You are on page 1of 25

Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Unang Markahan / Ikapitong Linggo/ Unang Araw

MELC: Nailalarawan ang panahon at kalamidad na


nararanasan sa sariling komunidad
LAYUNIN: Nasasabi ang ibat-ibang uri ng panahong
nararanasan sa sariling komunidad
(tag-ulan o tag-init)

PANIMULA

Uri ng Panahon sa Aking Komunidad


Sa aking komunidad ay may dalawang uri ng panahon. ito
ay ang tag-ulan at tag-init. Ang tag-init ay nararanasan mula sa
buwan ng Nobyembre hanggang buwan ng Abril. Mula naman
buwan ng Mayo hanggang Oktubre ay nararanasan ang tag-
ulan.
Sa bawat uri ng panahon, naiaangkop ang mga gawain at
kasuotan. Nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad tulad ng
lindol, baha, bagyo, sunog at pagsabog ng bulkan. Malaki ang
epekto ng mga kalamidad sa aking komunidad. Kapag may
baha at bagyo, nasisira ang mga pananim, maraming
nalulunod na mga hayop at natutumba ang mga puno.
Kung minsan mayroon pang namamatay na tao. Kapag
tag-init nman, natutuyo ang mga pananim at nagkakaroon ng
sunog. Marami rin ang ngkakasakit kapag matindi ang init tulad
ng lagnat, sore eyes, allergy at iba pa.
Mga Tanong:
1. Ano ang uri ng panahon na nabanggit sa talata?__________
2. Kailan sila nakararanas ng tag-init?_________________________
3. Anong buwan sila nakararanas ng tag-ulan?_______________
4. Ano-ano ang kalamidad nararanasan nila?________________
5. Ano-ano ang epekto ng kalamidad na nabanggit sa tao at
sa kaniyang komunidad?_________________________________

Page 1 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

PAGSASANAY

1. Obserbahan ang panahong nararanasan araw-araw sa


iyong komunidad.
2. Itala sa Ulat Panahon na tulad ng nasa ibaba ang panahon
sa bawat araw na naranasan mo ngayong linggo. Lagyan
ng Tsek (✓) ang panahon na naranasan.

Uri ng panahon/
Araw

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo

Page 2 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

SIMULAN NA NATING MAGSANAY

Gawain 1. Text Twist: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon


upang mabuo ang salita. Isulat sa patlang ang
sagot.

NLAUGAT EREBMEMBON
1. 6.
A

____________ ________________

I N I T G AT BARIL
2. 7.

_____________ __________________

3. ABHA 8. 6. P AGBOGSAGNKABLUN

________________ _____________________________

4. DOLLIN 9. NOGSU

_____________________ _________________________

5. YOBAG 10. NOHANAP

_______________________ ________________________

Page 3 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain

Gawain 2. Lagyan ng ✓ ang patlang kung wasto ang isinasaad


ng bawat pangungusap at X naman kung hindi.

_____1. Kapag malakas ba ang pag ulan ay isang senyales na


maaring ito ay bumaha.
_____2. Ang uri ng hanap buhay ay inaangkop ng mga tao sa
uri ng panahon.
_____3. Pare-pareho ang mga gawain ang mga gawain ng
mga tao sa komunidad.
_____4. Maging alerto sa mga nagaganap sa paligid.
_____5. Ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at at estero
ay makakatulong sa atin.

Gawain 3: Iguhit ang sa patlang kung wasto ang


isinasaad ng bawat pangungusap at naman
kung hindi.
_____1. Iba-iba ang hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
_____2. Sa ating komunidad ay may dalawang uri ng
panahon.
_____3. Ang tag-init ay nararanasan mula sa buwan ng
Nobyembre hanggang buwan ng Abril.
_____4. Mula buwan ng Mayo hanggang Oktubre ay
nararanasan ang tag-ulan.
____5. Marami ang nagkakasakit kapag matindi ang init tulad
ng lagnat, sore eyes at allergy at iba pa.

PAGLALAHAT

Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng panahon. ito ay ang


tag-ulan at tag-init. Ang tag-init ay nararanasan mula sa buwan
ng Nobyembre hanggang buwan ng Abril. Mula naman buwan
ng Mayo hanggang Oktubre ay nararanasan ang tag-ulan.

Page 4 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

PAGTATAYA
PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat
pangungusap. Isulat sa patlang ang
Tama o Mali ang isinasaad.

_____1. Ang lugar na palaging binabaha ay


kailangang paalisin kapag dumadating ang
malakas na ulan.
_____2. Ang mga magsasaka ay nagbibilad ng palay
tuwing tag- ulan.
_____3. Ang pagbaha ba ay sanhi ng tag-init.
_____4. Ang tag-ulan at tag-init ay dalawang uri ng
panahon ng ating bansa.
_____5. Ang pagpuputol ng mga puno at pagmimina sa
kagubatan ay sanhi ng pagkakaroon ng baha.

Inihanda ni:
JENILLE Q. GARRIEL
DON CARLOS VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

References for Further Enhancement:


1. Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 2 ( 88-92)

Page 5 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Unang Markahan / Ikapitong Linggo/ Ikalawang Araw

MELC: Nailalarawan ang panahon at kalamidad na


nararanasan sa sariling komunidad
TIYAK NA LAYUNIN: Natutukoy ang mga kalamidad o
sakunang madalas maganap sa sariling komunidad
PANIMULA

Mga Kalamidad at mga Kaugnay sa Sakuna


Ang kalamidad at kaugnay na mga sakuna ay mga
pangyayari na nakakapipinsala sa atin at sa ating paligid dulot
ng kalikasan o kapabayaan ng tao.
Bagyo- ang tawag sa malakas na pag-ulan, na may malakas na
hangin, pagkulog at pagkidlat. Ang bagyo ay nagdudulot ng
storm surge o daluyong, pagbaha, landslide at flashflood.
Lindol- Ito ay isang uri ng kalamidad at may dulot na sakuna
kung saan nakakaranas ng pagyanig at paggalaw ng lupa.
Sunog-isang sakuna kung saan tinutupok ng apoy ang
maraming tahanan at mga ari-arian.
Tsunami- ito ay malalaking alon mula sa karagatan na umaagos
papunta sa mga kabahayan.
Buhawi- ito ay malakas na hangin mula sa kalangitan pababa
sa lupa
Pagputok ng Bulkan- ito ay kalamidad at sakuna na kung saan
ang isnag aktibong bulkan ay bigla na lamang magbubuga ng
usok at mainit na lava mula sa bunganga nito.
Kayraming panganib na nakaamba. Dapat tayo ay laging
handa. Alamin ang mga dapat gawin sa panahon bago
dumating ang kalamidad at kaugnay na mga sakuna.

Page 6 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Simulan Natin ang Pagsasanay


Gawain: Bilugan ang kalamidad at sakunang tinutukoy sa
bawat pangungusap.
1. Nagdidilim ang kalangitan at may kasamang pagkulog at
pagkidlat.
Bagyo Lindol Sunog

2. Ito ay isang uri ng kalamidad at may dulot na sakuna kung


saan nakakaranas ng pagyanig at paggalaw ng lupa.
Lindol Buhawi Tsunami
3. Isang sakuna kung saan tinutupok ng apoy ang maraming
tahanan at mga ari-arian.

Pagputok ng bulkan Buhawi Sunog


4. Isang malakas na hangin mula sa kalangitan pababa sa
lupa.

Buhawi Sunog Lindol


5. Malalaking alon mula sa karagatan na umaagos papunta
sa mga kabahayan.

Lindol Tsunami Bagyo

Gawain A: Piliin at Bilugan ang ngalan ng mga kalamidad at


sakunang nakalarawan.
.

1. a. Tsunami b. Buhawi

2. a. Buhawi b. Lindol

Page 7 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

3. a. Sunog b. Bagyo

4. a. Sunog b. Lindol

5. a. Pagputok ng bulkan b. Sunog

Gawain B: Isulat sa patlang ang Tama kung ang


pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi.

_____1. Kapay may lindol, maaring mabitak ang lupa.

_____2. Ang mataas na alon sa mga karagatan ay walang


dulot na panganib.

_____3. Ang mga sakuna ay kayang kumitil ng buhay.

_____4. Mainit at umaapoy na mga bato ang ibinubuga ng


sumasabog na bulkan.

_____5. Walang napipinsala sa dulot ng buhawi.

Page 8 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain C: PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang mga


nawawalang salita. Isulat sa patlang ang tamang
sagot upang makabuo ng pangungusap.
lindol landslides sunog buhawi
tsunami flashfloods pagputok ng bulkan

1. Ang________ay mabilis na pagdaloy ng tubig mula sa


mataas na lugar.
2. Ang pagyanig o paggalaw ng lupa ay tinatawag na_______.
3. Ang_________ ay ang pagguho ng lupa.
4. Ang pagkasira ng mga kabahayan at ari-arian dulot ng
apoy ay sanhi ng sakunang tinatawag na______________.
5. Ang___________ ay ang malakas at mabilis na pag-ikot ng
hangin sa kalangitan papunta sa lupa.
PAGLALAHAT
Ang kalamidad at mga sakuna ay mga pangyayari na
nakakapipinsala sa atin at sa ating paligid dulot ng kalikasan
o kapabayaan ng tao.
Bagyo ang tawag sa malakas na pag-ulan, na may malakas
na hangin, pagkulog at pagkidlat. Ang bagyo ay nagdudulot
ng storm surge o daluyong, pagbaha, landslide at flashflood.
Ang lindol ay isang uri ng kalamidad at may dulot na sakuna
kung saan nakakaranas ng pagyanig at paggalaw ng lupa.
Ang sunog ay isang sakuna kung saan tinutupok ng apoy ang
maraming tahanan at mga ari-arian
Ang tsunami ay malalaking alon mula sa karagatan na
umaagos papunta sa mga kabahayan.
Ang buhawi ay malakas na hangin mula sa kalangitan
pababa sa lupa.
Ang pagputok ng Bulkan ay kalamidad at sakuna na kung
saan ang isang aktibong bulkan ay bigla na lamang
magbubuga ng usok at mainit na lava mula sa bunganga nito.

Page 9 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D2

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Pagtataya
PANUTO: Bilugan at kulayan ang mga bagay na kailangang
ihanda ng bawat miyembro ng pamilya sa
panahon ng kalamidad kaugnay na sakuna.

Inihanda ni: JENILLE Q. GARRIEL


Don Carlos Village Elementary School

References for Further Enhancement

1. Paghahanda sa mga Kalamidad at Kaugnay na mga sakuna (p.1-23)


2. Araling Panlipunan

Page 10 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D3

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Unang Markahan / Ikapitong Linggo/ Ikatlong Araw

MELC: Nailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa


sariling komunidad
LAYUNIN: Nakakapagsabi ng mga impormasyon na nabasa, narinig o
napanood tungkol sa epekto ng kalamidad sa sariling komunidad.

PANIMULA
Panahon, Klima at mga Pagbabago sa Paligid
Ang pagbabago ng klima ay isang natural na proseso na
nagaganap sa loob ng 100 taon o higit pa. Nakakaapekto sa
mga halaman, hayop, at tao ang mga pagbabago ng klima.
Marami ang nalalagay sa panganib dahil sa mga sakung dala
ng paiba-ibang panahon. Ang mga sumusunod ay epekto ng
pagbabago ng klima o panahon sa ating kalusugan, tirahan,
pagkain, kabuhayan at kalikasan.
1. Malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha
Maraming ding nalulunod na mga hayop at natutumba
na mga puno.
2. Ang pagbaha ay nagdudulot ng pagguho ng lupa o
landslide, at pagragasa ng putik o mudslide.
2. Ang tagtuyot na nagiging dahilan sa pagkasira ng mga
pananim ng nagkakaroon ng sunog.
3. Paglaganap ng dengue dahil sa dumadaming lamok sa
kapaligiran. Marami ang nagkakasakit kapg matindi ang
init tulad ng lagnat, sore eyes, allergy, at iba pa.
4. Dahil sa pagtaas ng temperatura ng tubig dagat,
namamatay ang mga bahura (reef).
Ano- ano ang mga epekto sa pagbabago ng klima o
panahon sa ating kalusugan, tirahan, pagkain, kabuhayan at
kalikasan?

Page 11 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D3

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
Gawain
SIMULAN NA NATING MAGSANAY

Gawain 1. PANUTO: Isa kang weather man. Sa tulong ng


iyong ate o nanay ay gagawa ka ng malikhaing
pag-uulat batay sa epekto ng kalamidad sa
kalagayan ng mga anyong lupa at sa mga tao
sariling komunidad nito. Tiyaking wasto ang mga
impormasyong ibibigay. Isusulat ang nilalaman sa
kahon.

Page 12 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D3

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain 2. PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang epekto ng


kalamidad sa kalagayan ng mga anyong lupa at
mga tao sa sariling komunidad.

Mga epekto ng kalamidad


sa kalagayan ng mga
anyong lupa at sa mga tao
sariling komunidad.

Page 13 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D3

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain 3
PANUTO: Lagyan ng ang loob ng kahon kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng mga epekto
ng kalamidad sa mga tao at sa sariling komunidad
nito at kung hindi.

1. Ang tagtuyot na nagiging dahilan sa pagkasira ng


mga pananim.
2. Nagiging laganap ng dengue dahil sa dumadaming
Lamok sa kapaligiran
3. Ang malalakas na pag-ulan ay nagdudulot ng
pagbaha.

4. Magbasa ng mga makabuluhang impormasyon ukol


sa nalalapit na kalamidad.
5. Marami ang nagkakasakit sa tindi ng init katulad ng
sore eyes, lagnat, allergy, at iba pa.

PAGLALAHAT:

Marami ang nalalagay sa panganib dahil sa mga sakunang


dala ng paiba-ibang panahon. Ang mga sumusunod ay epekto
ng pagbabago ng klima o panahon sa ating kalusugan, tirahan,
pagkain, kabuhayan at kalikasan.
1. Malalakas na pag-ulan na nagdudulot ng pagbaha.
Maraming ding nalulunod na mga hayop at natutumba na
mga puno.
2. Ang pagbaha ay nagdudulot ng pagguho ng lupa o
landslide, at pagragasa ng putik o mudslide.
3. Ang tagtuyot na nagiging dahilan sa pagkasira ng mga
pananim ng nagkakaroon ng sunog.
4. Paglaganap ng dengue dahil sa dumadaming lamok sa
kapaligiran. Nagkakaroon ng pagkakasakit kapg matindi
ang init tulad ng lagnat, sore eyes, allergy, at iba pa.
5. Dahil sa pagtaas ng temperatura ng tubig dagat,
namamatay ang mga bahura (reef).

Page 14 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D3

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

PAGTATAYA
PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang mga nararanasan
na kalamidan

Inihanda ni: JENILLE Q. GARRIEL


DON CARLOS VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

References for Further Enhancement:


1. Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 2 pp. 88-92
2. Lipunang Pilipino Ang Aking Komunidad, Ngayon at Noon 2 pp. 90-91

Page 15 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Unang Markahan / Ikapitong Linggo/ Ikaapat na Araw

MELC: Nailalarawan ang panahon at kalamidad nararanasan


sa sariling komunidad
LAYUNIN: Nakagagawa ng isang paglalarawan sa
panahon ng kalamidad na nararanasan
sa pamamagitan ng isang pagsasalaysay
o kwento

PANIMULA
Alam mo ba na isa ang bagyong Yolanda sa pinakamalakas
na bagyo na tumama sa Pilipinas? Basahin mo ang kuwento ng
isang bata tungkol sa karanasan niya ukol dito.

clipartlibrary.com

Ako po si Fernan. Ayon sa balita ay may parating na bagyo,


ang bagyong Yolanda, kung kaya naghanda na si Tatay ng
mga gagamitin, tulad ng flashlight, transistor radio, mga
pagkain, at first aid kit. Hinding-hindi ko po ito makakalimutan.
Nobyembre 8, 2013, bandang ika-apat ng umaga, nang umihip
ng napakalakas
ang hangin. Namatay ang kuryente, hudyat na dumating na
nga ang bagyo. Maraming puno ang nagtumbahan at
maraming bahay ang nasira. Ang aming buong pamilya ay
umakyat sa bubong ng bahay dahil umakyat na sa ikalawang
palapag namin ang baha. Marami ang namatay at nalunod
dahil sa pagbaha dulot ng storm surge.

Page 16 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
Gawain
SIMULAN NA NATING MAGSANAY
Gawain 1.
PANUTO: Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nagkuwento ng kanyang karanasan ng isang
kalamidad?______________
2. Kailan ito nangyari? _______________________
3. Anong kalamidad ang naranasan ng nagkuwento?
______________________________________________________
4. Ano paghahanda ang ginawa ng tatay sa kuwento?
_______________________________________________________
5. Ano ang mga hindi niya makakalimutang pangyayari?
_______________________________________________________
Gawain 2.
PANUTO: Isalaysay sa 2 hanggang 3 pangungusap ang naranasan
sa panahon ng kalamidad sa inyong komunidad.
Ang Aking Naranasan nong Panahon nang Kalamidad

Page 17 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain 3. PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga


paghahanda nong may kalamidad sa inyong lugar.

Ang mga Paghahanda


noong may Kalamidad sa
aming komunidad.

Page 18 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain 4:
PANUTO: Iguhit sa loob ng kahon ang isinasaad ng
pangungusap. Maari din na larawan ang idikit sa loob
ng kahon.

1. Malalakas na pag-ulan

2. Gumuhing lupa

3. Marami ang nagkakasakit kapag


matindi ang init.

Page 19 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D4

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

PAGTATAYA
PANUTO: Magtala ng mga bagay na dapat
mong gawin kapag may paparating kalamidad
sa inyong lugar.

Mga Gagawing Paghahanda sa paparating na Kalamidad sa


sa inyong Lugar

1.

2.

3.

4.

5.

Inihanda ni: JENILLE Q. GARRIEL


DON CARLOS VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

References for Further Enhancement


1. Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 2 pp. 88-92
2. Lipunang Pilipino Ang aking Komunidad,Ngayon at Noon 2 pp. 90-91

Page 20 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Unang Markahan / Ikapitong Linggo/ Ikalimang Araw

MELC: Nailalarawan ang panahon at kalamidad na


nararanasan sa sariling komunidad
TIYAK NA LAYUNIN: Nabibigyang pang-unawa ang mga
kalamidad o sakuna na
nagaganap sa sariling komunidad.

PANIMULA

Balikan natin ang aralin natin tungkol sa mga kalamidad


at mga kaugnay sa sakuna.
Ang kalamidad at kaugnay na mga sakuna ay mga
pangyayari na nakakapipinsala sa atin at sa ating paligid dulot
ng kalikasan o kapabayaan ng tao.
Bagyo- ang tawag sa malakas na pag-ulan, na may malakas na
hangin, pagkulog at pagkidlat. Ang bagyo ay nagdudulot ng
storm surge o daluyong, pagbaha, landslide at flashflood.
Lindol- Ito ay isang uri ng kalamidad at may dulot na sakuna
kung saan nakakaranas ng pagyanig at paggalaw ng lupa.
Sunog-isang sakuna kung saan tinutupok ng apoy ang
maraming tahanan at mga ari-arian.
Tsunami- ito ay malalaking alon mula sa karagatan na umaagos
papunta sa mga kabahayan.
Buhawi- ito ay malakas na hangin mula sa kalangitan pababa
sa lupa
Pagputok ng Bulkan- ito ay kalamidad at sakuna na kung saan
ang isang aktibong bulkan ay bigla na lamang magbubuga ng
usok at mainit na lava mula sa bunganga nito.
Kayraming panganib na nakaamba. Dapat tayo ay laging
handa. Alamin ang mga dapat gawin sa panahon bago
dumating ang kalamidad at kaugnay na mga sakuna.

Page 21 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________
SIMULAN NA NATING MAGSANAY
Gawain 1. PANUTO: Iguhit sa loob ng kahon ang mga sakuna o
kalamidad na nagaganap sa sariling komunidad. Maari din
naman na magdikit na lamang ng larawan sa kahon

1.

Baha

2.

Sunog

3.

Bagyo

Page 22 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain 2. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang


letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay isang uri ng kalamidad at may dulot na sakuna


kung saan nakararanas ng pagyanig at paggalaw ng
lupa.

A. Bagyo B. Lindol C. Sunog D. Tsunami

_____2. Isang sakuna kung saan tinutupok ng apoy ang


maraming tahanan at mga ari-arian.

A. Sunog B. Buhawi C. Bagyo D. Landslide

_____3. Ang mga sumusunod at natural kalamidad na


nagaganap sa komunidad, maliban sa _____.

A. bagyo, baha C. kulog, kidlat


B. lindol, buhawi D. brown out, sunog

_____4. Alin sa mga sumusunod ang mga mangyayari kung


hindi maayos ang linya ng koryente sa bahay at iba
pang gusali?

A. ulan B. lindol C. sunog D. bagyo

_____5. Ito ay isang uri ng kalamidad at sakuna na kung saan


ang isang aktibong bulkan ay bigla na lamang
magbubuga ng usok at mainit na lava mula sa
bunganga nito.

A. Bagyo C. Sunog
B. Lindol D. Pagputok ng Bulkan

Page 23 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

Gawain C: PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mga larawan ng


sakuna at kalamidad sa Hanay A. Isulat sa patlang
ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. Lindol A.

_____2. Buhawi B.

_____3. Sunog C.

_____4. Bagyo D.

_____5. Tsunami E.

_____6. Pagputok ng Bulkan F.

PAGLALAHAT:

Ang kalamidad at kaugnay na mga sakuna ay mga


pangyayari na nakakapipinsala sa atin at sa ating paligid dulot
ng kalikasan o kapabayaan ng tao.
Ilan sa mga sakuna at kalamidad na ito ay ang bagyo, lindol,
sunog, tsunami, buhawi, pagputok ng bulkan.

Page 24 of 25
Module Code: PASAY-AP2-Q1-W7-D1

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_______________


Pangalan ng Guro: _________________________________________________________

PAGTATAYA

PANUTO: Tingnan ang tsart.Isulat at bilugan ang mga


sakuna at kalamidad na nagaganap sa sariling
komunidad.

S G L I N D O L N D
U F B A G Y O Q T S
N H A W I B L B N V
O M L Z D C K B C E
G S A K U N A N M V
F L A S H F L O O D
S B U H A W I B O S
K O M U N I D A D G
L A N D S L I D E H
T S U N A M I G H I
K A L A M I D A D C

1. ___________________________ 6. ______________________________
2. ___________________________ 7. ______________________________
3. ___________________________ 8. ______________________________
4. ___________________________ 9. ______________________________
5. ___________________________ 10. _____________________________

Inihanda ni: JENILLE Q. GARRIEL


Don Carlos Village Elementary School

References for Further Enhancement:


1. Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 2 pp. 88-92
2. Paghahanda sa mga Kalamidad at Kaugnay na Sakuna

Page 25 of 25

You might also like