Lesson 1: Ang Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
Geo-Daigdig Graphia o Graphein-Paglalarawan Ang Heograpiya ay ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Katangiang Pisikal-Anyong lupa at Anyong Tubig,Mga likas na yaman,Klima at panahon,Flora at Fauna,Distribusyon at Interaksiyon ng lahat ng mga tao at oraganismo sa kapaligiran. 1. Lokasyon-Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. - Ang Lokasyong Absolute ay lokasyon na gumagamit ng coordinates o kombinasyon ng sukat ng latitude at longitude na kapag pinagsama ay makabuo ng grid. - Ang Relatibong Lokasyon ay lokasyon kung saan ang pinagbabatayan ay mga lugar na nakapalibot at gumagamit ng mga direksiyon upang mailarawan ang mga nakapaligid na lugar. - Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi or unique sa isang pook. Katangiang Pantao Densidad Kultura Wika Relihiyon Sistemang Politikal - Rehiyon-Tumutukoy sa bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal,kultural,at political. - Ang Interaksiyon ng tao at Kapaligiran ay tumutukoy sa kung paano makikipag- ugnayan ang mga tao sa kanyang paligid sa pamamagitan ng pagdedepende,pakikiayon,at pagbabago ng tao sa kanyang kapaligiran.\ - Ang Paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao,bagay,mga likas na pangyayari,produkto,ideya at kahit sakit sa iba’t ibang lugar.