You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


MIMAROPA Region
“Hatid ay makabagong solusyon!”

Ika-18 ng Oktubre, 2023

G. FEMAX A. PULGADO
Imbentor ng Sea Nature Organic Fertilizer
Calapan City, Oriental Mindoro

Kagalang-galang na Ginoong Pulgado:

Isang mapagpalang araw!

Ang liham na ito ay patunay na natanggap ng aming opisina ang iyong katanungan hinggil sa
Alternative Technology Facility Certification ng DOST-ITDI.

Ayon sa DOST-ITDI, ang pag-isyu ng nasabing certificate o katibayan ay hindi nasasaklaw ng


kanilang tanggapan kaya kami ay pinayuhang sumangguni sa Department of Agriculture -
Fertilizer and Pesticide Authority. Ngunit ayon sa Department of Agriculture – Fertilizer and Pesticide
Authority at maging sa Bureau of Agriculture and Fisheries Standards ay hindi rin ito saklaw ng
alinman sa kanilang mga programa.

Gayon pa man, aming isasangguni ang iyong katanungan sa DOST-ITDI upang kayo ay
makatanggap ng opisyal na komunikasyon mula sa nasabing ahensya na maaari ninyong isumite
sa Philippine Bio-Industries (PBI), isang pangunahing exporter ng refined carrageenan sa ilalim ng
Philippine Economic Zone Authority, bilang patunay na ang certificate na kanilang hinahanap ay
hindi ini-isyu ng DOST-ITDI.

Para sa mga karagdagang tanong, maaaring makipag-ugnayan kay G. Zaldie C. Gawad sa:
+63998-549-3193 o sa email address: pstc.ormindoro@mimaropa.dost.gov.ph

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,
Digitally signed by
Abilay Ma. Josefina
Pormento
DR. MA. JOSEFINA P. ABILAY
Regional Director

cc: G. Jesse M. Pine


Provincial S&T Director – PSTO Oriental Mindoro
“Hatid ay makabagong solusyon!”

Postal Address DOST-MIMAROPA, 4/F PTRI Bldg. Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City
Telefax no. 8837-3755
URL http://www.region4b.dost.gov.ph
E-mail Address official@mimaropa.dost.gov.ph

You might also like