You are on page 1of 6

MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

IKATLONG MARKAHAN/ IKAPITONG LINGGO/ UNANG ARAW

ARALIN 12 PAMAMAHALA SA PAGGAMIT NG ORAS

MGA LAYUNIN:

12.1 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pamamahala ng paggamit ng oras

12.2 Nakapagtatala sa journal ng mga pagkakataong napamahalaan ang oras

PAGTUKLAS:

Panuto: Basahin ang maikling kwento na may pamagat na “ Si Haria”

Minsan, may isang hari at isang tamad na lalaki na nagngangalang Haria. Mabuti silang
magkaibigan. Isang umaga, tinanong ng hari ang kanyang kaibigan, “bakit hindi ka humanap ng
trabaho upang ikaw ay kumita ng pera?” Sumagot si Haria, “Wala kasing nagbibigay ng trabaho
sa akin. Pinagsabi ng mga kaaway kong hindi daw ako marunong gumawa sa takdang oras.”
Ang mabuting hari ay tumugon, “Maaari kang pumunta sa imbakan nang aking mga yaman at
doon mamulot ka ng kayamanan hanggang sa paglubog ng araw.” Nagmadaling umuwi si Haria
upang ibalita sa kanyang asawa ang utos ng hari. Inutusan siya ng asawa: “Sige pumunta ka na
ngayon at kunin mo ang mga ginto at mga mamahaling bato”. Tumugon si Haria. “Huwag muna,
pakainin mo muna ako ng tanghalian.” Matapos ang pananghalian ay nagpahinga pa ng isang
oras si Haria. Sa bandang hapon na niya kinuha ang kanyang kagamitan at nagtungo sa
palasyo. Sa kanyang panlalakad, nakaramdam siya ng matinding init at nagpasyang maupo sa
ilalim ng puno upang magpahinga. Makalipas ang dalawang oras, bumalikwas siya para
ipagpatuloy ang paglalakbay ngunit nakakita siya ng isang lalaki na nagtatanghal ng mahika.
Huminto siya upang manood. Nakaisang oras siya sa panonood. Nang siya ay makarating sa
palasyo ang araw ay palubog. Ang mga pintuan ng palasyo ay sarado na.
SANGGUNIAN: Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral pp 177-196

PAGSUSURI:
1. Ilarawan si Haria

2. Sa anong paraan ginamit ni Haria ang kanyang oras? Pinahalagahan ba niya ang takdang oras?
Ipaliwanag ang sagot.

Page 1 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

3. Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kuwento?

GAWAIN 1:

PANUTO: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga sumusunod na mga tanong:

______ 1. Nasasagutan mo ba ang iyong mga modyul ayon sa oras at araw na nakatakda itong gawin?

______ 2. Naipapasa ba ang mga modyul ayon sa araw ng pasahan?

______ 3. Ipinagmamaya mo ba o ipinagpapabukas ang mga gawain na maari namang gawin kaagad?

______ 4. Ipinapasa mo ba ang mga proyektong ipinagagawa ng guro sa takdang oras?

______ 5. Sumusunod ka ba kaagad s autos ng iyong mga magulang?

______ 6. Pinaghahandaan mo ba ang araw ng iyong mga pagsusulit?

______ 7. Umuuwi ka ba sa oras na inaasahan ng iyong mga magulang?

______ 8. May sinusunod ka bang Lingguhang iskedyul?

______ 9. Kasama bas a iskedyul mo ang paglilibang at pamamahinga?

______ 10. Mahalaga ba sa iyo ang pamamahala ng oras?

PAGSUSURI:

1. May napagtanto ka ba sa mga naging sagot mo?

2. Sa iyong palagay, bilang isang kabataan ano ang maidudulot ng mga nasa tseklist sa paggamit ng iyong oras?

GAWAIN 2:

“Time is gold.” Maaari mong bigyan ng patotoo ang kasabihan na ito sa pamamagitan ng pagtatala kung
paano mo ginamit ang oras . Tingnan natin kung talagang pinapahalagahan mo ang oras.

PANUTO:

1. Gumawa ng isang pie graph na magtatala kung paano mo ginagamit ang 24 oras. Hatiin ang pie ayon sa
mga kategorya sa ibaba.

2. Gamitin ang sumusunod na kategorya.

a. trabahong-bahay e. pansariling gawain (paliligo, pagbibihis, pagkain atbp.)

b. oras pampamilya f. online class

c. pahinga/ agtulog g. pagsagot sa mga module

d pagsisimba. h. pag-aaral

3. Ipakita kung alin sa mga kategorya ang may pinakamalaking bahagi / porsyento

Page 2 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Dito gawin ang pie graph:

PAGSUSURI:

1. Napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong oras? Kung oo, ano ang iyong isinaalang-alang para
mapamahalaan mo ang iyong oras?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Kung hindi ang sagot, ano ang naging balakid sa iyo para hindi mapamahalaan ang 24 oras? Magbigay
ng makatwiran at matapat na paliwanag
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

TANDAAN:

Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala sa tao. Kailangan nating gamitin ang

oras nang may pananagutan sapagkat hindi ito magbabalik kailanman.

Kakambal sa katotohanang ito ang tungkulin na gamitin natin ang oras nang
maayos sa ating paggawa para sa kabutihan ng lahat- sa sarili, pamilya,
lipunan at bansa.

Mahalaga rin na mayroon kang sapat na oras para sa sariling pag-unlad, oras
para sa pamilya, oras para sa paglilingkod sa kapuwa at sa lipunan, oras para
sa pamamahinga at paglilibang at oras para sa iyong ugnayan sa Diyos.

Ang pamamahala mo sa paggamit ng oras ay hindi pagmamanipula nito, kundi

ang pagsusumikap na mapamahalaan ito nang mabuti sa paggawa mo ng mga
bagay para sa iyong sarili, sa pamilya, kapuwa at sa lipunang iyong
kinabibilangan.

Page 3 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGGANAP

Bilang isang kabataan sa panahon ng pandemya, paano mo pinamamahalaan ang

iyong oras? Ano kaya ang maaring maging mabubuting bunga nito? Ilahad ang
iyong mga kasagutan sa ibabang espasyo

____________________________________________________________________________________

PAGSASABUHAY

Bumuo ng inyong iskedyul sa pang araw-araw na gawain sa loob ng isang Linggo sa buwan na ito.
Sunding gabay ang nasa ibaba:

PETSA: PEBRER0 _________, 2021

KABUUANG TUNGUHIN: Naipamamalas ko ang paggamit ng aking oras sa paggawa tungo sa

mapanagutang mag-aaral at mamamayan.

Oras ng Oras ng Kabuuang Gawain Tunguhin Prayoridad

pagsisimula oras
pagtatapos 1 mababa
2 katamtaman
3 mataas
A. MGA ARAW NA MAY PASOK

Page 4 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. MGA ORAS NA WALANG PASOK

Pagkatapos mong gawin ang iyong iskedyul sa buong Linggo, ipaliwanag ang kasabihan na ito sa
wikang Ingles. Isulat ito sa kahon.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
It's not the hours you _____________________________________
put in _____________________________________
your work that counts, _____________________________________
it's the work you put _____________________________________
in the hours. _____________________________________
_____________________________________
Sam Ewing.
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Page 5 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP9-Q3-W7-D1-2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

MAIKLING PAGTATAYA

PANUTO: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao. Ano ang kahulugan nito?
A. Masuwerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras
B. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin
C. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkakaloob at ipinagkakatiwala ito sa kanya
D. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya ng kanyang
kapuwa at ng kanyang bansa
__________ 2. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa
anumang aspekto?
A. Pamamahala ng oras
B. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay
C. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan
D. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignaura
_________ 3. Si Allen ay nagsisikap na gawing on time ang Filipino time. Alin sa sumusunod niyang ginagawa
ang nagpapakita nito?
A. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay
B. Maaga siyang gumigising dahil nasasnay na siya sa gawing ito
C. Hindi siya nahuhuli sa Flag ceremony kahit malayo ang kanilang bahay
D. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang Linggo bago ang Ikatlong markahan
________ 4. Bilang kabataan, simulan ng hugutin sa bawat oras mo ang lahat na kaya mong gawin at lahat na
kaloob sayo na maari mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa. Ano ang kahulugan ng
pangungusap na ito?
A. Sulitin ang oras ng paggawa bilang pagtulong sa bansa
B. Alamin kung ano ang agarang pangangailangan ng bansa
C. Gamitin ang oras upang tuklasin ang kayang gawin sa pagpapaunlad sa bansa
D. Pamahalaan ang paggamit ng oras at gamitin ang talento at kakayahan para sa bansa
________ 5. Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?
A. Pagsisikapan ang mahihirap na gawain
B. Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn
C. Paggawa ng maayos at pagtatapos na gawain bago ang takdang oras
D. Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng
ginagawa

SANGGUNIAN: EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA MODYUL 9 p. 178-196

Inihanda ni:
MA. VICTORIA S. ROBERTO
PRES. CORAZON “CORY” C. AQUINO NATIONAL HIGH SCHOOL

Page 6 of 6

You might also like