You are on page 1of 9

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 2
PAMBANSANG KITA
ALAMIN

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa Pambansang Kita at ang
pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng ekonomiya. Naglalaman din ito ng
pagkasunod-sunod ng mga gawain para lubusang maunawain ang aralin.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nauunawaan ang mga pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita;
b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita;
c. natataya ang pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita.

Batay sa natutuhan sa nakaraang aralin, punan ang diyagram ng mga aktor at ang
kanilang mahalagang ginagampanan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Mga Sektor sa
Paikot na
Daloy ng
Ekonomiya

TUKLASIN AT SURIIN

KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang pagsukat ng pambansang kita ay nakapagbibigay ng kaalaman sa antas ng


produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon at maipapaliwanag kung bakit
ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita
sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating
ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa. (Balitao, et al., 2017, 245 -246)

1
Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga
ngpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na makapagbubuti sa
pamumuhay ng mga mamamayan at makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita, haka-haka
lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan, Kung gayon, ang datos ay
hindi kapani paniwala. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaring masukat
ang kalusugan ng ekonomiya.

Ang Gross National Income (GNI) ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga


ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa. Kalimitan
sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa loob ng isang taon. Ang GNI ay sinusukat gamit
ang salapi ng isang bansa. Para sa paghahambing, ginagamit na pamantayan ang dolyar
ng US.

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuoang pampamilihang


halaga ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa. Ang kita ng
mga dayuhang nasa loob ng Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng Gross Domestic Product.

Sa kabilang banda, ang GROSS NATIONAL INCOME (GNI) ay sumusukat sa kabuoang


halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. Mga
mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang
bahagi ng daigdig ito ginawa.

Hindi binibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit
na dayuhan dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. Ang kinita ng mga
dayuhan dito sa Pilipinas ay isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ng
kanilang bansa. (Balitao, et al., 2017, 245 -246)

Mga Paraan sa Pagsukat ng GNI

Ayon kay Villegas at Abola (1992) may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National
Income:
1.Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure Approach)
a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad
pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahay-kalakal
tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng
manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – gastusin ng pamahalaan o government consumption.
d. Gastusin ng panlabas sa sektor (X-M) – balance of trade o net exports.
e. Statistical Descrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na
hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong
hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha
ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga
dayuhang nasa loob ng bansa.

2
2. Paraan batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin /Value Added Approach)
Batay sa pinagmulang industriya, masusukat ang Gross Domestic Product ng bansa
kung pagsasamahin ang kabuoang halaga ng produksiyon ng mga pangunahing
industriya ng bansa. Kinapapalooban ito ng sektor ng agrikultura, industriya at
serbisyo.

Isinasama ang Net Factor Income from abroad o Net Primary Income sa
kompyutasyon. Masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng bansa. (Balitao,
et al., 2017, 250)

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


a. Sahod ng mga mangagawa.
b. Net Operating Surplus.
c. Depresasyon.
d. Di-tuwirang buwis
1. Di –tuwirang buwis – kabilang dito ang sales tax, custom duties, lisensya at iba pang
di-tuwirang buwis.
2. Subsidiya – salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi
tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito ang pag – ako
ng pamahalaan sa ilang bahagi ng bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.

CURRENT/NOMINAL AT REAL / CONSTANT PRICES GROSS NATIONAL INCOME

 Ang pampamilihang halaga ng tapos na produkto at serbisyo ang binibilang sa


pambansang kita at hindi ang kabuuang dami nito

 Ang Gross National Income sa kasalukuyang presyo (current o nominal GNI) ay


kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa
pamamagitan ng paggamit ng batayang taon o base year.

 Sa pagsukat ng Nominal at real GNI, kailangan munang malaman ang Price Index
ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo.

 Malalaman kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng Price Index.

 Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago sa presyo ng mga produkto at


serbisyo.

Real GNI = Price Index base year x Current GNI


Price Index current year

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon – GNI sa nakaraang taon


X 100
GNI sa nakaraang taon

Taon Current/ Price index Real/ Constant Growth


Nominal GNI Prices GNI Rate
2006 7,883.088 5,911,313
2007 8,634,132 9.53 % 6,276,013 6.17%
2008 9,7776,185 13.28% 6,590,009 5.00%
2009 10,652,466 8.96%3 6,988,767 6.05 %
2010 11,996,077 12.61% 7,561,386 8.19%
(Balitao et al., 2017, p.251)

MGA GAWAIN

GAWAIN 1: VENN DIAGRAM

Panuto: Punan ang dayagram ng pagkakatulad at pagkakaiba ng GNI


at GDP at ipaliwanag ang inyong sagot gamit ang gabay na
tanong sa pagproseso ng gawain. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

GNI GDP

Pagproseso ng Gawain

1. Ano ang pagkakaiba ng Gross Domestic Product sa Gross


National Income?

2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance ng isang


bansa?

GAWAIN 2: WRITE IT RIGHT !

Panuto: Punan ang dayagram ng mga wastong konsepto kaugnay ng mga paraan ng pagsukat
ng pambansang kita at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

4
PARAAN NG PAGSUKAT
NG

PAMBANSANG KITA

GAWAIN 3: MAG COMPUTE TAYO!

A. Panuto: Kompyutin ang Real GNP. Gamitin ang 2010 bilang batayang taon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Formula: Real GNI = Price Index base year x Current GNI


Price Index current year

Taon Nominal GNP Price Index Real GNP


2010 7,994,123 143.28
2011 8,778,083 147.37
2012 9,652,486 148.35
2013 10,687,213 152.42
2014 11,222,432 158.65

B. Panuto: Ipaliwanag ang bawat pamamaraan ng pagsukat ng Gross National Income. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

5__________________________________
Paraan Batay sa Paggasta __________________________________
__________________________________
__________________________________
_____________________________
Paraan Batay sa Pinagmulang _____________________________
Industriya _____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________

Paraan Batay sa Kita


________________________________
________________________________
________________________________

TAYAHIN
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong, Piliin ang letra ng
wastong sagot mula sa mga pagpipilian at isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Paano malalaman kung may natamong pag unlad sa ekonomiya ng


isang bansa?

a. Patuloy na pag angat ng ekonomiya ng isang bansa.


b. Karaniwan lamang ang mga mamamayan na naninirahan dito.
c. Limitado lamang ang mga pinagkukunang yaman.
d. Malalaman kung may pag unlad sa ekonomiya ng isang bansa
sa pamamagitan ng growth rate.

2. Sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag angat ng


ekonomiya kumpara sa nagdaang taon?

a. Growth rate
b. Economic Performance
c. Income per Capita

6
d. Nominal GNI

3. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa


pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng
hakbang ang pamahalaan?

a. Oo, dahil magiging kahiya hiya ang bansa sa buong daigdig.


b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang
suliranin.
c. Hindi, dahilang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa
ekonomiyang pandaigdigan.
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.

4. Saan dapat isama ang kita ni Mr. Chow na isang Chinese National ngunit
nagtratrabaho dito sa Pilipinas?

a. Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito


b. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
d. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita.

5. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na


gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?

a. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang ang


salapi.
b. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
c. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
d. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.

II. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Fact kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at Bluff naman kung ito ay nagsasaad ng Mali.

1. Ang pagtaas ng remittance ay may tuwirang epekto sa Gross


Domestic Product.
2. Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto at serbisyo
lamang ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross Domestic
Product.
3.Ang Gross National Income ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng
isang bansa.
4. Ang kinikita ng mga OFW o mga nagtatrabaho sa ibang bansa
ay hindi kinukwenta.
5. Ang gastusing personal ay binubuo ng apat na sektor,
sambahayan, bahay, kalakal, pamahalaan at panlabas na
sektor.

II. Panuto: Suriin ang ipinapahiwatig ng larawan at ipaliwanag sa maikling talata.


Maaring dugtungan ang sinimulang pangungusap.
7
Microsoft ® Encarta ® 2009. © 1993-2008 Microsoft Corporation

Ang ipinapahiwatig ng larawan kaugnay ng pambansang kita ay___________


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

You might also like