You are on page 1of 4

Millennium Christian Academy

Zone 3, Bulua,Cagayan de Oro City

|LEARNING MODULE
Araling Panlipunan
Unang Kwarter
G2- Week 5

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
PANGALAN

Millennium Christian Academy|Inihanda ni Ms. JRG|Page 1|4


ARALIN 5
MGA URI NG PANAHON

MAARAW
MAKIDLAT
MAKULIMLIM
MAULAN
MAULAP
Dalawa ang pangkalahatang uri ng panahon sa ating komunidad. Ito ay ang tag-ulan at tag-init.
karaniwang nag-uumpisa ang panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo at ito ay tumatagal
hanggang Nobyembre. Panahon din ito ng hanging habagat na nagdadala ng malakas na pag-
ulan.
Mula buwan ng Disyembre hanggang Mayo ang panahon ng tag-araw o tag-init. Subalit mas
malamig ang simoy ng hangin mula buwan ng Disyembre hanggang sa Pebrero.Ito ay dahil sa
pag-ihip ng hanging amihan. Sa mataas na lugar gaya ng Tagaytay at Baguio, mas malamig ang
temperatura kaysa sa mahabang lugar tulad ng Maynila. Sa buwan naman ng Marso at Abril ay
napakainit ng temperatura sa ating komunidad. Sa ngayon, mahirap nang tukuyin kung kailan
nagsisimula at nagtatapos ang tag-init at tag-ulan dulot ng climate change o pagbabago-bagong
klima.
Ilarawan ang iyong nararanasan sa iyong komunidad tuwing:
tag-
init__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
tag-
ulan_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Pang-agkop na kasuotan
tag-init: manipis na damit
para maiwasan ang pagkabilad sa araw, gumagamit tayo ng payong, sombrero, at sunglasses.
nagsusuot din tayo ng short, gayundin ng tsinelas at sandalyas,

Millennium Christian Academy|Inihanda ni Ms. JRG|Page 2|4


tag-ulan: sa panahon ng tag-ulan, madalas na basa ang paligid at malamig ang hangin. Kung
minsan ay bumabagyo pa at bumabaha. Dahil dito, nagsusuot tayo ng mga angkop na damit
upang hindi tayo mabasa at malamigan.
Upang hindi tayo mabasa kapag umuulan, gumagamit tayo ng mga kasuotang panlaban sa ulan
tulad ng kapote. Ito ay yari sa plastik o tela na hindi sumusipsip ng tubig. gumagamit din tayo
ng payong. Kung may baha naman nagsusuot tayo ng bota. kapag malamig ang panahon
nagsusuot naman tayo ng makakapal na damit na may mahabang manggas tulad ng jacket at
sweater.
Iguhit ang mga sunusunod:
Mga Kasuotan Tuwing Tag-init Mga Kasuotan tuwing Tag-ulan

Saan natin inaayon ang ating mga kasuotan?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Alalahanin at unawain
A. Tukuyin ang Tama at Mali ang bawat pahayag.
____ 1. Ang temperatura ay tumutukoy sa pag-init o paglamig g panahon.
____2. May kaugnay ang panahon sa pag-init at pag-lamig ng isang lugar.
____ 3. Kapag-tag-init, mainit ang temperatura dito sa atin.
____ 4. Kapag tag-ulan, mas umiinit ang temperatura.
Millennium Christian Academy|Inihanda ni Ms. JRG|Page 3|4
____ 5. Panahon ng tag-init mula buwan ng Disyembre hanggang Mayo.
____ 6. Tuwing tag-init dumarating ang malalakas na ulan.
____ 7. Sa panahon ng tag-ulan nagkakaroon ng malakas na hangin.
____ 8. Tuwing buwan ng Disyembre malamig ang temperatura dahil sa pag-ihip ng malamig
na hangin.
____ 9. Mas mainit ang temperatura tuwing Marso at Abril kaysa tuwing Nobyembre at
Disyembre.
____ 10. mas malamig sa mga mababang lugar kaysa sa mga bundok o matataas na lugar.

mainit malamig tag-init


tag-ulan panahon

Kompletuhin ang mga pahayag. Pilin ang sagot sa loob ng kahon.


1. Tuwing tag-ulan ang temperatura ay ___________.
2. Tuwing tag-init, ang temperatura ay____________.
3. Mula buwan ng Disyembre hanggang Mayo, ang panahon ay______________.
4. Ang panahon ng _____________ ay mula hunyo hanggang Nobyembre.
5. Nag-iiba ang mga gawain sa hanapbuhay sa komunidad batay sa _______________.

Millennium Christian Academy|Inihanda ni Ms. JRG|Page 4|4

You might also like