You are on page 1of 12

DIAGNOSTIC TEST

ARALING PANLIPUNAN 9
SY 2021 – 2022

TABLE OF SPECIFICATIONS

Skills
Most Essential Learning Competencies No. of Percentage
Knowledge Analysis Synthesis Test of Test
(by quarter) and and and Items Items
Comprehension Application Evaluation

QUARTER 1
1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at 1 (1) 1 2.5%
kasapi ng pamilya at lipunan
2. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng 1 (2) 2 5%
lipunan
3. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-
1 (3) 2 5%
ekonomiya
4. Natatalakay ang mag salik ng produksyon at ang
1 (4) 1 (7) 1 (10) 3 7.5%
implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay
5. Nasusuri ang mga salik na nakaapekto sa
1 (5) 1 (8) 2 5%
pagkonsumoxzzzzzzwzzz
6.Naipagtatanggol ang mga karapatan at 1 (6) 1 (9) 2 5%
nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
mamimili
QUARTER 2
1. Natatalakay ang konsepto at salik na nakaapekto sa
1 (11) 1 (17) 2 2.5%
demand sa pang-araw-araw na pamumuhay
2. Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaekto sa
1 (13) 1 (18) 2 5%
suplay sa pang-araw-araw na pamumuhay
3. Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at
1 (14) 1 2.5%
suplay sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan
4. Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istruktura ng
2 (15, 16) 1 (19) 3 7.5%
pamilihan
5. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing 1 (16) 1 (20) 2 5%
pagkabuhayan
QUARTER 3
1. Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng
1 (21) 1 (27) 2 5%
mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya
2. Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng
1 (22) 1 (29) 1 (30) 3 7.5%
pagsukat ng pambansang kita
3. Nasusuri ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon
2 (23,24) 2 5%
sa implasyon
4. Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng
1 (25) 1 2.5%
patakarang piskal

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
5. Napahahalagahan ang pag-iimpok at
1 (26) 1 (28) 2 5%
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya
QUARTER 4
1. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang
1 (31) 1 2.5%
kaunlaran
2. Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng
mamamayang Pilipino upang makatulong sa 1 (32) 1 2.5%
pambansang kaunlaran
3. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng
1 (33) 1 2.5%
agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya
4. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
1 (34) 1 2.5%
sector ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat
5. Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang-
ekonomiya nakatutulong sa sector ng agrikultura
1 (35) 1 2.5%
(industriya ng agrikultura, pangingisda, at
paggugubat)
6. Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sector
ng industriya at mga patakarang pang-ekonomiyang 1 (36) 1 2.5%
nakatutulong dito
7. Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng sector
ng paglilingkod at mga patakarang pang- 1 (37) 1 2.5%
ekonomiyang nakatutulong dito
8. Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng
impormal na sector at mga patakarang pang- 1 (38) 1 2.5%
ekonomiyang nakatutulong ditto

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
9. Nasusuri ang pang-ekonomikong ugnayan at
1 (39) 1 (40) 2 5%
patakarang panlabas na nakakatulong sa Pilipinas
TOTAL 24 12 4 40 100%

EASY AVERAGE DIFFICULT


(30%) (10%)
LEVEL OF DIFFICULTY (60%)

24 12 4 40 100%

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL

Diagnistic Test
Araling Panlipunan 9
S.Y. 2021 – 2022
Panuto. Basahin at unawain ang mga sumusunod. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
titik lamang ang isulat sa inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa isang sangay ng Agham Panlipunan na nag–aaral kung paano matugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman?
A. Ekonomiks B. Ekonomiya C. Heograpiya D. Pilosopiya
2. Hangarin ng lahat na ang mga pangangailangan ay matutugunan para matamo ang kasiyahan
sa buhay. Ngunit minsan ang nangyayari ay taliwas dito. Alin sa sumusunod ang tumutukoy
sa hindi kasapatan ng pinagkukunang–yaman sa pagtugon ng walang katapusang
pangangailangan at matamo ng kasiyahan?
A. Kailangan B. Kagustuhan C. Kakapusan D. Kakulangan
3. Iba’t iba ang sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa iba’t ibang bansa sa mundo. Isa sa
mga halimbawa nito ay ang command economy na ipinapatupad sa Cuba at North Korea. Sa
sistemang ito, saan napasailalim ang komprehensibong kontrol at regulasyon?
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser
4. Ang bawat salik ng produksyon ay mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo. Ang
bawat salik kapag ginamit ay may kabayaran tulad ng
A. upa sa kapilista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa, at interes para sa
entreprenyur
B. upa sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa
entreprenyur
C. sahod sa entreprenyur, upa sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista, at tubo sa
entreprenyur
D. tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista, at interes sa
entreprenyur
5. Sa isang bansa kahit di gaanong malaki ang populasyon ay nagkaroon ng iba’t ibang suliranin
sa pangkonsumo. Ano ang pangunahing papel na ginagampanan ng tao sa larangan ng
pagkonsumo?
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
6. Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas
ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transakyonsa
pamilihan. Ang mga sumusunod ay kabilang dito maliban sa isa.
A. Karapatang Pumili B. Karapatang Dinggin
C. Karapatan sa Kaligtasan D. Karapatan sa Kagustuhan
7. Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga salik upang makabuo ng produkto o serbisyo. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ay lumikha ng trabaho.
B. Ang produksiyon ang pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-
araw-araw.
C. Ang mga kinita sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo.
D. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil
dito masasabing mas mahalaga ang produksiyon kay sa pagkonsumo.
8. Ugali ng mga tao na maghangad at bibili ng mga bagay na nakapagbibigay kasiyahan kahit na
ito ay nakasasama na sa kalagayang pinansyal. Dagdag pa nito ang iba’t ibang patalastas at
samo’t saring iminumudmod na pautang ng mga bahay-kalakal. Paano nakakaapekto sa
pagkonsumo ang utang?
A. Kapag maraming utang na kailangan magbayad, kaya nababawasan ang perang pambili ng
pangkonsumo.
B. Kapag may utang, marami ang naniningil na kailangang bayaran.
C. Kapag may utang, marami ang sinisingil na nagtatago.
D. Kapag may utang wala ng pambili ng luho.
9. Bilang isang kabataang Pinoy, kailan mo masasabing isa ka sa matalinong mamimili ng
inyong pamayanan?
A. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng
sale.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
C. Sumunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
D. Bumibili ng labis sa pangangailangan.
10. Ano ang ipinahihiwatig ng ilustrasyon ukol sa produksyon?

1. Pagsasama-sama ng 1. Kalakal o
1. Lupa
materyales serbisyo/pagkonsumo

2. Kalakal o serbisyo na gamit sa


2. Paggawa 2. Paggawa
paglikha ng ibang produkto

3. Kapital o Puhunan 3. Kapital o Puhunan

4. Entrepreneurship 4. Entrepreneurship

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
A. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at
serbisyo ubang mabuo ang input tulad ng lupa, paggawa, kapital, at kakayahan ng
entreprenyur.
B. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-
paggawa, kapital, at entreprenyur upang makabuo ng produkto at serbisyo.
C. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa
mga makinarya.
D. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin dito.

11. Isa sa mga mahahalagang elemento na sinusuri sa pag–aaral ng maykroekonomiks ay ang


konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang
tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ang dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang
presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
C. Kabuuang dami ng produktong kailangang bilhin ng konsyumer sa ano man ang
presyo nito.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga
konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
12. Ang pagnanais at kakayahan ng mga suplayer ang batayan ng pagtatakda ng suplay sa
pamilihan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang depinisyon sa konsepto ng
suplay?
A. Dami ng produkto at serbisyo na nais bilhin ng mga mamimili.
B. Dami ng produkto at serbisyo na kailangang ibenta ng mga konsyumer.
C. Dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili
D. Dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser.
13. Ang interseksyon sa pagitan ng kurba ng suplay at demand ay nagbabadya na ang ekwilibriyo
sa pamilihan ay ang punto kung saan:
A. Ang dami na demanded ay higit sa dami na isinuplay.
B. Ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse.
C. May sobra sa dami ng suplay na magiging dahilan ng pagbaba ng presyo.
D. D. May kakulangan sa dami ng suplay na magiging dahilan ng pagtaas ng presyo.
14. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangilangan subalit hindi
lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na
tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kun saan ang mga konsyumer
at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo
ng mga produkto?
A. Ospital B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Tiangge
15. Ang pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan ay nahahati sa dalawang uri. Ano ang
tawag sa mekanismo na kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy
sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas ng pamahalaan sa mga produkto at serbisyo?
A. Price Ceiling B. Price Floor C. Floor Prices D. Price Freeze

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
16. Ang monopoly ay isa mga uri ng pamilihan na may iisang prodyuser lamang. Alin sa mga
sumusunod na kumpanya ay masasabing nasa ilalim ng monopolyo na istruktura ng
pamilihan?
A. Kumpanyang Paliparan C. Suplayer ng Kuryente
B. Malakihang Establisimiyentong Nagtitingi D. Tagagawa ng Kotse.
17. Ang lalawigan ng Bohol ay isa sa mga pangunahing lugar ng bansa na dinarayo ng mga
turista. Bukod sa mga magagandang tanawin na makikita dito. Naipakilala rin ang ating mga
delicacy sa mga dayuhan tulad ng Calamay. Sa ganitong sitwasyon, ano ang salik na
nakapagpapataas sa demand ng Calamay?
A. Dami ng Mamimili C. Kita ng Mamimili
B. Inaasahan ng Mamimili D. Presyo ng Magkaugnay na Produkto
18. Mabenta sa bayan ng San Isidro ang face mask at face shield. Ito ang dahilan kung kaya
nahikayat din si Aling Belinda na magbenta ng kaparehong produkto hanggang sa dumami na
ang nagbebenta nito. Ano ang salik na nakapagpababago sa suplay ng face mask at face
shield?
A. Bilang ng Nagtitinda C. Panahon at Klima
B. Ekspektasyon ng Presyo D. Pagbabago ng Teknolohiya
19. Ang mga kalahok sa isang pamilihang may ganap na kompetisyon ay gumagamit ng
advertising o pag-aanunsyo bilang istratehiya ng pagbebenta. May impluwensya ba ang pag-
aanunsyo sa epektibong pagbebenta?
A. Mayroon dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan.
B. Mayroon dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan.
C. Wala dahil sa pinag-iba ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan.
D. Wala dahil sa identikal ang mga produkto sa ganitong uri ng pamilihan.
20. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan nito?
A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
B. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer.
C. Patuloy na panghihikayat sa mga mamimili na negosyante na palawakin pa ang
negosyo.
D. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang magkaroon ng gabay sa presyo sa
pamilihan.
21. Sinasabing ang ekonomiya ay may paikot na daloy. Ano ang inilalarawan nito?
A. Kita at gastusin ng pamahalaan
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa.
C. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya.
D. Transaksiyon ng mga pampinansyal na institusyon.
22. Upang malaman ang kita ng bansa, ang pamahalaan ay may iba’t ibang paraan upang sukatin
ito. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National
Income?
A. Expenditure Approach B. Economic Freedom Approach
C. Income Approach D. Industrial Origin/Value Added Approach
23. Ang COVID-19 pandemic ay naging isang malaking sanhi kung bakit tumataas ang presyo ng
iba’t ibang mga bilihin. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa
ekonomiya?

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
A. Deplasyon B. Depresyon C. Implasyon D. Resesyon
24. Anong patakaran ang tumutukoy sa wastong paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at
paggasta upang magkaroon ng pagbabago sa paggalaw ng ekonomiya?
A. Patakarang Piskal B. Patakarang Pananalapi
B. Sistemang Pinansiyal D. Sistemang Bangko at Di – Bangko
25. Bawat bansa lalong- lalo na ang mga bansang demokratiko ay may sariling patakaran sa
pananalapi. Ano ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng patakarang pananalapi?
A. Upang maparami ang bilang ng salapi.
B. Upang maiwasan ang pag-aagawan ng salapi.
C. Upang makontrol ang suplay ng salapi sa sirkulasyon.
D. Upang maibahagi sa mahihirap at mayayaman ang mga salapi.
26. Marami ang pangangailangan ng tao at hindi magkapareho kung ihahambing sa isa’t isa. Ano
ang tumutukoy sa pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng
kapakinabangan sa tao?
A. Pag – iimpok B. Pagkonsumo C. Pagtitinda D. Pangungutang

27. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?


A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay-kalakal.
B. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa mga bahay-kalakal.
C. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-
kalakal.
D. Ginagamit ang samabahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto.

28. Kadalasan ng mga may kita o trabaho ay nagpapahalaga sa pag-ipon ng pera maging sa bahay
lamang o kaya sa mga banko. Ano ang magiging epekto ng mataas na antas ng pag–iimpok at
pamumuhunan sa ekonomiya?
A. Tumataas ang suplay ng salapi.
B. Nakapagpasigla ng mga gawaing pang-ekonomiya.
C. Nabibigyan ng seguro ang mga depositor sa bangko.
D. Tumataas ang interes ng mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko.
29. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?
A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
B. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
C. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng
bansa.
D. Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno at gagamitin upang umani ng boto sa
eleksiyon.
30. Ang kalusugan ng ekonomiya ng isang bansa ay matutukoy batay sa economic performance
nito. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
A. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay – kalakal.
B. Kapag malaking bilang ng lakas-paggawa ay walang trabaho.
C. Kapag may pag–angat sa Gross Domestic Product.
D. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.
31. Ang pagsulong ng pambansang ekonomiya ay nakasalalay sa iba’t ibang aspeto. Ang
sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatutulong sa pagsusulong ng ekonomiya ng
isang bansa maliban sa:
A. Kalakalan B. Likas na Yaman C. Utang D. Yamang-tao
32. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang
isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-
abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang
makatulong sa bansa?
A. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
paaralan at sa komunidad.
B. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
D. Wala sa nabanggit.
33. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsya ang nakaasa
sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor na
agrikultura?
A. Pagmimina B. Pangingisda C. Paggugubat D. Paghahayupan
34. Isang suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabuo o madaling pagkasira
ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit ito nangyayari?
A. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road)
B. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
D. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
35. Alin sa sumusunod na sector ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal
upang ito ay maging isang produkto?
A. Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Industriya D. Paglilingkod
36. Alin sa sumusunod na sektor na binubuo mga pormal na industriya tulad ng pananalapi,
insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-
iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?
A. Agrikultura B. Impormal na Sektor C. Industriya D. Paglilingkod
37. Si Liza ay naglilingkod bilang isang nars sa isang pampublikong ospital. Natutugunan niya
ang pangangailangang pangkalusugan ng lipunan. Bilang nars, siya ay kabilang sa ktor ng
paglilingkod. Bakit itinuring na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sector na ito?
A. Ito ang namumuhunan sa mga bahay- kalakal.
B. Larawan ito ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
C. Ito ay ang dahilan upang magkaroon ng opurtunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa
isang bansa.
D. Ito ang sektor nagkakaloob ng lakas- paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang
matugunan ang mithiin ng pangangailangan.

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
38. Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at
serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong
lumalahok dito. Ito ay paraan ng mga mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa
tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng sector
na ito? Ito ay dahil sa:
A. Kawalan ng hanapbuhay at kahirapan na siyang nagtulak sa tao na pumasok sa ganitong
uri ng sitwasyon.
B. Panggigipit ng mga malalaking industriya sa mga maliliit na negosyo ng mga mahihirap.
C. Pang-aabuso ng mga tao sa likas na yaman na siyang nagdulot ng kakapusan.
D. Walang suporta ng pamahalaan sa mga ordinaryong mamamayan.
39. Ang mga bansa sa daigdig ay patuloy na nag-uugnayan sa iba’t ibang kaparaanan. Ang iba ay
sa pamamagitan ng pagpapalitan ng produkto at serbisyo. Ano ang di-kabutihang dulot ng
pakikipagkalakalan sa ibang bansa?
A. Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produktong angkat o imported.
B. Pagkawala ng pagtangkilik sa sariling mga kalakal dahil sa dami ng pagpipilian.
C. Pagkawala ng sariling pagkakakilala dahil sa pagpasok ng dayuhang kultura sa lipunan.
D. Mangyayari ang lahat ng nabanggit.
40. Ang Globalisasyon ay sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at panig ng daigdig.
Maraming papaunlad na bansa ang nakaranas ng masamang epekto nito lalo na sa kalakalang
panlabas. Alin ang dulot ng globalisasyon na may kaugnayan sa paghina ng kalakalang lokal
at panlabas ng naturang bansa?
A. Ang patuloy na pagdami at paglawak ng mga transnasyunal korporasyon.
B. Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus product.
C. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng pamayanan.
D. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakalan.

Answer Key:

1. A.
2. C.
3. B.
4. B.
5. A.
6. D.

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph
7. D.
8. A
9. C.
10. B.
11. D.
12. D.
13. B.
14. C.
15. C.
16. C.
17. A.
18. A.
19. B.
20. D.
21. C.
22. B.
23. C.
24. A.
25. C.
26. B.
27. A.
28. B.
29. C.
30. C.
31. C.
32. A.
33. A.
34. A.
35. C.
36. D.
37. D.
38. A.
39. D.
40. D.

Address : 050 L. Chatto Drive, Barangay Cogon District, Tagbilaran City


Tel. No. : (038) 501-7550, Telefax No. : (038) 501-7537
Website : www.depedbohol.org Email Address: deped.bohol@deped.gov.ph

You might also like