You are on page 1of 4

I.

Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng


ideya sa isang isyu.

II. A. Paksang Aralin


Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Ideya
sa Isang Isyu

“Ang Batang Magalang”

“Katangi-tanging Ugali”

B. Sanggunian

http://depedtambayan.ph/wp-content/uploads/2016/05/ARALIN-5-TG-
3.docx

https://www.youtube.com/watch?v=V3kxfYWLJ8c

F5PS-IIf-12.12

C. Mga Kagamitan
Kwento, larawan

III. Pamamaraan

1. Pagsasanay
Pagbabasa ng mga parirala

2. Balik-Aral

1. Anu-ano ang mga salitang nagpapayaman sa atin kahit wla


tayong material na yaman?
2. Ano ang kahalagahan sa mga salitang ito?

3. Mga Gawain
A.Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga pangungusap.

Opo. Natapos ko na po ang aking gawain.


Salamat po sa pagtulong ninyo sa akin.

Mga tanong:
1. Anong mabuting ugali ang ipinapakita sa mga
pangungusap na ito?
2. Paano maipakikita ang pagiging magalang?

B..Paglalahad:
Ang Batang Magalang
Ang batang magalang, kinatutuwaan
Ng kapwa bata’t maging matanda man.
Pag nasasalubong ang guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati ang lagi niyang bigay.
Di nakikipag-away sa kapwa bata,
At di gumagamit salitang masagwa.
Sa pagsasalita’y laging mahinahon,
Ang po at opo ang lagi niyang tugon.

C.Pagtatalakay

Maraming paraan ng pagpapakita ng paggalang. Ito ay ginagamit sa iba’t


ibang pagkakataon tulad ng pagbati, pagtatanong, paghingi ng pahintulot, at
iba pa.
ng magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa
kabuuan, ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang
sa kausap.
Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila
ginagamit:

(pangsagot sa tanong o
po, ho, opo
A. Pagpapayamang Gawain
tawag)
Ip
a Makikiraan (po) (pakikiraan) g
a Salamat (po) (pagpapasalamat) w
a
Maaari (po) ba? (paghingi ng pahintulot)
Walang ano man. (pagsasagot sa pasasalamat)
Magandang
(pagbati)
umaga/hapon/gabi/araw (po)
Pasensiya na (po) (paghingi ng paumanhin)
Paki… (paghingi ng pabor o tulong)
ang Pagyamanin … Basahin ang Tula

Ang Batang Magalang


Ang batang magalang, kinatutuwaan
Ng kapwa bata’t maging matanda man.
Pag nasasalubong ang guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati ang lagi niyang bigay.
Di nakikipag-away sa kapwa bata,
At di gumagamit salitang masagwa.
Sa pagsasalita’y laging mahinahon,
Ang po at opo ang lagi niyang tugon.

B. Paglalahat
Sa anong paraan maipapakita ang pagiging magalang?

C. Paglalapat (Tula) Magagaling na Pananalita

Ikaw ay kabataan ng modernong panahon


Paggalang mula sa lahat, ikaw ay kumilos
Nasa panahon ka ng modernong wika
Ngunit paggamit ng wasto ay dapat ipakita
Itinuro ng mga ninuno at magulang ang salitang po at opo
Maging isang palatandaan sa ito sa iyo
Isa kang kabataang Pilipino na namuhay sa pagiging magalang
Lagi mong tatandaan na ito ay responsibilidad na kailangang ingatan

V.Pagtataya

Sagutin ang sumusunod ayon sa binibigay na sitwasyon.

1.Nais mong isauli sa iyong nakatatandang kapatid ang hiniram mong ballpen
Ito na ang ballpen mo
Maraming salamat po, Ate
Hindi ko na isasauli

2.Ibig mong magpaalam sa iyong ina upang dumalo sa kaarawan ng iyong


kaklase.
A. Inay, maaari po ba akong dumalo sa kaarawan ng kaklase ko
B. Inay, pupunta ako sa kaklase ko.
C. Pupunta ako sa kaklase ko.

3.Isang umaga, nasalubong mo si Gng. Ferranco na iyong guro sa Filipino.


A. Magandang umaga po, Gng. Ferranco.
B. Magandang tanghali po.
C. Saan ka pupunta?
4.Nais mong magpaalam sa iyong magulang upang makapaglaro pagkatapos
mag-aral. Ano ang iyong sasabihin?
A.Maglalaro ako pagkatapos kong mag-aral.
B.Nais kong maglaro pagkatapos mag-aral.
C.Maaari po akong maglaro pagkatapos mag-aral?
5. Binigyan mo ng regalo ang iyong kaibigan dahil kaarawan niya. Ano ang
sasabihin sa iyo ng iyong kaibigan?
A.Maligayang bati.
B.Kumusta ka na?
C.Paalam
6. Nais mong malaman ang direksyon papunta sa simbahan? Ano ang
sasabihin mo?
A.Maaari po bang magtanong? Saan po ang papunta sa simbahan?
B.Saan dito ang simbahan?
C.Samahan mo ako papunta sa simbahan.

V.Takdang Aralin
Ugaliing gumamit ng po at opo kapag nakikipagusap sa nakatatanda sa
iyo..

You might also like