You are on page 1of 3

FINAL EXAMINATION

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

A. Basahin at unawaing mabuti ang tinutukoy sa mga sumusunod na aytem. Piliin mula sa kahon ang tamang
sagot.

Sto. Tomas de Aquino Tao Kilos-loob


Thomas Hobbes Reputasyon Panlabas na Pandama
Jean Jacques Rousseau Dignidad Panloob na Pandama
Likas na reaksyon/ instinct Kamalayan Isip
Memorya Konsensiya Imahinasyon
Sampung Utos ng Diyos Kalayaan ng Isip Konsensiya Sigurado
Kalayaan ng Kilos o Asal Tamang Konsensiya Konsensiya Metikuloso
Gawin ang mabuti, iwasan ang masama Maling Konsensiya

_______________1. Itinuturing na bukod-tanging nilikha ng Diyos (Obra Maestra)


_______________2. Nagbibigay kahulugan sa mga impormasyong nakalap
_______________3. Rational appentency/ makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay naaakit sa Mabuti at
lumalayo sa masama (Sto. Tomas de Aquino)
_______________4. Dito nakadepende ang isip sapagkat ito lamang ang may direktang ugnayan sa reyalidad
_______________5. Pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
_______________6. Kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
_______________7. Kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito
_______________8. Kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa
katwiran
_______________9. Dito naaayon ang Likas na Batas Moral
_______________10. Pangunahing prinsipyo ng Likas na Batas Moral
_______________11. Ayon sa kanya, ang tao ay likas na mabuti.
_______________12. Ang tao ay ipinanganak na masama ayon kay _______________.
_______________13. Munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay payo at nag-uutos sa gitna ng pagpapasya
_______________14. Uri ng konsensiya na humuhusga sa mabuti at masama
_______________15. Uri ng konsensiya na base lamang sa sariling paniniwala
_______________16. Uri ng konsensiya na humuhusga na ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti
_______________17. Ito ay naipapakita sa paggawa ng malayang desisyon
_______________18. Naipapakita sa malayang pagdamdam
_______________19. Pinag-ugatan ng katotohanan na bawat tao ay natatangi, naiiba o pambihira (unique)
_______________20. Nakabatay sa kalagayan mo bilang tao ayon sa pagtingin ng iba o ng kapuwa

B. Basahin at suriing mabuti ang bawat sitwasyon at mga katanungan. Piliin ang letra ng pinakaangkop na
sagot sa bawat bilang at isulat ito sa sagutang papel.
1. Naniniwala si Clay na siya ang makabagong katauhan ni Maria Clara na nabuhay mula sa panahon ng mga
Espanyol. Sila ay may pagkakatulad ng ganda, talino at talento. Kung kaya buong pananabik niyang hinihintay
ang pagkukrus ng kanilang landas ng makabagong Crisostomo Ibarra. Ang paniniwala ni Clay ay
_____________.

A. Mali, dahil magkaiba naman sila ng ninuno at magulang.


B. Tama, dahil maaaring siya ang reincarnation ni Maria Clara.
C. Mali, dahil ang tao ay bukod-tangi at hindi maaaring maulit.
D. Tama, dahil bawat isa sa atin ay may inilaan ang Diyos na taong magpapahalaga sa atin.

2. Ang reputasyon ay hindi katulad ng dignidad. Ito ay nakabatay sa kalagayan mo bilang tao ayon sa
pagtingin ng iba o ng kapuwa. Nag-iiba-iba rin ito ayon sa tumitingin sa iyo. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng halimbawa ng reputasyon?

A. Anupaman ang ating lahi, relihiyon, kulay at estado sa buhay, tayong lahat ay pantay ng halaga.
B. Si Rodrigo na dating mag-aaral ng Bulihan Integrated National High School ay isa nang kinikilalang guro sa
nasabing paaralan.
C. Si Noli ay naging isang inhinyero Noli. Sulabit dahl sa labis na depresyon, isa na siyang palaboy sa kalsada
na wala sa isip.
D. Sa halip na tawagin sa kanyang pangalan si Lenny ng kanyang kamag-aral, Neggy ang bansag sa kanya
dahil sa kulay ng kanyang balat.

3. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ‘dignitas’, katumbas ng French na dignité na nangangahulugang ito ng
likas at hindi na kailangang paghirapang halaga ng tao. Bawat isang nilalang na tulad mo ay may taglay nito
anoman ang iyong pisikal na kaanyuan, mental na kakayahan, materyal na kayamanan, antas ng pinag-aralan
o pangkat na kinabibilangan.
A. dignidad B. diwa C. digmaan D. damdamin

4. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng paliwanag ukol sa dangal o dignidad na taglay ng tao MALIBAN sa:
A. Ang dignidad ay hindi nawawala sa sino mang tao. Bawat nilikha, normal man o may kapansanan o
kakaibang kakayahan ay taglay ito.
B. Ang mga taong makasalanan o masama ang ginagawa ay hindi nawawalan ng dignidad bilang tao.
Nananatili ito sa kanila ngunit nangangailangang mapanumbalik sa tulong ng sarili, pamilya, kapwa,
lipunan, paaralan, simbahan at iba pang institusyon.
C. Ito ay kakambal na ng pagiging tao ikaw man ay mahirap, may kakulangan, makasalanan, aba o api at
nag-iisa na sa buhay.
D. Ito ay nakabatay sa kalagayan mo bilang tao ayon sa pagtingin ng iba o ng kapuwa. Nag -iiba-iba rin ito
ayon sa tumitingin sa iyo.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao?


A. Nakaugalian na ni James ang bumati nang may paggalang sa mga kawani ng paaralan sa tuwing
makakasalubong niya ang mga ito maging sa mga dyanitor at guwardiya.
B. Labis na hinagpis ang nadarama ni Mary Ann dahil sa kanyang mga suliranin na nararanasan. Lahat ng
ito ay ibinabahagi niya sa kanyang kaibigang si Solenn. Naisip ni Solenn na ganoon naman talaga
kapag mahirap lamang ang isang tao at wala na siyang ibang magagawa para rito.
C. Dahil sa kahirapan, mas lalong naging determinado si Renz na magsumikap at makapagtapos ng pag-
aaral. Pangarap niyang maging isang piloto at makatulong sa kanyang mga magulang.
D. Si Leo ang kauna-unahang doctor ng kanilang lahing Igorot. Pinangako niya sa kanyang sarili na
tutulong siya sa kanyang mga kabaryong may sakit.

6. Piliin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na ikaw at ang lahat ng tao ay unrepeatable o hindi mauulit.
A. Ang pagkakaiba-iba ng fingerprint ng bawat isa at hindi ito maaaring maulit na perpektong kahalintulad
ng sa sino man.
B. Ang mga identical o magkahawig na kambal ay magkakatulad ang panlabas na itsura at ganoon din sa
pag-uugali.
C. May pagkakataon ang taong baguhin ang kanyang sarili pagdating ng kanyang reincarnation.
D. Ang bawat tao ay may dignidad.

7. Ang katotohanang ikaw ay natatangi, naiiba o pambihira o unique sa Ingles ay nakaugat sa ______.

I. pagkakaroon ng dignidad III. Pagiging unrepeatable


II. pagiging propesyunal IV. Pagiging irreplaceable

A. I, II, III B. I, II, III, IV C. I, III, IV D. II, III, IV

8. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong dignidad at maging sa iyong kapuwa?


A. Igalang ang pananaw ng iba. Subalit kung ikaw naman ang pinuno, maaari mong ipilit ang pansariling
opinyon dahil ito naman ang masusunod.
B. Magpaabot ng tulong o suporta sa anomang kayang paraan nang sa gayon ay matulungan ka rin nila
kapag ikaw naman ang nangailangan.
C. Tingnan ang kapuwa bilang kapantay. Iwasang maging mapangmata.
D. Bilang mas nakaaangat sa buhay, maaari mong ipahayag ang iyong opinyon nang diretsahan.

9. Tukuyin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng dignidad


I. taong mahirap o salat sa salapi III. mamamatay tao
II. may kapansanan IV. babaeng ginahasa

A. I, II, III, IV B. I, II, IV C. II, III, IV D. I, II, III

10. Ito ay nabuo batay sa prinsipyo ng Likas na Batas Moral para sa kaayusan sa lipunan.
A. Pangangalaga sa buhay
B. Pagiging responsable sa pagpaparami at pagpapaaral ng mga anak
C. Pagiging rasiyonal na nilalang sa pag-alam ng katotohanan
D. lahat ng nabanggit

C. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.

1-2 Duwalismong Kalikasan ng Tao


3-4 Pinakamataas at pinakadakilang layunin ng pagkatao
5-8 Panlabas na Pandama
ANSWER KEY
A.
1. Tao
2. Isip
3. Kilos-loob
4. Panlabas na Pandama
5. Kamalayan
6. Memorya
7. Imahinasyon
8. Likas na reaksyon/ instinct
9. Sampung Utos ng Diyos
10. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.
11. Jean Jacques Rousseau
12. Thomas Hobbes
13. Konsensiya
14. Tama o Totoong Konsensiya
15. Konsensiya Sigurado
16. Mali o Hindi Totoong Konsensiya
17. Kalayaan ng Isip
18. Kalayaan ng Kilos o Asal
19. Dignidad
20. Reputasyon

B.
Test Item Number Points
A B C D
1 4 2 5 3
2 2 5 4 3

3. A
4. D
5. B
6. A
7. C
8. C
9. A
10. D

C.

1-2
*Materyal
*Ispiritwal

3-4
*magmahal
*maglingkod

5-8
*pandinig
*pang-amoy
*panlasa
*paningin
*pandama

You might also like