You are on page 1of 2

Seven Last Words:

4th Word: “Eloi, Eloi, lama sabachthani?” which means “My God, My God, why
have you forsaken me?” (Matthew 27:46)

Jesus experienced loneliness as expressed in Psalm 22. He experienced it to the


highest degree when he was on the cross. He thus experienced a horrible separation
from the Father because he bore the sins of the world. His physical pain must have
been unbearable, but his inner pain was even greater. Jesus, however, agreed to suffer,
knowing that through his stripes, we would never again have to be separated from God.
The extreme suffering that Jesus endured to save us from sin testifies to his love for us.
Christ knew the feeling of loneliness and rejection, but he knew they would not be
eternal and would soon be filled with immense joy and peace when the glory of God
surrounded him.

 Explain what is in the 4th word


Jesus is quoting Psalm 22– He embraces His suffering by speaking to the Father with
the Word. That Psalm resolves in triumph and hope, as will Christ’s suffering. The
Father doesn’t abandon Christ; rather, Christ abandons himself to the Father.

It doesn’t mean we are abandoned by God, but it is what we feel when we commit sin,
dahil yung kasalanan ang naglalayo sa atin sa Diyos. Dahil pasan ni Kristo ang
kasalanan nating lahat, mula kay Adan at Eva sa mga kasalanan pang magagawa
natin, naramdaman ni Kristo na ganun pala ang pakiramdam ng nagkakasala, feeling of
abandonment. Minsan nasabi na rin natin ito diba? Kapag we felt like we are
abandoned kapag nakagawa tayo ng kasalanan and also kapag may mga
pinagdadaanan tayong problema. But God never abandoned us, hindi niya tayo
hinahayaan.

 Sharing my personal experience….


About sa nangyari samin nila FB,FJ,J,K

There was a time, sakto nag pandemic noon. Nagkaroon ng parang issue between me
and my friends dito sa church, I admit nagkaroon ako ng kasalanan noon, may galit sa
aking puso, nakakapang husga ako ng ibang tao, and many more.

And naisip ko rin na hindi na ipagpatuloy yung pagseserve ko kasi I felt heavy talaga,
yung parang hindi ko na kayang magpakita doon sa taong nahusgahan ko, that time
sobrang naguguluhan ako, umabot din sa point na wala na akong mapagsasabihan ng
problem na yun. Even my parents nagalit din sila sa tao na hinusgahan namin. Sobrang
hirap kasi parang yung kasalanan ko na yun, inilalayo niya ako sa Diyos.
Then one night, nag pray ako, sabi ko sa Diyos “Lord bakit naman ganito? Bakit
hinayaan mo po na mangyari na magka-away away kami. Bakit parang ang bigat
naman po ng binigay niyo sa akin na problema.” So I felt loneliness and abandonment
na parang hinahayaan nalang ako ng Diyos.

Then yung time na pwede na lumabas at pwede na rin magsimba. Halos 1 week po
akong di nagserve, then one afternoon, I remember Sabado yun, inaya ako ni Mama
pumunta sa simbahan, then pinilit niya ako makipag usap dun sa taong nahusgahan ko.
Nung una naghe-hesitate ako na makipag-usap. Then nagpray ulit ako, sabi ko “Lord
makikipag-usap po ba ko? Hihingi na po kaya ako ng tawad sa taong yun? Kayo na po
bahala kung anong mangyari.”

After that nag-agree ako kay Mama na kakausapin ko yung tao na yun. Pumunta kami
sa simbahan, with my friend para kausapin yung taong nahusgahan namin. Then yung
time na nakita ko siya, sobra talagang nahihiya ako nun, parang ayaw ko nalang
magpakita. Nung nakausap naming siya, hindi siya nagalit, nag-alala pa siya na kung
bakit hindi na kami nagseserve, ano na nangyari samin, nag-usap kami about sa issue
na yun and inayos namin yung nangyaring problema.

After naming makipag-usap, lumabas kami sa office na may ngiti. And habang
nagdadasal ako sa loob ng simbahan after naming mag-usap usap, I realize na God is
really merciful, Naisip ko that time na napakabuti talaga ng Diyos, sa kabila ng
pagkakasala na nagawa natin, handa niya tayong patawarin at baguhin. Then
hanggang ngayon po, nandito ako naglilingkod sa Diyos at patuloy na nagpupuri sa
kanya.

Bago po ako matapos mag-iiwan lang po ako sa inyo ng isang pahayag.


Always remember that God is with us. He will never abandon us.

Prayer:
Panginoon, ingatan mo nawa kami sa’ming paglalakbay sa mundong ito, maraming
Salamat po sa lahat ng biyaya at sa pagsama sa amin kahit na kami ay nalalayo na sa
iyo, Patawarin mo po kami sa aming pagkakasalang nagawa at bigyan kami ng
pagkakataon na ituwid ang aming landas sa pamamagitan ng iyong pag gabay. Yakapin
mo po kami sa tuwing kami ay nakakaramdam ng pagkalungkot, pag-iisa at nawawalan
na ng pag-asa. Salamat po Panginoon sa iyong anak na si Hesus na tumubos sa aming
mga kasalanan. Nawa’y manahan ka sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Diyos Ama. Amen.

You might also like