You are on page 1of 1

PILON nasungkit ang bronze sa Eurasian Spelling Bee

Nasungkit ni Andrea Joana Pilon ang medalyang bronze sa birtwal na paligsahan


ng Eurasian Spelling Bee noong ika-13 ng Marso.
Layunin ng naturang paligsahan na paigtingin ang paggamit ng wikang Ingles at
hamunin ang mga mag-aaral mula sa Asya at Europa na palaguin ang kanilang
kasanayan sa leksikal, partikular sa pagbabaybay.
Ayon kay Pilon, dalawang linggo ang iginugol niya sa pag-eensayo kasama ang
kanyang tagapagsanay na si Gng. Brenda D. Niebres na matiyagang humubog sa
kaniya sa kabila ng kakarampot na oras na paghahanda.
“Masaya ako sa pagkasungkit ng medalya sapagkat nagbunga ang aking
pagsusumikap sa pag-eensayo,” ani Pilon.
“Hindi masamang sumubok hangga’t alam mong kaya mo. Ako, alam kong kaya
ko kaya sumubok ako,” dagdag pa ni Pilon bilang mensahe sa kaniyang kapwa mag-
aaral na takot sumubok sa mga paligsahan.
Sa huli ay nagpasalamat si Pilon sa kaniyang pamilya sa kanilang walang
sawang suporta at sa kaniyang tagapagsanay na si Gng. Niebres na umalalay sa
kaniya mula sa paghahanda hanggang sa araw ng paligsahan.
Nagpahayag naman ng pagbati ang pamunuan ng Cabulay High School sa
natatanging parangal na nakamit ni Pilon.
Sinigurado ni Pilon na mas pag-iibayuhin pa niya ang pagsasanay upang sa
susunod na taon ay makamit na niya ang gintong medalya.

You might also like