You are on page 1of 3

GENDER NEUTRAL RESTROOM

ANG MGA BANYO AY DAPAT IBASE SA KUNG ANO KA, HINDI SA KUNG
ANO ANG IYONG NARARAMDAMAN. HINDI SANG-AYON SA PAGKAKAROON
NG GENDER-NEUTRAL NA PALIKURAN UPANG MAGTAYO NG MAS LIGTAS NA
LUGAR PARA SA BAWAT PILIPINO SA PILIPINAS.
Ang "Third Gender" o tinatawag natin ngayon na "LGBT" ay nangangahulugang
Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender. Ang Lesbian ay isang babae na attracted sa kapwa
babae. Ang Gay ay isang tao na nag-identify bilang lalaki ngunit attracted sa kapwa lalaki.
Ang Bisexual ay isang tao na attracted sa iba't-ibang uri ng gender identity at expression. Ang
transgender ay isang tao na nag-identify ng iba mula sa inaasahan nilang gender expression
batay sa kanilang assigned sex noong ipinanganak sila. Ang LGBT ay naglalayong bigyang-
diin ang pagkakaiba-iba ng sekswalidad at pantay-pantay na karapatan sa kasarian. Ang
Pilipinas ay isa sa 39 na bansa na tinanggap ang homosekswalidad.
Noong Agosto 13, 2019, isang transgender woman ang hindi pinahihintulutang
pumasok sa restroom ng mga babae sa isang mall sa Cubao at siya ay dinala sa Anti-
Cybercrime Division ng Quezon City Police District sa Camp Karingal matapos niyang
kunan ng video habang kinokompronta ang janitress tungkol sa naturang isyu. Ayon sa
transgender, mas mabuti na magkaroon ng LGBT restroom upang maiwasan ang
diskriminasyon.
Ang pangunahing alalahanin ay kung magkakaroon tayo ng gender-neutral na mga
palikuran, ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng mga sexual assault. Maraming tao ang
mahihiyang gumamit ng toilet sa harap ng mga tao ng magkaibang kasarian. Hindi natin
inihihiwalay ang mga comfort room ayon sa lahi o relihiyon, kaya bakit pa tayo magkakaroon
ng ibang palikuran para sa kanila?
Ang “Gender Neutral Bathrooms” ay nangangahulugang kung makakakita ang isang
lalaki ng magandang babae na pumasok sa isang restroom, maaari niyang itong sundan nang
walang sinuman ang makaharang sa kanya. Isa sa mga takot ng pagkakaroon ng mga
ganitong palikuran kung saan maaaring pumasok ang sinuman ay ang paglaganap ng rape
culture. Halos isa mula sa tatlong babae ay naging biktima ng sexual violence at isa mula sa
anim na lalaki ay nagiging biktima rin. Ibig sabihin nito, 33% ng mga kababaihan at 17% ng
mga lalaki ay naging biktima ng malalaswang gawain. Ibig sabihin nito, maraming
kababaihan at lalaki ang nakaranas ng hindi kanais-nais na sexual na kontakto.
Isa pang dahilan ay ang insidente ng "Peeping Toms" na nangyari sa Singapore. Ang
pagkakaroon ng ganoong uri ng mga palikuran ay hindi nangangahulugang ang mga biktima
ay kinakailangang mahipo. Ang pagkakaroon ng ganoong palikuran ay nagbibigay daan para
sa sinuman na pumasok at tumingin sa mga cubicle habang ang biktima ay may parte ng
katawan na nakalantad. Sa pamamagitan nito nagkakaroon ng katwiran ang lalaki na mag
dahilan na sumilip lang sa cubicle para tingnan kung occupied ito, at ito'y sapat na para
makatakas siya sa responsibilidad.
Kahit na magkaroon tayo ng gender-neutral na palikuran, hindi titigil ang
diskriminasyon. Dahil ang pangunahing problema dito ay hindi ang palikuran kundi ang mga
tao mismo. Ang gender-neutral na palikuran ay para sa lahat ng kasarian, kaya maaari itong
pasukan ng kung sino mang tao. Paano kung may lalaki na pumasok doon? Hindi mo sila
maaaring pigilan na pumasok dahil ito'y isang palikuran para sa lahat. Sa kabila nito,
lalaganap pa rin ang diskriminasyon. Ang diskriminasyon ang problema at hindi ang comfort
room!
Ayon sa isang estudyante mula sa Forest Hills High School, "Bakit mo gustong
magpatupad ng palikuran para sa mga LGBT? Kung anong sexual organ ang meron ka, iyon
ang palikuran na dapat mong gamitin. Ito ang dahilan kung bakit nagiging ganoon ang mga
kabataan, dahil nakikita nila ang ibang tao na ginagawa ito, iniisip nila na angkop at gusto rin
nilang gawin at tularan. Hindi pa lubos na nagagamay ng mga bata ang nangyayari sa
lipunan."
Hindi angkop na pahintulutan ang mga tao sa magkaibang kasarian na pumasok sa
palikuran ayon sa nararamdaman nila kumpara sa kung ano talaga sila. Kung papayagan ito,
maaaring pumasok ang sino man, kasama na ang mga child molesters, rapists, at pedophiles
sa anumang palikuran na kanilang nais at sabihing, "Ako ay bakla" o "Nakakarelate ako sa
magkaibang kasarian" at makakalusot sila. Ang pamahalaan ay mawawalan ng kahinahunan
kung pahihintulutan itong mangyari. Hindi lamang ito mali sa moralidad, kundi mali rin sa
espiritwal na aspeto.
Oo, makakatulong ito sa nararamdaman ng LGBT community na sila ay tanggap na
sa lipunan, ngunit kailangan tingnan ang mas malawak na perspektiba. Bagama’t maaaring
magdulot ito ng kapanatagan sa damdamin para sa kanila, marami sa karamihan ng
populasyon ang maaaring hindi magkaroon ng kumpiyansa sa paggamit ng palikuran na ito.
Kailangang pagtuunan ng pansin ang posibleng epekto nito sa ating lahat.
Ako’y naniniwala na may magandang intensyon ang LGBT community, ngunit mas
mahalaga na tandaan na hindi lahat ay may mabubuting intensyon. Kailangan nating isipin
ang kabutihan ng iba hindi lamang ang ating sarili dahil sa mga ganitong sitwasyon, mas
mabuti ang maging maingat.
Sa pangkalahatan, ang pangangailangan para sa masusing pagsusuri ng mga aspeto ng
isyu hinggil sa gender-neutral na mga palikuran ay naglalaman ng maraming opinyon at
perspektiba mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Ito ay isang hamon na nangangailangan ng
malalimang pang-unawa at bukas na isipan upang matuklasan ang pinakamabisang paraan ng
pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat isa. Ang pangunahing layunin ay hindi lamang
ang pagbibigay daan sa isang ligtas at makatarunganang kapaligiran sa mga comfort room
kundi pati na rin ang pagtataguyod ng mas malawak na pagtingin sa pagkakaiba-iba ng mga
tao. Sa pagtutok sa pagtangkilik sa pantay-pantay na karapatan at respeto sa bawat isa,
mahalaga ang papel ng edukasyon sa pagbibigay linaw at kaalaman ukol sa mga isyu ng
gender identity at expression. Ang mga kampanya para sa kahalagahan ng pag-unawa at
pagtanggap sa lahat ng sektor ng lipunan ay maaaring magsilbing pundasyon sa
pagpapalawak ng perspektiba ng mga tao. Sa ganitong paraan, maaaring magtagumpay ang
bansa sa pagpapalaganap ng kultura ng respeto at pagtangkilik sa pantay-pantay na karapatan,
anuman ang kasarian o gender identity ng bawat isa.
REFERENCES

https://www.rappler.com/nation/businesses-manila-ordered-gender-neutral-toilets-2023-anti-
discrimination-ordinance/?
fbclid=IwAR3tEDtcqkzmLTb0ZD1s6WJkjWSc23RrehRdeyKGjR0RnSIIrSkZzvqLtPM - :~:text=The
%20establishment%20of%20gender%2Dneutral,the%20sex%20they%20transitioned%20to

Debunking myths about the LGBTQ+ bathroom debate (cnnphilippines.com)

[OPINION] On toilets and transgender rights (rappler.com)

Bato on women sharing bathroom with transgenders: 'Will they be safe?' | ABS-CBN News

A Transgender Restroom Incident and Filipino LGBT Rights — Positively Filipino | Online Magazine for
Filipinos in the Diaspora

'Restrooms are biology-based': Sotto calls for reality check (cnnphilippines.com)

You might also like