You are on page 1of 1

Abra - Gayuma Harana para sa dalaga Na kundi dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana Dalaga na balak makasama Mula sa simula

hanggang sa magsipagtunugan yung kampana Makasama ka na para bang tadhana At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka Ang tadhana sadyang kahanga-hanga Ibang mga babae sa mundo kinalimutan na para Masabi lang sayo na tapos na panggiginaw Ng puso kong naghihikaos pagkat naliligaw Ngayon paos na paos na sa kasisigaw Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin Mahal kita kahit may pagka-alanganin Pagkat sabi mas mukha ka pang lalaki kesa sakin Hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat) Kung bat marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat) Paggising ikaw ang nasa isip Ka-date kita hanggang sa panaginip Kasi ikaw ang iniibig ko (Ikaw lang at wala nang iba) Ngunit hindi ko maipaliwanag (Hindi ko maipaliwanag ang lahat) Kung bat marahil ikaw ang laging hinahanap (Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat) Paggising ikaw ang nasa isip Ka-date kita hanggang sa panaginip Kasi ikaw ang iniibig ko Ang buhay parang dagat, kung saan lahat tayo nagtipon Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon Hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod Parang ipot ka ng ibon magpakipot Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit Nakakadik kahit puro kuto ka sa anit Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit Hindi ka manatiling ikaw lang ang kapiling ko Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko Para kang Rebisco ang sarap ng filling mo Ikaw ang namimiss ko mismo At kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh Paggalit si Son Goku parang kamukha mo beh

You might also like