You are on page 1of 1

Lagi ka na lang tumatakbo sa isip

Gusto kang makasama hanggang panaginip


Sumama ka, halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso
Tayo ay maglakbay, habang tayo ay magkahawak ng kamay
'Di mapalagay 'pag wala ka sa tabi
Gusto ka na makasama mapa-araw o gabi
Bago sumindi, emosyonal na nagbabalot
Kwentuhan natin hanggang sa'n naman kaya aabot?
Mapaglaro ang panahon, kung minsan ay madamot
Ipagtatanggol kita laban sa mundo, huwag matakot
Yakapin mo ako na para bang wala nang bukas
Halik mo ang gamot sa karamdamang walang lunas
Pintahan nating muli larawang kumupas
Halika, sumindi ng halamang lasang prutas
Dito sa planeta ng tao, ikaw ang dinayo ko para lang makatikim ng halik
Kung saan ako galing, hindi mo alam, pero parang ayaw ko na rin bumalik
Boses mo ang pinakamagandang musika na aking narinig
Ikaw ang isa sa mga dahilan kaya gusto kong magtagal sa daigdig
Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka, halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso
Lagi ka na lang tumatakbo sa isip
Gusto kang makasama hanggang panaginip
Sumama ka, halika na
Dadalhin kita sa munti kong paraiso
Ikaw lamang ang tanging minahal ng walang hanggan
Ikaw ang laman ng lagi kong dasal
Sana magpakailanman kitang makasama

You might also like