You are on page 1of 2

Queengielin C.

Tulin Grade 12 Lopez Jaena


“Sarili muna bago ang iba”
(Talumpating Nanghihikayat)
May mga tanong lang na patuloy sumasangga sa aking isipan tulad ng bakit

kailangan masaktan kapag nagmamahal? o bakit hindi na lang puro saya kung iibig

ka?.Sa ating bansa pag-inuuna mo ang sarili mo makasarili ka ngunit hindi mo naman

pwedeng lagi na lang sila ang nauuna tapos tayo yung nahuhuli kumbaga ng pumila sa

ayuda ang nakuha natin yung tira-tira ang tanong papayag Kaba?Papayag ka bang lagi

ka nalang nasa huli?Lagi ka nalang bang nagpapaubaya? Kahit sawang sawa kanang

mauna sila palagi lalo na sa isang bagay na gustong gusto mo ,gustong gusto mong

makuha tulad nalang ng taong minahal mo pero ang tanong minahal ka ba? Nasaktan

ka rin ba sa tanong na mahal kaya rin nya ako? o may pag-asa ba ako? o aasa nalang

ba ako sa wala?.

Alam niyo ang hirap kasi sa atin ginagawa nating mundo ang yung dapat tao

lang tas yung tipong mapapasabi ka nalang na dapat di nalang kita ginusto ng subra

kasi sa subrang gusto natin sa isang bagay nalilimutan na natin yung sarili natin yung

subrang gusto mo ang isang bagay tapos hindi ka na makapaghintay sabi nga diba

kung gusto ng the best para sayo matuto kang maghintay ,paano kita iluluto ng adobo

kung nagmamadali ka? Kaya deserve mo ang preto ,pretong itlog ,pretong hotdog at

kung ano-ano pa na instant lang matuto kang maghintay,alamin mo yung nararapat

sayo at yun ay ang mahalin.


Sa pagmamadali mo nalilimutan mo na ang sarili mo, nalimutan mo nang kumain

mag-isa kasi umaasa kang sasabihan ka niya na kumain ka na .Dapat bigyan mo ng

oras ang sarili mo bago mo atupagin yung mga taong wala na mang pake sayo.

Tandaan mong mahalaga ka dahil sa pagdating sa huli sarili mo lang ang

kakampi mo ,bago ka mag alaga nang iba arugain mo muna ang uhaw mong

puso ,uhaw sa pag-ibig ,uhaw sa taong puro sakit ang ibinibigay sayo ,busugin mo

muna ang puso mo ng pagmamahal na unang manggagaling sayo at pagbusog kana

at puno nayang iyo ngayun mo punuin ang sa iba,lagi mong tandaan paano mo

matutunang mahalin ang iba kung ang sarili mo ay napababayaan muna kaya unahin

mo muna ang sarili mo bago ang iba.

You might also like