You are on page 1of 1

RITO NG PAGSASALIN NG HERMANIDAD

SETYEMBRE 8 2023

Commentator: Magsiupo po ang lahat, sa punto pong ito ay masasaksihan


natin ang pagsasalin ng panunungkulan bilang Hermana/ hermano sa
Pistang Parokya sa karangalan ng ating Mahal na Patrona, Ang Nuestra
Senora del Santisimo Rosario de Hagonoy. Inaanyayahan po natin ang
Hermana 2022, Gng. Magdalena Raymundo Perez upang basahin ang
kaniyang Pasasalamat at Pananalita ng Paglilipat.

Gng. Magdalena: Sa diwa ng pagpupuri at pagpapasalamat sa Panginoong


Diyos / dahil maluwalhati at makabuluhang naidaos ang Pista ng
Parokya noong nakaraang taong 2022 / at sa ngalan ng aming mga
nakasama sa Comite de Festejos/; mga tumulong at nag-ambag ng
kanilang panahon, talino at yaman/…ay isinasalin ko kina GINANG
MARIA SOCORRO DE LARA CAPARAS, GINANG LORENA DE LARA TEODORO at
GINOONG GREGORIO DE LARA,/ ang pamumuno sa hermanidad ng Pista sa
susunod na taon./ Bilang katunayan/ ay ipapasa ko sa kanila ngayon
itong Vara Alta ng NUESTRA SENORA DEL SANTISIMO ROSARIO, tanda ng
kanilang pamumuno sa darating na kapistahan 2023. kasihan nawa ng
Diyos ang kanilang mga hangarin. VIVA LA VIRGEN!

Commentator: Tinatawagan po natin ang ating mga susunod na Hermana at


Hermano sa taong ito. INANG MARIA SOCORRO DE LARA CAPARAS, GINANG
LORENA DE LARA TEODORO at GINOONG GREGORIO DE LARA

(gaganapin ang pagsasalin katuwang ang kura paroko)

Gng. Maria Socorro: Sa biyaya ng Panginoon/ at alang-alang sa


pagtitiwalang ibinigay sa amin ng Bayan ng Diyos sa Parokyang ito,/
ay buong galak naming tinatanggap ang pamumuno sa Hermanidad ng Pista
ng Parokya sa ika-pito ng Oktubre ng taong kasalukuyan, kasama ng
ating Kura Paroko, Reberedo Padre Ramil Juat, sa Sangguniang Pastoral
ng Parokya sa pamumuno ni Sis. Erlinda Cruz/ at ng Cofradia de la
Virgen/ Umaasa po at nananawagan ang inyong abang lingkod/ sa inyong
patuloy na pagtangkilik at masiglang pakikiisa sa mga palatuntunang
isasagawa ng aming pamunuan/…sa lalo pang ikaluluwalhati ng Diyos,
ikararangal ng ating Mahal na Patrona at ikalalaganap ng paglilingkod
sa ating kapwa. / Bilang katunayan/ ay tangan ko ngayon ang Vara Alta
ng NUESTRA SENORA DEL SANTISIMO ROSARIO,kasihan nawa ng Diyos sa
tulong ni Maria ang aming mga adhikain. Viva la Virgen!

You might also like