You are on page 1of 1

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ako si Julienne Kryzzah B. Villadarez .Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-
mayor sa halalan ng dalawampu't dalawampu't tatlo.

Ngayon pa lamang nagpapasalamat na ako sa lahat ng suporta at panalangin na ibinigay ninyo sa


akin. Mula sa paglalakad hanggang sa pagtungtong ko sa intabladong ito alam ko ang
responsibilidad at tungkulin ng aking tinakbuhang posisyon. Hindi ito pansariling interes lamang
o sa hangad na maging sikat at matawag lamang na kilala kundi para sa syudad at sa madla.

Bago ako magkaroon ng desisyon na tumakbo para sa posisyong ito ay matagal akong nag-isip at
may mga pagsasaalang-alang na kailangan kong gawin at tanong na paulit-ulit na tinatanong ng
bawat isa sa atin. Ano ang maaari kong gawin para sa ikabubuti ng bansa syudad?

Ang lahat naman sa atin ay handang tumulong ngunit ang pinakamahalaga ay magka-isa.
Korapsyon, malnutrisyon, kahirapan at iba pa lahat ay ating nakikita. Kung nais natin ang
ikabubuti ng ating bansa ay huwag tayong magpakabulag at tanungin ang ating mga sarili. Saan
ka ba talaga papanig? Sa mali o tama? Sa salita o gawa?

Ang una kong gagawin ay ang ipaglaban ang pagbibigay priyoridad sa pangunahing
pangangailangan gaya ng pagkain at paglaban sa kahirapan lalo na mga rural ng lugar.
Pangalawa, ay ang mabawasan ang lahat ng uri ng karahasan ng mga tao sa bawat isa upang
matiyak ang kaligtasan ng mga taong naninirahan. Pangatlo, ang pagbibigay ng opurtunidad at
kabuhayan para sa mga tao. Isusulong ko ang pag suporta sa mga local na produkto upang
mabigyan ang mga tao ng pagkilalang nararapat sa kanila.

Linawin natin kung saan tayo papanig. Bumuto ng totoo at naayon sa gusto. Tumingin sa paligid
at obserbahan kung sino talaga ang tama para sa posisyong iyon nang walang pag-uudyok galing
sa iba. Sa uulitin, Ako si Julienne Kryzzah Villadarez po Sa aking dugo, pawis at luha , tiyaga at
pagsusumikap ,hindi ko hahayaan na ang bawat isa sa inyo na naniwala sa akin ay biguin ko at
gagawin ko ang aking makakaya upang makatulong sa lahat.
Sa uulitin, ako si Julienne Kryzzah, Numero Uno sa Balota!

You might also like