You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
Division of Antique
District of Sebaste
CALLAN ELEMENTARY SCHOOL

Summative Assessment in Filipino III


Written Work No. 1
Quarter 2

Pangalan: ______________________________ Petsa: _______ Iskor: ____

I. Direksiyon: Ibigay ang maaaring emosyon o damdamin ng tauhan. Pagkatapos


ng sitwasyon o kuwento. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Buwan ng Mayo ang bakasyon ng pamilya Dalisay. Napag-isipan nilang


magbakasyon sa Boracay ng isang linggo. Sabik na ang pamilya. Bumili sila
ng bagong swimsuit, damit, bag, at maraming pagkain.
a. Sila ay masaya.
b. Sila ay malungkot.
c. Nag-aaway sila.
______2. Maraming tao ang nawalan ng trabaho at maging ang mahal mo
sa buhay dahil sa Pandemic Crisis. Natatakot lumabas ng bahay ang mga
tao dahil baka mahawaan sila ng sakit.

Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao ngayon sa pangyayaring nagaganap


sa ating bansa?
a. Ang mga tao ay masaya.
b. Sila ay nagmumukmok.
c. Ang mga tao ay nalulungkot at naghihirap.
______3. Napuna ni Aling Tinay bakit malungkot paguwi ng bahay ang kanyang
asawang si Mang Roberto. Agad niya itong tinanong kung ano ang nangyari.
Isinira pala ang kumpanya ng kanyang pinagtatrabahuan.
Ano ang maging emosyon ng kanyang pamilya?
a. Maligaya sila
b. Silay nag-alala
c. Nalulungkot
______4. Tuwing nagpapaliwanag ang guro tahimik lamang na nakikinig si
Allysa kaya mabilis niyang nasasagutan ang mga tanong. Kaya’t pagdating ng
pagbibigay ng kaniyang kard ay mataas ang kaniyang marka.
Ano ang magiging damdamin ng mga magulang ni Allysa?
a. Nalungkot sila.
b. Galit na galit ang kaniyang mga magulang.
c. Masayang-masaya ang kaniyang mga magulang.
______5. Masayang naglalaro sa itaas ng kanilang bahay si Lito nang biglang
nahulog sa hagdanan ang kaniyang bagong laruan. Dali-dali niya itong
hinabol nang bigla siyang nadulas sa hagdan at nabali ang buto sa kamay.
Agad naman siyang dinala sa ospital.
Ano ang maging emosyon ng kanyang pamilya?
a. Masayang-masaya sila.
b. Malungkot ang kaniyang magulang.
c. Galit na galit sa kaniya ang kaniyang magulang

II. Direksiyon: Basahin at bilugan ang titik ng tamanag sagot.

Tungkulin sa Tahanan

Sinulat ni: Helen A. Bustamante

Maraming natutuwa sa pamilya nina Aling Nita at Mang Karding. Napalaki


kasi nila ang kanilang tatlong mga anak nang mabuti. Sila ay mababait at
masisipag na minana nila sa kanilang mga magulang.

Si Nelo ang panganay nilang anak. Siya ang katuwang ng kaniyang ama sa
pag-aalagai ng kanilang mga alagang hayop. Si Mina ang nagdidilig ng kanilang
mga halaman at tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Ang bunso
namang si Ben ang nagliligpit ng kanilang hinihigaan at mga laruang nakakalat.
Natutuwa siya kapag malinis ang kanilang bahay.

Ang pamilya nila ay tinaguriang modelong pamilya dahil sa ipinakitang


pagtutulungan at kasipagan sa paggawa ng mga tungkulin sa kanilang tahanan.

1. Sino ang pangalawang anak nina Aling Nita at Mang Karding na


tumutulong sa pagluluto at paglalaba?
a. Ben
b. Nelo
c. Mina
2. Ano ang ginagawa ni Ben bilang bunsong anak?
a. nagluluto ng pagkain
b. nagliligpit ng hinihigaan
c. naglalaba ng mga damit
3. Si Mina ay tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Paano mo
mailalarawan si Mina?
a.mahiyain

b.mayabang

c.matulungin

4. Tuwing umaga, ginagampanan ni Nelo ang pag-aalaga ng kanilang mga


alagang hayop. Natutuwa siya habang ginagawa ito lalo na kapag kasama
ang kaniyang ama.
Tulad ni Nelo, bakit kailangang gampanan mo ang iyong tungkulin sa
tahanan?

a. para maging sikat sa pamilya.


b. dahil pinilit nina nanay at tatay
c. upang matuto at lumaking responsableng bata
5. Si Ben ang tagaligpit ng mga laruang nakakalat sa kanilang bahay.
Natutuwa siya kapag malinis ito.
Ginagawa mo rin ba sa inyong bahay ang ginagawa ni Ben?

Bakit?

a. Hindi, dahil nakakapagod.


b. Oo, dahil binibigyan ako ni nanay ng pera pagkatapos.
c.Oo, dahil magandang tingnan ang malinis at maayos na tahanan.

III. Direksiyon: Basahin mo ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong.
Bilugan ang letra ng iyong sagot.

Araw ng Barangay
Isinulat ni: Airene S. Hinay

Bata at matanda ay may kani-kaniyang gawain sa pagdiriwang ng Araw ng


Barangay. Lahat ay abala sa kanilang mga gawain. Ang mga kababaihan ang nag-
aayos ng mga palamuting bulaklak sa entablado para sa gagawing programa. Ang
mga kalalakihan naman ang nakatoka sa pagkabit ng mga banderitas.
Abala ang mga kabataan sa pag-eensayo ng sayaw para sa paligsahan, Kami naman
ay tumutulong sa paglilinis ng aming mga tahanan.

1. Tungkol saan ang kuwento?


a. Araw ng Bayan
b. Araw ng Barangay
c. Araw ng Lalawigan
2. Sino ang nag-ayos ng mga bulaklak sa simbahan?
a. kabataan b. kalalakihan c. kababaihan
3. Saan naganap ang kuwento?
a. sa bayan b. sa paaralan c. sa barangay
4. Paano ka makatutulong sa pagdiriwang ng Araw ng Barangay?
a. maghihintay na tawagin
b. maglilinis ng paligid nang hindi inuutusan
c. magpapabayad sa pagsasabit ng banderitas at palamuti
5. Bakit mahalagang magtulungan sa bawat gawain?
a. upang madaling matapos ang mga gawain
b. para maabutan pa ng bukas ang mga gawain
c.upang maging magulo ang paggawa ng mga gawain

You might also like