You are on page 1of 2

PAGSASALIN NG BARA ALTA

Kami sina Patrick at Arlene Doloroso, Hermano


y Hermana de Fiesta 2017, ay buong galak na
nagsasalin ng Bara Altang ito. Ito ay
sumasagisag sa mga gawain at tungkulin ng
pagiging Hermano y Hermana de Fiesta. Nawa
ito ay inyong paka-ingatan at gawing paalala ng
mahalagang tungkulin na iniatang sa atin ng
Inang Simbahan. Gabayan nawa kayo ng Diyos
at ng Mahal na Birheng Maria sa inyong
paglilingkod.

PAGTATANGGAP NG BARA ALTA


Kami sina Alejandro at Norma Trinidad,
Hermano y Hermana de Fiesta 2018, ay buong
pusong tinatanggap ang Bara Altang ito.
Nangangako kami na pag-iingatan namin ang
mga bagay na sinasagisag nito. Buong
pagsusumikap naming gagampanan ang aming
tungkulin bilang isang Hermano y Hermana de
Fiesta sa susunod na taon. Patnubayan nawa
kami ng Diyos at ng Mahal na Birheng Maria.

You might also like