You are on page 1of 245

------------------------------

TITLE: Blue Brothers


LENGTH: 19497
DATE: Sep 03, 2011
VOTE COUNT: 210
READ COUNT: 20649
COMMENT COUNT: 126
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: simplypatrick19
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2011-09-10 06:01:35

------------------------------

####################################
Chapter 1
####################################

Blue Brothers

A novel by Patrick Louie Ilagan

(Chapter 1 - The New Prince In Town)

Cheers to our brotherhood!

Eto ang mga salitang sumalubong kay Tom sa unang pagtapak niya sa St. Patrick's
Academy - isang elite all-boys boarding school located at the east side of Metro
Manila.

This is not your ordinary Catholic private school. Isang bagay lang ang masasabi sa
'yo kapag dito ka nag-aaral - mayaman ka. Either anak ka ng isang sikat na
personalidad, pulitiko, o mayamang angkan. Every year, students have to pay an
amount of P250,000 as a total fee. Kasama na dun ang tuition, books, uniform, board
and lodging. This school maintained its luxury status for over 30 years.

The school looked like a castle for Tom. Ngayon lang siya nakakita ng ganito
kagandang building. Laking probinsya kasi siya.

Siya si Tomas "Tom" dela Cruz, isang 17 year-old na binata. He is the typical tall,
dark and handsome type of guy. Pinoy na Pinoy ang itsura. At a tender age, he now
stands 5'8" in height. Sa itsura pa lang, makikita mong madami na siyang
pinagdaanan sa buhay. Street-smart na kung maituturing.

Kamamatay lang ng mother niya because of a serious illness, kaya he was forced to
go to Manila to meet his real father. Kahit malungkot siya sa pagkamatay ng kanyang
nanay, punong-puno pa din siya ng pag-asa dahil excited na siyang makita ang
kanyang ama.

He now walks inside the campus of the elite academy, wearing a simple outfit -
shirt and jeans. May dala-dala siyang isang maleta. Mas nagiging awkward ang
pagpasok niya kapag nakakasalubong ang mga mayayamang estudyante na naka uniform -
white long sleeves with maroon necktie, gray khaki pants, and a dark blue blazer
made from imported kind of cloth.

Bigla niyang inilabas ang maliit na papel mula sa kanyang bulsa. Nakalagay dun kung
saang floor at room siya unang pupunta - sa Administrator's Office. Pagkadating
niya doon ay agad siyang kumatok at pinapasok.

Namangha si Tom sa laki ng opisina. Carpeted ito na may dalawang malambot na sofa.
Sa gitna ay may reception area kung saan naka-assign ang isang sexy na female
secretary in her early twenties.

"Ms. Jessie Hernandez at your service. How may I help you, sir?" nakangiting tanong
ng secretary na nasa reception desk. Maganda at flawless si Ms. Jessie, kaya naman
napangiti na lang si Tom.

"Ahh, dito po ba mahahanap si Mr. Johnny dela Cruz? Pinapapunta po ako sa kanya."
nauutal-utal na sabi ni Tom habang binabasa ang details ng papel.

"Sino po sila?" tanong ng secretary.

"A-ako po si Tomas dela Cruz." biglang sabi ng binata.

Agad na may pinindot na isang button ang secretary. Nagsalita siya sa speaker na
katabi.

"Sir, nandito na po si Mr. Tomas dela Cruz."


"Good. Bring him into my office." sabi ng isang malaking boses sa speaker.

Agad sinamahan ni Ms. Jessie si Tom sa isang maliit pang hallway papunta mismo sa
pinaka-kwarto o opisina ni Mr. Johnny dela Cruz. While being escorted by the
secretary, naaamoy ni Tom ang mabangong perfume nito. Pagkapasok ni Tom ay
nagpaalam na ang secretary.

"Why, hello! Welcome, son!" sabi ni Mr. dela Cruz sabay yakap nang mahigpit kay
Tom. Speechless si Tom sa mga nangyayari. Natutuwa siya at nakita at nakilala na
rin niya ang kanyang tatay.

Si Mr. Johnny dela Cruz ang biological father ni Tom. At 40 years old, you would
not believe that he is a father of four teenage boys - all from four different
women, of different nationalities. Sadyang maloko at mabisyo lang talaga siya when
he was young. Happy-go-lucky kumbaga. But now, he's changed, and he's ready to
accept his responsibilities.

He is young-looking and always on-the-go. He still dates young women occasionally.


Pero wag ka, siya lang naman ang may-ari ng buong St. Patrick's Academy. Pamana ito
ng kanyang mga magulang, na naghirap para maipatayo ang grandest high school in the
Philippines.

Napaluha si Johnny habang hawak ang mukha ni Tom.

"I'm so sorry that you waited for 17 years just to meet me. Let me explain." sabi
ni Johnny.

"Okay lang. Sinabi na sa 'kin ni Mama ang lahat." sabi ni Tom.

"How could I forget Clara, my first love? Sorry din kung hindi na ako nakapunta sa
libing. Condolence." malungkot na sabi ni Johnny.

"Matagal na pong tapos 'yun. Ang mahalaga, nagkita na po tayo." nakangiting sabi
ni Tom sa kanyang ama.

"Thanks. So, shall we start the school tour? Saka ipapakilala na rin kita sa mga
kapatid mo. I'm sure they'll be happy to see you." sabi ni Johnny.
Tinour ni Johnny ang kanyang anak sa hallways, gardens, laboratories, libraries, at
iba pang mga lugar na madalas puntahan sa school. He also showed Tom the luxurious
amenities of the school like the heated Olympic-sized swimming pool, gym, tennis
courts, basketball courts, football field, polo field with numerous well-bred
horses, spacious dining hall, grand theater, art galleries, clinic and chapel.

"School ba po talaga 'to, o palasyo?" namamanghang sabi ni Tom.

"Masasanay ka rin." natatawang sabi ng kanyang ama.

"Puro shades of blue po pala dito sa school." pansin ni Tom.

"Exactly! People also call this as the "blue academy" dahil nga all-boys school.
And besides, blue is my favorite color." paliwanag ng ama.

"Pareho po pala tayo." sabi ni Tom.

Pagkatapos ng tour, they went straight into the elevator to reach the top floor
kung saan matatagpuan ang mga kwarto ng kanyang half-brothers. Nasa gitna pa lang
sila ng hallway ay agad nang lumabas ang kanyang mga kapatid. This will be the
first time that he'll be seeing them.

"Buti at wala pa pala kayo sa mga classrooms niyo. I would like to introduce your
eldest brother, Tom." nakangiting sabi ni Johnny sa kanyang mga anak, na nakasuot
na ng uniforms.

"Eldest? So hindi na pala ako ang eldest. Ikaw na. Congrats, and welcome. I'm
Carlos!" sarcastic na bati ni Carlos kay Tom.

Siya si Carlos Luis dela Cruz, a 17 year-old Fil-Spanish boy. He is fair-skinned


with Spanish mestizo features. He also stands 5'8" in height. Sa apat na
magkakapatid, he is the most intelligent. Isa siyang achiever when it comes to
academics. He is always a leader. He is now a senior high school student, kagaya ni
Tom.

"Cool! Magkakaroon na naman tayo ng bagong kuya." natutuwang sabi ni David sa isa
pang kapatid na si Shiro.
Ang pangatlong anak ay si David Christopher dela Cruz, a 16 year-old Fil-American
guy. Fair-skinned siya with strong American features. But his sweet smile is "very
Filipino". He stands 5'6" in height. Mahilig siya sa music, kaya naman he always
plays with his guitar pag walang klase. Papasok siya ngayon bilang isang junior
high school student.

"Bakit, hindi ba kayo masaya na naging kuya niyo ako?" masungit na tanong ni Carlos
sa mga nakababatang kapatid.

"Hindi naman sa ganun, kuya. Pero siyempre, mas masaya kasi nadagdagan tayo ng
isa." natutuwang sabi ni Shiro.

Ang bunso ay si Shiro dela Cruz, isang 15 year-old Fil-Japanese guy. He is light-
complexioned, chinky-eyed, and has two dimples sa magkabilang parte ng kanyang
pisngi. He stands 5'5" in height. Interest niya naman ang martial arts. Joker din
siya madalas. Kagaya ni David ay junior lang din siya.

"Sana nga huling dagdag na 'to." biglang sagot ni Carlos.

Si Tom naman ay hindi na nakapagsalita. Tumahimik na lamang siya at yumuko.

"Carlos! Walang kasalanan si Tom sa mga nangyayari. Kapatid niyo siya. Matuto
kayong tanggapin siya." firm na sabi ni Johnny sa pangalawang anak.

"Yes, dad!" sagot ni Carlos.

"Baka naman, nai-insecure ka lang sa kanya." natatawang sabi ni Shiro kay Carlos.

"Shut up! I'm not that kind of person!" defensive na sabi ni Carlos.

"O, tama na 'yan! Carlos, he'll be your roommate!" firm na sabi ni Johnny.

"What?! Dad, alam mo namang sanay akong mag-isa. Doon na lang siya sa kwarto nina
David at Shiro. Tutal masaya naman sila kay Tom diba." biglang reklamo ni Carlos.
"Masyadong malaki ang kwarto mo. Besides, it will be nice for you to bond with
him." nakangiting sabi ni Johnny sa anak.

Hindi na nakaangal pa si Carlos kahit sobrang labag sa loob niya ang makasama si
Tom. Sinunod agad ni Tom ang sinabi ng ama. Agad niyang hinila ang kanyang maleta
papasok ng kwarto.

Nagulat si Tom sa laki ng kwarto. Isa itong suite-type room kung saan may sariling
living room, study area at bathroom ang mga estudyante. Two to three students ang
karaniwang nags-share sa iisang suite room.

Inutusan din ni Johnny sina David at Shiro na i-entertain muna si Tom at i-tour sa
mga lugar na hindi nila napuntahan kanina. Orientation day pa lang ngayon at bukas
pa mag-start ang formal classes. Ipinadala na din ni Johnny sa kanyang secretary
ang uniform ni Tom na kaka-press and fold lang.

"O, eto. Isuot mo na. Para naman ganap ka nang estudyante dito." nakangiting sabi
ni Johnny sa anak.

Laking tuwa naman ni Tom nang makita ang uniform kaya agad siyang pumasok ng
kanyang kwarto para isuot agad ito. Paglabas niya ay natuwa sina Johnny, David at
Shiro. Si Carlos naman ay kanina pang bumaba.

"Bagay sa 'yo, Kuya Tom! Astig!" sabi ni Shiro.

Sabay namang ibinigay ni Johnny kay Tom ang bagong golden nametag na nagsisilbing
I.D. ng mga estudyante sa academy. Siya na ang nag-pin nito sa dark blue blazer ng
binata. Looking at Tom in his new private school uniform, he has transformed into a
noble young man.

"Ayan! You're officially enrolled!" sabi ni Johnny.

"Salamat po talaga!" natutuwang sabi ni Tom sabay yakap sa ama. Pagkatapos ay


nakipag-high five din siya kina David at Shiro.

Pagkaalis na pagkaalis ni Johnny, agad na may binigay ang magkapatid kay Tom. Isa
itong specialized dark blue baller I.D.
"Ano 'to?" tanong ni Tom.

"Isuot mo 'yan. Tayo lang magkakapatid ang meron nyan sa buong school. Kung di mo
natatanong, sikat kami sa school. We are called as the Blue Brothers." paliwanag ni
David habang naka-akbay kay Tom.

"Blue Brothers?" natatawang sabi ni Tom.

"Oo. At dahil kapatid ka namin, sikat ka na rin dito. Blue Brother ka na din.
Kumpleto na tayo. Apat na sikat!" sigaw ni Shiro.

"Sikat ba talaga tayo dito? Eh balita ko 'tol, maraming mayayaman dito. Yung iba pa
nga daw, anak ng mga may-ari ng mall, o anak ng mga artista at pulitiko."
nagtatakang sabi ni Tom.

"Kaya nga pantay-pantay lang sila pagdating dito sa St. Patrick's, maliban na lang
sa 'ting magkakapatid." nakangiting sabi ni Shiro.

"Kayo talaga." natatawang sabi ni Tom as he wears his new baller I.D.

"Pagpasensyahan mo na si Kuya Carlos. Masungit talaga yun eh. Pero mabait din naman
yun. Ganun lang talaga siya." paliwanag ni David.

"Ganun ba? Sa totoo lang, nagulat ako sa inyo. Ang alam ko, may mga kapatid ako,
pero hindi ko alam na para pala kayong United Nations. Astig kayo, mga pare ko!"
natatawang sabi ni Tom.

"Oo. At least, may kapatid na rin kaming pure Pinoy. Puro kami half-half eh."
natatawang banat ni Shiro.

Natutuwa si Tom dahil madali niyang nakagaanan ng loob sina David at Shiro. Hindi
pa niya nararanasan ang magkaroon ng mga kapatid, at ngayon, alam niyang hindi na
siya mag-iisa o malulungkot sa bagong school na papasukan.
**********************

Pagkatapos siyang ipasyal ulit nina David at Shiro, sumaglit muna sa Tom sa isang
convenience store na malapit sa eskwelahan para bumili ng ilang personal items na
kulang niya. Nakalabas naman siya agad dahil tuwing 4:00 - 7:00pm ay binibigyan ng
free time para lumabas ang mga estudyante bago kumain ng dinner.

Pagkalabas na pagkalabas niya ang may napansin siyang isang teenager na babae.
Sumusulyap-sulyap ito sa bakod ng academy. Parang suspicious ang mga kilos ng
babae, pero hindi na lang ito pinansin ni Tom.

Pagkadating sa convenience store ay binili na ni Tom ang mga dapat bilhin. Nilagay
niya lahat ng items sa isang maliit na basket at iniharap sa cashier para bayaran.

"P150.00 po, sir." sabi ng kahera.

Agad kinapa ni Tom ang kanyang bulsa. Bigla siyang nag-panic. Nagpalit nga pala
siya ng school uniform. Nasa isang pantalon pala niya ang kanyang wallet.

"Patay..." sabi ni Tom sa kanyang sarili.

Bago pa man makagawa ng next move ang binata, ay biglang may sumulpot na babae sa
harapan niya at binayaran ang P150 na presyo ng items.

"Taga St. Patrick's ka, wala kang pera? Imposible." nakangiting sabi ng babae sabay
abot ng pera sa cashier.

"Eh naiwan ko kasi yung wallet ko sa school. Transferee lang ako. Don't worry,
babayaran kita. Ngayon din. Hintayin mo lang ako at babalikan kita." nahihiyang
paliwanag ng bata sabay kuha sa plastic kung saan nakalagay ang mga gamit na
binili.

Bago pa man tumalikod si Tom, bigla siyang napatigil. Tiningnan niya nang mabuti
ang mukha ng babae. Maganda siya. Isang fair-skinned chick with round eyes, wavy
hair and a sweet smile.
"Teka, diba ikaw yung babaeng sumusulyap kanina sa school namin?" nagtatakang
tanong ni Tom.

"Saka mo na lang ako bayaran. Don't worry. I'm just around the corner. By the way,
I'm Mindy. Nice meeting you, Mr. Tom dela Cruz." sabi ng dalaga sabay kindat at
alis ng convenience store.

Puzzled ang binata sa first meeting nila ni Mindy. But he admits na nagagandahan
siya sa dalaga, na parang estudyante lang din tulad niya.

**********************

Dali-daling tumakbo si Mindy papunta sa isa pang mala-palasyong building na katabi


lang ng St. Patrick's Academy - ang St. Catherine's Academy, isang elite all-girls
school. Ang eskwelahang ito ang counterpart at competitor ng nasabing all-boys
school pagdating sa profits, accreditation at luxury status.

Si Mindy Perez ay isang 16 year-old junior high school student sa St. Catherine's
Academy. Maganda ang uniform nila - white blouse with red necktie, brown-checkered
skirt, and a light blue blazer.

Agad pumasok ang dalaga sa isang malaking kwarto na puno ng mga babaeng estudyante.
Habang papalapit siya sa gitna ng room, unti-unti niyang natatanaw ang isang babae
na nakaupo at naka de-kwatro pa. Parang matapang ang itsura nito.

"O, ano, Mindy? I need some scoops." sabi ng babaeng nakaupo.

Siya naman si Hillary Cortez, isang 17 year-old senior high school student. Siya
ang "queen bee" ng academy. She has fair-complexioned skin, brown hair, round and
intimidating eyes, and a strong personality. Isang tingin pa lang niya, tumitiklop
na kaagad ang sinumang estudyante.

Isa namang protégé si Mindy. At dahil siya ang natitipuhan ni Hillary na maging
successor niya, tine-train na siya as assistant at tagakuha ng mga balita at iba
pang rumors. May "princess" status na siya kumbaga.
"Confirmed! The new guy has arrived!" nakangiting sabi ni Mindy habang nagtilian
ang mga babae.

"So... anong itsura niya? I've heard na he came from the province." umiirap na sabi
ni Hillary.

"Well... he's pure Filipino, and... he's hot!" biglang sagot ni Mindy.

"How hot? Even hotter than Carlos? Pictures please, or it didn't happen!" mataray
na sabi ni Hillary.

Agad inilabas ni Mindy ang kanyang cellphone at pinakita sa lahat ang picture ni
Tom.

"Hmm... pwede na... pero hindi ko type. Tom and Carlos are like chocolate and
vanilla. Eh nagkataon, mas gusto ko ang vanilla." flirt na sabi ni Hillary.

"Eh sina David at Shiro, anong flavors po sila, Miss Hillary?" biglang singit ni
Ara Dizon, isang 16 year-old junior high school student na best friend at kaklase
ni Mindy.

"Shut up! Wala! David is not even hot. He's cute, that's all. He looks like an
innocent kid. Pustahan tayo, virgin pa 'yan! Lalo na siguro si Shiro. They're like
marshmallows. Boring!" mataray na sabi ni Hillary sabay irap. Tumahimik na lang
sina Mindy at Ara.

Hillary stood up and faced Mindy.

"Basta, you keep an eye on the new guy. Isang karangalan para sa 'tin ang makilala
ang bagong prinsipe ng St. Patrick's Academy." flirt na sabi ni Hillary.

"Yes, Miss." sagot ni Mindy.

**********************
Bumalik na si Tom sa campus dala-dala ang kanyang mga pinamili. Natuwa naman siya
kahit papaano dahil without David and Shiro's help, nakaakyat siya sa kanyang
kwarto kahit nalilito pa din siya sa laki ng eskwelahan.

Pagkapasok niya ng kwarto, naabutan niyang may tina-type si Carlos sa kanyang


laptop. Busy ang kanyang kapatid habang may hawak din na pen para sa additional
notes. Halatang nag-aaral ito.

"Mukhang studious ka talaga 'tol ah." natutuwang sabi ni Tom sabay tabi kay Carlos.

"Huwag ka ngang magulo. Hindi mo ba nakikitang may ginagawa ako?" masungit na sabi
ni Carlos.

"Sorry naman. Excited lang naman akong makausap ka eh. First time kong magkakaroon
ng mga kapatid." sabi ni Tom.

"Well, I'm not excited. Unang-una, ikaw ang magiging bagong favorite ni Dad, at
hindi ko hahayaang mangyari 'yun." sabi ni Carlos.

"Hindi ko naman aagawin ang atensyon ni Dad. Ngayon lang din ako nagkaroon ng ama,
so sana pagbigyan mo naman ako." paliwanag ni Tom, na nagbabago na rin ang tono ng
pananalita.

"Hoy, Tomas! Mabuti pang bumalik ka na lang dun sa probinsya niyo, at huwag ka nang
makisiksik dito. Hindi ka bagay dito. Sayang nga lang at namatay na ang nanay mo."
sabi ni Carlos.

"Ano bang problema mo, 'tol?! Ayos lang na ako ang insultuhin mo, pero huwag mong
idadamay ang nanay ko, dahil hindi ako magdadalawang-isip na labanan ka!" biglang
sigaw ni Tom sabay hatak sa damit ni Carlos. Maski si Carlos ay nagulat sa biglaang
reaksyon ng kapatid. Ramdam niya ang lakas ng grip ni Tom.

Carlos felt Tom's strength and angst. Pero hindi siya papatalo. Leon sa leon. Tigre
sa tigre. Tuluyan nang namumuo ang tensyon sa dalawang magkapatid.

"Rrrrrrrrringgg!!!" tunog ng school bell. Oras na para mag-dinner ang mga


estudyante, kaya naman agad silang kinatok nina David at Shiro para yayaing bumaba
sa dining hall.

Agad na binitawan ni Tom ang mahigpit na pagkakahawak niya sa damit ni Carlos. Nag-
pretend na lang sila na walang nangyari.

"Kuya Tom, Kuya Carlos! Let's march down the hallway!" natutuwang sabi ni Shiro.

Sabay-sabay silang magkakapatid na bumaba at lumakad sa hallway papuntang dining


hall, at magkakahilera. Sina Tom at Carlos ang nasa gitna, habang sina David at
Shiro naman ay nasa magkabilang gilid.

"Teka, mga 'tol! Hindi ako sanay na tinitingnan ng maraming tao." nag-aalalang sabi
ni Tom.

"Cool ka lang, kuya. Relax! Sumabay ka lang sa 'min." natatawang sabi ni David.

"Maglalakad ka na nga lang, hindi mo pa magawa." sarcastic na sabi ni Carlos. Tom


also looked at him sarcastically.

Suddenly, pabirong inakbayan ni Tom si Carlos, na para bang buddy ang turing niya
sa kaaway na kapatid. Nakangisi pa si Tom habang naglalakad. Asar na asar naman si
Carlos pero wala siyang magawa dahil baka sumama ang image niya sa buong student
body.

"Ayos ba, 'tol?" sarcastic na sabi ni Tom kay Carlos.

"Tol mo mukha mo!" pabulong na sabi Carlos kay Tom.

"Guys, tingnan niyo! Nandyan na yung pang-apat na Blue Brother!" sigaw ng isang
estudyante na nakaturo sa apat na magkakapatid.

The four of them were walking with pride and angst, habang tinitingnan sila ng
buong student body. Buo na silang apat - ang tinatawag nilang Blue Brothers.

END OF CHAPTER 1
####################################
Chapter 2
####################################

The picture of the four main characters is found on the right side of the screen.
You can use the picture as a guide and reference, if you can't imagine the
characters' faces. You can also create your own image.

Credits to mirrichuu18 for the photo.

Blue Brothers

(Chapter 2 - My World, Your World)

The next day, maagang gumising ang magkakapatid, pati na rin ang lahat ng mga
estudyante sa St. Patrick's Academy. Everyday, their wake-up call starts at 6:00am
para makapag breakfast na sila. Then, classes start at 8:00am.

Medyo na-late ng gising si Tom dahil napasarap siya ng tulog. Ngayon lang kasi siya
nakatulog sa isang napakalambot na kama. Nagmadali siyang makaligo at makapagbihis
at dumiretso na sa dining hall.

Parang isang breakfast buffet sa isang hotel ang makikita sa dining hall tuwing
umaga. Kumpleto sila sa menu - from bread, potatoes, rice, hotdog, corned beef,
noodles, puddings, cakes, fruits and cereals. All of them are served, gourmet
style. Sa beverages naman ay available ang fresh milk, chocolate milk, coffee at
fruit juices na freshly squeezed.

Kumuha lang si Tom ng rice at corned beef na paborito niya. Kumuha din siya ng
coffee dahil 'yun ang nakasanayan niya sa probinsya. Inilagay niya lahat sa isang
silver tray at naghanap ng mauupuan.

"Opps! Bawal dito!" natatawang sabi ng isang estudyante.

"Bakit bawal? Eh wala namang nakaupo dyan?" nagtatakang tanong ni Tom.

"Meron! Dito lang naman ang upuan ng kaibigan naming si Carlos!" nakangiting sabi
ng estudyante, sabay tingin sa likod kung saan padating na si Carlos na may dalang
pagkain. May kasama pa itong isang kaibigan.
"Tama! Dito ang table naming tatlo, kaya maghanap ka na lang ng ibang mauupuan."
nakangising sabi ni Carlos habang inilagay ang pagkain sa table. Umupo na din siya
kasabay ang dalawang kaibigan.

"Eh kung dito ka pala nakaupo, maghahanap na talaga ako ng ibang upuan. Baka mamaya
hindi pa ako matunawan." pabirong sabi ni Tom.

Napikon si Carlos samantalang tumawa lang nang malakas ang kanyang mga kaibigan.

"Alam mo ba ang sinasabi mo, Tomas? Halos lahat ng mga estudyante dito, gagawin ang
lahat makasama lang namin sa grupo, tapos ikaw, ayaw? Ha! Loser!" sarcastic na tawa
ni Carlos.

"Bakit, sino ba yang mga kasama mo?" tanong ni Tom.

"Dude, let me introduce myself. I'm Eric Legaspi, anak ni Roman Legaspi." pakilala
ng isang kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ni Tom. Nasa harapan niya ang anak ng isang sikat na action
star. Maputi at makinis ang kutis ni Eric. Pretty boy kagaya ng kanyang amang
babaero.

"A-anak ka ni Roman Legaspi, yung paborito kong action star? Wow! Idol ko yung
tatay mo. Halos lahat ng mga pelikula niya, pinapanood ko sa probinsya namin.
Astig!" natutuwang sabi ni Tom.

"Promding-promdi ka talaga! Ang cheap ng taste mo. Action movies ni Roman Legaspi?"
natatawang sabi ni Carlos.

"Ano ka ba? Nasa harap tayo ng anak niya. Baka magalit siya sa 'tin." nag-aalalang
sabi ni Tom.

"Don't worry. I find his movies cheap. Mas gusto ko ang Hollywood movies kesa sa
mga pelikula niyang paulit-ulit ang kwento." nakangiting sagot ni Eric.
"Oo nga. Hindi kami kagaya mo na jologs." natatawang sabi ni Carlos. Napahiya naman
si Tom.

"Eh yung isang kasama niyo, anak naman nino?" biglang tanong ni Tom.

"Ako naman si Michael Uy, anak ng may-ari ng pinakamalaking mall chain dito sa
Pilipinas." pakilala naman ng isa.

Medyo chinito si Michael dahil na rin sa angkang pinanggalingan. Ang pamilya nila
ang isa sa mga Top 5 Richest sa buong bansa.

"Wow! Ang bigatin pala ng mga kaibigan mo." sabi ni Tom kay Carlos.

"Oo, at hindi pwede dito ang anak ng isang small time na alahera sa Cavite." sagot
ni Carlos.

"Anong sabi mo?!" galit na sabi ni Tom. Susugurin na niya sana si Carlos pero
pinigilan siya ng kamay nito.

"Chill ka lang. Baka matapon yang pagkain mo. Alam ko namang ngayon ka lang
makakatikim ng masasarap na pagkain. Sayang naman." natatawang sabi ni Carlos.

"Meron din kaming kanin, corned beef at kape sa Cavite." biglang sagot ni Tom.
Nagtawanan lang sina Carlos, Eric at Michael. Pati ang ibang estudyanteng malapit
sa kanila ay nakitawa na din.

"Huwag ka na kasing sumagot, Tomas. Lalo ka lang nagmumukhang tanga!" sabi ni


Carlos.

Gusto nang suntukin ni Tom si Carlos ng mga panahong iyon, pero pinigilan na lang
niya ang sarili. Wala na siyang magagawa kung hindi siya matanggap nito bilang
kapatid.

"Madali lang naman akong kausap, 'tol." naaasar na sabi ni Tom sabay talikod. Agad
niyang nakita sina David at Shiro at doon na lang siya sumama.
"Mukhang palaban yung kapatid mong 'yun ah." sabi ni Eric.

"Ayaw ko siyang maging kapatid. Pero tama ka. Palaban nga siya, but I'll show him,
na nagkamali siya ng pasok dito." sagot ni Carlos. Tumawa lang ang kanyang mga
kaibigan.

**********************

First class nina David at Shiro ang Homeroom. Excited silang magkakaklase dahil
nabalitaan nilang bago ang kanilang adviser.

Very spacious ang mga classrooms dito. Maximum of 30 students lang per class. Bawat
estudyante ay may malaking desks na may built-in LCD screens para dun na nila
titingnan ang mga lessons at presentations.

Pati ang whiteboard nila ay isang malaking touch screen monitor kung saan naka-
program ang mga lectures sa bawat subject.

"Tinatamad pa 'kong mag-aral." nagrereklamong sabi ni Shiro habang nagd-doodle sa


kanyang desk.

"Ako din naman. May hangover pa din talaga ako sa summer." nakangiting sabi ni
David habang naggi-gitara. Hobby ito ng binata kapag siya ay bored.

"Sana hindi dumating yung bago nating adviser. I'm sure, madali na naman natin
siyang maloloko. Bago eh." natatawang sabi ni Shiro.

"Pilyo ka talaga, hapon! Kawawa ang mga new teachers sa 'yo. Lagi mo kasing pinagt-
tripan." natatawang sabi ni David habang patuloy sa pag-play ng gitara.

"Ikaw naman, kano, masyado kang mabait. Ikaw na ang Best in Conduct awardee every
year." natatawang sagot ni Shiro. Ngumiti lang si David.

Maya-maya ay biglang pumasok ang kanilang bagong adviser.


"Good morning, class." mahinhing sabi ng isang boses. Mula sa pagiging magulo at
maingay ng klase ay bigla itong tumahimik.

"Hello. My name is Miss Melody Laurel, and I'm going to be your class adviser, and
at the same time, your World History teacher. How's that?" malambing niyang sabi.

"Gooood mooorning, Ma'am!" in chorus na pagbati ng buong klase. Halos lahat sila ay
nakatulala at nakatitig sa teacher.

Ginamit na ni Miss Melody ang malaking touch screen monitor para ipakita sa klase
ang kanyang background, pati na rin ang course syllabus.

"Ang cute niya!" kinikilig na sabi ni Shiro habang nagdo-doodle. Tinatawanan lang
siya ni David.

At 21 yrs. old, first time magtuturo si Miss Melody. Fresh graduate siya at pinalad
na makapasok sa St. Patrick's Academy. At dahil bago ay under observation pa lang
siya. She has a sweet and lovely face, na parang isang manika.

"Wow! I'm overwhelmed! This will be my first time, tapos all-boys school pa. So,
please bear with me, boys." nakangiting sabi ni Miss Melody.

"Yesss, ma'am!" in chorus ulit na sagot ng mga estudyante. Parang silang mga
ginayuma.

"O, ano? Paano mo lolokohin 'yan eh parang ikaw na ang naloloko dyan?" natatawang
sabi ni David sabay kutos sa kapatid.

"Nagkamali ako. Hindi siya dapat niloloko. Ang dapat sa kanya, minamahal." in love
na in love na pagkasabi ni Shiro.

"Sira! Teacher natin 'yan. Saka mukhang di ka type nyan." sabi ni David.

"David naman! Alam kong crush mo din si Ma'am, pero wala namang siraan ng trip."
sabi ni Shiro.

"Wala akong sinasabi." natatawang sagot ni David.

"By the way, who is your class president? Kailangan ko din kasi ng assistant."
nakangiting sabi ni Miss Melody.

Walang nagsasalita. Hindi pa kasi nagkakaroon ng class elections. Out of the blue,
biglang nagtaas ng kamay si Shiro at nag-volunteer.

"Ma'am! Ako na lang po! Willing ako!" proud na sabi ni Shiro na dalawang kamay pa
ang nakataas.

"Woooh!" sigaw ng kanyang mga kaklase.

"Huwag kayong magulo!" sigaw ni Shiro.

"Hmm, Mr. Shiro dela Cruz. Thanks for volunteering. Sige, ikaw na yung student
assistant ko. Ikaw ang magu-update ng database ng klase, from the attendance sheet,
grading sheets... Is that okay with you, young man?" nakangiting sabi ni Miss
Melody.

"Yes, Ma'am. Para sa 'yo, gagawin kong lahat 'yan!" proud na sabi ni Shiro, sabay
sigawan ng buong klase. Natatawa na lang din si David.

**********************

Afternoon break na naman at habang naglalakad si Tom sa may front garden ay


napansin niyang nakabantay na naman sa labas ng gate si Mindy, ang babaeng nakita
niya sa convenience store kahapon. Bigla niyang naalala ang kanyang utang kaya agad
siyang lumabas ng gate para makipag-usap sa dalaga.

"Hi!" nakangiting sabi ni Mindy.


"Hi. Ahh, eto nga pala yung utang ko kahapon." natatarantang sabi ni Tom habang
kinukuha ang pera sa wallet niya. Iniabot niya ang pera kay Mindy.

"Salamat." pagtanggap ni Mindy sa pera.

Pagkatapos ay nagkaroon ng "dead air" sa pagitan ng dalawa. Hindi nila alam kung
ano ang sunod na sasabihin.

"So, kumusta naman yung stay mo sa St. Patrick's? Ayos naman ba?" biglang tanong ni
Mindy.

"Okay naman. Nakakapanibago, pero madali naman akong makaka-adjust." nakangiting


sagot ni Tom.

"Good to hear." sabi ni Mindy.

Biglang napansin ni Tom na naka-uniform si Mindy.

"Teka nga pala, saan ka nag-aaral?" tanong ng binata.

"Dyan o, sa St. Catherine's Academy, isang elite all-girls boarding school." sabi
ni Mindy sabay turo sa nasabing school na katapat lang ng St. Patrick's Academy.

"Ahh, talaga? Wow! So palagi pala tayong magkikita? Magkatabi lang kasi yung mga
schools natin eh." nakangiting sabi ni Tom.

"Oo naman. Lalo na kung ibibigay mo yung number mo sa 'kin, mas madalas talaga
tayong magkakausap." nakangiting sabi ni Mindy.

"H-ha? Number?" gulat na sabi ni Tom. Hindi niya inaasahan na magiging mabilis ang
dalaga.

"Diba friends na tayo?" sabi ni Mindy.


"T-teka lang... hindi ba..."

"Eto. I-type mo na lang yung number mo." sabi ni Mindy sabay pahiram ng kanyang
cellphone para dun na ilalagay ni Tom ang kanyang contact number. Agad namang
sumunod si Tom.

"Ayan. Salamat. I'll just text you later. Bye, Tom!" nakangiting sabi ni Mindy
sabay kindat sa binata.

"B-bye..." mahinang pagkaway ni Tom na halos speechless sa nangyari. His eyes were
just on her habang tumatakbo na ang dalaga papunta sa gate ng kanyang school.

Bago pumasok ay inamoy na muna ni Tom ang kanyang kanang kamay na nahawakan kanina
ni Mindy. Amoy scented lotion ang kamay ng dalaga.

**********************

Meanwhile, at the other side of the block, sa St. Catherine's Academy, ay nagtipon-
tipon na naman ang mga members ng exclusive club ni Hillary.

"So, what's new?" tanong ni Hillary kay Mindy.

"Nothing much. Nagbayad lang siya ng utang, then I asked for his number."
nakangiting sabi ni Mindy.

"O? Binigay naman ba?" mataray na tanong ni Hillary.

"Yup. Here it is!" nakangiting sabi ni Minday sabay pakita ng number ni Tom.

"OMG! You go, girl! Ang bilis!" natutuwang sabi ni Hillary.


"Sabi ko naman sa 'yo, Miss Hillary, I can do it." proud na sabi ni Mindy.

"Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa 'yo, girl! Tama 'yan. Get to know him
better. Text-text, tawag tawag." sabi ni Hillary.

"Okay. Tapos?" tanong ni Mindy.

"Saka ko na sasabihin ko sa 'yo ang kasunod. It's part of your training. Basta,
don't fall in love with him." sabi ni Hillary.

"Sure!" nakangiting sabi ni Mindy.

Habang nagme-meeting ang mga high school girls ay biglang dumaan ang principal at
ang may-ari ng St. Catherine's Academy.

"Buenas tardes, senorita!" pagbati nina Hillary ng "good afternoon" sa kanilang


principal.

"Gracias!" sabay pasalamat ng principal.

Siya si Ms. Natalia Mori, isang pure Spanish woman na naging Filipino citizen dahil
sa tagal na niyang naninirahan sa Pilipinas. At 39 yrs. old, isa na siyang
successful na school administrator. Lahat gagawin niya para maingatan ang pangalan
ng St. Catherine's Academy.

She is a tall and sexy woman. Sophisticated din ang itsura niya. She looks like a
model na very intimidating.

"Malayo pa lang ako, alam ko na ang pinagkakaabalahan niyo... boys na naman."


nakangiting sabi ni Natalia.

"Hindi naman po masyado. We're just talking about some things for our exclusive
club." nakangiting palusot ni Hillary.

"Oh, come on. I was not born yesterday." sagot ni Natalia. Speechless sina Hillary
at Mindy.

"I just want to give you an advice. Hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ang mga
estudyante from St. Patrick's. That school is full of egoistic little rascals."
sabi ni Natalia.

"Ms. Natalia, I know they're academic rivals, pero I think we could be friends with
them." sabi ni Mindy.

"Don't you worry, girls. You could be friends with them... soon." nakangising sabi
ni Natalia.

"H-ha? Kanina, ayaw niyo, tapos biglang pwede?" nagtatakang sabi ni Hillary.

Napangisi lang si Natalia at hindi na sinagot ang tanong ng dalaga.

"Kapag ako na ang nagpapatakbo ng St. Patrick's Academy, pwedeng-pwede na. Soon,
the 'blue academy' will also be mine." natatawang sabi ni Natalia sa kanyang isip.

END OF CHAPTER 2
####################################
Chapter 3
####################################

Nakapost na din sa gilid ang pictures ng girls from St. Catherine's Academy, saka
yung mga ibang tauhan from St. Patrick's Academy.

Blue Brothers

(Chapter 3 - If I Were You)

Sa classroom ng mga seniors, maingay na nagtatawanan sina Carlos at ang kanyang mga
kaibigan, habang si Tom ay nakaupo lang at nagbabasa ng isang adventure novel.
Hindi pa kasi dumadating ang professor nila sa Physics.

"Guys, tingnan niyo si Tomas, busy-busyhan! Hahaha!" natatawang sabi ni Carlos sa


kanyang mga kaibigan na sina Eric at Michael.

"Wag ka ngang maingay. Kita mong nagbabasa ako." masungit na sabi ni Tom sabay
balik sa binabasa.

"Hoy! Naiintindihan mo ba yang binabasa mo? Diba English 'yan? Mas bagay sa 'yo na
magbasa ng tabloid. Tapos samahan mo ng kape, para bagay sa mga taga bukid.
Hahahaha!" natatawang panlalait ni Carlos sa kapatid. Halos lahat din sa klase ay
nagtawanan.

"Eh kung katawan mo kaya ang takpan ko ng dyaryo?!" maangas na sabi ni Tom.

"Ah! Away na 'yan! Away na 'yan!" sigaw ng isang kaklase.

"Okay, class! Please settle down!" biglang dating ng kanilang professor sa Physics.

Umupo na ang buong klase habang sine-set-up ng professor ang touch screen monitor.
Nire-review din niya ang klase sa naging topic nila kahapon. Alam ng professor na
naging mabilis ang kanyang pagdiscuss sa lesson kaya uulitin niya ito para mas
maintindihan ng lahat.

"If I was fast yesterday, I would like to apologize." sabi ng Physics professor.

Biglang natawa si Carlos.

"Why, Carlos?" tanong ng professor.

"Sir, I think your statement is wrong. It should be If I were, instead of If I


was." biglang sabi ni Carlos.

"This is not an English class, young man!" sabi ng professor.

"But sir, you are a professor. I think you should observe proper English usage at
all times." mayabang na sabi ni Carlos.
"Of course he observes it. His statement is correct." biglang singit ni Tom.
Nagulat ang lahat sa bigla niyang pagsasalita.

"And what do you know about English grammar, country boy?" mayabang na sabi ni
Carlos.

"Sir, I know this is not an English class, but do you mind if I explain why your
statement is correct? I think Carlos is just confused." nakangiting sabi ni Tom.

"No, I don't mind. Feel free to explain." sabi ng professor.

Tumayo si Tom at confident na pinaliwanag ang kanyang nalalaman.

"While most of us use If I was and If I were interchangeably, they do not mean the
same thing. Were is used if impossible or hypothetical situations are expressed.
For example, If I were you... If I were a monkey."

"And then?" pabarang sabi ni Carlos.

"If we want to express a past situation which could have been possible, we can use
If I was. Our professor said If I was fast. Well, he may be fast in lecturing
yesterday. He may also not be fast to some." maayos na paliwanag ni Tom.

"Excellent, Mr. Tom dela Cruz!" biglang sigaw ng isa pang professor na kabubukas
lang ng pinto.

Siya si Mr. Frank Elizalde, ang best friend ni Johnny at isang English professor sa
academy. Dadaan lang sana siya sa classroom para may ibigay sa Physics professor
pero natigilan siya nang marinig ang ginawang pagpapaliwanag ni Tom.

"Impressive! In fact, that will be our lesson this afternoon. So Tom, I'll give you
a perfect score for the quiz related to that. See you later, class." nakangiting
sabi ni Mr. Elizalde sabay alis ng room.

Pumalakpak din ang kanilang Physics professor at nagpasalamat kay Tom sa


pagtatanggol sa kanya.
"Pahiya ka, ano?" pabulong na sabi ni Tom kay Carlos na malapit lang sa kinauupuan
niya.

"Screw you, Tom!" seryosong pagkasabi ni Carlos. Galit na galit ang binata habang
namumula ang mukha sa kahihiyan.

Habang nagkaklase ay biglang nag-on ang isa pang LED monitor na nakasabit sa
kisame. Ito ang kanilang school TV, kung saan lumalabas ang mga importanteng
announcements, greetings, prayers at iba pang balita. Biglang nag-flash ang mukha
ng principal na si Johnny live from his office.

"Good morning, young men. This is your principal speaking. I would like to announce
that the Student Council election is fast approaching. Interested parties may now
file their candidacy at the Student Council Headquarters here at the ground floor.
See you there!" nakangiting sabi ni Johnny, sabay blackout ng screen.

Biglang napangiti si Carlos. Alam niyang siya na ang future president ng St.
Patrick's Academy.

**********************

Afternoon break na ng academy at pakalat-kalat na ang mga estudyante sa hallways,


gardens at sa labas na mismo ng eskwelahan. As usual, magkasama na naman sina David
at Shiro at mukhang may pupuntahan ang dalawa.

"Ikaw na lang ang makipagkita kay Ara. Tinatamad akong lumabas." nagmamaktol na
sabi ni Shiro.

"Sige na. Pumasok ka na sa loob. Kanina ka pang nagrereklamo dyan eh. Kasalanan ko
pa ngayon na pinagpaalam kita kay Miss Melody." sabi ni David.

"Buti alam mo. Ang ganda na sana ng eksena eh. Tinutulungan ko siyang mag grade ng
mga activities. Super close na sana kami kanina. Kaya lang, anong ginawa mo? Ikaw
kasi..." litanya ni Shiro.
"Kaya nga bumalik ka na dun. Tulungan mo na siya. Good luck sa 'yo, madami-daming
activities 'yun." natatawang sabi ni David.

"Hindi 'yan. Walang mahirap pag mahal mo yung tao." nakangiting sabi ni Shiro sabay
takbo papunta sa faculty room.

Si David naman ay lumabas na ng campus at tumigil sa isang parte ng sidewalk para


antayin si Ara, na manggagaling pa sa St. Catherine's.

"David!" sigaw ni Ara.

"Uy, buti dumating ka agad." nakangiting sabi ni David.

"O, eto na yung hard drive mo. Salamat ah. Ang dami kong kinopyang movies."
natutuwang sabi ni Ara.

"Teka, sino 'yang kasama mo? Ngayon ko lang siya nakita." nagtatakang sabi ni David
sa kasama ni Ara.

"Ahh, sorry. Nga pala, si Michelle, yung best friend ko sa school... Michelle, si
David, yung kinukwento ko sa 'yo na kababata ko." sabi ni Ara habang pinapakilala
si Mindy sa binata.

Kailangang ibahin ni Mindy ang kanyang pangalan sa "Michelle" pag nakikipag-usap sa


ibang estudyante ng St. Patrick's Academy, maliban kay Tom. Parte ito ng kanyang
training.

"Hi..." pagbati ni David na biglang na-starstruck sa itsura ni Mindy.

"Ikaw yung isa sa mga Blue Brothers, diba? Yung mga anak ng principal? Naririnig ko
lang ang mga names niyo pero ngayon lang kita nakita nang personal." nakangiting
sabi ni Mindy.

"Ahh, ganun ba? Nakakahiya naman. Baka naman na-disappoint ka sa 'kin. Hindi ako
kasing astig ng mga kuya ko. Simple lang ako." sabi ni David.
"Ano ka ba? Ang cute mo kaya." nakangiting sabi ni Mindy.

"T-talaga?" gulat na sabi ni David. Biglang namula ang kanyang pisngi.

"Naniwala ka naman? Binobola ka lang ng kaibigan ko." natatawang sabi ni Ara.

"Hindi ah. Cute naman talaga si David, diba? Kamukha niya kaya si Zac Efron."
nakangiting sabi ni Mindy.

"Zac Efron? Si David? Ewww..." biglang sabi ni Ara.

"Loko ka. Hindi na uli kita papahiramin ng hard drive ko." sabi ni David.

"Joke lang. Oo na, nag-aagree naman ako kay Michelle eh." sabay bawi ni Ara.

"So, you want me to buy you snacks? Treat ko." nakangiting pag-aalok ni David.

"Hindi na. Busog kami. Sige, salamat ulit. Papasok na uli kami." sabi ni Ara sabay
hila sa kamay ni Mindy.

"S-sandali lang!"

"Bakit?" tanong ni Mindy.

"A-ahh... baka gusto mo ding hiramin yung hard drive ko? Baka mahilig ka sa mga
movies, or sa music? Madaming laman 'to." nauutal na sabi ni David.

"Meron ka bang classic movies? Yung mga tipong 1960s or 1970s? Sorry kung medyo
weird ako." nahihiyang sabi ni Mindy.

"Mahilig ka din dun? Pareho pala tayo. Oo, meron ako dito. Gusto mo na hiramin?"
natutuwang sabi ni David.
"Oo, pero bukas na lang. Nagmamadali na talaga kami. See you tomorrow." nakangiting
sabi ni Mindy sabay wave kay David.

"T-tomorrow?" hindi makapaniwala si David na makikita niya uli si Mindy


kinabukasan. Sobrang nagagandahan siya sa dalaga.

**********************

Nagmamadali din si Johnny dahil meron siyang ime-meet sa isang sosyal na lugar na
tinatawag na Flavors. Isa itong first-class diner na parang bar and restaurant ang
feel. Dito madalas tumatambay ang mga estudyante ng St. Patrick's at St.
Catherine's, pero dahil tapos na ang break ay wala nang masyadong tao sa diner
kundi ang mga young adults at iba pang professionals.

"Mabuti at dumating ka." sabi ng ka-meet ni Johnny.

It was Natalia. Nakangiti lang siya habang umiinom ng wine.

"Ewan ko ba, Natalia. Hindi ko rin alam kung bakit napapayag mo akong makipagkita
sa 'yo." sabi ni Johnny sabay upo.

"It must be love." sabi ni Natalia with a disturbing laugh.

"I'm serious. Let's make this quick. Ano ba talaga ang sasabihin mo?" firm na sabi
ni Johnny.

"Relax, Johnny. Relax. Let's order first." natatawang sabi ni Natalia sabay tawag
sa waiter.

Lumapit ang waiter at kinuha ang order nila. While they were already eating, saka
ulit na-open ang topic.
"Hanggang kailan mo ba paiiralin ang pride mo? I'm sure, bibigay ka din sa offer
ko, at ibebenta mo din ang St. Patrick's Academy sa 'kin." sabi ni Natalia.

"How many times will I tell you that I'm not selling St. Patrick's? May sarili ka
nang school, diba? Hindi ka pa ba kuntento dun? Hindi ba pagiging garapal na 'yan?"
galit na sabi ni Johnny.

"You know, I'm just concerned. Alam naman nating malapit nang ma-bankrupt ang
eskwelahan mo, at isa-isa nang nag-aalisan ang mga investors mo. So, I'm just doing
you a favor. I'll buy it, para ma-preserve naman yung so-called prestigious all-
boys academy." paliwanag ni Natalia.

"I'll do everything to save my school!" firm na pagkasabi ni Johnny.

"Sa ngayon, hindi ka pumapayag. Pero darating at darating din ang panahong mabibili
ko 'yan, lalo na pag nalaman ng publiko ang totoong financial status ng St.
Patrick's." sabi ni Natalia.

"Subukan mo lang!"

"Oh, life! Naniniwala talaga ako sa kasabihang Not all that glitters is gold, dahil
ang mala-palasyong eskwelahan mo, ay babagsak din na parang abo. Kaya, think of it,
dear." nakangiting sabi ni Natalia habang hinahaplos ang kamay ni Johnny. Agad
namang inalis ni Johnny ang kamay sa mesa.

**********************

Papunta sana si Tom sa kanyang kwarto nang biglang may nagsaklob ng plastic sa ulo
niya. Bigla siyang hinila at dinala sa isang lugar na walang masyadong tao. Hindi
alam ng binata ang mga nangyayari. Hindi rin siya makahinga nang maayos dahil may
nakatakip na panyo sa bibig niya.

Sa pakiramdam ni Tom ay may dalawang lalake na nakahawak sa kanya. Hindi siya


nagkakamali ng iniisip, dahil sina Eric at Michael mismo ang dumakip sa kanya.

Hindi sapat ang lakas ni Tom para manlaban sa mga may hawak sa kanya. Ang hindi
niya alam, nasa harap lang niya si Carlos na natatawa sa napapanood.
Inutusan ni Carlos ang dalawa niyang kaibigan para dakpin si Tom. Hindi na nag-
aksaya ng oras si Carlos. Agad niyang sinikmuraan nang malakas ang kanyang kapatid.

"Arrrrgggh!!!" sigaw ni Tom sa sobrang sakit. Pero dahil may takip na panyo ang
kanyang bibig ay hindi ito masyadong naririnig.

Sinuntok ulit ni Carlos si Tom nang dalawa pang beses. Ganti daw ito sa
pagmamarunong niya sa klase kanina. Gustuhin man ni Tom na mamilipit sa sakit ay
hindi niya kaya, dahil nakahawak sa kanya sina Eric at Michael.

"Sino ba kayo? Lumaban kayo nang patas. Magpakita kayo sa 'kin, mga duwag!" sigaw
ni Tom.

Natawa lang nang tahimik si Carlos habang nakikitang nasasaktan ang kapatid. Maya-
maya ay sinenyasan na niya ang mga kaibigan na iwanan na si Tom. Agad nilang
binitawan ang binata at mabilis silang tumakbo.

"Dali!" biglang sabi ni Carlos sabay takbo kasama ang mga kaibigan. Namimilipit pa
rin si Tom sa sakit.

**********************

Madaming tao sa Student Council Headquarters dahil sa mga estudyanteng gustong


tumakbo sa eleksyon. Karamihan sa kanila ay gustong i-occupy ang mga posisyon
kagaya ng vice president, secretary, treasurer, P.R.O., at coordinator sa bawat
year level.

Walang ibang gustong tumakbo sa pagiging president maliban kay Carlos. Alam na kasi
ng buong student body na wala silang pag-asa kung kakalabanin nila ang anak ng
principal. Alam nilang mapapahiya at mapapahamak lang sila.

Tahimik na nagfi-fill-up ng form si Carlos habang natatawa. For him, running for
president is just a piece of cake.
As he was about to submit the form, agad bumukas ang pinto ng headquarters. To
Carlos's shock, it was Tom. Mabagal itong lumakad papunta sa counter habang hawak
pa din ang tiyan dahil sa nangyari kanina.

"Are you okay, Tom?" concerned na tanong ni Ms. Jessie, ang secretary ni Johnny.

"Yes, ma'am. May nakain lang po siguro akong masama." nakangiting palusot ni Tom.

"Anong ginagawa mo dito? Tatakbo ka din sa elections?" biglang tanong ni Carlos kay
Tom.

"Hindi. Maglalakad." pambabarang sagot ni Tom. Agad siyang kumuha ng form.

"Anong posisyon ang tatakbuhan mo, Tom?" nakangiting tanong ng school secretary.

"President po." firm na sagot ni Tom, sabay ngisi kay Carlos.

Biglang nagsara ang mga kamao ni Carlos. Nagulat din ang mga estudyanteng nasa loob
ng kwarto. Nagulat sila sa lakas ng loob ni Tom na kalabanin ang kanyang kapatid.

**********************

Meanwhile, at St. Catherine's Academy, the high school queen bee, Hillary, is busy
talking to someone over the phone.

"Hello, girl. Got new scoops from the blue academy? Yeah. Bilis at baka sampalin
kita dyan. Nasa loob ka ng school kaya you better report something juicy. You're my
trusted spy." demanding na sabi ni Hillary.

"Yes, miss." sagot ng kausap ni Hillary.

END OF CHAPTER 3
####################################
Chapter 4
####################################

Blue Brothers

(Chapter 4 - Fools in Love)

Gabi na at ilang oras na lang ay lights-off na ang buong academy. Pero bago ang
pagtulog, tumambay muna si Tom sa kwarto nina David at Shiro.

Busy sa paglalaro ng baraha sina Tom at Shiro habang nasa isang sulok naman si
David.

"Uy, David. Kailangan pa namin ng isang kalaro. Sumali ka na!" nakangiting alok ni
Shiro.

"Oo nga. Kanina ka pang nakatulala dyan. May sakit ka ba?" sabi ni Tom na concerned
sa kapatid.

"Hindi. Sige, maglaro lang kayo." sagot ni David habang patuloy pa din siya sa
pagtingin sa may bintana.

Hindi na nakatiis si Shiro kaya nilapitan na niya si David. Tiningnan-tingnan niya


ito pero hindi pa rin ito kumikibo.

"May problema ka ba?" tanong ni Shiro.

"Paano pag sinabihan ka ng babae na cute ka?" biglang sabi ni David habang
nakatingin pa din sa bintana.

"Bakit? Ahh, alam ko na... kaya ka nagkakaganyan... in love ka!" natatawang sabi ni
Shiro.

"Talaga? Sinong nagsabi sa 'yo na cute ka? Maganda ba yung babae?" natutuwang
tanong ni Tom na curious sa mga sinabi ng kapatid,
Pinagitnaan nina Tom at Shiro si David at inantay nila na magkwento ito.

"Nice one, kano! Ikaw ah, first time mo yatang ma-in love. Kaya pala kanina ka pang
tahimik dyan." nakangiting sabi ni Shiro.

"Actually, kanina ko lang siya nakita. Kaibigan ni Ara sa St. Catherine's."


nakangiting sabi ni David habang namumula ang pisngi.

"Anong pangalan niya, 'tol?" tanong ni Tom.

"Michelle." nakangiting sabi ni David na medyo kinikilig kapag naiisip ang dalaga.

"Anong itsura? Mas maganda ba 'yan kay Miss Melody my love?" tanong ni Shiro.

"Sobrang ganda. Maputi, makinis, maamo ang mukha. Para siyang prinsesa." pag-
describe ni David sa dalaga.

"Wow! Mukhang maganda nga talaga. Taga St. Catherine's din pala yung crush mo."
natutuwang sabi ni Tom.

"Oo, bakit?" sabi ni David.

"Mga 'tol, may aaminin ako sa inyo ah. Secret lang muna natin. Nung first day ko
kasi dito, may nakita akong babae na taga St. Catherine's. Sobrang ganda din. Pare,
unang tingin ko pa lang, tinamaan na ako!" pagkwento ni Tom sa mga kapatid.

"Nakausap mo naman ba? Anong pangalan?" tanong ni David.

"Mindy. Basta maganda siya. Eto nga, pangalawang kita pa lang namin pero binigay na
niya yung number niya. Eto, textmates kami." nakangiting sabi ni Tom sabay labas ng
kanyang cellphone.

"Woah!" amazed na sabi nina David at Shiro.


"Iba ka talaga, kuya. Astig ka!" pagkabilib ni David.

"Kaya mo rin yan. Basta, pakilala mo sa 'min si Michelle para makilatis namin."
nakangiting sabi ni Tom.

"Sige ba. Si Mindy din, pakilala mo sa 'min." sagot ni David.

Nagkasundo at nag-high five ang tatlong magkakapatid.

"Ayos ah. May mga kanya-kanya tayong inspirasyon. Ako, si Miss Melody, tapos kayo
may Mindy at Michelle. Si Kuya Carlos na lang yata ang wala." natatawang sabi ni
Shiro.

"Meron. Yung sarili niya, mahal niya." natatawang sagot ni Tom. Tumawa na lang din
ang dalawa.

Pagkatapos ng mahabang tawanan ay bigla silang natahimik. Nagtataka pa rin si Tom


kung bakit malaki ang galit sa kanya ni Carlos.

"May nagawa ba ako sa kanya? Simula pa lang, ang init na ng dugo niya sa 'kin."
malungkot na sabi ni Tom.

"Wala. Pakiramdam kasi niya, aagawin mo yung atensyon at pagmamahal ni Dad." sagot
ni David.

"Eh bakit kayo, okay lang sa kanya?" tanong ni Tom.

"Hindi ko rin alam. Siguro, pakiramdam niya, no-match kami sa kanya. Ikaw kasi
kuya, malakas ang dating mo eh. Palaban ka. Ikaw yung tipong kakalaban kay Kuya
Carlos." paliwanag ni Shiro.

Tahimik pa din si Tom at nag-iisip. Para sa kanya, unfair ang ginagawa ni Carlos.
**********************

Kinabukasan, excited na naman si Shiro dahil tutulungan na naman niya si Miss


Melody na mag-update ng grades at iba pang records. They are just sitting in a sofa
sa isang consultation room. Tingin lang nang tingin ang binatilyo sa crush niyang
teacher.

"Grabe, Shiro. Napakasipag mo talaga. Biruin mo, you are always willing to help me.
Salamat ah. Ako na tuloy ang nahihiya sa 'yo." nakangiting sabi ni Melody.

"No problem po. Piece of cake! Basta po para sa inyo, tutulong ako. Malakas po kayo
sa 'kin eh." nakangiting sabi ni Shiro.

"Nakakatuwa ka naman. Ang cute cute mo talaga!" natutuwang sabi ni Melody sabay
kurot sa pisngi ni Shiro. Agad na namula ang binatilyo.

"H-hindi naman po, ma'am." kinikilig na sabi ni Shiro habang nakatungo. Ayaw niyang
ipahalata ang tuwang kanyang nararamdaman.

"Alam mo, I'd be honest with you. I like you, Shiro." nakangiting sabi ni Melody.

"Talaga po?" gulat na sabi ng binatilyo.

"I like you as a little brother." sagot ni Melody.

Medyo na-disappoint si Shiro pero okay na rin ang narinig niya.

"Salamat po." nakangiting sabi ni Shiro.

"You're a great kid, Shiro!" sabi ni Melody sabay hawak sa kanang kamay ng
binatilyo. Tuluyan nang namula ang mukha ni Shiro.
"Are you okay? Parang namumula ka." natatawang sabi ni Melody.

"Wala po, ma'am. Baka mainit lang talaga dito. Ang hina po ng aircon eh." kunwaring
namamanas si Shiro sa init.

"Ahh. Basta okay lang sa 'kin kung ikaw ang maging assistant ko for the rest of the
school year." nakangiting sabi ni Melody.

"Ako rin po. Okay na okay sa 'kin!" natutuwang sabi ni Shiro. Pakiramdam niya ay
nanalo na siya sa Lotto.

**********************

Wala pang klase si Tom kaya nasa loob lang siya ng kanyang kwarto at nag-aayos ng
mga gagamitin sa mga susunod niyang klase. Wala si Carlos kaya tahimik siyang
nakakagalaw at nakakapag-isip nang maayos. Maya-maya ay biglang kumatok at pumasok
ang kanyang ama na si Johnny.

"Tom..." mahinahong sabi ni Johnny.

"Bakit po?" tanong ni Tom.

"Nabalitaan ko kasi kay Frank yung nangyari kahapon, yung sa Physics class." sabi
ni Johnny.

"Pasensya na po kung masyado akong nagmarunong. Sorry po!" agad na depensa ni Tom.

"You don't have to apologize, son. Natutuwa ako sa ginawa mo. Nagawa mong
ipagtanggol ang Physics professor niyo. You're so brave and intelligent. Anak
talaga kita!" proud na sabi ni Johnny.

"S-salamat po. Pero, hindi po ba kayo galit? Napahiya po kasi si Carlos." sabi ni
Tom.
"Pareho ko kayong anak ni Carlos, pero natutuwa ako kung paano mo siya ibinaba sa
dapat niyang kalagyan." Nakangiting sabi ni Johnny.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ng binata.

"Hindi kita favorite. Pantay-pantay lang ang tingin ko sa inyong apat. But
sometimes, Carlos has to learn a lesson. Kilala ko siya. Mataas ang pride ng batang
'yun. Gusto ko na maging mapagkumbaba siya. Kaya, please help me Tom." paliwanag ni
Johnny.

"Paano pong tulong? Eh hindi po kami magkasundo ngayon ni Carlos. Mainit ang dugo
niya sa 'kin." paliwanag ni Tom.

"Ikaw lang ang makakapagpabago sa kanya. Huwag kang susuko sa kanya." nakangiting
sabi ni Johnny. Tumango lang si Tom habang nag-aayos pa din ng gamit.

Aalis na sana si Johnny nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na gamit sa bag
ni Tom. Isa itong golden compass.

"Pwede ko bang mahiram 'yan? Gusto ko lang ulit mahawakan." pakiusap ni Johnny.
Agad namang binigay ni Tom ang compass sa ama.

"Bigay po sa 'kin ni Mama 'yan nung bata pa lang ako. Ingatan ko daw po. Yan lang
daw po ang maipapamana niya sa 'kin." paliwanag ni Tom.

"Clara..." sabi ni Johnny.

As Johnny was holding the golden compass, memories suddenly flashed in his mind.

Back in 1987, Johnny was a 17 year-old student of St. Patrick's Academy. Katabi
niya sa isang bench si Clara Santos, na isang 16 year-old scholar sa St.
Catherine's Academy.

"I have something for you, Clara." nakangiting sabi ni Johnny sabay labas ng golden
compass mula sa kanyang bulsa.
"Ano naman 'yan?" nakangiting tanong ni Clara.

"Compass. Ingatan mo 'yan, para kahit nasaan ka, o kahit nasaan ako, magkikita at
magkikita pa rin tayo. Hinding-hindi tayo magkakahiwalay." nakangiting sabi ni
Johnny, sabay kindat sa dalaga.

"Anong akala mo sa 'tin, metal, na pwedeng magpa-attract sa opposite sides ng


compass?" nakangiting sabi ni Clara.

"Ayan ka na naman sa pagiging matalino mo eh. Dapat pag magkasama tayo, sweet ka
palagi." sabi ni Johnny sabay halik at hawak sa kanang kamay ni Clara. Kinilig
naman ang dalaga.

"Ano pong nangyari?" biglang tanong ni Tom habang nagkukuwento ang ama.

"Basta. Tama ang Mama mo. Ingatan mo 'yan. Iwala mo na ang lahat, huwag lang 'yan."
paliwanag ni Johnny sa anak.

"Sige po." sabi ni Tom.

"Sige, bababa na ako. Yung pinag-usapan natin tungkol kay Carlos ah." nakangiting
sabi ni Johnny sabay labas ng kwarto.

Hindi alam ng dalawa na malapit lang pala si Carlos sa kwarto at napapakinggan ang
kanilang usapan. Nakaramdam na naman ng galit at selos ang binata.

**********************

Busy sina Carlos at David sa kanilang campaign. The two of them belong to the same
party. Si Carlos ang tatakbong president, habang si David naman ang kanyang vice-
president. Abala sila sa paggawa ng speeches, gimmicks, at giveaways para sa
student body.
"David, I'm expecting you to win this election! Nakakahiya naman kung mananalo ako
tapos ikaw, hindi." firm na sabi ni Carlos sa kanyang kapatid.

"Yes, kuya! Don't worry, leading naman ako sa surveys eh, saka hatak ko ang junior
students." Paliwanag ni David.

"Good! May tiwala naman ako sa 'yo. Wait a minute, ano nang balita sa standings ni
Tom?" biglang tanong ni Carlos.

"Don't react too much, kuya, pero from what I've heard, malakas si Kuya Tom sa mga
freshmen at sophomore students." kwento ni David.

"Palibhasa mga uto-uto ang mga 'yan. Madali silang nagpapaniwala sa mga sinasabi ng
taga-bukid na 'yan." galit na sabi ni Carlos.

Hindi na lang nag-react si David.

"David, alam kong close kayo ni Tomas, pero please... just for the elections...
huwag ka munang masyadong magdididikit sa kanya. Mahirap na. Malakas ka sa juniors,
so baka si Tom ang iboto nila. Sabihan mo din si Shiro. Sa seniors, wala akong
problema. Balwarte ko 'yan." utos ni Carlos.

**********************

Lumipas ang isang linggo at araw na ng Student Council elections. Excited ang mga
estudyante dahil walang regular classes for the day at ang gagawin lang nila ay
bumoto. The election process is computerized that's why students will just have to
sit in their desks and vote through the LCD touch screens. After a few minutes ay
malalaman na agad kung sino ang mga nanalo.

Papunta pa lang si Tom sa kanyang designated precinct nang magkasalubong sila ng


kapatid na si Carlos.

"May the best man win!" nakangiting sabi ni Tom sabay taas ng kanang kamay to shake
hands.
"You'll never win!" pabarang sabi ni Carlos sabay tuloy sa paglalakad.

Maya-maya, kasama na naman ni Carlos ang kanyang dalawang kaibigan.

"Carlos, mukhang mahihirapan tayong mandaya. Mabilis lang ang counting of votes."
nag-aalalang sabi ni Michael.

"Alam mo, Michael, sayang ka. Anak ka pa naman ng isang mall magnate, tapos hindi
mo ginagamit ang utak mo!" pambabarang sabi ni Carlos. Tumahimik na lang si
Michael.

"Eric, okay na ba yung iniutos ko? Siguraduhin mong hindi palpak yung mga taong
kinuha mo." sabi ni Carlos.

"Everything is under control." proud na sabi ni Eric. Napangiti naman si Carlos sa


assurance na maisasagawa na ang plano niya.

The elections start at 9:00am. Nakaayos na ang lahat - from monitors, servers,
software, to computer technicians.

"Ayan na, Carlos. 5 seconds before 9:00am. 5... 4... 3... 2... 1..." countdown ni
Eric.

Nagulat ang lahat nang biglang nag crash down ang server. Nag blackout lahat ng mga
screens at hindi ito agad maayos ng mga technicians.

"Madali lang talaga kapag may isang technician na bumabaliktad. Pera lang ang
katapat." nakangiting sabi ni Carlos.

Nagkagulo ang lahat. They were not expecting this to happen. Maski ang mga IT
experts ay hindi agad masolusyunan ang problema.

"Anong gagawin natin? Hindi natin pwedeng i-postpone ang elections. Masisira ang
school schedule natin, and we don't want that to happen." natatarantang sabi ni
Frank kay Johnny.
"Don't worry. We'll have Plan B." firm na sabi ni Johnny.

"Anong Plan B?" tanong ni Frank.

"We'll do manual counting. Jessie, sabihin mo sa kanilang ilabas ang ballots at


ballot boxes." utos ni Johnny sa kanyang secretary.

Abot tenga ang ngiti ni Carlos dahil matutupad na ang mga binabalak niya.

END OF CHAPTER 4
####################################
Chapter 5
####################################

Blue Brothers

(Chapter 5 - Sit Down, I'm Rocking The Vote)

Nagsimula na ang elections. Mabuti na lang at handa ang school na magsagawa ng


manual elections. Isa-isang bumoto ang mga estudyante. Kanya-kanya din na bantay ng
mga ballot boxes ang ilang assigned students sa bawat precinct.

Pagkatapos bumoto ni Carlos ay nagkalat ang kanyang mga supporters. They were
cheering for the candidate.

"Carlos, ngayon pa lang, congratulations na!" sabi ng isang senior student.

"Well... that's life." mayabang na sagot ni Carlos.

Samantala, sa isang precinct ay kalalabas lang din ni Tom. Madami din siyang
supporters na mga freshmen at sophomore students.

"Kuya, ikaw po binoto namin!" sigaw ng isang freshman student.


"Salamat sa inyo!" nakangiting sabi ni Tom. He is overwhelmed at the response of
the students.

Sa isang iglap ay nagkatinginan ang dalawang magkapatid. Tom is ready to talk to


him anytime, pero sadyang nagmamatigas itong si Carlos.

"Let's go!" biglang sabi ni Carlos sa kanyang mga kaibigan, leaving Tom behind.

**********************

Habang naghihintay ng mga resulta, lumabas muna ng school si Tom para magpahangin,
at para makipagkita kay Mindy.

"O, Tom, kumusta ang elections? Panalo ba tayo?" nakangiting sabi ni Mindy.

"Kinakabahan ako." natatarantang sabi ni Tom.

Mindy held Tom's hands as they sat on a bench. She was smiling at him.

"Have faith. You did your best. You did well on your campaign, at malinis naman ang
hangarin mo." nakangiting sabi ni Mindy habang tinatapik ang balikat ng binata.

"Bakit pa kasi ako tumakbong president? Eh gusto lang namang gantihan si Carlos
noon. Gusto ko lang ipakita sa kanya na hindi ko siya uurungan." malungkot na sabi
ni Tom.

Natawa lang si Mindy sa sinabi ni Tom.

"Bakit ka natatawa?"

"Wala lang. Ang aggressive mo lang kasi. Pero, okay lang 'yan. Nandyan ka na eh.
All you have to do is to wait for the results." nakangiting sabi ni Mindy.

Bumuntong-hininga lang si Tom, habang tinitingnan lang siya ni Mindy.

" M-may dumi ba sa mukha ko?" biglang tanong ni Tom. Naco-conscious siya sa
pagtingin sa kanya ng dalaga.

"Wala. Ibang Tom kasi ang nakikita ko ngayon. Ang kilala kong Tom, ay yung palaban,
astig, at walang inuurungan. Pero ngayon, you're like a puppy." nakangiting sabi ni
Mindy.

"Masama ba 'yun?" tanong ni Tom.

"No. Don't get me wrong ah. I find it cute pa nga eh. Bihira lang kasi sa mga
lalake yung nagpapakita ng kahinaan nila." sabi ni Mindy.

Hindi pa din nagsasalita si Tom. Nag-aalala pa din siya sa magiging resulta.

"Ganito na lang. Pag nanalo ka, you win a dinner date with me." nakangiting sabi ni
Mindy.

"H-ha? S-saan? Paano?" nagulat na tanong ni Tom.

"Sa Flavors. Yun ay kapag nanalo ka. Sige, I have to go. Good luck!" nakangiting
sabi ni Mindy sabay kindat kay Tom.

"Wow!" nakatulalang sabi ni Tom habang iniisip ang mga sinabi ni Mindy. Sobrang na-
inspire siya sa sinabi ng dalaga.

**********************

Sa St. Catherine's Academy, usap-usapan din ang nangyayaring elections sa katabing


all-boys school. Ito din ang main topic sa club ni Hillary.
"OMG! Bakit wala akong nare-receive na updates from the blue academy? Mapa-Facebook
or Twitter, wala. Pati yung blog ni Shiro, wala din updates!" nagrereklamong sabi
ni Lara, isang member ng club.

"Strange! Knowing na 4G ang connection nila dun, bakit wala silang connection?"
sabi naman ni Aika, isa ring member ng club.

"Baka naman kasi totoo yung rumors na naghihirap na daw ang school nila." biglang
sabi ni Ara. Nagtataka ang mga estudyanteng member ng club.

Si Hillary naman ay umiirap lang habang napapakinggan ang mga sinasabi ng kanyang
mga members. To clear things, she called her most trusted spy para malaman kung ano
talaga ang tunay na nangyayari.

"What? Nag-down yung server niyo because of a technical glitch? And now, the school
is doing manual elections? Ewww! How primitive!" maarteng sabi ni Hillary habang
kausap ang spy sa phone.

Patawa-tawa lang si Hillary habang may kausap.

"How's Carlos? Sure win na ba? Aba, dapat lang siyang manalo. A king like him is
meant for a queen like me." sabi ni Hillary sabay kagat labi.

Ilang minuto din ang itinagal ni Hillary sa phone, at nang ibinaba niya ito, ay
agad siyang humarap sa kanyang mga members.

"So ganun naman pala ang nangyari. Kung ano-ano pa ang mga speculations niyo, mali-
mali naman. Only fools believe in such stories!" mataray na sabi ni Hillary na
parang pinapagalitan ang lahat.

"Sorry po, Miss Hillary!" in chorus na sagot ng mga members niya.

**********************
It's almost 2:00pm at hindi pa din tapos ang bilangan ng mga boto. At dahil senior
students ang mga nagbabantay sa mga ballot boxes, karamihan sa kanila ay kaibigan
ni Carlos.

"Carlos, malakas talaga si Tom. Lamang na lamang siya sa 'yo." nag-aalalang sabi ni
Eric.

"Not until we do magic." nakangiting sabi ni Carlos.

Sa isang hand signal, agad niyang napapasok ang ilang estudyante na may hawak ng
mga fake ballot boxes. Ipagpapalit nila ang mga laman nito para ang mabilang ay ang
mga ballots na may mga boto kay Carlos. Ang mga ballots na may boto kay Tom ay ang
ilalagay naman sa fake box at itatapon sa basurahan.

"Sigurado ka ba dito?" tanong ni Michael kay Carlos.

"Oo naman. Saka nakasara din ang CCTV cameras. Nakasama sila sa technical glitch."
nakangiting sabi ni Carlos.

"Ang talino mo talaga!" sabi ni Michael.

"Given na 'yan. O siya, itapon niyo na yang mga boto ni Tom sa basurahan, kung saan
siya nababagay." natatawang sabi ni Carlos.

"Congratulations, Carlos, our new student council president!" natutuwang sabi ni


Eric sabay taas ng kamay ni Carlos.

Nagcheer din ang ilan niyang mga kaibigan. Labis ang saya ni Carlos. Ramdam na niya
ang kanyang tagumpay.

**********************

Special ang dinner ng mga estudyante, guro at pamunuan ng St. Patrick's Academy.
Ngayong gabi, ia-announce na nila kung sino ang mga nanalo sa Student Council
elections.

"Good evening, young men!" nakangiting sabi ni Johnny sa harap ng maraming


estudyante sa dining hall.

Ang mga estudyante naman ay nasa harap ng isang long table na puno ng mga masasarap
na pagkain. Hindi na din sila makapaghintay kung sino ang tatanghaling bagong
president.

Inabot ni Frank kay Johnny ang envelope na naglalaman ng results. Dahan-dahan itong
binuksan ng principal. Isa-isa niyang sinabi ang mga pangalan ng mga nanalo, from
the lowest position. Si David ang nanalong vice-president.

"Are you all excited?" tanong ng principal.

"Yes!" sagot nilang lahat.

"Huwag na nating patagalin pa. The new president of the Student Council is..." agad
na binasa ni Johnny ang results.

"Mr. Carlos dela Cruz!"

Nagsigawan ang mga supporters ni Carlos. Agad naman ding tumayo ang binata para
pumunta sa harap ng stage.

"Speech! Speech!" sigaw ng mga estudyante.

Tumabi na si Carlos sa mga co-officers niya. As he was about to deliver his speech,
biglang pumasok ng dining hall si Ms. Jessie na may dala-dalang dalawang malaking
garbage bags.

"Ms. Hernandez, what are those garbage bags for?" tanong ni Johnny sa kanyang
secretary.
"Nung naglalakad ako papunta sa waste room, may nakita akong dalawang ballots na
nasa sahig. Sinundan ko kung saan ito galing, at natagpuan ko ang dalawang garbage
bags na 'to. Tingnan niyo ang nasa loob... dalawang ballot boxes na may mga lamang
boto para kay Tom." paliwanag ni Ms. Jessie sabay bukas ng mga boxes.

Nag-iba ang itsura ni Johnny. Nilapitan niya ang mga ballot boxes at tiningnan ang
mga laman.

"While the students are having their dinner, let's do a quick recount." firm na
sabi ni Johnny kina Frank at Jessie.

Hindi makakain si Carlos. Kinakabahan siyang baka ma-dethrone siya sa pagiging


president. Makalipas ang ilang minuto, sabay-sabay ulit na pumasok sina Johnny,
Frank at Jessie dala-dala ang mga ballot boxes.

"Students, I'd like to make an announcement!" malakas na sabi ni Johnny. Agad na


nagbulung-bulungan ang mga estudyante.

"We're sorry for the inaccuracies of the results. But due to these discovered
ballots, we made a recount and we would like to announce the new Student Council
president..." sabi ni Johnny.

"Mr. Tom dela Cruz!" proud na pagkasabi ni Johnny.

"Congrats, kuya!" sigaw ni Shiro na nasa tabi lang ni Tom.

Nagsigawan din ang mga supporters ni Tom. In fact, the guy's supporters outnumbered
those of Carlos's. Nag standing ovation pa ang karamihan habang pumupunta sa harap
si Tom.

"Magandang gabi po sa inyo..." panimulang bati ni Tom.

"Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat... sa lahat ng mga bumoto at nagtiwala


sa 'kin. Pangako po, magiging tapat po ako sa inyo." sabi ni Tom sabay bow sa harap
ng marami.

Sa ginawa ni Tom, lalong napahanga ang kanyang ama. Johnny was clapping very hard
because of joy and pride. Sa sobrang tuwa ay napaluha na lang ito.

"What's the problem? Why are you crying?" biglang tanong ni Frank kay Johnny.

"Wala. Natutuwa lang ako at lumaki nang maayos si Tom. I'm proud of him!"
natutuwang sabi ni Johnny sabay punas ng luha.

"Tama ka. Mabait ngang bata si Tom. Pero, baka lang makalimutan mo na anak mo rin
yung natalo... si Carlos!" paalala ni Frank.

"Carlos needs to learn his lessons. Hindi sa lahat ng oras ay makukuha niya ang
gusto niya. Nga pala, I'm also doing an investigation regarding the hidden ballot
boxes." sabi ni Johnny.

**********************

Habang ang karamihan ay nagsasaya at kumakain sa dining hall, nasa labas naman ng
school si Carlos. Agad siyang nag walkout pagkatapos i-announce na si Tom ang
talagang nanalo. Labis na napahiya si Carlos kaya naglakad-lakad na lang siya sa
labas at galit na galit na parang papatay ng tao.

"Arrrrggghhh!!! Gago ka, Tom! Gago ka!" galit na sabi ni Carlos habang sinusuntok
ang pader.

"I hate you, Dad! I hate you!" isa pang sigaw ni Carlos na malayo-layo na din sa
school premises.

Habang palakad-lakad si Carlos na parang lasing sa kalsada, biglang may dumaang


kotse sa harapan niya. Malakas ang head lights ng sasakyan kaya halos masilaw na
ang binata dito.

Tumigil ito sa harapan ni Carlos. Maya-maya ay biglang bumaba ang bintana sa


driver's seat. Nakita ni Carlos ang isang babae.

"Awww. Poor young man!" sabi ng babaeng nasa kotse.


"Sino ka?" nagtatakang tanong ng binata.

Agad na bumaba ang babae sa kotse.

"I'm Ms. Natalia Mori, principal of St. Catherine's Academy, and I assume that
you're Carlos, the principal's son." sabi niya.

"Yes, you're right! Now what do you want from me?" masungit na sabi ni Carlos.

"Mukha kasing napapabayaan ka sa loob. You don't need to hide things from me. I
know your father, and I know that he is an irresponsible father to his sons. Am I
right?" nakangiting sabi ni Ms. Natalia.

"Sa tatlo niyang anak, maalaga siya. Lalo na kay Tomas, yung anak niya dun sa
alahera. Sa akin, wala siyang pakialam!" galit na sabi ni Carlos.

"Aww, kawawa ka naman. Looks like you need a new friend." nakangiting sabi ni Ms.
Natalia habang kinukurot ang namumulang pisngi ni Carlos.

"Ano ba talagang kailangan mo sa 'kin?" galit na tanong ni Carlos.

"Would you like to talk things over a cup of coffee? Be my guest." sabi ni Ms.
Natalia. Tumango naman si Carlos at pumayag na sumakay sa kotse niya.

**********************

Kinabukasan, maagang umalis sina Johnny at Frank sakay ng kotse para may puntahan.
Importante ang kanilang lakad kaya maaga pa lang ay bumiyahe na sila.

Sabado naman kaya libre silang pumuslit muna sa academy. Walang pasok ang mga
estudyante, and at the same time, wala din silang masyadong gagawin.
"Mag-relax ka lang, Johnny. You don't need to hurry up!" sabi ni Frank sa kaibigan.
Napansin kasi niyang mabilis itong magpatakbo na parang may hinahabol.

"Importante kasing malaman ko na ang totoo." sabi ni Johnny.

"Malalaman mo din naman 'yun. Just be calm." sabi ni Frank.

Maya-maya ay dumating din sila sa St. Luke's Medical Center sa may Taguig. Pagka-
park ng kotse ay agad na nilang pinuntahan ang doktor na ka-appointment ni Johnny.
They had a closed door meeting.

"Doc, anong balita? Nagrespond ba ako sa initial treatment?" excited na sabi ni


Johnny.

Nakaupo lang ang doktor habang tinitingnan ang mga tests at exams na ginawa kay
Johnny. Meron siyang colon cancer. Maya-maya ay umiling ang doktor.

"I'm sorry, Mr. dela Cruz, pero hindi kayo nagre-respond sa mga gamot. I'm afraid
to tell you this, but, you only have 3 months to live." malungkot na sabi ng
doktor. Napaluha na lang si Johnny.

END OF CHAPTER 5
####################################
Chapter 6
####################################

Blue Brothers

(Chapter 6 - A Bittersweet Victory)

It's a busy late afternoon at Flavors. Usually, at this hour, customers eat their
snacks or early dinner. This place is the most sophisticated dining hub in the
area. This place is also famous for its desserts and other sweet concoctions.

Nandito ngayon sina Tom and Mindy for their first dinner date. Kalmado lang ang
dalaga samantalang hindi mapakali si Tom, habang pinapawisan pa ang mga kamay.
"Is anything wrong?" nakangiting tanong ni Mindy.

"Wala naman. Naninibago lang ako sa lugar na 'to. Saka ang aga nating magdi-
dinner." sabi ni Tom habang tumitingin-tingin sa paligid.

"Bakit, ngayon ka lang ba magdi-dinner ng 5:00pm?" tanong ni Mindy. Tumango naman


si Tom.

"Tara, let's order na." sabi ni Mindy sabay tawag sa waiter.

Common lang na makakita ng mga teenage waiters sa Flavors, kahit mga mukha pa itong
mga mayayaman. Some private school kids want to work at the restaurant because of
freebies and high salaries.

Agad nanlaki ang mga mata ni Tom nang makita ang mga presyo sa menu. Natawa na lang
si Mindy.

"Don't worry. I have my credit card with me." nakangiting sabi ng dalaga.

"Naku, hindi. Ako ang magbabayad." sabi ni Tom.

"No. It's on me. Kasama 'to sa pinag-usapan natin. You won a dinner date. All
expenses paid. Besides, gusto lang kitang i-treat dahil nanalo ka sa elections. You
know the saying Everyone loves a winner?" nakangiting sabi ni Mindy.

"Okay. Sabi mo eh."

They had their early dinner. Tensed si Tom habang kumakain habang pinagmamasdan
lang siya ni Mindy.

"Just enjoy the food. Don't tell me, hindi ganyan yung mga kinakain niyo sa
academy?" sabi ni Mindy.
"Sorry ah. Sa school, nasasanay na ako. Pero, pag sa mga ganitong restaurant, hindi
pa talaga ako sanay. Iba yung feeling eh. " nakayukong sabi ni Tom.

"It's okay. I understand. Pero, relax. Sayang, ang gwapo mo pa naman. Alam mo, kung
hindi lang kita kilala, iisipin ko na hindi ka galing ng probinsya. Pwede ka ngang
model eh." nakangiting sabi ni Mindy.

"T-talaga?"

"Uyyy... flattered siya." nakangiting sabi ni Mindy sabay tawa. Biglang napangiti
ang binata. Namula din ang mukha niya.

"O, tingnan mo. E di natawa ka din. Kanina ka pa kasing nakatulala dyan. Pero totoo
yung mga sinabi ko ah. You really look good." sabi ni Mindy sabay hawak sa kamay ng
binata sa ibabaw ng mesa.

"Salamat." nakayukong sabi ni Tom.

"Pogi!" biglang tawag ni Mindy. Nag-react kaagad si Tom. Tumawa lang ulit si Mindy.
This time, sumasakay na din sa biruan si Tom.

Pagkatapos kainin ang main dishes, tinawag ulit ni Mindy ang waiter to order some
desserts.

"Mindy, okay lang ba kung sa labas na lang tayo mag dessert?" tanong ni Tom.

"Bakit? Masarap ang desserts nila dito. You should try their crepes and sundaes.
Grabe, sobrang sarap." sabi ni Mindy.

"Saka na lang siguro yan. May alam kasi akong masarap na dessert, at alam kong
hindi mo pa natitikman yun. Pagbigyan mo na ako. Tutal, nakakain na naman tayo
dito." pakiusap ni Tom.

"Okay. If you say so. Siguraduhin mong masarap yan ah." nakangiting sabi ni Mindy
sabay kuha ng bill.
They went out of Flavors and walked their way through a park.

"O, nasaan na yung sinasabi mong masarap?" nagtatakang tanong ni Mindy.

"Sandali lang. Alam ko, mga ganitong oras dumadaan 'yun eh." sabi ni Tom habang
hindi mapakali sa paghahanap.

"Dumadaan?"

"Ayun!" natutuwang sabi ni Tom nang makita ang hinahanap. Agad niyang hinawakan ang
kamay ni Mindy para hilahin.

Medyo hiningal si Mindy sa pagtakbo nila ni Tom. In a few seconds, nakarating sila
sa isang ice scramble stand.

"Ano 'to?" nagtatakang sabi ni Mindy sabay turo sa stand.

"Scramble. Alam mo ba, paborito ko 'yan nung nasa probinsya pa ako. Pagkatapos ng
school namin sa hapon, may nagbebenta nyan sa labas. Halos araw-araw nga akong
bumibili eh." kwento ni Tom.

"Teka, malinis ba 'yan?" bulong ni Mindy kay Tom.

"Oo naman. Teka, ibibili kita." sagot ni Tom.

"Kuya, dalawang special scramble nga dyan, para sa 'kin at sa magandang babaeng
kasama ko. Damihan niyo po ng gatas at syrup ah." nakangiting sabi ni Tom sa
tindero.

"Eto na po, para sa girlfriend niyo, sir!" sabi ng tindero sabay abot ng scramble
sa kanilang dalawa.

"Naku naman kuya. Hindi ko siya girlfriend. Friends lang kami." nakangiting sabi ni
Tom sabay tapik sa balikat ng tindero.

"Dyan din papunta 'yan." sagot ng tindero.

Tinikman na ni Mindy ang scramble. Sa una pa lang ay natuwa na ang dalaga. Mabilis
niya itong naubos.

"Wow! Okay ah! I like it!" natutuwang sabi ni Mindy.

"Sabi sa 'yo eh."

"Tom, okay lang bang isa pa? Please." sabi ni Mindy.

"Oo naman. Basta ikaw. Kuya, dalawa pang scramble. Magkano lahat?" sabi ni Tom.

"Eto na po, sir. P40 po lahat, sir." sabi ng tindero.

"Eto. P50. Keep the change!" makulit na sabi ni Tom. Natawa na lang si Mindy.

Naglakad na lang sila sa park habang kumakain. Tom had fun, at ganun din si Mindy.
When they walked out of the restaurant, nakita ni Mindy ang totoong Tom, yung
makulit, palabiro at simpleng tao.

"Thank you ah." nakangiting sabi ni Mindy habang nakaupo na sila sa isang bench.

"Ako nga dapat ang magpasalamat nang marami. Pumayag kang makipag-date sa 'kin,
tapos nilibre mo pa ako ng dinner." sabi ni Tom.

"Thank you kasi, I had so much fun. Masaya ka palang kasama eh. Napaka-natural mo.
Hindi ka katulad ng ibang lalake na puro pretentions." sabi ni Mindy.

"Wala yun. Hehe. Tara na, balik na tayo sa mga schools natin." nakangiting sabi ni
Tom.
Mindy is liking Tom even better, pero paulit-ulit niyang naaalala ang sinabi ni
Hillary sa kanya.

**********************

Sa loob ng principal's office ng St. Catherine's Academy, seryoso ang usapan nina
Carlos at Natalia. They were in the office for hours.

"Sigurado ka bang ayaw mo pang bumalik sa St. Patrick's? Baka hanapin ka na nila
dun." nag-aalalang sabi ni Natalia.

"Kung ganun, dapat kanina pang umaga nila ako hinanap. Pero wala. Wala man lang
nakakapansin sa 'kin." galit na sabi ni Carlos.

"Don't worry. Kung wala silang pakialam sa 'yo dun, ako meron. I'm your new friend,
remember?" nakangiting sabi ni Natalia.

"Salamat kung ganun." sabi ni Carlos.

"Nga pala, bago ko makalimutan. May gusto lang sana akong sabihin. Kailangan ko
kasi ng tulong mo." sabi ni Natalia.

"Tulong saan?"

"I'm not supposed to tell this to you, but since we're friends, siguro naman okay
lang. For the past few weeks, I've been holding meetings with your father. I'm
proposing a merger. Pero ayaw niya. Hindi naman sa sinisiraan ko ang tatay mo,
pero, isipin mo, ang ganda sana kung merged na ang St. Patrick's at St.
Catherine's." paliwanag ni Natalia.

Nakikinig lang si Carlos.


"Imagine, the two of the most prestigious schools in the country, merging as one.
Napakaganda diba. I'm sorry to say this, but your father does not know of the
future benefits at ang iba pang magandang mangyayari kapag natuloy itong proposal
ko." paliwanag ni Natalia.

"Hmm... I'm liking the idea. So, anong tulong ang maibibigay ko?" tanong ni Carlos.

"Help me convince him." sabi ni Natalia.

"But he won't listen to me. Siguro kung yung Tom pa ang magsasabi, baka makinig
siya." galit na sabi ni Carlos.

"Subukan mo lang. Promise, pag hindi nag work, we'll think of other plans."
nakangiting sabi ni Natalia sabay haplos sa buhok ng binata.

Carlos finally went out of the office to go back to his school. Habang naglalakad
siya sa corridors ng all-girls school ay pinag-uusapan siya nina Hillary.

"Oh my gosh. Ngayon lang siya lumabas ng office ni Ms. Natalia. Strange!" sabi ni
Ara.

"Ano ba kasing ginagawa niya dito? Yesterday, I saw him being hugged by Ms.
Natalia, at yuck lang. Can I confirm that our principal is a certified cougar?"
pahabol na sabi ni Aika, na isa ding member ng club.

"Shut up! Pero infairness, matanda na si Ms. Natalia para lumandi pa. At kay Carlos
pa talaga ah. Well, let me talk to him." umiirap na sabi ni Hillary sabay lapit kay
Carlos.

"Carlos! Carlos!" flirt na pagtawag ni Hillary sa binata.

"What are you doing here, pretty boy? Mukhang natagalan ka sa office ni Ms. Natalia
ah. Ano bang pinag-usapan niyo sa loob? Or ano bang ginawa niyo sa loob?" flirt na
sabi ni Hillary kay Carlos.

"Kung ano man yung pinag-usapan namin, wala ka nang pakialam dun." sagot ni Carlos.
"Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang." flirt na sabi ni Hillary sabay hawak sa
braso ng binata.

"Teka nga muna. Bakit ba curious ka? At... mukhang... excited na excited ka sa
pagbisita ko dito?" patuksong sabi ni Carlos sabay lapit kay Hillary.

"Can't I be curious?" sabi ni Hillary. Nagulat siya sa biglang paglapit sa kanya ni


Carlos. The boy's eyes are teasing her.

"Bakit, na-miss mo ako, ano?" patuksong sabi ni Carlos.

Hindi kinakaya ni Hillary ang ginagawa ni Carlos. The boy is too close para
makahinga pa siya nang maluwag. Sa sobrang close, she can already smell the boy's
minty breath. It's driving her wild.

"At bakit kita mami-miss?" defensive na sabi ni Hillary.

Unti-unti nang namumuo ang sexual tension sa dalawa. Hillary feels suffocated, as
Carlos draws his finger down to her necktie. Suddenly, a strong and strange
current was felt by Hillary. At bago pa man bumigay si Hillary ay tinanggal na ni
Carlos ang daliri niya at tuluyan nang umalis.

"Whew!" buntong hininga ni Hillary. Bigla siyang pinagpawisan sa encounter na 'yun.

As Carlos left the gates of St. Catherine's Academy, he suddenly turned back and
looked at Hillary. She was still standing in the same spot. Magkahalong lungkot at
galit ang nararamdaman ng binata. After a few seconds, he just went away.

**********************

Kinabukasan, nakipagkita ulit si Mindy kay David para isoli ang hiniram na hard
drive. Kasama ng dalaga ang kanyang kaibigan na si Ara.
"David!" malakas na sigaw ni Mindy habang kumakaway-kaway pa.

"Uy, Michelle! Long time no see ah." nakangiting bati ni David.

"Naku, sorry talaga, kung natagalan yung paghiram ko nito. Nakalimutan ko kasing
ilipat sa laptop ko eh. Nasa drawer ko lang. Medyo busy kasi eh." nahihiyang sabi
ni Mindy sabay abot ng hard drive sa binata.

"Okay lang. Basta ikaw." sabi ni David sabay kindat.

Biglang tumawa nang malakas si Ara. Nagtaka ang dalawa niyang kasama.

"Ang taas ng confidence level mo, David!" natatawang sabi ni Ara.

"Bakit, wala naman siyang ginagawang masama. Besides, I like him na as my new
friend." pagtatanggol ni Mindy sa binata.

Natigilan si David at biglang namula ang mukha.

"Thank you ulit ah. Sana next time, mas makasama ka pa namin nang matagal."
nakangiting sabi ni Mindy.

"S-sure. Sure. You're welcome. Ahh... Michelle..." biglang sabi ni David.

"Ano yun?"

"Okay lang ba na makuha yung number mo? Para naman... para naman may communication
tayo... kung ano yung mga gusto mong i-download ko, or kung ano man ang mapag-
usapan natin." lakas loob na sinabi ni David na halatang kinakabahan.

"Oo naman! Buti ni-remind mo ako. I was about to give my number din kasi. Here."
nakangiting sabi ng dalaga sabay dictate ng cellphone number niya.
"S-salamat. Sige. Ingat kayo." natutuwang sabi ni David sabay takbo agad pabalik ng
St. Patrick's Academy. Napatakbo ang binata sa sobrang tuwa.

"Mukhang may gusto sa 'yo si David." sabi ni Ara kay Mindy.

"Ha? Ewan ko. Pero kung meron man, wala namang masama. Pareho kaming single. We
share the same age. So, I think there's nothing wrong." paliwanag ni Mindy.

"So... okay lang sa 'yo kung ligawan ka niya?" tanong ni Ara.

"Hmm, pwede. Bakit, kung magpapaligaw ba ako, masasagasaan kita?" tanong ni Mindy.

"Ay, hindi ah. Excuse me. He's not my type!" agad na irap ni Ara.

"Okay. Sabi mo 'yan." nakangiting sabi ni Mindy.

"So, paano na si Tom?" biglang tanong ni Ara.

Biglang natahimik si Mindy. Napatingin siya sa malayo sabay buntong hininga.

"Tom is just my assignment. Hindi nga ako pwedeng magkagusto sa kanya, remember?
Tara na nga." nakasimangot na sabi ni Mindy. Umalis na din ang dalawa para bumalik
sa school nila.

**********************

Pagkatapos ng World History class, pinatawag ni Miss Melody si Shiro para kausapin
in private. Excited naman ang binatilyo sa kung anong sasabihin ng kanyang crush.

"Bakit po, ma'am? Na-miss niyo po ako nang sobra?" pagbibiro ni Shiro.
"Loko ka talaga. I would just like to acknowledge your excellent performace in my
class. Perfect ang mga exams and activities mo. I'm glad that you're studying well.
Lalo mo akong napahanga." nakangiting sabi ng guro.

"Eh, ma'am, bukod po kasi sa gusto ko kayo bilang teacher, eh favorite ko po talaga
ang History. Walang halong bola. Maski itanong niyo pa po sa previous History
teachers ko." nakangiting sabi ni Shiro habang napapakamot ng ulo.

"I'm glad to hear that. Alam mo, we share the same interest. Kung gusto mo,
papahiramin kita ng mga books ko sa bahay about World War I, World War II..."
nakangiting sabi ni Miss Melody.

"Talaga po, ma'am? Thank you po!" natutuwang sabi ni Shiro. Sa sobrang tuwa ay
bigla niyang niyakap si Miss Melody.

"Ikaw talaga, Shiro. Para ka talagang bata." natatawang sabi ni Miss Melody.

"Ay, sorry po, ma'am. Nabigla lang po ako." nahihiyang sabi ng binatilyo habang
namumula.

"No, it's okay. Just remember this. History is the best teacher. We should learn
from it." nakangiting sabi ni Miss Melody sabay tapik sa ulo ni Shiro. Tumatango
lang ang binatilyo.

**********************

Sa loob ng principal's office ay seryoso ang pag-uusap nina Johnny at Frank.


Tungkol ito sa lumalalang sakit ni Johnny.

"Handa na akong mamatay. Tanggap ko na." firm na sabi ni Johnny.

"Don't say that! Huwag kang susuko! Paano na lang ang mga anak mo? Ang St.
Patrick's Academy? Ano na lang ang magiging future nila?" sabi ni Frank.

"Don't worry. Malapit ko na ring sabihin sa kanila ang kondisyon ko. Ihahanda ko na
rin ang mga kailangan nila para mabuhay sila nang maayos kahit wala na ako. Basta,
promise me that you will be a father to the four of them." sabi ni Johnny.

"Okay, I promise! Pero ang school? We're on the brink of bankruptcy." nag-aalalang
sabi ni Frank.

"Hindi ako papayag na mawala ang school na 'to, or mabili ng kung sino-sino. St.
Patrick's Academy will survive. My sons will save the school! It's about time!"
firm na sabi ni Johnny.

Hindi alam ng dalawa na aksidenteng narinig ni Tom ang buong usapan. Nalaman niya
ang lahat, and he was shocked. His knees are shaking while tears are rolling down
on his cheeks.

END OF CHAPTER 6
####################################
Chapter 7
####################################

Blue Brothers

(Chapter 7 - Father and Son)

Isang umaga, bumisita si Carlos sa office ni Johnny. Desidido na kasi siyang i-


convince ang ama na pumayag sa gusto ni Natalia.

"What can I do for you, son?" sabi ni Johnny habang busy sa pagt-type ng ilang
documents sa kanyang laptop.

"Dad, may gusto lang akong sabihin."

"About what?"

Umupo muna si Carlos sa harap ng kanyang ama saka siya ulit nagsalita.

"Dad, I think it's about time na i-accept mo yung merger na inaalok ni Ms.
Natalia." sabi ni Carlos.

Kahit busy sa pagt-type si Johnny, ay bigla siyang natigilan sa kanyang narinig.

"What? Tama ba ang narinig ko? You know Natalia? You discussed things with her? You
talked with her?" galit na sabi ni Johnny.

"Yeah. Bakit? What's wrong with her? She's nice, at sabi niya, she can be my
friend." nakangiting sabi ni Carlos.

Agad tumayo si Johnny sa kanyang kinauupuan at hinawakan ang mga balikat ni Carlos.

"Anak! Listen to me! Don't talk to that woman ever again! Please! Avoid her!" galit
na pakiusap ni Johnny sa anak.

"Pero bakit nga? Puro kayo bawal, wala naman kayong sinasabing dahilan!" pabalang
na sagot ni Carlos.

"Ib-brainwash ka lang niya, gaya ng ginagawa niya sa 'yo ngayon. She won't do you
any good. That woman is evil!" galit na sabi ni Johnny.

"I don't believe you! Ang bait-bait niyang tao, and she understands me. Not like
you! Wala kang pakialam sa 'kin!" sagot ni Carlos.

"Of course, may pakialam ako sa 'yo. Tatay mo ako. Anak kita. Sana makinig ka sa
'kin. Pinapaikot ka lang ng Natalia na 'yan!" paliwanag ni Johnny.

"Ang hirap sa inyo, Dad, ang kitid ng utak niyo! Maganda yung ino-offer ni Ms.
Natalia na merger ng dalawang schools. Haven't you heard of the latest business
strategies? Wala yata kayong alam!" sagot ni Carlos.

"Mas wala kang alam,kaya tumahimik ka na lang! Ikaw, Carlos, namumuro ka na sa


'kin. Pinapalampas ko lang ang mga kabastusan mo, but this... is the last straw!
Baka akala mo, hindi ko alam na nandaya ka nung elections. Pinalampas ko na lang
for some reason." galit na galit na sabi ni Johnny.
"Sige, dad! I-bring up niyo ulit yung issue na 'yan. Palibhasa, wala kayong ibang
nakitang magaling kundi si Tom. Puro na lang si Tom! Simula nung dumating yang
taga-bukid na 'yan, nagulo na ang buhay ko!" litanya ni Carlos.

"Please, Carlos! Grow up! Matalino kang tao, pero gamitin mo naman sa tama! You act
like a 7 year-old kid!" galit na sagot ni Johnny.

"Ahh, ganun? Okay, fine! Minamaliit niyo na ako ngayon. Alam niyo, minsan, naisip
ko na sana hindi na lang kayo yung naging tatay ko. Sana iba na lang ang tatay ko.
I don't like you as my father!" biglang sabi ni Carlos.

Sa sinabi ni Carlos ay bigla siyang nasampal nang malakas ni Johnny. Sa sobrang


lakas ay napa-atras si Carlos. Pulang-pula ang mukha ng binata.

"Bastos kang bata ka! Sa susunod na makipagkita ka ulit kay Natalia, hindi na kita
papapasukin ng St. Patrick's Academy. Doon ka na lang sa kabila, tutal gusto mo
naman doon, diba?" galit na galit na sabi ni Johnny.

"I hate you, Dad! I hate you!" galit na sigaw ni Carlos sabay takbo palabas ng
office.

Naiwang mag-isa si Johnny sa office. He started to cry while punching his desk.

"I'm so sorry, Carlos, I had to spank you. I love you very much!" sabi ni Johnny
habang mag-isa na lang siya sa office.

**********************

The next day, Tom, Carlos, and the rest of their classmates are in a Physical
Education class. Medyo naiiba ang P.E. program ng school sa karaniwang curriculum
ng ibang schools. Of course, hindi pa din mawawala ang ball games such as
basketball, volleyball and football.

Pero sa St. Patrick's Academy, isa sa mga course offerings nila sa P.E. ay ang polo
sport o ang tinatawag nilang "game of the kings".
The players would ride on their horses habang may hawak na stick. Kailangan nilang
maipasok ang isang maliit na bola sa base ng kalaban. Parang football lang din,
pero with a horse and a stick. Naka-helmet din sila for protection.

Sina Tom at Carlos ay nasa magkabilang team. Kinailangan na nilang sumakay sa kani-
kanilang kabayo para makapagsimula na sa laro.

"Magdasal ka na, Tomas! Kakain ka lang ng alikabok!" natatawang sabi ni Carlos.

"Ikaw ang magdasal. Nagtrabaho ako dati sa rancho, kaya baka ikaw ang kumain ng
alikabok!" sagot ni Tom.

Ilang segundo lang ay nag-signal na ang kanilang professor para magsimula na ang
laban. Pinatakbo na nina Tom at Carlos ang kanilang mga kabayo. Dumaan ang ilang
minuto at dikit ang laban. Sa gilid naman ng malaking polo field ay nandun ang ilan
nilang kaklase na nagch-cheer sa kani-kanilang mga kaibigan.

Si Carlos ang nagbabantay ng mga pagkilos ni Tom. Sa sobrang intense ng kanilang


paglalaro, hindi maiiwasang magkasalubong ang kanilang mga kabayo. Sa isang iglap,
muntik na silang magkabanggaan, at agad na nalaglag si Carlos sa field.

"Carlos!" nag-aalalang sigaw ni Tom.

"Okay. Time out!" sigaw ng kanilang professor.

Lahat ay nagpunta sa gitna ng polo field kung saan nahulog si Carlos. Nakahiga lang
ang binata dahil nabigla ito sa pagkakahulog.

"Carlos, okay ka lang? Sorry!" nag-aalang sabi ni Tom sabay hawak sa braso ng
kapatid.

"Kasalanan mo 'to!" biglang sigaw ni Carlos sabay tulak kay Tom. Napaupo din si Tom
dahil sa pagkakatulak sa kanya.

"Ano bang problema mo? Ako na nga ang nagso-sorry eh!" sabi ni Tom.
Kahit masakit ay pinilit pa din ni Carlos na tumayo at humarap sa kanyang mga
kaklase.

"Yan ba? Yan ba ang binoto niyong president? Tingnan niyo ang ginawa niya sa 'kin!"
sermon ni Carlos sa kanyang mga kaklase.

"Anong kaguluhan ito?" sabi ng isang malaking boses. It was Johnny. He entered the
polo field to find out what's happening.

Galit na galit pa din si Carlos habang nakatingin sa kanyang ama. Si Tom naman ay
hindi alam kung ano ang magiging reaction, ngayong alam na niya ang tunay na
kalagayan ng kanilang ama.

**********************

"What? Nalaglag si Carlos from a horse? My gosh! How terrible! Is he okay?" shocked
na sabi ni Hillary habang nakikipag-usap sa kanyang spy through phone.

"Oo. Grabe nga yung pagkakabagsak eh. Pero, he's okay. Don't worry." sagot ng spy
na nasa loob lang ng St. Patrick's Academy.

"He'd better be okay. Gosh, I can't imagine you playing polo with the other boys.
Pretentious much!" natatawang sabi ni Hillary.

"Gaga! Eto nga yung pinakaayaw kong P.E. namin. As in!" maarteng sabi ng spy.

"I know! Ang gusto mo lang naman dyan is you get to dress up and shower with boys."
natatawang sabi ni Hillary.

"Excuse me!"

"Owws? For sure, lagi mong pinagnanasaan si Carlos, kaya dikit ka nang dikit sa
kanya. Am I right?" nakangiting sabi ni Hillary.

"Uy, hindi ah! Oo, gwapo siya... pero... sa 'yo pa rin siya, ano. Hindi kita
aagawan. Promise!" pabulong na sabi ng spy.

"Good! Nakakatawa lang kasi. Biruin mo, ikaw si Eric Legaspi, anak ng isang sikat
at bruskong action star. Paano na lang kaya kapag nalaman ng press na isa kang
closet queen?" sabi ni Hillary.

"Huy, wala sanang makakaalam, lalong-lalo na si Carlos. Hindi niya dapat malaman,
kundi baka sapakin ako nun." pabulong na sabi ni Eric.

"Aww, how sweet. O siya, hindi ko na tatanggalin yung pantasya mo sa kanya. Alam ko
namang hindi ka niya papatulan eh, because he's straight. Okay, your scoop's
enough. Just hug Carlos for me." flirt na sabi ni Hillary.

"Hillary naman eh."

"I'm just kidding. O sige na. Bye, girl!" sabi ni Hillary sabay baba ng call.

Agad namang nagtingin-tingin si Eric sa kanyang paligid. Baka kasi may makakita o
makarinig sa kanya. Nagulat siya nang biglang may humawak sa balikat niya.

"Eric!"

"Uy! Ikaw pala, Michael! Kanina ka pa dito sa locker room?" nanginginig na sabi ni
Eric. Kinakabahan siya at pinagpapawisan.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pang hinahanap ni Carlos. Ikaw talaga. Nakikipag-
usap ka na naman siguro sa mga babae mo, ano? Iba talaga pag anak ng action star,
madaming babae!" natutuwang sabi ni Michael sabay akbay kay Eric.

"Yeah. Tama ka!" pagtungo ni Eric.


**********************

Nung bandang hapon, masayang-masaya si David dahil makikipagkita na naman siya kay
Mindy, na kilala niya bilang Michelle. This time, isasama na niya ang kapatid na si
Shiro.

"Maganda ba talaga si Michelle?" tanong ni Shiro habang pababa ng building.

"Oo. Sinasabi ko sa 'yo. Sa lahat ng mga babaeng nakita ko, siya ang
pinakamaganda." nakangiting sabi ni David.

"Sobra ka naman mag-describe!" pang-aasar ni Shiro sa kapatid.

Nung nakalabas na sila ng gate, tamang-tama lang ang pagdating ni Mindy. Nakangiti
ang dalaga habang kumakaway-kaway pa.

"David, ang ganda nga! Parang manika!" amazed na sabi ni Shiro pagkakita kay Mindy.

"Sabi sa 'yo eh." proud na sabi ni David.

"Hello, David. And he is?" sabi ni Mindy sabay turo kay Shiro.

"Ahh. Si Shiro, yung bunsong kapatid namin. Shiro, si Michelle." pagpapakilala ni


David sa kanilang dalawa.

"Nice! So, merienda tayo? I'm craving for a crepe." nakangiting sabi ni Mindy.

"Tara, sa Flavors!" aya ni David sabay hila sa kamay ni Mindy. Sumusunod lang si
Shiro.

"Sayang, sana pala nakasama natin si Kuya Tom, para nakita niya din si Michelle."
inosenteng pagbabanggit ni Shiro.
Hindi na nag-react si Mindy. Habang kasama niya sina David at Shiro na
nagtatawanan, siya naman ay tahimik lang. Iba ang kasama niya, pero iba din ang
laman ng isip niya - si Tom.

**********************

Galit na galit si Carlos nang pumasok sa office ni Ms. Natalia. Para itong sasabog
na bulkan.His fists are closed at parang magsisimula ng away.

"O, what happened? Mukhang failed yung first attempt natin." sabi ni Natalia.

"I won't stop 'til I get his approval. I'm going to prove that he's wrong!" galit
na sabi ni Carlos.

"Easy, boy. Easy! Everything's going to be fine." nakangiting sabi ni Natalia.

"Pwede bang dito na muna ulit ako, pansamantala?" tanong ni Carlos.

"No, honey. You will go home right now." sabi ni Natalia.

"Teka, akala ko ba magkakampi tayo?" nagtatakang sabi ni Carlos.

"Believe me. It won't help kung malalaman ng tatay mo na dito ka na naman titigil.
Besides, umaandar na naman ang mga makakating dila sa labas. Baka bansagan pa nila
akong la mama de azucar." paliwanag ni Natalia na baka matawag siyang isang sugar
mommy.

Wala nang nagawa si Carlos kaya lumabas na lang siya at bumalik sa St. Patrick's
Academy.

**********************
"Gabi na ah. Saan ka galing? Baka malaman ni Dad na tumatakas ka." tanong ni Tom
kay Carlos pagkapasok ng binata sa kwarto. Kadarating lang ni Carlos mula sa St.
Catherine's Acaemy.

"Ano bang pakialam mo? Pwede ba, huwag mo akong kakausapin! Pagod ako! Matulog ka
na, at sana, hindi ka na magising!" galit na sabi ni Carlos.

"Sumosobra ka na ah! Gago ka!" mabilis na reaction ni Tom. Bigla niyang tinulak si
Carlos.

"Tarantado ka! Tonto!" pagtulak ni Carlos nang mas malakas.

Habang nagkakasakitan na ang dalawa, agad na pumasok ng kwarto sina David at Shiro.
Katabi lang nila ang kwarto nina Tom kaya agad nilang narinig ang pag-aaway.

"Kuya, itigil niyo na 'yan. Maririnig kayo ni Dad." nag-aalalang sabi ni Shiro.

Tuloy pa din sa pagsusuntukan ang dalawa. Magkahalong wrestling at boxing na ang


away ng dalawa.

"Tom! Carlos!" sabi ng isang malaking boses. It was their father, na kapapasok lang
ng kwarto. Natigilan ang apat na magkakapatid.

"Hindi pa ba kayo tapos?! Gusto niyong ituloy sa gym ang away niyo?!" galit na sabi
ni Johnny. Hindi umiimik ang magkakapatid.

"Kayo-kayo na nga lang, nag-aaway pa kayo! Paano pag nawala na ako? Mag-aaway na
lang kayo na parang mga toro? Paano kung tatlong buwan na lang pala ako mabubuhay?
Ano nang gagawin niyo?" sabi ni Johnny. Habang patuloy siya sa pagsasalita ay unti-
unti na siyang naiiyak.

Alam ni Tom ang sinasabi ng kanilang ama, kaya naman naluluha na din ito.

"Tama lang siguro na sabihin ko na sa inyo. Kumpleto naman kayo ngayon. Mga anak...
I have colon cancer, and I only have 3 months to live." naluluhang sabi ni Johnny.
Hindi na nakapag-react nang maayos sina David at Shiro. All they wanted was to hug
their father. They bursted into tears.

"Dad! Huwag mo kaming iiwan!" umiiyak na sabi nina David at Shiro. Nakikiyakap din
si Tom.

Nasa isang sulok lang si Carlos. He was very shocked. Nanlaki ang mga mata niya na
para bang hindi siya makapaniwala. He also wanted to burst into tears, pero
pinipigilan lang niya. His heart was beating fast.

"Come here, Carlos." mahinahong pakiusap ni Johnny. Si Carlos na lang ang hindi pa
nakikiyakap sa kanila. The boy was hesitant to join them. Inuunahan na naman siya
ng pride.

Johnny reached his hand to Carlos. Dinaan niya sa eye contact ang binata. Ilang
saglit lang ay tumulo na din ang luha sa mga mata ni Carlos. The boy can't resist
his father.

"Dad! Sorry!" humahagulhol na sabi ni Carlos sabay yakap nang sobrang higpit sa
ama.

END OF CHAPTER 7
####################################
Chapter 8
####################################

Blue Brothers

(Chapter 8 - Water Under the Bridge)

Three months have passed, at unti-unti nang nanghihina si Johnny. Hindi na rin niya
kayang gampanan ang kanyang duties and responsibilities as a principal kaya naman
minabuti nilang i-confine na lang siya sa St. Luke's Medical Center.

Wala din naman siyang dapat ipag-alala dahil si Frank na ang tumatayong principal
at over-all-in-charge of the academy. Things have changed, pero masaya na si Johnny
sa mga nangyayari sa kanya ngayon, lalo na't nagkaayos na sila ng anak na si
Carlos.

"Sige na, anak. Bumalik ka na sa school. Tawagan mo na yung driver mo sa baba.


Salamat sa pagbabantay." nakangiting sabi ni Johnny kay Carlos.

"Pero, dad. Wala pang magbabantay sa inyo. I want to make up for what I've done in
the past few days." nag-aalalang sabi ni Carlos.

"Wala na 'yun. Sige na. Magagalit ako pag na-late ka. Nandyan na naman si Maria.
Siya na ang bahala dito." sabi ni Johnny.

Si Maria ay ang personal maid ni Johnny simula pagkabata. Tumango na lang si Carlos
at nagpaalam na.

**********************

Back to St. Patrick's Academy, nasa isang board meeting si Tom kasama ang mga
officers ng Student Council at ang ilang presidents ng various clubs and
organizations. Pinag-uusapan nila ang budget allocation para sa next school year.

Present din si Carlos, ang president ng Liga Española na isang Spanish language
organization.

"Guys, given the current situation of our academy, napagdesisyunan namin, the
Student Council, together with the finance heads of the school, ang budget
allocation natin for School Year 2011-2012." sabi ni Tom sabay pamigay ng handouts
sa bawat estudyanteng nasa meeting.

Binasa nila ang mga handouts na naglalaman ng ibang information, at maya-maya lang
ay nagdabog si Carlos.

"What is this? You're cutting out the budget of our org? Pati na rin yung ibang
language-oriented organizations?" galit na tanong ni Carlos kay Tom.

"Limited na kasi ang budget, kaya we've decided na i-prioritize muna yung mga
organizations na usually nagco-compete outside the school, like yung Science and
Math clubs, pati na rin yung school chorale. Naglaan din kami ng malaking budget
for our charity org." paliwanag ni Tom.

"This is bullshit! Ang org namin ang may pinakamataas na budget every year, because
it brings prestige and class to the academy!" sigaw ni Carlos.

"I understand, pero don't you think it's about time na bigyan naman din natin ng
importansya yung ibang clubs na lumalaban to bring honor to our school? We're on a
tight budget, remember?" sagot ni Tom.

"Tight budget your face! Palibhasa, bago ka lang dito and you don't know even the
basic protocols! What an incompetent president!" galit na sabi ni Carlos kay Tom.

Napahiya si Tom sa lahat ng mga estudyanteng kasama sa meeting. Wala itong nagawa
kundi tumahimik na lang. Nag walk-out din agad si Carlos kasama ng ibang presidents
na sang-ayon sa kanya.

"Tama lang yung desisyon niyo, Tom. For almost 10 years, ngayon lang ulit kami
napansin ng board." nakangiting sabi ng president ng school chorale.

"Hayaan mo na yung kapatid mo. Don't be upset. We're very thankful na ikaw yung
president for this year." sabi naman ng president ng charity org nila. Kahit
papaano ay napagaan naman ang loob ni Tom.

**********************

"Buti naman at ipapakilala mo na siya sa 'kin." nakangiting sabi ni Tom habang


kasama si David. Handa na si David na ipakilala si Mindy sa kanyang kapatid.

"Siyempre, kuya. Nakilala na siya ni Shiro eh. Dapat ikaw naman. Nangako ako sa
inyo diba." nakangiting sabi ni David.

Sabay silang lumabas ng campus. Si Mindy naman ay nasa bench lang malapit sa
school.
"Surprise!" sigaw ni David pagkakita kay Mindy.

"Tom?!"

"Mindy?!"

"T-teka. Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni David. Confused siya sa reaction


ng dalawa.

Naging masama ang mood ni Tom. Nag-iba ang tingin niya kay Mindy.

"Ikaw si Michelle, na sinasabi ni David?" tanong ni Tom.

"Ahh... ehh... kasi... pareho ko namang ginagamit yung dalawang pangalan. Michelle
Cindy ang given name ko. Mindy lang ang nickname ko." kinakabahang sagot ni Mindy.

"Eh bakit hindi mo sa 'kin binabanggit na magkaibigan din pala kayo ni David?"
galit na sabi ni Tom.

"Let me explain." malungkot na sabi ni Mindy.

"David, sorry talaga. Hindi ko alam na si Mindy at si Michelle ay iisa. Wala talaga
akong alam." sabi ni Tom sa kanyang kapatid.

"Pakinggan muna natin ang sasabihin niya, kuya." sabi ni David.

Bumuntong hininga muna si Mindy habang nag-iisip ng kanyang sasabihin. Naghihintay


naman sina Tom at David.

"Nung time kasi na una kong na-meet si David, agad akong ipinakilala ni Ara as
Michelle. Nabigla na lang din ako. Tutal pangalan ko naman yun, so I just used it.
Yung sa 'yo naman Tom, ako mismo yung nagpakilala, kaya Mindy yung sinabi ko. It
was not my intention to play with you guys." paliwanag ni Mindy.
"Pero..." pahabol ni Tom.

"Kung pakiramdam niyo, naloko kayo, I'm very sorry. Hindi ko talaga sinasadya."
malungkot na sabi ni Mindy.

"Okay na." sabi ni Tom.

"Apology accepted." pahabol naman ni David.

"So, ano na talagang itatawag namin sa 'yo?" tanong ni Tom.

"Mindy na lang. Mas kumportable ako dun. So, shall the three of us be friends now?"
nakangiting sabi ng dalaga.

"Of course." in chorus na pagkasabi nina Tom at David.

Nakangiti lang ang dalawang binata kay Mindy pero nung sila na mismo ang
nagkatinginan ay bigla silang nailang sa isa't-isa.

Nang makaalis si Mindy, magkasabay ulit na bumalik sa school sina Tom at David.
Pinag-uusapan nila ang nangyari kanina.

"Nahiya ako sa 'yo, 'tol. Naalala ko kasi yung gabing pinag-uusapan natin siya."
sabi ni Tom kay David.

"Ako rin naman. Pero buti naman at naayos na kanina." sagot ni David.

Natahimik muna sila nang ilang segundo bago ulit may sinabi si David.

"Di ba gusto mo siya, kuya?" tanong ni David.


"Dati. Pero habang tumatagal, nawawala na din. Kaibigan na lang ang turing ko sa
kanya. Ikaw ba?" sabi ni Tom.

"Ako? Malakas pa din ang tama ko sa kanya eh. Mahal ko na yata talaga siya."
nakangiting sabi ni David.

"Bagay kayo." sabi ni Tom.

"Talaga, kuya? Salamat!" natutuwang sabi ni David.

Tumahimik na lang si Tom. Sinabi niya lang na nawala na ang pagkagusto niya kay
Mindy, pero sa totoo lang ay mahal na mahal na niya ang dalaga. Pakiramdam lang
niya ay gusto niyang magparaya para sa kanyang kapatid.

**********************

Bago mag dinner, pinatawag ni Frank ang apat na magkakapatid. Sa principal's


office, sama-samang nag-meeting sina Tom, Carlos, David, Shiro, Frank, at ang
lawyer ni Johnny na kadarating lang.

"Are you all complete?" panimulang tanong ng lawyer. Tiningnan niya isa-isa ang
magkakapatid.

"So, kaya ko kayo pinatawag ay para i-discuss sa inyo ang last will and testament
na inihanda ng father niyo months ago. Siguro naman, aware na kayo na sitwasyon
niya ngayon." paliwanag ng lawyer.

"Opo." in chorus na sagot ng magkakapatid.

"Okay. Let's start!" nakangiting sabi ng lawyer.

Diniscuss niya ang mga assets ni Johnny pati na rin ang mga debts nito at ibang
capital.
Maya-maya ay nakarating na sila sa last part, kung saan idi-discuss ang mga
mamanahin nila.

"As of this writing, tatlong major properties ang pagmamay-ari ni Mr. Johnny dela
Cruz, and he wanted to give them to his sons." sabi ng lawyer.

Excited na si Carlos na malaman kung ano ang mamanahin niya. The lawyer started
reading Johnny's statements.

"Ang Blue Sky Mansion, na official family residence, ay ipapamana ko sa bunsong


anak ko na si Shiro dela Cruz." pagbasa ng lawyer.

"Wow!" amazed na sabi ni Shiro.

"Ang East Hill Resort and Spa, na isang high-class fitness and recreation hub, ay
ipapamana ko sa pangatlong anak ko na si David dela Cruz." pagbasa ng lawyer.

"Thank you po!" sabi ni David.

"At ang St. Patrick's Academy, na ipinamana pa sa 'kin ng aking ama, ay ibibigay ko
sa aking panganay na si... Tom dela Cruz!" pagbasa ng lawyer.

"What the? Wait! Papaano ako? Papaano..." biglang react ni Carlos.

"Please let me finish." biglang sagot ng lawyer. Tumahimik naman agad si Carlos,
pero bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at pag-aalala.

"Makukuha nila ang full ownership ng mga properties when they turn 18. Meanwhile,
my good friend, Frank Elizalde, will temporarily handle and manage them." pagbasa
ng lawyer.

"Wala ba talaga para sa 'kin?" It's not fair!" galit na sabi ni Carlos.

"Mr. Carlos dela Cruz, may iniwang sulat sa 'yo si Johnny. Basahin mo daw 'yan.
It's very important." nakangiting sabi ng lawyer.

"No! Right now, I'll go to the hospital. I want to talk to Dad!" galit na sabi ni
Carlos sabay walk out sa kwarto. Nagmamadali siyang makapunta sa kanyang ama.

"Carlos! Wait! Bumalik ka dito!" pagpigil ni Frank sa binata pero wala na itong
nagawa. Mabilis na nakaalis si Carlos.

**********************

"Dad! We need to talk!" umiiyak na sabi ni Carlos nang bigla siyang pumasok sa
hospital room ni Johnny.

Nagulat naman si Johnny dahil kagigising lang niya. He was surprised with Carlos's
presence.

"Tungkol saan? Hindi ba dapat, nasa school ka ngayon to talk about the last will
and testament with my lawyer?" mahinahong sabi ni Johnny habang nakahiga sa kama.

"Yun nga ang dapat nating pag-usapan! Akala ko ba, mahal mo ako? Eh bakit wala
akong minana ni isang kusing? It's really unfair!" umiiyak na sabi ni Carlos habang
nagdadabog.

"Didn't you read the letter?" tanong ni Johnny.

"I didn't mind. Gusto na agad kitang makausap, because I want to know why you gave
St. Patrick's Academy to Tom. Mas magaling naman ako kaysa sa kanya." galit na sabi
ni Carlos.

"Hay naku, Carlos! Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan. You really want to know
the reason? Come and sit beside me. I'll tell you why. It's time for you to know."
firm na sabi ni Johnny.

Agad namang sumunod si Carlos at umupo sa tabi ng kanyang ama.


"Remember when I said that Natalia's evil? I'm serious about that." sabi ni Johnny.

"Teka, bakit napunta dyan ang usapan?" nagtatakang tanong ni Carlos.

"Makinig ka lang. I'll tell you a story." sabi ni Johnny.

"Back in the 1970s, my father wanted to build an institution that would change the
landscape of Philippine education. He wanted to build a school for me, and for the
kids of his rich friends. It was supposed to be a co-educational school, pero may
pagka-conservative ang mother ko." panimulang kwento ni Johnny.

Nakikinig lang si Carlos.

"My mother suggested na mas maganda kung dalawang schools ang itatayo nila - isang
school for boys, saka isang school for girls. Hence, the birth of St. Patrick's
Academy, and St. Catherine's Academy in 1975." Kwento ni Johnny.

"What? Iisa lang ang may-ari ng dalawang schools na 'yan?" nagtatakang sabi ni
Carlos.

"Yes. There was even a bridge back then, which connects the two schools. Binubuksan
ang bridge kapag may special occasions at gala nights. Naabutan ko pa 'yun nung
high school ako." kwento ni Johnny.

"What happened?"

"Ayun. In 1992, I married Natalia Mori, as suggested by my parents. Kilalang


Spanish clan kasi ang pamilya nila. At that time, ako na ang may-ari ng lahat ng
properties ng father ko." kwento ni Johnny.

"And then?"

"Right after one year, she divorced me. Sa U.S. kami kinasal. She made up stories.
Sabi niya, binubugbog ko daw siya at pinapahirapan, which was not true. Para lang
matalo ako sa kaso. She won the case, leaving St. Catherine's Academy in her hands.
The school was nearing its bankruptcy at that time. Napilitan akong ibenta ang
school. Wala na akong laban. I was so stupid." kwento ni Johnny.

"Sorry, I didn't know that you were married back then. Akala ko naging mag-syota
lang kayo dati." sabi ni Carlos.

"At ngayon, she wants to take St. Patrick's Academy, dahil nalaman niyang malapit
na itong ma-bankrupt. Totoo yung mga sinasabi ko, anak. She's planning a hostile
takeover. Gawa-gawa niya lang ang kwentong gusto niya ng merger." patuloy na
pagkukuwento ni Johnny.

"Whew! Hindi ko alam na ganun pala siya ka-tuso. Dad, I'm very sorry for not
believing you." amazed na sabi ni Carlos habang pinupunasan ang mga luha niya.

"I want St. Catherine's Academy back. Kaya Carlos, ikaw na lang ang pag-asa ko. I
believe in your skill and intelligence." nakangiting sabi ni Johnny.

"Huh? Anong kinalaman ko dyan?" nagtatakang tanong ng binata.

"Kung mapapansin mo sa last will and testament, wala akong ibinigay sa 'yo. That's
because, I want to give you St. Catherine's Academy. Ikaw ang dapat mag may-ari
nun." sabi ni Johnny.

"But, that's impossible! Hindi na sa inyo ang school. Kay Ms. Natalia na!" sabi ni
Carlos.

"Whether it's owned by me, or by Natalia, there's no difference. You're still the
rightful heir." firm na sabi ni Johnny.

"H-hindi ko po maintindihan. Paano nangyari 'yun?" confused na tanong ni Carlos.

"She's your mother!" mabilis na sagot ni Johnny.

END OF CHAPTER 8
####################################
Chapter 9
####################################

Blue Brothers

(Chapter 9 - The Golden Boy Sleeps)

Hindi makapaniwala si Carlos sa sinabi sa kanya ni Johnny. Ilang segundo na ang


lumipas pero speechless pa din ang binata.

"Sorry kung ngayon ko lang sinabi. I just want to protect you." mahinahong sabi ni
Johnny.

"Ang sabi mo sa 'kin dati, patay na ang nanay ko." naiiyak na sabi ni Carlos.
Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Patawarin mo ako." sabi ni Johnny habang hinahaplos ang buhok ni Carlos na


nakasubsob ang ulo sa kama habang umiiyak.

"Alam ba niya?" tanong ni Carlos. Tumango lang si Johnny. Lalo lang napaiyak si
Carlos.

"Alam niya pala, pero ginagamit lang niya ako. Pinaglalaruan lang niya ako."
hagulhol ni Carlos.

Johnny hugged Carlos with all his might. Awang-awa siya. Ngayon lang niya nakitang
umiyak nang ganito ang anak niya. Palagi kasing matapang at suplado ang approach
nito dati.

"Ilang oras na lang ang itatagal ko. Nanghihina na ako. Pinatawag ko na ang mga
kapatid mo." sabi ni Johnny kay Carlos.

"No, dad! Please stay with us! Don't leave! Pinagsisisihan ko ang bawat masasamang
salitang nasabi ko sa inyo." umiiyak na sabi ni Carlos.

"Even if you hurt me a thousand times, I'll love you a million times." sagot ni
Johnny.

"May isa pa sana akong pakiusap." pahabol ni Johnny.

"Ano po yun?"

"Please... please be friends with Tom. Alam kong malaki ang gap niyong dalawa, pero
please work it out." pakiusap ni Johnny.

"Sige po. Pero hindi ko mapapangakong maaayos 'yun kaagad. Kayo na po ang nagsabing
malaki talaga ang gap namin." sabi ni Carlos.

"I know. Just do it, one step at a time. Pag nagkabati na kayo ni Tom, I would be
the happiest father in the world." nakangiting sabi ni Johnny.

Bago pa man makasagot si Carlos ay dumating na sina Tom, David at Shiro, kasama si
Frank. Nagmamadali silang makita ang ama.

Walang inaksayang panahon si Johnny. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kanyang
mga anak. Kahit nasasaktan na siya physically, tinitiis na lang niya makasama lang
ang mga mahal niya sa buhay.

"Tom, alam kong malaki ang pagkukulang ko sa 'yo. Pero ginawa ko naman ang lahat
para mapunan 'yun. Kulang pa ang 3 months na nagkasama tayo. You're a great leader.
Patunayan mo na kaya mong makipagsabayan. Hayaan mo, magkikita na din kami ni Clara
sa langit. Babantayan ka namin." nakangiting sabi ni Johnny kay Tom.

"Carlos, tandaan mo yung sinabi ko sa 'yo kanina. Matalino kang tao, pero sana lagi
mong gamitin sa tama. Huwag laging nakasimangot. Be kind to other people. I want
you to be a likable and lovable person. Talk to your mother, and fix things."
advice ni Johnny kay Carlos.

"David, lakasan mo lang ang loob mo. Tanggalin mo na yung hiya-hiya. Be confident.
You create good music, kaya alam kong you'll go places someday. Have faith in
yourself. Magkikita rin kami ng nanay mo. Mababantayan ka din namin." sabi ni
Johnny kay David.
"Shiro, bunso ko. When you become a great historian someday, sana mai-record mo
yung important events ng family natin. Saka, tigil-tigilan mo muna si Miss Melody.
Bata ka pa. Mababantayan ka din namin ng nanay mo. Mumultuhin ka namin, sige ka."
pagbibiro ni Johnny kay Shiro.

"Dad naman eh!" naluluhang sabi ni Shiro habang natatawa nang konti.

"Lastly, it's okay to mourn for a while. Kahit mga one week or one month lang. Pero
huwag niyong sayangin ang oras. Have fun! Party if you want. Sayang ang pagiging
teenagers niyo. Do I make myself clear?" nakangiting sabi ni Johnny na nakahiga na
sa kama.

"Opo!" sabi nilang apat. Niyakap ulit nila ang kanilang ama.

"I'm very proud to be your father. Pag yakap ko kayo, parang yakap ko na din ang
buong mundo. May galing Japan, America, Spain, at Philippines." natatawang sabi ni
Johnny, habang umiiyak pa din ang magkakapatid.

"Inaantok na ako. Frank, ikaw na ang bahala sa mga anak ko. Be a father to them."
matamlay na sabi ni Johnny.

The four brothers were holding their father's hands. Maya-maya lang ay nag-flat
line na ang status ni Johnny. He passed away.

"Dad!" humahagulhol na sigaw ng apat ng magkakapatid. Hindi pa rin sila bumibitaw


sa pagkakahawak sa kamay ng ama.

**********************

After 3 days, inilibing na nila si Johnny. There was a massive funeral in the
morning. Umattend ang buong student body, staff, at administrators ng St. Patrick's
Academy. Present din ang karamihan ng mga taga-St. Catherine's Academy, to honor
the son of their original founder.

Nandun naman sa harap ang magkakapatid na sina Tom, Carlos, David at Shiro.
Kahilera din nila sina Frank at Jessie, na mga kaibigan ng yumaong principal.
Naging maayos at solemn ang ceremony. Almost all of them were crying. Nagkaroon
muna ng misa, pagkatapos ay ang mga eulogy para kay Johnny. Then came the burial.
The four brothers sprinkled holy water on the casket, and threw white roses on the
pit. Maya-maya ay tinabunan na din ang kabaong at nilagyan na ng lapida ang lupa.

Johnny dela Cruz

Born: June 12, 1970

Died: September 21, 2010

Aged: 40

Sa hindi kalayuang pwesto, nakatayo si Natalia habang pinapanood ang libing. She is
wearing a black gown and a black bonnet. Nakasuot din siya ng shades. She is
weeping as her mascara stains her face.

"I loved you Johnny, but you didn't love me back. Mas matimbang pa din ang ambisyon
ko kesa sa pagmamahal ko sa 'yo." sabi ni Natalia habang pinapanood ang libing.

When it was time to leave, aksidenteng nakasalubong ni Tom si Natalia sa


paglalakad. Nagkabanggaan sila at nagkaharap.

"P-parang pamilyar po kayo sa 'kin." nagtatakang sabi ni Tom habang tinitingnan ang
mukha ni Natalia.

"Bakit, hijo? Mukha ba akong artista?" sarcastic na sabi ni Natalia.

"Tama! Kayo po yung babaeng nakita kong dumalaw nung libing ni Mama." sabi ni Tom.

Kinabahan si Natalia nang makilala siya ni Tom. Nanlaki ang mga mata niya at dali-
daling naglakad papalayo.

**********************
Makalipas ang isang linggo, hindi pa rin nakaka-move on ang magkakapatid sa
pagkamatay ng kanilang ama, lalo na si Tom, dahil kamakailan lang naman niya ito
nakasama. Pero kailangan nilang ituloy ang pag-aaral kaya they just focused on
studying for the quarterly exams.

When he has time, lumalabas-labas pa rin siya ng academy to take a stroll at the
park. Nagkataon namang ngayong hapon, nakasabay niya si Mindy.

"Tom! Tom!" malakas na sigaw ni Mindy mula sa malayo.

Patuloy lang sa paglalakad si Tom, na parang walang naririnig.

"Tom! Sandali lang!" sigaw ni Mindy habang tumatakbo papunta sa binata.

Hingal na hingal si Mindy nang maabutan niya si Tom. Tumigil naman si Tom at
nakipag-usap sa dalaga.

"Bakit?" tanong ni Tom.

"Grabe, kanina pa akong sumisigaw. Hindi mo ba ako naririnig?" hinihingal na sabi


ni Mindy.

"Sorry. Madami lang akong iniisip." sagot ng binata.

"Sorry din. Alam kong kamamatay lang ng father niyo. Naiintindihan ko kung bakit
hindi ka na masyadong nagre-reply sa mga texts ko sa 'yo, or kahit sa mga tawag."
malungkot na sabi ni Mindy.

"Saka busy lang din ako. Malapit na kasi ang quarterly exams." sabi ni Tom.

"Okay. So, ano na?"

"Alam mo, siguro mas maganda kung mamasyal kayo palagi ni David. Lagi ka kasi
niyang kinukuwento sa 'kin eh. Masaya ka daw kasama." sabi ni Tom.
Sumimangot lang si Mindy.

"Akala mo, hindi ko alam yung ginagawa mo? Huwag mo naman akong itaboy. Wala naman
akong ginagawa sa 'yo. Tayo ang magkasama ngayon, diba? So, bakit mo sasabihing si
David dapat ang kasama ko?" naiinis na sabi ni Mindy.

"Hindi kita tinataboy. Sinasabi ko lang na labis na matutuwa si David pag lagi mo
siyang sinamahan. Gustong-gusto ka ng kapatid ko. Lahat gagawin ko para sa kanya.
Sobra siyang na-depress sa pagkamatay ni Dad. Magkaibigan naman tayo diba. Please
do it for me." nakangiting sabi ni Tom.

Tiningnan muna siya ni Mindy nang matagal.

"Okay. I'll do it for you." sabi ni Mindy.

"Salamat." sagot ni Tom.

"Kahit ba mag-date kami, okay lang sa 'yo?" biglang tanong ni Mindy.

"Oo naman. Bagay naman kayo eh." nakangiting sabi ni Tom. He is just hiding the
pain that he's feeling.

**********************

"What a surprise, Carlos! You're here! Akala ko nakalimutan mo na ako." nakangiting


sabi ni Natalia habang may mga ginagawang papeles.

Padabog ang pasok ni Carlos sa office ni Ms. Natalia. He wants to clarify things,
and at the same time, to express his anger.

"Baka ikaw ang madaling makalimot. You're my mother, right? Tell me! Are you my
mother?!" sigaw ni Carlos.
"Sandali lang, anak!" kinakabahang sagot ni Ms. Natalia.

"See? E di lumabas din ang totoo. Why didn't you tell me? Instead, you just used
me!" naluluhang sabi ni Carlos sabay suntok sa desk ng kanyang ina.

"Calm down, Carlos! Calm down!" nagmamakaawang sabi ni Natalia. Maski siya ay hindi
na rin alam ang gagawin.

"Kinuwento sa 'kin ni Dad ang lahat. Kung paano mo siya ginamit para makuha ang St.
Catherine's Academy. Shame on you!" sigaw ni Carlos.

Napalitan ng galit ang malungkot na itsura ni Natalia. She stood up and faced
Carlos.

"Every coin has two sides! Kung makapagsalita ka, akala mo alam mo na ang lahat!"
galit na sabi ni Natalia.

"Okay! What do you have to say?" tanong ni Carlos.

Natalia sat down on her desk as she tells a story about her past. Kumalma na din si
Carlos at nakinig sa kwento ng ina.

"High school pa lang ako, gustong-gusto ko na si Johnny." panimulang kwento ni


Natalia.

Memories flashed as vividly as they could. It was like being back again on 1987,
when Natalia was still a sweet and innocent 16 year-old student in St. Catherine's
Academy.

"Clara, ayan na siya!" kinikilig na sabi ni Natalia sabay tago sa likod ng kanyang
best friend.

There was a special occasion back then, at nakabukas ang bridge na nagdudugtong sa
dalawang schools.
Pinagtitinginan ng lahat si Johnny, as he was the hottest property at that time.
During those days, girls dreamed of him, while guys envied him.

"Hi, Clara! Hi, Natalia!" nakangiting bati ni Johnny in his blue uniform.

"Clara, congrats nga pala for being the topnotcher again. Pinapahanga mo talaga
ako."sabi ni Johnny, sabay kindat. His focus was just on Clara.

"What? You were best friends with Tom's mother?" tanong ni Carlos.

"Yes. We were the best of friends in high school. At that time, sikat na sikat si
Clara. She was not rich like us, but she was beautiful, simple and intelligent.
People loved her. Star scholar eh. Samantalang ako, isa sa mga pinakamayaman sa
school, but I looked like a Spanish dork with thick glasses. I was also
intelligent, but teachers favored Clara over me." malungkot na kwento ni Natalia.

Unti-unting bumabalik ang masasakit na nakaraan ni Natalia. She remembered the time
when she was already tired of being Clara's shadow, kaya naglakas-loob siyang mag-
apply bilang protégé ng kanilang current queen bee, para siya naman ang papalit on
their senior year.

"Wow, Natalia! I didn't expect you to be here. Akala ko, doon ka lang tumatambay sa
library." natatawang sabi ng kanilang current queen bee.

"Seryoso ako! I want to be the next campus queen!" firm na sabi ni Natalia.
Nagtawanan lang ang mga members ng club.

Nilapitan siya ng queen bee at inalis ang kanyang thick glasses.

"Hmm, may potential ka. Saka, alam kong mayaman ang pamilya mo. Okay, I accept your
application. But first, you have to know your assignment for the whole school
year." sabi ng queen bee.

"Kahit ano, gagawin ko!" determined na sabi ni Natalia.


"Kilala mo naman siguro si Johnny dela Cruz, the golden boy of St. Patrick's
Academy. Befriend him, or better yet, seduce him. Kailangan mo yang ma-accomplish
before the end of the school year. Maliwanag ba?" nakangiting sabi ng queen bee.

Kahit hindi alam ni Natalia kung paano siya magsisimula, tinanggap niya ang hamon.

"Before summer, I did the challenge, pero napahiya lang ako. That was the most
embarrassing moment of my life. Tandang-tanda ko pa kung paano ako tinawanan ng
buong St. Patrick's at St. Catherine's dahil sa ginawa ko. Even Johnny was laughing
out loud. From that day, I swore to myself that someday, St. Patrick's at St.
Catherine's will bow at me." naiiyak na kwento ni Natalia kay Carlos.

"Worse, at that same day, nalaman kong boyfriend na pala ni Clara si Johnny. Clara
promised na hindi siya papatol kay Johnny. Mga ahas sila! Mga traydor!" galit na
sigaw ni Natalia.

"And then?" tanong ni Carlos.

"Pero bilog ang mundo. I went abroad to finish my studies. Natuto akong mag-ayos ng
sarili, and I learned to love myself. When I came back here, nagbabalak palang
magpakasal sina Johnny at Clara, pero hindi pwede. Nagkaroon na kasi ng arranged
marriage, at kami ni Johnny ang ikakasal. Wala silang nagawa. Poor Clara! Hahaha!"
natatawang kwento ni Natalia.

"At that time, mahal mo pa ba si Dad?" tanong ni Carlos.

"Honestly, hindi na. I just married him for pride's sake. Pinakasalan ko siya para
mapasaakin ang gusto ko." galit na kwento ni Natalia.

"Eh ako, mahal mo ba ako bilang anak? Or, minahal mo ba ako?" tanong ni Carlos.

"Yes! Of course! I love you very much! Kaya nga I approached you and befriended
you. I'm sorry kung hindi ko nasabi sa 'yo ang totoo, but believe me. Mahal kita!"
nakangiting sabi ni Natalia habang hawak ang mukha ng binata.

"Liar! Manggagamit ka! Buti pa si Dad, kahit lagi akong pinapagalitan, at least,
naramdaman ko ang pagmamahal niya, pero ikaw... ikaw na nanay ko, wala! Wala akong
nararamdaman! You're not a good mother to me!" sigaw ni Carlos.
Sinampal agad ni Natalia si Carlos.

"I'm so sorry, anak. Please, stay with me. Ikaw na lang ang pamilya ko. Ikaw na
lang ang buhay ko." nagmamakaawang sabi ni Natalia.

"No! I don't want to be with you! Babalik ako sa St. Patrick's Academy. Kailangan
nila ako doon!" firm na sabi ni Carlos.

"Carlos, please. I love you! Please don't go!" umiiyak na sabi ni Natalia habang
hila ang kamay ng anak.

"Remember this. Hindi mapapasainyo ang St. Patrick's Academy, and the bad news for
you is... I'll do everything to get St. Catherine's Academy back." galit na sabi ni
Carlos.

Seryoso si Carlos. Tinanggal niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Natalia,


sabay labas ng office.

Naiwan sa loob si Natalia habang nakasandal sa pader at umiiyak.

**********************

"Kawawa naman si Carlos. I'm sure he needs more love ngayong patay na ang father
niya." maarteng sabi ni Hillary habang kausap si Eric sa phone.

"Eh puro ka naman ganyan, tapos pag nagkaharap naman kayo, natatameme ka."
natatawang sabi ni Eric.

"Gaga! Painitin mo pa ang ulo ko at tatawagan ko na ang kaibigan kong columnist


para bukas, nasa blind item ka na!" sigaw ni Hillary.

"Uy, huwag kang ganyan." sabi ni Eric.


"Da who ang isang matipunong action star na kaliwa't kanan ang mga babae, pero ang
hindi pala niya alam, na ang anak niya ay isang binabae?" natatawang sabi ni
Hillary.

"Or, pwede ko ring sabihing 'Carlos! Eric likes you!' para mas masakit." pahabol ni
Hillary.

Hillary was caught off guard nang biglang hablutin ni Carlos ang kanyang phone.
Kanina pa palang nakikinig sa usapan ang binata na kagagaling lang sa office ni
Natalia.

"Carlos! No! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" nag-aalalang sigaw ni Hillary.

"Hello, Eric? Sumagot ka! Are you gay?!" sigaw ni Carlos. Napalunok na lang si Eric
sa sobrang kaba.

END OF CHAPTER 9

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. ) Johnny dela Cruz's name is a variation of "John" and "Juan". His character
represents Juan dela Cruz (The Philippines).

2. ) His birthday is on June 12, 1970. On the same date in 1898, Emilio Aguinaldo
raised the Philippine flag in Kawit, Cavite to declare Philippine independence.

3. ) His four sons represent the different eras in Philippine history: Tom (pre-
colonial/present), Carlos (Spanish era), David (American era), Shiro (Japanese era)

####################################
Chapter 10
####################################

Blue Brothers

(Chapter 10 - Blue Christmas)

Some scenes may contain mature language and may not be suitable for very young
readers. Parents strongly cautioned.
Tatlong buwan na ang lumipas mula nung namatay si Johnny. It's already the month of
December at simula na ng Christmas vacation ng mga students ng St. Patrick's
Academy. They usually start the vacation one week earlier compared to other
schools.

At dahil bakasyon na, one month din muna silang aalis ng school to live at their
official residence, the Blue Sky Mansion. Ito ang itinayong bahay ng lolo nina Tom,
complete with a spacious garden and a lakeside view which rivals the land area of
the Malacanang compound.

Their vacation starts with Shiro's 16th birthday. Matagal nang naplano ang event na
ito kaya guests na lang ang inaantay mamayang hapon.

The four brothers went there by riding on their blue luxury cars, with their own
personal drivers. Pagbaba nila, they were welcomed by their personal maids.

"Master Shiro! Happy birthday!" natutuwang sigaw ng kanyang personal maid na si


Erika, sabay yakap sa binatilyo.

"Thank you po! Na-miss ko po kayo, pati ang luto niyo!" natutuwang sagot ni Shiro.

"Naku, merong tempura at salmon sashimi mamaya. Siguradong matutuwa ka." sabi ni
Erika.

"Wow! Salamat po!" sabi ni Shiro.

"Sir David! Na-miss ko ang alaga ko!" sigaw naman ng personal maid na si Brenda.

"Kayo rin po." nakangiting sabi ni David.

"Señorito Carlos! El guapo!" nakangiting sabi ng kanyang personal maid na si


Esmeralda.
"Gracias! Nakahanda na ba ang tanghalian?" sabi ni Carlos.

"Ay, opo señorito! Teka, sino yang kasama niyo? Yan ba yung Tom?" nagtatakang sabi
ng maid.

"Oo. Tara na, nagugutom na ako." sagot ni Carlos.

"Pronto! Alam niyo, mas gwapo pa rin kayo sa kanya. Diba galing siya ng probinsya?
Alahera daw ang nanay niyan eh." sabi ng maid ni Carlos. Ngumiti lang ang binata.

"Hoy, Esmeralda! Ke aga aga, chismis na naman ang inaatupag mo! Hala, sige! Maghain
ka na ng tanghalian!" pagsasabi ni Maria.

Agad namang lumapit si Maria kay Tom. May katandaan na si Maria. She has been in
service for more than 40 years. Siya na ang nag-alaga at nagpalaki kay Johnny.

"Magandang hapon! Ako si Maria, at simula ngayon, ako na ang magiging personal maid
ninyo. Karangalan kong pagsilbihan ang panganay na anak ni Ginoong Johnny. Ano ang
gusto niyong itawag ko sa inyo?" nakangiting sabi ni Maria.

"Ahh, Tom na lang po. Maraming salamat!" nahihiyang sabi ni Tom sabay abot ng
kanyang mga bagahe kay Maria.

"Alam mo, labis akong nalungkot nung nawala si Ginoong Johnny, pero ngayong nandito
ka na, para na rin siyang nabuhay ulit. Kahawig na kahawig mo ang ama mo."
nakangiting sabi ni Maria.

"Salamat po." sagot ni Tom.

**********************

"Happy birthday, Shiro! Happy birthday, happy birthday... happy birthday, Shiro!"
malakas na pagkanta ng mga bisita. Nasa gitna ang birthday celebrant at naghihintay
ang lahat na hipan na niya ang candles sa kanyang birthday cake.
Shiro closed his eyes and made a wish. Hinipan na din niya ang candles. Everyone
clapped.

"Mukhang mahaba yung wish mo ah." nakangiting sabi ni David.

"Oo. Kaya lang, mukhang hindi matutupad." malungkot na sagot ni Shiro.

"Bakit naman? Kaka-wish mo na lang eh."

"I spoke too soon. Ayan na siya!" natutuwang sabi ni Shiro. Nakita na niya kasi si
Miss Melody na kadarating lang sa venue.

Sa mga mata ni Shiro, si Miss Melody ay isang anghel na napadpad sa lupa. Natulala
ang binatilyo nang nakita niya ang kanyang crush na naka party dress.

"Sigh! I love you, Miss Melody." sabi ni Shiro sa kanyang sarili.

"Shiro! I have a present for you!" nakangiting sabi ni Miss Melody sabay abot ng
regalo.

Hindi na nakapaghintay si Shiro at agad na niyang binuksan ang regalong bigay ni


Miss Melody.

"Wow! The Attack on Pearl Harbor! Magandang libro 'to! Thanks." natutuwang sabi ni
Shiro.

"You deserve the gift. Shiro, binata ka na. I wonder kung ano ang magiging future
mo. Excited ako!" nakangiting sabi ni Miss Melody.

"Oo, tumatanda na nga ako. Pero, pag nag-18 na po ako, pwede ko na ba kayong
ligawan?" nahihiyang sabi ni Shiro.
Natawa lang si Melody.

"Yun ay kung gusto mo pa ako. I'm sure, by that time, you'll be in college, and
there will be a lot of girls who will catch your attention." nakangiting sagot ni
Melody.

"Naku, hindi. Kayo lang talaga ang pinakamaganda para sa 'kin!" proud na sabi ni
Shiro.

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon. By the time na makahanap ka ng babaeng para sa 'yo,
ipakilala mo siya sa 'kin ha? Pero kung ako talaga, e di okay. Tingnan natin." sabi
ni Melody.

"Talaga? Sige, hihintayin kita Miss Melody." sabi ni Shiro.

"Okay. Nga pala, happy birthday." sabi ni Melody sabay kiss sa cheeks ng binatilyo.
Biglang nag-blush si Shiro.

"Sige, kuha muna ako ng food." paalam ni Melody.

"This is one of my best birthdays ever!" tuwang-tuwa na sabi ni Shiro habang


hinihila ang damit ni David.

"In love ka lang." sabi ni David.

"Dad, sorry po talaga! Hindi ko na po talaga mapigilan. Mahal ko na po talaga si


Miss Melody. Siya na po ang pakakasalan ko! Huwag niyo po akong mumultuhin!"
mabilis na sabi ni Shiro habang nakatingin sa itaas.

"Baliw!" natatawang sabi ni David sabay hampas sa ulo ni Shiro.

**********************
The next day, naglibang-libang muna si Carlos. He went to Eastwood to shop for the
latest gadgets and other accessories. Pasko na nga naman at kailangan din niyang
ibili ang sarili niya ng regalo.

Habang naglalakad at nagtitingin-tingin sa mga shops, bigla niyang nakasalubong ang


dating kaibigan na si Eric. For the past three months, hindi na niya ito kinakausap
o kinikibo. Biglaan din kasi ang pag-amin ni Eric ng kanyang preference, kaya he
was booted out of Carlos's circle of friends.

"Carlos, mag-usap naman tayo." malungkot na sabi ni Eric sabay abot sa braso ni
Carlos.

"Huwag mo akong hawakan!" biglang sagot ni Carlos.

"Look, I'm very sorry. Sinira ko ang tiwala mo. Let me apologize. Let me explain my
side. Unfair naman kung di mo na lang ako kikibuin." nagmamakaawang sabi ni Eric.

Matagal siyang tinitigan nang masama ni Carlos.

"Nag-lunch ka na ba?" tanong ni Carlos.

Carlos agreed to talk with Eric. Gutom na gutom na rin ang dalawa kaya inubos muna
nila ang pagkain bago nag-usap.

"I felt betrayed. Ikaw pa naman yung pinaka pinagkakatiwalaan ko, tapos yun pala,
you spied on me. And worse, you're... you're..." hindi matuloy ni Carlos ang
sasabihin.

"Gay? Yeah, kasalanan ko din na naglihim ako sa 'yo. Naintindihan ko nung tinanggal
mo ako sa grupo mo, pero yung bigyan mo ako ng silent treatment, parang ang hirap
na nun eh." paliwanag ni Eric.

"May gusto ka ba sa 'kin?" biglang tanong ni Carlos.

Hindi kaagad nagsalita si Eric.


"Sabi na eh." natatawang sabi ni Carlos. Hindi naging maganda ang dating ng sinabi
niya kay Eric. The guy was insulted.

"Ganyan ka ba talaga? Nag-sorry na nga ako. Huwag mo naman akong parusahan." firm
na sabi ni Eric.

"Okay. Sorry din kung na-offend man kita sa tono ng pananalita ko. Pero you have to
know that this is also hard for me. Hindi pa ako sanay na makipagkaibigan sa mga...
alam mo na. Hindi mo rin ako masisisi. But still, apology accepted. Di na rin naman
ako masyadong galit sa 'yo." paliwanag ni Carlos.

"So, I guess, we're okay?" tanong ni Eric.

"Yeah. Pero, hindi na muna kita isasali sa grupo. I hope you understand."
nakangiting sabi ni Carlos.

"I understand. Thank you for the time." sagot ni Eric sabay abot ng kanyang kamay
para makipag shake hands. Carlos shook hands with him.

"Hanggang shake hands lang ah. Walang hug." nakangiting sabi ni Carlos.

"Oo naman, no!" sagot ni Eric.

"O siya, bayaran mo na yung kinain natin." sabi ni Carlos sabay turo sa bill.

"What?"

"Joke lang. Treat ko. Ako nag-aya eh." nakangiting sabi ni Carlos sabay labas ng
kanyang credit card.

"Loko ka!" natatawang sabi ni Eric. Bago sila makalabas ng restaurant ay wala nang
silang sama ng loob. They parted ways after lunch.
**********************

At the same mall, may lunch date naman sina David at Mindy. Sinunod ng dalaga ang
pakiusap sa kanya ni Tom. Nung una, masaya pa si Mindy sa pakikipag date. Mabait at
masayang kasama si David, pero habang tumatagal ay lalo lang niyang nami-miss si
Tom.

"Ang bilis mo namang naubos ang steak." nakangiting sabi ni Mindy.

"Ang sarap eh. Buti na lang pala, dito tayo kumain. Medyo sawa na kasi ako sa
Flavors eh." sagot ni David.

"Alam mo, kung si Tom 'yan, hindi pa niya agad 'yan mauubos. Hirap kaya siyang
maghiwa ng steak." natatawang sabi ni Mindy.

Ngumiti lang si David.

"Ay, sorry kung kanina ko pang binabanggit yung pangalan niya." nahihiyang sabi ni
Mindy.

"Okay lang. Nakakatuwa nga 'yang si Kuya Tom." sagot ni David.

David offered to order desserts, pero sabi ni Mindy ay huwag na lang dahil
nagmamadali siya at sinabing may lakad pa ito. Nabitin ang binata sa kanilang date.

**********************

"Mindy?" nagtatakang sabi ni Tom sabay lapit sa dalaga.

"Tom!" biglang yakap ni Mindy sa binata. Confused si Tom kung bakit biglang
nakipagkita sa kanya si Mindy. Ang alam niyang may date pa ito kasama si David.
Mindy shed a tear. Nakayakap lang siya kay Tom.

"Bakit? May nangyari ba? Bakit umiiyak ka? May ginawa bang masama si David?" tanong
ni Tom habang hawak ang mukha ni Mindy.

"Hindi. Wala. Na-miss lang talaga kita." malungkot na sabi ni Mindy.

They looked at each other. He could see her brown eyes with tears, pleading for his
attention.

"Ganun ba? Ikaw din. Na-miss kita." biglang sabi ni Tom.

"David's a sweet guy. Masaya siyang kasama. Lahat ng hilingin ko, binibigay niya.
Pero, I can't help but to think of you all the time. Pag magkasama kami, lagi kong
naaalala yung mukha mo. Nag-guilty na ako eh. Unfair yun sa kanya." paliwanag ni
Mindy.

Tumahimik sandali si Tom. Nakatingin lang siya kay Mindy.

"Ako rin. Pag magkasama kayo, iniisip ko na sana ako na lang yung kasama mo. Mindy,
madalas, hindi na ako makatulog eh. Gusto ko, lagi kitang katabi. Gusto ko, lagi
kitang kausap." malungkot na sabi ni Tom.

"Tom, gusto kita!" biglang sabi ni Mindy. Speechless lang ang binata.

"Tom, mahal na kita!" pahabol ni Mindy.

"Pero, paano si David? Ilang buwan na din kayong nagde-date." nag-aalalang sabi ni
Tom.

"Wala lang 'yun sa 'kin. Friendly dates lang ang turing ko dun. Kung ano man yung
nararamdaman niya, wala na akong magagawa dun." sabi ni Mindy.

Umiiling si Tom. Nalilito pa din siya sa sitwasyon. Nalilito siya kung alin ang
uunahin niya - ang kaligayahan ni David, o ang sariling kaligayahan. Nag-decide
siyang mag walk out sa usapan nang bigla siyang hinatak ni Mindy pabalik para
yakapin ulit nang mahigpit.

Tom lost control and kissed Mindy on the lips. It was Mindy's first kiss.
Nakaramdam siya ng spark habang madiin siyang hinahalikan ng binata.

"So, ano nang gagawin natin? Tayo na, diba?" kinakabahang sabi ni Tom habang hawak
pa din ang mukha ni Mindy.

"Oo. I guess, we have to keep this to ourselves muna. More of a secret love affair.
Temporary lang naman. Sasabihin din natin kay David sa tamang panahon. I love you,
Tom." nakangiting sabi ni Mindy.

"I agree. I love you too, Mindy." sagot agad ni Tom sabay halik ulit sa dalaga.
They suddenly found themselves kissing on a park bench.

**********************

Pauwi na sana si Mindy galing sa lakad nila ni Tom, pero bigla siyang pinapunta ni
Hillary sa isang coffee shop. May importante silang pag-uusapan.

"Hey, Mindy. Order ka muna?" nakangiting bati ni Hillary na nakaupo na at umiinom


ng espresso.

"Hindi, sandali lang ako. Ano yung pag-uusapan natin?" tanong ni Mindy.

"Teka. Saan ka ba galing at parang masaya ka yata? Blooming ka ngayon." bati ni


Hillary.

"Hmm, hindi naman. Namasyal lang kami ni Tom." nakangiting sagot ni Mindy.

"Tamang-tama sa pag-uusapan natin ngayon. Alam mo namang palapit na ang graduation


naming mga seniors, at next school year, batch niyo na ang next In line. So, I've
already decided to tell you kung ano yung magiging final test mo para maging isang
ganap na queen bee." nakangiting sabi ni Hillary.
"This test is an unofficial tradition mula pa nung early years ng St. Catherine's
Academy. Yearly, aspiring queen bees take this challenge. Ginawa ko din 'to last
school year. I'll give you the chance to decide. Do you want to proceed? Yes, or
no?" paliwanag ni Hillary.

"Yes!" sagot ni Mindy.

"Okay. Wala nang atrasan. Before the end of the school year, you need to be
devirginized. Yes, dear! Devirginized, by no other than Tom dela Cruz." pagbubunyag
ni Hillary.

"What? Oh, my gosh!" shocked na sabi ni Mindy.

END OF CHAPTER 10

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. ) "Shiro" is a Japanese name which means "the fourth son".

2. ) His birthday is on December 7, 1994. On the same date in 1941, the Japanese
attacked Pearl Harbor in Hawaii, and they also attacked Philippines hours later.

####################################
Chapter 11
####################################

Blue Brothers

(Chapter 11 - A Friend In Need)

Some scenes may contain mature language and may not be suitable for very young
readers. Parents strongly cautioned.

It's the second day of February, and Tom is now 18 years old. His birthday falls on
a Wednesday kaya they've decided na i-celebrate na lang ito this coming weekend sa
Blue Sky Mansion. They still have to attend classes since it's an ordinary school
day.
Excited pa din ang binata dahil ngayong araw na ito ay ipapasa na sa kanya ang
pagmamay-ari ng St. Patrick's Academy, dahil nasa legal age na siya. But 18 is
still a young age, kaya si Frank pa din muna ang magpapatakbo ng school.

May isa pang importanteng bagay na kailangang mapag-usapan. During their afternoon
break, Frank called for the four brothers and brought them to a conference room.

"Please be sitted. May importanteng sasabihin sa inyo ang Dad niyo." sabi ni Frank.

Nagtaka ang magkakapatid. Pagkaupo nila, Frank opened the wide LED TV and played a
recorded video of Johnny before he was admitted to the hospital.

"Gusto ni Johnny na mapanood niyo 'to. Mamaya na kayo mag comment after watching."
sabi ni Frank.

"Kumusta, mga anak. By the time na mapanood niyo 'to, nasa langit na ako."
natatawang panimula ni Johnny sa video.

"Dad..." amazed na sabi ng magkakapatid.

"I would like to tell you an important issue. Bago ako mamatay, inayos ko na yung
mga trust funds niyo. So, wala kayong magiging problema. You could still go to the
colleges and universities of your choice. Pero, we have another problem." sabi ni
Johnny sa video.

Nakikinig lang sina Tom.

"St. Patrick's Academy is nearing bankruptcy. Investors had been pulling out their
support. Worse, the owner of St. Catherine's Academy, Natalia Mori, is planning to
do a takeover. I don't want that to happen. By this time, Carlos, alam mo na siguro
na ikaw ang gusto kong magmana ng St. Catherine's, at Tom, ikaw naman sa St.
Patrick's." sabi ni Johnny.

Nagkatinginan lang sina Tom at Carlos.


"David and Shiro, I also need your help. Kailangan ko kayong apat. You need to save
the schools built by your grandfather."

Kinakabahan silang apat. Ngayon lang nila nalaman ang balita, at hindi nila alam
kung anong magagawa nila para maisalba ang eskwelahan.

"When I was a teenager, my father gave me a jewelry box. It contains a compass, a


ring, a necklace with a locket, and a bracelet with a small key. Sabi niya, huwag
na huwag ko daw iwawala ang apat na jewelries. Kakailanganin ko daw ito pagdating
ng araw."

"Pero hindi ko sinunod yung sinabi niya. I was a playboy, at di ko namalayang


naibigay ko na pala ang apat na jewelries sa apat na babaeng nakasama ko - ang mga
nanay niyo." kwento ni Johnny.

Tahimik lang ang apat.

"Then, before my father died, he revealed to me kung ano talaga ang gamit ng mga
jewelries na 'yun. They were essential para mahanap ang kayamanang nakabaon sa
ilalim ng isa sa mga properties niya. Tinatawag itong The Century Treasure, dahil
this is enough to keep you rich for a century. Pero hindi sinabi sa 'kin kung saan
ito nakabaon. Kailangan ko daw munang maibalik ang mga jewelries." kwento ni
Johnny.

Speechless ang magkakapatid. Hindi sila makapaniwalang totoo pala ang mga
kayamanang nakabaon sa lupa. Sa pelikula lang nila ito napapanood.

"Tom, alam kong na sa 'yo na ang golden compass, kaya tatlo na lang ang kailangan
niyong kunin."

"Carlos, medyo mabigat ang responsibilidad mo. Bukod sa pagbawi ng St.


Catherine's, kailangan mo ding bawiin ang ring na binigay ko kay Natalia nung
kinasal kami. Sana hindi ka mahirapan."

"David and Shiro, matagal nang patay ang mga nanay niyo, kaya hindi ko na rin alam
kung nasaan na ang mga binigay ko sa kanila. Magpatulong kayo kay Frank para
maibalik niyo din ang necklace at ang bracelet. Siya na din ang magsasabi sa inyo
ng iba pang importanteng bagay na kailangan niyong malaman."

"I'm counting on you, guys! Good luck on your journey! I love you all!" nakangiting
sabi ni Johnny. Pagkakaway niya ay natapos na ang video.

Naluha ang apat na magkakapatid dahil na-miss nila ang kanilang ama.

**********************

"Kailangan ko ba talagang gawin 'yun?" kinakabahang sabi ni Mindy kay Hillary.

Two months na ang lumipas pero hindi pa din maka-get over si Mindy sa kanyang last
challenge. She is still hesitant to give up her virginity at an early age.

"Yes. Kinakabahan ka, ano? Well, to make you feel better, I'll tell you my
experience nung pinagawa 'yan sa 'kin last year." nakangiting sabi ni Hillary.

Umupo si Hillary sa tabi ni Mindy at nagsimulang magkwento.

"Natuwa ako nung si Carlos ang in-assign sa 'kin. Akala ko, senior ang ibibigay
nila, pero Carlos was such a popular guy. Pareho kaming juniors, and I found it
cute." nakangiting sabi ni Hillary.

"Pero diba, bawal ma in-love?" biglang tanong ni Mindy.

"Oo. Kaya nung oras na ng big night namin, I enjoyed every second of it. Yun na
lang kasi ang chance ko para makasama pa siya. Pag kasi naging queen bee ka, bawal
magkaroon ng partner. Saka ka lang ulit pwedeng magkaroon when your term ends.
Being a queen has its price." paliwanag ni Hillary.

"Minahal mo ba si Carlos?" biglang tanong ni Mindy.

"Oo. Honestly, hanggang ngayon. Ikaw, alam kong nagkakagusto ka na talaga kay Tom,
at hindi na laro para sa 'yo ang pinagagawa ko. Kaya sinasabi ko sa 'yo, sulitin mo
na yung chance mo. That would be the last encounter, at least for 1 year. You need
to drop him before summer." paliwanag ni Hillary.
Hindi nakasagot si Mindy.

"Mahirap talaga ang pagdadaanan mo before you reach the top. Pero pinili mo 'yan."
sabi ni Hillary.

"Diba matatapos na ang term mo this year? May plano ka bang i-pursue ulit si
Carlos?" tanong ni Mindy.

"Alam ko na yung binabalak mo. Pero ako, gustong-gusto ko pa rin siya, and I would
do everything to have him back." nakangiting sabi ni Hillary.

Napangiti na naman si Mindy at gumaan-gaan na din ang loob. Nalaman niyang may
chance pa ulit siya para ituloy ang relationship nila ni Tom when her term ends.

"Good luck with your challenge. After that, sasamahan pa kita sa isang clinic for a
virginity test, to confirm that you've passed." bilin ni Hillary.

"Kailangan ba talaga 'yun? Nakakahiya." kinakabahang sabi ni Mindy.

"Kailangan! Mahirap na! Baka dayain mo. Sa history ng club, may isang nandaya,
claiming that she did it with her target, then the next day, nalamang wala palang
nangyari sa kanila. Malaking kahihiyan 'yun para sa kanya. So, as a preventive
measure, ipinatupad na ang protocol na kailangang mag undergo ng virginity test. Am
I making myself clear? Great! May one month ka na lang." nakangiting sabi ni
Hillary.

Nag-agree na lang bigla si Mindy. Nao-overwhelm pa din siya sa mga pinapagawa sa


kanya. She felt like she was going to explode. Pero kailangan niyang gawin 'to. She
wanted to reach the top, and she has to pay the price.

**********************

Malalim na ang gabi pero hindi pa din makatulog si Carlos. He is just sitting on
his bed thinking of something. May gumugulo sa isipan niya.
He suddenly remembered a particular event na nangyari magi-isang taon na ang
nakalipas.

"I love you, Carlos!" natutuwang sigaw ni Hillary.

"T-talaga? Mahal mo na din ako? Tayo na?" natutuwang sabi ni Carlos. He was very
excited. First love at first girlfriend niya kasi ang dalaga.

For one month, he felt like he was on Cloud 9. Nagbago ang bad attitude niya for a
while, dahil nga sa pagiging in love niya.

Bigla din niyang naalala ang 17th birthday niya when they first made love.
Kampanteng-kampante na si Carlos na si Hillary na ang babaeng pakakasalan niya
balang araw.

"Thanks for a great night!" flirt na sabi ni Hillary habang pareho silang
nagbibihis.

"Teka, aalis ka na?" tanong ni Carlos.

"Yes, and I won't be seeing you for a long time." sagot ng dalaga.

"Teka, akala ko ba tayo na? Akala ko mahal mo ako?"

"That's what you think! I just used you, to satisfy my cravings. In short, tinikman
lang kita." mataray na sabi ni Hillary.

"How dare you... you prostitute!" biglang sigaw ni Carlos sabay angat ng kamay para
sapakin si Hillary. Unfortunately, mabilis ang kamay ng dalaga at naharang niya ito
kaagad.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. We're over!" mataray na sabi ni
Hillary sabay labas ng kwarto.
Carlos just stayed in the room. He was very angry to the point na halos sirain na
niya ang mga gamit sa loob ng kwarto.

All of a sudden, bumabalik lahat ang sakit na nararamdaman ni Carlos. He felt so


worthless and low. He suddenly cried a tear. Maya-maya ay napapahikbi na siya.

"Hmm... ba't gising ka pa?" mahinahong sabi ni Tom na nagising sa lakas ng paghikbi
ni Carlos.

"Wala. Matulog ka na!" masungit na sabi ni Carlos.

Binuksan ni Tom ang desk lamp at bumangon.

"May problema ka ba? Ngayon lang kita nakitang ganyan." nag-aalalang sabi ni Tom,
sabay tabi kay Carlos.

"Sinabi nang wala eh! Kulit!" galit na sabi ni Carlos. Sa sobrang sama ng
nararamdaman ay nahahalata ang kanyang pagluha.

"Babae, ano?" biglang sabat ni Tom. Hindi sumagot si Carlos.

"Sige na. I-share mo na 'yan. Hindi ako matutulog hangga't di ka nagkukuwento."


banta ni Tom.

"At bakit naman ako mago-open sa 'yo?" masungit na sabi ni Carlos.

"Hulaan ko. Iniwan ka ng babaeng pinakamamahal mo, matapos ka niyang gamitin...


matapos ka niyang pagsawaan." nakangiting sabi ni Tom. Hindi ulit nakasagot si
Carlos. Bigla na lang ulit siyang naluha.

"Tingnan mo, pareho pa yata tayo ng experience." sabi ni Tom.

Napatingin siya kay Tom. Maya-maya ay napilitan nang magkwento si Carlos ng kanyang
mga hinanakit kay Hillary. Hindi niya namalayang naikwento na niya mula sa
pagkakakilala nila ng dalaga hanggang sa araw na iniwan siya nito.
"Mahal mo pa siya, ano?" tanong ni Tom.

Hindi na sumagot si Carlos.

"Akala ko, sarili mo lang ang mahal mo. Yun pala, may love story ka ding tinatago."
pabirong sabi ni Tom.

"I gave her everything, including myself. Sabi ko pa naman nun, I'll be a virgin
until marriage, pero dahil mahal na mahal ko siya, I gave in." hinanakit ni Carlos.

"Hindi na rin naman ako virgin eh. Yung ex ko ang nakauna sa 'kin." biglang sabi ni
Tom. Natigilan si Carlos.

"Bakit mo sa 'kin sinasabi lahat 'yan? Hindi ba dapat, tinatago mo 'yan?"


nagtatakang sabi ni Carlos.

"Kasi kapatid kita, kaya pinagkakatiwalaan kita. Wala na tayong tatay. Tayo-tayo na
nga lang ang magkakapamilya dito." sabi ni Tom.

"Iba ka rin talaga eh, ano? Ang tiyaga mo sa 'kin. Ilang beses na kitang
pinapatumba, bale wala pa din sa 'yo." natatawang sabi ni Carlos.

"Ikaw lang naman ang nakikipag-away sa 'kin eh. Ako, gusto kong makipagkaibigan sa
'yo, kasi ngayon ko lang naranasan yung magkaroon ng mga kapatid. Kayo nina David
at Shiro." paliwanag ni Tom.

Nakatingin lang si Carlos kay Tom.

"Kaya kung pwede, itigil na natin yung pag-aaway. Kung may nasabi man o may
nagawang masama sa 'yo, nagso-sorry na ako. Tandaan mo na magkakampi tayo, hindi
magkaaway." pakiusap ni Tom.

Tahimik lang si Carlos. Hindi pa din siya kumikibo. Makalipas ang ilang segundo ay
kinuha niya ang kanyang cellphone.
"Anong oras na ba? 11:30pm..." basa ni Carlos sa cellphone niya.

"Nga pala, bago ko makalimutan. Happy birthday, Tom!" nahihiyang sabi ni Carlos na
parang gustong ngumiti.

"Thanks, tol! Okay ka naman pala eh!" natutuwang sabi ni Tom sabay yakap nang
mahigpit sa kanyang kapatid. Nagulat na lang bigla si Carlos.

"Pasalamat ka, pinagaan mo ang loob ko kanina!" nakangiting sabi ni Carlos.

"Walang anuman!" natutuwang sagot ni Tom habang nakayakap pa din kay Carlos.

"Uy, teka. Masyado ka yatang natuwa." sabi ni Carlos habang kumakalas na kay Tom.

"Siyempre. Ang tagal nating magkaaway, tapos ngayon, okay na tayo. Kumbaga sa
girlfriend, para mo na rin akong sinagot." natatawang sabi ni Tom.

"Gago! Sapakan na lang ulit tayo!" nagbibirong sabi ni Carlos.

"Sige ba! Sa wakas, may sparring mate na din ako." natutuwang sabi ni Tom habang
sinusuntok-suntok ang braso ng kapatid.

Pumapalag-palag din naman si Carlos at para na ding naglalaro ang dalawa.

"Matanong ko nga pala. Bakit hindi ka masyadong sumasama o nakikipaglaro kina David
at Shiro? Masaya silang kasama." tanong ni Tom.

"Sa totoo lang, hindi kasi ako maka relate sa kanila eh. Ewan ko ba. Parang may
sarili silang mundo." nahihiyang sabi ni Carlos.

"Hindi mo kasi sila nilalapitan. Lagi kang galit kapag kinakausap mo sila. Hayaan
mo, sasabihin ko sa kanila na isali ka." natatawang sabi ni Tom.
"Pinagmumukha mo naman akong loner." sabi ni Carlos.

"Hindi ah. Ang sosyal kaya ng mga kaibigan mo. Si Michael, si Eric..."

"Tom, may sasabihin lang ako sa 'yo. Kakapalan ko na ang mukha ko." nahihiyang sabi
ni Carlos.

"Ano yun?"

"Pwede bang sa inyo na muna ako sumama? Pag kakain, pag breaks. I just don't feel
like hanging out with them. Si Eric... tapos si Michael, parang hindi na ako
sigurado sa loyalty nila. Yun ay kung okay lang sa 'yo." nahihiyang sabi ni Carlos.

"Ayos na ayos! Sa wakas, may makakasama na din ako sa study hall session natin. Pag
class hours kasi, wala akong kasama. Wala naman akong maging best friend sa klase
natin dahil sinabihan mo sila dati na wag akong kaibiganin. So, buddies na tayo,
ganun?" nakangiting sabi ni Tom.

"Yeah, I guess so. Sabi mo nga, magkapatid tayo." nakangiting sabi ni Carlos.

"Teka, i-miss call natin sina David. Malamang gising pa 'yun." sabi ni Tom sabay
tawag.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto nina Tom. It was David and Shiro.

"Bakit? Nag-away na naman ba kayo?" nagtatakang sabi ni David.

"Hindi na kami mag-aaway!" proud na sabi ni Carlos.

"Sabay-sabay tayong mag-breakfast bukas. Agahan natin ah. Sasama siya sa 'tin."
sabi ni Tom sabay turo kay Carlos.
"Kuya Carlos, sasama ka na sa 'min kumain? Nag himala yata." natatawang sabi ni
Shiro.

"Oo. Sasama na ako. Hoy, Tomas! Thursday bukas! Walang corned beef. Baka 'yun na
naman ang kainin mo." natatawang sabi ni Carlos kay Tom.

"Alam ko po, Caloy! Di bale, may tocino naman bukas." natatawang sagot ni Tom.

"Caloy? Wow! Bati na nga kayong dalawa." amazed sina David at Shiro sa nakitang
pagbabago kina Tom at Carlos.

"Oo. Sa wakas, ngayong buo na talaga tayo, mas madali na nating magagawa yung
misyon natin para mailigtas yung dalawang schools." nakangiting sabi ni Tom.

"Go Blue Brothers!" biglang sigaw ni David. Sumigaw din ang tatlo niyang kapatid.

"Group hug!" natutuwang sabi ni Shiro.

Nagyakap ang apat na magkakapatid. For the first time, they felt united. Kahit na
nangungulila na sila sa kanilang ama, they have each other's company.

"I'm sure, matutuwa si Dad nito." nakangiting sabi ni David.

Tuwang-tuwa din si Carlos. Ngayon lang niya ulit naramdaman ang ganitong klaseng
saya. Matagal niya ding inilayo ang sarili niya sa kanyang pamilya, at ngayon,
gagawin niya ang lahat para makabawi sa kanyang mga kapatid.

**********************

Back at St. Catherine's Academy, nasa loob pa din ng principal's office si Natalia
habang nagpapakalasing sa alak. Kung titingnan mo ang itsura ngayon, masasabi mong
napapabayaan na niya ang kanyang sarili. Bihira na lang siyang matulog at kumain
nang maayos. Nakakailang baso na siya pero kinakaya pa din niya.
She is crying while looking at the office window.

"Kung akala mo, naisahan mo na ako, nagkakamali ka. Hindi ako papayag. Babalik at
babalik ka rin sa 'kin, Carlos! I'm still your mother!" matapang na sabi ni
Natalia.

END OF CHAPTER 11

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. ) Tom was born on February 2, 1993. On the same date in 1987, the new Philippine
Constitution was amended.

2. ) He grew up in Kawit, Cavite - the place where Emilio Aguinaldo raised the
Philippine flag for the first time.

3.) Tom's mother, Clara Santos, got its name from Jose Rizal's fictional character
"Maria Clara" from the novel Noli Me Tangere. His personal maid's name is Maria.
####################################
Chapter 12
####################################

Blue Brothers

(Chapter 12 - How We Party And Play - The Volume 1 Finale)

Some scenes contain mature language and content. These scenes are not suitable for
very young readers. Parents strongly cautioned.

Another month has passed, and the seniors of St. Patrick's Academy are having their
high school graduation. The boys are wearing their blue toga. Today is also
Carlos's 18th birthday. Talagang pinlano na ni Johnny ang graduation date as a
birthday gift for his son.

Habang busy at excited ang lahat, nasa isang sulok lang sina Tom at Carlos.
Naiinggit sila habang pinapanood ang kanilang batchmates na may mga kasamang
magulang.

"Huwag na kayong malungkot. Nandito naman kami ni Ms. Jessie eh. Kami muna ang
parents niyo ngayon." nakangiting sabi ni Frank sabay akbay sa dalawang binata.
"Oo nga. Enjoy your graduation. Lalo ka na Carlos, birthday mo pa naman. I'm sure,
pinapanood lang kayo ng Dad niyo." sabi naman ni Jessie.

Pagkalayo saglit nina Frank, biglang may inilabas na papers si Carlos at iniabot
ito kay Tom.

"Ano 'to?" tanong ni Tom.

"Valedictory speech ko mamaya." nakangiting sabi ni Carlos.

"Ikaw na! Ikaw na ang Valedictorian!" natatawang sabi ni Tom habang tinitingnan ang
mga papers.

"Pa-proofread naman, o!" biglang sabi ni Carlos. Nagulat si Tom at nagtaka.

"Ikaw talaga! Eh wala ka namang mali sa grammar eh. Binasa ko na. Tama naman yung
'If I was' pati yung 'If I were mo'." sabi ni Tom sabay balik ng papers. Nagtawanan
lang sila ni Carlos.

Maya-maya ay nagsimula na ang ceremonies. The whole senior batch marched their way
to the front area of the grand auditorium. Nasa side seats naman sina David at
Shiro habang kinukunan ng video ang kanilang mga kuya.

Then it was time for Carlos to share his speech. Nasa front row naman si Tom dahil
isa siya sa mga honor students.

"If I was rude this school year, I'm very sorry. If I were given the chance to go
back in time, I would hug my father everyday, and tell him how great he is. I love
you, dad! I would also like to spend more time with my brothers, David, Shiro and
my new buddy, Tom." nakangiting sabi ni Carlos.

"And to the graduates of Batch 2011, congratulations and we may have a bright
future ahead of us!" sigaw ni Carlos sabay taas ng diploma.
Agad namang tumayo at pumalakpak ang lahat ng mga estudyante.

"By the way guys, after the ceremony, you are all invited to my 18th birthday
celebration at the Blue Sky Mansion. See you there!" pahabol ni Carlos. Lalong
nagsigawan ang mga estudyante.

Paalis na sana ang magkakapatid nang biglang nagkasalubong sina Carlos at Eric.

"Uy, Eric! Punta ka sa birthday party ko ah! Aasahan kita dun!" nakangiting sabi ni
Carlos.

"Naku, sorry. Hindi na ako makakapunta. Hinihintay na ako ng tatay ko sa labas.


Aalis na kami papuntang California. Doon na ako magco-college." malungkot na sabi
ni Eric.

"Ha? Ang bilis niyo namang umalis." sabi ni Carlos.

"Umamin na ako sa tatay ko. Eto nga, kasasapak niya lang sa 'kin kagabi. Sobra
siyang nagalit, kaya biglaan din ang pag-alis namin. Itatago daw ako sa press
people." malungkot na sabi ni Eric sabay pakita ng pasa sa kanang braso.

"I'm sorry to hear that. So, all I can say is, good luck. Ingat ka!" nakangiting
sabi ni Carlos sabay yakap kay Eric.

"O, akala ko ba walang hug?" nagtatakang sabi ni Eric.

"Paalis ka na naman eh. Sige na, baka hinihintay ka na ng pamilya mo." nakangiting
sabi ni Carlos.

"Sige, salamat sa lahat." sagot ni Eric sabay labas ng auditorium.

**********************

"Let's party!!!!!" sigaw ni Carlos na nasa taas ng stage.


Early evening pa lang at hyped up ang mga bisita. The mansion's largest function
room was converted into a party club complete with DJs and a mini-bar.

Nage-enjoy ang lahat sa party. Nagkaroon din ng intermission number si David, na


kumanta ng isang acoustic ballad, at si Shiro, na sumayaw sa gitna ng dance floor.

Sa labas naman ng function room ay nakatambay lang sina Tom at Mindy. Lumabas muna
sila para pag-usapan ang planong pagtatapat nila kay David.

"Ako na lang ang magsasabi sa kanya. Mamaya, isasayaw ko siya, at doon ko na


ipagtatapat ang lahat. I'm sure he'll understand." nakangiting sabi ni Mindy sabay
hawak sa mukha ni Tom.

"Sigurado ka? Baka magalit siya pag ikaw lang ang magsasabi." sabi ni Tom.

"Don't worry. Akong bahala." sabi ni Mindy sabay kindat.

"Okay. I trust you. Sige, pasok muna ako sa loob." nakangiting sabi ni Tom.

Pagkaalis na pagkaalis ng binata ay nilapitan ni Ara si Mindy. Mukhang problemado


pa din ang mukha ni Mindy.

"Ara, kinakabahan ako. Yung challenge sa 'kin, hindi ko pa nagagawa. Graduation na


natin sa isang araw." sabi ni Mindy.

"Ang tanong, gusto mo bang gawin? Do you really want to be the queen bee next
school year?" tanong ni Ara.

"Oo naman."

"Yun naman pala eh. Eh di gawin mo na as soon as possible. Konti na lang ang oras
mo." sabi ni Ara. Tumango na lang si Mindy.
**********************

"Mindy!" sigaw ni David pagkapasok ni Mindy sa party hall.

"Uy! Hope you're having fun." nakangiting sabi ni Mindy.

"Yeah. Um... do you want to dance?" lakas loob na sinabi ni David. Kanina pa niyang
gustong makasayaw ang dalaga.

"Sure!" napapayag si Mindy dahil naisip niyang it's the perfect time for her to
tell the truth to him.

As they were about to dance, Hillary texted Mindy. It was an important message.
Sinasabihan na siyang gawin ang ipinagagawa sa kanya. There's no other time.

"Ahh... okay lang ba kung mamaya na lang? Biglaan lang kasi. Importante lang."
nahihiyang sabi ni Mind kay David.

"Okay."

"Promise. I'll be back. We'll dance when the music is slow. I'll tell you
something." nakangiting sabi ni Mindy sabay hawak sa mukha ni David.

"Promise yan ah. Sige, ingat ka." nakangiting sagot ni David.

**********************

Tom is restless. Hinihintay niya kung nasabi na ni Mindy kay David ang totoo.
Kinakabahan siya sa magiging reaction ni David. Wala siyang kaalam-alam na hindi
natuloy ang pagtatapat ng dalaga.

"Ayos ka lang ba, Tom?" biglang tanong ni Maria.


"Ahh, kayo po pala. Wala naman po." nakangiting sabi ni Tom.

"Sige. Matutulog na kami. Maaga pa kaming gigising bukas para maghanda ng almusal
at para linisin ang kalat niyo ngayong gabi." nakangiting sabi ni Maria.

"Ganun po ba? Sige po. Kami na po ang bahala dito." sabi ni Tom.

"May tiwala ako sa 'yo, Tom. Basta eto lang ang sasabihin ko sa 'yo. Huwag kang
gagawa ng ikasisira mo sa hinaharap." sermon ni Maria.

"Tatandaan ko po 'yan." sagot ni Tom. Pagkatapos ng sermon ay dumiretso na si Maria


sa kanilang tulugan.

Naghintay pa rin si Tom sa hallway hanggang sa makita na niya si Mindy na tumatakbo


papunta sa kanya.

"Ano? Nasabi mo na?" kinakabahang tanong ni Tom.

Hindi nagsalita si Mindy. Tumango na lang siya, implying na sinabi na nga niya kay
David.

"Anong sabi niya? Nagalit ba?" tanong ni Tom.

"Hindi. Saka... hindi na 'yun importante. Nasabi ko na. Let's focus on the two of
us." nakangiting sabi ni Mindy sabay haplos sa mukha ni Tom.

Tom held Mindy's right hand. He smelled something pleasant. It was Mindy's perfume.
May kakaibang epekto ito sa binata. The scent makes him crazy about her.

"I love you, Mindy." sabi ni Tom sabay yakap at halik sa leeg ng dalaga.

Tom hugged her tightly. He kissed her on the cheeks, and finally on the lips. Smack
lang sa una, pero habang inuulit-ulit niya ang paghalik ay padiin na nang padiin
ang lapat ng mga labi niya.
"Naaadik na ako sa 'yo." sabi ni Tom habang nakatingin sa mga mata ni Mindy.

"Wag mong pigilan. Baka lalong hindi mo ma-control ang sarili mo." mahinahong sabi
ni Mindy.

Walang inaksayang pahahon si Tom. He carried Mindy and took her upstairs while they
were kissing. Soon, Mindy found herself in Tom's bed. They were still kissing as
passionately as they could.

Bago pa man makalimot ang dalaga, inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan
si Ara. She was doing a missed call alarm.

**********************

"Confirmed! Tom and Mindy are already making out." nakangiting sabi ni Ara kay
Hillary habang nasa loob ng party hall.

"Good! Now I'm inspired." flirt na sabi ni Hillary sabay walkout.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ara.

"Maglalandi. I'm not Hillary Cortez for nothing." mataray na sabi ni Hillary sabay
talikod kay Ara.

Dali-daling naglakad si Hillary para puntahan si Carlos. Busy naman ang binata sa
pag-inom kasama ang mga kabarkada.

"Hi, Carlos!" flirt na sabi ni Hillary.

Tumayo si Carlos mula sa kanyang kinauupuan at nagalit nang makita ang mukha ng
dalaga.

"Bakit na naman ba? Gusto mong tumable sa 'min? Sige! Sumayaw ka sa gitna!"
natatawang sabi ni Carlos. Nagtawanan din ang mga kabarkada niya.

Hillary was insulted. Pero alam niyang mas makukuha niya si Carlos if she'll play
along.

"Ayoko ko kasi ng public show. I want to do it in private... with you." flirt na


sabi ni Hillary sabay hawak sa chin ng binata.

"Woooooo!!!" sigaw at tawanan ng mga kabarkada ni Carlos.

"Gusto mo pala ng private, ha? Halika dito!" lasing na sabi ni Carlos sabay hatak
sa braso ni Hillary.

**********************

Mindy started to undress Tom, as he was kissing her gently. The guy's hands were
locked with Mindy's. It was her first time to be kissed and caressed like this. Her
knees are still shaking, but at least, she is doing it with the one she loves.

"Patayin natin ang ilaw. Naco-conscious ako." nahihiyang sabi ni Mindy.

Tom smiled and touched her face.

"First time?" nakangiting sabi ni Tom. Mindy just nodded.

"Don't worry. I'll take care of you." sabi ni Tom sabay patay ng desk lamp. The
room was already dim.

Sa kabilang kwarto, dali-daling hinatak ni Carlos si Hillary at itinulak sa pader.


Bumibilis ang paghinga ni Hillary.

Medyo tipsy na din si Carlos kaya he suddenly grabbed Hillary's left breast.
Nagulat ang dalaga at inangat ang kamay para sampalin si Carlos, ngunit agad itong
napigilan ng binata. Instead, he pressed her hands to the wall.
"Eto naman gusto mo, diba, yung binabastos ka?" sarcastic na sabi ng binata habang
tinutukso sa mata ang dalaga.

"Shit!" malakas na sabi ni Hillary, at bago pa man siya makapagsalita ulit ay


hinalikan na siya agad ni Carlos sa labi. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang
bumigay sa pagkakayakap sa kanya ni Carlos. She felt like she was fainting.

The night is still young, and two couples are making out on two different rooms.
One room is filled with love and passion, while the other is full of lust and
regret.

Tom easily guided Mindy throughout the night. Hindi naging madali para kay Mindy
ang kanilang ginagawa but because of love, nakakaya niya ang lahat.

"I love you, Tom." mahinhing sabi ni Mindy.

In return, Tom kissed her lips as he slid down inside her. Hindi na nakayanang
sumigaw ni Mindy dahil pinipigil ito ng mga labi ng binata. They were in motion as
Mindy felt the magic currents in her body. At last, she was devirginized. Her task
was completed. She will never forget this fateful night.

"Shit ka, Carlos! Shit ka!" sigaw ni Hillary habang yakap ang binata.

Hillary can't describe the feeling inside her. She couldn't distinguish it as pain
or pleasure. She doesn't know whether they're making love or she's just being
raped. However, the feeling just drives her wild.

She continued to ride on him as they reached the feeling of ecstasy. Hillary loves
Carlos very much, but it seems that the guy doesn't care at all.

**********************

Hours passed at naiwan si David sa tabi ng dance floor. Kanina pa niyang inaantay
na bumalik si Mindy. Kanina pa niyang inaantay ang pagkakataong makakapagsayaw
silang dalawa. The guy looks sad and wasted as he sits on the floor.
"David! Anong ginagawa mo dyan?" nag-aalalang tanong ni Shiro pagkakita sa kanya.

"Wala! Iniwan na ako ni Mindy! Iniwan na ako ng babaeng mahal ko!" malungkot na
sabi ni David habang nakatulala at nakatingin lang sa dance floor.

He shed a tear at maya-maya lang ay naiyak na lang siya bigla. He feels betrayed
and abandoned.

"Marami pang ibang babae! Hindi lang siya!" sabi ni Shiro.

Hindi na nakinig si David. Instead, he went to the mini-bar and got himself a
tequila.

"Uy! Bawal pa tayong uminom niyan. Sabi ni Dad, underage pa tayo para sa mga
ganyan." paalala ni Shiro.

"Wala akong pakialam!" biglang sabi ni David sabay laklak ng tequila. Wala na siya
sa kanyang sarili.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kailangan mo na sigurong matulog. Pagod ka na!" nag-
aalalang sabi ni Shiro sabay akbay sa kapatid.

"Eto tatandaan mo! Ako rin ang mamahalin ng Mindy na 'yan! Makikita niya!" lasing
na sabi ni David sabay tungga ulit ng tequila. Nag-aalala na sa kanya ang kapatid
na si Shiro.

**********************

Lasing pa din si Carlos, pero ayaw niyang makatabi sa pagtulog si Hillary. Dali-
dali silang nagbihis.

"Okay, we're done! Now, get out of my room! Get out!" malakas na sigaw ni Carlos
habang masama ang tingin kay Hillary.
"I love you, Carlos. Please forgive me for what I've done last year. Believe me! I
love you! Hindi mo ba 'yun naramdaman while we were making love? Didn't you feel
love?" nagmamakaawang sabi ni Hillary.

"No! I was just horny. That's all. Now, get out!" sigaw ni Carlos na nakaturo pa
din sa pinto.

Umiyak na lang si Hillary at lumabas na ng kwarto. Nakaganti na din si Carlos sa


dalaga. Ramdam niyang nasaktan ang dalaga sa ginawa niya at alam niyang patas na
sila.

Ilang minuto pagkalabas ni Hillary, nag-decide si Carlos na magpahangin muna sa


labas. When he got out of the mansion compound, biglang may humarurot na sasakyan
at tumigil sa harapan niya.

Four men got out of the car and punched Carlos one by one. Walang laban ang binata
kaya napadapa na lang siya sa sakit. Habang nakatingin ang mga mata niya sa lupa ay
may narinig siyang pamilyar na boses.

"Hi, Carlos! Salamat nga pala sa pagpapakopya mo sa 'kin. Pero sana, tandaan mo na
hindi ako bobo." sabi niya.

"M-Michael? Diba magkaibigan tayo?" sabi ni Carlos habang nakadapa sa lupa.

"Dati 'yun, hindi na ngayon. Tama ka. Anak ako ng isang mall magnate. Now, it's my
turn to make your life a living hell." natatawang sabi ni Michael. Agad din siyang
pumasok sa kotse at umalis na.

Naiwan si Carlos na nakaratay sa labas ng compound.

**********************

The next day, wala nang pasok sa St. Patrick's Academy. Summer break has officially
started, pero open pa din ang mga opisina para tapusin ang mga grades ng mga
estudyante. Clearing din ngayon ng mga lockers at boarding rooms.

Busy sa pag-aayos ng files si Jessie nang biglang may pumasok na binata sa


principal's office. Isa itong matangkad at fair-skinned na binata. Tisoy na tisoy
ang dating.

"Excuse me. May I talk to Mr. Frank, the friend of Mr. Johnny dela Cruz?" he said
with an accent.

"Wow, you have a British accent, huh? Your name, please." nakangiting sabi ni
Jessie.

"I'm Edward Robinson Williams." firm na sabi ng binata.

END OF CHAPTER 12

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1.) Carlos got its name from a former king of Spain.

2.) Carlos was born on March 16, 1993. On the same date in 1521, Ferdinand Magellan
rediscovered the Philippines.
####################################
Chapter 13
####################################

Blue Brothers

(Chapter 13 - British Invasion)

The sun is high and the students are enjoying their summer break. To beat the heat,
tumambay ang magkakapatid sa East Hill Resort and Spa, isang fitness and recreation
spot ng mga mayayaman. Isa rin ito sa pagmamay-ari ng Dela Cruz family, na
mapupunta din kay David pagdating ng kanyang 18th birthday.

Kumpleto ang amenities ng resort. It has a gym, a health club kung saan may fitness
classes, a 24-hour spa with buffet meals, hot spring pools, kiddie pools with
playground facilities, adult Olympic-sized pools, and an artificial beach which is
actually a lake.

Meron din itong five-star hotel to give customers a full resort experience.
Nasa isang cottage lang sina Tom malapit sa hot spring pools. They were having the
time of their lives habang pahiga-higa at painom-inom lang sila ng juice.

"Kuya, nakakatakot yung ginawa sa 'yo ni Michael. Sobrang yaman ng pamilya nila.
Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya sa 'yo." nag-aalalang sabi ni Shiro kay
Carlos.

"Well, I don't care. Kung tutuusin, mas mayaman tayo sa kanila. We have our trust
funds, at pag nahanap natin yang The Century Treasure, papadalhan ko siya ng isang
gold bar, para naman maranasan niyang makahawak ng ginto." natatawang sabi ni
Carlos.

"Wala ka talagang kupas, Caloy! Ang yabang mo pa din!" natatawang sabi ni Tom sabay
kuha sa shades ng binata.

"Hoy! Akin na yang shades ko!" sigaw ni Carlos.

"Ayos 'to ah!" nakangiting sabi ni Tom habang isinuot ang shades ni Carlos.

"Totoo naman, diba. Swerte ka pa nga, Tomas. Na sa 'yo na yung compass. Eh ako,
kailangan ko pang bawiin yung ring kay Natalia. Bwisit na 'yan!" sabi ni Carlos.

"Wag lang tayong maging kampante. Madami pa tayong pagdadaanan. Saka, nanay mo pa
din naman si Miss Natalia." paalala ni Tom sabay balik ng shades sa kapatid.

"Okay. Change topic na tayo. Uy, David, bakit kanina ka pang walang kibo dyan?
Dapat nga ikaw ang pinakamaingay sa 'tin ngayon, dahil magiging sa 'yo na ang
resort." nakangiting sabi ni Carlos.

"Ewan. Wala lang talaga ako sa mood. Si Mindy kasi, hindi na ako kinakausap."
malungkot na sabi ni David habang nakatingin sa mga swimming pools.

Agad na naalala ni Tom ang mga nangyari sa kanila ni Mindy pagkatapos ng party.
Nagulat na lang siya nang bigla siyang itinaboy ng dalaga kinabukasan. Hindi na rin
siya kinikibo nito. Alam na din niyang hindi sinabi ni Mindy kay David ang tungkol
sa kanila.
Gaya ng nangyari kay Carlos last year, pakiramdam ni Tom ay napaglaruan din lang
siya. Ngayon ay hindi na nagpaparamdam ang dalaga.

"Nakakapagtaka nga. Hindi ko na rin siya ma-contact eh." sabi ni Tom.

"Talaga, kuya? Akala ko, ako lang ang hindi niya kinakausap. Pero nasaan na kaya
siya?" sabi ni David.

"Hindi ko alam eh." sagot ni Tom.

"Hay, ako din medyo malungkot. Dalawang buwan ko kasing hindi makikita si Miss
Melody my love. Ang tanga ko kasi. Hindi ko man lang kinuha yung number niya. Hindi
ko naman siya nakikita online." sabi ni Shiro.

"Pare-pareho lang yang mga babaeng yan. Kaya ako, mas gugustuhin ko pang maging
single, kaysa magkaroon ng girlfriend. Kung parang si Hillary eh wag na lang."
sarcastic na sabi ni Carlos sabay inom ng juice.

"Sayang. Ang ganda pa naman ng babaeng nasa pool. Hanep, ang sexy!" sabi ni Tom.

"Asan? Asan?" biglang tayo ni Carlos habang naghahanap kung merong babaeng naliligo
sa pool.

Sabay-sabay nagtawanan sina Tom, David at Shiro.

"Ayaw pala ah!" natatawang sabi ni Tom.

"Sige, ganyan kayo." sabi ni Carlos.

"Samahan mo na lang akong kumuha ng towels. Kanina ko pang gustong mag swimming."
sabi ni Tom sabay tapik kay Carlos.
"Ikaw na lang. Sarap ng higa ko dito eh." masungit na sabi ni Carlos.

"Kahit kelan talaga, tamad ka. Dali na! Malay mo may makilala tayong chicks
mamaya." nakangiting sabi ni Tom habang pilit na hinihila si Carlos.

Napilitan na rin si Carlos na sumama. Habang naglalakad kasama si Tom, napag-usapan


nila ang plano nilang page-enroll sa Eastridge University. Next week na kasi ang
enrollment at nag-iisip pa din sila kung ano sa dalawang chosen programs ang
pipiliin.

"Mukhang sa College of Education ako mage-enroll." sabi ni Tom.

"Ano? Teka, akala ko ba pangarap mong maging piloto. Saka sayang, maganda ang
aviation program ng E.U." sabi ni Carlos.

"Iniisip ko kasi ang St. Patrick's. Kailangan nila ako doon. Saka, okay lang. Gusto
ko din namang magturo at magtrabaho sa academic institution. Ikaw?" nakangiting
sabi ni Tom.

"Sa College of Science ako. Pero, malay natin, baka mamaya, magturo din ako sa St.
Catherine's. Ang dami sigurong cute girls dun." nakangiting sabi ni Carlos.

"Gago! Balak mo pa yatang makulong." natatawang sabi ni Tom.

Nakakuha na sila ng towels at pabalik na sana sila sa cottage nang may bigla silang
napansin. Nagkakagulo ang mga babae sa poolside. Lumapit sila at nakita nila ang
isang matangkad at tisoy na binata. Naka board shorts lang ito at mukhang mags-
swimming na anytime.

Tinitingnan siya ng mga babae habang naglalakad-lakad ito sa gilid ng pool na


parang nagmo-model. He has a perfect physique na parang araw-araw na nagbababad sa
gym.

He is Edward Robinson Williams, an 18 year-old Fil-British guy. He used to live in


Great Britain. But after his mother died, he went to the Philippines to search for
his Filipino father. Mage-enroll din siya sa Eastridge University next week as a
freshman student.
Habang dumadaan sa poolside ang magkapatid, aksidente namang nasagi ni Tom si
Edward.

"Hey! Watch where you're going, you monkeys!" mayabang na sabi ni Edward.

"Who cares? We own this place!" maangas na sabi ni Carlos.

"Oh yeah?" sagot ni Edward. Lumapit ito sa dalawa na parang naghahamon ng away.

Sasapakin na sana ni Carlos si Edward nang bigla siyang pinigilan ni Tom. Na-sense
kasi niyang lalapitan na sila ng security guards.

"Edward! There you are!" sigaw ng isa pang binata na mukha ding foreigner.

He is Charles Harrison, ang 16-year old half-brother ni Edward. Magkapatid lang


sila sa ina. Pure British itong si Charles, at sumama siya sa kuya niya dito sa
Pilipinas.

"Is there a problem?" tanong ni Charles.

"These two monkeys are pissing me off." mayabang na sabi ni Edward sabay turo kina
Tom at Carlos.

"We're going to ban you in this resort. You'll see!" maangas na sagot ni Carlos.
Lumakad na sila ni Tom palayo.

**********************

Back at the mansion, habang walang ginagawa ang magkakapatid kundi ang maglaro at
mag-Internet, naisipan ni Shiro na bumaba sa kitchen at kumuha ng makakain.
Merienda time na din kasi.
Binuksan niya ang refrigerator para maghanap ng cake at juice. Pagkakuha, patalikod
siyang gumalaw at hindi sinasadyang may nabangga siyang tao.

"Ayyyy!!!" gulat na sigaw ng isang dalagita. Nabagsak ang fruit salad na dala niya
sa tray.

"Naku, sorry! Ako na! Ako na ang mag-aayos nyan!" agad na alok ni Shiro.

"Magagalit sa 'kin si Mama." nag-aalalang sabi ng dalagita sabay kuha ng basahan


para punasan ang kalat.

Siya si Kari Domingo, ang 14 year-old daughter ng personal maid ni Shiro na si


Erika. Cute at mestisa ang dalagita. Kahit laking probinsya ay makinis pa din ang
kutis niya.

"Ano ba naman, Kari? Anong nangyari?" galit na sabi ni Erika sa anak.

"Wag niyo na po siyang pagalitan. Ako po ang may kasalanan. Nasagi ko po kasi siya
kanina. Sorry po." pagtatanggol ni Shiro.

"Ganun ba? Nga pala, eto si Kari, ang anak ko. Bakasyon din kasi sila kaya
ipinaalam ko kay Sir Frank kung pwede muna siya dito, katulong ko. Sige, maiwan ko
muna kayo. O, Kari, linisin mo yan ah." nakangiting sabi ni Erika.

Pagkaalis ni Erika, tinitingnan lang ni Shiro si Kari habang naglilinis ito ng


sahig.

"Hi, Kari. I'm Shiro." nakangiting sabi ng binata sabay extend ng kanyang right
hand.

"Che!" masungit na sagot ni Kari habang patuloy na nagpupunas ng sahig.

"O, bakit ang sungit mo? Ako na nga ang nagsorry, diba? Wag ka na magalit." sabi ni
Shiro.
Hindi sumasagot si Kari. Nakasimangot pa din ito pero at that very moment, gusto
talaga siyang kaibiganin ni Shiro.

"Sayang ka. Ang ganda mo pa naman sana. Ngumiti ka na kasi." sabi ni Shiro.

"Palibhasa kasi mayaman kayo. Hindi niyo sineseryoso ang mga bagay-bagay." masungit
na sagot ni Kari sabay walkout.

Pakiramdam ni Shiro ay naisahan siya ni Kari, pero at the same time ay na-challenge
siya sa dalagita. Bihira lang kasi ang may magsungit sa kanya.

**********************

"Congrats, girl! You're now ready to be the queen this school year." nakangiting
bati ni Hillary kay Mindy.

Nagkukuwentuhan ang dalawa habang namimili ng mga damit sa isang mall boutique. As
usual, naging topic na naman nila sina Tom at Carlos.

"Thanks, pero isang taon din akong magtitiis na hanggang tingin lang muna ulit sa
kanya." nakangiting sabi ni Mindy na may halong panghihinayang.

"Nga pala, how was your first time with Tom? Masarap ba?" flirt na sabi ni Hillary.

Namula ang mukha ni Mindy.

"Ayun, mas lalo ko lang siyang minahal, which makes it more difficult for me to be
the queen this year." malungkot na sabi ni Mindy.

"Sus, kaya mo yan. Nagawa ko siya, kaya magagawa mo din." sabi ni Hillary.

"So, kumusta na yung last encounter mo kay Carlos? Mukha bang magkakabalikan ulit
kayo?" tanong ni Mindy.
Matagal bago nakasagot si Hillary.

"It was horrible! Para lang akong nagkamot ng kati. It was a senseless encounter.
Pero hindi pa din ako susuko. I'll have Carlos no matter what." firm na sabi ni
Hillary.

**********************

At the same mall, David and Ara are having coffee. Pinag-uusapan nila yung recent
party na ginanap sa Blue Sky Mansion.

"Ayoko nang maulit yung gabing 'yun. Isa siyang bangungot. Mindy promised to dance
with me, tapos iniwan lang pala ako." malungkot na sabi ni David while sipping
coffee.

"Cheer up! Hindi lang siya ang babae sa mundo. Marami pang iba dyan. At kung
marunong ka lang tumingin sa paligid, makakahanap ka ng para sa 'yo." sabi ni Ara
sabay hawak sa balikat ng binata.

"Pero iba si Mindy. She's the girl of my dreams!" sabi ni David.

"Which turned out to be nightmare. Am I right?" biglang sabat ni Ara.

Hindi na umimik si David.

"Nga pala, I have something to tell you. Tungkol ito kay Mindy." sabi ni Ara.

Agad na naging attentive si David.

"Kaya ka niya hindi sinipot nung party, ay dahil meron siyang ibang lalakeng
sinamahan nung gabing 'yun." sabi ni Ara.
"Really?"

"Yeah. Mindy has a boyfriend." pagbubulgar ni Ara.

David's face suddenly turned bad. His fists became closed at unti-unting tumulo ang
mga luha sa mata niya. The girl of his dreams has a different guy.

**********************

Nagulat ang magkakapatid dahil bakasyon na bakasyon pero bigla silang ipinatawag ni
Frank sa principal's office ng St. Patrick's Academy. Naisip nilang baka may bago
na naman silang misyon na kailangang gawin.

"Buti naman at nandito na kayo. I have an important announcement to make." sabi ni


Frank.

"Announcement? Eh bakit dito pa? Saka ang aga aga pa. Dapat natutulog pa kami."
reklamo ni Carlos.

"Maaga kang matulog para maaga ka din magising." sagot ni Frank sa binata.

Natawa si Tom at siniko siya ni Carlos.

"The day after Carlos's birthday party, a teenage guy came here and presented
himself. At first, hindi namin masyadong in-entertain, pero when he showed the
papers and some photos, ni-reconsider ko." panimulang sabi ni Frank.

Nagtataka ang magkakapatid.

"Guys, I would like you to meet... your other half-brother... Mr. Edward
Williams... or, should I say... Mr. Edward dela Cruz!" proud na sabi ni Frank.
Sabay labas naman ng binata sa kwarto para magpakita kina Tom. Kasama ni Edward ang
kanyang kapatid na si Charles.

"Eto naman si Charles, ang kapatid ni Edward sa ina." pakilala naman ni Frank sa
isa. Nag-hi lang ang binatilyo.

"What the?!" gulat na sabi ni Carlos.

Nagkatinginan na lang sina Tom at Carlos, sabay tingin kay Edward.

"Kung ganun pala, dapat nating i-welcome ang bago nating kapatid." nakangiting sabi
ni Tom sabay shake hands kay Edward.

Sumunod din sina David at Shiro at nakipagkamay din kina Edward at Charles.

"O, Carlos, ikaw naman. I-welcome mo naman si Edward, gaya ng pag welcome mo sa
'kin dati." natatawang sabi ni Tom.

"No way!" sigaw ni Carlos sabay tingin ng masama kay Edward.

"Mabuti naman at mukhang magkakasundo kayo, lalo na't titira na din sila sa
mansyon." nakangiting sabi ni Frank. Lalong nainis si Carlos at nag-walkout sa
principal's office.

END OF CHAPTER 13

BLUE BROTHERS TRIVIA:

Edward's presence represents the brief two-year British occupation in Manila


(1762-1764).
####################################
Chapter 14
####################################

Blue Brothers
(Chapter 14 - The 18 Year-Old Virgin)

Pagkabalik ng mansyon, galit pa din si Carlos sa mga nalaman. Next week pa ang
paglipat nina Edward at Charles sa mansyon pero ngayon pa lang ay gusto na itong
tutulan ni Carlos.

Hindi na nakatiis ang binata at bigla na lang niyang hinila si Tom papunta sa
kanyang kwarto.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Tom.

"Bakit ang bait-bait mo kanina sa Edward na 'yun? Porke't nagpakilala na kapatid


natin, biglang bait ka na agad. Parang hindi mo nakita kung gaano kagarapal yang
hayop na 'yan sa resort!" galit na sabi ni Carlos.

"Kaya nga kita sinisiko kanina. Hindi mo ba ako naiintindihan?" sabi ni Tom.

Nagtaka si Carlos. Unti-unting inilapit ni Tom ang mukha niya saka bumulong sa
kapatid.

"Kunwari lang 'yung kanina. Siguro nga, kapatid din natin siya, pero iba talaga ang
pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero bihirang magkamali ang
kutob ko." bulong ni Tom.

Tumatango lang si Carlos.

"Pansin mo ba kanina nung nakipag-shake hands kami sa kanya? Biglang maayos ang
tingin niya sa 'kin, eh diba nung nasa resort tayo, para na niya tayong papatayin
sa mga tingin niya? Di ko lang alam kung ano ang motibo niya." paliwanag ni Tom.

"Hindi magtatagal yang Edward na 'yan dito sa mansyon. Lagot siya sa 'kin!" galit
na sabi ni Carlos.

"Mag-iingat ka sa mga galaw mo. These times, kailangang tahimik ka sa pag-atake.


Hindi bigla-bigla. Baka mamaya tayo pa ang mapahiya." warning ni Tom.

Ngumiti lang si Carlos sa kanyang kapatid, pero sa loob loob lang niya, he is ready
to declare war against Edward. Nag-iisip naman si Tom ng mga paraan para malaman
ang totoo sa bagong kapatid.

**********************

One week later, 17th birthday na ni David on the first day of May. He threw another
party in the mansion, at tamang-tama din ang pagdating nina Edward at Charles.

"Happy birthday, David!" bati nina Edward at Charles pagkadating sa mansyon. May
dala-dala silang mga maleta at regalo.

"Salamat!" nakangiting sabi ni David.

Tuluyan nang pumasok sina Edward at Charles. They were amazed at how big the
mansion was. Nakatingala sila para tingnan ang ceiling design at ang mga
chandeliers.

"First time?" sarcastic na sabi ni Carlos sabay tingin kay Edward.

"Nope. Madaming ganyan sa Britain." sagot ni Edward.

"O, marunong ka palang mag-Filipino." Sabi ni Carlos.

"Oo naman. May Filipino tutor ako dati. Kung hindi mo naitatanong, I could also
speak French, Spanish, Italian and German." mayabang na sabi ni Edward.

"Greek? Marunong ka?" pang-aasar na tanong ni Carlos.

Hindi na sinagot ni Edward ang tanong. Dumiretso na sila ni Charles sa kanilang mga
kwarto. Hinatid sila nina Tom, David at Shiro.
**********************

Kinahapunan, pinatawag ni Frank si David sa kanyang kwarto. Nagkakasiyahan ang


lahat nang bigla siyang pinaakyat. Pagkapasok ng binata, nakita niya si Frank na
may hawak na maliit na kahon.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ni David.

"Since it's your birthday, I think it's about time na malaman mo na kung sino
talaga ang nanay mo." nakangiting sabi ni Frank.

Frank and David sat on the bed while the former opened the box. It showed pictures
of an American teenage girl.

"Siya si Jane Smith, ang nanay mo." sabi ni Frank.

Agad na tiningnan ni David ang mga pictures. Hinalukay din niya ang mga sulok ng
kahon at inilabas ang ilan pang litrato at mga sulat. The guy saw how beautiful his
mother was. She had a sweet and innocent face.

"Ang ganda po niya!" natutuwang sabi ni David.

"Oo, at ngayon, malalaman mo na rin kung bakit matagal sa 'yong tinago ng Dad mo
ang kwento tungkol kay Jane." sabi ni Frank.

"Bakit nga ba po?" tanong ni David.

"It was August 1993. Kaka-divorce lang nina Johnny at Natalia. Sobrang depressed
ang Dad mo nung mga panahong 'yun, kaya bumalik ang kanyang pagiging babaero at
pagkalulong sa mga bisyo." panimulang kwento ni Frank.

Tuluyang nagkwento si Frank. Habang nakikinig lang si David, para na rin siyang
bumabalik sa nakaraan as he was being told about a story that happened before.

"Tibay mo, pare ah! Pang-walong party na natin 'to this week. Hindi ka pa ba
nagsasawa?" tanong ni Frank kay Johnny.

Johnny was having the time of his life habang sumasayaw-sayaw at umiinom ng alak
every night sa kung saan-saang bar. That night, they were attending a party of a
college friend.

"Hindi pa! Dapat lang tayong mag-party! We're young, we're wild, and we're free!"
natatawang sabi ni Johnny sabay inom ulit ng alak.

"Baka nakakalimutan mo na may anak ka na? Huwag mong hayaan na yung yaya lang lagi
ang mag-aalaga kay Carlos." sabi ni Frank.

"Carlos is fine. Pag naman umuuwi ako, I always check on him." sabi ni Johnny.

Biglang nabaling ang attention ng lahat sa isang American exchange student.


Inimbita siya ng kapatid ng may birthday. She attended the party as part of her
social experience.

"Pare, sino 'yun? Ang ganda!" biglang sabi ni Johnny sabay turo sa dalaga.

"Si Jane Smith, isang exchange student. Nakilala ko nga 'yan last week eh. Magaan
yang kausap. Sobrang bait at sweet pa." nakangiting sabi ni Frank.

"Ikaw talaga! Last week pa pala kayong magkakilala, eh bakit hindi mo sinasabi sa
'kin? Pare naman!" sabi ni Johnny.

"Maghinay-hinay ka. She's just 18. Bata pa 'yan." paalala ni Frank.

"O, anong problema dun? Legal na siya. She's 18, and I'm 23. There's nothing wrong
with that." natatawang sabi ni Johnny.

"But she's still studying. Matalino 'yan, pero inosenteng-inosente pa kung


titingnan mo." sabi ni Frank.

"Tingnan natin!" sabi ni Johnny sabay lapit kay Jane.

Sa kwento ni Frank, nilapitan ni Johnny si Jane at kinausap. The lady was such a
prey to Johnny's looks and charisma. Madali siyang nabola at nadaan sa sweet talk
ng binata.

"Do you drink? Wine? Beer?" nakangiting tanong ni Johnny kay Jane.

"Oh, no... no... I'm okay with my iced tea." sweet na pagkakasagot ni Jane sabay
inom.

"You're really beautiful. You're the type of girl that I would introduce to my
parents." nakangiting sabi ni Johnny sabay kurot sa pisngi ng dalaga.

"Oh, really?" nagblush na sabi ni Jane.

"But unfortunately, my parents are gone."

"Oh, I'm sorry to hear that." sabi ni Jane habang hinihimas ang balikat ni Johnny.
Lungkot-lungkutan naman kunwari ang binata para makuha ang sympathy ng dalaga.

"Let's go out. This place is too stuffy. I need some fresh air." sabi ni Johnny.
Nag-agree naman ang dalaga kaya lumabas sila at tumungo malapit sa parking lot.

Pagkalabas ay biglang niyakap ni Johnny ang dalaga mula sa likuran. Bigla niyang
kinuha ang isang necklace na may locket at agad itong isinuot kay Jane.

"What's this for? It's too beautiful." amazed na sabi ni Jane.

"A beautiful girl deserves a beautiful gift." nakangiting sabi ni Johnny sabay
hawak sa right hand ni Jane. Ilang saglit lang ay hinalikan na niya ito sa pisngi.
"Oh, thank you, Johnny!" natutuwang sabi ng dalaga sabay yakap sa binata.

Soon, the two found themselves kissing in the parking lot. Johnny brought her into
his car and they started to make out.

"Johnny, I'm scared. Honestly, I'm still a virgin." kinakabahang sabi ni Jane.

"Do you like me?" mahinang tanong ni Johnny.

Tumango si Jane at hinalikan siya ulit ni Johnny. Sa una ay nagpipigil pa ang


dalaga pero she gave in afterwards.

"Pagkatapos nun, hindi na siya pinapansin ni Johnny. Awang-awa ako kay Jane.
Minahal niya si Johnny, samantalang yung isa, one night stand lang ang habol. Nag-
away pa kami noon. Nagsuntukan pa nga kami. Then, we found out that she's
pregnant." kwento ni Frank.

Unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa mata ni David habang nakikinig sa kwento.
Ngayon lang kasi niya narinig ang buong katotohanan tungkol sa nanay niya.

"Jane was forced to stay in the Philippines for a longer time, dahil nga sa
pagbubuntis niya. Itinakwil siya ng mga magulang niya for being a disgrace to their
family. Siya na lang kasi ang inaasahan. Throughout her pregnancy, paminsan-minsan
lang siyang dalawin ni Johnny, habang ako na halos yung umako ng responsibilidad sa
kanya." kwento ni Frank.

"Matanong ko lang po. Bakit po kayo na ang halos nag-alaga sa kanya?" tanong ni
David.

"David, ginawa ko lang naman yun kasi... mahal na mahal ko si Jane." biglang sabi
ni Frank.

David pats Frank's shoulder and continued to listen.

"At that time, naiinggit ako kay Johnny. Siya itong mahal ni Jane, pero binabale
wala lang niya." sabi ni Frank.
Maya-maya ay nalaman din ni David na namatay ang kanyang nanay because of
childbirth. Pero ayon kay Frank, naramdaman na ito ni Jane, kaya ilang oras bago
ang kanyang labor, nagbilin siyang ibigay ang kanyang magiging anak kay Johnny.
Hindi naman ito nabigo dahil tinanggap naman ni Johnny ang kanyang responsibilidad
pagkatapos mamatay ng nanay ni David.

"Don't get me wrong, David, pero mahal na mahal ka ni Johnny. Alam mo, nung una ka
niyang makita at mahawakan, tuwang-tuwa siya. Ilang oras ka niyang hindi binitawan.
Sinasayaw ka pa nga niya. Nakuha mo daw ang mga mata ni Jane." nakangiting sabi ni
Frank sabay akbay kay David na umiiyak.

"Ramdam ko naman po yung pagmamahal ni Dad, naiyak lang po ako sa mga kwento niyo.
Salamat po talaga. Ngayon kilala ko na talaga kung sino ako at kanino ako
nanggaling." nakangiting sabi ni David habang pinupunasan ang mga luha.

Frank hugged David as if he was his own son. After a few minutes, David left the
room at naiwang mag-isa si Frank.

Pagkaalis ng binata ay agad siyang tumungo sa cabinet at kinuha ang isa pang kahon.
Dinala niya ito sa kanyang working table at binuksan. The box contained the
necklace which was Johnny's gift to Jane. Kinuha ito ni Frank at itinaas.

"Ibibigay ko rin 'to sa 'yo, David." sabi ni Frank habang hawak ang necklace.

**********************

Kinabukasan, maagang nasa garden si Kari para diligan ang mga halaman. Pakanta-
kanta pa ito habang nagdidilig. Masayahin at bubbly kasi ang personality ng
dalagita. Hindi lang niya napansin ang pagdating ni Shiro.

Nakatayo lang si Shiro habang pinapanood si Kari na magdilig habang kumakanta at


sumasayaw. Natuwa ang binata kaya pinalakpakan niya si Kari.

"Galing!" natatawang sabi ni Shiro.


Nagulat naman si Kari at biglang napalingon nang di oras. Nabasa tuloy niya si
Shiro.

"Aysows!" galit na sabi ni Kari nang nabasa si Shiro.

"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" nakangiting sabi ni Shiro.

"O, sige na. Sorry na." nakasimangot na sabi ni Kari.

Nakatayo pa din si Shiro sa tabi niya habang hindi ulit makapagsimula si Kari sa
ginagawa. Naiilang siya sa presence ng binata.

"Sige na, umalis ka na dito. Nakakainis ka naman eh." naiiritang sabi ni Kari.

"Hindi, sige. Gawin mo lang yung mga dapat mong gawin. Manonood lang ako. Ngayon
lang kasi ako nakakita ng nagdidilig with sing and dance eh." natatawang sabi ni
Shiro.

"Ah, ganun?! O, ayan!" sabi ni Kari sabay tapat ng water hose kay Shiro. Binasa
talaga niya nang todo ang binata. Gumanti naman si Shiro at binasa din si Kari.

Maya-maya ay nagtatawanan na sila habang naglalaro ng tubig. Tili nang tili si Kari
habang patakbo-takbo pa si Shiro.

"So, ano? Friends na tayo?" nakangiting sabi ni Shiro.

"Sige na nga. Friends!" nakangiting sabi ni Kari sabay high five sa binata.

**********************

Sa kwarto, nag-uusap naman sina Tom at David. All of a sudden, bigla nilang napag-
usapan si Mindy, ang babaeng pareho nilang mahal.
Nasabi ni Ara kay David na meron nang boyfriend si Mindy, kaya naman agad itong
pinaalam ng binata kay Tom. May duda kasi siyang si Tom ang lalakeng tinutukoy sa
kwento.

"Sabi sa 'kin ni Ara, may boyfriend na pala si Mindy, pero kaka-break lang daw
nila." biglang sabi ni David.

Nagulat si Tom. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napalunok na lang siya.
Nahalata ni David ang pagiging uneasy ng kanyang kapatid.

"Ano, wala kang masasabi?" tanong ni David.

"Ahh... h-hindi ko kasi alam eh. Alam mo na, diba, nawalan na tayo ng contact sa
kanya." nauutal na sabi ni Tom.

"Ganun ba." sabi ni David.

"Sandali lang ah. Baba lang ako. May pag-uusapan pa pala kami ni Carlos." biglang
sabi ni Tom sabay labas agad ng kwarto ni David.

Sa pagmamadali ni Tom ay naiwan niya ang kanyang cellphone sa kama ni David. Kinuha
ito ng binata at pinag-iisipan niya kung babasahin ba niya ang mga messages. As he
was about to put it down, biglang nag-ring ang phone.

Nagtaka si David dahil new number ang nag-register at walang pangalan. It took him
seconds bago siya nag-decide na i-pick up ang call.

David did not speak. He just listened. The voice was familiar. It was Mindy
speaking.

"Tom, makinig ka, please. Buntis ako. Tulungan mo ako. Panagutan mo ako!" umiiyak
na sabi ni Mindy sa phone.

David got mad and ended the call.


END OF CHAPTER 14

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. David was born on May 1, 1994. On the same date in 1898, the Americans flocked
to Manila Bay to declare war against Spain.

2. Jane Smith is a common name in the United States. There is even a label called
"Plain Jane" to describe the typical American girl.
####################################
Chapter 15
####################################

Blue Brothers

(Chapter 15 - Summer Soiree)

Some scenes may contain mature language. These scenes are not suitable for very
young readers. Parents strongly cautioned.

Every May, there is an annual summer soiree for high school students. Karamihan sa
mga dumadalo ay ang mga estudyante ng mga royal schools gaya ng St. Patrick's
Academy at St. Catherine's Academy. Kasali din sa event ang ilang private schools
gaya ng St. Andrew's Academy.

This practice started in 2008. The event is usually held at a posh clubhouse at
hindi ka basta basta makaka-attend kung hindi ka estudyante or alumni ng mga
nasabing schools.

Outside the gates of the clubhouse, a blue car stops at the guard house.

"Good evening, Sir. ID po nila?" nakangiting tanong ng guard.

"Eto." sabi ng nagmamaneho sabay pakita ng ID.

"Sige po, Sir Alvin! Welcome po!" sabi ng guard sabay saludo.
Siya si Alvin Alvarez, ang 53 year-old father ng isang student from St. Andrew's
Academy. He is a successful businessman who owns a number of diner franchises in
Luzon.

"So, paano, dito na kita ibababa. Just text me pag tapos na ang party." nakangiting
sabi ni Alvin sa anak niya.

"Okay, Daddy!" sagot ng dalagita.

"Enjoy the party ah. Huwag masyadong masungit. Always smile." nakangiting sabi ni
Alvin sabay hawak sa chin ng dalagita.

"Of course. Sweet yata 'tong anak niyo." sagot ng dalagita.

"Okay! Bye! I love you!" sabi ni Alvin sabay yakap sa anak.

Pinanood muna niya ang anak hanggang sa makapasok sa clubhouse. Lumabas na din siya
ng compound pagkatapos.

"Party on, bitches!" nakangiting sabi ng dalagita sa sarili pagkakita sa kanyang


mga kaibigan sa loob ng clubhouse.

Siya si April Alvarez, ang 16 year-old incoming senior high school student from St.
Andrew's Academy. She is the "queen bee" of their school. Bukod kasi sa pretty
looks ay topnotcher din siya.

"Hi, April! Buti dumating ka na!" natutuwang sabi ng kaibigan niya.

"Of course. The queen should be here, right?" mataray na sagot ni April sabay irap.

"You should see the boys in this party. Ang g-gwapo, lalo na yung tinatawag nilang
Blue Brothers, from St. Patrick's Academy." kinikilig na sabi ng kaibigan ni April.

Tamang-tama na dumaan ang Blue Brothers sa harapan nina April. They are nearing
towards the girl.
"Hi, April." nakangiting sabi ni Tom.

"Kuya Tom! Long time no see! Big time ka na ngayon ah." natutuwang sabi ni April
sabay yakap sa binata.

The people around them became confused. Pinaliwanag ni Tom na dati pa silang
magkakilala ni April. Sinabi niyang si April ay inaanak ng kanyang Tita Lia, na
pinsan ng kanyang nanay.

"Wow! Naguluhan ako dun ah!" natatawang sabi ni Shiro.

"Nga pala, sila yung mga kapatid ko - si Shiro, David, at si Carlos." pakilala ni
Tom.

"Nice to meet you all." nakangiting sabi ni April sabay shake hands sa mga binata.

She was excited to meet Tom's brothers, but what caught her eye was Carlos. Sa una
pa lang ay nagustuhan na ni April ang binata. She liked his Fil-Spanish features,
as he was wearing an expensive tuxedo.

Carlos was feeling the same way. She found April cute but sophisticated. Ganun ang
gusto niya sa mga babae. Pakiramdam niya ay magkakasundo sila, that's why he asked
her to dance.

"May I?" nakangiting sabi ni Carlos sabay extend ng kanyang right hand kay April.

"Sure!" sagot ni April sabay hawak sa kamay ng binata.

As they were going to the dance floor, Tom reminded his brother.

"Ingatan mo yan ah. Lagot ka sa tatay niyan." natatawang sabi ni Tom kay Carlos.
"Yup!" sagot ni Carlos.

The two started to dance. Sa simula, the music was fast and loud, but as the party
went on, naging sweet and slow na ang music. They are having a good time.
Kinikilig-kilig pa nga ang dalagita habang sinasayaw siya ni Carlos.

"You're beautiful. I wish you're my girl." sabi ni Carlos sabay hawak sa chin ng
dalagita.

Ngumiti lang si April.

"Why? Hindi na ba pwede? Does your heart belong to someone else?" tanong ng binata.

"Hindi naman sa ganun. May nanliligaw sa 'kin ngayon actually. Hindi ko pa din
alam. I would like to take things slow." sabi ni April.

"May I know kung may pag-asa ba ako sa 'yo?" tanong ni Carlos.

"Ewan. Tingnan natin." flirt na sagot ni April.

Nag-aalalangan kasi si April between her suitor named Jake, and her new apple of
the eye, Carlos. Napangiti na lang silang dalawa habang nagsasayaw. April feels
lucky for she is with the hottest guy on the event. Ang hindi niya alam ay kanina
pa silang pinagmamasdan ni Hillary.

"My gosh! Who's that whore dancing with my Carlos?" mataray na tanong ni Hillary
kay Ara.

"From what I've heard, siya si April Alvarez, ang "queen bee" ng St. Andrew's."
paliwanag ni Ara.

"Yuck! Kung sa St. Catherine's siya nag-aaral, mukha lang siyang alalay. Humanda sa
'kin yang babaeng yan. Nagkamali siya ng nilandi!" mataray na sabi ni Hillary sabay
alis sa kinatatayuan.
Palapit na sana si Hillary kay April nang bigla siyang hinarang ni Edward.

"May we dance?" nakangiting sabi ni Edward.

Hillary thought that this would be a chance para malapitan sina Carlos at April
nang mas maayos. She accepted Edward's offer and danced with him.

Lumapit sina Hillary kina Carlos habang sumasayaw.

"Hi, Carlos." flirt na sabi ni Hilary habang yakap si Edward.

"April, let's just eat. Bigla akong nagutom." biglang sabi ni Carlos. Hindi niya
malaman kung nairita lang siya sa presence ni Hillary, o nainis siya nang makita si
Edward na kasayaw ang dalaga.

Hillary felt that she succeeded with her first move. Carlos was intimidated with
her.

"O, bitawan mo na ako. Tapos na ang palabas!" mataray na sabi ni Hillary sabay
kalas sa pagkakayakap kay Edward.

Edward was left at the middle of the dance floor. He was really pissed.

**********************

"Mindy? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Tom pagkadating niya sa


garden malapit sa clubhouse.

"Tom? Diba dapat ako ang magtanong sa 'yo nyan? Bakit ka nandito?" tanong naman ni
Mindy na confused din sa pagkakakita sa binata.

"Tinawagan ako ni David. May sasabihin daw siya." sabi ni Tom.


"Teka, ganyan din yung sinabi niya sa 'kin." sabi ni Mindy.

Bago pa man makapag-react ang dalawa ay biglang nagpakita si David. He was smiling
sarcastically.

"Bakit? Anong meron?" nagtatakang sabi ni Tom.

"May sasabihin daw sa 'yo si Mindy. Hindi mo daw yata na na pick-up yung call niya
nung isang araw eh." nakangiting sabi ni David.

"What the...? Eh bakit may sumagot nun? Sino yun?" kinakabahang sabi ni Mindy.

Napatingin si Tom kay Mindy. Pinagpapawisan na ang dalaga.

"Ano ba yung sasabihin mo? Ang tagal mong hindi nagparamdam." galit na sabi ni Tom.

"Baka gusto mo pang ako ang magsabi?" nakangiting sabi ni David kay Mindy.

Wala nang nagawa si Mindy kundi ang umamin tungkol sa tunay niyang kalagayan.

"Tom, buntis ako! Ikaw ang ama!" biglang sigaw ni Mindy.

Gulat na gulat si Tom, and at the same time, nailang siya dahil kaharap niya ang
kapatid na si David, na alam niyang may gusto din kay Mindy. Matagal siyang naging
speechless.

"So lumabas din ang totoo, straight from the horse's mouth, as they say."
nakangiting sabi ni David.

Napaupo na lang si Tom sa isang bench while his hands cover his face. Hindi niya
alam kung anong susunod niyang gagawin. Pressure and anxiety were filling his
heart.
"So kung nabuntis si Mindy, at ikaw ang ama, can I conclude na, you two had a
relationship, without me knowing?" tanong ni David kay Tom.

Tumango si Tom habang nakasubsob pa din ang mukha niya.

"Arrrrrgggghhh!" biglang sigaw ni David nang malakas sabay hagis ng dala niyang
gitara. He was really mad. Nanginginig pa ang mukha niya sa galit.

"Sorry... sorry... hindi namin nasabi sa 'yo. Matagal na dapat namin ginawa
pero..." sabi ni Tom.

"Wala na. Huli na. Ang taas pa naman ng tingin ko sa 'yo, kuya. Mang-aagaw ka."
galit na sabi ni David sabay alis.

Umalis na din si Mindy habang umiiyak nang malakas. Naiwan si Tom sa garden at
hindi pa din niya alam ang gagawin. Pakiramdam niya ay gusto na niyang magpakalayo-
layo sa bigat ng kanyang problema.

**********************

"What? Buntis ka?" gulat na tanong ni Hillary habang nag-uusap sila ni Mindy sa
washroom.

Tumango si Mindy habang umiiyak. Yakap siya ni Hillary for comfort.

"Wait, hindi ka ba gumamit ng protection? I reminded you." nag-aalalang sabi ni


Hillary.

"Oo, ako na ang tanga. Nakalimutan ko. Masyado lang akong kinabahan or na-excite
nung time na 'yun." umiiyak na sabi ni Mindy.

"Naiintindihan kita. Pero reality check lang. Hindi ka na pwedeng maging queen bee
ng St. Catherine's. First of all, mags-stop ka muna sa school because of your
pregnancy. Wala kang choice." paalala ni Hillary.

Umiyak lang lalo si Mindy. Naisip niyang nauwi lang sa wala ang mga challenges na
pinagdaanan niya para lang maging queen bee ng St. Catherine's Academy.

Sa gitna ng pagdamay ni Hillary ay bigla na lang siyang nahilo.

"Okay ka lang?" tanong ni Mindy.

Bago pa man makasagot si Hillary ay bigla na lang siyang nagsuka sa lababo ng


washroom. Nakailang suka siya habang hinihimas lang ni Mindy ang likod niya.

"Oh my gosh! No!" natatakot na sabi ni Hillary habang nakatingin sa salamin.

**********************

"So... ikaw pala si April Alvarez." mataray na sabi ni Hillary habang nakitang
kasama ni April ang mga kaibigan.

"Yes, and you are?" mataray na sagot ni April.

"Ako lang naman si Hillary Cortez, the outgoing queen bee of the prestigious St.
Catherine's Academy." proud na sabi ng dalaga.

"Outgoing? Hahaha. Buti na lang, incoming pa lang ako. At least, hindi ako laos na
katulad mo!" mataray na sabi ni April.

"How dare you! If I know, mga cheap ang mga estudyante ng St. Andrew's, gaya mo.
Kaya ka nila siguro piniling queen bee." galit na sabi ni Hillary.

"At least, co-ed kami. We could get as many boys as we like. Hindi katulad mo,
deprived sa mga lalake. Hmm, let me guess. Meron kayong past ni Carlos, ano? Well,
you have to accept na times are changing, at isa ka dun sa mga kailangan niyang
palitan. Hahaha!" natatawang sabi ni April.

"You bitch! Eto ang tatandaan mo. Carlos will always be mine!" galit na sabi ni
Hillary.

"That's what you think, moron!" sagot ni April sabay irap.

"Whore!" sigaw ni Hillary sampal kay April.

"Man-eater!" sagot ni April sabay sampal bilang ganti kay Hillary.

Nagsabunutan na ang dalawang dalaga. Nagkagulo na din ang mga taong nasa paligid
nila. People started to stop the fight pero wala din silang nagawa. Even Edward was
capturing the moment through his cellphone camera. That was the scenario until
Carlos came.

"Stop!" sigaw ni Carlos sabay awat sa dalawa. He sided with April.

"Are you okay?" tanong ni Carlos kay April.

"No. That girl is bugging me." biglang iyak ni April habang tinuturo si Hillary.

"Hillary, please! Itigil mo na 'to!" galit na sabi ni Carlos.

"Kakampihan mo pa kaya siya kapag sinabi kong ikaw ang ama ng dinadala ko?" naiiyak
na sabi ni Hillary sabay pakita ng pregnancy test kit sa binata.

The people around them were shocked, as they were like in a showbiz gathering. Mas
nagulat si Carlos. Unconsciously ay natanggal ang pagkakayakap niya kay April
habang unti-unti siyang lumalapit kay Hillary para tingnan ang test result.

"I don't know what to say!" nalilitong sabi ni Carlos sabay hawak sa kanyang ulo.
"Pareho lang kayo ng sitwasyon ni Tom. Buntis din si Mindy sa kanya." sabi ni
Hillary.

"No! This is crazy!" umiiling na sabi ni Carlos sabay takbo palabas ng clubhouse.
Naiwan na naman sina April at Hillary sa party.

Pagkaalis ni Carlos ay agad na pinunasan ni April ang mga luha. Obviously, she was
just acting to get the guy's sympathy.

"I pity you. At such a young age, nabuntis ka na. How stupid can you get?" mataray
na sabi ni April.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. I'm already 18. Ikaw, ilang taon ka na? 16?
Madami pang pwedeng mangyari sa 'yo." Galit na sabi ni Hillary habang umiiyak.

"Sorry to break your bubble, but that will never happen to me. Oo, siguro, mas
mayaman ka sa 'kin. Pero, mas matalino ako sa 'yo. I would never get pregnant at a
young age." nakangiting sabi ni April.

"Huwag kang magsalita ng tapos. Hindi mo alam ang mga mangyayari." sabi ni Hillary.

"O ayan! Panalo ka na! Sa 'yo na talaga si Carlos. Kung ako sa 'yo, hindi ko na
siya pakakawalan. Sana magparami pa kayo ng anak. Bye, bitch!" natatawang sabi ni
April sabay exit sa party.

Inis na inis si Hillary pero wala na siya sa mood para makipagtalo pa. Mas iniisip
niya ang pagtakbo ni Carlos mula nung marinig niya ang balita.

Pagkalabas ni April ay tamang-tama na kadarating lang ng kanyang father na si Alvin


para sunduin siya.

"How's the party, sweetheart?" nakangiting tanong ni Alvin pagkasakay ni April sa


kotse.

"Oh, Daddy! It was so fun! The food was good, the music was nice, and the people
were very... very friendly." nakangiting sabi ni April as she puts on her seatbelt.
"Mabuti naman. Nakita mo ba si Tom? Gusto ko sana siyang pasalamatan for watching
over you." sabi ni Alvin.

"Busy po siya eh. Hayaan niyo, sabihan ko na lang po, okay." nakangiting sabi ni
April.

"Okay!" sagot ni Alvin, as they went out of the compound.

**********************

Hindi pa tapos ang party pero Tom and Carlos found themselves sitting in one bench
at the club garden. Pareho silang may problema about early pregnancy issues. Alam
nilang kailangang panagutan ang kanilang mga nagalaw, pero hindi nila alam ang
gagawin.

"Shit! Gusto ko nang magpakamatay!" naiinis na sabi ni Carlos.

"Ako din kaya. Sabay na tayo. Bakit pa kasi kailangan tayong sugurin ng mga
problema?" naiinis na sabi ni Tom.

"Gaya-gaya ka talaga kahit kailan." natatawang sabi ni Carlos. Napatawa naman niya
si Tom na kanina pang alalang-alala sa mga nangyayari.

"Gusto kong isipin na kaya natin 'to, pero ang hirap. Hindi ko alam kung paano
maging ama." malungkot na sabi ni Tom.

"Ako man." sabi naman ni Carlos.

Habang nakatingala sa kalangitan ang magkapatid ay biglang may tumawag sa cellphone


ni Tom. Nakita ito ng binata at unknown number ang tumatawag. Nagtaka siya at
first, pero sinagot na din niya ito.

"Hello? Sino po 'to?" tanong ni Tom sa kausap sa phone.


"Hello. Do you still remember me? Your ex, your first time, and your one and only
angel?" flirt na sagot ng babaeng kausap ni Tom sa phone.

"Angel?" gulat na sabi ni Tom.

END OF CHAPTER 15

BLUE BROTHERS TRIVIA:

1. Alvin and April are characters from another Patrick Ilagan novel Three Colors of
Love.

2. Lia Santos (a Three Colors of Love character) is the cousin of Tom's mother,
Clara Santos, thus establishing the connection between two novels.
####################################
Chapter 16
####################################

Blue Brothers

(Chapter 16 - An Angel From Hell)

Some scenes contain mature language and content. These scenes are not suitable for
very young readers. Parents strongly cautioned.

The party is over kaya pagod na pagod na umuwi ang magkakapatid sa mansyon. Mas
nagmukhang pagod sina Tom at Carlos dahil sa mga problemang kanilang hinaharap.
Medyo nakainom din si David na masama ang loob. Inaantok na si Shiro, at si Edward
naman ay wala nang pakialam kaya dumiretso na sa kwarto.

Umupo ang apat sa isang malaking sofa sa living room. Napapapikit na sila sa
sobrang pagod nang biglang may sinabi si David.

"I hate you, Tom!" galit na sabi ni David.

Nagising si Shiro at nagulat sa narinig.


"Bakit? Anong meron?" nagtatakang tanong niya.

"Itanong mo dyan sa magaling nating kapatid. Akala mo kakampi, pero tinitira ka na


pala nang patalikod." galit na sabi ni David.

"I'm sorry!" biglang sabat ni Tom.

"Wait! Ano ba talaga ang nangyayari? Wala talaga akong alam!" nalilitong sabi ni
Shiro habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa ulo.

"It's about Mindy. Ang sabi niya, bagay daw kami, at wala daw siyang interes.
Naniwala naman ako. Pati nga si Mindy, nangakong isasayaw niya ako nung birthday ni
Kuya Carlos. Hindi niya ako sinipot." panimulang kwento ni David.

Nakikinig lang sina Tom, Carlos at Shiro.

"It was late when I knew what really happened that night." kwento ni David.

Napayuko si Tom dahil sa mga sinasabi ng kanyang kapatid. Unti-unti niyang


nararamdaman ang guilt at panghihinayang sa nangyari.

"They had sex that night!" galit na sigaw ni David.

Napatingin ng masama si Shiro kay Tom, habang nakayuko pa din ang nakatatandang
kapatid.

"Tapos kanina, hindi lang naman si Kuya Carlos ang nakabuntis... si Tom din." galit
na sabi ni David habang tumutulo ang luha sa isang mata.

Hindi makapaniwala si Shiro sa mga narinig. Nung una ay gusto niyang akalain na
biro lang ang lahat, pero nangyari na at hindi na maibabalik.

"Bakit mo nagawa 'yun, Kuya Tom? Gusto kong marinig ang paliwanag mo." malungkot na
sabi ni Shiro sa kapatid.
Nagtagal bago nakapagsalita si Tom. Hindi niya alam kung paano magpapalinawag,
gayung sa lahat ng anggulo ay siya ang mali.

"Nagsisisi na talaga ako. Ang totoo , bago namin ginawa 'yun, sinabi ko kay Mindy
na aminin na kay David ang relasyon namin. Yun talaga ang plano. Oo, nagkaroon kami
ng secret affair, pero ginawa lang namin yun para hindi agad mabigla si David."
kwento ni Tom.

"Yung pagkakaroon niyo pa lang ng secret affair, mali na. It was so selfish of
you!" galit na pagsabat ni David.

"Sorry!" sigaw ni Tom.

"The damage has been done!" sagot ni David na biglang sumugod kay Tom na parang
sasapakin ito.

David's fists were tight and closed. Nanginginig na ito sa galit. They all thought
na sasapak siya, pero after a few seconds ay umalis na siya ng living room at
umakyat na sa kwarto.

"Pareho ko kayong kapatid, pero sa tingin ko, kampi ako kay David. Iba ang ginawa
mo, Kuya Tom. Hindi ako makapaniwala. Selfish ka!" galit na sabi ni Shiro sabay
walkout at sunod kay David.

Tom slouched in the sofa and started to cry. Iba siyang umiyak. Pahikbi-hikbi muna
habang lumalakas pag tumatagal. He is type of guy na minsan lang umiyak, depending
on the difficulty of the problem or situation.

Tom looked at Carlos.

"Ano? Alam ko, galit ka na ulit sa 'kin. Sige na, sundan mo na sila. Iwanan mo na
'ko. Ako naman talaga yung mali." humihikbing sabi ni Tom.

"Ulol. Eh di pag sumunod ako sa kanila, wala ka nang kakampi. Kawawa ka naman."
biglang sabi ni Carlos.
"Hindi ko kailangan ng awa." naaasar na sabi ni Tom.

"Magkakampi na tayo diba, kaya di kita iiwan." sabi ni Carlos habang tinatapik sa
balikat ni Tom.

Ilang saglit lang ay tumayo na si Carlos.

"Wala palang iwanan ah." naaasar na sabi ni Tom.

"Gago. Ikukuha lang kita ng tubig. Kanina ka pang iyak ng iyak eh." sagot ni
Carlos.

Sa gitna ng pag-iyak ay napatawa si Tom kahit ilang segundo lang. His feelings
somehow lightened dahil sa pinapakita sa kanya ni Carlos.

"Salamat." mahinang sabi ni Tom.

**********************

Kinabukasan, nagmamadaling lumabas si Tom ng mansion compound. May gusto kasing


makipagkita sa kanya sa labas ng gate. Tom feels more alarmed than excited. Pawis
na pawis siya habang nagmamadaling maglakad.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ni Tom pagkalabas ng gate.

Standing in front of him is Angel Gomez, a 20 year-old college dropout na ex-


girlfriend ni Tom. She is a petite, brown-eyed girl with cunning looks. May pagka-
morena din siya, at hindi naging issue sa kanya ang pagiging 2 years older niya sa
binata.

"Ikaw talaga. Hindi mo ba ako nami-miss?" flirt na sabi ng dalaga.


"Hindi!" firm na sagot ng binata.

"Ows? Kahit yung mga escapades and adventures natin dati?" flirt na sabi ni Angel
sabay lapat ng daliri sa dibdib ng binata.

Nakiliti si Tom sa ginawa ni Angel. But still, hindi pa rin siya makasagot sa
tanong.

"I missed you boy." bulong ni Angel sabay yakap at halik sa mga labi ng binata. She
kissed him torridly until hindi na nakapagpigil pa ang binata. It took him one
minute to finally resist the kiss.

"Umalis ka na! Madami akong problema ngayon kaya huwag ka nang dumagdag pa."
biglang sigaw ni Tom sabay tulak kay Angel.

"Problema? Sisiw lang yan para sa 'yo." malanding sabi ni Angel.

"No! Hindi mo naiintindihan. May girlfriend na ako, at magiging tatay na ako in 7


months. Now, get out of my life!" sigaw ni Tom habang tumuturo palayo.

"Oh, really? Well, I don't care kung may girlfriend ka na. Wala naman akong balak
makipagrelasyon pa sa 'yo. All I want is fun... fun... fun." kagat-labing sabi ni
Angel.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Puro libog lang ang pinapairal mo!" sagot ni Tom.

"Ouch! Nagbabago rin naman ang tao, and I'll give you a short advice. Relax. Wag
mong seryosohin ang problema mo. Sumama ka muna sa 'kin, at kalimutan natin ang mga
'yan." nakangiting sabi ni Angel sabay extend ng kanyang right hand.

Hindi makasagot si Tom. Inis na inis na siya kay Angel, kaya bigla na lang niyang
naitulak nang malakas ang dalaga. He immediately went inside the compound and
instructed the guards to let her go.
**********************

"Wow! You speak good English, huh." natutuwang sabi ni Charles kay Kari.

"Thank you." sagot ni Kari.

Ito ang narinig ni Shiro pagkapasok na pagkapasok niya ng kitchen para kumuha ng
maiinom. Magkatabi sina Charles at Kari habang nag-uusap at nagbibiruan. Naasar si
Shiro kaya sumali siya sa usapan.

"O, anong kaguluhan 'to?" tanong ni Shiro.

"Wala. Nagkukuwentuhan lang po kami. That's all!" nakairap na sabi ni Kari sabay
flip ng kanyang buhok.

"Ah, ganun. So, magaling ka nang mag-English nyan?" pang-asar ni Shiro sa dalagita.

Nayabangan si Kari sa sinabi ng binata.

"Wow! Ang lakas ng hangin! Ang yabang naman nito. Hoy, for your information, Best
in English kaya ako sa Mataas na Paaralan ng San Antonio de Padua!" proud na
pagkasabi ni Kari sabay pal okay Shiro.

"Excuse me. May I know what you two are saying? I don't understand Filipino that
much." biglang reklamo ni Charles na nao-out of place kapag nag-uusap na sina Shiro
at Kari.

"Kari said that she likes you very much!" nakangiting sabi ni Shiro kay Charles,
sabay tawa kay Kari.

Bago pa man maipagtanggol ni Kari ang sarili, mabilis na sumagot si Charles.

"Really? Well, I like you too." nakangiting sabi niya kay Kari.
"I'm so flattered!" kinikilig na sabi ni Kari habang nagpapa-cute sa foreigner.

"You're cute, you're cool..." patuloy na pagpuri ni Charles sa dalagita.

Naaasar si Shiro sa pag-uusap ng dalawa. Halatang namumula na si Kari sa kilig


habang amazed din sa kanya si Charles. Si Shiro na ngayon ang na out of place.

"Ipagtimpla mo nga ako ng orange juice!" biglang utos ni Shiro kay Kari.

"Madami pang juice sa ref. Kumuha ka na lang." sagot ni Kari sabay balik sa
pakikipag-usap kay Charles. Bumuntong hininga sa inis si Shiro.

"Ayoko nung nasa ref. Gusto ko yung freshly squeezed. Ipaggawa mo 'ko!" utos ulit
ni Shiro.

"Arrrggghhh! Nakakainis ka talaga!" naiinis na sabi ni Kari sabay tayo habang


nagdadabog.

Walang nagawa si Kari kundi ang sumunod. Alam niyang katulong lang siya sa bahay at
walang ibang gagawa sa inuutos ni Shiro kaya napilitan siyang mag-squeeze ng
oranges. Umalis na din muna si Charles kaya patawa-tawa na lang si Shiro habang
pinapanood ang dalagita.

**********************

Lalabas sana si Edward para makapag-swimming sa mansion pool nang bigla niyang
nakita si David na mag-isang nagbabasa ng libro sa may living room. Naisip niyang
kawawa naman ang kapatid dahil nakita niya kung paano ito naglabas ng sama ng loob
kay Tom nung isang gabi. Nilapitan niya ito at kinausap.

"Narinig ko yung usapan niyo kagabi." sabi ni Edward habang busy sa pagbabasa si
David.

After a few seconds ay isinara na ni David ang librong binabasa at tuluyan na itong
binitawan para makipag-usap kay Edward.

"Masama lang talaga ang loob ko." sagot ni David.

"Naiintindihan kita." malungkot na sabi ni Edward sabay akbay sa kapatid.

"Kung ako yung nasa sitwasyon mo, magagalit din ako, kahit kapatid ko pa yan. Hindi
tama yung ginawa niya. Pinagmukha ka niyang tanga. Papayag ka ba nun? Payag ka bang
lagi ka na lang pinagtataguan ng sikreto, o kaya nilalamangan?" litanya ni Edward
kay David.

Nakikinig lang nang mabuti si David.

"David, hindi ka pinanganak na mahina. Lumaban ka. Huwag mong hayaang tapak-tapakan
ka. You're better than him, tandaan mo yan." pahabol ni Edward habang sumasang-ayon
sa kanya si David.

"Salamat, Kuya Edward ah. Buti ka pa. Buti pa kayo ni Shiro, naiintindihan ako. Si
Kuya Carlos, hindi ko alam. Mas kampi siya kay Tom." malungkot na sabi ni David.

"Hindi naman sa paninira, pero pansin ko, may pagka-balimbing yang si Carlos. Hindi
mo alam kung ano ang pinaniniwalaan niya. Mag-iingat ka sa mga ganyang klaseng tao.
Sala sa init, sala sa lamig." sermon ni Edward.

"Tama ka. Wala namang ginawa si Kuya Carlos kundi ang i-correct at i-criticize ako
palagi. Minsan nga, pag nasa school kami, madalas niya akong napapahiya." naiinis
na sabi ni David.

"Hindi niya dapat ginagawa 'yun. Dapat nga, as a brother, he should always see the
best in you. Hayaan mo, nandito naman ako eh. Kakampi mo din ako." nakangiting sabi
ni Edward.

David felt better after hearing Edward's advice. Nakagaanan niya agad ng loob ang
bagong kapatid. Nanghihinayang nga lang siya at nagkakasamaan na sila ng loob nina
Tom at Carlos, gayung may misyon pa silang kailangang tapusin.

"Century Treasure?" amazed na sabi ni Edward sa narinig kay David.


"Oo. Para daw maisalba namin ang St. Patrick's Academy, at para na rin mabawi ang
St. Catherine's Academy, kailangan naming kumpletuhin ang apat na alahas." kwento
ni David.

"Interesting! Sayang, at walang in-assign sa 'kin. Tell me more." nakangiting sabi


ni Edward who got interested with the mission. Nagkwento agad si David.

**********************

Iyak nang iyak si Mindy sa harap ng salamin ng isang washroom sa St. Catherine's
Academy. Natatakot siyang sabihin sa kanyang mga magulang na hindi siya makakapag-
enroll dahil sa kanyang kalagayan.

Hindi niya namalayang nasa loob pala ng isang cubicle si Miss Natalia na narinig
ang kanyang mga hinaing.

"Mindy, my dear. You are still young. Bakit mo kailangang pahirapan ang buhay mo?"
sabi ni Natalia sa dalaga habang nakaharap sila sa salamin.

"Miss Natalia, please help me! I want to finish high school next March. I'm sure my
parents will get mad at me." umiiyak na sabi ni Mindy sabay yakap kay Natalia.

"Of course, Mindy. I'll help you, and I have a brilliant solution." nakangiting
sabi ni Natalia.

"Salamat po. Ano po 'yun?" tanong ni Mindy.

"Very simple. We'll get rid of the baby." nakangiting sabi ni Natalia.

"What?" gulat na pagkasabi ng dalaga.

"Yes! Come with me!" sabi ni Natalia sabay hila sa kamay ni Mindy palabas ng
washroom.

A few moments later, Mindy found herself in a hidden abortion clinic owned by a
quack doctor whom Natalia knows. Kinakabahan ang dalaga pagpasok ng kwarto. Mas
lalo siyang nanginig nang makita niya ang mga bottles na may mga lamang fetus.

"Umalis na lang po tayo." natatakot na sabi ni Mindy.

"Nandito na tayo, so let's proceed. Besides, you'll thank me afterwards."


nakangiting sabi ni Natalia sabay hawak sa mukha ng dalaga.

Inutusan na ni Natalia ang doktor at pinahiga na nila si Mindy sa isang mini-bed


kung saan gagawin ang abortion process. Labis na pinagpapawisan ang dalaga habang
unti-unting pinabuka ang kanyang mga hita.

"Calm down, hija." nakangiting sabi ng doktor.

Mula sa pagiging uneasy, unti-unti ding tumulo ang mga luha ni Mindy. Hindi siya
makapaniwalang magpapa-abort na siya ng bata at an early age. She closed her eyes
and crossed her right fingers.

"Lord, please help me. I'm very sorry!" umiiyak na sabi ni Mindy.

As the doctor was about to get her tools, the door was slammed and opened.

"Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang malakas na boses.

END OF CHAPTER 16
####################################
Chapter 17
####################################

Blue Brothers

(Chapter 17 - Cherry Blossom Trees)


Some scenes contain mature language and content. These scenes are not suitable for
very young readers. Parents strongly cautioned.

"Tom!" malakas na sigaw ni Mindy.

Tom crashed in habang kita sa mukha niya ang galit. Masama ang tingin niya kay
Natalia pati na din sa doktor. Natalia was also in rage pagkakita sa binata. Sinira
na naman nito ang mga plano niya.

"Mindy! What is this? Bakit nalaman ni Tom na nandito tayo?" galit na tanong ni
Natalia.

"Sorry, Miss Natalia. Sobrang unsure po ako kaya tinext ko na si Tom kanina. I'm
really sorry. Hindi ko po talaga kayang patayin yung bata." umiiyak na sabi ni
Mindy habang bumabangon.

"Wala kang kwenta!" galit na sigaw ni Natalia.

"Mas wala kang kwenta! Mamamatay-tao!" galit na sagot ni Tom sabay yakap kay Mindy
para protektahan ang dalaga laban sa mga babalakin ni Natalia.

"Tom!" umiiyak na sabi ni Mindy habang nakayakap sa binata.

"Ang ayoko sa lahat, yung ume-epal sa mga gawain ko!" sagot ni Natalia.

"Naiintindihan ko na kung bakit labis ang galit sa 'yo ni Carlos. Kung ako siya,
itatakwil din kita!" sigaw ni Tom.

"Punyeta!" sabay sampal nang malakas ni Natalia kay Tom.

Muntik nang masapak ni Tom si Natalia pero pinigilan ito ni Mindy. Mas g-grabe pa
daw ang sitwasyon kung magtatalo pa sila. The guy held Mindy's hand and they went
out of the clinic.
**********************

Tahimik na pumasok si Shiro sa office ni Frank. Hindi niya alam kung bakit siya
pinatawag. As he entered the room, he saw Frank holding a red box. Hinarap siya
nito at ibinigay sa kanya ang kahon. Agad naman niya itong tinanggap.

"Ano po 'to?" tanong ni Shiro.

"Buksan mo." sabi ni Frank.

Binuksan ni Shiro ang kahon at nakita niya ang pictures ng isang Japanese girl.
Karamihan sa mga pictures ay nakasuot ito ng school uniform.

"I think it's about time na makilala mo na ang nanay mo." sabi ni Frank.

Isa-isang tinitingnan ni Shiro ang mga litrato, pati na din ang mga gamit na kasama
nito.

"She's Shizuka Hanaoka."

"Ang cute po niya, parang yung sa mga napapanood kong live-action series."
natutuwang sabi ni Shiro.

"Yes, she looks sweet, but she's not as sweet as you think." paliwanag ni Frank.

Nagsimula na siyang magkwento tungkol sa buhay ni Shizuka. It was spring of 1994


when he and Johnny decided to go to Japan for a vacation.

"Pare, nakaka-guilty naman 'tong pagpunta natin sa Japan. Two months na lang,
manganganak na si Jane. Tapos si Carlos, naiwan lang sa bahay kasama ang mga yaya."
sabi ni Frank.

"Sandali lang naman tayo dito. I just feel like playing around." nakangiting sabi
ni Johnny.

"Isang taon ka nang nagp-play around. Madami ka pang kailangang asikasuhin gaya ng
pagtuturo mo sa St. Patrick's." sabi ni Frank.

"Frank, sinama kita dito bilang kaibigan, hindi bilang magulang." sabi ni Johnny
sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

Every night, they roamed the streets and went from one bar to another. When they
passed by an alley, may nakita silang mga lalakeng nagkukumpulan sa tabi. Natatakot
nang makialam si Frank, pero malakas ang loob ni Johnny.

Nakita niya ang isang high school student na hawak hawak ng isang matandang lalake.
Mukhang di nasisiyahan ang babae sa kanyang kasama. Maya-maya ay nakita niyang
sinampal siya ng pera sa mukha at hinila sa braso.

" Stop!" sigaw ni Johnny na may hawak na malaking kahoy.

Agad na nagtakbuhan ang mga lalake, kasama na ang matanda. Naiwang mag-isa ang
babae. Nilapitan siya ni Johnny at kinausap.

"Okay?" tanong ni Johnny sa takot na baka hindi siya maintindihan nito.

"Yes, I'm okay." sagot ng babae. Nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng English,


dahil pangarap daw niyang makapag-aral ng college sa America.

Nagpakilala siya bilang Shizuka Hanaoka, isang 18 year-old senior high school
student. Hindi siya nagdalawang-isip na amining isa siyang prostitute na gabi-
gabing nasa mga bars at love hotels para mag-entertain ng mga clients. Karamihan
daw sa mga clients niya ay mga businessmen at tourists.

"Want to get my service? You're handsome. I'll give you discount." nakangiting sabi
ni Shizuka.

Ayaw pumayag ni Johnny pero pinilit siya ng babae hanggang sa i-offer niya ang
sarili niya for free. Gusto lang daw niyang magpasalamat sa ginawa nitong
pagliligtas sa kanya. Hindi na din nakatiis ang binata dahil maganda at makinis si
Shizuka.

The two became friends. For one week, palagi silang namamasyal pagkatapos pumasok
sa school ng dalaga.

"I love spring. Nice cherry blossom trees." nakangiting sabi ni Shizuka habang
tinuturo ang mga puno sa park.

"Yeah. Very beautiful, like you." sagot ni Johnny.

It was time for Johnny to go back to the Philippines. They exchanged addresses and
phone numbers at nangakong magkikita ulit sometime.

"Here, take this bracelet! Sell this and do not go back to prostitution." sabi ni
Johnny sabay abot ng alahas.

"Thank you." sagot ni Shizuka.

Makalipas ang ilang buwan, tumawag si Shizuka sa mansyon para ipaalam na malapit na
niyang isilang ang magiging anak nila ni Johnny. Lumipad naman agad patungong Japan
ang binata para samahan si Shizuka sa panganganak.

"May I see our son?" excited na tanong ni Johnny kay Shizuka. Labis ang tuwang
nadama niya nang mahawakan at makita ang anak.

"Is it your first time to be a father?" tanong ni Shizuka.

"No. I already have three sons in the Philippines. He is the fourth." sagot ni
Johnny.

"Then, let's name him Shiro. That means 'the fourth son'." paliwanag ni Shizuka.

Nagulat din si Johnny nang sabihin ni Shizuka na pwede nang iuwi sa Pilipinas si
Shiro. Hindi daw niya ito maaalagaan, dahil hindi niya matakasan ang trabahong
pinasok niya. Nabaon siya sa utang at maraming businessmen ang naghahabol sa kanya.
Shizuka hugged and kissed Shiro for the last time. Tears were falling from her
eyes. Hiniling niya na sana ay magkita pa sila sometime paglaki ng binata. Pero
hindi na ito nangyari.

"Sayonara, Shiro!" umiiyak na sabi ni Shizuka habang iniaabot ang baby kay Johnny.

Iyak nang iyak si Shiro habang nakikinig sa kwento ni Frank.

"Ano na pong nangyari? Bakit po siya namatay?" umiiyak na tanong ni Shiro.

"She continued to work in bars and hotels, para lang mabayaran ang mga utang niya.
Nung natapos na ang mga obligasyon niya, she decided to visit you here, pero
nalaman niyang she was already infected with HIV. Unti-unti na siyang nanghina at
hindi na siya pinayagang makaalis ng bansa. She died in the spring of 1996." kwento
ni Frank.

Patuloy pa ring umiiyak si Shiro. Niyakap siya ni Frank for comfort and support.

"Pasensya na at kailangan mong malaman lahat 'yan." sabi ni Frank.

"Nagpapasalamat nga po ako at nalaman ko din ang tungkol sa nanay ko. Sa kwento
niyo, naramdaman ko po kung gaano niya ako kamahal. Hindi ko po siya ikinakahiya."
umiiyak na sabi ni Shiro.

"Mabuti naman."

"Teka nga po muna, nasaan na po pala yung bracelet na ibinigay ni Dad sa kanya?"
biglang tanong ng binatilyo.

"Hindi ko na rin alam. Nung namatay siya, hindi na namin mahanap yung bracelet.
Nagtanong-tanong pa nga kami sa mga kamag-anak at kaibigan niya, pero wala kaming
nakita o nakuha." paliwanag ni Frank.

"Eh, paano na po 'yun?" tanong ng binatilyo.


"Hayaan mo. Mahahanap din natin 'yun." sagot ni Frank sabay tapik sa balikat ni
Shiro.

**********************

Sa isang kwarto naman ay busy si Edward sa pag-aayos ng kanyang mga gamit nang
biglang pumasok ang kanyang kapatid na si Charles.

"Hey, you seem so busy." nakangiting sabi ni Charles.

"Yeah. It's been a while since I've fixed my things. Anyway, I have an appointment
later, so tell the maids that I won't be having dinner here." bilin ni Edward.

"Where will you go?" tanong ni Charles.

"Oh, it's nothing. Don't worry about it." sagot ni Edward.

Habang nag-aayos si Edward ay biglang napansin ni Charles ang kumikinang na


bracelet na kasama sa mga gamit ng kanyang kapatid.

"Hey, I didn't know you have such expensive jewelry." nakangiting sabi ni Charles
habang pinagmamasdan ang bracelet.

"Let me have that! You can have my things except this one." biglang bawi ni Edward
sa kapatid.

"Why is that so special to you? I know that you just stole that." galit na sagot ni
Charles.

"Yes, I admit! I stole it from a Japanese tourist who was having business in
Britain." sabi ni Edward.
"Sigh, now when will you ever change? When will you stop being a thief?" galit na
tanong ni Charles.

"I dunno. I'm a crook. Once a crook... always a crook. Now if you'll excuse me, I
have other things to do. I want to be alone." sabi ni Edward. Naasar lang si
Charles kaya iniwanan na niya ang kanyang kapatid.

**********************

It's dinner time at kadarating lang ni Hillary sa Flavors. She will meet Edward
after accepting a dinner date with him. She's bored and depressed kaya naisipan din
niyang lumabas-labas. But of course, Edward is just a friend to her. Si Carlos pa
din talaga ang mahal niya.

"You're here!" natutuwang sabi ni Edward na kanina pang nakaupo.

Nagulat si Hillary nang makitang may kasama pala si Edward.

"Nga pala, this is my British friend, William Harley. He's on vacation kaya sinama
ko na siya sa dinner. I hope it's okay with you." nakangiting sabi ni Edward kay
Hillary.

"It's okay. Hello, William." sabi ni Hillary.

"Edward is right. You're very beautiful." nakangiting sabi ni William sabay hawak
sa kamay ng dalaga. Ngumiti lang si Hillary na may halong kilig. Mukha kasing
prinsipe ang kaibigan ni Edward.

Nagsimula nang mag-dinner ang tatlo. Most of the time ay tungkol kay Hillary ang
pinag-uusapan nila.

"Bakit parang hindi ka mapakali?" tanong ni Edward kay Hillary.


"Hindi ko alam. Parang may kanina pang nagmamasid sa 'kin." kinakabahang sabi ni
Hillary sabay tingin sa paligid niya.

"Wala naman ah. Baka nagagandahan lang sa 'yo." natatawang sabi ni Edward.

Before dessert, nagpaalam na muna si Edward para manigarilyo sa labas, leaving


Hillary and William at the table.

"So, how old are you? I'm 20." nakangiting sabi ni William sabay hawak sa kamay ni
Hillary.

Bago pa man makasagot si Hillary, nagulat siya nang biglang nagpakita si Carlos sa
table nila. Nagtaka si Hillary kung bakit na lang siya biglang hinihila ng binata.

"Ano bang problema mo? Can't you see na may kausap ako?" sabi ni Hillary.

"Can't you also see na binebenta mo na ang sarili mo sa kanya? Na binubugaw ka na


ni Edward?" galit na sabi ni Carlos sabay hatak nang malakas sa braso ng dalaga.

"Hey! Stop bugging my girl! I paid for her!" galit na sabi ni William sabay tayo
para makipag-away kay Carlos.

Agad na sinapak ni Carlos si William. Sa sobrang lakas ng sapak ay napadapa ang


foreigner sa sahig.

Hillary was shocked with William's statement. She got disgusted with the fact that
she's being pimped as an escort for Edward's foreigner friend.

"She's not for sale, or for hire!" sabay sipa ni Carlos sa foreigner.

Kagulo ang mga tao sa restaurant. Mabuti na lang at kilala si Carlos ng restaurant
owner kaya sina William at Edward ang pina-ban sa lugar.

"Tara na!" sigaw ni Carlos kay Hillary sabay hila sa kamay nito palabas ng Flavors.
"Sandali lang!" galit na sabi ni Hillary sabay lapit kay Edward.

"Gago!" sabay sampal ni Hillary sa binata using her back hand. Nagmarka ang sampal
sa pisngi ni Edward sa sobrang lakas nito.

Iyak nang iyak si Hillary sa parking lot habang kasama niya si Carlos.

"Salamat ah. Alam ko nang sasabihin mo. Ang tanga tanga ko dahil nagpauto ako kay
Edward!" umiiyak na sabi ni Hillary.

"Gago lang talaga yang Edward na 'yan! Wala 'yun. Ginawa ko lang naman yun dahil
gusto kong protektahan yung magiging anak natin." sabi ni Carlos.

"So, pananagutan mo na yung bata?" gulat na sabi ni Hillary.

"Ganun na nga. Pero don't get me wrong ah. Yung bata lang ang pananagutan ko, hindi
ikaw ang babalikan ko." nakangiting sabi ni Carlos.

"That's fine with me. Na-realize ko din na hindi ako dapat makisiksik pa sa 'yo.
Ayos na sa 'kin yung nakakapag-usap tayo nang casual. Nga pala, paano mo nalamang
binubugaw na ako?" nakangiting sabi ni Hillary.

"Narinig ko yung pag-uusap nila sa mansyon, kaya ayun, sumunod kaagad ako sa
Flavors. Umupo ako sa kabilang table. Ako yung nagmamasid sa 'yo." paliwanag ni
Carlos.

"Ahh, kaya pala. Salamat talaga." sabi ni Hillary. She smiled at Carlos, but the
guy didn't smile back. Hinayaan na lang niya as she wiped her tears.

**********************

"Century Treasure? Hmm... interesting!" natatawang sabi ni Natalia habang kausap si


Edward sa kanyang office. Kakakwento lang ng binata ang tungkol sa kayamanan at ang
mga alahas na kailangang makumpleto.

"Mabuti na lang pala at inalagaan ko pa ang singsing na bigay ni Johnny sa 'kin


dati. Muntik ko na 'tong maitapon sa basurahan. Hahaha!" natatawang sabi ni Natalia
as she looks at the ring on her finger.

Tahimik lang si Edward habang nakaupo.

"O, anong inaarte mo dyan? Wag kang mag-alala. Pag nahanap natin yung treasure, 50-
50 tayo." nakangiting sabi ni Natalia.

"Naisip ko lang kung bakit hindi nabigyan ni Dad ng alahas ang mother ko."
malungkot na sabi ni Edward.

"Kasi nga, Johnny hated your mother. Pinikot lang siya ng nanay mo, kaya ka nabuo.
That's the reason kung bakit hindi ka niya dinalaw or pinahanap man lang. He
doesn't want you. In fact, he despises you. Tingnan mo si Tom, talagang ginusto
niyang makasama, at included pa sa last will and testament. Eh ikaw? Wala!" sabi ni
Natalia.

"I really hate my father!" galit na sabi ni Edward with his fists closed.

"Kaya nga kita inuwi dito sa Pilipinas, para makaganti ka kay Johnny. Kahit patay
na siya, at least, sisirain mo ang mga kapatid mo. The treasure will be ours, at
maghihirap sila na parang daga! Hahaha!" natatawang sabi ni Natalia sabay taas ng
kanyang wine glass.

**********************

Tahimik na nakipagkita si Tom kay Angel sa labas ng mansion compound. Umagang-umaga


pa lang at tulog pa ang kanyang mga kapatid.

"Ikaw ah, umaga pa lang, nami-miss mo na ako." nakangiting sabi ni Angel sabay
hawak sa mukha ni Tom.
Bumuntong hininga muna ang binata bago ulit magtanong kay Angel.

"Angel, naalala mo nung nag happy-happy tayo nung isang araw? May ininom tayo nun
eh. After that, parang gumaan ang pakiramdam ko. I feel so happy after drinking.
Alam ko may something dun sa ininom ko." mahinang sabi ni Tom.

"You liked it, huh." natatawang sabi ni Angel.

"Oo. Ano bang nilagay mo dun?" tanong ni Tom.

Angel just smiled and opened her handbag. May isang maliit na sachet na nakalagay
sa loob ng isang pocket. Kinuha niya ito at pinakita kay Tom.

"Eto ba?" nakangiting sabi ni Angel.

Tom immediately grabbed the sachet. He looked at it and confirmed na prohibited


drugs ito. Hindi na siya nag-isip pa at ibinulsa na ito.

END OF CHAPTER 17
####################################
Chapter 18
####################################

Blue Brothers

(Chapter 18 - Baby Boom)

Dumaan ang pitong buwan at unti-unti nang nakakapag-adjust sa college life sina Tom
at Carlos. Mas malawak at mas madamind estudyante sa Eastridge University kaya sa
una ay nahirapan silang mag blend-in. Hindi na sila kasing sikat tulad ng dati.

Parehong walang klase ngayong hapon ang magkapatid. Sabay silang naglalakad papunta
sa mga kainan. Habang nagde-decide kung saan kakain ay napansin ni Carlos na lately
ay laging masaya si Tom.

"Anong meron sa 'yo ngayon? Parang lagi kang puno ng energy. Lagi kang on the go
lately." nakangiting sabi ni Carlos.

"Siguro inspired lang ako ngayon." nakangiting sabi ni Tom.

"Inspired? Kanino?" tanong ni Carlos.

"Inspired... dahil... malapit na tayong maging tatay." sagot ni Tom.

Napaisip din si Carlos sa sinabi ng kapatid. Anytime ay pwede nang manganak sina
Mindy at Hillary. Madadagdagan na naman ang responsibilidad nilang dalawa.

"Kakayanin ba natin ang maging tatay?" nag-aalalang sabi ni Carlos.

"Oo naman. Tayo pa." sabay tapik ni Tom sa balikat ng kapatid.

Hindi pa man nakakarating sa mga restaurants ang magkapatid ay bigla silang inulan
ng mga egg yolk. They were caught off-guard dahil unexpected ang pagbuhos ng itlog.

"Aw, shit!" nandidiring sabi ni Carlos.

"Serves you right, monkeys!" natatawang sabi ng isang malakas na boses.

It was Edward, together with his British friends, William Harley and Harry Winston.
Pinagplanuhan nilang i-bully sina Tom at Carlos. Tawa nang tawa ang mga Briton
dahil nagmukhang basang sisiw ang magkapatid.

All of a sudden, Tom grabbed another egg yolk in the ground and threw it in
Edward's face. Magaling sa pag-target ang binata kaya sapul sa mukha si Edward.

"Hahahaha!" sabay tawa nina Tom at Carlos.

Asar na asar si Edward to the point na namumula na ang mukha niya sa kahihiyan,
kaya agad niyang hinamon ng sapakan ang magkapatid. Hindi naman uurong si Tom dahil
sanay siya sa mga basag-ulo nung nasa Cavite pa siya.

Bago pa man makaisa si Edward ay agad na siyang sinapak ni Tom. Sa lakas ng suntok
ay napadapa si Edward. Babangon pa sana siya pero agad naman siyang sinipa ni
Carlos sa hita.

"Hey, what are you doin'? Attack them!" utos ni Edward sa kanyang mga kaibigan.

Aatake na din sina William at Harry pero kinabahan sila nang biglang mag tag team
sina Tom at Carlos. Back to back ang posisyon ng magkapatid habang naka-ready na
ang kanilang mga kamao.

"I think we should go. Security is coming." kinakabahang sabi ni Harry.

"Yeah! C'mon!" sabi ni William sabay hila kay Edward palayo.

Naiwan ang magkapatid at agad silang nag high five pagkaalis nina Edward. Tawa lang
sila nang tawa dahil sa ipinakita niyang kaduwagan pati na rin ng kanyang mga
British friends.

"Eh mga no match pala 'yun eh." natatawang sabi ni Carlos.

"Nakita mo ba yung mukha ni Edward? Siya 'tong nagmukhang unggoy." natatawang sabi
ni Tom.

"Hey, what are you doin'? Attack them!" pagbibiro ni Carlos sa sinabi kanina ni
Edward.

"Duwag ang gago!" natatawang sabi ni Tom.

"Salamat ah. Siguro kung mag-isa lang ako, baka hindi ako naka-atake." nakangiting
sabi ni Carlos.

"Sus, ikaw pa. Baka nakalimutan mo kung paano mo ako atakehin nung high school pa
lang tayo. Ikaw nga 'tong malakas ang loob eh." sagot ni Tom.
"Besprend?" tanong ni Carlos sabay extend ng kanyang left hand.

"Besprend!" biglang pag-apir ni Tom sa kamay ng kapatid.

Pagkatapos ay gumawa din sila ng kanilang "astig" handshake, na para sa kanilang


tag team. Pabalik na sana sila ng kotse para makapagpalit ng damit nang biglang
tumawag si Frank kay Tom.

"Bakit po?" tanong ng binata.

Naalarma ang magkapatid nang sinabi ni Frank na sabay na isinugod sa ospital sina
Mindy at Hillary dahil manganganak na sila. Agad na nagmadali ang magkapatid.

**********************

Dismissal time na sa St. Catherine's Academy and as usual, nagtipon-tipon na naman


ang mga girls ng isang exclusive club, under their new queen bee.

"Miss Ara, I'm sorry for being late. May inasikaso lang po kasi ako sa..."
kinakabahang sabi ng isang freshman student.

"Sa lahat ng ayoko ay yung mga mababagal! Kaya as a punishment, hindi ka invited
sa assembly natin next month." mataray na sabi ni Ara habang dinuduro ang dalagita.

Naging madali para kay Ara ang maging queen bee dahil sa pagkawala ni Mindy sa
eksena. Siya kasi ang next-in-line. May mga nabago din sa rules ng club dahil hindi
na pwedeng gawing challenge ang pagsuko ng virginity sa mga estudyante ng St.
Patrick's Academy, matapos ang maraming imbestigasyon.

Dapat ay madi-dissolve na ang club pero dahil sa pakiusap ay pinayagan ulit sila
basta iba na ang challenges na gagawin.
"Wag naman po, Miss Ara." malungkot na pakiusap ng estudyante.

"Sumasagot ka pa ah! Get out of my sight! Now!" malakas na sigaw ni Ara sabay turo
sa pinto. Walang nagawa ang estudyante at lumabas ng kwarto na umiiyak.

**********************

Nasa living room lang si David at Shiro. Kapwa sila busy sa kanilang mga ginagawa.
Nagbabasa ng Math book si David habang ang isa naman ay busy sa kaka-type sa
laptop.

"Ang hirap palang maghandle ng student body!" reklamo ni Shiro habang nakatingin sa
laptop.

Si Shiro na ang bagong student council president ng St. Patrick's Academy. Hindi
sana siya tatakbo kung hindi lang siya pinakiusapan ni David, na ayaw nang sumabak
pa sa pulitika.

"Kaya mo 'yan! Ikaw pa! Kaya mong higitan yung ginawa ni Tom!" nakangiting sabi ni
David.

"Hayaan na lang natin siya. Basta ako, trabaho ko na lang iintindihin ko." sabi ni
Shiro sabay balik sa ginagawa.

Bago pa man nakabalik si David sa kanyang binabasa ay bigla siyang tinawag ni


Frank.

"David, I have something important to tell you." firm na sabi ni Frank.

Bago pa man makapagreact si David ay nagulat na siya nang nakita ang golden
necklace na hawak ni Frank. Alam niyang matagal na nila itong hinahanap.

"Y-yung necklace!" amazed na sabi ng binata.


"I'm sorry. Sorry kung naitago ko 'to sa 'yo... kay Johnny. Ayoko lang naman mawala
sa 'kin ang kaisa-isang alaala sa 'kin ni Jane. Pero ngayon, kailangang-kailangan
mo 'to." paliwanag ni Frank sabay abot ng necklace sa binata.

Sa wakas ay napasakamay na din ni David ang kwintas. As he was holding it, he felt
its shiny and edgy features. Halatang mamahalin at rare ang alahas.

"Ayos lang po 'yun." nakangiting sabi ni David habang pinapakita ang necklace kay
Shiro.

Naiinggit naman si Shiro dahil hindi pa din nila nahahanap ang bracelet na para sa
kanya.

**********************

It's almost 7:00 in the evening pero hindi pa din tapos ang labor nina Mindy at
Hillary sa delivery room. Pawisan na sina Tom at Carlos habang paikot-ikot sa
corridors ng ospital. Sa bawat oras na lumilipas ay padagdag lang nang padagdag ang
kanilang kaba.

"Sana ligtas sila!" kinakabahang sabi ni Tom habang nakayuko.

"Oo nga. Pareho lang tayo ng nararamdaman." nanginginig na sabi ni Carlos sabay upo
sa tabi ng kapatid.

"Ilang saglit na lang, mga daddy na tayo." sabi ni Tom.

"Yeah. For sure, gwapo yung mga anak natin. Hindi na ako makapaghintay."
nakangiting sabi ni Carlos.

"Gusto ko nang makita si Baby Thomas. Yun ang ipapangalan ko sa kanya." sabi ni
Tom.

"Ako naman, tatay ni Baby Alfonso." natutuwang sabi ni Carlos.


Matagal-tagal ding naghintay ang dalawang binata hanggang dumating na ang 9:00pm.
Pinatawag na sila ng isang doktor.

"Doc! Kumusta po sila?" excited na sabi ni Tom.

Tahimik lang ang doktor at dinala silang dalawa sa isang malaking suite room kung
saan nakahiga na sina Mindy at Hillary. Tuwang-tuwa ang dalawang dalaga pagkakita
nila kina Tom.

"Mr. Carlos dela Cruz and Ms. Hillary Cortez, I'm happy to say that your bouncing
baby boy is on his way to this room. Makikita niyo na siya." nakangiting sabi ng
doktor.

Ilang segundo lang ay pumasok na ang nurse dala si Baby Alfonso. Tuwang-tuwa sina
Carlos at Hillary pagkakita sa bata. Aliw na aliw sila habang nilalaro ito.

"Tisoy na tisoy ang bata. Mana sa 'yo Carlos oh! Ang kapal ng kilay!" natatawang
sabi ni Hillary.

"Sa 'yo din! Ang tapang ng mata eh." natatawang sabi ni Carlos.

Nagkatinginan sina Carlos at Hillary na para bang unti-unting nawawala ang pagka-
ilang nila sa isa't-isa. All they want is to be a good parent to their son.

"Eh doc, yung anak namin ni Mindy? Nasaan na po?" excited na tanong ni Tom sabay
hawak sa kamay ng dalaga.

Umiling ang doktor.

"I'm sorry to tell you this... but... your son did not make it. Your son is dead."
sabi ng doktor.

"No! No! No!" biglang iyak ni Mindy sabay yakap kay Tom.
Lalong hindi makapaniwala si Tom sa mga nasabi ng doktor. He also bursted into
tears. Napaluhod pa nga siya sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Carlos got
up and hugged his brother, for comfort and support.

"Bakit? Bakit yung baby pa namin?" umiiyak na sabi ni Tom.

"Just be strong. Baka may ibang dahilan. I don't know." mahinahong sabi ni Carlos
habang yakap pa din si Tom na halos hindi na makatayo sa sobrang pagka-depressed.

Lumabas na lang ang doktor dahil hindi niya nakayanang makita sina Tom at Mindy na
nag-iiyakan.

"Task accomplished, Ma'am! The guy's son is dead." nakangiting sabi ng doktor
pagkalabas niya ng kwarto.

"Gracias! Sabi ko na nga ba at loyal ka pa din sa 'kin after all these years."
nakangiting sabi ni Natalia sabay tapik sa balikat ng doktor.

"Bakit ba galit ka sa Tom na 'yun, at nakuha mo pang ipapatay ang anak niya?"
tanong ng doktor.

"Dapat lang 'yan sa kanya, dahil inagaw ng nanay niya ang lalakeng mahal ko." galit
na sabi ni Natalia.

"Parang telenovela lang ah." natatawang sabi ng doktor.

"Nung hindi pa siya ipinapanganak ni Clara, gusto ko na siyang patayin. Peste yang
Tom na yan. Sana hindi na lang siya nabuhay, pero at least, napatay ko ang anak
niya. I feel like a real winner! Hahahaha!" natatawang sabi ni Natalia.

"Correction! Ako ang pumatay. Ikaw ang nagpapatay." nakangiting sabi ng doktor.

"Whatever! Alam mo, hindi ko alam kung bakit nakakapag-practice ka pa din ng


profession mo, eh mamamatay tao ka." natatawang sabi ni Natalia sabay bigay ng
envelope sa doktor.
Tawa lang nang tawa ang dalawa. Ang hindi nila alam ay kanina pa silang
pinagmamasdan ni Edward, na sumugod sa ospital para malaman kung nanganak na sina
Mindy at Hillary.

**********************

Makalipas ang ilang oras ay natigil na din sa pag-iyak sina Tom at Mindy. The guy
was just sitting in the sofa habang nakahiga pa din si Mindy at nakatulala.

"Tom..." mahinahong sabi ni Mindy.

Lumapit ang binata kay Mindy para marinig ang sasabihin.

"Ngayong wala na yung anak natin, I think there is no reason para ituloy yung
relationship natin." sabi ni Mindy.

"Bakit? Pati ba naman ikaw? Nasasabi mo lang yan kasi depressed ka. Mindy, please!"
gulat na sabi ni Tom.

"Sorry, Tom. Wala na talaga!" umiiyak na sabi ni Mindy.

Hindi na kinaya ni Tom ang sunod-sunod na problema niya sa buhay. He felt like he
was going through a mental breakdown. Napalabas na lang siya ng kwarto at tumakbo
sa kung saan. Hindi na siya nahabol ni Carlos.

Dumiretso siya sa restroom. Ni-lock niya ang pinto at siniguradong walang tao sa
loob. Kinapa niya ang kanyang bulsa at inilabas ang isang sachet na may lamang
bawal na gamot. Kumuha siya ng tatlong tablets at sabay-sabay itong ininom. He was
raging in fury habang nakaharap sa salamin.

In hard times like these, drugs na lang ang inaasahan ni Tom.


**********************

Desperado na si Carlos na makuha ang singsing kay Natalia. Desperado na rin siyang
mapabilis ang paglipat ng St. Catherine's Academy sa kanyang pangalan. Kaya naman
kinabukasan ay nakahanap siya ng pagkakataon para kausapin ang kanyang ina.

He secretly entered the gates of St. Catherine's Academy. Hindi ito alam ng kanyang
mga kapatid, lalong-lalo na si Tom.

He knocked on Natalia's office. Agad naman siyang pinapasok.

"Well, well, well. Look who's here... the prodigal son!" natatawang sabi ni
Natalia.

"Napagisip-isip ko na din yung sinabi mo dati." firm na sabi ni Carlos.

"Na ano? Na I'm a loving mother?" nakangiting sabi ni Natalia.

Tumango si Carlos without blurting a single word. Agad namang tumayo si Natalia
mula sa kinauupuan para yakapin ang anak.

"Oh, how I missed you, Carlos!" natutuwang sabi ni Natalia sabay yakap sa binata.

"I've realized na ikaw na lang ang magulang ko, at hindi sapat si Tito Frank as a
guardian. Kailangan pa rin talaga kita." nakangiting sabi ni Carlos.

"I'm glad you said that." sabi ni Natalia.

Tuwang-tuwa si Natalia sa kanyang naririnig. Pinaupo niya si Carlos, and they


started discussing things.
END OF CHAPTER 18
####################################
Chapter 19
####################################

Blue Brothers

(Chapter 19 - When the World Turns Its Back)

Makalipas ang isang linggo, bumisita ulit si Carlos sa office ni Natalia without
others knowing it. This time, kasama na niya ngayon ang kanyang anak na si Alfonso,
or Fonsy for short. Dinala niya ang bata para ipakita ito sa kanyang lola.

"Come to grandma, Fonsy! Cute little boy!" natutuwang sabi ni Natalia sabay buhat
sa anak ni Carlos.

"Sana mahalin niyo rin siya." nakangiting sabi ni Carlos.

"Of course. Kadugo ko rin 'tong batang 'to. He deserves to be loved." nakangiting
sabi ni Natalia sabay halik sa pisngi ni Fonsy.

Aliw na aliw si Natalia sa bata dahil mestizo ito.

"Natutuwa ako sa mga ginagawa mo para mapalapit sa 'kin. But I really want to make
sure na sa 'kin na ang loyalty mo." nakangiting sabi ni Natalia.

"Hindi pa ba ako loyal sa inyo?" tanong ng binata.

"Hmm... ewan. Ganito na lang. To make sure, I want to ask a simple favor from you.
Pag nagawa mo 'to, then mapapanatag na ang loob ko." sabi ni Natalia.

"Ano 'yun?"

"Bring me... Tom's golden compass!" natatawang sabi ni Natalia.


Napalunok si Carlos nang di oras. Nagulat pa nga siya kung paano nalaman ni Natalia
ang tungkol sa mga jewelries. Pero dahil sa kagustuhang makuha ang loob ng kanyang
ina ay napatango na lang siya.

**********************

The next day, hindi mapakali si Tom. Natataranta na siya at pinagpapawisan. Pauli-
uli siya sa kwarto at ginugulo ang kanyang mga gamit. Pati ang closet at ilang mga
drawers ay binubuksan na niya.

"Anong nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Carlos.

"Yung compass! Nawawala!" kinakabahang sabi ni Tom habang patuloy na hinahalungkat


ang mga gamit niya.

Tinamaan na kaagad ng guilt si Carlos. Awang-awa siyang makita si Tom na naghahanap


sa isang bagay na hindi na muna niya makikita pansamantala.

Kunwari ay tumutulong siya sa paghahanap para lang damayan ang kapatid, pero hindi
rin siya nakatagal.

"Baka naman naiwan mo lang kung saan. Ipahanap mo na lang sa mga maids." sabi ni
Carlos.

"Mabuti pa nga. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ko 'yun." malungkot
na sabi ni Tom habang pinagpapawisan.

Lumabas na lang si Carlos at hindi na nagpaalam kung saan pupunta. Sa sobrang


pagkataranta ni Tom ay umalis na din siya ng kwarto para maghanap sa labas. Baka
nga naman kung saan niya lang nailapag.

"David! David!" biglang sigaw ni Tom pagkakita sa kapatid.

"Bakit?"
"Nakita mo ba yung golden compass ko? Nawawala. Hindi ko na alam kung saan ko
hahanapin." natatarantang sabi ni Tom.

"Aba, malay ko? Problema mo yan! Burara ka kasi. Buti nga sa 'yo!" pabalang na
sagot ni David.

Agad na hinatak ni Tom ang braso ni David.

"Sumosobra ka na! Oo, may kasalanan ako sa 'yo, pero siguro naman bayad na ako.
Nawalan na ako ng anak... hiniwalayan na ako ni Mindy... ano pa bang gusto mo?!"
galit na sabi ni Tom.

"Yeah! So I guess, there's justice after all." sarcastic na sabi ni David.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kilala kita. Hindi ka naman ganyan dati ah."
nagtatakang sabi ni Tom.

"Kilala? Eh ka bago bago mo pa lang dito. Hindi mo ako kilala. I trusted you once,
pero sinira mo lang ang tiwala ko. I already hate you!" sabi ni David.

"Eh di sige. Magalit ka. Pero eto tatandaan mo. Huwag na huwag mong iwawala yung
necklace mo." sabi ni Tom.

"Eh paano pag winala ko?" pabarang sabi ni David.

"David naman! Seryoso ako! Magalit ka na sa 'kin habang buhay. Yan lang ang
pakiusap ko." sabi ni Tom, sabay alis.

Sarcastic pa din ang facial expressions ni David pagkaalis ng kanyang kapatid.


Iritang-irita siya sa bawat sinasabi nito. Palibhasa'y clouded na ng bias ang utak
niya.

Hindi pa man nakakaalis si David sa kanyang kinatatayuan ay bigla namang dumating


si Edward. Kanina pa siyang nakikinig sa usapan ng magkapatid.
"Daming sinasabi ni Tom, ano? Parang sirang plaka!" nakangiting sabi ni Edward
sabay akbay kay David.

"Sinabi mo pa! Nakakainis talaga si Tom. Actually, pati si Kuya Carlos, nab-bwisit
na din ako sa kanya. Parang wala nang time sa pamilyang 'to. Si Shiro na nga lang
ang nakakasundo ko, as usual. Pati ikaw... kayo ni Charles." sabi ni David.

"May mga panahon talagang sarili mo lang ang maaasahan mo. Tulad ngayon."
nakangiting sabi ni Edward.

"Tama ka! Ipapakita ko kay Tom na hindi niya ako basta basta mauutusan o
mapapakiusapan." galit na sabi ni David.

Nagtaka si Edward kung bakit biglang nagmadaling pumasok si David sa kanyang


kwarto. Maya-maya ay bumalik ito dala ang necklace na kabibigay lang sa kanya ni
Frank.

"O, bakit mo nilabas 'yan? Diba sabi ni Tom ingatan mo daw yan?" natatawang sabi ni
Edward.

"Ha! Utot niya! Gusto mo sa 'yo na lang 'to eh!" nakangiting sabi ni David.

"Talaga? Yang necklace, ibibigay mo sa 'kin?" nakangiting tanong ni Edward.

"Oo ba! Sa totoo lang, nawawalan na din ako ng pag-asang mahahanap namin yung
treasure. Nagkakalabuan na kaming magkakapatid, tapos yung iba, nawawalan pa. Kaya,
mabuting ibigay ko na lang sa 'yo, biglang pagganti ko na din kay Tom." nakangiting
sabi ni David sabay abot ng necklace kay Edward.

"Eh paano yung St. Patrick's Academy?" tanong ni Edward.

"Problema na ni Tom 'yun. After all, meron naman akong East Hill Resort and Spa,
diba? So yun na lang ang p-problemahin ko. Sawang-sawa na kasi akong maging shadow
ni Kuya Carlos, tapos dumating pa si Tom. I want to run my own race!" firm na sabi
ni David.
"Yeah! Nice decision!" natutuwang sabi ni Edward sabay high five kay David.

Nakaisa na naman ang Briton dahil dalawang alahas na ang nasa kanya - ang necklace
at ang bracelet, na dapat ay kay Shiro.

**********************

Bandang hapon ay may hindi inaasahang bisita si Shiro. Sa sobrang busy sa paglalaro
sa kanyang iPad ay hindi niya agad napansin ang pagdating ni Miss Melody sa
mansyon.

"Shiro! Belated happy birthday!" nakangiting sabi ni Miss Melody habang may bitbit
na cake.

"Miss Melody! Buti napadalaw kayo." natutuwang sigaw ni Shiro.

"Naku, sorry kung hindi ako naka-attend nung 17th birthday party mo last week.
Retreat kasi ng advisory class ko." nakangiting sabi ni Miss Melody sabay upo sa
sofa.

"Okay lang po yun. Masaya naman po ako sa pagdalaw niyo." sabi ni Shiro.

Napadaan si Kari at inutusan siya ni Shiro na dalhin ang cake sa kusina para ipa-
slice at nang makain na nila ni Miss Melody.

"Saka juice ah... yung freshly-squeezed. Hindi yung basta lang tinitimpla." utos ni
Shiro.

"Opo, senyorito!" sarcastic na sabi ni Kari sabay irap.

Natatawa lang si Shiro at patuloy pa rin sa pang-aasar habang natatanaw pa niya si


Kari.
"So, who's the pretty girl?" tanong ni Miss Melody.

"Si Kari, anak po ng yaya ko." nakangiting sabi ni Shiro.

Napangiti si Miss Melody at tiningnan niya si Shiro. Nagtataka naman ang binata sa
kung anong gustong ipahiwatig ng kanyang teacher.

"You like her?" nakangiting tanong ni Miss Melody.

Hindi agad nakasagot si Shiro. Maya-maya ay dumating na ulit si Kari dala ang isang
tray na may dalawang platitong cake slices at dalawang baso ng orange juice.

"Thank you ah." nakangiting sabi ni Shiro sabay kindat kay Kari.

"Che!" sagot ni Kari.

"Sungit! Huwag mong ubusin yung cake ah. Sige ka. Tataba ka." natatawang sabi ni
Shiro.

"Whatever!" sagot ni Kari sabay irap at make face habang papalayo kina Shiro.

Natawa si Miss Melody sa mga nasaksihan. Deep inside ay kinikilig siya nang
makitang nag-aasaran sina Shiro at Kari.

"Ano pong nakakatawa?" nagtatakang sabi ng binata.

"Wala lang. Ikaw kasi. Akala ko ba hihintayin mo ako? Eh di ka pa nga nagco-


college, mukhang pinagpalit mo na ako." pabirong sabi ni Miss Melody.

"Ha? Bakit po?"


"I was right. Ayan na. Mukhang you already found a girl na halos ka-age mo lang."
sabi ni Miss Melody.

Tahimik lang si Shiro. As he was eating his slice of cake, inakbayan siya ni Miss
Melody sa pakiramdam na may gustong sabihin ang binata.

"Sa totoo lang po, gusto ko si Kari. Bago ko siya makita, akala ko hindi ako
magkakagusto sa mga babaeng kaedad ko. Mahilig po kasi ako sa mga mas matured sa
'kin. Siguro naman po alam niyo 'yun. Pero nung nakita ko si Kari, nag-iba lahat.
Ang ganda niya." nakayukong sabi ni Shiro.

"How sweet. Eh bakit hindi mo siya ligawan? Hindi yung lagi mo na lang dinadaan sa
asaran. Baka mamaya, maunahan ka ng iba dyan, sige ka." nakangiting sabi ni Miss
Melody.

"H-hindi ko po alam eh." nag-aalangang sabi ni Shiro.

"Bakit? What's bothering you?" tanong ni Miss Melody.

"Nahihiya po ako eh. Hindi ko nga po alam kung bakit dati kapag sa inyo, malakas
ang loob ko. Vocal pa nga ako sa panliligaw sa inyo dati. Pero ngayon, natotorpe na
'ko." sabi ni Shiro.

Natawa ulit si Miss Melody.

"Mahal mo na nga. Ayaw pa kasing aminin." sabi niya.

"Ganun na nga po." sagot ni Shiro.

"I have a better idea. Kung nahihiya ka, why not take one step at a time. I forgot
to consider... mga bata pa pala kayo. Siguro bago umabot sa ligawan, you should get
to know each other muna." advice ni Miss Melody.

"Paano po?"
"Know each other's interests muna. Parang best friends muna, ganun. Tapos hayaan
niyo na lang na magdevelop into something more romantic. Hindi ba mas sweet yun?"
advice ni Miss Melody.

"Sige po. Salamat sa advice." nakangiting sabi ni Shiro sabay yakap sa teacher.
Lumakas din ang loob niya para makapagtapat ng nararamdaman kay Kari.

**********************

Sa isang Christmas party sponsored by the two leading high schools - St. Patrick's
Academy and St. Catherine's Academy, nagtipon-tipon ang lahat ng mga estudyante,
faculty at administrators. Present din ang alumni na sina Tom at Carlos.

"Merry Christmas, Caloy!" bati ni Tom sabay akbay sa kapatid.

"Salamat, Tomas! Merry Christmas din." sagot ni Carlos habang kumukuha ng desserts
sa buffet table.

Nag shake hands ang dalawa at nagpalitan ng regalo. Natutuwa si Tom dahil first
Christmas niya na magkasundo sila ni Carlos.

Nasa gathering din ang administrator ng St. Catherine's Academy na si Natalia. She
made a late but dramatic entrance dahil sa kanyang mamahaling red gown. Agaw pansin
siya sa lahat ng mga guests sa venue.

People can't help themselves in noticing Natalia's jewelries. Para siyang isang
celebrity na dumalo sa isang normal event.

Pero may ibang napansin si Tom. Bukod sa diamond ring ni Natalia ay may nakasabit
din sa leeg nito. Isang necklace na may golden compass. Isang compass na
kaparehong-kapareho ng sa kanya.

"Excuse me. Parang familiar yung compass. Pwedeng tingnan?" tanong ni Tom
pagkalapit kay Natalia.
"Bakit? Masyado bang maganda? Well, hindi kita masisisi. Pag promdi ka nga naman,
eh lahat na lang ng bagay ay maganda." natatawang sabi ni Natalia.

Tom confirmed that it was his compass. Agad itong nagtaka at nagalit.

"Akin yan!" sabi ni Tom sabay hablot ng compass kay Natalia. Pero sa bilis umilag
ng matanda ay hindi ito nakuha ng binata.

"Kahit anak ka ni Johnny, hindi ako magdadalawang-isip na ipadampot ka sa security.


Snatcher!" malakas na sigaw ni Natalia. Nagtinginan ang mga tao sa kanila.

"Ikaw ang magnanakaw! Ninakaw mo ang St. Catherine's sa Dad namin! Ninakaw mo ang
compass ko!" malakas na sigaw ni Tom. Nagugulat ang mga guests sa kanilang
nalalaman at naririnig.

"Tonto! Pareho talaga kayo ng nanay mo!" sigaw ni Natalia.

Bago pa man makapagsalita ulit si Natalia ay agad nang naghamon si Tom ng away.
Isinara na niya ang kanyang mga kamao na parang handa nang manuntok anumang oras.

"Huwag ka sa 'kin magalit. Bakit hindi mo tanungin yung best friend mo na si


Carlos? Siya lang naman ang nagregalo ng compass sa 'kin." nakangiting sabi ni
Natalia.

Tumingin si Tom kay Carlos. Nakayuko lang ito at hindi makatingin kay Tom.

"Totoo ba?" tanong ni Tom. Tumango si Carlos at tumabi siya kay Natalia, confirming
his new side.

Lalong nag-init ang dugo ni Tom. He raged in fury at bigla na lang niyang sinuntok
sa mukha si Carlos. Nagsigawan ang mga tao sa nasaksihan. Sa lakas ng suntok ay
napaupo si Carlos.

"Traydor!" sigaw ni Tom habang masama ang tingin sa kapatid. Nakaupo lang si Carlos
at hindi lumalaban.
"Ibang klase ka! Tuso ka talaga! Tinuring pa naman kitang kaibigan. Sabi ko pa nga,
ikaw na yung magiging best friend ko, pero pinagtaksilan mo ako... kami ng mga
kapatid mo... pati na rin si Dad. Sige. Magsama kayo ni Natalia. Mga demonyo sa
lupa!" galit na sabi ni Tom sabay labas ng luha sa mga mata niya.

Tuwang-tuwa si Natalia at convinced na siya sa loyalty ni Carlos. Nagwalk-out si


Tom sa party habang tinatanaw na lang siya ni Carlos.

Lingid sa kaalaman ni Natalia, Carlos was hurting inside. Patago siyang naluha.

"Sorry, Tom. I'm very sorry. Patawarin mo ako. I need to do this." humihikbing sabi
ni Carlos.

END OF CHAPTER 19
####################################
Chapter 20
####################################

Blue Brothers

(Chapter 20 - Sunsets and Fireworks)

THIS CHAPTER CONTAINS SCENES NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG READERS. PARENTS STRONGLY
CAUTIONED.

Invited ang magkakapatid sa isang bay cruise in time for New Year's Eve. Iilan lang
ang kasama at mga galing pa sila sa tinatawag na elite class. Late afternoon pa
lang ay nagsimula na ang lavish party at sabay-sabay nilang sasalubungin ang year
2012 sa barko.

Kumpleto ang Blue Brothers, pero halos hindi sila nag-uusap. May kanya-kanya silang
mga ginagawa dahil na rin sa rift ng magkakapatid. Invited din sina Mindy, Hillary,
at iba pang teenagers na nakapagpalista para sa event.

Present din sina Frank, Natalia at Edward. As usual, scene stealer na naman si
Natalia with her grand dresses at diamonds.
The sun is setting down habang nagsisimula nang kumain ng dinner ang mga guests
with a sumptuous buffet selection.

Naglilibot naman si Tom sa barko, kasama ang kanyang date na si Angel. Pagkatapos
ng lahat ng mga nangyari sa binata, ay mas naging close sila ni Angel dahil siya
lang ang nasasabihan nito ng mga problema. They usually hang out, make out, and do
drugs. Yan na ang bagong lifestyle ni Tom.

Habang magkasama ang dalawa ay hindi inaasahang makasalubong nila si Mindy.

"I'm happy for you, Tom. May girlfriend ka na pala ulit." nakangiting sabi ni
Mindy.

"Oo naman. Masayang-masaya ako kay Angel. She's the best!" nakangiting sabi ni Tom.

"Right!" pag-agree ni Angel sabay halik kay Tom sa labi.

Tom and Angel kissed right in front of Mindy. Sa tagal ng halikan nilang dalawa ay
naasiwa na si Mindy at tuluyan nang nag walk-out. Ramdam nina Tom ang pagseselos ni
Mindy. Pagkaalis ng dalaga ay tumigil na ang dalawa at tinawanan na lang ang
nangyaring encounter.

**********************

Sa isa sa mga viewing decks ng barko ay mag-isang nakatulala si Kari habang


nakatingin sa buong Manila Bay. Isinama siya ni Shiro para naman daw ma-experience
ng dalagita ang makasama sa isang cruise, kahit within the country lang.

Nahihiya si Kari na makipag-usap at makisama sa ibang guests na ka-age niya kaya


nagmumukmok na lang siya. Bigla siyang nakita at nilapitan ni Shiro.

"Kaya ka nga sinama dito para mag-enjoy, hindi para maging emo." natatawang sabi ni
Shiro.

"Sorry naman. Nahihiya lang talaga ako eh." sabi ni Kari.


"Sayang naman yung binili kong dress para sa 'yo, kung dyan ka lang lagi."
nakangiting sabi ni Shiro.

Kari looked beautiful in green dress. Maski si Shiro ay hindi mapigilan sa pag
sulyap sa dalagita. Litaw na litaw ang pagka mestiza nito.

"Naku, salamat ah. Sobrang ganda nito. Mas maganda pa 'to dun sa mga sinusuot ng
mga umaattend ng JS Prom sa probinsya namin. Promise, babayaran ko din 'to pag
nakaipon na ako." nakangiting sabi ni Kari.

"Sinabi na ngang regalo 'yan eh. Kulit! Christmas gift ko 'yan sa 'yo! Tapos!" sabi
ni Shiro.

Natawa lang si Kari at tumingin ulit sa Manila Bay. Tuwang-tuwa siya sa simoy ng
hangin at sa golden sunset. Pakiramdam niya ay para siyang si Kate ng pelikulang
Titanic.

"Ang ganda, ano?" nakangiting sabi ni Kari habang pinagmamasdan ang sunset.

Maya-maya ay pumikit si Kari at itinaas ang kanyang dalawang kamay na parang


ginawa ng babaeng bida sa Titanic. Feel na feel niya ang hangin.

Pinagmamasdan lang siya ni Shiro. He wanted to hold her hand and hug her, pero alam
niyang hindi pa pwede. He is mesmerized with her childlike and innocent look,
habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok.

"I love you." mahinang sabi ni Shiro habang nakatingin kay Kari.

Biglang binuksan ni Kari ang kanyang mga mata. She heard what Shiro just said. Agad
siyang bumaba mula sa inapakang railing at hinarap ang binata.

"Shiro..." panimulang sabi ni Kari.

"Mahal kita, Kari. Dati, crush lang kita, pero, iba na 'tong nararamdaman ko."
nahihiyang sabi ni Shiro habang nakayuko.

"Ganun ba? Wala namang masama eh. Pero..."

"Pero ano?" kinakabahang sabi ni Shiro.

"Shiro, mga bata pa tayo. Madami pa tayong mararanasan. Para sa 'kin, importante
yung pag-aaral natin. Doon muna tayo mag-focus." sabi ni Kari sabay hawak sa
dalawang kamay ng binata.

Nagbago ang facial expression ni Shiro. Para siyang nalugi.

"So, busted pala ako sa 'yo." malungkot na sabi ni Shiro.

"Hindi ah. Hindi ka naman nanligaw eh. Nagsabi ka lang ng feelings mo. Ngayon kung
may balak kang manligaw, hindi pa pwede. Saka na lang." nakangiting sabi ni Kari.

Na-disappoint pa din si Shiro. Akala niya ay ganun lang kadali ang proseso para
maging girlfriend ang isang tao. Naiinggit siya kina Tom at Carlos na mabilis
makapagpasagot ng mga babae.

"Huwag kang malungkot. Dadating din ang time na pwede ka nang manligaw. Konting
tiis lang. Basta, studies muna. Saka, pwede namang best friends muna tayo, para mas
makilala muna natin ang isa't-isa." nakangiting sabi ni Kari.

Biglang naalala ni Shiro ang advice ni Miss Melody na hindi niya muna sinunod.
Ngayon, si Kari na ang nagsasabi sa kanya ng parehong idea.

"Oo nga pala!" naiinis na sabi ni Shiro sabay palo sa kanyang ulo.

Natatawa lang si Kari sa ikinikilos ng binata. Kahit 17 na kasi si Shiro ay para pa


rin itong bata kung kumilos. Mabagal mag-mature, ika nga.

"Pero, eto na lang. Gusto ko lang malaman kung sinong mas gwapo sa 'min ni
Charles." mayabang na sabi ni Shiro.
"I-ikaw? Si Charles naman kasi, natutuwa lang ako dahil sa mga jokes niya. Pero
kung ibang usapan, sa tingin ko... mas cute ka." nakangiting sabi ni Kari na parang
nahihiya.

Natuwa si Shiro sa narinig. Unknowingly, sabay pa silang nag-blush. Then, the two
agreed two become best friends first before anything else. They sealed the deal
with a handshake.

**********************

Malalim na ang gabi at nagkukulong pa din sina Tom at Angel sa isang kwarto, habang
ang iba ay masayang naghihintay for New Year. They are having their jam session,
meaning, gumagamit na naman sila ng bawal na gamot. Nakasanayan na din ni Tom ang
ganitong gawain at hinahanap-hanap na ito ng kanyang sistema. He is now a certified
drug addict.

Kapag hindi pa sila nakukuntento sa mga tablets at capsules, ay gumagamit din sila
ng marijuana. Kumpleto si Angel ng kung ano-anong drug paraphernalia.

Nakaka-develop na din si Tom ng symptoms of paranoia, or yung pagiging nerbyoso


palagi, na parang may aatake sa kanya. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga footsteps
malapit sa pinto.

"Naka-lock ba yung pinto?" kinakabahang tanong ni Tom.

"Oo. Tatlong beses mo nang tinanong 'yan. Relax!" natatawang sabi ni Angel sabay
halik ulit sa binata.

"May naririnig talaga ako eh. Pakiramdam ko si Carlos 'yan eh. Minamatyagan niya
tayo." sabi ni Tom.

"Nasa isip mo lang lahat 'yan!" natatawang sabi ni Angel na halatang nababangag na
din.
"Gagong 'yun! T*ng ina niya!" bulalas ni Tom na under influence of drugs.

Bago pa man makasagot si Angel ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Sinipa ng
boat security ang pinto para mapasok sina Tom.

Nasisilaw sina Tom at Angel sa liwanag ng flashlights ng boat security, kasama ang
ilang police officers. Hinahalughog nila ang buong kwarto at nakita na nga nila ang
drug paraphernalia ni Angel. Damay din si Tom na nahuling bangag.

Agad na nilagyan ng mga posas sina Tom at Angel.

Napadaan naman si Carlos sa kwarto kung saan hinuhuli sina Tom. He was shocked with
what he discovered. Hindi niya inaakalang gagamit ng prohibited drugs ang kanyang
kapatid.

"Tom, anong nangyari sa 'yo? Hindi ko maintindihan." naguguluhang sabi ni Carlos.

"Maang-maangan ka pa! Eh ikaw nga yung nagsumbong kaya kami nahuli!" galit na sabi
ni Tom habang nakaposas na.

"Ha? Wala akong alam! Ni hindi ko nga alam na... nagd-drugs ka na pala!"
nagtatakang sabi ni Carlos.

"Utot mo, drugs!" pabarang sabi ni Tom habang inilalabas siya ng mga pulis.

Awang-awa si Carlos sa kanyang kapatid. Gusto man niya itong damayan at tulungan ay
hindi na niya magawa dahil masisira ang kanyang plano laban kay Natalia. Nakaramdam
siya ng guilt dahil baka isa siya sa mga nakapagbigay ng labis na problema sa
kapatid.

**********************

A few minutes before the raid ay nag-uusap sina David at Edward tungkol sa kwento
ng Century Treasure. Sa gitna ng kanilang kwentuhan ay biglang nailabas ni Edward
ang bracelet na dapat ay kay Shiro.
Nagtataka naman si David dahil parang pamilyar ang naturang alahas. Bago pa man
siya makapagtanong ay biglang lumapit si Natalia.

"Edward, dear. Come by my office tomorrow. May kailangan tayong pag-usapan."


lantarang pagkasabi ni Natalia sa harap mismo ni David.

Pagkaalis ni Natalia ay nanlaki ang mga mata ni David. Napatingin ulit siya sa
bracelet na hawak ni Edward.

"Magkakilala kayo ni Natalia? Meaning..." sabi ni David. Tumango lang si Edward,


assuming sa kung ano mang itatanong pa ng binata.

"Sabihin ko na rin sa 'yo para hindi ka na magmukhang tanga. Natalia, Carlos, and I
are allies." nakangiting sabi ni Edward.

"Liar! Manloloko!" David suddenly shouted.

Tinatawanan lang siya ni Edward. David felt stupid and betrayed. For a long time,
kay Edward siya kumampi at naglabas ng sama ng loob. Ang hindi niya alam ay bine-
brainwash at inuuto lang siya nito.

"So... ang bracelet na 'yan..." kinakabahang sabi ni David habang nakaturo sa


alahas.

"Yup! Eto yung isa sa mga alahas na kailangan para mahanap yung Century Treasure...
yung lagi mong kinukuwento sa 'kin. Thanks for the tips." natatawang sabi ni
Edward.

"Pare-pareho kayong lahat. Si Shiro na lang yata ang mapagkakatiwalaan ko.


Traitors!" galit na sabi ni David.

Inilabas din ni Edward ang necklace na ibinigay sa kanya ni David. Ginagamit niya
itong pang-asar kay David.
"Arrrgghh! Bring me back my necklace! I trusted you!" galit na sabi ni David.

"Uh-oh! No return, no exchange!" natatawang sabi ni Edward.

Lumayo-layo ng konti si Edward para hindi makuha ni David ang necklace. Para silang
mga batang nag-aagawan ng laruan. Galit na galit si David at bigla siyang nanuntok.

"Gago ka!" galit na response ni Edward. Ibinulsa niya ulit ang mga alahas saka
binanatan si David.

Nagsuntukan ang dalawa. Sa isang hindi sinasadyang pangyayari ay naitulak ni Edward


si David. Nagkataong walang railing sa parteng yun ng barko, kaya nahulog ang
binata sa dagat.

Kinilabutan si Edward sa kanyang nagawa. Sa sobrang takot at kaba ay hindi na siya


humingi ng tulong at tuluyan nang tumakbo palayo. Nagtago na lang siya sa isang
kwarto.

"Help! Help!" nalulunod na sigaw ni David. Hindi siya marunong lumangoy kaya kampay
aso lang ang kaya niyang gawin.

Hindi ito makahabol sa barko dahil palayo na ito nang palayo.

"David!" biglang sigaw ni Mindy pagkakita sa binatang nalulunod.

Nakatawag ng pansin ang pagsigaw ng dalaga at dali-daling umaksyon ang rescue team
ng barko. Ni-release na din ang rubber boats para iligtas ang binata. Kahit malayo
na si David ay umaasa pa rin silang maliligtas nila ito.

"Boss, sasama ako sa paghahanap!" sabi agad ni Carlos na sobrang concerned kay
David.

"Ako din, kuya!" umiiyak na sabi ni Shiro.

"Hindi pwede! Dyan lang kayo! Delikado ang sitwasyon!" firm na sabi ng isang
officer.

"Kuya!" umiiyak na sabi ni Shiro sabay yakap sa kapatid na si Carlos.

Nakarating din kay Tom ang balita at habang siya ay pinoposasan, nakiusap siyang
mag-stay muna sila sa barko hanggang hindi pa nahahanap si David.

"David, magpakita ka na." naluluhang sabi ni Tom.

After a few hours, bumalik ang rescue team. Nakaabang na sina Tom, Carlos at Shiro
sa sasabihin nila. Unfortunately, naikot na daw nila ang buong vicinity kung saan
pwedeng mahanap si David pero wala na daw silang nakita.

"Hindi! Hindi pa siya patay!" sigaw ni Carlos.

"We'll have to wait and search for a few more days." sabi ng isang officer.

Iyak nang iyak ang magkakapatid sa pagkawala ni David. Ilang saglit lang ay narinig
nilang nagsigawan ang ibang tao.

"Happy New Year!"

Kasabay ng pagkalungkot nila ang pagsalubong ng karamihan sa bagong taon. Isa-isa


nang ni-release ang mga world-class fireworks habang nagpapalakpakan na ang mga
tao.

Si Tom naman ay diniretso na sa rehab habang si Angel naman ay sa presinto na


dadalhin.

Maliban kina Frank, Mindy at sa magkakapatid, almost everyone was having a good
time partying habang pinapanood ang mga fireworks.

Si Natalia naman ay nasa deck habang may hawak na glass of wine.


"Cheers! Kumpleto ko na ang mga alahas!" sabi niya kay Edward.

She can't help but to appreciate her jewelry box kung saan nakalagay ang alahas ng
Blue Brothers - ang compass, ring, necklace at bracelet.

**********************

Habang puno ng fireworks ang kalangitan dahil sa pagsalubong sa Bagong Taon,


tahimik naman ang isang baryo kung saan bilang ng mga daliri ang mga naninirahan
dito. Isang baryong malapit sa dagat kung saan pangigisda ang pangunahing
hanapbuhay.

Dali-daling pumasok ang isang matandang lalake sa kanyang kubo, dala ang ilang
halamang gamot. Sa halip na kainin ang kanyang mga nahuling isda para sa medya
noche, ay pinagpaliban niya muna ito para asikasuhin ang isang dayuhang napulot
niya sa dagat.

"Kawawa ka naman. Bagong Taon na Bagong Taon eh hindi mo nakasama ang pamilya mo."
naaawang sabi ng lalake sa isang binatang nakahiga sa banig.

Nasa 40 anyos na ang itsura ng lalakeng nakapulot kay David. Matipuno ito habang
makikita mo ang malaking peklat sa kanyang mukha.

END OF CHAPTER 20
####################################
Chapter 21
####################################

Blue Brothers

(Chapter 21 - Discovery Island)

CARLOS - HILLARY Theme Song: Tu Amor (by RBD)


"Help! Help! Help!" uncomfortable na sigaw ni David habang nalulunod sa gitna ng
dagat. Hindi pa naman siya marunong lumangoy kaya hirap na hirap siyang kumampay.

Pakiramdam ng binata ay mamamatay na siya anumang oras, kaya pumikit na lang siya
at sumuko.

"David! Gising na! Nananaginip ka na naman!" firm na sabi ng isang 44-anyos na


lalake. Umaga na at ginigising na niya ang binata para mag-almusal.

Siya si Mang Jose, ang mangingisdang nakapulot kay David habang ito ay nalulunod sa
dagat, apat na taon na ang nakakalipas.

Apat na taon niyang itinago at inalagaan si David sa kanyang poder. May mga
pansarili siyang mga dahilan, pero ayaw pa niya itong sabihin sa binata at sa kung
sino mang kakilala nito.

Matangkad at matipuno ang pangangatawan ni Mang Jose. May itsura ito pero dahil sa
simpleng pamumuhay at sa sobrang pagtatrabaho ay hindi mabilis tumanda ang kanyang
mukha. Isa siyang mabait at tapat na mangingisda sa maliit na baryo ng San
Bernardino.

"Hindi ka pa rin nakakalimot sa mga pangyayari." firm na sabi ni Mang Jose kay
David.

"Hindi niyo rin ako masisisi." sagot ni David.

After 4 years, madami na din ang nagbago kay David. He is now a charming 21 year-
old guy na matagal nang ibinaon ang lahat ng kanyang grudges sa mga taong nakagalit
niya. As time passed, masasabi niyang he is now a better man.

Nag-improve na din ang physical aspect ng binata. Kung dati ay cute at plain-
looking white guy lang ang madalas itawag sa kanya, ngayon ay pwede na siyang
makipagsabayan sa mga hot Hollywood actors. Masasabi ngang late bloomer itong si
David pagdating sa looks at posture. He can even challenge Carlos's dashing look.

"Nandito na ako! May dala akong pasalubong!" masayang sabi ng isang dalaga habang
may dalang mga pagkain pandagdag sa kanilang almusal.
Bukod kay Mang Jose, alam din ni Mindy ang kinaroroonan ni David. In fact, siya ang
taong piniling pagkatiwalaan ni David matapos ang drowning incident.

Lalo ding gumanda si Mindy sa paglipas ng panahon. Magkasing-edad lang sila ni


David, and she became lovelier than ever.

"O, ayan na pala yung kasintahan mo eh!" natatawang sabi ni Mang Jose.

Parehong nag-blush sina David at Mindy. Sa tagal nilang magkasama bilang


magkaibigan sa isla, unti-unting nadedevelop si Mindy sa binatang dati niyang
tinatanggihan.

Si David naman ay nagda-dahan dahan na sa mga nararamdamang emosyon. Ayaw na niyang


maulit ang nangyaring misunderstanding sa pagitan nila ni Tom. Kung siya ang
tatanungin ay matagal na niyang napatawad ang kapatid, at inaamin niyang siya ang
mali.

Naalala tuloy niya ang kanyang mga pinagdaanan bago siya naging ganito ka-matured.

Akala niya ay tuluyan na siyang mawawala sa mundo. Mabuti na lang at biglang


dumating ang bangka ni Mang Jose at agad siyang napulot nito.

Ang kwento pa sa kanya, nakita pa daw ni Mang Jose na may nakaabang na baril mula
sa yate at nakatutok pa sa kanya habang siya ay walang ka-laban laban sa bawat pag-
alon ng dagat. Isang babae daw ang nagtatangkang pumatay sa kanya. Naisip ni David
na si Natalia ang taong 'yun.

Dali-dali siyang ginamot at pinagaling sa maliit na kubo ni Mang Jose. Makalipas


ang ilang araw, nagkaroon na ng malay si David.

"Ikaw si David dela Cruz, diba? Pasensya na. Napakialaman ko ang pitaka mo. Pero
wag kang mag-alala. Wala naman akong kinuha ni isang kusing." sabi ng matanda.

Pinaliwanag sa kanyang delikado kung agad siyang babalik sa pinanggalingan. Inamin


din naman ni David na siya ay mahina at hindi niya pa kayang solusyunan ang
problema nila kay Natalia. Buong-pusong kinuwento ng binata ang tungkol sa mga
kasamaang pumipigil sa kanilang magkakapatid para maisalba ang mga ari-arian ng
pamilya nila.
"Tutulungan kita. Dumito ka muna, at sasanayin kita. Para pagbalik mo sa Maynila,
hindi ka na nila magagalaw!" nakangiting sabi ni Mang Jose.

Pumayag si David na tumira muna sa bahay ng matanda hangga't hindi pa siya handa.
Pinapili din siya ng isang taong mags-spy sa mga nangyayari sa Manila. Si Mindy ang
napili niya dahil mahahalata kapag ang kapatid na si Shiro ang pinili. Maski ang
dalaga ay nagulat nang malamang buhay pa si David.

Sa loob ng apat na taon, tinuruan ni Mang Jose si David kung paano magdesisyon ng
tama, at kung paano lumaban. Sinanay siya sa iba't-ibang physical activities. Nung
una ay hindi ito kinaya ni David, pero habang nagtagal ay nahasa din ang kanyang
inner skills. Ngayon ay fit na ang binata na parang nag-gym araw-araw.

"Nga po pala, kailan ba talaga ako makakabalik ng Manila? Ang sabi niyo dati, mga
isang taon lang. Pero ngayon, apat na taon na. Pinipigilan niyo pa rin ako!"
naiinip na sabi ni David.

Hindi umiimik si Mang Jose. Patuloy lang siya sa pag-aayos ng mesa para sa almusal.

"Noon ko pa nahahalata. May tinatago kayo sa 'kin... sa 'min ni Mindy." nagdududang


sabi ni David.

Natigilan si Mang Jose. Maya-maya ay humarap ito kina David.

"Tutal makulit ka. Oo. Matagal na akong may tinatago. Apat na taon din 'yun. Siguro
nga, dapat niyo nang malaman." firm na sabi ni Mang Jose.

"David... pamangkin..." sabi ng matanda.

Nagtaka si David sa sinabi ni Mang Jose. Hindi niya ito naiintindihan.

"Pamangkin kita, David. Tiyuhin mo ako." firm na sabi ng matanda.

"P-paano?"
"Kapatid ako ni Johnny. Magkapatid kami sa ama. Siguro hindi na niya ako nabanggit
sa 'yo dahil anak lang naman ako sa labas. Anak sa pagkakasala!" firm na sabi ni
Mang Jose.

Ikinuwento ng matanda ang kanyang tunay na pinanggalingan. Siya si Joseph dela


Cruz. Mas bata siya ng isang taon kay Johnny. Pareho ang kanilang ama, pero
magkaiba ang ina.

"Nagtatrabaho bilang katulong ang nanay ko sa Blue Sky Mansion. Nagkaroon sila ng
relasyon ng Papa, tapos nabuntis din makalipas ang isang taon. Nag-apoy sa galit si
Mrs. Dela Cruz. Pinalayas kami ng nanay ko sa mansyon." kwento ni Mang Jose.

Gulat na gulat si David sa mga rebelasyong naririnig mula sa matanda.

"Nung nagbinata ako, pinuntahan kami ni Papa at dinala ulit sa Maynila. Pinag-aral
niya ako sa St. Patrick's Academy. Noon lang din nalaman ni Johnny na may kapatid
siya. Mabait siya, pero nung una, halos hindi kami nag-uusap." patuloy na
pagkukuwento ng matanda.

"Ayos na sana yung pag-aaral ko, kung hindi lang namatay ang nanay ko. Bumalik ulit
ako dito sa probinsya, at hindi na nakapagtapos ng pag-aaral. Ilang buwan bago
mamatay ang Papa, pinuntahan ulit niya ako sa kahuli-hulihang pagkakataon." kwento
ng matanda.

"Ano po yung naging sadya niya?" tanong ni David.

"May sinabi siya sa 'kin... tungkol sa... Century Treasure. Alam daw niyang
kakailanganin 'yun pagdating ng panahon." sabi ni Mang Jose.

Nanlaki ang mga mata ni David nang marinig ang tungkol sa kayamanan.

"Sinabi niya sa 'kin na kay Johnny niya ipinagkatiwala ang mga alahas, pero alam
niyang hindi pa ganun karesponsable yung kapatid ko. Kaya..."

"Kaya po?" tanong ni David.


Tumigil sa pagkukuwento si Mang Jose at may kinuhang baul na nakalagay sa ilalim ng
kanyang kama. Pagkabukas niya ng baul ay agad niyang kinuha ang isang malaking
rolyo ng lumang papel.

Umupo siya sa tabi nina David at Mindy at binuksan ang rolyo. Isa itong malaking
mapa.

"Ito ang mapa kung saan mo mahahanap ang Century Treasure." Sabi ng matanda.

"P-pero... bakit walang kaalam-alam si Dad dyan? Ang sabi niya lang sa 'min..."
nagtatakang sabi ni David.

"Wala talaga siyang alam dito. Nung ibinigay sa 'kin 'to ni Papa, alam niyang
maitatago at maaalagaan ko ito. Sabi mo nga diba, na pagkabigay niya ng mga alahas
kay Johnny, eh agad naman niyang pinamigay ang mga ito sa mga babae niya. At
ngayon, nasa isang Natalia Mori na ang mga ito." nakangiting sabi ng matanda.

"Eto ang tatandaan mo, David. Ang mapang ito ang unang magdadala sa 'yo sa
kayamanan. Yung mga alahas, mga susi lang 'yun. Hindi mo sila mapapakinabangan
hangga't wala sa 'yo ang mapa." nakangiting sabi ni Mang Jose.

Ipinagtapat na din niya kay David ang tunay na dahilan kung bakit niya ito sinanay
ng apat na taon. Yun ay para maging handa ito, pati na rin ang kanyang mga kapatid,
sa mga nagbabalak ng masama laban sa kanila.

"Mag-impake ka na! Bukas na bukas, pupunta na tayo ng Maynila!" nakangiting sabi ni


Mang Jose.

Halos mapaiyak si David dahil sa tuwa. Niyakap niya ang kanyang tiyuhin.

**********************

"Punyeta!" malakas na sigaw ni Natalia sabay tapon ng mga alahas sa sahig.


Kapapasok lang ni Edward sa opisina at tamang-tama na siya ang natamaan ng pagbato
ni Natalia.

"O, anong problema?" tanong ng binata.

"Anong problema? Apat na taon lang naman tayong umaasa at nag-iisip kung paano
natin gagamitin ang mga alahas para mahanap ang Century Treasure, pero ni katiting
na impormasyon, wala pa tayong alam!" galit na sabi ni Natalia.

Umupo ulit si Natalia at ininom ang isang glass of wine na nakalagay sa kanyang
desk.

"Palibhasa, wala kang kwenta! Tonto! Inutil!" sigaw ni Natalia.

"O, bakit ka sa 'kin nagagalit? Kasama din naman natin si Carlos, diba? Kasama din
siya sa kapalpakang 'to!" sagot ni Edward.

"Eh baka naman nakakalimutan mo na anak ko siya. Eh ikaw? Hindi kita kaano-ano kaya
ikaw ang minumura ko! Leche!" sigaw ni Natalia.

"Bahala ka. Sana lang, tama yung desisyon mong ipasa na kay Carlos ang lahat-lahat
ng mga ari-arian mo." babala ni Edward.

"Jealous much? Of course I have the right to transfer all my assets and wordly
possessions to my beloved son. Pero siyempre, hindi kasama ang mga alahas na 'to.
Mahirap na." sagot ni Natalia.

**********************

"Papa, where are we going?" nagtatakang tanong ni Fonsy sa tatay niyang si Carlos.

Matapos ang yacht incident, ipinagpatuloy pa din ni Carlos ang kanyang pag-aaral sa
Eastridge University, per okay Natalia na siya umuuwi. He completed his BS Biology
degree with honors. Lately ay kakalipat lang niya sa isang posh condominium sa
Taguig, kasama ang kanyang anak na si Fonsy.

Marami din ang nagbago kay Carlos. Now a 22 year-old young adult, mas nagma-mature
na siya at mas nagiging responsableng tatay sa kanyang anak. His looks stayed the
same. Marami pa ding babae ang nagkakandarapa sa kanya, but he chooses to be single
at the moment. Mas priority niya ang kanyang misyon at ang kanyang pamilya.

Hindi naman siya nabigo dahil pagkatapos na pagkatapos ng kanyang 22nd birthday ay
nailipat na sa kanya ang mga ari-arian ni Natalia, kasama na dito ang matagal na
niyang inaasam na St. Catherine's Academy.

Kinailangan niyang kunin ang tiwala ng nanay niya, kaya he had to stay away from
his brothers for years. Sa ngayon, handa na siyang balikan ang kanyang mga kapatid.
Nanghihinayang lang siya dahil hindi na sila makukumpleto. Wala na si David, at
kahit 4 years na ang lumipas, hindi pa rin niya nakakalimutan ang sakit at lungkot
ng pagkawala nito.

"We're going to the mansion. We're going to see Tito Shiro." nakangiting sagot ni
Carlos habang inaayos ang kanyang blue long sleeves sa harap ng salamin.

"Wow! Excited na po ako!" natutuwang sigaw ni Fonsy.

4 years old na si Fonsy. Right now, he is studying at a preschool malapit sa condo


na tinitirhan nila. Maputi at mestizo ang bata. Matalino din ito at observant.
Parang Little Carlos kung maituturing.

Sa pagbaba nila sa lobby ng condominium, nagulat si Carlos nang may biglang


nagpakita sa kanila.

"Hello. Kumusta?" nakangiting sabi ng isang babae.

It was Hillary. Halos mapanganga lang si Carlos nang makita ang dalaga. Mas gumanda
ito at mas naging firm ang kilos. She is not the high school bitch anymore. She is
now a businesswoman who travels a lot. Lately ay kagagaling niya lang ng Paris for
a convention. Kung obligasyon lang sa anak ang pag-uusapan ay hindi siya
nakakalimot. She still sends a part of her income to them.

"H-hi... long time no see..." nauutal na sabi ni Carlos habang tinititigan si


Hillary.
"Mama!" natutuwang sigaw ni Fonsy sabay takbo at yakap kay Hillary. Naluha sa tuwa
ang dalaga dahil first time niyang nayakap ang anak.

"Hillary... can... can you spend more time with Fonsy? W-with us?" nahihiyang sabi
ni Carlos.

"I don't know. Baka kailangan ko pang magpaalam sa girlfriend mo, or kung may
papakasalan ka na. Sa gwapo mo ba namang 'yan, I'm sure, hindi ka nababakante."
nakangiting sabi ni Hillary.

"Fonsy needs a mother, and I... I need a... partner... a partner to raise him."
nahihiyang sabi ni Carlos.

"Actually, binisita ko lang talaga kayo and..."

"Please, Hillary! Please!" nagmamakaawang sabi ni Carlos sabay hawak sa kamay ng


dalaga. Napangiti si Hillary na parang kinikilig.

"Sabi ko na nga ba, na-miss mo ako. Okay. Pumapayag na ako." nakangiting sabi ni
Hillary sabay kiss sa cheeks ni Carlos.

Namula ang binata at naging speechless ng ilang segundo.

"Let's go!" sigaw ni Fonsy habang hawak ang mga kamay nina Carlos at Hillary.
Excited na siyang pumunta sa mansyon. Natutuwa din ang bata dahil kumpleto na ang
pamilya niya.

**********************

"So, it's a yes?" nag-aabang na tanong ni Shiro.

Nasa living room sina Shiro at Kari. Sa matagal na panliligaw ng binata, ngayon ay
ready nang sumagot si Kari.

"Oo nga. Ang kulit mo." sabi ni Kari.

"Yes! Thank you, Lord!" natutuwang sigaw ni Shiro sabay yakap nang mahigpit kay
Kari.

Senior college student na si Shiro sa Eastridge University, taking up AB History.


At 21 years old, hindi pa rin nagbabago ang pagiging makulit ng binata. Mabagal
siyang mag-mature, pero pagdating sa studies ay seryoso siya.

Si Shiro na yata ang isa sa mga pinakamalungkot na nakatira sa mansyon. Wala ang
kanyang mga kapatid, tapos umuwi na rin si Charles sa kanilang bansa, kaya tanging
si Frank at ang mga maids na lang ang kasama niya sa bahay. Si Kari naman ay
sophomore college student sa UST taking up BS Education.

"Tao po!" sigaw ni Carlos pagkabukas ng pinto ng mansyon.

Nagulat si Shiro sa nakita. Nasa doorstep sina Carlos, Hillary at si Fonsy.

"Kuya Carlos?! Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Shiro.

Nilapitan ni Carlos ang kanyang kapatid at niyakap. Naiilang si Shiro pero


makalipas ang ilang minuto ng pagpapaliwanag ni Carlos ay naintindihan na rin niya
ang sitwasyon. Madaling mapaliwanagan ang nakababatang kapatid.

"Ang laki na ni Fonsy ah." natutuwang sabi ni Shiro habang nilalaro ang pamangkin.

"Nga pala, alam mo ba kung nasaan na si Tom? Gusto ko na siyang makausap. Kailangan
na nating ayusin ang lahat." sabi ni Carlos.

"Pagkalabas niya ng rehab eh hindi na siya bumalik dito. Ang alam ko, bumalik na
ulit siya sa dating bahay nila sa Cavite." sagot ni Shiro.

"Tara! Puntahan natin! Alam ko kung saan siya hahanapin!" nagmamadaling sabi ni
Carlos sabay buhat kay Fonsy. Sumama na din sina Shiro, Kari at Hillary.

**********************

"Naku, Tom, maraming salamat. Sa lahat ng mga technicians na pinuntahan ko, ikaw
lang ang nakapagtanggal ng virus nito." natutuwang sabi ng isang sexy na dalaga
sabay yakap sa binata.

"Walang anuman." nakangiting sabi ni Tom sabay tanggap ng bayad.

"I-add mo 'ko, pogi ah." sabay kindat ng babae sa kanya. Natawa na lang si Tom.

Matapos makulong sa rehab si Tom ay minabuti niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-
aaral sa isang state university sa probinsya nila. Na-kick out na kasi siya sa
Eastridge University matapos ang kanyang drug scandal. Since then, ipinangako na
niya sa sariling hindi na ulit malululong sa bawal na gamot.

Gaya ni Shiro ay last year na rin ni Tom sa kolehiyo. BS Education pa din ang
kinukuha niyang kurso. Para makapag-aral at makapagbayad ng mga pang araw-araw na
gastusin ay rumaraket siya as computer and cellphone technician, car mechanic, at
pati pagtu-tubero ay pinatulan na din niya, basta marangal ang kanyang ginagawa ay
ayos na sa kanya.

Hindi madali para kay Tom ang ganitong sitwasyon. Inaamin niyang nami-miss na din
niya ang kanyang mga kapatid, lalo na si David, na hanggang ngayon ay hindi pa din
nila nahahanap. Ilang taon na lang at made-declare na siya as dead. Sinisisi din
niya ang kanyang sarili kung bakit napunta sa ganung sitwasyon si David.

Ilang minuto lang pagkaalis ng dalaga ay may kumatok na naman sa pinto ng bahay
nila. Akala niya ay panibagong customer na naman. Baka nga naman may ipapaayos na
naman. Agad niyang binuksan ang pinto at iba ang tumambad sa kanya.

"Tomas!" natutuwang sigaw ni Carlos.

Nabwisit lang si Tom at isinara ulit ang pinto.


END OF CHAPTER 21

Chapter 22 will be released on January 23, 2012 (Monday).


####################################
Chapter 22
####################################

Blue Brothers

(Chapter 22 - Reunions and Betrayals)

"Buksan mo naman 'tong pinto! Tom! Tomas!" sigaw ni Carlos habang patuloy na
kinakatok ang pintong isinara ng kanyang kapatid.

Tumatawag din kay Tom sina Shiro at Hillary pero parang wala pa din siyang
naririnig. Gusto na sana ni Shiro na ipagpaliban muna ang pagkausap kay Tom, pero
pursidido si Carlos. Hindi siya aalis nang hindi nakakausap si Tom.

"Pag hindi ka pa lumabas dyan, sisipain ko 'tong pintong gawa sa kahoy!" malakas na
sigaw ni Carlos.

Agad na lumabas si Tom.

"Ano?! Naghahanap ka ng away?" galit at naghahamong sabi ni Tom.

"Biro lang. Tom, makinig ka naman sa sasabihin ko... sa sasabihin namin sa 'yo."
pakiusap ni Carlos na biglang nagbago ng tono ng pananalita.

"Traydor ka! Yun yun!" galit na sabi ni Tom.

"Ako na ang may-ari ng St. Catherine's Academy." nakangiting sabi ni Carlos.

"Eh di ikaw na!" sagot ni Tom.


"Kung pwede lang sana, sa loob tayo mag-usap? May isang tambay na kumikindat sa
'kin. Naiilang na ako." nandidiring sabi ni Hillary.

Pumasok na ang lahat sa maliit na pamamahay ni Tom. Dito talaga sila nakatira ni
Clara nung nabuhuhay pa ito.

"Tom, sorry na. Ginawa ko lang naman 'yun para papaniwalain si Natalia na kampi ako
sa kanya. Ginawa ko 'yun to get her full trust. At hindi ako nabigo. She
transferred all her assets to my name. Yung mga alahas, malapit ko na din makuha."
nakangiting sabi ni Carlos.

"Ni hindi mo man lang pinaalam sa 'kin ang plano mo. Akala ko ba, magkapatid tayo?
Akala ko magkaibigan tayo?" galit na sabi ni Tom.

"Kaya nga I'm so sorry! Alam mo naman kung gaano ka tuso at katalino si Natalia.
Madali siyang makaamoy ng mga sikreto, kaya I had to do this very discreetly. Sorry
kung na-sacrifice yung pagiging magkaibigan natin." nakayukong sabi ni Carlos.

Hindi umimik si Tom at galit pa din siya kay Carlos. Ilang saglit lang ay tumulo
ang mga luha ng binata.

"Ganun lang ba 'yun? Carlos, nung panahong 'yun, wala na akong malapitan. Wala
akong makausap. Si David, galit sa 'kin. Si Shiro, hindi na ako pinapansin. Si
Mindy, iniwan ako. Tapos ang kaisa-isang taong akala kong malalapitan ko,
tinalikuran pa 'ko. Kaya napasama ako kay Angel. Nalulong ako sa bisyo, na-kick out
ako sa Eastridge... alam ko, kasalanan ko din 'to... pero masakit talaga!" umiiyak
na sabi ni Tom.

"Kuya Tom, sorry din." malungkot na sabi ni Shiro sabay lapit kay Tom.

Umiiyak pa din si Tom habang nasa opposite sides lang niya sina Carlos at Shiro, na
ginagawa ang lahat para mapatahan ang kapatid.

"Tito Tom... please don't cry. It's okay." malambing na sabi ni Fonsy, sabay lapit
sa kanyang tiyuhin.

Natigilan si Tom sa pag-iyak. Gumaan ang loob niya nang makita ang kanyang
pamangkin.
"Ito na ba si Fonsy?" biglang nakangiting tanong ni Tom sabay yakap sa bata.

"Kung nabuhay lang sana si Thomas... magkasing-edad lang sila ni Fonsy... magka-
birthday pa." nakangiting sabi ni Tom.

"Tom, sana mapatawad mo na kami." sabi ni Carlos.

Masama ang tingin ni Tom kay Carlos.

"Ayaw sana kitang patawarin, kasi naaasar ako sa pagmumukha mo. Pero nung nakita ko
yung anak mo, bigla kong na-miss ang pagkakaroon ng pamilya. Aaminin ko, malungkot
ako dito. Mag-isa lang eh." sabi ni Tom kay Carlos.

"Talaga?! Babawi ako, Tom. Babawi ako sa mga ginawa ko sa 'yo!" natutuwang sabi ni
Carlos sabay yakap sa kapatid.

"Uy, dahan dahan lang! Basta, pwede bang maging ninong ni Fonsy? Kahit sa kumpil na
lang. Alam ko naman kasing..." pakiusap ni Tom.

"Matagal ka nang ninong ni Fonsy. Kasama ka sa official list nung bininyagan siya."
biglang sabat ni Carlos.

"Salamat! Sayang nga lang at wala si David. Maglilimang taon na, pero hindi pa din
siya nahahanap." malungkot na sabi ni Tom.

"Kung nasaan man si David, o kung... basta. Sana masaya siya ngayon." sabi ni
Carlos.

Nagkangitian ang tatlong magkakapatid. Nagkuwentuhan din sila tungkol sa mga bagay
na hindi nila napag-usapan over the past 4 years. Natuwa si Tom nang malamang
girlfriend na ni Shiro si Kari. Dati-rati nga naman ay nag-aasaran lang lagi ang
dalawa sa kusina ng mansyon.

Masaya din siya nang malamang okay na ulit sina Carlos at Hillary. Ngayon ay buo na
ang pamilya ni Fonsy.

"Papaano 'yan, may isang sem na lang ako. Ga-graduate na ako this March."
nakangiting sabi ni Tom.

"Okay lang. Pag weekends ka na lang muna umuwi sa mansyon, para hindi ka mahirapan.
Galingan mo ah. A-attend kami sa graduation mo." sagot ni Carlos.

"Pwede bang sumama na muna sa inyo? Nami-miss ko na din yung mansyon eh."
nakangiting sabi ni Tom.

"Sure!" natutuwang sigaw ni Tom at Shiro.

**********************

"Nasaan na ba si Carlos?" galit na sabi ni Natalia kay Edward.

"Aba, ewan ko. Sa 'kin mo siya hinahanap eh hanggang ngayon hindi naman kami
magkasundo nun." pabalang na sagot ni Edward.

"Kahit kelan talaga, wala akong pakinabang sa 'yo. Inutil. Bobo. Palibhasa anak ka
lang ng kung sino. Buti sana kung si Johnny ang ama mo!" galit na sabi ni Natalia
kay Edward.

Nabigla si Natalia sa kanyang mga sinabi. Palabas na din sana si Edward nang bigla
siyang natigilan sa narinig.

"Pakiulit yung sinabi niyo. Hindi si Johnny ang tatay ko? Hindi ko kapatid sina
Tom?" confused na sabi ni Edward.

Natalia rolled her eyes and drank a glass of wine. Saka siya muling nagsalita.

"Freudian slip. Sorry." nakangiting sabi ni Natalia.


"Sabihin mong nagbibiro ka lang." galit na sabi ni Edward sabay kuha sa wine glass
ni Natalia.

"Okay. Since nadulas na rin lang ako... I'll say it to you... loud and clear.
You're not Johnny's son! You're not a Blue Brother!" matapang na sabi ni Natalia
sabay tawa nang malakas.

Lalong nagalit si Edward at binasag ang wine glass ni Natalia.

"Manloloko! Kaya ako pumunta dito sa Pilipinas dahil sabi mo... kailangan kong
kunin ang mana mula sa tatay ko. Sabi mo... Pilipino ang tatay ko." galit na sabi
ni Edward.

"I was right. Pilipino naman ang tatay mo eh. Hindi nga lang si Johnny."
nakangiting sabi ni Natalia.

"Naniwala ako sa 'yo. You brainwashed me. Iniwan ko ang nanay ko para sa isang
kasinungalingan! Manggagamit!" galit na sabi ni Edward.

Habang nanggagalaiti sa galit ang binata ay patawa-tawa lang si Natalia. In her


mind, bigla niyang naalala kung paano niya unang nakita ang nanay ni Edward, na si
Elizabeth Williams.

Back in late 1992, five months pregnant pa lang noon si Natalia kay Carlos, at
natunugan niyang may ibang babae na naman si Johnny. Based sa kanyang mga
suspicions ay sa Great Britain ito nakatira. She used all her sources para hanapin
ang sinasabing babae ni Johnny, kahit pa nasa malayong lugar ito.

She flew all the way to Great Britain at hinanap talaga niya ang address ng maliit
na apartment ni Elizabeth.

"How may I help you?" nakangiting sabi ni Elizabeth with an accent.

Maganda si Elizabeth. The girl has a virginal beauty. She was 'all smiles' nang
makita si Natalia.
"Stay away from Johnny. He's my husband, you bitch!" mataray na sabi ni Natalia.

"Please. I don't want to quarrel with you. Honestly I'm... I'm pregnant right now.
I can't handle stress right now... and..." mahinahong sabi ni Elizabeth.

Nag-init ang dugo ni Natalia knowing na si Johnny na naman ang ama ng batang
dinadala ni Elizabeth. Sasampalin na niya sana ito nang biglang nagsalita ulit si
Elizabeth.

"Frank's the father of my child. Johnny is just my friend." biglang sabi ni


Elizabeth.

Na-shock si Natalia sa revelation ni Elizabeth.

"Actually, Frank doesn't know that I'm pregnant. But please, promise me that you'll
send this letter to him when you go back to the Philippines." dagdag ni Elizabeth
sabay bigay ng isang sulat para kay Frank.

"Okay, I will." sagot ni Natalia sabay kuha sa sulat.

Fast forward to 2011, hindi naibigay ni Natalia ang sulat kay Frank. Bumalik ulit
siya sa bahay nina Elizabeth upang gamitin ang anak na si Edward para guluhin ang
buhay ng mga Blue Brothers. Pinangakuan niyang makukuha ng binata ang pamana sa
kanya ng ama.

Tamang-tama na kamamatay lang ni Elizabeth kaya wala nang mapupuntahan pa si


Edward, pati na rin ang kapatid na si Charles. Ang alam ng binata, si Johnny ang
ama niya at nararapat lang na siya ang magmamama ng lahat ng assets sa pagkamatay
nito, kaya kailangang umuwi siya sa Pilipinas. Natalia tricked him.

"Kasalanan mo rin 'to, Edward. Mapapakinabangan pa sana kita. Anyare sa 'yo at


napurol yang utak mo?" biglang sabi ni Natalia.

"I don't want to hear your lies anymore. I'm outta here!" galit na sabi ni Edward
sabay bagsak ng pinto. Wala pa din siyang alam na si Frank ang tatay niya.
"Eh di lumayas ka! Adios!" sigaw ni Natalia na ang ibig sabihin ay goodbye o
paalam.

Clouded na sa galit si Edward kaya hindi siya nakuntentong basta lang na umalis.
Using his ever reliable metal thing, he tinkered the doorknob of Natalia's bedroom.
Maingat niyang kinalikot ito saka pinasok.

Dali-dali siyang tumungo sa drawer nito at kinuha ang jewelry box na naglalaman ng
apat na alahas - ang mga bagay na kailangan para mahanap ang Century Treasure.

"Basag ka ngayon, Natalia! Mas mautak pa din ako sa 'yo!" natatawang sabi ni Edward
sabay kuha sa box pagkalabas ng kwarto.

**********************

"Home sweet home!" malakas na sigaw ni Carlos pagkapasok sa Blue Sky Mansion. Abot
tenga ang ngiti ng binata sabay akbay sa kapatid na si Tom, na ngayon lang ulit
nakatapak dito.

"Nakakamiss din, ano?" nakangiting sabi ni Tom.

"Tom! Welcome back!" biglang sigaw ng kanyang maid na si Maria.

"Salamat po!" natutuwang sigaw ni Tom sabay yakap sa matanda.

Nagtawanan lang silang lahat habang hinahanda na ang kanilang meryenda. Bigla na
namang naalala ng magkakapatid si David. Hiniling nila na sana ay kasama pa nila
ang nawawalang kapatid.

Papunta na sana sila sa dining room nang biglang tumunog ang doorbell.

"Brenda, pakitingnan naman yung gate, o!" utos ni Maria sa isa pang kasambahay.
Makalipas ang ilang saglit ay dali-daling tumakbo si Brenda papasok ulit ng
mansyon.

"O, bakit hingal na hingal ka? Para kang hinahabol ng aso." sabi ni Maria kay
Brenda.

"Hindi po kayo maniniwala, Manang Maria. Si... si ano... yung alaga ko... si
David... nasa labas!" nae-excite na sabi ni Brenda habang pawisan sa mabilis na
pagtakbo.

Nagtinginan sina Tom, Carlos at Shiro. Maya-maya ay agad silang tumakbo papunta sa
gate na parang mga kabayong nasa karera.

They finally saw David, very much alive and kicking.

"David!!!" sabay-sabay na pagsigaw nina Tom, Carlos at Shiro. Agad nilang niyakap
nang mahigpit ang kapatid.

Abot langit ang tuwang nadarama ng magkakapatid. Sa wakas ay buo na ulit silang
apat.

"Sino siya?" tanong ni Shiro pagkakita kay Mang Jose.

As David was about to explain kung sino siya, bigla na lang sumigaw si Maria.

"Joseph! Akala ko hindi ko na makikita ang pamangkin ko!" naiiyak na sabi ni Maria
sabay yakap dito.

"Sabi ko naman sa inyo, tiya, babalik ako." sabi ni Joseph.

"Siya si Joseph, ang kapatid ni Johnny." sabi ni Maria sa magkakapatid.

"At tutulungan niya tayong mahanap ang Century Treasure! Na sa 'min na ang mapa!"
dagdag pa ni David.
Tuwang-tuwa sina Tom, Carlos at Shiro sa mga narinig. In-explain pa ni Joseph ang
kwento tungkol sa pagkakabigay sa kanya sa mapa at ang mga nalalaman niya ukol
dito.

"Na sa 'kin na po ang St. Catherine's Academy. Yung mga alahas na lang po ang balak
kong kunin bukas." nakangiting sabi ni Carlos.

"Na kay Natalia pa rin pala ang mga alahas." malungkot na sabi ni David.

"Kanina pang wala." biglang sabat ng isang pamilyar na boses.

Sabay-sabay lumingon ang magkakapatid sa front gate. Nakita nila si Edward na dala-
dala ang isang jewelry box.

"Edward?!"

"Langyang Natalia na 'yan! Manloloko siya!" galit na sabi ni Edward.

"Anong kailangan mo sa 'min?" tanong ni David.

Agad na binuksan ni Edward ang jewelry box. Namangha ang magkakapatid nang makitang
buo ang apat na alahas na kakailanganin nila para sa treasure hunt.

"Hindi ko na naman dapat ginulo yung buhay niyo... dahil... hindi niyo naman ako
tunay na kapatid. Kaya eto, binabalik ko na yung mga bagay na dapat sa inyo."
nakayukong sabi ni Edward sabay abot ng mga alahas sa magkakapatid.

"Ninakaw mo 'to sa kwarto ni Natalia?" nagtatakang tanong ni Carlos.

Tumango si Edward. Laking tuwa ni Carlos sa ginawa nito dahil hindi na niya ito
problema.
"Salamat, Edward!" nakangiting sabi ni Carlos.

"Teka. Ano yung sinasabi mong hindi ka namin kapatid?" confused na tanong ni Tom.

"Nadulas si Natalia kanina. Inamin niyang hindi ako anak ni Johnny. Ginamit niya
lang ako para guluhin ang buhay niyo, saka para mapasakanya yung kayamanan.
Nahihiya ako sa inyo. I was really convinced that I'm the rightful heir of all his
assets." paliwanag ni Edward.

Naawa ang magkakapatid kay Edward. They could feel his pain and embarrassment sa
nangyaring sitwasyon.

"At least you did the right thing." nakangiting sabi ni Carlos sabay akbay kay
Edward.

"Hu! Hu! Hu! Ang da-drama niyo!" biglang sigaw ng isang malakas na boses.

It was Natalia. She was heading towards the front gate of the mansion, habang
naninigarilyo.

END OF CHAPTER 22

Chapter 23 will be released on January 28, 2012 (Saturday)


####################################
Chapter 23
####################################

Blue Brothers

(Chapter 23 -Ground Zero)

Everybody was speechless sa pagdating ni Natalia. Most of them were freezing in


fear. Hindi nila alam kung ano ang pwede niyang gawin. Steady lang ang magkakapatid
sa kanilang kinatatayuan.
"Oh, Carlos! You're here! Kanina pa kitang hinahanap!" nakangiting sabi ni Natalia
sabay hawak sa balikat ng kanyang anak.

Carlos suddenly brushed Natalia's hand. His mother just smiled.

"I was not born yesterday, darling! I know the feeling of mothers being forsaken by
their sons!" sarcastic na sabi ni Natalia.

"Kumusta ka na, Natalia?" biglang sabat ni Joseph.

Biglang natawa si Natalia.

"Buhay ka pa pala. And look at you now. You're as dirty as ever before!" natatawang
sabi ni Natalia.

"Napakawalang puso mo. Hindi na ikaw yung Natalia na nakilala ko dati nung high
school pa tayo. Mabait ka pa nun at mahiyain. Kasabay ng pagganda mo ang pagbabago
ng ugali mo." sabi ni Joseph.

"Everybody changes. Pero ikaw, wala kang progress." sabat ni Natalia.

Naalala ni Joseph ang pagkakaibigan nila ni Natalia. Madali silang nagkasundo dahil
sa pareho silang outcasts sa kani-kanilang schools. Matagal nang may gusto si
Natalia kay Johnny at si Joseph ang kanyang pinagsasabihan ng mga sikreto.

"Nakakainggit naman si Clara. Maganda siya, kaya ganun na lang ang pagkagusto ni
Johnny sa kanya." nalulungkot na sabi ng batang Natalia.

"Maganda ka rin naman ah." sagot ng batang Joseph sabay tanggal ng makapal na
eyeglasses ni Natalia.

Nagustuhan ni Joseph si Natalia dahil sa pagiging simple nito. Sa paglipas ng


panahon, nag-iba na ang lahat. Natalia became very wicked, to the point na
kailangan na siyang kalabanin ng dating kaibigan.
"Hindi ka na naawa sa mga anak ni Johnny." galit na sabi ni Joseph.

"Bakit naman ako maaawa sa kanila? Kung ang sarili ko ngang anak, tinraydor ako!"
galit na sagot ni Natalia.

"Ikaw ang traydor!" biglang sabat ni Edward.

Nilingon ni Natalia si Edward. Tumawa ito nang malakas at nilapitan ang binata.

"Oh, my gosh! Kumpleto ang cast!" natatawang sabi ni Natalia sabay tingin kay
Edward, at biglang tingin kay Frank na nasa isang tabi.

Natalia suddenly embraced Edward's neck as she pulled out a gun from her handbag.

"Walang lalapit!" sabi ni Natalia habang nakatutok ang kanyang baril sa lahat.

Takot na takot ang lahat na lumipat sa kabilang side malayo kay Natalia. Si Joseph
lang ang medyo lumalapit sa kanya.

"Itigil mo na 'yan!" galit na sabi ni Joseph.

"Wag kang epal! Gago!" sagot ni Natalia.

Nasasakal na si Edward dahil sa mahigpit na hawak ni Natalia. Pinagpapawisan na ang


binata.

"Ang buhay ni Edward, kapalit ng mga alahas na ninakaw niya!" sigaw ni Natalia.

"Walang saysay kung makukuha mo ang mga alahas, dahil wala naman sa 'yo ang mapa!"
sagot ni Joseph.

"Anong mapa?"
"Pakawalan mo muna si Edward, saka ko sasabihin." sagot ni Joseph.

Nag-iisip na si Natalia. Pakakawalan na sana niya ang binata nang bigla niyang
nakita si Frank.

"Oo nga pala. Bago tayo magpatayan dito... I would like to make a shocking
announcement!" nakangiting sigaw ni Natalia.

"Frank... meet your son, Edward." nakangiting sabi ni Natalia habang hostage pa din
niya ang binata.

"A-anong sabi mo? Anak ko si Edward?" nagtatakang tanong ni Frank.

"O, para maniwala ka!" sigaw ni Natalia sabay labas ng sulat ni Elizabeth mula sa
kanyang handbag. Ito ang sulat na inabot ng 23 years bago maibigay kay Frank.

Agad binuksan ni Frank ang sulat mula kay Elizabeth dated September 3, 1992. Unti-
unting tumulo ang kanyang luha habang tinatapos ang handwritten letter ng kanyang
dating kasintahan.

Masakit malaman na ang binatang dati na niyang nakakasama ay ang kanyang anak. Mas
masakit malamang nasa panganib ito at maaaring hindi na siya makabawi sa anak.

"Natalia, pakawalan mo ang anak ko! Parang awa mo na!" nagmamakaawang sabi ni Frank
sabay luhod.

"Na-ah! Akin na muna yung mga alahas!" patuksong sabi ni Natalia.

Namumula na sa takot at pag-iyak si Edward. Awang-awa ang sina Tom, Carlos, David
at Shiro sa sitwasyon. Maski sila ay nakakaramdam ng panginginig sa tuhod.

Si Shiro naman ay patagong nagdi-dial sa police headquarters.


"Bago mo ako patayin, Natalia, sasabihin ko na. Tom! Si Natalia ang nagpapatay sa
anak niyo ni Mindy! Rinig na rinig ko habang nag-uusap sila ng kakampi niyang
doktor!" nagmamadaling sigaw ni Edward.

"Shit!" galit na sabi ni Natalia sabay bitaw sa leeg ni Edward.

She finally pulled the trigger and shot Edward on the chest. Everyone shouted.

"Edward!!!!!" malakas na sigaw ni Frank sabay yakap sa anak na nakahiga. Apaw ang
dugo sa kanyang katawan.

"D-dad..." nanghihinang sabi ni Edward kay Frank. Iyak lang nang iyak ang ama.

Walang oras na inaksaya si Tom as he headed straight to Natalia. Walang takot


niyang sinakal ang matanda. Nabitawan na din ni Natalia ang kanyang baril.

"Arrrrrggghhh!!!" galit na sigaw ni Tom habang sinasakal na parang stuffed toy ang
leeg ni Natalia.

"Stop it... ugh... ugh... Tom... please... I... can't... breathe!" hinihingal na
sabi ni Natalia habang patindi nang patindi ang pagsakal sa kanya ng binata.

"Papatayin kita!" sigaw ni Tom.

"Maawa ka... please..." nagmamakaawang sabi ni Natalia.

Maya-maya ay natunugan ni Tom na parating na ang mga pulis kaya agad niyang
binatawan si Natalia. Kanina pa ding nakuha ang baril kaya wala nang panlaban pa si
Natalia.

Sumugod na ang mga pulis sa compound. Kasama din nila ang ilang ambulansya para
sunduin ang nabaril na si Edward.

"Ma'am, sama na kayo sa 'min." mahinahong sabi ng isang pulis sabay posas kay
Natalia.

"Get off me!" hysterical na sigaw ni Natalia.

Nagtulong sina Frank at Joseph na samahan si Edward sa ambulansya.

"Bago pa mahuli ang lahat, hanapin niyo na yung kailangan niyong hanapin. Eto ang
mapa." nagmamadaling sabi ni Joseph sa magkakapatid.

"Eh paano po si Edward?" tanong ni David.

"Kami na ang bahala sa kanya. Basta kayo na din ang bahala dyan. Tinuro ko na ang
dapat kong ituro. Alam mo na kung paano gamitin ang mapa." sagot ni Joseph.

Habang nag-uusap si David at Joseph ay nakikinig naman si Natalia habang hindi pa


siya ipinapasok sa sasakyan.

"Tara na! Nag-aalisan na ang mga investors ng St. Patrick's. Bumababa na rin ang
number of enrollees taon-taon." sabi ni Shiro.

"Sasama ako!" biglang sabi ni Mindy.

"Delikado. Wag na." sagot ni David.

"Ako rin, sasama. We would like to help. St. Catherine's is also at stake. We
wouldn't let our alma mater shut down its operations." sabi naman ni Hillary.

Wala nang nagawa ang Blue Brothers. Hinayaan na lang nilang sumama ang dalawa.

"O, wag kang sasama!" sabi ni Shiro kay Kari.

"Sinong may sabing sasama ako? Dito lang ako, no! Babantayan ko si Fonsy." nakairap
na sagot ni Kari kay Shiro.
Si Tom ang naghawak ng jewelry box, at si David naman ang naghawak ng mapa.

"Teka, paano natin hahanapin ang X spot na 'yan?" tanong ni Shiro sabay turo sa
gitna ng mapa. Magulo ang pagkakaguhit sa mapa kaya hindi ito basta basta mababasa
nang maayos.

"Hmm... nakapagtataka. Puro coordinates ang nakalagay sa apat na sulok ng mapa."


pansin ni Carlos habang binabasa ito.

"So, paano natin malalaman kung nasaan na tayo based sa mapa?" tanong ni Mindy.

"Based daw yung X spot sa location ng apat na pagmamay-ari ni lolo." sabat ni


David.

"Kung ganun, ang apat na lugar ay ang St. Patrick's, St. Catherine's, East Hill
Resort, at ang mansyon na 'to." sabi ni Carlos.

"Tama! Alam ko na! Kaya pala!" natutuwang sigaw ni Shiro.

"Bakit? May alam ka?" tanong ni Tom.

"Nabasa ko kasi yung isa sa mga diary ni lolo. Itinayo niya yung apat na buildings
using the Cartesian plane as a model. Nasa north itong mansyon, nasa south ang
resort, habang magkalapit na east and west ang dalawang schools. Tapos may
tinatawag siyang Ground 0." paliwanag ni Shiro.

"Parang alam ko yang Ground 0 na yan. Dinala na ako dati ni Dad dyan nung bata pa
ako. Alam ko kung nasaan 'yun." natutuwang sabi ni Carlos.

"Tara na!" sabi ni Tom.

**********************
Nasa sasakyan na ang lahat para puntahan ang X spot na sinasabi sa mapa. Si Carlos
ang nagd-drive ng kotse, at si Hillary ang nasa harapan.

Binuksan ni Carlos ang kanyang GPS para madali nilang matunton ang lugar.
Nakalimutan na din kasi ng binata ang exact location nito.

Sama-sama sina Tom, David, Mindy at Shiro sa likod. Ramdam ni Shiro ang tensyon
dahil matagal nang hindi nakakapag-usap ang tatlo.

"Galit ka pa ba sa 'kin?" tanong ni Tom kay David.

"Hindi na. Sorry din ah. Nag-overact lang ako." Nakangiting sabi ni David sabay pat
sa balikat ng kapatid.

Matapos ang pagbabati ng dalawang magkapatid ay nagkatinginan naman sina Tom at


Mindy. They just smiled na parang walang nangyari.

"Kumusta ka na?" tanong ni Tom.

"I'm fine. Ikaw?" mahinahong sagot ng dalaga.

"I'm moving on." nakangiting sagot ni Tom.

Ilang saglit lang ay nagbitaw ulit ng statement si Tom.

"David... Mindy... kung ano man yung relationship na gusto niyong ituloy... go for
it! Magiging masaya ako para sa inyo." Nakangiting sabi ni Tom.

Nakita kasi ni Tom kanina kung gaano na ka-close sina David at Mindy kanina nung
muling nagpakita ang kanyang kapatid.

"Hindi ko alam, kuya." sabi ni David.


"Sabi mo lang 'yan. Hindi mo dapat pinipigilan kung anong nararamdaman mo. Boto na
ako sa inyo ni Mindy." nakangiting sabi ni Tom.

Hindi na nakasagot sina David at Mindy but they blushed after hearing Tom's
approval.

"Oy, tama na yang dramahang 'yan! Nandito na tayo!" sigaw ni Carlos. He pulled on
the breaks and they went out of the car.

They found themselves on an abandoned spot. Matataas na ang damo. Hindi mo iisiping
makakahanap ka ng ganitong lugar sa Manila.

"Ang laki na din ng pinagbago nito. Dati, pwede pa 'tong tayuan ng playground, gaya
ng sabi ko kay Dad dati, pero ngayon, mukhang wala nang investor ang maga-aksaya pa
ng oras sa lugar na 'to." sabi ni Carlos.

Kinuha na nina Tom ang panghukay habang dala-dala ni David ang jewelry box. Maya-
maya ay may tumawag kay Carlos.

"Hello? What?! No! Hindi pwede!" natatakot na sabi ni Carlos habang kausap si Frank
sa phone.

"Anong sabi?" tanong ni Hillary.

"Guys, nakatakas si Natalia. Kailangan na nating bilisan, bago pa niya tayo


mahanap." Natatakot na sabi ni Carlos.

Nagmadali ang magkakapatid as they went to the center of the abandoned land.
Nagsimula nang maghuhay si Tom gamit ang malaking pala. Tumulong din sina Carlos,
David at Shiro sa paghuhukay. After 5 minutes of digging, they saw a rusty metal
door.

"Arrgh! Hindi ko mabuksan!" sabi ni Tom.


"Teka, baka kailangan na nating gamitin ang isa sa mga alahas." sabi ni David sabay
bukas ng jewelry box.

Nag-iisip ang lahat kung alin sa apat na alahas ang unang gagamitin.

"Tingnan niyo yung lock nung pinto, parang circle-shaped." pansin ni Shiro.

"Dalawa lang ang bilog sa mga alahas, yung singsing pati yung bracelet." sabi ni
Tom.

Sinubukan muna nilang ipasok ang bracelet sa lock pero hindi ito nagkasya. Masyado
itong malaki. Sinubukan naman nila ang singsing.

They were amazed at how the ring fits the lock. Madali itong sumuot at bumaon.
Parang mechanical magic ang nangyari nang biglang bumukas ang pinto na parang
remote-controlled ang movement.

"Galing!" natutuwang sabi ni Shiro.

Pagkabukas ng pinto, nakita nila ang isang mahabang stairway pababa. Isa-isa silang
bumaba. Madilim sa loob, pero hindi nila ito naging problema dahil lahat sila ay
may dalang malalaking flashlights.

It took them a while bago nila marating ang pinakababa ng kweba. They were all
moving their flashlights searching for the next way.

"Teka, ano 'tong nakikita ko? Puro pader!" nagtatakang sabi ni Tom.

"Hala! Hindi kaya... nasa... nasa isang maze tayo?" sabi ni Carlos.

David stepped forward at pinakiramdaman ang mga dingding. Maya-maya ay bumalik siya
ulit sa pwesto ng lahat.

"Maze nga. At mukhang matatagalan tayo bago natin marating yung kayamanan." sabi ni
David.
"Imba!" amazed na sabi ni Shiro.

END OF CHAPTER 23

The FINAL CHAPTER will be released on Friday, February 3, 2012.


####################################
Chapter 24 and Epilogue
####################################

Blue Brothers

(Chapter 24 - Endless Riches - The Series Finale)

"Mukhang kailangan na nating gamitin yung golden compass." sabi ni Tom sabay kuha
sa alahas.

Habang binubuksan ng binata ang compass, nag-iisip si David at kinuha niya rin ang
necklace na may locket. Matagal niya itong tinitigan. Natandaan niya ang sinabi ni
Joseph na malaki ang pakinabang ng locket. Sinubukan niyang biyakin ang locket. To
his surprise ay nabubuksan nga ito.

"Tingnan niyo!" gulat na sabi ni David sabay labas ng isang maliit na piraso ng
papel na nakalagay sa loob ng locket.

Binasa nila ang nakalagay sa papel. Nabigo sila dahil hindi mapa ng maze ang
nakalagay. Sa halip, puro mga directions at number of steps ang nakalagay, from the
starting point.

"10 steps N (North)." basa ni David.

Tuluyan na nilang ginamit ang golden compass.


"Basta sabi ng nanay ko, sa isang maze daw, lagi ka lang didikit sa right side ng
wall, para hindi ka mawala, at para mas mabilis kang makalabas." nakangiting sabi
ni Tom.

"Ikaw na, Tomas! Ikaw na ang may talent sa mga maze." nagbibirong sabi ni Carlos
sabay tapik sa ulo ni Tom.

Nagsimula na silang tahakin ang maze. With Tom's compass and with David's
leadership, madali nilang nasusundan ang instructions sa papel.

"Ibang-iba ka na talaga, David. Nararamdaman ko ang confidence mo." nakangiting


sabi ni Tom.

"Oo nga, David. Just lead us the way. We're proud of you!"natutuwang sabi ni
Carlos.

"Thanks." nakangiting sabi ni David. He felt better after hearing his brothers'
compliments.

"Parang may naririnig akong kaluskos." kinakabahang sabi ni Mindy.

"Just move along. 5 steps W (West)." utos ni David. Hindi na lang ulit pinansin ni
Mindy ang ingay na kanyang naririnig. Kinabahan din ang iba sa nalaman pero they
just chose to walk and ignore the distractions.

Matapos sundin ang sampung instructions, they found themselves at the end of the
maze. They shouted with joy dahil nakalabas din sila dito.

"Now what?" sabi ni Carlos.

Agad tinuro ni David ang malaking pintong nasa harapan nila. Isa itong circular
giant vault na parang makikita mo sa mga bangko at iba pang establishments na
kailangan ng matinding safekeeping of items.

"Ang laki ng vault, pero ang liit lang ng pihitan." pansin ni Tom.
"For sure, may number combination na kailangan. Saan naman natin kukunin 'yun?"
tanong ni Hillary.

Kinuha ni Shiro ang bracelet, dahil ito na lang ang alahas na hindi pa nagagamit.
Sinipat niya ito at naghanap ng numbers or kahit figures man lang. Wala siyang
nakita. Isang statement lang ang nakita niyang naka-ukit sa bracelet.

Happy birthday, Juan

Dahil mahilig magbasa si Shiro ng mga diaries ng kanilang Lolo Juan, agad niyang
natandaan ang birthday nito. Madali lang itong tandaan para sa kanya, dahil
magkapareho lang sila ng kaarawan - December 7.

"Tama! December 7, 1941 ang birthday ng Lolo. I-try natin yung 12-07-1941 na number
combination." agad na sabi ni Shiro.

Tom dialed the number combination. After a few seconds, biglang tumunog ang pinto
ng vault at agad itong bumukas.

Napasigaw ang lahat sa excitement. Ready na sila to face a mountain of stones and
treasures.

When they entered the chamber, they immediately looked around to see the golden
stones. Pero wala silang nakitang ganun. It was a quiet and empty chamber. In the
middle of the room was a small treasure chest.They were somehow disappointed.

Binuksan ni Tom ang maliit na baul. Nilalaman nito ang ilang gold, silver at
diamond stones.

"Eto na 'yun?! Eto na yung Century Treasure?" nagrereklamong sabi ni Carlos.

"Eh mukhang hanggang 5 years lang ang aabutin nyan eh." dagdag ni Shiro.

Kinalkal ni Tom ang laman ng baul. Sa ilalim ng mga bato ay may nakapa siyang isang
malaking libro.
"The Book of Wisdom?" nagtatakang sabi ni Tom habang hawak ang libro.

Habang binubuklat niya ang libro ay may nakita siyang isang sulat na nakaipit sa
isa sa mga pages nito. Isa itong unread letter mula sa kanilang grandfather na si
Lolo Juan. The four brothers sat down and read it.

To my beloved Blue Brothers,

You may be surprised with how I addressed this letter. Siguro ay


nagtataka kayo kung bakit ko kayo kilala, kahit hindi niyo na ako naabutan. Don't
worry, I will explain.

Weeks before I write this letter, St. Patrick visited me in a dream. He told me to
prepare for near bankruptcy, which will happen 20 years from now. I was really
afraid, but he told me not to worry. This is what he said...

"Bury something that will save your descendants from adversity, at the center of
your possessions. It may be gold, silver, precious stones, or immaterial
inheritance. After 20 years, the search will begin. A map will come in handy. Leave
it to your second son. Make four keys or items that will help them, and leave it to
your first son. Instruct him well, for he will be the father of four men - men who
will be strong enough to save your properties. They will be associated with the
color Blue, for it symbolizes nobility - a trait mostly acquired by knights. Follow
my instructions, and your legacy will be present for over a hundred years."

I wrote what he said in verbatim, word per word. Hindi coincidence ang pagiging
Blue Brothers niyo. It's a calling. Hindi pa kayo pinapanganak as I write this, but
I would like to say that I'm proud of you. Mahal na mahal ko kayo, mga apo.

I hope that you would use the small portion of my riches into good use. Read the
book of wisdom, and it will help you multiply the riches in the chest, ten times or
a hundred times more. As the saying goes, "Teach a man how to fish, and you'll feed
him for life." This is my legacy to you. You've already gone this far.
Congratulations!

Love,

Lolo Juan dela Cruz


(April 28, 1990)

The brothers cried a bucket of tears habang binabasa nila ang sulat. They felt his
spirit in their hearts. Mahirap ang pinagdaanan ng magkakapatid bago nila nahanap
ang kayamanang walang hanggan. They embraced each other at nangakong walang iwanan.
Naiyak din sina Mindy at Hillary habang pinapanood ang magkakapatid. They were
really touched.

"Bravo! Bravo!" biglang sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Natalia?!" takot na sigaw ni Carlos.

"Hijo, I'm your mother. You should not call me by my name.By the way, salamat at
naka-open yung GPS mo. I tracked you down, sweetie. Hahahahaha!" nababaliw na tawa
ni Natalia habang hawak ang kanyang phone.

Carlos was shocked as he looked at his smartphone. Nakalimutan niya itong isara.

"Salamat na rin at iniwan niyong bukas ang mga pinto. I found it very easy to
follow you, morons." nakangiting sabi ni Natalia.

"Tigilan mo na kami! Papatayin talaga kita!" galit na sabi ni Tom.

"Excuse me. Hindi tayo close. Mamaya na tayo magpatayan." pabarang sabi ni Natalia
kay Tom.

Natalia looked at his son, Carlos.

"Unahin muna natin ang prodigal son!" nakangiting sabi ni Natalia, sabay hugot ng
baril na nakuha niya sa mga pulis na humuli sa kanya kanina.

"I love you, my son... but as your mother, I will give you your punishment!"
natatawang sabi ni Natalia sabay tutok ng baril kay Carlos.
Natalia was about to shoot her son, when Hillary pushed Carlos. Siya ang natamaan
ni Natalia.

"Hillary!" gulat na sigaw ni Carlos. Tumba ang dalaga sa lakas ng tama sa kanyang
dibdib.

They heard a sudden crumbling sound. Hindi nila alam na masyadong sensitive ang
chamber sa loud sounds and impact. Naga-alburuto na ang chamber at nagsisimula nang
magpatakan ang lupa mula sa taas. A landslide is going to happen.

Rocks started to fall. Agad na kinuha ni Shiro ang treasure chest habang binuhat na
ni Carlos si Hillary. Tumakbo na din palabas sina Tom, Mindy at David.

Padami na nang padami ang bumabagsak na mga bato. Nagpa-panic si Natalia. She has
claustrophobia kaya natataranta na siya. She placed her hands on her ears as she
opens her mouth because of shock and confusion.

She accidentally swallowed a big piece of rock and she choked.

"Ugh! Ugh! Help! Help!" suffocated na sabi ni Natalia as she holds her neck. Na-
trap na ang bato sa lalamunan niya. She can't breathe anymore.

Pagkalabas na pagkalabas ng magkakapatid ay biglang bumagsak na ng tuluyan ang


ceiling sa loob ng treasure vault. Tuluyan nang natabunan si Natalia. Nadaganan na
siya ng lupa at ng mga malalaking bato. Double dead nga siya kung tutuusin, at
nawalan din siya ng hininga dahil sa nalunok na bato.

Nakita na lang nilang puro bato na ang loob ng chamber. They have to run, dahil
malapit nang maubusan ng dugo si Hillary.

"Carlos... hindi na ako makakaabot." mahinahong sabi ni Hillary habang buhat siya
ng binata.

"Sssh! Aabot tayo! Mabubuhay ka!" natatarantang sabi ni Carlos habang tumatakbo.

"I love you, Carlos. I loved you ever since the first day I saw you." mahinahong
sabi ni Hillary, sabay pikit ng kanyang mga mata.

"I... I love... I love you, too." sagot ng binata.

Time is running out. Kailangan na nilang makalabas ng underground cave at makapunta


sa pinakamalapit na ospital. Tarantang-taranta na ang lahat. Ilang saglit lang,
they saw the light... the light from up above.

**********************

"With the powers vested in me... I now pronounce you... husband and wife!"
nakangiting sabi ng pari.

People clapped as David and Mindy kissed in front of the altar. Tuwang-tuwa ang
lahat, lalong-lalo na ang magkakapatid na sina Tom, Carlos at Shiro.

A year after the treasure hunt, nag-decide nang magpakasal nina David at Mindy.
Matagal-tagal na rin naman silang na-develop.

Si Shiro ang kinuhang best man, habang si Kari naman ang maid of honor. Groomsmen
sina Tom at Carlos, habang si Fonsy ang ring bearer.

"Tingnan mo nga naman. Dati-rati, tayo yung may mga babae. Ngayon, napag-iwanan na
tayo nina David at Shiro." natatawang sabi ni Tom kay Carlos.

"Yan ba talaga ang gusto mong sabihin, o nabi-bitter ka lang?" pabirong sabi ni
Carlos.

"Hindi ah. Seryoso, okay na talaga ako. Maging masaya na lang tayo kina David."
nakangiting sabi ni Tom.

"Makakahanap ka rin ng iba. Ikaw pa." sabi ni Carlos.


"Ikaw rin kaya. Makakahanap ka rin ng ibang babae." sagot ni Tom.

Isang taon na din mula nang mamatay si Hillary. Hindi na siya nakaabot ng ospital
dahil naubusan na siya ng dugo. Ganun din ang sinapit ni Edward. As the Blue
Brothers entered the chamber, na-declare na sa ospital na dead on arrival ang
binata. Malakas ang pagkakatama ng bala sa puso nito.

Halos magka nervous breakdown si Frank sa nangyari. But he managed to move on.
After 6 months, nagpaalam siya para pumunta sa Great Britain. He decided to live
with Charles, kahit hindi niya kaano-ano. Gusto lang daw niyang tumira sa bahay ng
mga taong naging parte ng buhay niya.

Wala pang planong magpakasal sina Shiro at Kari. Nangako silang tatapusin muna ang
pag-aaral at magkakaroon ng stable na trabaho, bago nila planuhin ang mga ganung
bagay.

After attending David's wedding, bumalik na ng probinsya si Joseph. Mas panatag daw
siyang tumira sa lugar kung saan tahimik at walang masyadong problema. Pinigilan
siyang umalis ng magkakapatid, pero hinayaan na din nila ito. Ang importante ay
naging parte siya ng misyon ng Blue Brothers. Ang sabi lang ni Joseph, ay nandyan
lang siya kapag kinailangan ang tulong niya.

David and Mindy went on a two-week honeymoon in New York. Habang nasa trip ay may
nakakapag-usap pa din sila nina Tom online. Pagkatapos nito ay ipagpapatuloy ulit
ni David ang kanyang naudlot na college education.

Habang wala pang girlfriends sina Tom at Carlos, nag-focus na lang sila sa
management ng St. Patrick's Academy at St. Catherine's Academy. Kahit sila ang may-
ari ng mga schools na ito, minabuti nilang magsimula muna sa baba ng hierarchy as
faculty members, para fair sa mga deserving sa administrative positions. Tom
teaches English and Science, habang si Carlos naman ay nagtuturo ng Spanish at
Math.

Masaya naman si Fonsy dahil para na rin siyang may dalawang tatay. Napamahal na kay
Tom ang bata kaya he offered himself as a second father to the kid.

Nasa Blue Sky Mansion naman ang treasure chest, sa pangangalaga ni Shiro. Madami-
dami din ang nagamit nilang ginto at pilak para ma-save ang dalawang paaralan from
bankruptcy. Ginamit din nila ito to improve the school's interiors and operations.

The Blue Brothers promised to use the treasure wisely. Araw-araw silang nagbabasa
ng chapters sa Book of Wisdom at confident sila to maximize their wealth through
sound business practices.

EPILOGUE

(The Blue Brothers... 12 Years Later)

It's a bright morning in the fifth day of June. A start of another academic year
for St. Patrick's Academy. Maingay at magulo sa school grounds, lalo na sa lobby ng
eskwelahan. Students are busy reserving their rooms, fixing their schedules, and
arranging their school fees.

After 12 years, St. Patrick's is still the premier academy, not only in the
Philippines, but in Asia. Mas dumami ang mga students, at karamihan sa kanila ay
foreigners na galing pa ng Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, China, Japan,
at South Korea.

Changes have been made. The school is now co-educational, along with St.
Catherine's Academy. This practice has been started five years ago, to cope up with
the demands of globalization and modern educational system. The boys wear the same
uniform like before. The girls wear white long sleeves, blue blazers, and gray
skirts.

With the cooperative effort of the students, faculty, support staff, and the
administration, the said school positioned itself as the top basic education
academy in the continent, with an extensive curriculum and ultra-high standards.
Sabi nga ng karamihan, why study abroad when you can enroll at St. Patrick's, or at
its sister school, St. Catherine's.

The school still has high fees, pero hindi ibig sabihin na mayayaman lang ang
makakapag-aral dito. They opened full scholarship programs, depending on the
student's talents, skills, and needs. They can choose between cultural, sports,
science or even vocational scholarships. And if the student has an exceptional
intelligence, he can study for free, with monthly allowance.

"Calling all students. Please assemble at the Grand Dining Hall, for the opening
lunch ceremony!" pag-announce sa centralized school portal.

The students flocked into the lavish dining hall. Karamihan sa kanila ay
nakikipagkwentuhan at nagtatawanan habang papasok. Karamihan ay tahimik lang dahil
wala pa silang kaibigan o kakilala, lalo na ang mga freshmen na parang mga pusang
naliligaw.

Lahat ay nakapwesto na sa sampung long tables, na punong-puno ng mga masasarap na


pagkain, gourmet-cooked.

"Good day, students. This is your principal, speaking. For the new enrollees, I
would like to introduce myself. I am Mr. Tomas dela Cruz, but you can call me Mr.
Tom." proud niyang sabi.

The students clapped as they look up to Tom, now a 35-year old bachelor. Subsob sa
trabaho kaya hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakapag-asawa. His physical
appearance is in its prime. At this age, he still carries a perfect physique.

"Gosh, I really love him!" kinikilig na sabi ng isang babaeng estudyante habang
nakatingin kay Tom.

"Education is a right, not a privilege. So, make your stay in this academy
fruitful. Study hard, make friends, gain respect, and fill your minds with endless
knowledge. Welcome to St. Patrick's Academy!" nakangiting sabi ni Tom sabay bow at
baba sa stage.

Nag standing ovation ang mga estudyante, kasama na dito ang pamangkin niyang si
Fonsy dela Cruz, who is now a 16 year-old junior high school student.

Fonsy is like his father Carlos in its heydays. He is considered as one the most
handsome students in the campus. Matangkad, mestizo, matalino at magaling sumayaw.
That's how they describe him.

Consistent top student din siya, pero hindi siya kasing yabang ng kanyang ama.
Palakaibigan ang binata pero minsan ay mabilis ding uminit ang kanyang ulo. His
father, Carlos, teaches him in academics and in other things, while his uncle, Tom,
teaches him to be humble and respectful.

"Nice speech, Tito!" natutuwang sabi ni Fonsy kay Tom.

"Thanks. Bumalik ka na ng classroom mo. Remember, in this school, I'm your


principal, not your uncle." nakangiting sabi ni Tom sabay kindat sa pamangkin.
"Yes, sir!" saludo ni Fonsy sabay kuha ng kanyang mga libro.

**********************

"As the new principal in St. Catherine's Academy, I would like to announce some
changes in the system." nakangiting sabi ni Carlos habang naga-announce sa harap ng
dining hall ng school.

Considered as the second best basic education academy in Asia, St. Catherine's
Academy has a different path in the field of education. Mas kilala naman ang school
na ito pagdating sa preparatory arts courses at sa foreign languages.

As early as high school, students can choose their preferred arts course. Para na
din silang kumukuha ng AB courses in college. Extensive din ang kanilang Spanish,
French, Italian, Greek, Japanese, Korean at Mandarin programs.

Kahit parehong co-ed schools na ang St. Patrick's at St. Catherine's ay hindi naman
sila nagco-compete. The former focuses more on science and business, while the
latter focuses more on arts and languages. Kung dati ay gender ang basehan, ngayon
ay fields and interests na ang pagkakaiba ng dalawang eskwelahan.

"Sir Carlos is so hot, I'd do him." bulong ng isang liberated female student habang
nakikinig.

"Mang-aagaw ka!" sabat ng kaibigan niyang bading.

"Underground organizations, such as fraternities and sororities, are illegal.


Walang maghahari-harian, walang queen bee, at walang mga secret societies na
mabubuo sa school na 'to. Am I making myself clear?" firm na sabi ni Carlos.

Like Tom, hindi pa rin nakakapag-asawa si Carlos. At 35 yrs. old, focus din niya
ang trabaho at ang kanyang anak. He has been dating and playing around, pero
hanggang dun lang. Wala pa ulit siyang sineseryoso after 12 years.
"Last announcement. Student-teacher affairs, or student-principal affairs are
prohibited. So girls, and some boys as well, stop bringing chocolates into my
office. Thank you!" nakangiting sabi ni Carlos na parang nagbibiro. Pumalakpak ang
mga estudyante.

**********************

"Magpapa-party na naman si Shiro sa mansyon?" tanong ni David habang nakikipag-usap


kay Tom sa phone.

"Next Saturday, right? Okay, got it. Salamat. See you soon." sabi ulit ni David
sabay end ng call.

Masaya na sina David at Mindy na nakatira sa isang malaking suite sa East Hill
Resort and Spa, kasama ang kanilang 11 year-old fraternal twins.

At 34 yrs. old, madaling napalago ni David ang kanyang leisure business. Successful
ang pagbubukas ng casino and more foreign investors are flocking in. Last year lang
ay na-feature siya sa Time Magazine as a young and dashing hotel executive. Si
Mindy naman ay in charge sa food and beverages ng lugar.

"Hi, kids. How's the first day of school?" nakangiting tanong ni Mindy pagkadating
ng kanilang mga anak.

"Okay naman po. Hinika lang kanina si Audrey. Pero okay na po siya." sabi ng
lalakeng kambal.

They are Austin and Audrey, the twins of David and Mindy. Athletic at malikot si
Austin, samantalang ang isa naman ay sakitin at mahina ang loob.

Extra care ang kailangan ni Audrey dahil sa kanyang hika. Minsan ay nagseselos na
si Austin sa pag-aalagang ginagawa sa babaeng kakambal, pero sa tamang
pagpapaliwanag ni David ay naiintindihan na din ng bata ang sitwasyon.

**********************
Next Saturday ay nagkaroon ng isang malaking party sa Blue Sky Mansion. Engagement
party ito nina Shiro at Kari. Nasa tamang edad na sila para magsimula ng isang
bagong pamilya. 33 yrs. old na ang binata at 31 yrs. old na ang dalaga.

Isang History at Geography professor si Shiro sa St. Patrick's Academy, habang si


Kari naman ay nagtuturo ng Math sa St. Catherine's Academy. Busy din ang binata sa
pagsusulat ng isang libro tungkol sa history ng kanilang angkan.

"Buti ka pa. Mauunahan mo pa kami ni Caloy!" nakangiting sabi ni Tom kay Shiro.

"Darating din ang para sa 'yo, kuya. Bilisan niyo at baka mamaya, maunahan pa kayo
ni Fonsy." natatawang sagot ni Shiro.

"Ikaw Fonsy ah. Huwag ka munang mag-girlfriend ah. Makakasira yan sa pag-aaral mo."
utos ni Carlos sabay turo ng daliri sa anak.

"Dad, kahit maraming nagkaka-interes sa 'kin sa school, wala naman akong


natitipuhan sa kanila. The girls in the school are not my cup of tea." mayabang na
sagot ni Fonsy.

"Ehem. Biglang ang lakas ng hangin!" biro ni Tom sa kanyang pamangkin.

"Tito naman eh. Biro lang. Ang ibig kong sabihin, wala pa talaga akong nagugustuhan
sa kanila." paglilinaw ni Fonsy.

"Basta pag may natipuhan ka, sabihin mo sa 'kin. Akong bahala sa tatay mo." sabi ni
Tom sabay kindat sa pamangkin.

"Ayan ka na naman, Tomas. Kaya spoiled na spoiled ang bata sa 'yo." sabi ni Carlos.

"Pasensya na. Parang anak na rin ang turing ko kay Fonsy." sagot ni Tom.

"Pero... Dad... Tito Tom... may gusto po sana akong sabihin, about my studies."
mahinahong sabi ni Fonsy.
"Ano yun?" sabi ni Carlos.

Bago pa man makasagot si Fonsy ay biglang dumating si David kasama ang kanyang
pamilya. Sabay-sabay nilang binati ang mga ito.

Nag-cheers sina Tom, Carlos, David at Shiro para sa nalalapit na kasal ng bunsong
kapatid. Naiwan si Fonsy kasama ang kanyang mga pinsang sina Austin at Audrey.
Hindi na nasabi ang dapat sana'y sasabihin niya.

"Gusto ko lang namang lumipat sa St. Catherine's. I want to study Fine Arts in
college." malungkot na sabi ni Fonsy sa sarili.

**********************

Sa isang slum area sa Manila, nakatulala at nangangarap ang isang binatang lalake
habang tinitingnan ang malaking billboard ng St. Patrick's Academy. Tuwang-tuwa
siya sa eskwelahang ito.

"Kailan kaya ako makakapasok dyan?" nakangiting sabi niya sa sarili.

"Bartolome! T*ng ina naman! Kaya pala kanina pa akong naghihintay sa tubig natin,
nakatanga ka lang pala dyan! Gago ka!" galit na galit na sabi ng kanyang ama sabay
batok at sapak sa binata.

Sa lakas ng suntok ay tumumba ang binata. Natapon din ang tubig na laman ng mga
baldeng dinadala niya.

"Bwisit na buhay 'to!" sabay sipa ng ama sa kanyang anak. "Eto tatandaan mo. Kahit
kailan, hindi ka makakatapak sa eskwelahang pinapangarap mo, dahil mas mahirap pa
tayo sa daga! Naiintindihan mo 'yun?" nanlalaking matang sabi ng ama habang
dinuduro ang anak.

"Tama na! Tama na! Tigilan mo na si Bart, utang na loob!" biglang pagtatanggol ng
nanay.
"Hindi ko siya titigilan hanggang palamunin natin siya dito. Gusto mo sabihin ko
ang totoo?! Ha! Hoy, Bartolome! Hindi ka namin tunay na anak, kaya pagbabayaran mo
lahat ng kinain at itinulog mo." galit na sabi ng tatay na lasing.

"Tama na!" umiiyak na sabi ng nanay.

"Tumigil ka! Sabihin na natin ang totoo! Hoy, Bartolome! Napulot ka lang ng nanay
mo sa basurahan ng ospital, labing-anim na taon na ang nakakalipas!" sigaw ng ama.

THE START OF A NEW SAGA

####################################
What's Next
####################################

Blue Brothers 2: The Lost Prince (NOW ONGOING)

http://www.wattpad.com/story/5447903-blue-brothers-2-the-lost-prince

TEASER

http://www.wattpad.com/story/5447903-blue-brothers-2-the-lost-prince

"Dad... I want to transfer to St. Catherine's. I don't want to take up a business


course!" nahihiyang sabi ni Fonsy sa kanyang ama na si Carlos.

"What?! No! You're staying in St. Patrick's!" galit na sabi ni Carlos sabay tayo sa
kinauupuan.

"Oo nga naman. Kahit hindi kita anak, ikaw ang gusto kong magmana ng St. Patrick's,
pati na rin ng St. Catherine's. We've got big plans for you!" paliwanag naman ni
Tom.

"Nasasakal na ako sa inyo!" galit na sagot ni Fonsy sa kanila.

Dahil sa hindi magandang pagtatalo, gumawa si Fonsy ng isang malaking desisyon.


"Nawawala si Fonsy!" kinakabahang sabi ni Tom sa harap ng kanyang mga kapatid.

Mula sa magarbo at maaliwalas na pamumuhay, maglalayas si Fonsy at mapupunta sa


mundo ng kahirapan.

"Salamat sa paghuli sa snatcher na 'yun ah." nakangiting sabi ni Fonsy sa isang


binatang nakilala niya sa squatter's area.

"I'm Fonsy. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong niya sa binatang nagligtas sa kanya.

"Ako si Bart." nakangiting sagot nito.

Malaman pa kaya ni Bart na siya si Thomas, ang magmamana ng pinapangarap niyang St.
Patrick's Academy?

http://www.wattpad.com/story/5447903-blue-brothers-2-the-lost-prince

**********************

Love Star

http://www.wattpad.com/4048398-love-star

There are a hundred billion stars in the sky. Close your eyes, and wish for that
one bright star - your soulmate, your one true love. Who knows, the universe might
send it to you, at the most unexpected place, and at the most unexpected situation.

Andrew is an amateur film director who wishes for true love on a wishing star. His
parents escape from debt, leaving him with almost nothing. He then meets Anne, a
famous actress who is cornered by the press for having an illicit affair with her
leading man. Two misfortunes result to a blessing in disguise.

This is their story - a story on how a simple wish can make wonders in one's life.

You might also like