
Psssh.

"E ANO KA PALA?! TAE! WAG KANG LUMAPIT SAKIN! KINIKILABUTAN AKO!"

"I told you, I'm a 'chi'" hindi ko na alam ang sasabihin ko, isang ruler na lang
ang layo niya sakin

"I am non-human, I am not an angel, I am not a ghost but I am a chi" ayan na naman
yang chi na yan! Ano ba kasi yang chi na yan?!

"Ano ba kasi yang 'CHI' na yan?!!!" don't call me gay, natatakot lang talaga ako,
kaw kaya! Makaencounter ng ganitong nilalang!

"Chi, you're human and you don't know what chi is?"

"Hindi nga! Itatanong ko kung alam ko?!"

"Well, listen to me human; chis are souls in purgatories that can't enter heaven.
Chis are souls of humans with unfinished business as they died" Huh?! Ano daw?! E
di demonyo pala 'tong babaeng 'to?! Di daw makapasok ng langit! Pero teka, sabi
niya kanina she came somewhere from heaven! LABO! -_____-

"At ako, isa akong chi, hindi naman sa we can't enter heaven. WE CAN ENTER HEAVEN
unless" napatigil siya

"Unless what?" nacurious naman ako, makakapasok naman pala 'to ng langit e may
unless nga lang

"Unless we had finished our left businesses here" ah yun naman pala, medyo kumalma
na din siya, nawala na din yung mga hangin na nakapalibot sa kanya, nawala na din
ng konti yung takot ko.

"At ikaw tao! Tutulungan mo ako!" bigla naman ulit akong kinilabutan! Nababalutan
na ulit siya ng hangin!

"Teka! Bakit ba kasi ako! Pede namang iba diba?!" di ko na mapigilang di sagutin
'tong babaeng 'to. Kahit natatakot ako kailangang magdemand! Bakit nga ba kasi ako
pa?! Pede namang iba!

"Kasi ikaw yung sinasabi ni San Pedro na makakatulong sakin!" I was like: O___O!!!
WHAAAT?!

"Ano?! Anong San Pedro ka diyan?! Kilala ako ni San Pedro?!!!" lalo akong
kinilabutan! Tae, kilala daw ako ni San Pedro!

"Oo, diba... Ikaw si Neon Iron Corpuz, kapatid ni Xenon Iron Corpuz na anak ni
Helium Iron Corpuz na kapatid ni Magnesium Iron Corpuz na anak ni Iron Corpuz.
Pinsan mo sina Tungsten Iron Corpuz na kapatid ni Barium Iron Corpuz na kakambal ni
Nickel Iron Corpuz na kapatid ni Lady Vanadium Corpuz. May pamangkin ka nga diba,
si ano-si-" di ko na siya pinatapos! Takte, sugo nga siya ni SAN PEDRO! (>o<)

"Si Zinc Iron Corpuz, oo na oo na! Panalo ka na! Naniniwala na ako! Ako na nga ang
tutulong sa'yo! Pero paano naman kita tutulungan at ano naman yang unfinished
business mo?!" napatanong na ako, ano ba yan!

Parang kanina lang, nakikipagdate ako sa isa sa mga chix ko, ang saya-saya ko pa
nun tapos ngayon biglang nabalutan na ako ng takot! Biglang may tutulungan na akong
isang CHI na ang pangalan ay Eba. PSSSH.

WHAT THE HELL IS HAPPENING ON EARTH?!

"Ah, ganito yan. Tulungan mo kong hanapin yung katawan ko"

"Ano? Anong katawan, e di ba yan yung katawan mo?!" tapos tinuro ko yung katawan
niya

"Ah! ITO?! Hindi akin 'to! HINIRAM KO LANG 'TO!"


WHAAAT?! Meaning hindi niya katawan yung gamit niya ngayon?!

Lintek na chi 'to, sasanib na nga lang sa katawan ng tao sa pangit pa!

Kung sa mukhang chix sa sumanib e di ga't wala ng kung anu-ano! Tinulungan ko na


siya ng kusa! Tsss.

"HUH?! E kaninong katawan pala yan?!"

"Ewan?! Malay? Pagbaba ko kasi dito sa lupa ito na yung katawan ko pero sa
pagkakatanda ko bago ako naaksidente hindi ganito yung hitsura ko"

"Ngek? So ano palang hitsura mo? Paano natin makikita yung katawan mo?!"

"Kaya nga natin hahanapin e!"

"Teka, taga saan ka ba?! Baka mamaya taga malayong lugar ka pala tapos dito natin
hahanapin yung katawan mo sa lugar namin!"

"Huh? Hindi ko alam, wala akong matandaan. (>O<)" huh?! O_____O

WHAT-THE-FCUK-IS-THAT! (>O<)

"HINDI MO ALAM?! E bakit ang PANGALAN MO ALAM MO TAPOS LUGAR KUNG SAAN KA NAKATIRA
HINDI MO ALAM?!"

"Ah! Yung pangalan ko? Bale, hindi ko nga din matandaan! Gawagawa ko lang yung EBA
kanina! HAHAHA, ADAN!"

NGEK?! GANUN?!!!

"Hey, stop calling me ADAN! Di kita tulungan diyan e!"


"But you told me you're ADAN! Kung patayin kaya kita, maka 'hindi' ka kaya?! (>O<)"
at kinilabutan na naman ako, yung mga hangin kasi pumalibot na sa akin.

"Urgh! Fine! I'll help you so don't dare try killing me! Hindi ka makakapasok ng
langit niyan! At isa pa, don't call me Adan, Eba! Psssh" I'm pissed, she threatened
she'd kill me! FCUK! Kung ako may superpowers lang din nag TEKKEN na kami ng
babaeng 'to!

"Sure thing human!" ayan, mas gusto ko pang tawagin niya akong 'human' kesa 'Adan'.
So fcuking gay.

"Bukas na lang natin simulan yang paghahanap sa katawan mo kung sino ka mang tao ka
OK?! Sa ngayon umuwi ka muna sa bahay niyo at ako'y uuwi din muna sa amin!"

"I told you I'm no longer human! I'm a chi now and a chi doesn't have house"

"So anong gusto mong palabasin? Sa'min ka pa matutulog?!"

"You can read minds?!"

"I don't read minds, I see through people. ;P" takteng babae 'to. sa amin pa nga
makikitulog.

"Tara na nga! Baka mamaya, patayin mo pa ako kapag pinagtabuyan pa kita!" well, ok
lang naman kung sa amin 'tong babaeng 'to matutulog, mag-isa lang naman ako sa
bahay 'ko'. I'm living in a condotel.

Si Kuya Xenon kasi yung kapatid ko, may pamilya na. Yung tatay ko naman
kasalukuyang nasa France, inaasikaso yung business namin. Yung mama ko naman wala
na. So, mag-isa na lang talaga ako.

"Salamat! Mabait ka naman pala e! (*','*)"

"Talaga" at nagsimula na kaming maglakad.


What's with this day?

Psssh.

...to be continued
####################################
Chapter 2
####################################

POV: Neon Iron Corpuz

"Lalala" naglalakad kami ngayon nitong si Eba, ayt. Bakit ang pangit ng pangalan?!
=______=

"Hoy" inapproach ko siya siyempre, mabait nga kasi ako

"Yes human? (*O*)"

"Paltan natin pangalan mo" suggest ko lang, ang pangit naman kasi kung tatawagin ko
siyang Eba. Yuckkk

"Hmm. Chigi! Maganda yan!" teka, ano namang maganda dun? Papalitan lang naman namin
yung pangalan niya?

"Tutal chumi ka na naman ng chumi kanina, why don't we try naming you 'Chi' mas
maganda pa yun sa Eba"

"CHI? Hmmm. Sure! Sure! Now I am no longer Eba! I am now Chi! Thank you for naming
me better human! (~*w*~)" siya yan, naglalakad pa din kami

Hindi na siya si Eba, siya na ngayon si Chi

"Teka, paano ka ba namatay?" natanong ko lang, mas mapapadali siguro kami nitong si
Chi na 'tong hanapin yung katawan niya if we have clues right?

"Ewan ko, wala nga akong matandaan human (TT___TT)"

"NGEE?! So pa'no pala natin mahahanap ang katawan mo aber?!"

"Problema mo na yun ;P Remember, kaya mo nga ako tutulungan!"

"Hoy, hindi kusang loob 'tong pagtulong ko! Napilitan lang ako, kung di mo lang ako
papatayin! Tss."

"But it's help na din naman, you're helping me unwillingly"

"Whatever, o ayan, nandito na tayo, dun ka sa kwarto ng kapatid ko"

"You have brother sister?!"

"Yea right" bakit ba kasi ang daming tanong nitong Chi na 'to?

"E nasan siya?"

"Bakit ang dami mong tanong?"


"Nasan nga siya?"

"Nasa kanila, may pamilya na yun e"

"Really? E ikaw human? Do you have any girlfriend?"

"Bakit ang dami mong tanong?"

Pss, BIBINGO na 'to sakin mamaya, ang kulit =_______=

"TInatanong ko lang naman kung may girlfriend ka (>O<) Yun lang"

Oo nga naman, yun lang, yun nga lang

"WALA"

"E sino yung kanina?"

"Akala ko ba yun lang tanong mo? Bakit may follow up? Kulit =______="

"Sagutin mo na kasi!"

"Psssh, FINE! Yung kanina, chix ko lang yun, wala pa akong girlfriend at wala akong
balak! Wag ka ngang makulit"

"Bakit naman wala kang balak? *u*"

"Bakit ang kulit mo?"

"Bakit nga?!"
"Sa wala akong balak, wag kang makulit"

"May naging gf ka na ba?"

"Bakit ba napunta sakin yung usapan?"

"Ewan ko, nagtatanong kasi ako?"

"HEH! Ewan ko, matutulog na ako! Diyan ka sa kwarto ng kuya ko"

"Ok human! Good Night"

At natapos yung napakagulong usapan namin, e ano kung wala akong GF?

Madami naman akong chix

Hindi ko kailangan ng GF.

HINDI. Hindi ko kailangan kasi, may hinihintay ako

Kelan kaya siya dadating? Ayy. Ang bading! (>O<)

Natulog na ako, siguro mapapanaginipan ko ulit siya

Gabi gabi napapanaginipan ko ang isang babae, hindi ko siya kilala

Pero sa panaginip ko Masaya kami


Gusto ko siyang makita, mahanap pero hindi ko alam kung paano

Who is the girl in my dreams?

I slept in my room, siguro tutulungan ko muna itong si Chi bago hanapin yung babae
sa panaginip ko

FCK, so gay. =______= Psssh.

***

Nandito na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam

May tumatawag sa pangalan ko, isang babae

"Neon! ^_^" siya yan

May hawak siyang bulaklak, naka dress siya.

Hindi ko maaninag yung mukha niya, masyadong maliwanag

Palagi na lang ganito

Lumalapit siya sakin, pero kada lapit niya.


Bigla na lang akong...

"HUMAN! GISING NA!!!" ayan na naman! Makikita ko na yung mukha, meh epal na naman,
last time yung kapitbahay ko nambulabog sakin ngayon ito namang si Chi. Psssh -
______-

"Bakit ba?! Psssh, istorbo! Kitang nananaginip pa! >.<"

"Ayyy! Sorry, siya geh, tulog muna ulit! (>O<)"

"Wala na! Nagising na! Bakit ba?"

"Kasi ano"

"ANO?!"

"Ano kasi" patagal, hindi pa sabihin kung ano na lang! Naudlot tuloy panaginip ko.
(>O<)

"ANO NGA?!"

"Nagugutom kasi ako!!! Penge PUD!" ganon?

Ginising niya ako kasi nagugutom siya?

Naudlot yung panaginip ko kasi nagugutom siya?

Di ko nakita mukha ng girl of my dreams ko kasi nagugutom siya?


=______=

=______=

>______<

!!!!!!!!!!!!!!!!

"YUN LANG?!!!"

"Yup (*','*)"

Ok, yun nga lang daw. Potek. >____<

"Di mo ba nakita yung REP?!" tek na babae 'to, di ba niya nakita yung napakalaki
kong REP dun sa baba?! >.<

"Anong REP?!"

"REP! Yung nilalagyan ng pagkain! Nandun sa baba!!! Grrr"

"Bakit ba galit na galit ka? Humihingi lang naman akong PUD! Di mo naman kasi
sinabing may REP ka! Psssh! Diyan ka na nga!!! (>O<)"

At umalis na siya.
WEIRD talaga! San bang lupalop ng earth nakatira yang Chi na yan?!

Kakaibang ugali. DEFINITELY NOT MY TYPE!

After that, bumaba na din ako.

Nakaamoy kasi ako ng mabango mula sa baba

Nakita ko si Chi, nasa may kusina, may hawak na kutsilyo, naggagayat ng bawang?
Magluluto?

"Kapag ako napikon, tatadtadin ko ng buhay yung Neon na yun! (>O<) Di na lang
makisama para sa kanya din naman 'to!"

Huwhaaat?! Ano daw?! TATADTADIN AKO?!!! (O___O)!

Dali dali akong bumaba, inagaw ko yung KNIFE!

Hindi pwede! Hindi mo ko pedeng tadtadin! Hahanapin ko pa ang GIRL OF MY DREAMS


ko!!!

"Oi! Anong sinasabi mong tatadtadin mo ko?! HA?!" ewan ko, bigla akong kinabahan.
Psssh.

"KANINA KA PA?!" ewan ko kung natataranta din siya niyan, basta, bigla siyang
ninerbyos na ewan, eh bakit naman? -___-

Ako nga dapat matakot e! Ako yung tatadtadin!!!


"Malamang! Kaya nga pakinig ko, tatadtadin mo ko e!"

"Ah, yun ba? Yun lang napakinggan mo?"

"HUH? OO! Kaya ko nga inagaw sa'yo kutsilyo e!!! Dun ka na nga!!! Ako na
magluluto!!!" saka ko siya itinaboy

Nakakatakot nga pala ang nilalang na yun! Kung anu-anong naiisip!

Pati pag tadtad sakin kayang gawin!!!

"Ano ba?! Di naman kita tatadtadin e! Akin na yan! Ako magluluto" saka niya inagaw
sakin yung kutsilyo, natakot na naman ulit ako!

"Ano ba! Ako na nga!!!"

"AKO NA!"

"Ako na kasi!!!"

"Ako na nga e!!!"

"AKO NA SABI E!!! BITAWAN MO NA!!!" pilit kong kinukuha yung kutsilyo sa kanya,
bigla naman niyang binitawan! NATUMBA AKO! POTEK. (>O<)

"BAKIT MO BINITAWAN?!"

"Aba! Sabi mo BITAWAN ko e! ;P Diyan ka na nga! LABO mo!!!"

Saka siya umalis, naiwan ako sa kusina. Pushaaaa!


KAKAIBANG BABAE TALAGA! DEFINITELY NOT MY TYPE!!! (>O<)

Pagkatapos nung magulo ulit naming usapan ni Chi, nagluto na ako

Sa totoo lang, di naman talaga ako marunong magluto! Ngayon pa lang

BAHALA na kung anong maging lasa nito! Ako lang naman at yung si Chi ang kakain e!

Kumuha akong itlog saka hotdog sa REP!

Kumuha din akong tubig

Kaserola pala muna, teka, COOKING BOOK ba ito?! =______=

Binuksan ko yung stove, inilaga ko yung HOTDOG!

Yung itlog naman, ibinalik ko na sa REP, wala akong maisip na luto

Kinuha ko na din yung tinapay at cheese!

Pinakuluuan ko yung HOTDOG ng mga 5 mins saka ko inihaon at sinala! PUSHAAA.

PANCIT CANTON lang?! (>O<)

Kumuha akong tinapay tapos pinasak ko yung hotdog at saka kinuha yung CHEESE,
pinasak ko din, nilagyan kong KETCHUP.

Dinala ko yung pagkain kay Chi, nasa living room siya, nanonod ng TEEBEE!
Iniabot ko sa kanya yung ginawa ko.

Tiningnan lang niya yung dala ko, tinitigan talaga niya!

SIGE! Laiitin mo kung gusto mo!!! Kaw na nga pinagluto ko!!! (>O<)

"Ano 'to?" siya yan habang nakatitig dun sa...

"NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP!" proud ako niyan! FIRST DISH
na naluto ko!!! HAHAHAHA

"Pagkain ba 'to?" nakatitig pa din siya dun sa NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH
CHEESE and CATSUP.

"MALAMANG!!! Kainin mo na dali!" di ko alam, excited ako! HAHAHA, ano kayang lasa
nun? Di ko natikman e!

Nakatingin lang siya dun sa tinapay

"Sure ka?" nakatitig pa din siya dun sa tinapay

"Oo nga!"

"Ok" saka niya hinati sa gitna tapos kinagatan niya yung dulo, ano ba yan! Step by
step process? =_____=

1 minute.

2 minutes..
3 minutes...

Naubos na niya yung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko!

Nag-iintay ako ng icocomment niya

After niyang kainin yung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko,
pumunta siya sa may REP saka kumuha ng tubig, pagkainom niya bumalik na siya sa
panonod ng TEEBEE!

NO COMMENT GANUN?!!!

Matapos kong paghirapan yung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko,
wala lang?!

"Oi" inapproach ko na siya, gusto kong malaman kung anong lasa!

"Oh, Ano?" nanonood lang siyang TEEBEE!

"Anong lasa?!" curious talaga ako kung anong lasa, isa lang kasi ang nagawa ko! Di
naman kasi ako nag-aalmusal! Di uso. =____=

"Lasa ng alin?"

Nanood pa din siya ng TEEBEE, lasa daw ng alin?! =_____= Lasa nung TUBIG! NUNG
TUBIG! Psssh =_____=

"Nung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko!!!"

"Ah, bakit? Di ka nakatikim?" tinatanong pa ba yan?! Malamang hindi! =___=

"MALAMANG!!! (>O<)"
"Ah, ok naman lasang hotdog pa din" ganun? Di man lang niya naappreciate yung gawa
ko? (>O<)

"K" after that nanood na lang kami ng TEEBEE.

Natahimik na lang ako, di naman ata niya nagustuhan yung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY
WITH CHEESE and CATSUP ko! (>O<)

First time ko pa namang magluto nun!

ASAAAAAAAAAAR!

Naramdaman ko na lang, umisod siya palapit sakin

Umiisod lang siya

Magkatabi na kami! Eeh?! Nananching ata 'to e!

"oi Chi! Anong ginagawa mo?"

"Hindi ka nakatikim diba? ;)"

"HINDI NGA!!! Eh bakit ganiyan yang hitsura mo!!! Anong binabalak mo?!!!"
nakakaloko naman kasing makatingin! Anay adik! (>O<)

"Papatakimin kita ;) Gusto mong tumikim diba?" saka pa siya lumapit, ako naman
nalayo! ANG ADIK! Naka DRUGS ata 'to e?!

"Oi! Ano ba, LAYO!!! LAYO ka!!!"


"Ano ba, papatikimin lang naman kita e! ;)" nalapit pa rin siya, palapitt ng
palapit

"ANO BA CHI! BATA PA AKO!!!" saka na ako nagpanic! Wala na kasi akong maurungan!!!
(>O<) WAG PO! Bata pa po ako!!!

"HUH?"

Ganito lang siya: (?________?)

Ako naman ganito lang: (>/////////<)

WAG PO! Madami pa akong pangarap!!!

"ANO BANG MGA PINAGSASASABI MO?! PAPATIKIMIN LANG NAMAN KITA NG NILAGANG HOTDOG SA
TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP mo!!! HAHAHA!" saka niya kinuha dun sa tabi niya
yung kalahati nung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko, OO NGA
PALA! HINATI niya kanina!!! >___<

"HUH EH!!! WALA!!! ANO Ah------" di na ako nakaimik pa, sinubo na niya sakin yung
NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko!!!

AKO: (>____<)

SIYA: (^_____^)

Nginuya ko yung NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko, ang sarap!
Ang sarap sarap!!! *u*

YUMMY!!!

"Ano? Kontento ka na? Kaw na humusga sa gawa mo, baka naman pag ako pinahusga mo,
sabihin mo JUGDEMENTAL ako! Hahaha"
Teka, anong gusto niyang palabasin dun sa sinabi niya?! Di niya nagustuhan yung
NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP ko?! (>O<)

"Halaa, Ewan ko sa'yo!!!" sarap na sarap ako dun sa gawa ko tapos siya ganun lang?!
=_____=

"Nga pala human, kelan natin sisimulan yung paghahanap sa katawan ko? *u*" change
topic siya! OO na lang!

"Mamaya"

"Kelan na mamaya?"

"Basta mamaya! Wag kang mangulit, magsisimula ka na naman e"

"Oki ^_^"

"Pa'no ba natin hahanapin katawan mo? Ni isang clue wala tayo? Ni wala ka ngang
maalala tungkol sa sarili mo tapos di mo din alam kung pa'no ka namatay"

"Aba, malay ko, problema mo na yun, kaya nga nagpapatulong ako sa'yo! ^_^" yea
right, sabi ko nga

"Fine! Basta mamaya, mamaya tayo mag-uumpisa wag kang makulit"

"Ok, ok"

Nanood na lang kami ng TEEBEE, pa'no naman kaya kami magsisimula?

Wala kaming clue

Kahit man lang tunay na pangalan di namin alam, ni picture wala, kung pa'no namatay
wala, PA'NO NA?! (>O<)

"Human! Human! May natatandaan ako pero konti lang" siya yan

"Talaga lang ha? Sige, ano?"

"Nung namatay ako, ang pagkakatanda ko, nasa isang kwarto ako!"

"Ok, tapos?" pinagsalita ko lang siya, atleast there, magkaclue man lang kami!
Hirap kayang magsimula ng wala kang kaalam-alam!

"Yun lang! Nasa isa akong kwartong kulay puti!"

"Kulay puti?! Baka naman nasa mental hospital ka?! HAHAHA!"

"Human naman e! (>O<)"

"Malay mo lang!!! Sige, mamaya, pupunta tayong mental hospital! HAHAHA ;D"

"HUMAN!!!" naiinis na siya, haha!

"Tatry lang naman natin e! YOU NEED MY HELP RIGHT? Then bear with me. Malay mo!
There's no harm in trying HAHAHA"

"FINE! Psssh, BUT I assure you! Wala ako sa MENTAL!" ako din naman, di ko din naman
ineexpect na nasa mental 'tong si Chi na 'to, tinitrip ko lang ;D

"Fine! Did I say so?"

"FINE! (>O<)" saka siya tumalikod sakin, HAHA!

This will be exciting!


...to be continued.

A/N: Pasensya na, kung san sang topic nakarating ang chapter na 'to! Natitimang
ako! HAHAHA. XD
####################################
Chapter 3
####################################

POV: Neon Iron Corpuz

"Tara"

"Alaaa! Ayoko! Diba nasabi ko na naman sa'yo? Wala ako diyan sa mental!!! (>O<)" at
nandito nga kami sa mental ngayon. BWAHAHA! ;D Sarap pagtripan nitong si Chi

"Ayaw mong pumasok? Sige, diyan ka lang, ako na lang papasok" saka ako tumalikod sa
kanya, nandito kami sa mental kasi, wala lang, trip ko lang. Magbabakasakali nga
lang. HAHA! ;D

"Hanlaa! Human sama!!!" sumunod naman agad siya, sasama din pala, pahirapan pa!
HAHAHA

Nakarating na kami dun sa mismong entrance nung mental, sabi nung guard pumasok na
lang daw kami, dirediretso tapos kanan, nandun daw yung office ng doctor.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Chi, kinikilabutan ako! Pa'no ba naman


kase, kaliwa't kanan, may mga baliw na nakaselda! Yung iba pa nga pilit kaming
inaabot ni Chi kaya siksikan na kami ni Chi sa gitna ng daan! (>O<)

"Tumingin ka sa likod mo, may nakikita ako! WAHAHAHA!" -baliw #1, sabay tingin ng
masama sa akin, potek, kinikilabutan ako! >__< May nakikita daw siya sa likod ko?!
E si Chi naman nasa tabi ko! Sino yung nakikita ng baliw na ito?!!! >__<

"Pssst. Pssst. Titingin na yan HAHAHA!" -baliw #2, ano daw?! >__< Pinagtitripan
ata ako nito e!!!

"Ayon sa hula, wala kang BRIEF!" -baliw #3, sabay duro sa akin...

HUH?! O.o

Napatigil naman si Chi sa paglalakad tapos tumingin dun sa baliw

"HAHAHAHA!!! TOTOO?!!! WALA SIYANG BRIEF?!!!" si Chi yan, sabay turo sa akin dun sa
part na "WALA SIYANG BRIEF?!!!" potek! Makipag-usap ba naman daw dun sa baliw!!!

"OO! Wala siyang BRIEF!" sabay duro ulit sa akin! >___< GANUN?!

"HOY! Ikaw na baliw ka ah! May BRIEF ako!!!" di na ako nakatiis, sinagot ko na ang
HANEP na baliw na manghuhulang ito!!! Wala daw akong BRIEF! Meron kaya!!! SOEN pa
nga ang tatak e!!! >___<

"HAHAHAHA!!! Wala ka daw BRIEF HUMAN! HAHAHA" si Chi yan, mautas utas na sa
pagtawa! Aba, Masaya siya?!!! >__< PSSSH.

"PSSSH! EWAN! BASTA ANG ALAM KO MAY BRIEF AKO! (>O<)" potek, pagtripan ba naman
daw!!! e di kung wala pala akong brief kanina pa akong mapanghe!!! >___<

"Mga bata, anong kaguluhan ito? Anong brief brief?" bigla namang may lumapit sa
aming nakaputi tapos may stethoscope, malamang doctor yan!

"Ayy doc, WALA PO! Sabi po kasi ng pasyente niyo wala daw akong BRIEF!!! MERON
naman!!!" kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko! Naaapi ako!!! >___<
"Hahaha, ganun ba? Pagpasensyahan niyo na siya, stress lang siguro sila... HAHAHA"
at nakitawa pa si DOC! >___<STRESS?! Kung makapanghula, siyang siya na?! >___<
PSSSH. Kalma NEON! KALMA!!! HOOOOOOOOOO~

*Breathe IN, Breathe OUT*

HOOOO~ Ayan ok na!!! OK NA! Don't forget to SMILE!!! ^_____^

"Ano nga bang kailangan niyo mga bata?" si Doc yan

"May itatanong lang ho sana kami" sabi ko dun sa doctor, kalma lang Neon, kalma
lang! May BRIEF ka! Alam mo sa sarili mo yan!!! SMILE!!! ^____^

"Sige mga bata dun tayo sa opisina ko, tara" agad naman kaming sumunod dun sa
doctor, nakarating kami sa opisina niya

"Sige upo muna kayo mga bata, pagpasensiyahan niyo na ang mga pasyente sa ospital
na ito... Alam niyo naman, masiyado silang stress..." -Doc, ano daw daw?! STRESS?!
Kung mahulaan akong walang brief silang sila na! Psssh. >___< Ok, KALMA sabi Neon,
KALMA lang! Don't forget to SMILE! ^_______~

"Ok lang po yun doc! Nakakatuwa nga po sila e! ^_^" si Chi yan, NAKAKATUWA?! >___<
sige ipagtanggol mo sila! Palibhasa tinawanan mo ako kanina! Dapat ako ang
nangtitrip dito sa Ching ito e! Bakit nabaliktad?! >___< Psssh... Kalma nga sabi
Neon!!! WOOOOHOOO~ KALMA lang! May araw din yang CHI na yan!!! WOOO~ SMILE!!!
^_______^

"Siya nga pala, ano ba yung itatanong niyo mga bata?" si Doc yan, ay oo nga pala!
Ayan na, this is the moment! Makakabawi na din ako! BWAHAHAHA

"DOC! Itatanong lang ho sana NAMIN kung may NAADMIT po ditong BALIW na namatay!
^____^" ok, lahat ng naka CAPITALIZE inemphasize ko sa pagkakasabi ko kay DOC,
bwahaha! Ano ka ngayon Chi?! ;P

"Naku hijo, masyadong madaming naadmit dito na mga baliw na namatay na, bakit ba?"

"Doc, pede po bang makita ang mga picture ng mga sinasabi niyong dedo na?! ^___^"
and of course, don't forget to SMILE NEON, SMILE! ^___^

Si Chi naman siniringan lang ako. BWAHAHAHA! Malay ba natin tama ako, nandito sa
MENTAL yung katawang lupa ni Chi! E di pag nagkataon mahahanap ko na yung Girl of
My Dreams ko and HOLA, say GOODBYE to Chi na! ;P

"Kailangang kailangan niyo na ba mga bata? Kailangan kasi may permit muna kayo sa
aming head bago namin kayo pahintulutang makita ang mga files na gusto niyong
makita" ngek? GANUN?!

May PERMIT PERMIT pang nalalaman?!

"Nako doc... Pede po bang patingin na lang kahit walang permit permit,
nagbabakasakali po kasi kami nitong KAPATID ko (tingin kay Chi sabay sipa sa paa)
na dito napaadmit ang aming nawawalang INA, balita ho kasi namin, namatay na siya!
T^T *insert dramatic face*" HAHAHA! BEST ACTOR! ;D At naging kapatid ko pa si Chi
ng wala sa oras?! ;D I'm so GREAT!

Medyo napa SAD face naman si DOC! Oha! Pang OSCAR na ako ngayon! HAHAHA ;D

"Kawawa naman kayo mga bata, sige saglit lang, kukunin ko lang ang mga Files" at
umalis na si Doc sa harapan namin! Yeaboy!!! Don't forget to smile NEON!!! ^_____^

"Oi, ano namang padali yun?! Kelan mo pa ako naging kapatid?!!!" si Chi yan

"Basta, makiride ka na lang!" aangal pa! di naapreciate ang acting ko! HAHAHAHA ;D

"Ok human -____- Sabi mo e"

Maya-maya pa dumating na ulit yung doctor, may dalang MGA folder, as in MGA, ang
dami! Hanep, grabe

"Ito na mga bata yung Files, nawa'y mahanap niyo ang inyong namayapang ina" saka
ibinigay sa amin nung doctor yung mga files
"Sige mga bata, maiwan ko muna kayo, magchecheck lang ako ng mga pasyente"

"Sige po doc, salamat po!" at tuluyan ng lumabas yung doctor, it's time to make
hanap the katawang lupa ni Chi na!!!

"O yan, yan lahat ng Files, tingnan mo mga hitsura ng mga yan, baka sakaling makita
at matandaan mo yung pagmumukha mo ok?" saka ko ibinigay kay Chi lahat ng Files,
nawa'y mahanap na niya ang kaniyang katawang lupa ng makita ko na ang Girl of My
Dreams ko!

"Ang dami!" reklamo pa siya niyan, anong gusto niya tulungan ko pa siya? E ni ako
nga, di ko alam hitsura niya!

"Kaya mo yan! Geh, tutulog muna ako ha! Gisingin mo na lang ako pagtapos ka na!
HAHAHA" saka ako humiga dun sa sofa dun sa may office nung doctor, bale anong oras
na ba?

10:00am na pala, maaga pa! Makatulog muna! ;D

***

Nandito na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam

May tumatawag sa pangalan ko, isang babae

"Neon! ^_^" siya yan

May hawak siyang bulaklak, naka dress siya.

Hindi ko maaninag yung mukha niya, masyadong maliwanag

Palagi na lang ganito


Lumalapit siya sakin pero this time, she moves closer to me enough for my eyes to
see her face...

I can see her face, she has a very dazzling skin complexion and her eyes are
adorable

She has a beautiful long hair with curls in its end, she has a very red kissable
lips

Enough word to describe her, AMAZING, her beauty is STUNNING.

Now, I have seen the face of this Girl of My Dreams.

She smiled at me, how I love those smile...

"Human" may napapakinggan akong boses

"Oi human!" meron talaga, naalimpungatan ako, nakita ko si Chi, nakatingin sakin

"Human! Gisiiiiiiing na!!!" saka niya ako inalog dahilan ng pagkagising ko! (>O<)
kaw kaya, alugin!

"ANO?! Psssh =___=" Inaantok pa ko e!

"Tapos na ako! ^______^" sabi niya sabay smile, what's with her smile? Parang may
katulad?

"Oh ano? Nakita mo?" saka ako bumangon sa pagkakahiga ko sa sofa


Nakasmile pa din si Chi, ngeee? Teka, siguro nakita niya?! O.o

SAKTO! Nakita ko na din mukha nung Girl of My Dreams ko!!! Tamang tama!!!

Kung sakaling nakita na niya meaning, makakalayas na siya sa buhay ko, makakatawid
na ng langit at mahahanap ko na ang girl of my dreams ko! BWAHAHA! Ang galing mo
talaga NEON! ;D

"ANO?! Nakita mo na?! NAKITA MO NA?! ^______^" di ko mapigilang di mapangiti!


naeexcite ako sa isasagot niya! ^____^

"Huh? Bakit ka nakasmile? Yun na nga e. NEGATIVE! HAHAHA! Di ko nakita katawan ko!
^________^" huh? ANO DAW?! (?_______?) PAKIULIT?!

"Huy! Sabi ko, di ko nakita! Hahaha! ^______^" Masaya pa siya niyan, ok, hindi daw
niya nakita...

=______=

(?______?)

O_______O

"WHAAAAAAAAAAT?!!! E bakit ang saya-saya mo?!!! >___< Akala ko pa naman nakita mo


na!!!" akala ko talaga nakita na niya! At if ever na nakita na niya, mahahanap ko
na yung girl of my dreams ko!!!

"Eh kasi naman! Nasabi ko na sa'yo diba?! HINDI AKO GALING MENTAL! HAHAHA! ^_____^"
ngek?! GANUN?! Kaya siya Masaya kasi hindi daw nga pala siya galing mental!
=_______= OK! >_____< E di NEGATIVE nga! Akala ko pa naman maaalis na sa buhay ko
ang pesteng Chi na 'to! Di pa pala! >____<

"Ok Psssh" disappointed ako, akala ko talaga mahahanap ko na ang girl of my dreams
ko! Hindi pa pala (>O<)
"Tara" saka ako lumabas ng nanlulumo

Kung kelan nakita ko na ang mukha ng girl of my dreams ko, kung kelan handa ko ng
makita ang babae sa panaginip ko saka naman may ganito, may HADLANG sa mga plano
ko! TT___TT

"Oi! Human, bakit malungkot ka? (*','*)" si Chi yan, humahabol sakin

"Wala" wala, wala! Psssh

"Bakit nga? Dali na"

"Wala nga sabi"

"Dali na! May problema ka ba? (*'m'*)"

"Wala"

"Wala daw? Sige na! Sabihin mo na, malay mo matulungan kita"

Huh? Ano daw?

Ano yung last line?

'malay mo matulungan kita'

HUH? O.o

*insert light bulb sa ulo ni Neon*


*TING!*

TAMA!!! ^______^

"Kung sasabihin ko sa'yo? Tutulungan mo 'ko?!" ako yan, desperado na talaga!

"Sige ba! Basta madali lang ha"

"Ok, listen Chi, what's my problem? I need to find the girl of my dreams!"

"Huh? Girl of my dreams? (?___?)"

"Ganito kasi yun e! Kaya galit na galit ako sa'yo kanina, nananaginip kasi ako nun!
I'm dreaming of this girl of my dreams then suddenly nung makikita ko na siya, yung
mukha niya, sakto naman, ginising mo ako! Kaya ayun, I got mad, di ko nakita mukha
niya" kailangang iexplain one by one, malay natin, matulungan ako ng hindi tao,
hindi anghel, hindi multong nilalang na ito, HAHAHA

"Tapos?"

"Tapos, diba nakatulog ulit ako kanina, nakita ko na yung mukha niya! Ang ganda
niya! Gusto ko na siyang makita kaso"

"Kaso?"

"Kaso... Hindi pa pwede..." Oo hindi pa pwede, nandiyan ka pa kasi Chi. =______=

"Hindi pwede?! Bakit?!"

"Siyempre! Tutulungan muna kita bago ko siya hanapin, pag nakita na natin katawan
mo, saka ko na lang hahanapin yung girl of my dreams ko" teka, akala ko ba nahingi
akong tulong?! LABO! -_____-
"Ganun ba?"

"Oo, ganun nga"

Natahimik kami parehas

Girl of My Dreams, makakapaghintay ka naman diba?

Tutulungan ko muna si Chi bago kita hanapin

Silence has invaded the spaces between us. Ansaveeeh?!

"Gusto mo tulungan kita" hindi yan tanong, parang she's claiming that she'll help
me

"Huh?"

"Human listen, help me, I'll help you, it's like, pede naman nating pagsabayin yung
paghahanap sa katawan ko at sa girl of my dreams mo diba?"

"Ah, o-oo, oo" oo nga naman, we can search them both at the same time

"Then let's help each other, tulungan tayo, help me find my body and I'll help you
find the girl of your dreams"

"Ta-talaga?" teka, bakit parang bumabait 'tong si Chi? What's happening on earth?

"Oo nga! ^______^" saka siya ngumiti ulit, yung ngiti niya, parang nakita ko na
dati
Urgh, Chi! Pinapag-isip mo pa ako e. Psssh. -_______-

***

Third Person's POV aka Lalishka's POV

[Narration]

After that, dumiretso ng mall sina Neon at Chi, hindi sila magdedate, maggogrocery
lang sila at wala na daw kasing laman ang pinakamamahal na REP ni Neon

Nakarating na silang mall, hindi naman sa bano si Chi pero para daw kasing miss na
miss ni Chi ang magpunta sa mall

Pasok sa bawat boutique, tingin ng kung anu-ano, lumalabas ang katauhan ni Chi

Si Chi, sa pagkakaconclude ni Neon, mahilig magshopping, napag-isipan niyan siguro


mayaman ang naturang nilalang

Binilhan na din ni Neon si Chi ng mga damit sa mall, pumasok sila sa isang boutique

Dali-daling pumili si Chi ng mga damit, siyempre, si Neon ang magbabayad

Habang pumipili si Chi may nakitang babae si Neon

Si "Girl of my Dreams"

"Chi! Saglit lang ah" nagpaalam si Neon kay Chi, umoo na lang si Chi
"Miss! Miss, sandali!" dalidaling hinabol ni Neon yung babae

Napatigil yung babae, napalingon siya kay Neon

Hindi nagkakamali si Neon, siya nga. Siya nga ang babae sa kanyang panaginip

"Miss" nahihingal pa si Neon, hindi siya makapaniwala, ang babaeng kailan lang na
nasa panaginip niya ay nasa harapan na niya ngayon

"Huh? Bakit?" sagot ng babae, tinitigan ito ni Neon, hindi siya pwedeng magkamali,
ito nga ang babae sa panaginip niya

"Ah, miss, anong pangalan mo?" diretsahang tanong ni Neon

"Bakit?" napatanong naman ang babae, nagtataka ito kung bakit agad-agad ay tinanong
ni Neon ang kanyang pangalan

"Miss, anong pangalan mo?!" hindi galit si Neon, gusto lang talaga niyang malaman
ang pangalan ng babae sa panaginip niya

"Ca---camille, ako si Camille" sa di malamang dahilan, ibinigay ng babae ang


kanyang pangalan

"Ah ganun ba---" hindi na natapos ni Neon ang sasabihin niya, bigla siyang tinawag
ni Chi

"Human! *u* Tapos na ako pumiliiii!!!" agad naman napalingon si Neon kay Chi

"Sandali!" saka ulit lumingon si Neon sa babaeng kaharap niya pero pagharap niya,
wala na ang babae, nakaalis na siguro

"Camille" yan na lang ang nasambit ni Neon matapos mawala ng babae, sa wakas, alam
na niya ang pangalan ng babae sa kanyang panaginip, Camille pala
Dalidali siyang nagpunta sa kinaroroonan ni Chi, binayadan na nila ang kanilang
pinamili at saka umuwi

...to be continued

A/N: HAHA! Napakatagalog na narration, naubusan ako ng dugo sa kuko! XDD

####################################
Chapter 4
####################################

POV: Neon Iron Corpuz

Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina, nakita ko si Girl of My Dreams sa mall!

Ang ganda niya! Nakakainlove!!! ♥________♥

Camille, Camille ang pangalan niya!

"Human, kanina ka pang blooming ah" si Chi yan, bale nasa bahay na ulit kami, nasa
kusina kami, nakain at siya nga pala ang nagluto ng pagkain namin ngayong gabi!

"Wag mo nga akong pakealamanan, kumain ka na lang" saka ko siya inisnob, Bwahaha!
Hindi ko na pala kailangan ng tulong mo Chi! Nakita ko na si Girl of My Dreams! ;P
Nameet and Greet ko pa! Hahaha.
"Ok" kumain na din siya, pansin ko lang, may pagka Bipolar din 'tong babaeng 'to?
Minsan mabait, minsan Amazona, minsan masungit at minsan walang pakealam! Hindi
pala BIPOLAR! QUADPOLAR! Apat katauhan sa iisang katawan! BWAHAHAHA

At hanggang ngayon, nahihiwagaan pa din ako, paano kaya namatay ang isang 'to?

O well, sana hindi mapagaya sa kanya si Girl of My Dreams aka CAMILLE ko! Ikakasal
muna kami at magkakapamilya bago siya madedo. BWAHAHA! ;D

At siyempre, saka ko na lang sasabihin kay Chi na nahanap ko na si Girl of My


Dreams ko kanina, baka kung ano pang gawin ng isang 'to sa girl of my dreams ko pag
nagkataon. ;D

"Oi human, pa'no na natin hahanapin yung katawan ko?" si Chi yan, nakain pa din

Oo nga pala, hahanapin pa namin katawan nitong si Chi na ito, paano nga ba?

"Wala ka na ba talagang maalala?" sige Chi, pigain mo yang utak mo! Haha, baka
sakaling may makuha pa tayo para mapadali na yang paghahanap natin sa katawan mo at
ng makapamuhay na kami ng girl of my dreams ko ng mapayapa! BWAHAHA ;D

"Ah, saglet ah" saka siya pumikit, siguro nag-iisip

Bigla namang nagring yung phone ko, yung kapatid ko pala, si Kuya Xenon, tumatawag

"Chi saglet ah" saka ako pumunta sa may labas, para di choppy

"Hello kuya? Napatawag ka?" ako yan, palitan lang kami ng conversation ng kapatid
ko

"Neon, biglaan lang 'to, bukas na daw ang flight namin ng ate Camella mo,
makakasama ka ba sa paghatid?" huwhaaaaaaat?! Agad ng bukas?!

Oo, alam kong aalis yung kapatid ko papuntang ibang bansa kasama nung asawa niya,
si Ate Camella at nung anak nila, si Zinc. Pupunta silang China e, magaasikaso ng
business dun kaya ayun, magmamigrate sila, well, ako? Iwan ako dito, nag-aaral pa
kaya ako! 3rd year college, AB Legal Management is the course. Di lang ako mahilig
pumasok. BWAHAHA! Magdadrop na nga ako e. ;D

And by the way highway, going back to the topic...

"Ano kuya?! Bukas na?!!!" masyado naman ata napaexagge ang react ko. Aba, walang
pakelamanan ng trip! Kunwari gulat talaga ako, BWAHAHA! ;D

"Oo, bukas na bale punta ka na lang kina Tungsten bukas ng 9am ha, dun ang kitaan
ng mga maghahatid sa amin geh, tulog na" saka ako pinagbabaan ng kapatid ko, ok!
9am daw bukas kina Tungsten, si Tungsten, pinsan ko yun, yun yung bida sa The
Casanova Knight by lalice0610. BWAHAHA! Tamang PLUG?! XD

Binaba ko na din yung phone, siyempre, wala na akong kausap e

"URGHHHHHHH!!!" nagulat na lang ako, boses ni Chi yan! Galing sa kusina

Dalidali akong pumasok paloob, ano naman kayang nangyari sa isang yun!

Nakita ko si Chi, nakahilata sa sahig, ang pangit ng term, nakahilata! HAHAHAHA,


pero teka! Nakahilata nga siya!!!

"Chi!" agad ko siyang inalalayan, grabe, bakit ang INIT ng isang 'to?! O.o

NILALAGNAT?!

Dinala ko si Chi sa kwarto ko, inihiga ko siya dun

Oi! WAG GREEN! Wala akong gagawing masama sa isang 'to!

"Neon..." si Chi yan, teka...


She called me whaaat?!

"Neon..." siya ulit yan, her voice, the way she calls me.

"Ba-bakit?" di ko alam kung bakit, the way she calls me Neon, iba. Parang
napakinggan ko na dati.

"Wag mo na siyang hanap---" naputol yung sasabihin niya, nawalan na siya ng malay.

Anong wag ko ng hanap?

Sino ang wag ko ng hanap?

Ang gulo ng Chi na 'to.

Kumuha na din akong bimpo at saka mainit na tubig, nilalagnat pala 'tong babaeng
'to hindi nagsasabi.

'Neon', napasagi na naman sakin yung boses niya kanina at kung pano niya banggitin
yung pangalan ko. Eeh!

-______- Weird! (>O<) Ayoko ng masyado mag-isip!

Imposible naman kasi yung nasa isip ko e!

Teka alam niyo ba yung iniisip ko?!

Teka, ang gulo ko, wag niyo na nga muna akong pansinin!!! (>O<)

Bumalik na din ako sa kwarto ko, dun ko nadala si Chi e.

Pinunasan ko na din siya, kahit papano pala, maganda din 'tong isang 'to, di lang
nag-aayos
Pagkatapos ko siyang punusan, TAKE NOTE, hindi ko pinunasan yung pangkalahatan
niya! Yung mukha lang, at yun nga, matapos ko siyang punasan, ipinatong ko na yung
bimpo at tubig dun sa side table ng kama ko

Nga pala, may picture si Ayame sa kwarto ko! BWAHAHA, wala lang, trip ko lang
lagyan ng picture ni Ayame 'tong kwarto ko, sa lahat ng CHIX ko, si Ayame lang yung
pinakaTRIP ko! BWAHAHA kaso naturn off yun sakin dati e, nasinghutan ko! XD
Pasensya naman, may sipon ako ng mga panahong yun! BWAHAHAHA.

Try niyo basahin ang [TCK Side Story] Chased by A Monster by lalice0610, nandoon
ang buong pangyayari! Bwahaha! Tamang plug lang ulit?! XDD

"Neon" the way how Chi had uttered my name. Seemed like I've known her before.

Ayt ang gulo! (>O<)

Sino ka ba kasi talagang Chi ka?

***

POV: Nothing but the Chi

Chi's POV

Naalimpungatan ako, nasa isang kwarto daw ako.

Pagtingin ko sa may side table, may picture ng isang babae.

Bumangon na ako saka bumaba, nasaan na kaya si Neon?

Ano bang nangyari? Bakit nasa kwarto niya ako?

"HUMAN!" inumpisahan ko na siyang tawagin, hindi sa pangalan niya kasi baka. Baka,
ah basta! (>O<) Chikret.

Walang sumasagot, nilibot ko na yung buong bahay niya wala pa din.


Nasaan na kaya siya? Bakit ako iniwan! Waaa! (>O<)

"HUMAAAAAAN!!!" tinawag ko ulit siya pero bakit ganun? Wala talagang nasagot!

Napatigil ako dun sa may tapat ng ref, may nakadikit na note.

"Chi, punta lang ako sa mga pinsan ko, ihahatid lang namin yung kapatid ko, pupunta
na kasing ibang bansa. Kumain ka muna, yung gamot nasa ibabaw ng mesa."

PS: WAG MO KONG SUSUNDAN!

Ganun? Waaa! Si Human talaga, hindi naman kasi pwede yun e! (>O<)

Dali-dali akong umalis ng bahay, kelangan ko siyang sundan!

Hindi kami pwedeng magkahiwalay ng matagal!

Hindi pwede! (>O<)

Teka, saan naman kaya yun pupunta? Sino ba kasing pinsan? (?___?)

Waaaa! Tulungan niyo ako. TT___TT

***

Neon's POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nina Kuya Tungsten, ihahatid kasi namin si
Kuya Xenon sa airport.

Si Kuya Tungsten nga pala, pinsan ko. Si Kuya Xenon, siya yung kapatid ko.

"Pasabay sa airport! Bwahaha, puno na daw sa sasakyan nina Kuya!" ako yan, joke
lang yan... HAHAHA. Sabi sadya ni Kuya dito ako sumabay. XD ayy, ang gulo. Hayae
niyo na. Pssssh~

Bale, nandito sina Danna, Tyrone, Myka, Luke, Barium, Khas, Kuya Tungsten at
Nickel. Mga "friends" ko. OHA. May friends din kaya ako! Mwahahaha~ ;D Yung mga
chemical elements ang name, pinsan ko yun. XD halata naman diba? -____-

"Sige ba pinsan! Teka, sino yang kasama mo? GF MO?! Pakilala mo naman!" si Kuya
Tungsten yan, teka.
Ano? Sinong kasama? O___O

"Huh? Sinong kasama?!" napalingon naman ako sa likod ko, sinong kasama?! O_O

Ako: =____= -> O____o

Yung nasa likod ko: ^_______^

Sila: ?_____?

"Anong ginagawa mo dito?! Diba sabi ko sa'yo wag kang sasama?! >.>" ako yan. Buset!
Si Chi, nasa likod ko! (>O<) Kanina pa ba 'to sa likod ko?!!!

"Kasi human! Nakakainip kaya sa bahay. *pout*" sabi niya, Psssh. Anong nakakainip e
sa pagkakaalam ko tulog na tulog 'to nung umalis ako! Ano 'to nagteleport?! At saka
nilalagnat 'to e! NILALAGNAT! (>O<)

Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Pssssh. =_______=

"Neon sino ba kasi yang kasama mo?" si Barium yan.

"Ah ito... Ano..." teka, ano bang sasabihin ko?! =____=

"Ako po si Chichi! (~*O*)~" sabi ni Chi. WOW ha! Chichi na siya ngayon?! Sa
pagkakaalam ko, CHI lang yung ipinangalan ko sa kanya. =_____=

"Wow, ang cute naman ng name mo! Gf ka ni Neon?" tanong ni Danna, friend namin...
teka ano daw tanong?! Kung GF ko daw sino?! O_______O

"Ano ba! Di ko yan GF noh!!!" sabi ko, pssssh. Kung bakit pa kase andito si Chi.
Baka mamaya, kung anong magawa nito dito! Remember, may SUPER POWERS siya. -____-
Malay ko kung mamaya palipadin niya 'tong mga tao dito.

"OH, chill pre! Eh bakit sa bahay mo natuloy?! Oi, pakinig namin yung kanina!
Nakakainip daw sa bahay!!! At ang ganda pa ng tawagan niyo ha! "HUMAN!" ;D" -Tyrone
yan, BF nung si Danna...

"Ah! Ano ba kayo?! Hindi ko nga yan GF! Ano, bago ko siyang ano..." teka ano nga
ba?! (>O<) Naman kasi CHI e!!!

"ANO?!" ayan na nga, gisa na nga ako! (>O<) Wrong timing ang pangungulit! Tssss~
Isip neon! Isip!!! Teka...

"bago ko siyang ano...MAID!!!"

"MAID?!" silang lahat yan, teka! Bakit ayaw niyong maniwala?! Pssssh. -_-

"Hey human! Bakit mo naman ako ginawang maid?! Gusto mong mamatay?! (>o<)" bigla
namang humangin ng malakas! Daw?! Chi! Naman e!!! Kinikilabutan na ako, dapat pala
hindi kita pinunasan kagabe para hanggang ngayon nilalagnat ka! E di sana, di mo
nagagamit powers mo! >_<

"Tumahimik ka na nga munang Chi ka! Saka wag kang magalit!"

"Oo na. Oo na, kung mag ano man kayo, be it ok?" si Luke yan, friend din namin...

"Tara na nga, ihahatid pa natin sina Xenon, baka mamaya nakalipad na yung plane
nila bago pa tayo makarating" -Barium... Kapatid ni Tungsten na kakambal ni Nickel.

At naglakad kami palabas ng bahay. Psssh. -__-

Kasama si Chi.

"Pare, ganda ng chix mo ah! HAHAHAHA. At senyo pa nakatira!" si Barium yan, ganun?!
Suntukan na lang pare ano?! =___= Di ko sabi Chix yang si Chi. HALIMAW yan! HALIMAW
. -____-

"HEH! Ewan ko sa inyo! MAID ko sabi yan! MAID! =____="

"MAID?! Gandang maid naman yan pre! Aminin mo na kasi! GF mo noh?!" -Barium ulit.

"GF mo your face! Di ko siya type! ;P"

"WEH?! Bet OA ka magreact?! Ayeee~ Si Pare, kinikilig ang butchi! HAHAHAHA!" Barium
at Tyrone yan, ganon?! PSSSSSSH~ =______=

"EWAN KO SA INYO! TIGILAN NIYO NGA AKO! =_______="

"OK PARE. WHATEVER. HAHAHAHA"

At tinigilan naman nga nila ako. Haist.

Teka, nasaan na ba si Chi? =____=

Nawala na naman sa paningin ko.

Hinanap ko siyempre at ayun...

Katabi ni ate Aika.

Teka...

O______O Katabi siya ni ate AIKA!!! Nakowww!!!

Dali-dali akong nagtatakbo kay Ate Aika! Chi, lumayo ka diyan sa asawa ni Kuya
Tungsten!!! (>O<)

"Hoy! Chi, dito ka nga! Anong ginagawa mo kay Ate Aika! Buntis pa naman din yan!
Layuan mo nga!" at hinila ko siya! Delikado na. Yea. Yea. Chi's charmed yet,
DANGEROUS~

"Ano ka ba! Wala naman akong ginagawang masama e! (>O<)" siya yan, Oo wala pa!
Malay ko mamaya kung meron na! =___=

"Basta, keep distance! Dito ka lang sa tabi ko! Wag kang lalayo!" mygulaaaay! Dito
ka lang Chi. Kinakabahan ako e. (>O<)

"Ok HUMAN" at biglang humangin ng malumanay.

Kinilabutan na naman ako! (>O<)

Bumyahe na din kami papuntang airport. Aalis na sina Kuya Xenon. Mamimiss ko siya,
JOKE XD

Katabi ko si Chi, nagheadset na lang ako. =_____=

Boring e.

Now Playing: I Wouldn't Mind by He is We

♫♪ Merrily we fall out of line, out of line...

I'd fall anywhere with you, I'm by your side...

Swinging in the rain, humming melodies...

We're not going anywhere until we freeze... ♫♪

Nakatulog ako, bakit ko alam?

HELLO???

*insert NEON's Dreamland here*


Nandito na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam

May tumatawag sa pangalan ko, isang babae

"Neon! ^_^" siya yan

May hawak siyang bulaklak, naka dress siya.

♫♪ I'm not afraid, anymore

I'm not afraid...

Forever is a long time...

But I wouldn't mind spending it by your side... ♫♪

Siya si Camille, nakilala ko na siya. I've already seen her.

Pero bakit ganito? Diba kapag nakita mo na yung taong napapanaginipan mo, mags-stop
na yung dream mo about sa kanya?

Unti-unti ulit akong lumapit sa kanya...

Siya nga si Camille, hindi ako pedeng magkamali.

♫♪Carefully we'll place our destiny

You came and you took this heart and set it free...

Every word you write or sing is so warm to me...

so warm to me...

I'm torn, I'm torn to be right where you are... ♫♪


This time, mas lalo ko siyang tinitigan.

Hinawakan ko yung buhok niya ang place it after her.

I saw a mole in the middle of her neck.

"Camille" after I told her her name, she left me and run away...

Why did she run away?

May nasabi ba akong mali?

♫♪I'm not afraid, anymore

I'm not afraid...

Forever is a long time...

But I wouldn't mind spending it by your side...

Tell me everyday I get to wake up to that smile...

I wouldn't mind it at all...

I wouldn't mind it at all... ♫♪

Hinabol ko siya... Pero...

Hindi ko siya naabutan...

San na siya nagpunta?

Where is the girl of my dreams?

♫♪ You so know me...

Pinch me gently...

I can hardly breathe... ♫♪

Hinanap ko siya...
I even screamed for her name...

"CAMILLE! CAMILLE!"

Nawala na siya sa paningin ko. Bakit siya tumakbo? Camille why?

♫♪Forever is a long long time...

But I wouldn't mind spending it by your side...

Tell me everyday I get to wake up to that smile...

I wouldn't mind it at all... ♫♪

"CAMILLE!!!"

♫♪I wouldn't mind it at all... ♫♪

####################################
Chapter 5
####################################

Neon's POV

"Hoy human! Gisiiiiing! Gisiiiiiiing!" ramdam ko, may umaalog sa akin.

Nagising ako, si Chi pala. Teka nanaginip na naman ako, napanaginipan ko na naman
si girl of my dreams.

"Hoy human! Anong nangyari sayo???" si Chi yan.


"Oo nga! galing mo umemote pre! Nananaginip ka ata kanina. HAHAHAHA" si kuya
Tungsten yan.

"Che, wala! Teka malapit na ba tayo?" di ko na lang sinabi sa kanila yung panaginip
ko.

"Nandito na tayo sa airport.." sagot ni ate Aika.

Bumaba na kaming lahat, iniisip ko pa din si Girl of My Dreams.

Bakit tumatakbo siya papalayo sakin?

Chi's POV

Nandito na kami sa airport. Bale, humiwalay na muna ako kay Human. Ewan ko kay
Human, di ko maintinidihan kung anong nangyayari sa taong yun. =O=

May nakita akong babae, kasama namin siya dun sa sasakyan, kanina ko pa siyang
tinititigan, may kamukha kasi siya.

"Hi! ^_^" binati ko siya. May kamukha kasi talaga siya.

"Low" bati niya sakin, ayyy. Bakit ang tipid?

"Alam mo ba, parang nakita na kita dati! ^_^" sabi ko sa kanya. parang talaga.

"Talaga? Saan naman?"

Saan nga ba? Ayyy teka...

Napaisip naman ako, sang nga ba?


Teka nga...

"Sa kwarto ni Neon! Kamukha mo yung picture na nasa table niya!"

Oo siya nga yun! Di ako pedeng magkamali!

"Hindi ako yun"

"Ikaw yun! Kamukha mo e" pilit ko sa kanya. Siya talaga yun!

"K" ang tipid niya talaga sumagot, pero siya talaga yun.

"Hoy Chi! Sabi ng wag lalayo sa tabi ko! Kanina ka pa! Dito ka nga" saka naman ako
hinila ni Human! Luh, KJ 'to. Kitang nakikipag friends pa ako! =O=

Medyo papalayo na kami dun sa babaeng may picture sa kwarto ni Neon, Ayame ata
pangalan nun ng may narinig kaming sumigaw..

"NOOO!" boses ni girl na may picture sa kwarto ni neon.

napatingin kami sa kanya...

*BEEP*BEEP*

*BLAAAG*
"VANA!!!" -boses nung Tungsten.

"XANXAN!!!" -boses nung Camella.

Yung dalawang batang kasama namin... Nasa gitna ng kalsada.

Dali-daling nagpunta dun lahat. Pati ako.

Napatingin ako dun sa dalawang bata.

"Don't worry, they won't die." bigla kong naimik. Kapag kasi may mga naaaksidente o
may mga taong nasa bingit ng kamatayan nakikita ko kung makakasurvive pa sila o
hindi. Remember, I'm a chi. Isa yun sa mga ability ko.

Saka naman may dumating na ambulansya.

Third Person's POV

Nagpunta sina Neon at Chi kasama pa ang iba sa ospital.

Naaksidente yung pinsan ni Neon, si Vana at saka yung pamangkin nung asawa ng
kapatid niya, si Xanxan.

Naghihintay lang sila sa resulta kung ok na ang mga bata ng may nakita si Neon na
isang babaeng pamilyar.
Ang babae sa panaginip niya.

Si Camille.

Napasigaw naman siya ng "Camille!".

Tumigil ang babae, saka niya tinitigan si Neon na parang nagsasabing: "Ikaw ulit?"

Pinuntahan ni Neon ang babae, hindi niya alam, kita pala sila ni Chi.

Sumunod din si Chi pero parang nagtatago si Chi.

Natatakot si Chi.

Natakot siya sa nakita niya. Hindi niya maipaliwanag pero natatakot siya.

Tumakbo na lang palayo si Chi.

Neon's POV

"Ah, hi. Ano, ako si Neon" nandito kami sa garden ng ospital nitong si Girl of My
Dreams.

Pinagtatagpo ata kami ng tadhana?

"Ah, ok?" sagot niya sakin, parang nagtataka siya.


"Ah eh," wala akong masabi, siya nga yung nasa panaginip ko, si Girl of My
Dreams...

Tinitigan ko lang siya. Siya nga yun, hindi ako pedeng magkamali.

"So, dito ka pala nagtatrabaho?" natanong ko lang, nakaputi kasi siya.

"Ah, naku, hindi ah. May dinadalaw lang ako" ah ganun pala, may dinadalaw siya.

"Ah, ganun ba.." wala na akong masabi, natatameme ako. ganito pala ang feeling
kapag nameet mo na yung babaeng napapanaginipan mo ng matagal at nakausap mo pa.

"Siya sige, mauna na ako, nice meeting you" ayoko pa siyang umalis pero aalis na
daw siya.

"Ah, eh.. Hatid na kita, san ka ba?" alok ko sa kanya.

"Ano ka ba, dito lang naman ako sa ospital e, 3rd floor. Remember? May dinadalaw
ako dito."

"Ah, oo nga pala, sige hatid na lang kita sa elevator" di ko alam kung bakit pero
nahihiya ako, bakit nagkakaganito ako?

Hinatid ko na siya sa may elevator saka ako bumalik dun sa may emergency room kung
saan dinala sina Vana at Xanxan.

Pag dating ko don, sina ate Camella at kuya Xenon lang ang nandon. Teka, nasan si
Chi?

"Kuya? Nakita mo si Chi?" tanong ko kay kuya. Nasan na naman kaya ang Chi na yon?

"Naku, hindi e. Baka naman naglilibot lang dito sa ospital?"


"Ah, sige salamat"

Ano ba yan, bakit ko nga ba iniwanan si Chi kanina? Baka kung san magpunta yun!
Kasi naman, si Girl of My Dreams, bigla bigla na lang nagpapakita! Ayan tuloy.

Hinanap ko na lang si Chi.

Saan naman kaya yun magpupunta?


####################################
Chapter 6
####################################

Neon's POV

"Miss, may nakita kayong weird na babae na nakaputi?" tanong ko dun sa nurse,
nakapauti kasi si Chi tapos best description e di weird. Ano pa nga ba?

"Naku, wala po, try niyo na lang po sa guard kung may nakita sila, nagraround po
kasi ako kanina, pasensya na po" sabi nung nurse, kay galang naman.

"Sige, salamat" saka ako pumunta dun sa may guard.

Tinanong ko yung guard pero ang sabi wala naman daw siyang nakitang babaeng lumabas
dun.

Siguro nandito lang si Chi sa ospital?

Haaaaay. Bakit ba kasi ako pinagiisip ng babaeng yun!

Naglibot na lang ako sa ospital, mula first floor hanggang last floor, baka
sakaling makita ko si Chi and I never fail.
Nakita ko siya sa third floor, nakatayo sa may pinto ng isang room.

Tatawagin ko na sana siya pero hindi ko nagawa, nakita ko kasing may pumatak sa
mata ni Chi.

Muta, este luha pala.

Nagtago na lang ako dun sa may halaman na nasa third floor, galing noh? Automatic
nagkahalaman bigla!

Kita ko pa din si Chi pero bigla siyang tumakbo palayo nung makita niyang
magbubukas yung pinto nung kwartong sinisilipan niya.

Nagulat ako nung makita ko kung sinong lumabas sa pinto.

Chi's POV

Yung nakita kong babae na kasama ni Human, hindi ako pwedeng magkamali.

Parang kilala ko siya, parang nakita ko na siya dati.

Tumakbo ako papalayo, medyo sumakit ang ulo and at the same time natatakot ako.

Natatakot ako sa nakita ko.

Yung babaeng kasama ni Human, kilala ko siya.

Sobra ng sakit ng ulo ko, hindi ko na makayanan.

Umupo ako dun sa bench na nakita ko, malayo na ako kina Human, sinundan ko kasi
sila nung babae.
Di ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko, ang sakit na ng ulo ko.

Yung babae, yung babaeng kasama ni Human, kilala ko siya.

Hindi ko lang matandaan kung sino siya pero kilala ko siya.

Sobrang sakit na ng ulo ko, di ko na ata kaya.

Tama. Kilala ko nga siya.

Kilala ko nga ata.

Agad akong bumalik dun sa lugar kung saan naguusap si Human at yung babae pero
pagbalik ko dun wala na sila.

Hinanap ko kung saan sila nagpunta, nakita ko yung babae sumakay ng elevator, agad
akong pumunta sa second floor at inabangan yung elevator.

Kailangan kong malaman kung sino siya.

Kilala ko siya, alam ko, ramdam ko, kilala ko siya.

Neon's POV

Yung babaeng lumabas ng pintong dinudungawan ni Chi.

Si Girl of My Dreams yun. Teka, anong ginagawa ni Chi dun?

"Huy, ikaw ulit?" nagulat na lang ako, si Girl of My Dreams, nasa harapan ko na.
"Ayyyy, Ca--camille!" napabati na lang ako, ano namang sasabihin ko, malay ko bang
makikita ko siya.

"Third Floor ka din? Third floor din ba yung dinadalaw mo?" tanong niya sakin, ano
namang isasagot ko? siyempre palusot. kesa naman sabihin kong may hinahanap akong
kakaibang nilalang. masabihan pang sira ulo ni Girl of My Dreams.

"Ah. Oo. Third Floor din ako" saka ako nagsmile.

"Ah, sino nga bang dinadalaw mo dito?" tanong niya sakin.

"ah eh, yung pinsan ko kasi naaksidente kanina sinugod sa emergency room dito"

"Ganun ba? Sige, mauna na ako, sana gumaling yung pinsan mo" saka siya nag smile
saka umalis.

Nakahinga din ng maluwag, teka, ano nga ba ulit ginagawa ko dito sa Third Floor?

Oo nga pala. Si Chi.

Tiningnan ko yung hallway kung saan ko nakita si Chi pero wala na siya.

Saan na naman kaya yun nagpunta?!


####################################
Chapter 7
####################################

Neon's POV

Nawala si Chi sa hallway, hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang babaeng yun
kaya bumalik na lang ako kina kuya Tungsten at kuya Xenon, kakamustahin ko na lang
lagay nina Vana at Xanxan, siguro naman babalik si Chi bago maghapon.

Katulad ng sabi ko, bumalik na lang ako dun sa may emergency room.

Sina kuya Xenon lang ulit naabutan ko dun, di pa daw nabalik yung iba.

"Kuya, kamusta na yung mga bata?" tanong ko sa kanila.


"Wala pang sinasabi ang mga doctor e, teka, nakita mo si Chi?" tanong sakin ni
kuya.

"Nakita ko na kanina, e bigla namang nawala. Bayae na siya." yung lang ang sabi ko,
tapos, saka ako umupo dun sa waiting area. Babalik si Chi, kelangan nun ang tulong
ko e. Sabi daw kasi ni San Pedro ako daw yung tutulong sa kanya.

Like, of all the people why me? =O=

"Umamin ka nga Neon, girlfriend mo yun noh?" ayan na naman sila, bakit
pinagpipilitang girlfriend ko ang halimaw na yun.

"Di noh! ASA!" saka ako nagheadset. Babalik si Chi, babalik yun, kailangan ako nun.

* Insert Neon's Dreamland*

Nandito na naman ako sa lugar na palagi kong napapanaginipan.

This time, mag-isa na lang ako, wala na si girl of my dreams.

Nilibot ko yung lugar kung saan ako naroroon. Baka naman nandito lang din si Girl
of My Dreams, nagtatago lang.

Sa paglibot ko, may nakita akong babae.

Babae na nakahiga sa tumpok ng mga bulaklak.

Nilapitan ko yung babae. Nagulat ako sa nakita ko.

Si Girl of My Dreams yun.

Bakit siya nakahiga sa tumpok ng mga bulaklak?

Anong nangyari?
Pilit ko siyang nilalapitan pero mula sa kinatatayuan ko, hindi na ako makagalaw.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Ano ba talagang nangyari? Bakit siya nakahiga dun?

Pilit akong umaalis sa kinatatayuan ko, gusto ko siyang lapitan pero di ko talaga
magawa.

Hanggang sa pagtingin ko ulit sa kanya, wala na siya.

Wala na siya dun sa tumpok ng mga bulaklak.

Nasaan na siya?

***

"Hoooy! Neon Iron! Gising!!!" boses yan ni Khas, girlfriend nung pinsan kong si
Barium.

"NEON gising!!!!" boses naman ni Ate Camella, asawa ni kuya Xenon.

"HOY NEON! PAG DI KA GUMISING TAMANG TAMA! NASA OSPITAL TAYO, IPAPA-AUTOPSY NAMIN
KUNG NAMATAY KA SA BANGUNGOT O ANO?!" boses ni kuya Tungsten.

Bigla naman akong nagising.

"Ha?" yan yung nasabi ko. ano ba? bagong gising kaya ako. nakatulog na naman ako?
tsss. =O=

"Wala! Ikaw e, grabe ka matulog! Naungot ka! malay namin kung sa panaginip mo,
pinapatay ka na pala!" si kuya Tungsten yan, ang hyper!
"Ahhhh" oo nga pala, nakatulog nga pala ako. teka nga muna

"Dumating na si Chi?" agad kong tinanong sa kanila.

"Hindi e, baka naman umuwi na sa bahay NIYO." sabi ni Barium.

"HEH!" makaemphasize 'to ng NIYO wagas.

Teka, pano makakauwi sa amin si Chi? Alam ba niya ang daan?

"Neon, uuwi na kami, inoobserbahan pa daw kasi sina Vana at Xanxan. Ikaw ba?"
tanong ni ate Camella.

Ano nga ba? Wala pa din si Chi, iintayin ko ba o uuwi na lang?

Pssssh. Baka tama sila, baka umuwi na yun.

"Uuwi na din ako" saka ako tumayo mula dun sa pagkakaupo ko.

Wala pa din si Chi.

Sumabay na ako sa kanila pauwi. Pagdating ko sa bahay, patay ang ilaw. Imposible
talagang makauwi si Chi dito ng mag-isa.

Agad kong nilibot ang bahay, wala talagang Chi at saka kung nandito yun, mag-iingay
agad yun. Sisigaw agad yun ng "HUMAAAAAN!".

Pero wala namang sumigaw, walang Chi.


Binuksan ko na lang ang TV, ayoko pang matulog.

Kakatulog ko lang tapos tutulog ulit? Tulog much? =O=

Lumipas ang ilang oras, nanonood lang ako ng TV.

Wala pa ding Chi.

Talaga bang naniniwala akong makakauwi yung Chi na yun?

Pinatay ko yung TV at saka ako lumabas na lang ako ng bahay.

Nagulat na lang ako paglabas ko.

May babaeng nakatayo dun sa may gate ng bahay ko.

Nakatingin lang siya saken.

Saka siya tumakbo.

Pasaan na naman ang babaeng yun?!

"HOOOOOY! Chiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!"

####################################
Chapter 8
####################################

Camille's POV

"Anak, kami na muna ang magbabantay sa kanya"


"Dito ka lang ha, babalik ako bukas." hinaplos ko ang buhok niya.

"Anak, wag mo na masyadong pakaisipin ang mga nandyari, hindi mo naman kasalanan,"

Pinipilit ko naman ang sarili kong tanggapin na hindi ko kasanan pero..

Kasalanan ko kung bakit siya nandon, kasalanan ko.

Tumango na lang ako saka naglakad papalabas ng pinto.

Sakto namang papasok yung doktor.

"Camille, pauwi ka na ba?"

"Opo doc.." medyo wala talaga akong ganang makipag-usap sa mga tao ngayon simula
nung nangyari ang lahat..

"Oh? Bakit parang di ka mapalagay Camille?" tanong nung doctor.

"Doc, kelan po kaya siya magigising?" gusto kong malaman kung kailan.

"Hindi ko pa masasabi Camille but your sister is doing good so far. Malay natin one
of these days magising na siya.."

"Talaga po doc? Salamat naman po kung ganon"

"Sige, ichecheck ko muna ang vital signs niya, ingat ka hija"

"Sige po"

Dali-dali na ang naglakad pauwi. Magpapahinga na muna siguro ako.

"Lord, pagalingin mo si Cassy, please"

Neon's POV
"Manong, manong, may nakita kayong babae na medyo maliit na mukhang weird?"

"Ayy, oo utoy, nakita ko ata? Dun pumunta sa may gawing yon, may mga nakasunod
ngang lalaki utoy"

"Ho?! May mga lalaking nakasunod?!"

"Oo utoy, ngayon ngayon ko lang nakita"

"Siya sige ho, salamat ho!" at dali-dali na akong tumakbo sa kung saan yung
sinasabi ni Manong..

Nasa kapahamakan si Chi! Kelangan ko siyang iligtas!

Lumiko ako dun sa sinasabi nung matanda, may nakita nga akong mga lalaki at nakita
ko din si Chi.

"Mapagtiyatiyagaan na yan kahit di medyo maganda mga pare" sabi nung isang lalaki,
mga mukhang basagulero 'tong mga 'to. Lima sila.

Teka? Kaya ko ba sila?!

Ang dami pala nila!

Tawagan ko kaya muna sina Barium!

Pero teka, baka matagalan!

Mapapahamak si Chi!

"Ano miss natatakot ka na ba?" tanong nung isa kay Chi, si Chi naman hindi
sumasagot, nakatingin lang sa kanila tapos biglang ngumiti, hindi niya ata ako
kita.

Teka, bakit nakakangiti ka pa Chi e may masamang gagawin na nga sa'yo ang mga yan!
Unti unting lumalapit yung mga lalaki kay Chi.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero sa tingin ko kailangan kong iligtas si Chi!

Bahala na!

"Hoy! Wag niyo siyang lalapitan!" banta ko dun sa mga lalaki, napatingin sila sakin
pati si Chi.

"Hu-humaaan?" si Chi yan

"Aba miss, may Knight in shining armor ka din pala kahit hindi ka kagandahan" ang
sasama naman ng mga lalaking 'to, oo hindi maganda si Chi pero sana naman don't
state what's obvious! May hitsura naman si Chi kahit papano.

"Umalis ka na Human, mapapahamak ka lang dito" medyo cold ang pagkakasabi niyan ni
Chi.

Ha? Bakit naman ako aalis?! Anong tingin mo sakin Chi?! Iiwan kita dito?! Hindi
noh!

Reponsibilidad kita.

"Hindi ako aalis" sabi ko sa kanya

"Boyfriend mo ba yan miss? Wow" sabi nila kay chi

"Umalis ka na Human" si Chi yan, pilit akong pinapaalis

"Alam mo, masyado kang pakielamero, tapang tapangan?" sabi sakin nung isa sabay
sugod sakin.
Sinugod nila ako.

*boooogsh* *pak* *booogsh*

At ayun nga, sinugod nila ako.

Siyempre lima sila, e di natalo ako.

Anong expected niyo? Manalo ako?!

Bagsak ako, hindi naman kasi ako superhero dito.

"Wala ka pala e! tapang tapang mo, japeyk ka pala!" tas tinadiyakan nila ako.

SAKIT AH!

Nakamulat pa din naman ako, hindi lang ako makagalaw.

Kita ko, papalapit na sila kay Chi, si Chi naman, masama na yung tingin sa kanila.

"At ikaw miss" pinalibutan nila si Chi

"One step closer and you'll all die, umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay"
si Chi yan, teka, ano bang pinagsasabi nito. Tumakbo ka na kaya!

"Wow miss, tumatapang ka na, ano? Babawian mo kami? HAHA! Nagpapatawa ka ba?! Kung
yun ngang knight in shining pekeng armor mo walang nagawa, ikaw pa?!" sabi nung
isang lalaki.

Ramdam ko na lang biglang humangin ng malakas. Teka nga, may nakakalimutan ba ako?!
"One more chance" si Chi yan

"Pare biglang lumamig" sabi nung isa.

"Malamang malamig, gabi na kaya! Siyempre mahamog! Wag mo ngang tinatakot ang
sarili mo!" sabi nung isa pa.

"Simulan na natin miss?" tanong nung isang mukhang manyak kay Chi.

Napatingin naman ako sa may side ko, parang may dumaan.

Pag tingin ko, may malaking ipo-ipo.

Napatingin ako kay Chi, bigla siyang ngumiti.

Naman oh! Bet ko ba nakalimutan! May powers nga pala si Chi!

Stupid Neon! Stupid!

"I've warned you" -Chi

Mas lumalapit pa yung mga lalaki.

"Ano bang sinasabi mo miss---?! AAAAAAH!!!" at natangay na yung isa ng ipo-ipo.

Nagulat naman yung ibang mga lalaki.

"PARE!!!"

"Tulungan niyo ko!!!"


Nagtinginan yung mga lalaki kay Chi.

"IMPAKTO KA! PANO MO NAGAWA YUN?!!!" medyo nanginginig na sila diyan.

"Sinabihan ko na kayong umalis na kayo but you didn't listen"

"PARE TARA NA!!! MAY IMPAKTA!!!" at nagtatakbo na yung mga lalaki, yung isa nasa
ipo-ipo pa din.

Maya-maya, humupa na yung hangin, hindi naman patay yung lalaking nalipad nung
hangin siguro nahimatay lang.

Lumapit sakin si Chi.

"At ikaw" cold yung tingin niya sakin.

Teka Chi, bakit ka ba ganyan? Bakit ang cold mo?

Hindi ako sanay, mas sanay ako sa Chi na makulit, yung Chi na masaya.

"Tara" saka niya ako inakay, hindi ako makapagsalita pero feeling ko ang saya-saya
kasi atlast, ligtas si Chi.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Kakaiba.

At maya-maya pa, nakarating na kami sa bahay, ginamot na ni Chi yung mga sugat ko.

PInatulog na niya din ako.


Neon's Dreamland

Nandito na naman ako sa lugar na ito.

Yung lugar na palagi kong napapanaginipan.

Tahimik na, last time na napunta ako dito nakita ko yung babaeng palagi kong
napapanaginipan na nakahiga sa mga bulaklak tapos bigla siyang nawala.

Ngayon? Ako na lang ang tao, wala na si Girl of My Dreams.

Nasan na siya?

Naglibot ako dun sa lugar na yun.

Nakita kong may liwanag.

Nakita ko si Girl of My Dreams, pumasok dun sa liwanag.

Teka, san siya pupunta?

"Hoy Humaaaan! Gising ka na!!!" bigla akong namulat.

"Chi?"

"Yup! Nothing but the Chi! Tara, kain na tayo! Nagluto akong breakfast! Tapos
pagkatapos nating kumain, labas tayo! Pasyal tayo!" ha? Ano bang sinasabi nito?

"Tara na!" tas hinila niya ako.


Teka, hindi na cold si Chi, back to normal na ulit siya.

"Ako nagluto niyan!" proud na proud siya tas nilalagyan niya ng pagkain yung plate
ko.

"Teka nga, kelan ka pa natutong magluto?" napatanong naman ako.

"Kanina lang! Tara, kain na!" at kumain na kami.

Maya-maya pa, natapos na kaming kumain tas pinagbihis naman niya ako.

Mamasyal daw kami.

Ano bang nangyayari dito kay Chi?

Makikiride na lang siguro ako, minsan lang 'to maging sobrang bait kagaya nito.

"Teka, ano bang nakain mo at naisipan mong mamasyal?" nandito na kami sa may park.

"Wala lang, gusto ko lang maexperience na maging tao ulit"

"Ha? Oo nga pala, pano na yung katawan mo?" napatanong ako, paano na nga pala namin
yun hahanapin?

"Ha? Ahhh--- ehhh--- Human! May icecream! Tara bumili!" saka siya nagtatakbo,
weird.

Bumili na kami ng icecream.

At namasyal na din kami, mula sa park, nagpunta kami ng mall.


Kumain din kami, yung tipong nagdedate lang.

Maggagabi na nung nakauwi kami ni Chi.

Masaya naman yung pamamasyal namin.

Chi's POV

"Oh ayaaan, dito na tayo sa bahay, ikaw muna maunang pumasok, ladies first nga
diba?" saka ako pinagbuksan ni Human ng pinto.

Umiling ako. Bilang na ang mga oras ko, anumang oras, pede na akong mawala.

"Huh? Anong hindi?" napatanong naman siya.

Napangiti na lang ako, masyado naging masaya ang buong araw na 'to.

Napastep back ako.

"Huy Chi, ano bang ginagawa mo?" lumalapit sakin si Human, nagsstep back naman ako
sa kada lapit niya sabay iling.
"Human" nagsalita na ako, hindi ko na kailangan pang patagalin 'to, kailangan ko ng
sabihin sa kanya.

"Oh?" siya yan parang nagtataka.

"Salamat" maikli pero meaningful yan.

"Ha? Para saan?" medyo kumukunot na yung noo niya, ako naman medyo naiiyak na.

"Sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..." medyo naiiyak na ako,
bumibigat na yung pakiramdam ko.

Nakatingin lang siya sakin...

"At salamat sa paghanap ng katawan ko."

"Ha? Di kita maintindihan. Hindi pa natin nahahanap ang katawan mo diba?"

Ngumiti na lang ako.

Nahanap mo na Neon, nahanap mo na.

Things come unexpectedly.

And you unexpectedly found my body.

"Thank you"

Unti unti na akong naglalaho/


"Chiiiiiii!"

And there, time on earth has ended.

Farewell Human.

####################################
Chapter 9
####################################

Neon's POV

"Salamat sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..."

Nakatingin lang ako kay Chi.

Ano bang pinagsasabi ng isang 'to...

Lumalapit ako pero lumalayo sa siya.

"at salamat sa paghanap ng katawan ko."

Bigla siyang naglaho.

"Chiiiiiiiiiiiiii!!!"
"Huy, pinsan, gising" bigla akong nagising

"Ha?" napatanong ako kay Nickel

"Kanina ka pang tulog, naungot ka din, para kang ewan, makinig ka nga sa klase"

"Ah"

Nandito ako ngayon sa school, pasukan na nga pala ulit.

Dalawang linggo na mula ng mawala si Chi.

Oo.

Nawala na si Chi.

Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko talaga maintindihan.

Pagkatapos nung gabing yun,

Nung bigla siyang nawala.

Palagi ko na siyang napanaginipan.

"Pinsan" tinawag ko si Nickel, magkatabi kami

"Oh?"

"Naniniwala ka ba sa multo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi" napakatipid ding sumagot nitong pinsan ko, parang yung gf lang niya na si
Ayame.
"Ha? Bakit naman?"

"Basta hindi, bakit ba? Nakakita ka na?" tanong niya

"Huh? A-aah, di ah" di naman talaga, saka di naman multo si Chi, hindi nga daw siya
multo diba. Isa siyang Chi.

"Eeh pinsan, alam mo yung Chi?" napatanong ulit ako

"Dami mong tanong, pag tayo nahuling nagchichismisan" pabulong si Nickel nyan,
nakukulitan na ata sakin

"Eh matalino ka diba? So malamang alam mo yung Chi" bulong ko na lang sa kanya

"Ano bang klaseng Chi?" ano daw klaseng Chi, teka may klase ba yun at teka... Alam
niya?

"Alam mo yun?"

"Oo naman, mahilig akong magbasa ng libro diba, nakabasa na 'ko ng article about
dun, bakit?" bigla akong nagulat. Alam nga niya

"Anong nabasa mong artcile about dun?" napatanong na ako ng tuluyan, makulit na
kung makulit, gusto kong malaman.

"Nickel, Neon" napatingin kami kay Ma'am

"Stop murmuring and listen to my discussion" panira 'tong teacher namin

"Mamaya ko na lang kwekwento sa'yo, ingay mo, pati ako nadadamay" at nasisi pa

"Sorry naman, sige, kwekwento mo ha"

"Oo na"

At nakinig na lang kami sa klase

Hindi pala kami ang nakinig, si Nickel lang

Medyo lipad ang utak ko

Gusto ko ng malaman kung anong meron sa mga Chi

Hindi naman kasi naexplain sakin ng maayos ni Chi kung ano ang Chi at kung
naexplain man niya, malamang, hindi ako nakinig.
At natapos na ang klase

Vacant na namin

Nandito kami sa canteen ngayon.

Kasama ko mga friends ko.

Sina Danna, Khasella, Tyrone, Barium at Nickel.

"Hoy, pinsan, kwento mo na sakin" sabi ko kay Nickel

"Huh? Ang alin?" ano? Nakalimutan niya

"Yung about sa mga Chi, tss"

"Ah yun ba, ano bang gusto mong malaman about sa kanila?" kumakain lang kami haba
tinatanong ko siya

"Anong klaseng tao ang mga yun?"

"Hindi sila tao, alam mo pinsan, ano bang klaseng Chi yang sinasabi mo?" ano daw
klaseng Chi, hindi ko nga alam kasi wala nga akong alam sa Chi. SIguro yung mga Chi
na kagaya ni Chi. Yung mga naghahanap ng katawan

"Yung mga Chi na may unfinished business" nakatingin lang si Nickel sakin tas
biglang tumawa
"Ano ka ba pinsan, lahat ng Chi may unfinished business, kaya nga naging Chi."
natawanan pa, kung kinukwento na lang kaya niya kung ano ang mga Chi

"Ikwento mo na kasi, ano ba ang Chi at ano yung classifications!" atat na akong
malaman

"Chill pinsan, ganito yan, ang mga Chi, mga kaluluwa daw yun na hindi makatawid sa
langit kasi may mga unfinished business, nagaanyong tao sila dito sa mundo pero
anyong tao lang, hindi talaga sila tao. Humahanap sila ng mga taong makakatulong sa
kanila para matapos yung unfinished business nila dito, may mga extraordinary
powers din sila, kunwari, associated sa tubig, sa apoy o kaya sa hangin. Ang sabi
dun sa nabasa kong article, dalawa ang klase ng Chi, may Chi na mababait, may mga
Chi na pumapatay ng tao" nakikinig lang ako kay Nickel

"Yung mga Chi na mababait, yun yung mga kaluluwang nakafocus sa mission nila" medyo
kinikilabutan ako

"Eh yung mga pumapatay ng tao?" naalala ko kasi si Chi, sabi niya dati papatayin
niya ako, ano bang

klaseng Chi yun? Mabait naman pero papatayin daw ako

"Yung mga Chi na pumapatay ng tao? Diba, may mga tao silang kasama sa paglutas ng
unfinished business nila, yung mga taong yun, papatayin nila, ang hirap iexplain
pinsan. Ang mga Chi kasi, kaluluwa diba? Kaluluwa na may mga extraordinary ability.
Base dun sa nabasa kong article... Pede kasing mabuhay ang isang Chi."

Nagulat ako sa sinabi ni Nickel

"Pwe-pwedeng mabuhay ang isang Chi?" tanong ko sa kanya

"Ewan, siguro? Kung papatayin nila yung napili nilang tutulong sa kanila. Maari
silang mabuhay. Yun yung sabi dun sa article na nabasa ko"

Ah, naiintidihan ko na, kung pinatay ako ni Chi, mabubuhay siya pero di niya
ginawa, meaning...
Mabait na chi si Chi.

Kaya nga wala na siya ngayon.

"Bakit ba interesadong interesado ka sa mga yun?" napatanong naman siya

"Ah, wala, nacucurious lang ako" sabi ko sa kanya

"Wag ka masyadong magpaniwala sa mga yun pinsan, para namang hindi tunay yung mga
Chi na yun" sabi sakin ni Nickel

Nako pinsan, maniwala ka, tunay ang mga yun.

Nakaencounter na ako ng isa

Yun nga lang, ang bilis nawala

"Oo na lang" sabi ko sa kanya

"Guys, balik na tayo sa room" yaya ni Danna

Tatayo na sana ako pero parang may nakita ako

Dinungawan ko muna

Teka...
Parang si...

"Chi!!!"

Napasigaw ako, tama, nakita ko si Chi!

Tumayo na ako at hinabol ko.

"Neon!" tinatawag nila ako pero hindi ako nalingon

Nakita ko si Chi. Nakita ko siya, may kasama siyang isang babae, teka, sino yun?

Sinundan ko sila at naabutan ko siya.

"Chi!" hinawakan ko siya sa braso

"Ha?" lumingon siya, tama! Si Chi nga 'to! Di ko napigilan, niyakap ko siya

"OMG girl! sabi nung isa niyang kasama

"Ahh ehhh! Bitawan mo ko!!!" bigla akong itinulak ni Chi

"Oo, sikat ka dito sa school, pero wag kang mangyayakap ng di mo kilala!" sinigawan
ako ni Chi

"Chiii" medyo kumunot ang noo ko, hindi ba siya natutuwang nakita niya ako?

"Girl, tara na nga" saka niya niyaya yung kasama niya

"Chi!" tinawag ko siya, saka ko sinundan pa


Hinawakan ko ulit siya sa braso

"Chi!" ako yan, ano bang problema niya

"Pwede ba?! Wag mo kong sundan at wag mo kong hatakin Mr. Neon Iron Corpuz, isa sa
mga school Casanova and please stop calling me Chi! Hindi Chi ang pangalan ko!"

"Ano? Di kita maintindihan, may galit ka ba sakin? Bakit---" saka sila umalis

"Pinsan" napalingon ako, nandito sina Nickel

Nakatingin lang ako sa kanila

"Pinsan, diba yun yung Chix mo na kasama mo sa airport? Si Chichi?" si Barium yan

"Ahh, oo" napaoo na lang ako, si Chi nga kasi yun

"Bakit parang galit na galit sayo? Niloko mo ata e. Wag mo na daw siyang sundan and
worse, hindi daw siya si Chi... Malaki ang galit pinsan" napatingin ako kay Barium

nagecho yung sinabi niya.

"Wag mo na daw siyang sundan and worse, hindi daw siya si Chi..."

"hindi daw siya si Chi..."

"hindi daw siya si Chi..."

"hindi daw siya si Chi..."

Napatulala ako.

Ang mga sinabi ni Chi ng gabing yun...

"Salamat sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..."


Nakatingin lang ako kay Chi.

Ano bang pinagsasabi ng isang 'to...

Lumalapit ako pero lumalayo sa siya.

"at salamat sa paghanap ng katawan ko."

Bigla siyang naglaho.

"Chiiiiiiiii!!!"

At ang mga sinabi ni Barium ngayon...

"hindi daw siya si Chi..."

"hindi daw siya si Chi..."

"hindi daw siya si Chi..."

"Huy pinsan! Tulala ka na naman, tara na, malelate na tayo sa next class" saka ako
hinila ni Nickel.

Napaisip ako.

Maaring hindi nga yun si Chi.

Baka yun lang yung katawan na hiniram ni Chi.

At maaring nasa tunay na may-ari na muli ang katawan na yun.

Kailangan ko na nga sigurong tanggapin na...


"Wala na si Chi."

"Ha? Ano pinsan?" si Nickel yan

"Wala"

"Wala na si Chi."
####################################
Chapter 10
####################################

Neon's POV

"Bayadan mo na lang yung remaining balance diyan ha" si kuya yan, kausap ko siya
over the line

"Oo na kuya, sige na, bye" saka ako naghang up

Nandito ako ngayon sa ospital, babayadan ko yung remaining balance nung naconfine
dito yung pinsan kong si Vana at yung pamangkin ni Ate Camella na si Xanxan.

Sina kuya, nasa China na.

Halos isang buwan na mula nung nakaalis sila.


"Mr. Corpuz, P9880.00 po yung remaining balance nyo" sabi sakin nung kahera

Inabot ko yung atm ko

"Kunin niyo na po diyan lahat" sabi ko sa kanya

"Miss, may nakita daw bang necklace sa room 307?" familiar voice, napalingon ako sa
may kanan ko

Napatingin siya sakin

Bakit ganito ang pakiramdam ko?

Hindi ba dapat, masaya ako?

"Ma'am, itatanong daw po dun sa janitor na naglinis nung kwarto, wait lang"

Umoo siya dun sa kausap niya saka siya napatingin sa may gawi ko

"Uy" siya yan, si Girl of My Dreams, si Camille.

"Ahhh hi" hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung bakit pero dati rati
gustong gusto kong kausap si Camille, ang aking girl of my dreams

Pero ngayon, parang iba na

"Anong ginagawa mo dito? Di pa din ba nakakalabas yung dinadalaw mo?" tanong niya
sakin

"Ah, hindi, nakalabas na yung pinsan ko, matagal na, ikaw? Yung dinadalaw mo dito?"
tanong ko sa kanya

"Nakalabas na din yung dinadalaw ko dito, matagal na, mga mag 1 month na din,
miracle nga, we can't believe, nag 50-50 na siya then suddenly, parang magic, bigla
na lang naging ok, even the doctors here, they were amazed" siya yan, kita mo sa
mukha niyang masaya siya

"Good for you, eh anong ginagawa mo dito?" kung nakalabas na naman pala yung
dinadalaw niya dito, bakit siya nandito?

Pinagtatagpo ba kami ng tadhana o ano?

Hoy destiny, alam kong mali pero, parang iba na ang nararamdaman ko kay Girl of My
Dreams.

Iba na talaga.

"Ah, may hinahanap akong necklace, baka naiwan dito" siya yan, di pa din matanggal
ang glow sa mukha niya

Kung gaano kasaya ang nararamdaman niya, ganun ako kahindi

Hanggang ngayon kasi, naalala ko pa din siya

"Mr. Corpuz, ok na po, pakipirmahan na lang po nitong slip" saka ko pinirmahan yung
binigay nung kahera

"Ms. Llaves, nakausap na daw po yung janitor, wala naman daw pong nakita, kung
gusto niyo daw po, puntahan niyo na lang daw po yung room 307 para macheck" sabi
nung teller kay Camille

"Sige po, puntahan ko na lang po" talagang gusto niya talagang mahanap yung
necklace ba yun?

"Thank you Mr. Corpuz" saka ko inismilan yung kahera, sakto namang aalis si Camille
"Huy, samahan na kita!" habol ko sa kanya, gusto ko lang siyang samahan, wala din
naman akong pupuntahan

Sino pang pupuntahan ko?

Yung kapatid ko nasa China kasama ng asawa niya, si Papa naman nasa France, yung
mommy ko naman, wala na

At si ano..

Si---

Si Chi, wala na din

"Ha? Sige, kaw bahala" saka ako sumabay ng paglalakad sa kanya

"San mo ba hahanapin yung necklace ba yun?" tanong ko sa kanya

"Third Floor, room 307" siya yan, naglalakad lang kami sa stairs, ewan ko, may
elevator naman, exercise?

"Talagang mahalaga sayo yung kwintas na yun noh? Kung tutuusin, pede ka na lang nga
bumili ng bago" naglalakad lang kami papunta dun sa room na sinasabi niya

"Yung kwintas na yun, mahalaga talaga yun, iba ang value ng mga bagay na
nakasanayan mo ng nandiyan kesa sa mga bagay na bago pa lang, diba?" napaisip naman
ako sa mga sinabi niya

May naalala ako


"Oo, iba ang halaga ng mga bagay na nakasanayan mo na kaysa sa mga bagay na bago
palang" relate much ako

"Kaya nga hindi ako makabili ng basta basta na necklace, may sentimental value kasi
yun, saka sa kapatid ko yun"

"Ha? May kapatid ka pala?" napatanong naman ako sa kanya

"Oo, meron, ayan, malapit na tayo" di ko namalayan, nandito na pala kami sa third
floor

Napatingin ako sa paligid.

Itong floor na 'to.

May bigla akong naalala.

Hinanap ko siya kasi basta basta na lang siya nawawala. Si Chi talaga.

Nakita ko siya sa third floor, nakatayo sa may pinto ng isang room.

Tatawagin ko na sana siya pero hindi ko nagawa, nakita ko kasing may pumatak sa
mata ni Chi.

May pumatak na luha.

Nagtago na lang ako dun sa may halaman na nasa third floor. Kita ko pa din si Chi
pero bigla siyang tumakbo palayo nung makita niyang magbubukas yung pinto nung
kwartong sinisilipan niya.

Nagulat ako nung makita ko kung sinong lumabas sa pinto.

"Huy, Neon, natutula ka na lang bigla, nandito na tayo" bigla akong natauhan, nasa
tapat na kami ng isang pinto

May window glass yung pinto, kita mo kung sinong nasa loob at base sa pagkakakita
ko, walang nagooccupy nung room
Pumasok na kami ni Camille sa loob

"Feeling ko, nandito lang yun" si Camille yan, hinahanap niya yung kwintas

PInagmasdan kong mabuti yung kwarto.

Malaki, malawak at kulay...

May bigla na naman akong naalala

"Human! Human! May natatandaan ako pero konti lang" siya yan

"Talaga lang ha? Sige, ano?"

"Nung namatay ako, ang pagkakatanda ko, nasa isang kwarto ako!"

"Ok, tapos?" pinagsalita ko lang siya, atleast there, magkaclue man lang kami!
Hirap kayang magsimula ng wala kang kaalam-alam!

"Yun lang! Nasa isa akong kwartong kulay puti!"

Isang kulay puti na kwarto.

Pero imposible naman, lahat naman siguro ng kulay ng kwarto ng ospital, kulay puti.

Pati nga sa mga morge, kulay puti.

Madaming kwarto na kulay puti.

"Ito! Nakita ko na Neon! Nandito nga yung kwintas!" si Camille yan, tuwang tuwa
siya

"Yan yun?" napaturo naman ako sa kwintas na hawak niya


Yung kwintas kasi may pendant na wings.

"Oo, ito nga, ang cute noh?" di ko alam kung cute o ano, malay ko ba sa mga kwintas
na pangbabae, umoo na lang ako

"Alam mo ba, nakakamiss din 'tong kwartong 'to" bigla bigla na lang siyang
nagkwento, namimiss niya daw 'tong kwartong 'to, bakit naman kaya?

"Huh?" di ko alam ang sasbihin ko sa kanya

"Halos tatlong buwan din kasi kaming natigil dito"

"Tatlong buwan? Bakit ang tagal?" napatanong na ako

"Yung dinadalaw ko kasi dati diba, naconfine dito, three months siyang nakaconfine"
ang tagal naman pala, buti na lang sina Vana at yung pamangkin ni Ate Camella, 3
days lang.

"Ano bang nangyari?" di ko mapigilang di magtanong

"Ako ang may kasalanan" bigla siyang tumamlay

"Huh? Panong ikaw?"

"Mahabang kwento, basta ako ang may kasalanan, tara na" saka niya ako niyaya
palabas

Teka, pabitin 'to.

Naglakad na kami palabas nung kwartong yun.

"Huy ano nga?" nakakabitin kasi, biglang gusto kong malaman


"Chismoso" siya yan, eh ano ba, siya maguumpisa ng kwento tapos di niya tatapusin,
labo!

"Ano nga kasi?" nagtanong lang ako

nagtanong ng nagtanong, paulit-ulit

hanggang sa tumigil siya

Di ko namalayan, nandito na pala kami sa garden ng ospital

Dito sa garden kung saan kami dati nagkausap.

"Ang kulit mo, sige na nga, ganito kasi yun" bigla siyang umupo dun sa may bench

"Nagsimula yung nung nagdecide sina Daddy na pag-aralin ako sa states. Dapat, sa
states ako mag-aaral" inopen na niya

"Tapos?"

"Ayokong dun mag-aral, mas gusto ko dito, pero gusto nila dun kasi gusto nila may
magasikaso ng business namin dun, eh ako ang panganay, ako ang magmamanage nun pag
grumaduate ako, pag dun ako nagaral, dun na din ako magtatrabaho, nandun nga kasi
ang business namin, di na ako makakauwi, madadalangan na akong umuwi, ayoko nun,
nandito ang mga kaibigan ko" nakatingin lang siya sa ewan, ako naman, nakikinig
lang

"Tapos ayun, pinipilit nila ako , eh ayoko nga diba? Sabi nga nila, wag mo ng
pipilitin ang ayaw dahil madami yan dahilan at dati, ang dami kong dinahilan, ayoko
talaga kasi" nakikinig lang ako

"Dumating sa point na, pinupwersa na nila ako,magimpake, ganito ganiyan, hindi pa


din ako pumayag tapos yung kapatid ko" bigla siyang nagpause
"Anong meron sa kapatid mo?"

"Sabi niya, siya na lang daw"

"Tapos?"

"Pumayag sina daddy, naguilty ako, feeling ko kasi, ayaw din ng kapatid ko,
nagparaya na lang siguro para sakin... tapos yun, dumating yung araw na aalis na
siya"

"Tapos?"

"Super guilty ako, ninakaw ko yung happiness niya" may namumuo ng luha sa paligid
ng mata niya, naku patay,

di ako makaimik, dapat pala di ko na lang pinkwento

"Inihatid namin siya sa airport, hiyang hiya ako sa kanya pero sabi niya, ok lang
naman daw tapos ayun, umalis na yung plane na sinasakyan niya" pumatak na yung mga
luha sa mata niya

"Kita namin yung plane mula sa sasakyan, hindi pa masyado nakakalayo yung plane..."
natigilan siya

"At kita din namin yung plane nung magcrash" natigilan ako sa sinabi niya

Hindi ako makaimik, hindi din siya

Anong nangyari?

Gusto kong malaman


"Nagcrash yung plane? Eh diba nandun yung kapatid mo?" napatanong ako

"Oo, nandun nga" iyak na siya niyan, nako Neon, anong ginawa mo, minsan hindi din
magandang maging chismoso

"Dali-daling bumaba sina daddy at mommy, pati ako bumaba din, pinuntahan namin yung
plane, di pa naman siya kalayuan" nagpause siya, and she's sobbing, tinap ko siya
sa likod

"Kita ko yung plane, nasusunog, sina mommy at daddy pilit nilalapitan yung plane
pero di nila magawa... hanggang sa may dumating na yung bumbero at yung ambulansya,
isa-isang nilabas yung mga pasahero" medyo kumakalma na siya sa pag-iyak

"Nakita ko yung kapatid ko, di ako nakagalaw, dapat ako yun, hindi siya" tumahan na
din siya sa pagiyak

"At ayun nga, dinala siya dito sa ospital, three months siyang naconfine, guilty na
guilty talaga ako, sabi ko pa nga sa sarili ko, magising lang siya, babawi talaga
ako, magpapakabait akong ate sa kanya" bigla siyang napangiti

"And God didn't fail, pinagaling niya yung kapatid ko. He let us taste one of his
miracles" bigla siyang tumayo

Mabuti naman kung ganun, gumaling naman pala yung kapatid niya.

"And that's the end of the story" bigla siyang nagsmile sakin

Tumayo na din ako

Ganun pala ang nangyari, now I know

"Nice suspense-happy ending story, pero atleast, gumaling yung kapatid mo... I
never thought na kapatid mo pala yung naconfine diyan" hindi ko talaga akalain na
kapatid niya yung naconfine, akala ko, lolo niya or what
"Oo nga, and yung promise ko sa sarili ko, I will never break that, magiging good
ate na talaga ako" nakasmile lang siya sakin.

"Sige Neon, aalis na ako, nakapangako pa kasi ako sa kapatid ko, lalabas kami
ngayon..." tumango na lang ako, magiging good ate na daw siya

"Sige, See you when I see you again" saka siya tumalikod

Naiwan akong magisa sa may bench, nakatayo lang ako

Biglang humangin ng malakas

Tama.

"See you when I see you again..."

"...Chi"
####################################
Epilogue
####################################

"Tito Neon! Tito Neon! Play with me!" yung pamangkin ko yan, kanina pang
nangungulit

"Ok Zinc, what do you want to play?" nandito kami sa playground ngayon
"We will play Chasing the Prince! I'm the prince and I will run and you're the
monster and you will chase me! Game tito! Game!" lintek na bata 'to, monster daw
ako.

"Ok, then run!" hinabol ko siya, batang 'to, 2 years old pa lang ang dami ng alam,
kung anu-ano atang gamot pinainom dito ni Lolo Iron. yung lolo namin na scientist

Sobrang talino naman kasi.

Binabagalan ko yung takbo ko

Nakauwi na nga pala sina kuya Xenon at Ate Camella.

Hiniram ko muna si Zinc.

Halos dalawang taon na din kasi.

"Tito! Tito! You're too slow! Chase me faster!" nadiktahan pa nga, batang 'to
talaga

"Ok, ok, run faster"

"Why will I? I will not run faster, you're too slow tito!" tas tumakbo na ulit siya

Hinabol ko na lang, nahuli ko agad. Slow pala ha.

"Huli ka!" tas itinalang ko siya, paiyak na, takot kasi sa heights si Zinc

"Tito! Tito! Bring me down!!!" binaba ko na lang, isumbong pa ko nito kina Kuya ako
pa mamura

"What do you want to play next?" tanong ko sa kanya, sabado ngayon, wala kaming
pasok
"Let's go to Krypton's place!" saka siya nagtatakbo, ang likot ng batang 'to,
parang kitikiti, parang batang babae, nako Zinc, wag kang magiging bakla pag laki

Pumunta na lang kami kina Krypton, pamangkin ko sa pinsan, pinsan ni Zinc, nandun
naman sina Tungsten at Aika.

Sakto namang nakarating kami kina Krypton, tumawag si Papa, pumunta daw muna ako sa
bahay niya, may ipapaasikaso daw sakin

Pinahabilin ko na muna si Zinc, mamaya ko na lang kukunin, nageenjoy naman kina


Tungsten na bahay.

Dumiretso na ako sa bahay ni Papa.

"Anak, buti naman at nandito ka na, upo ka" nandito ako ngayon sa dati naming
bahay, naalala ko tuloy nung nabubuhay pa si Mama. Wala na kasi yung mama ko diba,
namatay siya sa isang plane crash.

Plane crash.

May bigla tuloy akong naalala.

si Camille at yung kapatid niya.

Si Camille nga pala, after nung sa ospital hindi ko na ulit nakita.

"Anak, malapit na ang birthday mo" psssh, oh? ano ngayon? Anong klaseng kabaklaan
yan Papa?
"May party po ba Pa?" napatanong naman ako, oo malapit na birthday ko at mag 19
years old na ako. So what? May birthday party?

"Wala namang party anak, naisip ko lang, anong gusto mong birthday present?"
bgilang nagglow yung mata ko. Birthday present daw!

"Gusto mo din bang magkaroon ng Club katulad nina Tungsten?" Club? Katulad nung
kina Tungsten? Oo nga pala, may The Chemical Element Club sina Tungsten. Isa yung
bar at madami dung chix.

Madaming chix pero...

Hindi na naman ako nangchichix ngayon.

May naalala lang ako.

"Ayoko ng Club Papa" sagot ko sa kanya

"So anong gusto mo anak?" ano nga bang gusto ko?

Napaisip ako, si Papa naman, imik ng imik.

"Gusto mo ba ng sarili mong hotel? kotse? bahay?" bigla akong napatigil

"Papa bahay na lang" yun na lang siguro, mula kasi nung magisa na lang ako, hindi
na ako masiyado umuuwi sa bahay ko, dun sa condotel ko. May naaalala lang kasi ako
tuwing napunta ako dun.

"Oo nga pala anak, bakit nga pala hiniram mo daw susi ng bahay ng kapatid mo? Ayaw
mo na ba sa bahay mo?" oo tama si Papa, hiniram ko nga yung susi ng bahay nina
kuya. Dun kasi ako tumigil after mawala ni Chi.

Ayoko ng umuwi ng bahay, naaalala ko lang siya.


"Oo Pa, ayoko ng nung bahay ko, masyado ng luma, gusto ko ng modern house" yun na
lang sinabi ko

"Sige anak, saglit lang" tas biglang tumayo si Papa. Naiwan ako sa salas

Naglibot libot na lang ako dun sa may salas

May picture namin dun.

Ako, si Kuya, si Mama at si Papa.

May nakita pa akong picture na nakaframe. Picture ko nung bata ako, tas may kasama
akong batang babae. Sino 'to?

"Anak?" napalingon ako kay Papa, madami siyang dalang susi

"Papa, di ba ako 'to? Eh sino 'to?" tas tinuro ko yung babae

"Picture mo yan nung bata ka, hindi ko na tanda ang pangalan niyang batang katabi
mo, kapitbahay natin yan dati dun sa dati nating tinitirhan, basta nung bata kayo,
palagi kayong magkalaro kaso bigla tayong umalis, ayaw mo pa ngang umalis nun"

ha? Para namang wala akong naaalala?

Tinitigan ko pa yung picture, pansin ko lang, may nunal siya sa leeg, parang may
naalala ako. May nakita na akong ganito.

Yung may mole sa neck.

"Baka di mo na naalala, bata ka pa kasi nun saka palipat lipat din tayo ng bahay
dati kaya baka sa dami ng naging kababata mo, hindi mo na yan maalala"

Napaoo na lang ako, ngayon ko lang talaga nakita ang picture na yun.

"Siya nga pala anak, ito ang mga susi ng mga bahay sa iba't ibang 5 star na
subdvision dito, pili ka na, yun na ang birthday present ko sa'yo, bawi ko na din
sayo at matagal akong nasa France"

Napanganga naman ako, kakasabi ko lang nung bahay, instant agad. Ang yaman nga pala
nitong tatay ko. Dapat ang hiningi ko palasyo.

"Sige Pa, ito na lang" saka ko kinuha yung isang susi sa kanya

Binigay na din sakin ni Papa yung address at kung sang street at kung aling bahay

Ayos 'to, bagong bahay, bagong buhay

"Sige Pa, thanks, the best ka talaga" aalis na sana ako kaso si Papa, biglang
humara dun sa may pinto

"Oh? Ano na naman yan Pa?" may hawak siyang isa pang susi, susi ng kotse?

"Baka kailanganin mo" kinuha ko yung susi saka ako lumabas ng bahay niya, paglabas
ko, may kotse nga. Susi nga ng kotse yung hawak ko!

Ayos na ayos 'to, bagong bahay, bagong kotse.

Pupuntahan ko na sana yung bahay na bigay ni Papa gamit ang baong kotse na bigay
niya din pero parang may nakakalimutan ako

Yung pamangkin ko nga pala, pipickupin ko pa

Pinuntahan ko muna si Zinc, sinundo ko kina Tungsten


"Tito, why so early? Me and Krypton is still playing tito!" ayaw pang umalis

"Zinc, we will go to Tito's new house with Tito's new car" bigla namang nagningning
ang mga mata ni Zinc

"Really Tito? You own a new house?! and... and... you own a NEW CAR?! Wow! Let's go
Tito!!!" dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay nina Tungsten, nauna pa sakin

Nakalimutan ko, mahilig nga pala sa kotse si Zinc.

"Sige, Tungsten, Aika, una na kami ha. Punta kayo sa blessing ng bahay ko"

"Sige pinsan, ingat kayo, text niyo na lang kami kung kelan" si Tungsten yan

"Dalhin mo ulit dito si Zinc, nageenjoy din naman si Krypton" si Aika yan

"Sige, salamat ulit" saka ako tuluyang umalis, pupuntahan ko na yung bahay ko
kasama ang makulit na batang ito

"Tito! Tito! Where's your new house? What is it like?!" masyadong excited 'tong
batang 'to

Hindi ko pa nga nakikita, ngayon ko palang makikita

"Zinc, Tito Neon haven't seen the house yet okay? We're both clueless here so
behave muna" nagnod na lang si Zinc saka nag act na zinip niya yung bibig niya

Hanggang sa nakarating na kami dun sa subdivision na sinasabi ni Papa

Magaganda nga ang bahay


5 star subdivision nga ito na may mga 5 star na bahay.

Pinuntahan na namin yung bahay na bigay sakin ni Papa

Si Zinc, excited na excited.

Sakto lang yung bahay, hindi malaking malaki

2 storey house siya.

May gate siyempre tas may maliit na garden sa harapan.

May mga katabing bahay din yung bahay, isang pink na bahay at isang green.

Yung bahay ko kulay chocolate brown.

Pumasok na kami ni Zinc sa loob

"Wow Tito! You're new house is amazing tito!!!" may mga appliances na yung bahay sa
loob, may TV set na, may sofa, may ktichen appliances, may ref na, may kama na sa
taas, as in lahat ng kailangan mo sa bahay nandun na, titira ka na lang talaga.

Nilibot lang namin ni Zinc, maganda nga yung bahay.

"Tito, tito, can I stay here some other time?" tanong ni Zinc, nandito kami sa
living room ng bahay ngayon, binuksan ko yung TV

"Oo naman, ipagpapaalam kita kina Kuya" tuwang tuwa siya niyan

I wonder pano pag nagkaanak ako? Ganito din kaya kakulit?

Teka nga, wala nga akong girlfriend tas magkakaanak ako?


Change topic Neon's head.

"Zinc, gutom ka na? Gusto mo ipagluto ka ni Tito?" kumunot yung noo niya, teka? May
mali ba sa sinabi ko?

"You know how to cook Tito?" actually hindi,pero magaling ako magexperiment

"Oo naman Zinc, Tito knows how to cook high class dishes, magintay ka lang diyan,
ipagluluto ka ni Tito ng food" saka ko siya iniwan dun sa may living room, bukas
naman ang TV, manood na lang muna siya

Dumiretso na ako sa kusina.

May tinapay sa may ibabaw ng ref.

Binuksan ko yung ref.

May hotdog sa loob.

May cheese din.

May bigla na naman akong naalala, napapatawa na lang ako.

Nalala ko yung "NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP!"

Ipakain ko kaya yun kay Zinc?

Niluto ko na yung specialty ko.

Natatawa ako habang niluluto ko yung specialty ko at the same time, nalulungkot
ako.

Palagi ko na lang siyang naalala.


Sa bawat gagawin ko, naaalala ko siya.

"Zinc" tinawag ko na si Zinc, tapos ko ng lutuin yung specialty ko.

Nakarating ako sa living room, wala si Zinc.

Tiningnan ko sa taas ng bahay wala din, wala din pati sa banyo.

Nasan naman kaya yun?

Medyo kinakabahan na ako.

Lumabas ako ng bahay, wala din dun sa may garden.

Lumabas ako ng gate at...

Nakita ko si Zinc, may kalaro.

Mas malaki pa sa kanya.

Isang chawchaw na aso.

"Zinc!" tinawag ko siya, mamaya makain nung aso, mas malaki pa sa kanya.

"Hi Tito! Come on play with us!" tuwang tuwa pa siya niyan

"Pag ikaw nakagat niyang dog na yan! Mas malaki pa sayo!" nagpapanic na ako, yung
pamangkin ko, makayapos dun sa asong mas malaki pa sa kanya wagas
"Wag kang mag-alala, mabait yang aso namin" bigla akong nagulat, bigla bigla kasing
may naimik, napatingin ako sa may right side ko, may isang babae

Teka, si ano 'to ah

"Camille?!" si Camille nga 'to pero parang may kakaiba sa kanya

"Ha? Anong Camille? Kilala mo ang ate ko?" napa 'huh' naman ako

Anong kilala ko ang ate niya?

Teka, hindi ba siya si Camille?

Tinitigan ko siya, may nunal siya sa leeg, teka, hindi nga siya si Camille, wala
naman kasing nunal sa leeg si Camille.

Wag mong sabihing...

"I'm Cassy, twin sister ko si ate Camille" siya yan, si Cassy daw siya

"Ca-cassy?" di ako makapaniwala, kamukha niya si Camille pero alam mong iba siya
kay Camille

Teka, ang gulo lang ha

"Ah, kapatid ka ni Camille? I mean, kakambal?"

"Oo, kakambal ko si ate Camille, napagkamalan mo ngang ako siya diba? Ang labo mo
din"
"Ah... At ikaw si Cassy?" hindi ko alam pero hindi ako makapaniwala

"Oo nga, paulit- ulit lang tayo dito?" di ko mapigilang mapatitig sa kanya

"Ah eh hindi naman ano--" di ko alam ang sasabihin ko

"Ikaw? Sino ka ba? Bakit mo kilala ang ate ko?" siya yan

"Ah, ako? I'm Neon---" may idudugtong pa sana ako kaso nakaimik na ulit siya agad

"Ah... Neon" natigilan ako, the way she uttered my name

"Girl of my dreams?" bigla akong napatanong, alam kong imposible pero...

Napakunot naman yung noo niya saka siya nag smile

"Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?" nakatitig pa din ako sa kanya

"Wag mo nga akong titigan, baliw" saka siya tumingin dun sa aso nila at kay Zinc

"Yung batang yun," napatingin naman ako kay Zinc

"Oh? Anong meron dun?" tanong ko sa kanya, napapaisip pa din ako, magkamukha sila
ni Camille, may nunal siya sa leeg. Naalala ko yung panaginip ko matagal na...

"Anak mo siya?" napatingin naman ulit ako sa kanya

"Mukha ba akong may anak?!" tas sinaman ko siya ng tingin, nakangiti pa din siya,
yung ngiti niya, katulad na katulad nung ngiting nakita ko sa panaginip ko dati
"Hindi naman, magkamukha kasi kayo" nakangiti pa din siya

"Cassy---" I heard a familliar voice

biglang may lumabas ng gate dun sa kabilang bahay

"---pumasok ka na daw sabi nina Mommy-----" napatigil siya, yung babaeng lumabas
dun sa gate nung kabilang bahay.

"Neon?" nakatingin siya sakin, si Camille

"Huy, Camille" di ko alam ang sasabihin ko

"Anong ginagawa mo dito? Long time ah" magkatabi na sila nung si Cassy

Magkamukha nga sila, ang pinagkaiba lang, yung mole sa leeg ni Cassy

"Ah, dito ako nakatira" tas tinuro ko yung bahay ko

"Sa'yo pala ang bahay na yan? Dito kami nakatira oh, magkapitbahay pala tayo?"
napatanong naman siya sakin

"Ah, kakalipat ko pa lang, ngayon lang" nagsmile na lang ako, kapitbahay ko sila

"Ah, ganun ba? nga pala Neon, kapatid ko, si Cassy, Cassy, siya yung kinukwento ko
sa'yo, yung makulit na lalaki sa ospital" bigla namang napakunot ang noo ko,
pinagkwekwentuhan nila ako?

"Oo ate, nakilala ko na siya" nakasmile pa din yung si Cassy, nakatingin siya sakin
"Siya, tara na Cassy, tinatawag ka na nina Mommy, sige Neon, happy neighborhood,
kung may kailangan ka, nandito lang kami sa kabila" si Camille yan saka siya
nagsmile sakin at pumasok na sa bahay nila.

"Khai!" bigla siyang may tinawag, yung aso pala nila, bigla din lumapit sa kaniya

"So your name is Khai!" si Zinc yan, habol habol dun sa aso

"Hi baby. I'm ate Cassy" si Cassy yan, saka tinap sa ulo si Zinc

"Hi ate! You own that dog? I want to play more with your dog ate!" ang kulit ni
Zinc, gustong gusto yung aso nina Cassy

"Tomorrow na lang ulit baby, playing too much is not good" si Cassy yan

"Tito! Tito!" si Zinc yan, ewan ko sa batang yan, nagsusumbong ata.

"Bukas na lang daw ulit Zinc, wag kang makulit" medyo harsh, nakakhiya naman kasi
kay Cassy, ang kulit ni Zinc

Nagpout si Zinc. Napasmile naman si Cassy.

"Okay tito! Bye Khai! Let's play tomorrow okay?! Bye ate Cassy!" saka naman
nagtatakbo si Zinc sa loob ng bahay, werid na bata

Napatingin ulit ako kay Cassy, nakatingin siya dun sa aso nila. Saka siya tumayo at
naglakad papunta dun sa may gate nila.

Iniintay ko siya pumasok pero tumigil siya.

Tumingin siya sakin saka nagsmile.


"Sige, bukas na lang ulit...." nagpause siya, si Cassy

Biglang humangin ng malakas.

"...human."

FIN*

You might also like