You are on page 1of 8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Bilang DOMAINS
Pamantayan sa Pagkatuto % Bilang ng Aytem
ng Araw R U A A E C
1. Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng:
pagmamano paggamit ng "po" at 1,2 5,6,
8 20% 8 7
"opo" pagsunod sa tamang 3,4 8
tagubilin ng mga nakatatanda
EsP3PPP- IIIa-b – 14
2. Nakapagpapahayag na isang 9,
tanda ng mabuting pag-uugali ng 10,
Pilipino ang pagsunod sa 12, 11,
8 20% 8
tuntunin ng pamayanan 16 13,
EsP3PPP- IIIc-d– 15 14,
15
3. Nakapagpapanatili ng malinis
at ligtas na pamayanan sa
pamamagitan ng:
paglilinis at pakikiisa sa gawaing
17,
pantahanan at pangkapaligiran 18,
19,
wastong pagtatapon ng basura 8 20% 8 20, 22
21,
palagiang pakikilahok sa 24
23
proyekto ng pamayanan na may
kinalaman sa
kapaligiran
EsP3PPP- IIIe-g – 16
4. Nakasusunod sa mga
25,
tuntuning may kinalaman sa
26,
kaligtasan tulad ng mga babala 30,31,
8 20% 8 27,
at batas trapiko pagsakay/ 32
28,
pagbaba sa takdang lugar
29
EsP3PPP- IIIh – 17
5. Nakapagpapanatili ng ligtas na
pamayanan sa pamamagitan ng
34, 37, 39,
pagiging handa sa sakuna o 8 20% 8 33 36
35 38 40
kalamidad
EsP3PPP- IIIi – 18
TOTAL 40 100% 40 12 12 6 6 2 2

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher Teacher

Noted by:

School Principal
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Name: ___________________________________________________ Score:________


School: __________________________________________________ Date: ________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong kinuha ng kaklase mo ang pera ng inyong guro. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong
gawin?
A. Hihingi ako ng pera sa kanya.
B. Pababayaan ko na lamang siya.
C. Pagsasabihan ko siya na ulitin niya pa ito.
D. Sasabihin ko sa kaniya na mali ang ginawa niya.

2. May sakit ang iyong lala na siyang nag-alaga sa iyo ng maliit ka pa lamang. Alin sa mga sumusunod
ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko ang aking lola dahil marami pa akong kailangang gawin.
B. Dadalawin ko si lola araw-araw at aalagaan siya tulad ng pag-aalaga niya sa akin noon.
C. Uutusan ko ang aking kapatid na dalawin niya ang aming lola.
D. Hindi ko na lamang papansinin ang aking lola dahil kaya na niyang alagaan ang sarili niya.

3. Nakita mo ang iyong guro na maraming bitbit na aklat at mga papel. Ano ang gagawin mo?
A. Panunuorin ko na lamang ang aking guro habang nahihirapan sa kanyang mga bitbit.
B. Magtatago ako upang hindi niya ako makita.
C. Agad-agad akong lalapit upang tulungan siya sa kanyang mga bitbit.
D. Magkukunwari na lang ako na hindi ko siya napansin.

4. Isinama ka ng iyong nanay sa pagbisita sa bahay ng iyong lolo at loal. Alin sa mga sumusunod ang
gagawin mo?
A. Hahalik ako sa aking lolo at lola at hihingi ng pera.
B. Manunuod na lamang ako ng telebisyon sa sala.
C. Magmamano ako sa aking lolo at lola at kukumustahin ko sila.
D. Wala sa mga nabanggit.

5. Isinama ka ny iyong nanay sa palengke. Inutusan ka niyang makipag-usap sa tindera ng gulay. Alin sa
mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. Susunod ako sa utos ng aking nanay at gagamit ako ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa
tindera.
B. Sasabihin ko sa aking nanay na siya na lamang ang makipag-usap sa tindera.
C. Hindi ako susunod sa aking nanay dahil ayokong makipag-usap sa mga tindera.
D. Magkukunwari akong hindi narinig ang sinabi ng aking nanay.

6. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa kapwa?


A. Nakasalubong ni Ryan ang kanyang guro at binati niya ito ng magandang umag.
B. Laging nagpapasalamat si Elena sa mga bagay na natatanggap niya.
C. Nagmano si Leah ng makasalubong niya ang kanyang ninang sa palengke.
D. Umalis si Jerome ng hindi nagpapaalam sa kanyang mga magulang.

7. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng paggalang?

A. B. C. D.
8. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng magandang kaugaliang Pilipino MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Pagmamano
B. Pagsunod sa tagubilin ng mga matatanda
C. Paggamit ng “po” at “opo”
D. Pagdadabog kung inuutusan.

9. Ano ang iyong gagawin kung nakita mo ang iyong kaibigan na pumipitas ng magagandang bulaklak sa
pook-pasyalan?
A. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
B. Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.
C. Kakausapin ko siya ng malumanay at sasabihing bawal ang kanyang ginagawa.
D. Kukuhanan ko siya ng larawan at ipopost ko sa facebook.

10. Nakita mong mahaba ang pila sa inyong kantina at ikaw ay gutom na. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisingit ako sa pila.
B. Pupunta ako sa unahan.
C. Pipila ako at maghihintay hanggang sa ako ay makabili.
D. Hindi na lamang ako bibili.

11. Nanood kayo ng sine ng iyong pamilya. Bago magsimula ang pelikulang inyong papanuorin ay
pinatugtog muna ang Pambansang Awit. Ano ang iyong gagawin?
A. Mananatiling nakaupo sa upuan.
B. Maglalaro ng cellphone.
C. Makikipagkwentohan sa iyong katabi.
D. Tatayo ng matuwid at sasabay sap ag-awit.

12. Anong ilaw sa ilaw-trapiko ang nagpapahinto sa mga sasakyan upang makatawid ang mga tao sa
kalsada?
A. Pula C. Berde
B. Dilaw D. Asul

13. Nakita mong sinusulatan ng iyong mga kamag-aral ang pader ng inyong paaralan. Alin sa mga
sumusunod ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila susuwayin.
B. Sasabihin ko sa aking guro ang ginagawa nila.
C. Sasamahan ko sila sa kanilang ginagawa.
D. Wala sa nabanggit

14. Napansin mong pinaglalaruan ng iyong kapatid ang tubig sa gripo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasamahan ko siya sa kanyang paglalaro.
B. Papabayaan ko siya sa paglalaro ng tubig.
C. Sisigawan ko siya at pagagalitan.
D. Kakausapin ko siya at sasabihing huwag sayangin ang tubig.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin sa pamayanan?
A. Pamimitas ng bulaklak sa parke.
B. Pagtawid sa tamang tawiran.
C. Pagtatapon ng basura kahit saan.
D. Paglalaro sa halamanan sa paaralan.

16. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin?


A. B. C. D.

17. Niyaya ka ng iyong kaibigan na sumama sa pagtatanim ng mga puno sa inyong lugar. Sasama ka ba?
A. Oo, dahil wala naman akong gagawin sa aming bahay.
B. Oo, upang makatulong sa pagpapanatili ng kagandahan ng aming pamyanan.
C. Hindi, dahil marami pa akong gagawin.
D. Hindi, maglalaro na lamang ako ng aking selpon.

18. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa ating kapaligiran?

A. B. C. D.

19. Ang mga sumusunod ay wastong pamamaraan ng pagtatapon ng basura MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
B. Pagsama-samahin ang mga basura sa iisang lalagyan.
C. Ihiwalay ang mga basurang maaari pang mapakinabangan.
D. Italing mabuti ang basura at huwag ilalabas ng bahay kung hindi pa dumarating ang trak na
kumuha ng lahat ng basura.

20. Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng kalinisan sa loob ng tahanan?

A. B. C. D.

21. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong kaayusan ng tahanan?
A. Isinuksok ng iyong kapatid ang pinagbalatan niya ng kendi sa inyong sofa.
B. Nakita mong maraming hugasan sa lababo pero hinayaan mo lamang ito.
C. Tinulungan mo ang iyong ina sa pagwawalis ng iyong bakuran.
D. Hinayaan mo lang ang mga kalat na laruan ng iyong kapatid.

22. Malapit nang mag-umpisa ang paborito mong teleserye ngunit nakita mong maalikabok ang inyong
telebisyon. Anong gagawin mo?
A. Hahayaan kop na lamang ang alikabok.
B. Pupunasan ko na muna ito bago ko bubuksan ang telebisyon.
C. Hindi na lng muna ako manunuod ng telebisyon.
D. Uutusan ko ang aking nanay na punasan ang telebisyon.

23. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag ng malinis at maayos na kapaligiran?
A. Nagsusunog ng basura ang inyong kapitbahay.
B. Hinahayaan ni Allison na magsulat sa pader ang kanyang mga kaibigan.
C. Hindi nagreresiklo si Mayla ng mga basurang maaari pang mapakinabanagan.
D. Nakikiisa ang pamilya nina Jay sa proyekto ng kanilang barangay tungkol sa kalinisan.

24. Ito ang tawag sa paghihiwalay ng mga basurang nabubulok sa hindi nabubulok. Ano ang tawag dito?
A. Recycling C. Reuse
B. Waste Segragation D. Reduce
25. Ano ang tawag sa tamang tawiran ng mga tao s amga kalsada at mga kalye?
A. Parking Area C. Bicycle Lane
B. Shoulder lane D. Pedestrian Lane

26. Pinaandar na ni Ginoong Manuel ang kanyang motor nang maging kulay ________ na ang ilaw ng
traffic light upang makaiwas sa mabigat na trapiko.
A. Pula C. Dilaw
B. Berde D. Asul

27. Ano ang ibig sabihin ng babala o paalalang ito?

A. Madulas ang kalsada


B. Mataas ang kalsada
C. Liko-liko ang mga daan
D. Bilisan ang magpatakbo

28. Ano ang ibig sabihin ng babala o paalalang ito?


A. Tuyo ang sahig
B. May butas ang sahig
C. Basa ang sahig
D. Walang sahig

29. Maraming matutulin na sasakyan sa kalsada. Anong babala ang nararapat na ilagay dito?

A. B. C. D.

30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntuning para sa kanilang kaligtasan?
A. Si Mark na tumatawid kahit saan lalo na kung ito ay nagmamadali.
B. Si Luis na naninigarilyo habang nagpapakarga ng gasolina ng kanyang sasakyan.
C. Si Mang Jose na hindi pinapansin ang mga karatula sa daan dahil mahusay naman itong
magmaneho.
D. Si Jenny na tinitingnan ang kanyang mga daanan lalo nasa pag-akyat sa mga hagdan.

31. Mayroon kayong alagan aso na matapang at may bantang mangagat. Ano ang karatulang ilalagay mo sa
inyong bakuran?
A. Bawal magtambay dito!
B. Mag-ingat sa aso!
C. Bawal manigarilyo dito!
D. Wala sa nabanggit.

32. Ano ang ibig sabihin ng kulay berdeng ilaw sa ilaw trapiko?
A. Nangangahuluhan itong pag-andar ng mga sasakyan.
B. Nangangahulugan ito paghinto ng mga sasakyan.
C. Nangangahulugang paghanda sa pag-andar ng mga sasakyan.
D. Wala sa nabanggit.

33. Ang __________ ay isang malaking alon na nabubuo pagkatapos ng pagyanig ng lupa.
A. Lindol B. Bagyo C. Tsunami D. Ipo-ipo

34. Kaya nitong tupukin ang mga bagay at mga ari-arian. Anong sakuna ito?
A. Lindol B. Sunog C. Tsunami D. Bagyo

35. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin kung may lindol MALIBAN sa isa. Alin dito?
A. Huwag mag-panic at gawin ang duck, cover and hold.
B. Kung nagmamaneho, dapat bilisan ang pagpatakbo.
C. Kung nasa bundok, lumayo sa mga lugar na landslide-prone area.
D. Umiwas sa mga kagamitan na malalaki at mabibigat.

36. Alin sa mga kagamitan ang dapat ihanda sa oras ng sakuna?


A. First Aid Kit, Bola, Laruan at Pera
B. First Aid Kid, Tubig, Ballpen at Papel
C. First Aid Kit, Cellphone, Kaldero at Walis
D. First Aid Kit, Cellphone, Tubig at Pera

37. Napanuod mo sa balita na may paparating na bagyo sa susunod na araw. Ano ang maaari mong gawin?
A. Maglaro kasama ang mga kaibigan.
B. Sabihin ito sa iyong mga magulang upang makapaghanda.
C. Maglaro na lamang ng cellphone.
D. Balewalain na lamang ang balitang napanuod.

38. Ang mga sumusunod ay paghahandang ginagawa kung may paparating na bagyo MALIBAN sa isa.
Alin dito?
A. Pag-aayos ng mga bubong.
B. Paghahanda ng emergency kit
C. Paglipat ng mga alagang hayop sa ligtas na lugar.
D. Paglalaro ng baraha.

39. May earthquake at fire drill na isinasagawa sa inyong paaralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtago sa loob ng silid-aralan para di makasama sa drill?
B. Sumali sa drill upang magkaroon ng kaalaman sa paghahanda kung may sakuna.
C. Umuwi na lamang ng inyong bahay at manuod ng telebisyon.
D. Makipagkwentuhan na lng sa iyong kaklase.

40. Bakit mahalaga na lagi dapat maging handa tuwing may sakuna o kalamidad?
A. Upang maging ligtas sa anumang sakuna o kalamidad na paparating
B. Upang maiwasan ang mga panganib na maaaring idulot nito?
C. Upang maging kalmado sa oras ng sakuna o kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit.
ANSWER KEY: ESP 3 Q3

1. d
2. b
3. c
4. c
5. a
6. d
7. b
8. d
9. c
10. c
11. d
12. a
13. b
14. d
15. b
16. a
17. b
18. c
19. b
20. a
21. c
22. b
23. d
24. b
25. d
26. c
27. a
28. c
29. b
30. d
31. b
32. a
33. c
34. b
35. b
36. d
37. b
38. d
39. b
40. d

You might also like