You are on page 1of 4

Mahahanap mo pa ba ang taong nakalaan sayo?

Sa dami ng tao sa mundo,

Mahahanap mo pa ba ang taong nakalaan sayo?

Maraming tao na ang nadismaya

Dahil sila ay nabiktima

Na magmahal sa maling oras,

Lubhang ang bata-bata pa

Konting sakit, madali ng mapilas

Sa maliit na tukso ayaw ng tumakas.

Masyadong matanda na

Marami ng sakit ang dinanas.

Takot ng sumubok pa

At muling namang umasa.

Halos lahat ng tao ay ayaw ng umasa

Dahil pinaasa lang sila sa wala.

Ang akala mong meron na

Ginud-time kalang pala,

Yun tuloy nagmukha kang tanga.

Pero yung mas malalala

Ang mga taong umasa

Kahit hindi naman sila pinaasa.

Alam mo ba ang mga tawag sa kanila?


Tanyag na assuming mga repa!

Ang iba nama’y naging manhid na.

Patuloy na naghahangad ng pag-asa

Kahit panakip butas lang pala.

Kung sa basketbol, rebound kumbaga

Hindi nga siya sinuwerte sa isa

Ikaw itong si tanga, sinalo pa

Sa baka sakaling ikaw ang suwerte niya.

Pero nakita ka ba niya?

Hindi di ba?

Kaya hanggang ngayon isa kang naging dakilang masokista,

Patuloy na nagmamahal kahit nasasaktan ka na.

Pero ang madalas, ayaw na nilang umibig pa

Dahil ang minamahal nila ay may iniibig na.

Naghihintay kana lang na mag-break sila,

Baka sa ganun may pag-asa pa.

Hanggang sa kinasal na sila

Nagka-anak ng isang dosena,

Ito ka pa rin nag-iisa.

Pero bes, aminin mo napabilang ka dito,

Yung mga taong sinabuhay ang Love is blind.

Sa harapan mo na nga ang taong mahal mo


Hindi mo parin makita.

Dahil ayaw mo ba sakanya?

Dahil may gusto kang iba?

Dahil hindi siya pumasok sa standards mong kay bonggang-bongga?

O dahil hindi ka kuntento sa isa?

Masusukat mo ang halaga ng tao kung wala na sila.

Pero bes, hihintayin mo pa bang mawala siya

Bago mo makita ang halaga niya?

Ikaw din, baka magsisi ka

Masasagot mo na ba ang tanong na ito?

Sa dami ng tao sa mundo,

Mahahanap mo pa ba ang taong nakalaan sayo?

Oo, pero mahirap siguro.

Marami ng taong nadismaya, umasa, nawasak, nasaktan, naging tanga, ayaw ng maniwala sa
pag-mamahal at ayaw na talagang magmahal.

Pero ang pag-ibig ay isang pagsasapalaran,

Hindi mo alam kung ano ang hantungan

Pero susubok ka paring bumangon, puntahan at lumaban

Para makuha ang isang tunay na pag-ibig na iyong inaasam.

Baka Sakali. Siguro. Hindi.

Nahanap mo nga

Pero pinakawalan mo pa.


Nandiyan na nga

Pero humanap ka pa ng iba.

Nasayo na nga

Pero hindi ka kuntento sa isa.

May mga taong mapapalad,

May mga taong hindi.

Hindi dahil ito ang kapalaran nila

Kundi dahil ito ang pinili nila.

Ito man ang naging kapalaran mo

Subukan mo nawa maging masaya.

You might also like