You are on page 1of 9

Bato Institute of Science and Technology

Dolho, Bato, Leyte


bistreg@yahoo.com

MAHAHALAGANG PAALALA
1. Gamitin ang modyul na ito nang may pag-iingat.
2. Hindi pinahihintulutan ang mag-aaral na mamigay ng kopya ng modyul na ito sa iba. Ito ay para lamang sa inyo na
nag-aaral sa asignaturang ito.
3. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Hindi kailan man inangkin ng may-akda ang karapatang-aring iyon.
4. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
5. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
kaukulang pahintulot.

Asignatura : Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan


Modyul 12 : Katangian at Dimensyon ng Wika Linggo: 15

MODYUL 12: Ugnayan ng Wika, Kasarian at Seksuwalidad

Naipaliliwanag ang ugnayang wika, kasarian at seksuwalidad

Wika at kasarian
Deborah Tannen at Jesus Frederico Fernandez
Deborah Tannen - Isang propesor ng linggwistika sa Georgetown University. May -akda ng
maraming libro at artikulo tungkol sa wika at epekto ng pangkaraniwang pakikipag-usap sa
relasyon ng mga tao.

Jesus Frederico Fernandez -Isang associate na propesor sa


Departamento ng Linggwistiks sa UP Diliman. Iprinisenta niya ang
"Pasok sa Banga (Wika ng mga Bakla)" sa Sawikaan 2010 noong
July 29, 2010.

Mula sa libro at artikulo ni Tannen, "You Just Don't Understand" at "Can't We Talk?", ang mga lalaki at
babae ay pinapalaki sa magkaibang kultura kaya kapag sila ay nag-uusap nagkakaroon ng "cross-cultural
communication".

Ayon kay Tannen, ang mga babae at lalaki ay pinapalaki sa magkaibang kultura. Ito ang dahilan kaya
ang komunikasyon sa pagitan nila ay nagiging cross-cultural na komunikasyon. Dahil sila ay tumatanda sa
magkaibang mundo, nagbibigay daan ito sa pagkakaroon ng magkaibang estilo ng pag-uusap sa pagitan ng mga
lalaki at babae. Ito ay kilala bilang GENDERLECT.
Genderlect Theory - ang teoryang ito ay tungkol sa kaibahan sa pakikipagtalastasan ng lalaki at ng babae
at kung ano ang maaaring gawin para pag ugnayin ang dalawang estilo.

1
ANIM NA KAIBAHAN NG LALAKI AT BABAE SA PAGSASALITA
1. STATUS VS SUPPORT
Ang mga lalaki ay nabubuhay sa isang
mundo na kompetitibo ang kombersasyon.
Sinusubukan nilang makuha ang upper hand
upang mapigilan ang iba na dominahin sila. Para
sa babae naman, ang pakikipagusap ay paraan
para makakuha ng apirmasyon at suporta sa
kanilang mga ideya.
2. INDEPENDENCE VS INTIMACY
Ang mga babae ay karaniwang
nagbibigay ng importansya sa kalapitan at
pagsuporta upang mapanatili ang intimacy. Ang
mga lalaki na nag-aalala tungkol sa kanyang
katayuan o estado ay mas nagbibigay ng
importansya sa hindi pag-asa sa iba.

3. ADVICE VS UNDERSTANDING
Para sa karamihan ng mga lalaki, ang
isang reklamo o daing ay hamon upang
makahanap ng solusyon.
Mas madalas naghahanap ang mga
babae ng emosyonal na suporta at simpatya
hindi solusyon.

4. INFORMATION VS FEELINGS
Ayon daw sa kasaysayan, ang mga
alalahanin ng mga lalaki ay tinuturing na mas
mahalaga kaysa sa mga alalahanin ng mga
babae. Ngayon ay maaring ibaliktad ang
sitwasyong ito na ang pagbibigay ng
impormasyon ay hindi kasing importante ng
pagbabahagi ng emosyon. Mula sa pananaw ng
mag-aaral ng wika, walang isang wika ang
hihigit sa iba dahil sila ay pantay.

5. ORDERS VS PROPOSALS
Ang mga babae ay kadalasan
nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong
paraan. Ang mga lalaki naman ay mas madalas
na gumagamit ng direktong pahiwatig o mga
utos.

2
6. CONFLICT VS COMPROMISE
Sa pag-iiwas sa di pagkakasunduan, ang ibang babae ay hindi harapang tututol sa iba kahit na mas
mabuti at mabisa para sa isang babae ang ipahayag ang kanyang sarili.

MAGKAIBANG ESTILO NG KOMUNIKASYON


1. RAPPORT-TALK - para sa mga babae, sila ay gumagamit ng pakikipag-usap upang mapalapit sa iba.
2. REPORT-TALK - para sa mga lalaki, ang pag-uusap ay para makakuha ng impormasyon.
3. METAMESSAGES - mga impormasyon tungkol sa relasyon at saloobin ng mga tao na sangkot sa usapan. Ito
ay resulta ng magkakaibang intensyon sa pakikipag-usap.
Ang mga lalake at babae ay mas gugustuhin na maintindihan ang isa't isa sa kanilang estilo dahil iniisip
natin na nabubuhay tayo sa parehong mundo ng komunikasyon. Ayon kay Tannen, kung pag-iisipan lang natin
ito, karamihan ng hindi pagkakasunduan ay maaring maiwasan. Ang pag-unawa sa paraan ng komunikasyon ng
magkaibang kasarian ay magiging isang tulay para mas mapabuti ang pakikipagtalastasan at relasyon ng mga
tao.

Ayon kay Deborah Tannen

 Ang midya ang pangunahing instrumento ng pagpapakalat at pagpapasikat ng salitang bakla.


 Marami ng salitang bakla ang nakapasok sa wikang Filipino
 At malaki ang potensyal na madagdagan pa ang
mga ito.

ANG SALITANG BAKLA AT ANG FILIPINO

Dahil dito, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan sa


pagitan ng lalaki at babae. Ang magkaibang paraan nang
pag-uusap ng lalaki at babae ay tinawag na "genderlects"

 Ito ang salita ng mga bakla. (gay lingo)


 Mula sa "beki" na ibig sabihin ay bakla at "mon" na
ibig sabihin ay monster

ANG ESTRUKTURA NG SALITANG BAKLA

 Ang lahat ng wika ay napapailalim sa mga alituntunin at nakapaloob sa isang sistema na nagsisilbing
paraan ng pagkodigo at pagdekodigo ng mga nagsasalita at nakikinig.
 Gumagamit ng "fricative" at
"affricate"
 Ang sintaks ng bekimon ay
nakabatay kung saang lugar ito
sinasalita.

3
MGA PROSESONG LINGGUWISTIKA SA PAGBUO NG SALITA

1. Paglalapi
– makikita sa mga panlapi ang mga dagdag na kahulugan na ikinabit sa isang salita.
- ginagamit para ipahayag ang mga kahulugan tulad ng aspekto, modality, atib.
- may mga panlapi na walang taglay na kahulugan (semantically empty) kung kaya’t di
nagbabago ang kahulugan ng salitang ugat.
Hal. Anek = Anekwabum
Wit = Wititit / Witchikola
- pinapalitan ang isang tunog o isang bahagi ng salita ng ibang tunog o ibang pantig.
Hal. Siyota = jowa
Tulog = borlog
Nakakaloka = Nakakalerki
- ang mga salitang bakla ay maaring pahabain sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga patong-
patong na mga panlapi nang hindi nagbabago ang kahulugan.

2. Pagpapalit ng Tunog
-Substitusyon o alternasyon ng mga tunog
- Pinapalitan ang isang tunog o isang bahagi ng salita ng ibang tunog o ibang pantig
- Makikita rin sa mga wika at sa iba pang mga sosyolek sa Pilipinas.

3. Paggamit ng Akronim
- pinapaikli ang isang grupo ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng mga unang letra ng
bawat salita sa grupo.
- Ginagamit para mapaikli at mapadali ang komunikasyon
Hal. GL – Ganda Lang
PGH – Pa-Girl na Halimaw

4. Pag-uulit ng salita o bahagi ng salita


4
- Tinatawag ding reduplikasyon o pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong salita.
- Ang pag-uulit ng bahagi ng salita ay nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan sa salitang nauulit.

5
5. Pagkakaltas
- Mayroong dalawang uri ng pagkakaltas:
a. pagkaltas ng mga bahagi ng salita (deletion)
b. ang pagkaltas ng mga bahaging dalawang salita at ang pagsanib nitong dalawa (blending)

6. Katunog
- ang paglalaro ng mga tunog ng salita at ang paggamit ng mga katunog na salita, pangalan ng
tao o lugar bilang pamalit sa orihinal na salita.

6
7. Panghihiram
- ang mga salitang hiram ay binabago at ginagamit ayon sa pangangailangan ng mga nanghiram.

7
8. Pagbabago ng kahulugan ng salitang hiram

- nagkakaroon ng semantic shift ang mga salita.


- ang dating positibong kahulugan ng salita ay sumasailalim sa pejorasyon ng kahulugan at
naging negatibo.
- Sa salitang bakla, ang salitang award ay hindi nangangahulugang isang parangal o pagkilala.
Ang ibig sabihin nitoý napagalitan, napahiya, o natalo.

ILANG MAHALAGANG KATANGIAN NG SALITANG BAKLA


a. Dinamiko at mabilis magbago
b. Pagkukubli o veiling
c. Itinatago ang orihinal na anyo ng salita nang sa gayon ay hindi ito maintindihan
d. Nagsisilbing panangga at sandata

A. Ipaliwanag ang kaibahan ng lalaki at babae sa pagsasalita at magbigay ng halimbawa. (10 puntos)

B. Mayroong 8 prosesong lingguwistika sa pagbuo ng salita na ginamit ng mga bakla. Magbigay ng tatlong
halimbawa bawat proseso at ang kahulugan nito.

Proseso Salita Kahulugan


1. Paglalapi 1.
2.
3.
2. Pagpapalit ng Tunog 1.
2.
3.
3. Paggamit ng Akronim 1.
2.
3.
8
4. Pag-uulit ng salita o bahagi ng 1.
salita 2.
3.
1.
5. Pagkakaltas 2.
3.
6. Katunog 1.
2.
3.
7. Panghihiram 1.
2.
3.
8. Pagbabago ng kahulugan ng 1.
salitang hiram 2.
3.

/rrv2023
Cp#09566159399

You might also like