You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.) Nilalarawan ang kahulugan ng aspekto ng pandiwa


b.) Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga aspekto ng pandiwa.
c.) Nagagamit ng wasto ang aspekto ng pandiwa sa pakikipag-usap ng ibat-ibang
sitwasyon.

II. PAKSANG ARALIN


Ang Pandiwa

III. KAGAMITAN
Sanggunian:
K to 12 Kagamitan ng Guro
K to 12 Kagamitan ng mag-aaral
MELC Ikalawang Kuarter Module
Kagamitang Panturo:
Visual aids, mga larawan
IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin

Magandang Umaga mga Bata! Magandang umaga po Bb. Joyce

Bago tayo magsimula sa ating gawain, tayo Mananalangin ang mga mag-aaral.
muna ay manalangin. Tumayo ang lahat,
yumuko at ipikit ang ating mga mata at tayo
ay manalangin.

2. Pagbati
Okay lang po, Ma’am. Joyce.
Kamusta kayo mga bata?

Mabuti naman!
3. Pagtala ng Liban
Wala po, Ma’am Joyce.
Sino ang liban sa araw na ito?

Kung ganun ay palakpakan Ninyo ang inyung (Palakpakan)


sarili dahil lahat kayo ay narito
4. Kasunduan

Bago tayo magtungo sa ating talakayin


magkakaroon muna tayo ng mga kasunduan
sa umagang ito. Pakibasa ng sabay-sabay.
MGA KASUNDUAN SA SILID ARALAN
MGA KASUNDUAN SA SILID ARALAN
1. Makinig nang Mabuti.
1. Kapag ang guro ay nagsasalita sa harapan 2. Itaas ang kanang kamay kapag
kailangang makinig nang mabuti. gusting sumagot o may
2. Itaas ang kanang kamay kapag gusting katanongan.
sumagot o may katanongan. 3. Makilahok sa mga pangkatang
3. Makilahok sa mga pangkatang Gawain. Gawain.

Naiintindihan nyo ba ang ating mga Opo, Ma’am!


kasunduan?

Kung ganun ay aasahan ko na susundin ninyo


an hating mga kasunduan hanggang matapos
ang ating klase.

Nagkakaintindihan ba tayo mga bata? Opo, Ma’am.

Mabuti naman kung ganun.


B. PAGGANYAK

Bago natin simulan ang ating talakayan may


inihanda akong laro.
Ang larong ito ay pinamagatang Charades o
Pagpapahula.

Handa naba kayo mga bata? Opo, Ma’am.

Mabuti naman! Ngayon ay papangkatin ko kayo 1...2...3....1...2...3...


sa tatlong pangkat. Simulan ang pagbilang…

Bawat pangkat ay pipili ng kanilang tagapamuno


o lider.

Instraksyon:
1. Ang lider ng grupo ay pipili ng tunog ng
hayop na kanilang gagayahin para sumagot sa
laro.
2. Isang mag-aaral na unang bubunot ng papel
na may nakasulat sa loob ng kahon.
3. Iaarte ito sa harap ng klase.
4. Ang pangkat na makagawa ng tunog ng
hayop na kanilang napili ang unang huhula.
Nakuha ba ninyo ang instraksyon mga bata? Opo, Ma’am.

C. PAGLALAHAD Sasagot ang mga mag-aaral.


Base sa laro na inyong ginawa, anong bahagi ng
pananalita ang tumutukoy sa inyong mga - Pandiwa po Ma’am.
kasagutan na inilahad?
- Masasabi kong ito ay pandiwa
Paano mo nasabing ito ay pandiwa? dahil ang nakasulat sa mga papel
ay nagsasaad ng kilos o galaw.

Mahusay! - Sa tingin ko po ang tatalakayin


natin ngayon ay tungkol sa
Sa tingin nyo ano ang ating aralin ngayon? pandiwa.

Magaling! Ang ating tatalakayin ngayon ay ang


pandiwa partikular tungkol sa Aspekto ng
Pandiwa. (Sabay- sabay na binasa ang layunin)

Pero bago natin ipagpatuloy ang ating talakayan.


Sabay- sabay nating basahin ang layunin sa ating
aralin ngayon.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay aaral ay inaasahang:
inaasahang:

a.) Nilalarawan ang kahulugan ng aspekto ng a.)Nilalarawan ang kahulugan ng


pandiwa aspekto ng pandiwa
b.) Nakabubuo ng pangungusap gamit ang b.)Nakabubuo ng pangungusap gamit
mga aspekto ng pandiwa. ang mga aspekto ng pandiwa.
c.) Nagagamit ng wasto ang aspekto ng c.)Nagagamit ng wasto ang aspekto ng
pandiwa sa pakikipag-usap ng ibat-ibang pandiwa sa pakikipag-usap ng ibat-ibang
sitwasyon. sitwasyon.

Maraming salamat!
D. PAGTATALAKAY

Alam niyo ba na may aspekto ng pandiwa? - Opo

Pakibasa ang kahulugan nito. -Ang aspekto ng pandiwa ay tumutukoy


sa paraan kung paano inilalarawan ang
pagganap ng kilos o aksyon ng pandiwa
sa isang tiyak na panahon.

Maraming salamat, ang aspekto ng pandiwa ay


tungkol sa paraan ng pagsasabi kung kailan
nangyari, nangyayari o mangyayari ang isang
gawain.
May tatlong aspekto ang pandiwa. Pakibasa - Perpektibo, imperpektibo at
(magtawag ng mag-aaral) komtemplatibo

Maraming salamat! Ngayon may ideya ba kayo (Posibleng sagot ng mga bata)
kung ano ang mga ito? - Kilos na natapos, nagaganap at
gaganapin
Tama! Mahusay.

Ngayon tatalakayin natin ang unang aspekto ng


pandiwa.
Ano ang Perpektibo o naganap? -Ang Perpektibo ay aspekto ng pandiwa
Pakibasa ang kahulugan nito. na naglalarawan ng kilos na natapos o
(magtawag ng mag-aaral) kumpleto na.

Salamat sa pagbasa.

Sa inyong palagay saan rito sa mga pangungusap


ang perpektibo o naganap na?

1. Tumakbo bilang SK Kagawad si Rohle noon - Ang unang pangungusap ang may
eleksiyon. perpektibo na pandiwa
2. Tatakbo bilang SK Kagawad si Rohle ngayong
darating na eleksiyon.

Magaling! Ang unang pangungusap ang


nagpapakita ng na ang kilos ay tapos o naganap
na.

Tutungo naman tayo sa ikalawang aspekto. - Ang imperpektibo na pandiwa ay ang


Pakibasa ang kahulugan ng Imperpektibo. anyo ng pandiwa na naglalarawan ng
( Magtawag ng mag-aaral) salitang kilos na patuloy na nangyayari o
nagaganap pa lang.
Ngayon, alin dito sa mga pangungusap ang
imperpektibo o aksyon na kasulukuyang
nangyayari?

1. Ang mga bata ay maglalakad papunta sa -Ang pangalawang pangungusap ang


paaralan. nagpapakita ng imperpektibo o salitang
2. Ang mga bata ay naglalakad pa papunta sa kilos na nagaganap.
paaralan.

Tama! Ang pangalawang pangungusap ay


imperpektibo dahil ang salitang naglalakad ay
kilos na nagaganap pa lamang.
Ang pangatlong aspekto ng pandiwa ay - Ang kontemplatibo na pandiwa ay
Kontemplatibo o magaganap pa lang. Pakibasa naglalarawan ng kilos na nasa proseso pa
ang kahulugan nito. (Magtatawag ng mag-aaral) lamang ng pagsisimula o pag-iisip na
gawin.
Sa 2 pangungusap, alin ang pangungusap na ang
salitang kilos ay nasa aspektong kontemplatibo o
magaganap pa?

1. Nagluto si Yanna ng adobo kanina. - Ang pangalawang pangungusap ang


2. Magluluto si Hiro ng adobo para kay Yanna. kontemplatibo o magaganap pa lamang.

Mahusay! Ito ay kontemplatibo dahil ang salitang


Magluluto ay salitang kilos na gaganapin pa.

a. PAGHAHAMBING AT PAGHALAW

Basahin ang Talahanayan. (Magtawag ng mag-


aaral) - (nagbabasa)

Salitang- Perpektibo/ Imperpektibo/ Kontemplatibo


ugat naganap nagaganap /magaganap
Sulat sumulat sumusulat susulat
Ligo naligo naliligo maliligo (Posibleng mga sagot ng mag-aaral)
Sulat nagsulat nagsususlat magsususlat
-Sa aking napansin ang mga salitang ugat
Pagmasdan ng mabuti ang talahayan. Base sa mga salita ay na dagdagan ng panlapi ayun sa
na nakapaloob sa talahayan ano ang inyong napapansin? paraan kung paano inilalarawan ang
pagganap ng salitang kilos sa isang tiyak
Mahusay! Sa inyong nakikita ang salitang ugat ay na panahon.
dinadagdagan ng panlapi upang matukoy kung ang kilos
ay naganap, nagaganap, o gaganapin pa lamang.
-Ang salitang ugat ay laro.
Ngayon, sino ang makapagbibigay ng iba pang Perpektibo : Naglaro
halimbawa? Isulat sa pisara. Imperpektibo: Naglalaro
Kontemplatibo: Maglalaro

Mahusay! Bigyan natin ng 5 palakpak. -Ako ay naglaro sa parke kanina.


Ngayon ay sino ang makapagbibigay ng pangungusap - Naglalaro kami ngayon ni Ana.
gamit ang mga salita na sinagot ng inyong kaklase. - Maglalaro kami ni Epoy sa Parke.
( Magtawag ng tatlong bata)
(palakpakan)
Magaling mga bata! Bigyan natin ang bawat isa ng
palakpakan.

Nauunawaan ba ang tatlong aspekto ng pandiwa?


-Opo
b. PAGLINANG SA KABIHASNAN
Sasagot ang mga bata ayon sa nakasaad
Panuto: Pumalakpak kung ang pandiwa ay perpektibo,
tatayo kung imperpektibo at papadyak kung ang na gagawin
pandiwa ay kontemplatibo.

1. Nagbabasa
2. Magsusulat
3. Pumunta 1. Tatayo
4. Nagbasa 2. Papadyak
5. Magsasayaw 3. Papalakpak
4. Papalakpak
5. papadyak

E. PAGLALAPAT
-Opo, Ma’am.
Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Handa na ba ang lahat?

(Ipangkat ang klase base sa kanilang upuan)

Hahatiin ko kayo sa dalawang pangkat. Ito ang


pangkat isa at ito naman ang pangkat dalawa.

Pangkatang Gawain: Dula-dulaan (Role Playing)

Panuto: Gumawa ng isang maikling senaryo


tungkol sa pagmamahal kung saan dapat
gumamit ng perpektibo, imperpektibo at
kontemplatibo na pandiwa.

Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto para maghanda. -( Naghahanda)


(Pagkatapos ng 5 minuto) -(Nagprisenta ng kanilang dula-dulaan)

F. PAGLALAHAT

Mahusay mga bata inyong nagawa ng maayos at -(nagpalakpakan)


nagamit ang aspekto ng pandiwa sa inyong dula-
dulaan.

Ngayon naman ay akin aalamin kung na


intindihan niyo ba ang ating paksa.

Ano ang pandiwa? -Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng


kilos o gawa.
Tama!

Ano ang tatlong aspekto ng pandiwa? -Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay


Perpektibo, Imperpektibo, at
Kontemplatibo.
Tama!

Paano nakatutulong ang aspekto ng pandiwa sa -Isa itong sangkap sa pagbuo ng


paglalahad ng pangyayari? pangungusap na naglalaman ng kilos.
-Dahil dito natutukoy ang panahon kung
kailan naganap ang kilos.

Mahusay! Bigyan ang bawat isa ng palakpakan. (Nagpalakpakan)

V. PAGTATAYA

I. Piliin ang tamang aspekto ng pandiwa. (5 puntos bawat tanong)

1. Ang bata ay __________ ng tsokolate kahapon.

a. magkakain b. kumakain c. kumain

2. Ang ibon ay __________ sa langit.

a. umiiyak b. umiihip c. umiiwas

3. Si Maria ay __________ ng liham para sa kanyang kaibigan.

a. magluluto b. nagsusulat c. naglalakbay

4. Ang manok ay __________ ng mga itlog.

a. nagkakamay b. nangingitlog c. nananakit

5. Bukas, si John ay __________ sa kanyang paboritong palabas.

a. manonood b. naglalaro c. mananakbo

VI. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa inyong karansan tuwing pasko.


Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit at tukuyin kung anong aspekto ng
pandiwa ito. Isulat sa bondpaper.

You might also like