You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

ISKOR
Pangalan: __________________________________________ Petsa: __________
Grado at Seksyon: ___________________________
Panuto: Tukuyin ang kayarian ng mga salitang naitiman sa bawat pangungusap.
Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (20 puntos)
1. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na
impersonal naman ay ____.
A. Naglalarawan C. Nangungutya
B. Pormal D. Nang-aaliw
2. Ang Kwentong “Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong_____ na nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari.
A. Makabanghay C. Naglalarawan
B. Makatotohanan D. Nanghihikayat
3. Anong persona ang nagsasalita sa tulang “Ang Punongkahoy”?
A. Taong nagsisisi C. Taong lulong sa bisyo
B. Taong naghihingalo D. Taong may malasakit sa kalikasan
4. Anong klaseng buhay ang binanggit sa tulang “Ang Guryon”?
A. Lumalaban at nagwawagi C. Manipis at matayog
B. Lumilipad at matatag D. Marupok at malikot
5. Ano ang sinisimbolo ng punong kahoy sa tula?
A. Krus C. Buhay
B. Libingan D. Kandila
6. Ito ang tunggali ang naganap sa isipan ng tao.
A. Tao vs kalikasan C. Tao vs kapwa
B. Tao vs kalamidad D. Tao vs sarili
7. Isang halimbawa na pahayag ng matatag na opinion ang____.
A. Kumbinsido akong C. Sa tingin ko
B. Hindi ako naniniwala D. Sa totoo lang
8. Alinsunod sa batas, bawal ang pagpuputol ng mga puno sa kabundukan. Anong uring pang-ugnay
ang salitang may salungguhit?
A. Kumbinsido akong C. Sa tingin ko
B. Hindi ako naniniwala D. Sa totoo lang
9. Saan nagmula ang sanaysay “Kay Estella Zehandelaar?
A. Korea C. Singapore
A. Taiwan D. Indonesia
10. Mga pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at
hindi mapapasubalian ay ang_____.
A. Ebidensya C. Katotohanan
B. Opinyon D. Pahayag
11. Isang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.
A. Sanaysay C. Maikling Kuwento
B. Dula D. Tula
12. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at nagluluto si Mulong ng pansit, ano ang angkop na
gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A. kaya C. subalit
B. palibahasa D. datapwat

13. Itoy isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba.
A. Katotohanan C. Patunay
B. Opinyon D. Pahayag
14. Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat na
may layunin na mgbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman o maghikayat.
A. Nobela C. Sanaysay
B. Alamat D. Maikling Kwento
15. Naulinigan kong tila may kumakatok sa pinto. Ang salitang may salungguhit ay___.
A. Nakita C. Nagulat
B. Napansin D. Narinig
16. Anung uri ng panitikan ang naglalarawan ng buhay at itinatanghal?
A. Sanaysay C. Maikling Kuwento
B. Dula D. Nobela
17. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at dalawang
sugnay?
A. Pang-abay C. Pangatnig
B. Pang-angkop D. Pang-ukol
18. Ang tulang “Ang Guryon” ay may sukat na_____.
A. Lalabindalawahin C. Lalabing-animin
B. Wawaluhin D. Lalabing-waluhin
19. Isang akdang pampanitikan na nag iiwan ng kakintalan.
A. Nobela C. Maikling Kuwento
B. Sanaysay D. Tula
20. Kailangang ikahon ang mga lumabag sa batas upang hindi pamarisan. Ano ang kahulugan ng
salitang sinalungguhitan?
A. Itali C. ipaloob
B. Ipasok D. ikulong
II. PAGTUKOY
Panuto: Tukuyin at isulat ang awtor at bansang pinagmulan ng mga sumusunod na akda. Piliin ang sagot
sa kahon at isulat sa patlang. (15 puntos)

Mauro R. Avena Agustin C. Fabian Aurora E. Batnag Mochtar Lubis


Ildefonso Santos N.P. S Toribio Jose Corazon De Jesus Elynia S. Mabanglo
Pilipinas Indonesia Singapore Korea Thailand
Pamagat Nagsulat/Nagsalin sa Wikang Filipino Bansang Pinagmulan
21-22. Ang Ama
23-24. Tiyo Simon
25-26. Ang Guryon
27-29. Takipsilim sa
Dyakarta
30-31. Timawa
32-33. Kay Estella
Zehandelaar
34-35. Ang Punong
Kahoy
III. PAGPUPUNO SA PATLANG
Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang
PK kung pang-angkop, PU kung pang-ukol at PT kung pangatnig.

________36. Nagpasalamat siya sa Diyos dahil sa gumaling ang kanyang karamdaman.


________37. Ayon kay Aristotle ang dula ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
________38. Sobrang pait ang naranasan ng ama mula nang namatay ang kanyang anak.
________39. Bukod-tangi ang kagandahan ni Prinsesa Manorah kaya nagustuhan ni Prinsipe Suton.
________40. Ang pagmamahal ng ama ni Adrian ang nakapagpagising sa kanyang katauhan.

IV. TALASALITAAN
Panuto: Piliin at isulat ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin sa
Hanay B ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B

________41.Bihira ang nagpapalipad ng guryon sa panahon ng pandemya. lubid


________42.Tibayan ang pisi sa pagkakahawak upang di-lagutin ng hanging malakas. mahina
________43.Maingat naming pinalipad ang guryon upang di-tuluyang
sumubsob sa lupa. kumiling
________44. Ang buhay ay guryon, marupok at malikot. saranggol
dumausdos
________45. Tuluyang umiikit ang saranggola, kasabay sa paglipas ng ating panahon. malakas

V. PAGPUPUNO SA PATLANG
Panuto: Isulat sa patlang kung Opinyon o Katotohanan.
_________46. Ayon sa DOH, nakapasok na ang bagong virus sa ating bansa.
_________47. Ang mag-aral nang mabuti ay magtatagumpay.
_________48. Sa aking palagay ay uulan ngayon.
_________49. Sinabi ng aking ama na pagbutihin ko ag aking pag aaral.
_________50. Buong akala ko, ikaw ang aking pag-asa.
_________51. Ang sabi ng aking lola lumalabas ang engkanto tuwing kabilugang ng buwan.
_________52. Ayon sa balita manipis na ang ozone layer dahil sa climate change.
_________53. Ligtas sa sakit ang madalas na naghuhugas ng kamay.
_________54. Mahalaga ang konesyon ng internet sa pagsali sa online classes.
_________55. Mga hayop ang tauhan ng pabula.

VI. PAGSULAT
Anu ang gustong ibahagi ng may akda sa Dula na pinamagatang “Tiyo Simon”. Ipaliwanag ito. (5 Puntos).
Gamitin ang espasyo sa ibaba.
1. B
2.A
3.A
4.D
5.C
6.D
7.A
8.C
9.D
10.C
11.A
12.A
13.B
14.C
15.D
16.B
17.C
18.A
19.C
20.D
21. Mauro A. Avena/ Singapore
23. N.P.S Toribio/ Pilipinas
25. Ildefonso Santos/ Pilipinas
27. Mochtar Lubis, Aurora E. Batnag/Indonesia
30. Agustin Fabian/ Pilipinas
32. Elynia S. Mabanglo/Indonesia
34. Jose Corazon de Jesus/ Pilipinas
36. PT- dahil sa
37. PU- ayon kay
38. PK- sobrang pait
39. PT- kaya
40. PK- ng
41. D
42. A
43. E
44. B
45. C

46. Katotohanan
47. Opinyon
48. Opinyon
49. Opinyon
50. Opinyon
51. Opinyon
52. Katotohanan
53. Opinyon
54. Katotohanan
55. Katotohanan

55-60 Pagpapaliwanag

You might also like