You are on page 1of 1

Aralin 2 Gramatika: Mga Pahayag sa paghahambing at iba pang kaantasan ng Pang-uri

Pang-uri- bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip.


Iba’t-Ibang kaantasan ng pang-uri
1. Lantay – ang anyo ng pang-uri kung ito ay naglalarawan lamang ng iisang pangalan o panghalip.
Hal:
Malaki ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki ng mga anak.
Mahirap ang tungkuling ito.

2. Pahambing – ang pang-uri kung ito ay naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangalan o panghalip.
May dalawang uri ng pang-uring pahambing.

a. Pahambing na pasahol o palamang- nagsasaad ng nakahihigit o nakalalamang na katangian ng osa


sa dalawang pangalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga katagang higit, mas,
lalong, di-gaano, di-gasino, at iba pa.
Hal:
Mas mahirap ang hamon sa mga magulang ngayon kaysa noon.
Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat kaysa pagbabad sa harap ng Internet.

b. Pahambing na patulad – nagsasaad ng magkatulad o magkapantay na katangian ng dalawang


pangalan o panghalip na pinaghahambing. Gumagamit ito ng mga panlaping tulad ng sing/sin/sim

You might also like