You are on page 1of 43

Modyul 4: SINTAKSIS

Panimula:
Ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang sangay ng balarila na tumatalakay sa
masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap. Nagmula ang
salitang sintaks sa Ingles na syntax na nagmula naman sa Sinaunang wikang Griyegong σύνταξις
"pagkakaayos" mula sa σύν syn, "magkasama", at τάξις táxis, "isang pagsusunud-sunod"). Ito ang pag-aaral
ng mga prinsipyo at mga patakaran sa pagbubuo ng mga pangungusap sa loob ng likas na mga wika. Maaari
ring tumukoy ang salitang palaugnayan sa mismong mga batas o patakaran, katulad ng "palaugnayan ng isang
wika". Ang makabagong pananaliksik sa palaugnayan ang sumusubok na ilarawan ang mga wika ayon sa
ganitong mga panuntunan, at, para sa maraming mga tagapagsagawa, upang makahanap ng pangkalahatang
mga patakarang magagamit sa lahat ng mga wika.

LAYUNIN: Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Matukoy ang uri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian


2. Matukoy mga bahagi at ayos ng pangungusap
3. Makabuo ng pangungusap ayon sa kayarian at gamit

ARALIN 1: Ang Kahulugan ng Parirala, Sugnay, at Pangungusap

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Nakikilala ang pagkakaiba ng parirala, sugnay, at pangungusap;
2. Nakabubuo ng sariling halimbawa ng parirala, sugnay at pangungusap mula sa isang larawan; at
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa estruktura ng wikang Pambansa.

Salok-Dunong
Ang Parirala
Ang parirala ay lipon o kumbinasyon ng magkakaugnay na mga salita na walang simuno o panaguri.
Ang mga parirala na may iisang diwa ay pinag-uugnay upang makabuo ng isang pangungusap.
Halimbawa: ang mga bibe

Ang tanong, ano ang sinasabi nito tungkol sa bibe?


Hindi natin mawari kung ano ang tinutukoy ng pariralang ito tungkol sa bibe.
Kung ang grupo ng mga salita ay walang buong diwa, ito ay isang parirala.
A. PARIRALA AYON SA ANYO

1. Karaniwang Parirala - Ito ay parirala na binubuo ng karaniwang salita.


Si Jane
batang masipag

2. Pariralang pang-ukol - Binubuo ito ng pang-ukol at layon nito.

para sa akin
sa kabila ng bakod
ukol sa pagibig

3. Pariralang Pawatas - Binubuo ito ng pandiwang pawatas at layon nito.

maligo sa ilog
magbasa ng aklat
matulog nh maaga

B. PARIRALA AYON SA GAMIT

May tatlong uri gamit ng parirala sa pangungusap. Ito ay pariralang panggalan, pariralang pang-uri,
at pariralang pang-abay.

1.Pariralang Panggalan - Ito ay ginagamit na simunong pangungusap, layon ng pandiwa o


tagatanggap ng layon ng pandiwa.

A. Bilang Simuno

Ang may suot na puting uniporme ang nagwagi.

B. Tagatanggap ng Layon

Ang relo ay ibinigay ni Alfred kay Ana.

2. Pariralang Pang-uri - Ang pariralang pang-uri ay nagbibigay turing sa pangalang sinusundan.

Ang mga taong may pagpapahalaga sa Diyos ang namumuhay ng payapa.

Siya na tumatanggap ng pagkatalo ay mabuting tao.

3. Pariralang Pang-abay - Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri at pang-abay.

a. Nagbibigay turing sa salitang sinusundan

Ang humahabol sa kanya ay natisod sa nakausling bato.

Sa ginawang pagtatanghal, ang mga mag-aaral ay umawit nang buong sigla.

b. Nagbibigay turing sa isang pang-abay

Nagtakbuhan ang mga bata nang marinig ang kulog.

c. Nagbibigay turing sa pang-uri


Ang mga Pilipino ay matulungin sa salita at sa gawa.

Ang Sugnay
Ang sugnay ay grupo ng mga salita na nagtataglay ng simuno at panaguri at may kumpletong
diwa o hindi kumpletong diwa. Ang mga sugnay ay maaaring pangngalan, pang – uri, at pang
– abay.
MGA URI NG SUGNAY
1. SUGNAY NA NAKAPAG- IISA - ay binubuo ng mga salita na may simuno at panaguri
na nagsasaad ng ganap na kaisipan at nakatatayo nang mag- isa, samakatuwid, ito ay
tinatawag ding pangungusap. Nagpapahayag ito ng diwa.

a. Binubuhay nilang muli ang taniman sa likod – bahay dahil nais nilang kumain
ng gulay ng libre.
b. Kung iisipin lang ng tao ang kanilang kapwa, maiiwasan ang paggawa ng
masasama.
c. Nakasulat si Amir ng isang magandang tula dahil sa kanayang labis na
pagmamahal sa kalikasan.

2. SUGNAY NA DI-MAKAPAG-IISA - ay pangkat ng mga salita na binubuo Ng simuno at


panaguri ngunit ito ay hindi nagsasaad ng ganap na kaisipan at samakatuwid, hindi
nakakatayo nang mag-isa. Hindi nagpapahayag ng buong diwa.

a. Kung sasama ka sa amin


b. Sakaling umulan bukas
c. Kahit hindi ka pa tapos

MGA GAMIT NG SUGNAY


1. Sugnay na Pang-abay – nagiging pang-abay ang sugnay kapag ang ugnay na di-makapag-
iisa ay panuring ng padiwa, pang-uri o pang-abay.
Halimbawa:
Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin.
Ang bata ay malungkot kung wala ang kanyang ina.
2. Sugnay na Pang-uri – kapag ang ugnay na di-makapagiisa ay panuring ng pangngalan na
pinangungunahan ng panghalip na pamanggit na na, -ng kung matutumbasan a Ingles ng mga
salitang “who, which and that”.
Halimbawa:
Ang Banaue Rice Terraces na binagta nila ay napakaganda.
Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasintahan ni Kris.
3. Sugnay na Pangalan - pangkat ng mga salita na nagsisilbing paksa sa pangungusap.
Halimbawa:
Hindi ko alam kung bakit sila nawawala.
Kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak.

Ang Pangungusap
Ang pangungusap ay binubuo ng salita o lipon ng mga salita na nagtataglay ng diwa.
Nagsisimula ito sa malking titik at nagtatapos sa tamang bantas.

Paglalapat

KUYA VENN! Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
parirala, sugnay at pangungusap.

PANGUNGUSAP

PARIRALA SUGNAY

PAGTUTULAD. Batay sa iyong nalaman tungkol sa kahulugan ng parirala, sugnay at


pangungusap, kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba at ipaliwanag.
Ang parirala ay parang…
PALIWANAG:

Ang sugnay ay tulad ng…


PALIWANAG:

Ang pangungusap ay tila isang…


PALIWANAG:

Pagtataya
PICTURE TALK. Tignang mabuti ang larawan sa ibaba. Bumuo ng limang parirala, limang
sugnay na di- makapag-iisa at limang pangungusap mula rito.
Parirala
1.
2.
3.
4.
5.
Sugnay na di-makapag-iisa
1.
2.
3.
4.
5.
Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

QUIZ Mo To!
A. Isulat sa patlang kung parirala, sugnay, o pangungusap ang lipon ng mga salita.
______________________ 1. dahil abalang-abala ang mga miyembro ng organisasyon
______________________ 2. masdan ang napakagandang bukang-liwayway sa silangan
______________________ 3. ang kabutihan at kapayapaan ng ating pamayanan
______________________ 4. sila ang inatasan na magsiyasat ng anomalya
______________________ 5. kapag maraming suliraning pangkabuhayan ang isang bansa
______________________ 6. bagong batas na isinakatuparan
_______________________ 7. libreng pagpapaaral sa elementarya
______________________ 8. itaguyod natin ang mga programang inilunsad
______________________ 9. itinuturo ba ang mga kabutihang-asal at pagmamahal sa
bansa
______________________ 10. ngunit may lumabag pa rin sa mga karapatang pantao
______________________ 11. habang inihahanda ang bulwagan para sa kumperensiya
______________________ 12. napahamak siya dahil sa kanyang pagkawalang-bahala
______________________ 13. mga tula at sanaysay na isinulat
______________________ 14. kabi-kabilang demonstrasyon ang inilunsad ng mga
mamamayan
______________________ 15. mataas na kalidad ng edukasyon
B. Magsulat ng tsek sa patlang kung ang sugnay ay makapag-iisa. Magsulat ng ekis
kung ang sugnay ay di-makapag-iisa.
_____ 1. dahil hindi makatarungan ang ginawang pagkakakulong sa mga taong
nagprotesta
_____ 2. binigyan ng parangal ang mga atletang nagpakita ng kakaibang kakayahan
_____ 3. kung mapanatili nating mapayapa at malaya ang ating bansa
_____ 4. kapag dumating ang mga magsasaka mula sa bukirin
_____ 5. bahagi ng bayanihan ang pagsasakripisyo alang-alang sa ikabubuti ng
nakararami
_____ 6. inaasahan namin na tutuparin mo ang mga pangakong binitawan mo
_____ 7. mainam na igalang natin ang pananampalataya ng ibang tao
_____ 8. upang masugpo ang pagdami ng insidente ng krimen sa pamayanan
_____ 9. sapagkat may di-pagkakaunawaan ang dalawang magkapitbahay
_____ 10. pangalagaan natin ang natitirang likas-yaman ng mga dagat sa Pilipinas

Mga Sanggunian:
Mga Tanong At Sagot Tungkol Sa Wikang Filipino’. Inihanda at ipinalimbag ng Komisyon sa
Wikang Filipino: San Miguel, Maynila, 1996].
PAMPAARALANG BALARILA NG WIKANG PAMBANSA PARA SA IKA-3 TAON.
Nina: Federico B. San Sebastian at Antonia F. Villanueva. Bedes Publishing House, Inc., 1971. pp
15-21.
ARALIN 2: Bahagi ng Pangungusap

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Natutukoy ang mga bahagi ng isang pangungusap at nakakapagbigay ng mga halimbawa;
2. Nakabubuo ng mga dayalogong nagtataglay ng mga bahagi ng isnag pangungusap; at
3. Napapahalagahan ang bawat pahayag ng mga taong nagsasalita.

Salok-Dunong
Bahagi ng Pangungusap
1. Simuno o Paksa – bahaging pinag-uusapan sa pangungusap.

Ang paksa ay maaaring:

a. payak – binubuo ito ng isang salita na tumutukoy sa paksa o pingauusapan sa pangungusap.

Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa sa wika.

b. buong simuno – binubuo ng payak na simuno at iba pang salita sa bahaging ito ng
pangungusap.

Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa sa wika.

2. Panaguri – bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno.

Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa tungkol sa pinagmulan ng wika.

Ang panaguri ay maaaring:

a. payak na panaguri – pandiwa o salitang nasa anyong pangngalan, panghalip, pang-uri o pang-
abay na nagsasabi tungkol sa simuno.

Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa.

b. buong panaguri – ang payak na panaguri kasama ang iba pang mga salita o panuring.

Halimbawa: Maraming hula ang mga dalubhasa tungkol sa pinagmulan ng wika.

Uri ng Panaguri

Panaguring Pandiwa
Karaniwan sa panaguri ng pangungusap ay pandiwa. Ito ang nangyayari sapagka’t ang pandiwa
ay siyang nagpapahayag ng kilos at Gawain ng isang simuno.

1. Si Alex ay nagtanim ng sitaw, talong at kamatis.


2. Siya ay bumili ng pataba.
3. Siya ay nagbabasa ng mga aklat tungkol sa paghahalaman.
4. Aani siya ng maraming gulay sa taong ito.

Panaguring Pang-uri

Bukod sa pandiwa, ang pang-uri ay malimit ding gamitin sa panaguri. Ang pang-uri sa gayong
gamit ay nagsasaad, hindi ng kilos ng simuno, kundi ng uri nito.

1. Ang mga talutot ng sampagita ay puti.


2. Ang bulaklak na ito ay mabango.
3. Ang palawit ng kuwintas ay mabilog.

Panaguring Pangngalan

Bukod sa pandiwa at pang-uri, ang pangngalan ay ginagamit din sa panaguri. Ang pangngalang
ginagamit sa panaguri ay nagpapakilala kung sino o ano ang simuno.

1. Si Lydia ay anak ng isang manggagamot.


2. Ang matalik niyang kaibigan ay si Myrna.
3. Siya ay dentista sa aming paaralan.

Panaguring Panghalip

Ang panghalip ay ginagamit ding panaguri. Ito ay humahalili sa pangngalan.

1. Ang aklat na ito ay kanya.


2. Ang nakuha mong lapis ay akin.
3. Ang hinahanap mong tao ay ako.
Paglalapat
MEME DAYALOGS. Lagyan ng mga pangungusap bilang dialogue sa mga
larawan sa ibaba. Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri.

panagURI. Sa mga natalakay na uri ng panaguri, magbigay ng tig apat na halimbawang


pangungusap. Gamitin ang mga grapikong pantulong.
1 2

PANAGURING
PANGNGALAN

3 4

12

PANAGURING
PANGHALIP

3 4

12 2

PANAGURING
PANDIWA

3 41
1 2

PANAGURING
PANG-URI

3 4

Pagtataya
Pagsasanay: Salungguhitan ang payak na simuno at kahunan ang payak na panaguri.
1. Natulog ang bata nang mahimbing.
2. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitung libong isla.
3. Tahimik ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng aklat.

4. Si Ginoong Martinez ay nagtratrabaho sa Lungsod ng Makati.


5. Ang gatas ay masustansiya.
6. Ang araw ay sumisikat sa silangan.
7. Gumagawa ng bangka ang mga mangingisda.
8. Si Nida at Ramon ay magkakapatid.
9. Nagdala ako ng isang dosenang mangga para sa aking pinsan.
10. Nanonood si Mang Ricardo ng balita gabi-gabi.

ARALIN 3: Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Nakikilala at nakapagbibigay ng mga halimbawa ng uri ng pangungusap ayon sa gamit;
2. Nakakabuo ng mga pahayag na nagpapakita ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa gamit; at
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa estruktura ng wikang Pambansa
Salok-Dunong
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit. Ito ang sumusunod:

1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.

2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa
hulihan nito.
Mga Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?

3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang
tandang pananong.
Mga Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Yehey! Wala na namang pasok.

4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
(Pautos)
Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible
School.
(Pakiusap)
Pakibigyan mo ako ng tubig.
Pakilakas po ang inyong boses.

Paglalapat
BASA PA MORE. Basahin ang akda sa ibaba at gawin ang mga aktibiti pagkatapos.
May isang tinig, na nagmumula sa isang mang-aawit, na kahit hindi kagandahan ay
tinatangkilik parin ng mapili kong tainga. Ano ang mayroon sa musikerong ito at ganang-gana ang
aking atensyon sa pakikipaglaro sa kanyang tunog na sobrang kakaiba? Gayuma ba? Hindi ko
alam.
Pagkagising sa umaga, maririnig ko ang boses niyang makapangyarihan. Kaya niya akong
bangunin sa aking pagkakahiga. Sa bawat lakad ko'y siya ang nagsisilbing gabay. Tila ang lahat ng
bagay sa akin ay gumagalaw sa kanyang pagkanta.
Sa isang hapong pagod ako, napakaingay ng paligid. Magulo ang atmosperang aking
ginagalawan. Nabigla ako nang hindi ko na marinig ang tinig. Pinilit kong hanapin ito ngunit wala
na. Wala na nga ang boses na aking kinahumalingan. Pumatak ang aking luha kasabay nang
pagragasa ng napakagulong paligid na aking napakikinggan. Naipikit ko ang mga mata na
kinahuhudyatan ng aking pagtulog.
Nagising ako sa maingay na tunog. Laking tuwa ko dahil ang tinig ay muli kong naririnig.
Pero sa pagkakataong ito, kitang-kita ko ang umaawit! Si Dose! Siya pala ang kinagigiliwan ko.
Siya pala ang kinakailangan ko araw-araw. Maya't-maya ay tumigil siya. Laking gulat ko nang
kinuha ni Uno ang mikropono. Aba, mahusay rin itong si Uno! Dali-dali pa'y panibangong mang-
aawit na naman ang aking napakikinggan, si Dos naman. Magaling din ito at dahil sa kahusayan ay
naidlip ako. Bigla akong nagising sa lakas ng boses ni Tres-isa pang mang-aawit. Naguguluhan na
ako! Bakit pare-parehas ang tinig ng mga ito? Pangiti-ngiti lang ang mga ito habang tinatanong ko
sila. Bakit iisa ang naririnig kong tinig?
Pansin kong nangagawit na ang iba sa kanila ngunit patuloy parin sa pag-awit lalo na kung
matatapat sa kanila ang mikropono. Kapansin-pansin ang kanilang kaibahan ngunit ang galing
lang! Iisa ang timbre ng boses. Akala ko iisa ang mang-aawit, labindalawa pala sila. Isang dosena
ngunit naroon ang disiplina. Hindi nagsasapawan at nag-uunahan sa entablado kung saan sila
naroon. Labindalawang indibidwal, iisa ang tinig.
Habang naiisip ko ang mga ito, boses na ni Cinco ang aking napapakinggan. Napapangiti na
lamang ako dahil siya pala yung gumigising sa akin palagi.
Tik tak! Tik tak! Alas singko na! Gising na naman ako. Tik tak! Tik tak! Nagising akong
nakatingin sa orasan. Magandang umaga ang bumungad sa akin dahil sa aking panaginip.
Natutunan kong hindi lang oras ang itinuturo ng orasan sa akin. Ang bawat tik tak na naririnig ko'y
nagpapahiwatig ng kaisahan ng lupon ng mga mang-aawit na sila, Dose, Onse, Dyis, Nueve, Otso,
Siete, Sais, Cinco, Quatro, Tres, Dos, at Uno. Naroon ang harmonya sa pagtupad ng kanilang
tungkulin sa pagpapakabuluhan sa mga pangyayari sa mundo sa pamamagitan ng paglalahad ng
oras.
Iisa ang kanilang isipan, iisa ang kanilang puso kaya't iisa rin ang kanilang tinig. Kahit
anong oras, alas tres, alas dos y media o alas otso, ay produkto ng kanilang pagkakaisa sa kabila ng
kanilang pagkakaiba.

GAWIN. Gawin ang mga sumusunod na aktibiti mula sa nabasang akda. Basahin nang mabuti ang
bawat panuto. Gamitin ang grapikong pantulong sa pagsagot.
A. Pumili ng limang tauhan sa akda.
B. Ilarawan ang mga ito.
C. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong matanong sila , ano ito? Isulat lamang ang tanong.
D. Kung uutusan ka nila, anong utos ang gusto mong ipagawa nila sa iyo? Isulat sa paraang
pautos.
E. Kunwari nagulat ka sa kanilang utos, paano ka magrereak? Isulat ito sa paraang
padamdam!
F. Paano ka makikiusap sa kanila? Isang pakiuap sa bawat tauhan.

Paglalarawan Katanungan Utos Reaksiyon Pakiusap


Tauhan

1.

2.

3.

4.

5.

GAWIN PA RIN. Balikang muli ang akda at humanap ng tig dalawang halimbawa ng uri ng
pangungusap ayon sa gamit.
PASALAYSAY
1.
2.
PATANONG
1.
2.
PADAMDAM
1.
2.
PAUTOS/PAKIUSAP
1.
2.
Pagtataya
Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga
sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam),
PU (pautos), at PK (pakiusap).
____ 1. Dito tayo sasakay ng dyip.
____ 2. Dadaan po ba kayo sa palengke?
____ 3. Hoy, bawal sumingit sa pila!
____ 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.
____ 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
____ 6. May bakanteng upuan pa ba?
____ 7. Huwag kang sumabit sa dyip.
____ 8. Walong piso ang pasahe.
____ 9. Pakiabot po ang bayad ko.
____ 10. Kunin mo ang sukli.
____ 11. May bababa ba sa highway?
____ 12. Pakibaba po kami sa palengke.
____ 13. Para po!
____ 14. Naku, bawal tumigil ang dyip diyan!
____ 15. Sundin mo ang mga batas trapiko.
____ 16. Aray, ang sakit!
____ 17. May kumagat ba sa iyo?
____ 18. Kinagat yata ako ng langgam.
____ 19. Huwag kang tumayo riyan.
____ 20. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____ 21. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga?
____ 22. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____ 23. May nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____ 24. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____ 25. Huwag mong saktan ang sisiw.
____ 26. Mukhang hindi pa ito marunong lumipad.
____ 27. Pakisabi po sa akin kung may nakita kayong pugad.
____ 28. Ipasok mo muna ang sisiw sa loob ng bahay.
____ 29. Umaambon na po ba?
____ 30. Ay, mababasa ang mga sampay ko!

Mga Sanggunian:
https://selinemagtibay.wordpress.com/2016/11/26/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-gamittungkulin/
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2015/01/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-gamit_6-1.pdf

ARALIN 4: Uri ng Pangungusap Ayon sa Kaayusan at Kayarian

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Nakikilala at nakapagbibigay ng mga halimbawa ng uri ng pangungusap ayon sa kaayusan at kayarian;
2. Nakakabuo ng mga pahayag na nagpapakita ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa kaayusan at
kayarian; at
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa estruktura ng wikang Pambansa.

Salok-Dunong
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kaayusan
May dalawang ayos ang pangungusap:karaniwan at di-karaniwan. Kung ang panaguri ay
nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang
nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa di-karaniwan ayos. Ang panandang "ay" ay
kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Karaniwan/ganap - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Juan.
Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa: Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian


1. Payak-ito ang pangungusap na may iisang paksang pinag uusapan na kumakatawansa ibat ibang
anyo.Bagamat payak may inihahatid itong mensahe.

Mga anyo ng payak na pangungusap:

A.PS-PP (payak na simuno at payak n panag uri.)

Halimbawa:
Masipag na mag aaral si Jose.
Matalinong bata si Ruby.

B.PS-TP (payak na simuno at tambalang panag uri)

Halimbawa:
Matalino at masipag na mag aaral si Jose.
Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibign ko.

C.TS-PP (-tambalang simuno at panaguri.)

Halimbawa:
Kapwa matulungin sina Jun at Lito.
Ang katarukan at kalinisn ng loob ay kailangn ninuman.

D.TS-TP (-tambalang simuno at tambalang panag uri.)

Halimbawa:
Mapagkndili at maalalahanin sina mama at papa.
Sina pangulong Arroyo at Estrada ay mga haligi ng bansa at mga magulang ng bayan.

2. Tambalan
-ito ay pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag uugnay o pinagdudugtong sa tulong ng
pangatnig.

Halimbawa:
Si Luis ay mahilig mang asar samantalang si Loreng ay mapagmahal.
Unang kaisipan-Si Luis ay mahilig mng asar.
Ikalawang kaisipan-Si Loreng ay mapagmahal.

Pangatnig-samantalang

3. Hugnayan
-ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag iisaat sugnay na di makapg iisa.an
diwa ng dalawang sugnay ay magkarugtong at pinag uugnay o pinagsama sama ng pangatnig.

Halimbawa:
Di malayong umunlad ang Pilipinas kung ang mga mamamaayan ay magtutulong tulong.
Sugnay na makapag iisa-Di malayong umunlad ang Pilipinas.
Sugnay na di makapag iisa-kung ang mamamayan ay magtutulong tulong.

Pangatnig-kung
4. Langkapan
-ito ay pangungusap na binubuo ng isa o mahigit pang sugnay na makapag iisa o sugnay na di
makapag iisa.

Halimbawa:
Makapapasa talaga siya at makataatamo ng diploma kung magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng
hirap.

-Ang 2 sugnay na makapag iisa-Makapapasa talaga siya at makatatamo ng diploma.

-Ang 2 sugnay na di makapag iisa-Kung magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng hirap.

Paglalapat

AKO AY PILIPINO. Basahin ang kanta ni Kuh Ledesma at suriin kung sa anong ayos
nakasulat ang bawat linya. Isulat muli ang kanta sa kabaliktad na ayos. (Kung karaniwang
ayos, gawing di-karaniwan. Vice-versa).

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako!

PAYAK-PAYAKAN. Pansinin ang mga sumusunod na payak na pangungusap at gawin ang


mga itong tambalan, hugnayan at langkapan.
Masipag na mag-aaral si Jose.
Tambalan:
Hugnayan:
Langkapan:

Matalinong bata si Ruby.


Tambalan:
Hugnayan:
Langkapan:

Matalino at masipag na mag-aaral si Jose.


Tambalan:
Hugnayan:
Langkapan:

Mabait at mapagkakatiwalaan ang kaibign ko.


Tambalan:
Hugnayan:
Langkapan:

Mapagkandili at maalalahanin sina mama at papa.


Tambalan:
Hugnayan:
Langkapan:

Pagtataya
PAGSASANAY. Ibigay ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian nito.

1.Makakapasa ako sa pagsusulit bukas kung mag aaral ako ng mabuti.

2.Matatapos namin ang aming gawain kung kami ay magtutulong tulong at magkakisa.

3.Magluluto sana ako ng spaghetti at pansit kung bumili ka ng pangrekado.

4.Mahal na mahal nila ang isat isa kaya hinding hindi sila maghihiwalay at di nila
pababayaan ang isat isa.

5.Ipinapangako ko na mamahalin kita habambuhay at hinding hindi kita iiwan.

HALIMBAWA. Punan ng mga patlang ng mga hinihinging impormasyon.


1. Payak. Magbigay ng tig-iisang halimbawa sa bawat anyo.

A.PS-PP (payak na simuno at payak n panaguri.)

___________________________________________________________

B.PS-TP (payak na simuno at tambalang panaguri)

_________________________________________________________

C.TS-PP (-tambalang simuno at panaguri.)

_________________________________________________________

D.TS-TP (-tambalang simuno at tambalang panag uri.)

_________________________________________________________

2. Tambalan (3 halimbawa)

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
3. Hugnayan (3 halimbawa)
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
4. Langkapan (3 halimbawa)
_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
ARALIN 5: Uri ng Pangungusap na Walang Paksa

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pangungusap na walang paksa;
2. Nakabubuo ng isang tula gamit ang mga pangungusap na walang paksa; at
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa estruktura ng wikang Pambansa

Salok-Dunong
Anumang pangungusap o lipon ng mgasalita na walang simuno at panag uri bastat may diwa
at mensaheng ipaabot.Itoy maituturing na pangungusap na walang paksa.

Eksistensyal– may bagay na umiiral sa himig/tono ng pangungusap sa tulong ng katagang may o


mayroon. Na kahit dalawa o tatlong mga salita ang ginamit may diwang ipinaaabot

Halimbawa: May tumatakbo, May dumating, Mayroong panauhin, Mayroong napapaayon

Sambitla– ito’y isa o dalawang pantig ng salita na nagpapaabot ng diwa/kaisipan. Kadalasan


isang ekspresyon ang pahayag.

Halimbawa: Yehey! Yahoo! Wow! Walastik!

Penomenal– nagsasaad ng panahon na kahit ito lamang ang banggitin, may diwa nang ipinaaabot
na sapat upang mabigyang kahulugan ang pahayag.

Halimbawa: Samakalawa. Bukas. Sa linggo. Mayamaya

Pagtawag- ang pagbanggit o kaya’y pagtawag sa pangalan ng isang tao ay may sapat na
kahulugang ipinaaabot. Ang tinawagan ay agad lalapit dahil baka may iuutos ang tumawag.

Halimbawa: Maria!; Bunso!

Paghanga– ito’y parang ekspresyon na nagpapahayag ng paghanga

Halimbawa: Ang ganda nya! Ang talino mo! Galing!

Pautos– salitang pautos na kahit nag-iisa ay may ipinaaabot ay may ipinaaabot na diwa o
mensahe kaya’t di pwedeng di sundin lalo na kung ang pagkakasabi ay medyo madiin.

Halimbawa: Kunin mo. Lakad na. Takbo. Sayaw.

Pormularyong Panlipunan- ito ang mga salitang sadyang itinakda sa sitwasyon: umaga,
tanghali, gabi.
Halimbawa: Magandang umaga. Magandang gabi. Magandang tanghali. Paalam. Adyos.

Paglalapat
TULARAWAN. Tignang mabuti ang larawan sa ibaba at gawan ng apat na saknong gamit
ang mga halimbawa ng pangungusap na walang paksa.

LINYAHAN. Gamit ang naisulat mong tula, suriin ang bawat linya at tukuyin kung anong
uri ng pangungusap na walang paksa ang iyong ginamit. Sundin ang format sa ibaba.

v.1________________________________________ ( uri ng pangungusap)


v.2________________________________________ (______________________)
v.3________________________________________ (______________________)
v.4________________________________________ (______________________)

v.5________________________________________ (______________________)
v.6________________________________________ (______________________)
v.7________________________________________ (______________________)
v.8________________________________________ (______________________)

v.9________________________________________ (______________________)
v.10_______________________________________ (______________________)
v.11_______________________________________ (______________________)
v.12_______________________________________ (______________________)

v.13_______________________________________ (______________________)
v.14_______________________________________ (______________________)
v.15_______________________________________ (______________________)
v.16_______________________________________ (______________________)

Pagtataya
REVERSED. Gamit ang mga sumusunod na uri ng pangungusap bilang mga sagot, bumuo
ng dalawang makabuluhang tanong.

Eksistensyal

Sambitla

Penomenal

Paghanga

Pautos

Pormularyong Panlipunan

ARALIN 6: Ang Pagbabalangkas ng Pangungusap

Layunin: Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahan na:


1. Nakikilala ang mga paraan ng pagbabalangkas ng pangungusap.;
2. Nababalangkas ang mga halimbawang pangungusap; at
3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa estruktura ng wikang Pambansa

Salok-Dunong
Ang pagbabalangka ay isang iginuhit na larawan ng pangungusap upang ipakita, sa biglang tingin
ang mga pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap ng pangungusap.

Panunuri at Pagbabalangkas
Kung pag-aaralan ang iba’t ibang padron ng pagbabalangkas mula sa mga dalubwika,
mababakas ang mga pagbabago nito.

Pag-aralan ang iba’t ibang padron na gunagamit sa pagbabalangkas ng pangungusap sa Prezi


Presentation ni Leilani D. Flores.
Paglalapat
KANINONG PADRON? Tukuyin kung kaninong padron ang mga sumusunod.
Pagtataya
PARDON ME? Pumili ng alinmang sa mga natalakay na pardon at
balangkasin ang mga sumusunod na pangungusap.

Siya ay maganda.

Ako ang nagwagi.

Bakit siya ang pinili mo?

Sana ako na lang, ako na lang ulit.

Ang galling galling mo talaga!

Mga Sanggunian:
https://filipinodictionary.wordpress.com/2015/07/01/mga-bahagi-ng-pangungusap/
https://www.wattpad.com/692594963-filipino-bahagi-ng-pangungusap
https://magsanaysafilipino.wordpress.com/2015/07/11/uri-ng-panaguri/
https://prezi.com/kgag415a7rpt/paggsusuri-at-pagbabalangkas-leilani-d-flores/
https://charlenemacaraig.wordpress.com/2016/11/25/pangungusap-na-walang-paksa/
https://charlenemacaraig.wordpress.com/2016/11/25/uri-ng-pangungusap-ayon-sa-kayarian/
https://www.google.com/search?
q=ako+ay+filipino&oq=ako+ay+filipino&aqs=chrome..69i57.3820j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://selinemagtibay.wordpress.com/2016/12/01/uri-ng-pangungusap-na-walang-paksa/

You might also like