You are on page 1of 28

TSIKITING STORIES

Mga Kwentong Pambata mula sa Bata


A collection of stories and poems written by kids
Volume 3

Samu’t-saring
mga KwentO
Samu’t-saring
mga KwentO
TSIKITING
STORIES
Mga Kwentong
Pambata mula sa Bata
A collection of
stories and poems
written by kids
Volume 3
TSIKITING STORIES: MGA KWENTONG PAMBATA MULA SA BATA VOLUME 3
Copyright © 2021 by The Department of Human and Family Development Studies (DHFDS)

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any
form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods,
without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in
critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission
requests, write to the publisher, addressed “Attention: Permissions Coordinator” at the address below.

Department of Human and Family Development Studies (DHFDS)


College of Human Ecology (CHE),
University of the Philippines, Los Baños

Authors: Illustrators:
Zhyrine Jade S. Panahon Ferlynn Recto
Himig A. Marcelino Shania Kylie Pillosis
Elia Ilano Jonah Burlaza
Damian Aguinaldo
Alex Tan Editor: Daisy V. Pelegrina & Paeng Ferrer
Annika Summer P. Villanueva Layout Artist: Kate del Rosario

Ordering Information:
Quantity sales. Special discounts are available on quantity purchases by corporations, associations, and
others. For details, contact the publisher at the address above. Please contact Tsikiting Stories at
tsikitingstories@gmail.com.

Printed in the Philippines


HOME SCHOOL
Himig , 6 years old
Guhit ni Ferlynn Recto

Ang aking paaralan ay bahay.

Malawak dito at maginhawa. Sa aming asul na kuwarto, mayroong mesa at mga bagay na
gawa ko tulad ng drawing, puppet na papel, at mga ginupit na larawan. Dito ako nag-aaral ng
Math at gumagawa ng art. Dito rin kami nanonood ni kuya Prince, aking pinsan, ng Kuya
Robert art class. Nagdo-drawing kami ni kuya ng pusa, tao, at iba pa. Naggugupit din kami ng
makukulay na magazine para maging bilog, tatsulok, at bulaklak tsaka ididikit sa papel para
maging mukhang tao.

2
Sa labas ng kuwarto, naroroon ang aking munting silid-aklatan. Madalas kaming nagbabasa
ni kuya dito kasi tahimik. Naglalaro din kami rito ng mga manika, tau-tauhan, lutu-lutuan, at
tinda-tindahan. Paborito kong basahin ay “Charlie at Lola” na kuwento ni Lauren Child. Gusto
ko ito kasi maganda ang mga drawing. Marami kaming aklat dito, siguro aabot sa aking
baywang ‘pag pinagsama-sama ko. May mga totoo na nangyari tulad ni Andres Bonifacio sa
kuwento ni Weng Cahiles at ‘yung nangyari kay Jamin, ang batang manggagawa. Saka
mayroon ding nakakatawa na libro tulad ni Filemon Mamon na kuwento ni Christine Bellen.
Siya ay ang batang mahilig at maraming kumain. May Bible at Ibong Adarna din, maganda rin
ang mga ito.

3
Ang malamig na puwesto ay sa balkon kasi mahangin. Dito, lagi kaming tumitingin ng
saranggola, mga ibong lumilipad, at mga ulap na may hugis kuneho. Malawak din dito at
may bar na nahahawakan pag nagba-ballet ako. Dito kami nanonood ni kuya Prince ng
Pumplepie sa computer. Sa palabas na ito, maraming binabasang libro. Mayroong tungkol sa
tarsier sa Bohol, at mayroon ding tungkol sa langgam na mahilig sa matamis na pagkain.

4
Sa ibaba ng bahay naman, naroon ang kusina kung saan tinuturuan akong magluto ni nanay
ng pancake. Minsan, natakot ako nang maamoy ang nasusunog na butter, akala ko mali ang
ginawa ko. Pero masarap ito kasi nilagyan ko ng tsokolate at sprinkler sa ibabaw. Gumawa rin
ako ng pizza kasama si nanay at si kuya. Nilagyan namin ang ibabaw ng pizza ng mushroom
at maraming cheese para maging mas masarap.

5
Sa veranda naman, may dalawang upuan, mesa, at mga halaman. Dito kami ni kuya
nagpa-practice kumanta ng Lupang Hinirang at nagme-memorize ng Panatang Makabayan.
Sabi ni nanay, dapat daw alam namin ito bilang Pilipino.

6
Sa garahe naman kami nagsi-swimming. Tinutulungan namin si tatay na mag-pump ng pool
tapos nilalagyan ng tubig. Masaya kami ni Kuya Prince dahil may maliliit na bola at may
watergun kami para magbasaan sa pool. Minsan, gumagawa rin kami ng saranggola sa
garahe katulong si tatay. At kapag mahangin sa labas, pinapalipad namin ito kasama ang
mga kalaro.

7
Bukod sa pag-aaral ng Math at Science, pagsulat, at pagbasa, may mga task din kami sa
bahay. Sabi ni nanay para daw mas matuto kami kaya kailangang gawin ang mga ito.
Marunong na akong mag-ayos ng higaan pagkagising, nagwawalis din ako ng bahay, at
nagdidis-infect ng switch at doorknob.
Masaya ako sa aking paaralan kasi marami akong ginagawa. Lagi ko ring kasama sina nanay,
tatay, kuya Prince, si lolo, at ang aming alagang aso na si Cloud. Lagi rin akong naglalaro sa
labas ng bahay. Tinuruan kami ni nanay at tatay maglaro ng patintero, piko, tumbang preso,
Chinese garter, at jumping rope.

Teka, nakalimutan
kong magpakilala.
Ako nga pala si Himig,
homeschooler ang
tawag sa akin, parang
pinag-plus na home at
school. Kaya ang
aking bahay ay ang
akin ding paaralan.

8
BAGONG UMAGA
Elia, 10 years old
Guhit ni Shanaia Kylie Pillosis

Isang araw sa pagmulat ng aking mata, Lunes, Martes, hanggang Linggo man,
Merong kakaiba na aking nadama. Tila bawat araw ay walang kaibahan.
Lumingon ako sa bintana, ngunit walang Pero buti nalang at nandiyan,
nakitang tao, sasakyan at iba pa. Aking pamilya na maaasahan.
Paligid ay mas tahimik, tila isang pelikula.
Kaibigan ko at kilala,
Libangan namin ay unti-unting nag-iba.
Nabawasan ang aming pakikipagkapwa
Mabuti't ang komunikasyong
online ay posible pa.

Kaliwa't kanan ang pagtutulungan,


Kaunting donasyon aming inilaan.
Sa panahon na ang bawat isa ang makakapitan.
Maliit man ang ambag malaking bagay na yan.

Hanggang ngayon, may kaunting takot


at pangamba.
Dasal, tangi naming sandata.
Punuin natin ang mundo ng pag-ibig at pag-asa,
At sana sa aking paggising may bago nang
umaga.
9
SI MATIPUNO, SI MABAIT, AT SI MAGANDA
Elia, 10 years old
Guhit ni Ferlynn Recto

Isang araw merong tatlong magkakaibigan, si Matipuno, si Mabait at si Maganda.


Naglalakad ang tatlo nang biglang may lumapit na matandang babae at sinabing
"Mga anak nagugutom ako, mayroon ba kayong kaunting pagkain para sa akin?
Sabi ni Mabait "Eto po, kunin niyo na po ang baon ko at may mabibilhan naman po ako sa
tindahan eh."
"Salamat anak" wika ng matandang babae.

10
Matapos tanggapin ng matanda ang pagkain mula kay Mabait, napatingin siya kay Maganda at sinabing
"napakaganda naman niyang balabal mo hija, matingkad ang kulay at mukhang malambot pa."
Halong gulat at saya ang naramdaman ni Maganda sa pagpupuring iyon ng matanda. "Opo, malambot
nga po eto" sabi ni Maganda.
"Siguro bagay din sa akin yan" dagdag ng matanda.
"Opo naman, sa inyo na lang po eto kung gusto niyo dahil marami pa naman po akong ganyan sa amin"
sabi ni Maganda.
Natuwa ang matanda sa kanyang narinig at tinanggap ang malambot na pulang balabal. Nagpasalamat
ang matanda sa mga ibinigay nila.

11
Unti-unting umalis papalayo ang matanda dala ang kanyang mga gamit. Napansin ni Matipuno na
nahihirapan ang matanda kaya tumakbo siya at hinabol ito. "Lola saan po ba ang punta niyo?" sambit
ni Matipuno. "Hijo, dun sa aking tirahan sa kabilang kanto, sa Narra Street" sagot ng matandang
babae. "Tulungan ko na po kayo, sa Acacia po ang punta namen, dalawang
kanto lang naman po ang pagitan noon sa inyong tirahan." Binuhat
ni Matipuno ang dala niyang mga gamit.

Hinatid ng tatlong
magkakaibigan ang matanda
hanggang sa pinto ng kanyang
munting tahanan.
"Mga hijo at hija naabala ko pa
kayo, pasensya na ha, pero
maraming salamat sa naitulong
niyo sa akin ngayong araw na ito.
Pagpalain nawa kayo ng
Maykapal.”
"Walang anuman po" sabi ng
tatlong magkakaibigan.

12
Tandaan natin na ang malasakit sa ating kapwa ang isa sa
napakagandang pag-uugali na dapat nating ipakita sa isa’t-isa kahit
saan mang lugar, kahit anong oras, at kahit kanino man.

13
KAMUSTA NA?
Annika Summer, 8 years old
Guhit ni Shanaia Kylie Pillosis

Kamusta na kaya ang aking paaralan?


Matagal ko nang hindi nasisilayan.
Aking natatandaan Kamusta na kaya ang aking mga kaibigan?

Ang maingay na kasiyahan Isha at Marhi ang kanilang pangalan.

Sa makulay na palaruan. Sila ang aking mga kakwentuhan.

Ang ganda naman! Kasama ko rin sila sa kainan.

Kamusta na kaya ang aking paaralan? Nag-aaway kung minsan


Pero nagbabati rin naman.

Ang aking guro, kamusta na kaya? Kamusta na kaya ang aking mga kaibigan?

Si Teacher Honey na maganda.


Ano’ng ginagawa niya?
Sino’ng kasama? Ikaw, kamusta na?

Masaya ba siya? Sana ay okey ka.

Kailan kami magkikita?


Ang aking guro, kamusta na?

14
SA MGA TEACHERS KONG HINDI PA
Damian, 4 years old
Guhit ni Ferlynn Recto

Gusto ko na pong mag-aral


Dahil may coloring
At playing ng games.
Gusto ko na pong mag-aral
Gusto ko nang makilala si teacher
Upang makita ang mga
Na maganda at elegante. favorite friends ko.
Makapaglaro at makapag-drawing
Gusto kong matuto kay teacher Ng mga paborito namin.
Kung ano ang 8 + 8.
Gusto kong matutunan sa classmates ko Love kita, Teacher,
Kung paano kumain nang mabilis. Gusto ko na pong pumasok.

15
ANG BATANG HINDI
PUMAPASOK SA PAARALAN
Alex, 12 years old
Guhit ni Jonah Burlaza

16
Si Xander ay nakatira sa isang condominium. Maraming bata ang nakatira rin sa kanilang building.
Tuwing umaga, nagkukumpulan ang mga bata sa harapan ng gusali habang hinihintay ang kani-kanilang
mga school bus. Dala nila ang kanilang mabibigat na bag at suot ang makukulay na uniporme.
Dumaan si Xander sa gitna ng kumpol ng bata. Siya ay may dalang gunting.

“Bakit kaya hindi siya nakasuot ng uniporme?” tanong ng isang batang babae sa kaniyang kaibigan.
“Baka pang-hapon siya,” sagot naman ng kausap.
“Hindi, nakikita ko rin siya tuwing hapon na may binibili sa tindahan,” ang sabi naman ng isa pang kaibigan.
“Baka hindi siya pumapasok sa paaralan?” ang sambit ng kausap.

17
Pagdaan muli ni Xander, nakita nila na may dala-dala siyang isang bulaklak
ng gumamela. Naupo ito sa may hagdan at sinimulang gupitin ang bulaklak.
“Ano’ng ginagawa mo?” tanong sa kanya ng batang babae na lumapit sa
kinauupuan niya.
“Binubuksan ko itong bulaklak. Aaralin ko kasi ngayong linggo ang mga
bahagi ng halaman,” paliwanag ni Xander.
“Parts of the plant? Iyan din ang aralin namin sa science ngayon,” nagulat na
sagot ng kaibigan ng batang babae.

Tumango si Xander habang patuloy na binubuksan ang gumamela. “Iyon ang anther at
ito naman ang style.“

“Paano mo nalaman iyon kung hindi ka naman pumapasok sa paaralan ‘di ba?”

“Ah, nag-aaral pa rin ako pero bahay nga lang.”

Beep Beep! Dumating na ang school bus ng mga mag-aaral. Mabilis silang tumakbo
upang sumakay at hindi na nila narinig ang paliwanag ng batang hindi pumapasok sa
paaralan.
18
Kinabukasan, isinama si Xander ng kaniyang nanay sa grocery store. Dala dala ni Xander ang kaniyang
mahabang listahan ng bibilhin at ilang mga reusable bags. Nagkasundo silang mag-ina na magkikita na
lamang sa may bayaran pagkatapos makuha ni Xander ang kaniyang mga kailangan.
Habang nakapila at inaantay ang kaniyang nanay, napansin siya ng isang matandang babae.
Nag-alala ito dahil akala niya ay walang kasama ang bata.
“Bata! Bakit mag-isa ka? Nawawala ka ba?”
“Ah, hindi po. Kasama ko po ang nanay ko pero may kinukuha pa siya.”

19
Napansin ng lola ang mga laman ng basket ng bata. “Mukhang magluluto ang iyong nanay ng sinigang ah.”

“Ako po ang magluluto ng sinigang para po sa HELE subject ko at review na rin po sa Math dahil tsinek ko
ang mga presyo upang masiguro na pasok sa aking badyet.”

“HELE? Math? Teka, bakit nga pala wala ka sa paaralan? Wala ba kayong klase?”

“Ay, hindi po ako pumapasok sa paaralan. Ako po ay…” idadagdag pa sana niya ngunit nakita niyang
naghihintay na pala ang nanay niya sa may labasan. Mabilis na nagbayad si Xander ng kaniyang mga pinamili
at nagpaalam sa lola.
20
Ilang araw ang nakalipas, nagpunta naman si Xander at ang kaniyang nanay sa library. Lumapit ang bata sa
librarian at naghanap ng libro tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Para saan? May proyekto ka ba sa paaralan?” tanong ng librarian.


“Ay, hindi po. Gusto ko pong gumawa ng timeline ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan natin.”

“Teka, nag-absent ka ba?” tanong ng librarian habang inaabot kay Xander ang isang malaking libro.

“Hindi po. Hindi po ako pumapasok sa paaralan.”

Bago pa maitanong ang librarian kung saan nag-aaral si Xander, naglakad na ang bata papunta sa upuan
upang magbasa.
21
Habang naglalakad pauwi si Xander ay nakasulubong niya ang mga batang
kapitbahay niya .

“Oh! Si Xander! Ang batang hindi pumapasok sa paaralan!” sabi ng batang babae.
“Hindi mo natapos yung sinasabi mo kanina! Hindi mo nasagot tanong namin. Bakit
nga ba hindi ka pumapasok sa paaralan?”

“Ah, kasi ako ay isang…” Homeschooler!


22
COVID-19
Zhyrine Jade, 8 years old
Guhit ni Ferlynn Recto

Ang COVID-19 ay isang


nakamamatay na sakit.
Marami ang nagsakripisyo.
Marami ang namatay dahil sa sakit na ito.
Ang krisis na kinakaharap natin ngayon
ay tiyak na matatapos din.
Ang mga Frontliners ang nagsisilbing
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
bayani natin ngayon.
Sabay-sabay tayong manalangin sa
Mga Doktor, Nurse,
Poong Maykapal.
Sundalo, at mga Pulis.
Laban lang Pilipino,
Lahat ng mga taong
kaya natin ito!
naglilingkod sa atin
habang tayo ay naka-
home quarantine.

23

You might also like