Professional Documents
Culture Documents
CUT TO:
ROY (OS)
Ready na kayo? Magsisimula na ako
mag-rekord.
SNAKE (OS)
Teka. Ang buhok ko flat.
DODOY (OS)
Eto, tutulungan kita Miss Espi.
AKIKO (OS)
...ay ako rin!
ROY (OS)
Ano ba, mamumukhang peke itong bidyu.
AKIKO (OS)
Simulan mo na, Roy.
ROY
Hola mga higala. Ako si Roy.
AKIKO
Ako si Akiko. Hello hello!
SNAKE
I’m Princess, Snake Princess.
ROY
Oi, saan ka Doy?
DODOY
Present, not absent! Dodoy, at your
service!
ROY
...and welcome to another episode of
Medyo Maldito...
ALL
...and FRIENDS!
ROY
(tears up) I have friends.
AKIKO
Ngayon kakaiba ang episode namin
kasi... Snake Princess?
SNAKE
Halloween... Special...!
ROY (OS)
Wow bagay na bagay.
AKIKO (OS)
Sa selebrasyon ng Undas, nagmisa na
tayo, binisita at pinagdasal ang ating
mga mahal sa buhay... na patay. Masaya
kung makakatuwaan na nakakanginiig
kasama ang pamilya at kaibigan. Ano,
saan ang gimik natin Roy?
ROY
Ang sagot ay ...
ROY (CONT'D)
Sa Kinatay!
ROY (CONT'D)
Ang Kinatay ay isang pop-up theme
event kung saan ang mga sasali ay
kunwari mga kinidnap ng isang kulto at
dinala sa isang abatyor o katayan para
isakripisyo bilang alay sa sinasamba
ng kulto...
AKIKO
Meron oras ibibigay sa mga dadalo para
hanapin ang eksit, kung nasa loob pa
sila na maubos a g oras, diyan
magsisimula ang HORROR! (frowns)
Parang hindi ko ito gusto.
ROY
Huwag kang matakot Akiko.
Hindi ka mag-iisa. Sasamahan kita.
SNAKE
Ako rin.
DODOY
Present, at your service.
(clasps everyone’s hands)
AKIKO
Salamat girls! All together...
ROY
Friends forever. Huhuhu.
AKIKO
Roy...
AKIKO
Seatbelt! to the back) Seatbelts!
FADE UP TITLE:
"ONE HOUR LATER"
AKIKO
...sigurado ka Roy na tama
itong routa natin?
ROY
O, base sa mapa dito, sigurado(?)
AKIKO
Tinatanong mo ako? Tinatanong
nga kita.
ROY
Patawad Akiko. Naubos na yata
aking mobile internet.
SNAKE
Gutom na ako. Uhaw na ako.
DODOY
Ay Princess. Meron akong dalang
maiinum.
ROY (OS)
Wow. Salamat sa sponsor.
AKIKO
Meron tao sa daan. Tanungin natin.
ROY (OS)
Oh hindi, hindi.
ROY
Hindi. Huwag kang hihinto!
AKIKO
Hiyain ka, ikaw?
AKIKO (OS)
Roy, tanungin mo, nandiyan siya oh.
Roy? Tanungin mo.
DODOY (OS)
Excuse me, Princess.
DODOY
Ah miss, hello miss. Magandang gabi.
Pwede magtanong?
DODOY
Ay! ... baka mahina ang pandinig.
(louder) Miss pwede magtanong, saan ba
itong lugar?
AKIKO (OS)
Roy ipakita mo iyun invite.
DODOY (OS)
Ah sige... salamat miss.
AKIKO (OS)
Maraming salamat!
AKIKO
(to Roy) Okey ka? Mukhang
namumutla ka.
ROY
...ah, low blood sugar.
DODOY
Roy oh eto.
ROY
Salamat... sa sponsor.
SNAKE
Natakot ka Roy? "Weird" iyun babae.
ROY
Weird nga. Pero iyun nga, tama ang
direksyon ko. Parte siya sa event na
pupuntahan natin. Hindi ba, di ba?
SNAKE
... oy, ayun naman siya.
AKIKO (OS)
...sige, nangangangilabot...
ROY (OS)
...relaks, parte lang ito sa
paggaganap. Mga aktors iyan.
ROY
Akiko okay ka?
AKIKO
Roy, nasagaan ko siya!
Roy gets out of the SUV. Checks the road, in the front
and back of the SUV.
NOTHING. NO ONE.
AKIKO
Ano?!
ROY (OS)
Wala, wala!
AKIKO
Anong wala. Eh ano iyon...
ROY (OS)
Anong tinitingnan mo!
DODOY (OS)
Parang nandito na tayo.
SNAKE (OS)
Ay salamat...
SNAKE (CONT'D)
Nababagot na ako.
AKIKO
Roy, ayan na ba?
ROY (OS)
Ah tingnan lang natin.
AKIKO
Sige ipapark ko lang ito.
ROY (OS)
Hintay. Meron akong kukunin sa likod.
ROY (OS)
Salamat sa sponsor!
SNAKE
Malayo pa ba?
DODOY
Mukha ito na ang pasukan.
AKIKO
Hay mga amiga and welcome to
ALL
Medyo Maldito and Friends…!
ROY
...Halloween Special!
ROY (CONT'D)
Ano, sa wakas nakaabot na kami dito sa
KINATAY event at ipakita namin sa
inyo...
ROY (CONT'D)
Mukhang legit di ba? Makapaniwala
talaga na lugar ito sa kulto.
Ano, papasok na kami. Sana maganda
ang event.
DOY
Safety is the best policy.
ROY
Talo mo ang Scout Federation ng
Pilipinas Doy. Iyun mga camera natin
pala meron night vision!
AKIKO (OS)
Nasaan kaya ang mga tao? Wala bang
greeter?
ROY (OS)
Walang ganyan para hindi masira ang
pagkatotoo sa experience. Tawag dito
ay Augmented Reality.
(pauses) Meron liwanag doon.
AKIKO
Ano ito?
ROY
Ano kaya ito?
SNAKE
Roy...
ROY
Ayos talaga. Nginiig!
AKIKO
Bangkay ba iyan?
SNAKE
Tingnan mo Roy, dali.
ROY
Ha bakit ako?
AKIKO
Ikaw ang lalaki!
ROY (CONT'D)
Ha, eh ano sila?
AKIKO
Ikaw ang lalaki na lalaki!
ROY
Meron tao dito. Hindi manakin.
AKIKO (OS)
Buhay ba siya?
ROY
Oo, buhay siya. Umaarte lang ito.
ROY (CONT'D)
Kita niyo?!
WOMAN/ALEGRIA
...umalis na kayo.
She faints.
ROY
Wow ang galing po. Magaling siya.
AKIKO
Doy, meron kang first aid kit?
DOY
Meron Miss Akiko.
ROY
Anong ginagawa mo, Akiko?
AKIKO
Hindi ito makeup Roy. Totoo ang mga
sugat at pasa niya. Nagresearch ako sa
pagiging nars para sa isang role, at I
know my makeup Hindi ito makeup.
DOY
Ang pangalan niya ay Alegria.
Tinatanong niya kung sino tayo.
ROY
Manang, hindi ba ito ang Kinatay na
event?
DOY
Sabi niya nasa panganib tayo.
Kailangan natin umalis.
AKIKO
Malalim ang mga sugat niya.
Dalhin natin siya sa ospital.
ROY
Okay lang siya igalaw? Baka mas
mabuti tumawag ng ambulansya?
ROY
Ano-ba-naman, patapos na ang 21st
Century at walang gamit mga devices
natin?
AKIKO
Lalabas ako para maghanap ng tulog.
ROY
Samahan kita.
AKIKO
Eh paano sina Espi at Doy.
ROY
Babae na babae ka! Hindi ka dapat
mag-isa.
AKIKO
Magiging okey ako Roy. Dito ka lang,
bantayan mo sila.
AKIKO (OS)
Tingnan mo kung ano iyon Roy.
ROY
Doy, meron kang baril diyan?
O kaya bazooka?
DOY (OS)
Sori ser. Wala akong lisensya para
doon.
ROY
Machete? Katana?
DOY (OS)
Ay, delikado! Not safe! Mabubutas ang
bag ko.
SNAKE
ROY!
AKIKO
Roy...! ROY?!
ROY (OS)
...okay ako!
AKIKO
...eh bakit ka sumigaw?
Ginulat mo kami!
ROY (OS)
Sori nagulat din ako.
AKIKO
Bakit?
AKIKO
Paano ito nangyari?
ROY
Anong gagawin natin ngayon?
AKIKO
Kailangan natin maghanap ng lagusan.
ALEGRIA
Salamat.
AKIKO
Manang, sino kayo at anong nangyayari?
ALEGRIA
Ako ay isang mananambal. Tumutulong
ako sa isang pamilya na ginagambala ng
isang sumpa. Nandito ako para iba-on
at ipatago ang sumpa.
ROY
Sumpa...anong sumpa?
ALEGRIA
(points) Doon ang mga nawasak na
kalalagyan ng sumpa. Hindi siya
magpapaba-on sa kalalimanan.
AKIKO
Sino siya?
ALEGRIA
Ang sumpa. ANG SIGBIN.
Poot malisya.
(pauses,
gets frightened)
Parating na siya.
Dali! Sa gitna ng talisman! Dali!
Roy and Doy help Alegria onto her feet, and they bring
her to the center of the medallion circle.
ALEGRIA (CONT’D)
Ligtas tayo dito. Hindi siya makapasok
sa talisman. Pero paano tayo tatagal.
Nasa panganib tayong lahat.
DOY
Huwag kang mag-alala, manang Alegria.
Manalig tayo.
ROY
Meron bang ibang lagusan?
ALEGRIA
Patawad. Nawala ang mga lagusan dahil
sa mga agimat tinayo ko laban sa
sigbin. Dapat hindi makalaya ang
sigbin.
AKIKO
Ano ang dapit natin gawin?
ALEGRIA
Ang palayok, ang kalalagyan ng sigbin.
Nawasak, pero kung pwede natin ibalik
o kaya...
ROY
Meron kang pandikit diyan sa
bag mo Doy?
DOY
Ay sori ser Roy wala. Epoxy lang.
AKIKO
Parang hindi ito kumpleto.
Anong nawawala?
ALEGRIA
Ang takip niya. Dinala yata sa sigbin.
Kung wala ito, hindi natin mahuhuli
ang sigbin.
ROY
Ano, hahanapin natin ang sigbin para
makuha ang takip para mahuhuli ang
sigbin. Okey.
ALEGRIA
Mag ingat kayo. Ayon sa mga alamat ang
sigbin ay kumain ng mga puso ng tao.
Pero ang katotohanan ay ang sigbin ay
na nabubuhay sa pananakot.
ALEGRIA (CONT’D)
Tatakutin kayo, hanggang lalamig ang
iyong dugo. At kung hindi na kayo
makagalaw sa sobrang sindak, ang
sigbin ay...
AKIKO
Kailangan niya ng tulong medikal.
Mamatay siya.
ROY
Paano namin makilala ang takip?
ALEGRIA
...Nakaukit sa takip ...ang signos ni
...San Bernado.
ROY
...Sige. Signos. San Bernado?
AKIKO
Sasamahan kita Roy. Mas madali kung
dalawang pares ng mata sa paghahanap.
AKIKO
Huy! Hoy Roy! Ano ka?
ROY
Oo. Sori. Salamat pala.
SNAKE
Tatlong pares. I can see in the dark.
DOY
Babantayan ko si Manang.
ROY
Sampung minuto. Babalik kami.
(to Espi, Akiko) Tara sama-sama.
ALEGRIA
Hintay. Sasapian kayo ng sigbin gamit
ang takot niyo bilang kahinaan.
Iyon ang pagkamali ko. Huwag kayong
matakot. Manalig kayo. (fades out)
ROY
Okey. Sama-sama. Tara.
ROY
Huwag kayong matakot, basta sama-sama
tayo, okey tayo.
AKIKO
Roy?
SNAKE
Roy? Roy? Akiko? Saan kayo pumunta?
Inidyan niyo naman ako!
AKIKO
Roy? Espi? Hello? Saan kayo?!
ROY
Akiko?! Snake?! Nag-CR kayo?!
ROY (CONT'D)
Akiko?! Snake?! Hoy!
ROY (CONT'D)
Aki! Snake! Hoy!
ROY (CONT'D)
Uh girls? Ano iyan hawak niyo?
SNAKE
Huwag kayong lumapit. Susuntukan ko
kayo! Bakit niyo ito ginagawa!
Akiko! Roy!
BACK AT ROY
ALEGRIA (OS)
Nag-alala ka sa mga kaibigan mo.
ALEGRIA (CONT'D)
Kailangan ka nila. Kailangan nila
ang tulong mo.
ALEGRIA (CONT'D)
Kailangan ka nila. Sige na.
Doy nods.
ALEGRIA (CONT'D)
Hintay. Dalhin mo ito.
DOY
Ano ito manang?
ALEGRIA
Banal na tubig mula sa mga sagradong
bukal, binasbas sa pasko ng
Pagkabuhay. Makakatulong iyan sa iyo.
Alam mo na kung paano iyan...
DOY
Paano?
DOY
Salamat po manang Alegria.
SNAKE
Hello Roy! Akiko?! Saan na kayo?
Kung nakakachula-chula kayo, lagot
kayo sa akin!
Roy!
She flees the spot only to bump into Dodoy, sees her
and screams. Dodoy gets startled and screams.
Snake and Dodoy scream again and flee from the spot,
only to immediately hit a wall(!)
SNAKE
Roy, bakit Roy! Huwag Roy!
ALEGRIA (OS)
Alam mo kung paano iyan... gagamitin.
Ang wastong gamit ng banal na tubig.
DODOY
DODOY!
SNAKE
Ako rin! Sa kapangyarihan ng
kagandahan, AKO. SI. SNAKE. PRINCESS!
DODOY
Huwag kang malungkot S.P, at dapat
hindi ka matakot. Hindi iyan mga
kaibigan natin!
DODOY (CONT’D)
Dali Snake! Tulungan natin sina Roy
and Akiko!
AKIKO
Roy!
ROY
Wow Dodoy!
AKIKO
Roy, ano iyan?
ROY
Ang patapos sa bangungot!
AKIKO
Mahina ang pulso niya, nanglalamig
na siya!
DODOY
Manang Alegria Alegria!
ROY
Doy, ang epoxy!
Doy comes over and throws Roy the tube of adhesive and
helps out to bring the pieces together as fast as they
can. In a matter of moments, the friends have reformed
the sigbin's jar, it's prison.
ALEGRIA
Dasal... mag dasal kayo...
O aking Diyos na dakila; sa iyo ko
ilalagak, pag-asa ko at tiwala.
ALL
O aking Diyos na dakila; sa iyo ko
ilalagak, pag-asa ko at tiwala.
Ang Diyos ay para sa akin. Ilalayo
niya ako sa kawalan ng dilim para
maging buhay na liwanag
The cry stops. The light dims. And the friends look
around and find themselves in an abandoned warehouse,
but daylight streams.
ALEGRIA
Maraming salamat sa tulong niyo. Ang
mga gawain ng Diyos ay misteryoso at
makatarungan. Ramdam ko ang grasya
niya sa pagdating niyo sa aking
pangangailangan. Halika kayo ituturo
ko ang daan pauwi.
ALEGRIA (CONT’D)
Pero idadala niyo ako sa ospital muna?
SNAKE
Hintay muna, mag groufie tayo!
ROY
Tama! Pang remembrance sa kakaibang
gabing ito.
ROY
Say SIGBIN!
ALL
SIGBIN!
ROY (OS)
Argh! Meron nag photo-bomber!