You are on page 1of 16

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-5

2ND QUARTER
(Ika-24 ng NOBYEMBRE, 2022)

Pakitang-Turo ni:

GNG. DIONESIA D. FERRANCO


Guro
Pagsasanay-Drill
 Tugma/ Awiting Pambata
 Paru-Parong Dilaw

Paru-Parong Dilaw ,
kay likot-likot mo
Dinuyan duyan ka sa tabi ng damo ! Lahat ng bulaklak sa tabi ng daan

Dinadapuan mo at hinahalikan
Paru-Parong Dilaw !!!
Lulokso-lukso ka Magsabi ka ng …
Totoo!
Para kang nanunukso Alin sa dalawa ang tunay mong
mahal?
Paru-parong Dilaw
kay likot-likot mo!
Balik- aral(Review):

 Ano ang mga kaugalian na dapat tularan?


 Bakit tinawag na Golden words ang mga
magagalang na pananalita?
 Anu-ano ang mga magagalang na pananalita?.
 Kailan gagamitin ang mga magagalang na
pananalita?
Pagganyak(Motivation):

Ang Batang Magalang
Ang batang magalang, kinatutuwaan
Ng kapwa bata’t maging matanda man.
Pag nasasalubong ang guro n’yang mahal,
Ngiti ng pagbati ang lagi niyang bigay.
Di nakikipag-away sa kapwa bata,
At di gumagamit salitang masagwa
Sa pagsasalita’y laging mahinahon,
Ang po at opo ang lagi niyang tugon!
Paglalahad(Present the New Lesson):
 Ano ang napapansin ninyo sa larawan?

 KASOY

 Sa araw na ito ay makinig tayo ng isang Alamat at pagkatapos ay


sagotin ang mga katanungan tungkol sa Kwento.
ALAMAT NG KASOY
Noong unang panahon sa isang gubat,
lahat ng uri ng hayop ay naroroon.
Silang lahat ay masaya, nagkakantahan at nag sasayawan.
Di kalayuan sa isang sulok ay may isang bagay na nakikinig at naiingit sa kapistahan.
Ito ay walang iba kundi ang buto ng kasoy.
"Sana ay makalaya ako dito sa madilim na kinalalagyan" Dasal ng kasoy
Nagpatuloy ang kasiyahan maging ang dasal ng kasoy.
Maging ang isang Diwata ay naakit at nakisaya sa mga hayop.
Sa gitna ng pagdiriwang, napansin nya ang tinig ng naghihirap na kasoy.
"Sino kaya iyon, kawawa naman sya" Saad ng Diwata.
Narinig ng Diwata ang kasoy at ito ay nahabag.
Sa isang kumpas ng Diwata, ang kasoy ay biglang nakalabas sa kanyang pinaglalagyan.
Tuwang-tuwa ang buto ng kasoy sa kagandahan ng paligid.
"Butihing Diwata nais ko sanang manatili dito sa labas at ayoko nang bumalik sa madilim na
pinang galingan ko" saad ng kasoy
Pinagbigyan ng Diwata ang kahilingan nito.
Pagkaraan ng ilang oras ay nagsi uwian na ang mga hayop at di nagtagal ay biglang sumungit
ang panahon. Lumakas ang hangin at ulan.
Malakas ang kulog at matatalim ang kidlat.
Natakot ang buto ng kasoy.
Muli ay tumawag ang kasoy sa diwata upang bumalik na sa kanyang pinaglalagyan.
Subalit anumang dasal ay walang kasagutang nangyayari. Nang tumigil na ang unos ay muling
lumitaw ang Diwata. Nakita nya ang buto na nakabaluktot at di magawang magsalita.
"Ito'y isang aral sayo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalagyan dahil ito ay pinagkaloob ng
Dyos sayo." Saad ng diwata.
Pagkasabi ng diwata ay agad na naglaho ito. Mula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng
prutas.
Pagtatalakay(Discussion)
 

 Ano ang napakinggan ninyo ngayong umaga?

 Ipasagot sa mga bata ang mga tanong ukol sa


kwento na kanilang narinig.
Pagtatalakay(Continuation of Discussion)

 Batay sa kwento , ano ang kaugalian ni


na ipinakita ni Kasoy?
 Ano ang masasabi ninyo sa kaugalian ni
Diwata?
D.Pagyayamang Gawain

 Pagsasadula
 Ano ang kaugalian ni Kasoy sa kwento?
 Ano naman ang kaugalian ni Diwata?
Paglalahat(Generalization)
Ano ang narinig natin ngayon?

Sinu-sino ang mga tauhan sa Kwento?
 Saan ang tagpuhan?
 Kailan kaya nangyayari ang Kwento?
 Anu-ano ang ugali nga mga tauhan sa kwento?
 Sa palagay ninyo bakit kaya masaya ang mga
hayop?
Paglalapat : PUZZLE
PANGKATANG GAWAIN

PUZZLE: Punan ng sagot ang loob ng kahon

Pahalang
1. babaing kabilang sa maharlikang angkan o anak ng isang
hari.
2. Ipinagdiriwang ng mga hayop doon sa gubat
3. Ibang pantawag sa Engkantada.
1.

Pababa

1.hayop na karaniwang inaalagaan sa tahanan na namumuksa


ng mga daga
2.Katulong ng magsasaka sa pag araro sa bukirin.
3.mapangalaga sa kalikasan at mga likas na yaman
Pagtataya (Evaluation-Test)

Basahin ang alamat at punan ng sagot sa angkop na


kolum ng tsart
1,Tagpuan

2.Mga Tauhan ng Kwento

3.Mga Katangian ng mga


tauhan sa kwento.

Kasoy

.Diwata
Takdang Aralin:

Magsaliksik ng mga kwentong


bayan. Kilalanin at suriin ang mga
tauhan at tagpuan
HUWAG HUMINTO SA
MAGPASALAMAT SA DIYOS SA BIYAYA
NA IYONG NATATANGGAP ARAW-
ARAW…

You might also like