You are on page 1of 2

Araling Panlipunan

I. Panahon at Kalamidad sa Aking Komunidad


Buuin ang uri ng kalamidad na tinutukoy sa bawat bilang. Kompletuhin ang mga
nawawalang titik.
1. Ito ay ang pagguho ng lupa mula sa mataas na lupain.

_____ _____ N _____ _____ _____ I _____ _____

2. Ito ay ang mataas na alon na dulot ng paglindol o pagputok ng bulkan sa ilalim ng dagat.

_____ _____ _____ N _____ _____ I

3. Ito ay ang biglaang pagtaas ng tubig sa dalampasigan dulot ng papalapit na bagyo.

_____ A _____ U _____ _____ _____ _____

4. Ito ay ang pag-apaw ng tubig mula sa natural nitong daluyan tulad ng mga ilog.

B _____ _____ _____

5. Ito ay ang malakas na hangin na may kasamang malakas na ulan.

_____ A _____ _____ _____

6. Ito ay ang pagyanig ng lupa. Ito ay maaaring bunga ng pagputok ng bulkan o paggalaw ng

ilalim ng lupa.

L _____ _____ D _____ _____

7. Ito ay nagaganap kapag ang magma o ang mainit na bato at putik na nasa loob ng bulkan ay

pumutok o lumabas paitaas.

P _____ G _____ _____ _____ O _____ NG _____ U _____ K _____ _____

8. Ito ay kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa maiksing panahon.

_____ _____ N _____ H _____ _____


Isulat sa patlang ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan.
Isulat naman ang Mali kung hindi.

__________ 1. Tagtuyo ang klimang ating nararanasan mula buwan ng disyembre hanggang
Mayo.
__________ 2. Ang panahon ay tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa loob ng matagal na
panahon.
__________ 3. Ang tsunami ay ang matinding pagtaas ng tubig sa dalampasigan dulot ng
papalapit na bagyo.
__________ 4. Ang pagputok ng bulkan ay maaring magdulot ng tsunami.
__________ 5. Ang lindol ay tumutukoy sa pagyanig ng lupa.
II. Paggamit ng Mapa sa Aking Komunidad
Tignan ang mapa sa ibaba at pag-aralan ito. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat
ang tamang sagot sa patlang.

1. Saang direksyon naroon ang parke? ________________________________________

2. Anong uri ng institusyon sa komunidad ang mayroon sa hilaga?

________________________________________

3. Nasa direksyong hilaga silangan ang ________________________________________.

4. Nasa anong direksyon naroon ang bukid? ________________________________________

5. Anong uri ng institusyon sa komunidad ang nasa pagitan ng kanluran at timog?

________________________________________

You might also like