10 Ps Guide sa Karapatan ng mga Katutubo sa Lupaing Ninuno at Likas Yaman
(R.A. 8371, — “Batas Hinggil sa Karapatan ng mga Katutubo ng 1997”)
Reference: NCIP Gabay sa Batayang Pagsasanay ng Paralegal PRIBADONG PAGMAMAYARI PAGSUKAT AYON SA KATUTUBO o Self Delineation. PORMAL NA PAGKILALA or Formal Recognition sa pamamagitan ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) o Certification of Ancestral Land Claim (CALT) PAGPAPASIYA or Self-Determination o ang karapatan ng mga katutubo na pagpasiyahan ang uri at bilis ng pagpapaunlad o kaunlaran sa kani-kanilang pamayanan kasama din dito ang karapatan sa FPIC o Malaya, Nauna at Mapangalam na Pagpapasiya. PAGGAMIT o ang karapatan panghawakan (Right to control) at magkamit ng biyaya mula sa paggamit ng likas yaman sa mga lupaing ninuno. Ito ay karapatan sa likas yaman na matatagpuan sa mga lupaing/lupang ninuno. PAGYAMANIN o ang karapatan na paunlarin ang mga lupain at likas yaman. Karapatan na makipagkasundo hingil sa pagpapaunlad ng likas yaman at ang mga limitasyon ng karapatang ito. Naangkop din na talakayin ang dahilan kung bakit hinihikayat ang pagbubuo ng ADSDPP o Ancestral Domains Sustainable Development and Protection Plan. PAKINABANGAN o ang karapatan na makinabang sa paggamit ng likas yaman sa mga lupain. PAG-INGATAN o Conservation. Napapaloob dito ang konsepto ng Likas Kayang Pagpapaunlad o Sustainable Resource Use concept. PAGLUTAS NG HIDWAAN o ang Pangunahing Paggamit ng Katutubong Batas o the Primacy of Customary Laws sa paglutas ng mga hidwaang may kinalaman sa lupain. IPAMANA o succession/hereditary rights.