You are on page 1of 9

FILIPINO 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang DOMAINS
Bilang ng
Pamantayan sa Pagkatuto ng %
Aytem R U A A E C
Araw
1. Natutukoy ang
kahulugan ng mga
tambalang salita na 3 7.5% 3 1, 2, 3
nananatili ang kahulugan
F3PT-IIIci-3.1
2. Nasasabi ang sariling
ideya tungkol sa tekstong
3 7.5% 3 4 5, 6
napakinggan
F3PN-IIId-14
3. Naipahahayag ang
sariling opinyon o
reaskyon sa isang 3 7.5% 3 7, 8 9
napakinggang isyu
F3PS-IIId-1
4. Nasasabi ang paksa o
tema ng teksto, kuwento o
3 7.5% 3 10 11 12
sanaysay
F3PB-IIId-10
5. Nagagamit ang tamang
salitang kilos/ pandiwa sa
14,
pagsasalaysay ng mga 3 7.5% 3 13
15
personal na karanasan
F3WG-IIIe-f-5
6. Napapalitan at
nadadagdagan ang mga 16,
tunog upang makabuo ng 3 7.5% 3 17,
bagong salita 18
F3KP-IIIe-g-6
7. Naibibigay ang mga
sumusuportang kaisipan
20,
sa pangunahing kaisipan 3 7.5% 3 19
21
ng tekstong binasa
F3PB-IIIe-11.2
8. Nasisipi nang wasto at
maayos ang mga liham 2 5% 2 22 23
F3KM-IIa-e-1.2
9. Naibibigay ang sariling
hinuha bago, habang at 24,
pagkatapos mapakinggang 3 7.5% 3 25,
teksto 26
F3PN-IIIf-12
10. Nagagamit ang tamang 2 5% 2 27,
salitang kilos/ pandiwa sa 28
pagsasalaysay ng mga
personal na karanasan
F3WG-IIIe-f-5
11. Nakapagbibigay ng
29,
angkop na pamagat sa
3 7.5% 3 30,
binasang teksto
31
F3PB-IIIf-8
12. Nagagamit nang wasto
ang mga pang-abay na
32,
naglalarawan ng isang 3 7.5% 3 34
33
kilos o gawi
F3WG-IIIh-6
13. Napag-uugnay ang
sanhi at bunga ng mga
35,
pangyayari sa binasang 3 7.5% 3
36, 37
teksto
F3PB-IIIh-6.2
14. Nagagamit nang wasto
ang pang-ukol (laban sa,
ayon sa, para sa, ukol 3 7.5% 3 38 39 40
sa, tungkol sa)
F3WG-IIIi-j-7
TOTAL 40 100% 40 11 18 6 4 0 1

Prepared by: Checked and Verified by:

Noted by:

School Principal IV

FILIPINO 3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
Name: ___________________________________________________ Score:________
School: __________________________________________________ Date: ________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Masayang naglaro at namulot ng kabibe si Arlene sa tabing-dagat. Ano ang tambalang salita ang
ginamit?
A. Masaya C. Tabing-dagat
B. Namulot D. Naglaro

2. Ano ang kahulugan ng tambalang salita na buto’t balat?


A. Manipis ang balat at buto
B. Payat na payat
C. kita ang buto
D. may sakit sa buto at balat

3. Ito ay tumutukoy sa silid kung saan nakalagay ang maraming babasahin. Anong tambalang salita ito?
A. Silid-tulugan C. Silid-kainan
B. Silid-aralan D. Silid-aklatan

4. Gabi na nang makarating sina Mang Tomas sa probinsya dahil sa masalimuot na daan. Ano ang
ideyang ipinapahiwatig ng salitang may salangguhit?
A. magulo C. napakahirap intindihin
B. pasikot-sikot D. makalat

5. Nakapulot si Anna ng pitaka na naglalaman ng malaking halaga at may pagkakakilalan ngunit hindi
niya ito isinauli dahil kailangan niya ng pambili ng gamot ng kanyang nanay. Kung ikaw ang nasa
sitwasyon ni Anna, isasauli mob ang napulot mong pitaka?
A. Oo, para maging sikat ako sa aming lugar.
B. Hindi, dahil kailangan ito ng aking nanay.
C. Oo, dahil masama ang kumuha at umangkin ng hindi pag-aari.
D. Hindi, itatago ko na lamang ito at gagastusin sa aking paaralan.

6. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng sariling ideya sa tekstong napakinggan?


A. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye sa tekstong napakinggan.
B. Magsabi ng kahit ano tungkol sa napakinggang teksto.
C. Sabihin kung ano ang lamang ang pumasok sa isip.
D. Wala sa nabanggit.

7. Ang ___________ ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o


pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.
A. Pananaw C. Reaksiyon
B. Opinyon D. Sariling palagay

8. Ano ang tawag sa malayang palagay o pananaw tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari sa paligid?
A. Opinyon C. Damdamin
B. Reaksiyon D. Pagsang-ayon

9. Alin sa mga sumusunod na isyu ang nagbibigay ng isang opinyon?


A. Nakakalungkot isipin ang mga nadadamay na inosente sa hidwaan ng Ukraine at Russia.
B. Nakakadismaya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
C. Hindi ko nagustuhan ang napanood kung balita.
D. Sa aking palagay, kailangan nating magkaisa upang maging malinis ang ating kapaligiran.
10. Ito ang iniikutang diwa na ipinahayag ng may-akda sa binasang teksto gaya ng sa kuwento o sanaysay.
A. Paksa o tema C. Detalye
B. Balangkas D. Pamagat

11. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa
sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbago rin. Ang lahat ng bagay ay matutunan
natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ano ang paksa o tema ng binasa?
A. Pagbabasa C. Teksto
B. Aklat D. Impormasyon

12. Napakamahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ay tumutulong upang lalong luminaw ang ating
paningin. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ito ng pagkalabo ng paningin. Ang
mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay ng manok at baka, itlog, gatas, keso, mga luntian at
dilaw na prutas at gulay.
Ano ang tema ng binasang sanaysay?
A. Ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas.
B. Ang pagkaing may Bitamina A
C. Ang kahalagahan ng Bitamina A sa ating katawan.
D. Ang kakulangan sa Bitamina A.

13. Masayang nagdidilig John Carlo sa kanilang hardin. Anong bahagi ng pananalita ang nasalungguhitan
sa pangungusap?
A. Pangngalan C. Pang-abay
B. Pandiwa D. Pang-uri

14. Tuwing bakasyon, namamasyal kami sa tabing-dagat kasama ng aking pamilya. Alin sa pangngusap
ang salitang kilos?
A. bakasyon C. tabing-dagat
B. kasama D. namamasyal

15. Sama-samang pumunta sa simbahan ang mag-anak. Alin sa pangungusap ang salitang kilos?
A. Sama-sama C. simbahan
B. pumunta D. mag-anak

16. Kung ang salitang baha ay daragdagan ng /g/ sa hulihan, anong salita ang mabubuo?
A. Bahay C. Bahag
B. Bahas D. Bagay

17. Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng salitang sigaw para mabuo ang salitang
ligaw?
A. /l/ B. /s/ C. /m/ D. /w/

18. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /b/ sa unahan ang salitang takas?
A. lakas B. bakas C. wakas D. likas

19. Ang _____________ ay ang pangunahing ideya sa talata. Kadalasan itong makikita sa unahan, gitna, at
hulihan ng pangungusap.
A. Pangunahing Kaisipan
B. Pangalawang Kaisipan
C. Sumusuportang Kaisipan
D. Pangwakas na Kaisipan
20. Ang Baguio City ay isa sa pinakamagandang lugar na matatagpuan sa Pilipinas. Maraming mga turista
ang pumupunta rito. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin. Maraming mga pook-pasyalan ang
mapupuntahan rito. Ano ang ang pangunahing kaisipan ng binasa?

A. Marami ang mga turista sa Pilipinas.


B. Maraming pook pasyalan ang mapupuntahan rito.
C. Malamig at sariwa ang hangin rito.
D. Ang Baguio City ay isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas.

21. Ang pamilya ay isang mahalagang yunit ng pamayanan. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng
bawat ama at ina sa pamilya. Ang ama ay haligi ng tahanan at ang ina ang ilaw nito. Pagmamahalan,
pagkakaisa at pagkakaunawaan ang mahalagang sangkap ng maligayang pamilya. Ano ang
sumusuportang kaisipan sa binasang sanaysay?
A. Ang ama ang haligi ng tahanan.
B. Mahalaga ang tungkulin ng bawat ama at ina.
C. Ang ina ang ilaw ng tahanan.
D. Lahat ng binanggit.

22. Ang __________ ay isang mensahe o pahayag sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo
sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
A. pahayagan C. Liham
B. Magasin D. Journal

23. Ayusin ang liham ni CJ para sa kanyang kaibigan.


I. Ang iyong kaibigan,
II. Mahal kong Tyrell,
III. Barangay Santa Teresa
Alfonso, Cavite
IV. Kahit matagal na tayong hindi nagkikita hindi parin ako nakakalimot sa ating
pagkakaibigan. Kumusta ka na ba? Ako ng apala ngayon ay isa ng inhinyero. Sana
ay nasa mabuti kang kalagayan
V. CJ

A. III, II, IV, V, I C. III, II, IV, I, V


B. III, II, I, V, IV D. III, I, IV, II, V

24. Hindi nakapunta si Xyla sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang kaibigan. Alin sa mga sumusunod
ang nagsasaad ng sariling hinuha ayon sa pangungusap?
A. Masayang ipinagdiwang ng kanyang kaibigan ang kanyang kaarawan.
B. Maraming bisita sa kaarawan ng kanyang kaibigan.
C. Maaaring maysakit si Xyla kaya hindi siya nakadalo.
D. Marami ang handa ng kanyang kaibigan.

25. Maulap ang kalangitan at walang mga bituing natatanaw, ano ang mahihinuhang magiging lagay ng
panahon?
A. Mainit C. Malamig
B. Mahangin D. Maulan

26. Kumain ng saging si Arnel at itinapon niya ang pinagbalatan nito sa daraanan ng kanyang mga
kaklase. Nang bigla na lamang may napasigaw na bata. Ano kaya ang magiging hinuha sa nangyari?
A. May nag-aaway na mga mag-aaral.
B. May nadulas dahil sa pinagbalatan ng saging.
C. May nadapa.
D. May mga nagtatawanan.
27. ____________ ng mga mag-aaral ang basura sa tamang lalagyan ngayon. Ano ang angkop na
pandiwang gagamitin sa pangungusap?
A. Itapon C. Nagtapon
B. Itinatapon D. Itatapon

28. _____________ ang sinasakyan kong traysikel kanina. Ano ang angkop na pandiwang gagamitin sa
pangungusap?
A. Huminto C. Hihinto
B. Humihinto D. Hinihinto

29. Ang buwan ang satellite ng mundo. Humihiram ito ng liwanag sa araw. Umiikot ito sa mundo. Sa
isang ikot nito ay nabubuo a ng isang buwan. Ano ang pinakaangkop na pamagat sa binasang teksto.
A. Ang Humihiram ng Liwanag
B. Ang Liwanag ng Araw
C. Ang Pag-ikot ng Mundo
D. Ang Satellite ng Mundo

30. Kambal sina Irish at Raiza. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Mahilig silang kumain ng
matatamis. Pareho rin silang masipag mag-aral. Ano ang angkop na pamagat ng binasang teksto?
A. Ang mga Bata
B. Ang Kambal na sina Irish at Raiza
C. Ang Paborito ng mga Bata
D. Ang Masipag Mag-aral

31. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat
umiral ang pagmamahal, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng
isa’t isa. Anomang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya.
Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy itong ingatan.
A. Ang Pamilya
B. Ang Pamilyang Pilipino
C. Ang Problema ng Pamilya
D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

32. Ang __________ ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at
maging sa kapwa nito pang-abay.
A. Pang-abay C. Pandiwa
B. Pangngalan D. Pang-uri

33. ___________ na nanalangin ang mga tao sa simbahan. Ano ang angkop na pang-abay ang gagamitin
sa pangungusap?
A. Maingay C. Taimtim
B. Mabilis D. Pasigaw

34. Ang atleta ay mabilis na tumakbo. Anong uri ng pang-abay ang nasalungguhitang salita?
A. Pang-abay naPamanahon C. Pang-abay na Panggaano
B. Pang-abay na Panlunan D. Pang-abay na Pamaraan

35. Laging kumakain si Diana ng kendi. Ano kaya ang magiging bunga ng pagkain ni Diana ng kendi?
A. kaya lumaki siyang malusog
B. kaya sumakit ang kanyang ngipin
C. kaya siya ay nasugatan
D. kaya sumakit ang kanyang tuhod

36. Mataas ang nakuha ni Kim sa kanyang pagsusulit. Ano kaya ang sanhi ng mataas na nakuha ni Kim?
A. Magdamag siyang naglaro ng cellphone
B. Lagi siyang nanunuod ng mga pelikula
C. Madalas siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan
D. Nag-aral siyang mabuti

37. Tumatakbo ng mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang ibubunga nito
sa kalusugan ng mga tao?
A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao
B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
C. Magsususka ang mga tao.
D. maluluha ang mga tao.

38. Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay sa ibang
salita sa pangungusap.
A. Pang-ukol C. Pang-abay
B. Pang-uri D. Pandiwa

39. Ang tahimik at maayos na pamumuhay ay para sa ating mga pamilya. Alin ang pang-ukol sa
pangungusap?
A. tahimik C. para sa
B. pamumuhay D. ating

40. Ang aming pinag-aralan kahapon ay ___________ pagbabago-bago ng kalamidad. Ano ang angkop na
pang-ukol ang gagamitin sa pangungusap?
A. ayon sa C. para sa
B. laban sa D. tungkol sa
ANSWER KEY: FILIPINO 3 Q3

1. c
2. b
3. d
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10. a
11. b
12. c
13. b
14. d
15. b
16. c
17. a
18. b
19. a
20. d
21. d
22. c
23. c
24. c
25. d
26. d
27. b
28. a
29. d
30. b
31. b
32. a
33. c
34. d
35. b
36. d
37. b
38. a
39. c
40. d

You might also like