You are on page 1of 13

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-
iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Alamin Natin
Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kanyang mamamayan sa
lahat ng aspekto ng buhay. Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng
mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino.

Ang modyul na ito ay inihanda at ginawa para sa inyo upang kayo ay


magabayan sa inyong pagkatuto. Ito ay magiging kaagapay ninyo sa pagtuklas ng
mga bagong aralin. Ito ay makatutulong na mapatalas ang inyong kakayahan sa
pakikinig, pagbabasa, pagsasalita at pagsulat.

Tuwirang makatutulong din ito sa inyo. Kaya’t sana, maiaaplay ninyo ito sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Kayong mag-aaral ay inaaasahang magkakaroon ng
kasanayan at kaalaman sa mga pagsasanay na gamit ang munting suplementong ito
na may patnubay mula sa inyong mga guro. Ang lahat ng mga gawain na inilagay
dito ay inyong gagawin.

Halika na at simulang tuklasin ang mga araling nakapaloob dito.

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan at maisagawa mo ang mga


sumusunod:

 tukuyin ang mga impormasyon na makikita sa food label; at


 malaman ang sustansiya mula sa pagkaing iyong binibili.

Subukin Natin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang tawag sa mga impormasyong makikita sa pakete ng pagkain?
A. Food Web C. Food Groups
B. Food Label D. Nutrition Facts
2. Alin ang Hindi makikita sa pakete ng pagkain?
A. Date Markings C. Ways of Preparing
B. Nutrition Facts D. Warning Statement

1
3. Bakit mahalagang basahin ang impormasyon sa food labels?
A. Upang malaman ang lasa.
B. Upang malaman natin kung kailan ito ginawa?
C. Upang malaman ang tamang oras kung kailan kakainin.
D. Upang malaman kung kailan masisira, ginawa at ano ang mga nutrisyong
makukuha rito.
4. Anong sustansiya ang tumutulong sa pagbuo at pagsasaayos ng mga
kalamnan (muscles) at mga selyula (cells)?
A. Carbohydrates C. Sodium
B. Protein D. Vitamin
5. Ito ay isang uri ng mineral na makukuha sa karne ng hayop, itlog, gatas,
asin at vetsin na nakatutulong sa pagbalanse ng timbang ng likido sa
loob ng katawan?
A. Fats C. Sodium
B. Protein D. Sugar

Balikan Natin

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

2
Tuklasin Natin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


tulad ng kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Nasuri mo na ba ang mga nakasulat


sa mga pabalat ng binili mong
pagkain?

Ang mga limbag sa pakete ng pagkain


ay nagbibigay ng iba`t ibang
impormasyon tungkol sa nilalaman
nito.

Malalaman o makikita rin sa pakete


ang iba’t ibang uri ng mga
sustansiyang makukuha sa pagkain sa pamamagitan ng pagsuri sa Nutrition Facts.
Ang Nutrition Facts ay uri at sukat ng mga sustansiyang makukuha sa pagkaing
nasa loob ng pakete. Narito ang ilan sa bahagi nito.

Ang Serving Size ay tumutukoy sa mungkahing dami ng isang serving na dapat


kainin.

3
Ang Serving per Container naman ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng servings
na makukuha sa isang pakete.

Ang calorie ay sukat ng enerhiyang maaaring


makuha sa isang serving ng pagkaing nasa
pakete.

Ang sodium ay isang uri ng


mineral na makukuha sa
karne ng hayop, itlog, gatas,
asin, at vetsin. Ito ay
nakatutulong sa pagbalanse
ng timbang ng likido sa loob
ng katawan. Ngunit and maraming sodium sa katawan ay
maaaring magdulot ng mataas na presyon.
Ang Protein ay tumutulong sa pagbuo at pagsasaayos ng mga
kalamnam(muscles) at mga selyula ( cells )

Ang carbohydrates ay pangunahing


pinagkukunan ng enerhiya katawan.

Ang dietary fiber ay isang


uri na hindi natutunaw at inilalabas lang sa katawan ngunit nakalilinis
ng digestive system.

Ang vitamin at minerals ay tumutulong sa


pagpapanatiling maayos na mga proseso sa loob ng
katawan.

4
Talakayin Natin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

1. Ano ang Nutrition Facts?

2. Para saan ang serving size at serving per container?

3. Ano ang dulot ng pagkaing mayroon o mataas ang cholesterol?

5
4.Paano natutukoy ang mga impormasyong nakikita sa food label?

5. Ano ang pagkakaiba ng Saturated at Trans Fat?

6. Ano ang naibibigay ng calories sa ating katawan?

7. Ano ang dulot ng pagkaing may protein, carbohydrates, vitamins at


minerals?

Pagyamanin Natin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

GAWAIN 1
Pag-aralan ang pagkain at alamin ang mga Nutrition Facts tungkol sa pagkaing ito.
Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

1. Ilang calories ang makukuha sa pagkaing ito? __________________

6
2. May bitamina bang makuha sa Bread Pan? Ilang Percent?
_______________________________________________________
3. Ilang gramo ng Saturated Fat ang makukuha dito?
_______________________________________________________
4. Ano ang naidudulot ng Soduim sa ating katawan?
______________________________________________________
5. Sa iyong palagay masustansiya ba ang pagkaing ito? Bakit?
_______________________________________________________

GAWAIN 2

Panuto: Pag-aralan ang Nutrition Facts ng inuming Delight at sagutan ang mga
sumusunod na tanong.

1. Ano ang laman ng produktong ito (Delight)?


A. Biskuwit B. Gatas
C. Juice D. Probiotic Drink and Probiotic Fiber
2. Hanggang kailan ito ligtas inumin?
A. Abril 20, 2020 C. Agosto 1, 2020
B. Agosto 20, 2021 D. Enero 1, 2020
3. Ilang mililitro ang laman ng bote?
A. 100 ml C. 250 ml
B. 500 ml D. 1000 ml
4. Ilang gramo ng Protein ang makukuha sa bawat serving ng inuming ito?
A. 0.5 C. 17.8
B. 1.6 D. 35
5. Ano-anong sustansiya ang makukuha sa inuming ito?
A. Carbohydrates, Fats at Sodium
B. Calcuim, Fats, Protein at Soduim
C. Carbohydrates, Fats, Protein, Soduim at Vitamin
D. Calcuim, Carbohydrates, Protein, Soduim at Vitamins

7
Tandaan natin

Isabuhay natin

Ang mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya ay isang katangian ng kulturang


Pilipino na hindi maitatanggi. Ito ang ugaling tanging mga Pilipino lamang ang
kakikitaan saanmang panig ng mundo. Ito ang mabuting pagsasamahan,
pagkakaisa, at pagkakasundo ng bawat miyembro ng pamilya.
Isinama ka ng iyong nanay sa Puregold. Sinabihan ka niya na mamili/kumuha ka
ng inumin para sa iyong meryenda. Sinuri mo ang food label ng dalawang inuming
ito.

8
1. Ano ang una mong titingnan sa pakete ng inumin na iyong bibilhin?
_____________________________________________________________
2. Ano-anong sustansiya ang makukuha mo rito?

CHUCKIE _____________________________________________________

ZESTO _______________________________________________________

3. Alin sa dalawang inuming ito ang iyong pipiliin? _______________________

Bakit? ________________________________________________________

Tayahin Natin

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutan ang patlang ng TAMA


o MALI.

_____1. Ang Food Labels ay mga impormasyong makikita sa pakete ng pagkain.

_____2. Ang Soduim ay maaring pagkunan ng enerhiya ng katawan.

_____3. Mainam na basahin ang Food Label ng isang pagkain bago ito bilhin.

_____4. Ang pagkain ng may maraming Cholesterol ay nakabubuti sa katawan.

_____5. Ang Expiration Date ay isa sa impormasyong makikita sa Food Label.

Sanggunian:

9
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-health-
q1q4?fbclid=IwAR00tp68ww9jJnHLrEr3epYiwqCe11IEu-
ooOVOS6ARJ_vka3FMmJm-ByU4

https://www.youtube.com/watch?
v=vX9sYgoHfwU&feature=youtu.be&fbclid=IwAR3NnyxnFeyeqpS9WVjMGrrwqUTxcAkQwTZuOiRD8f3Q9f_WuUGvIbCAlu8

LRMDS Portal, LM and TG


MELC
MAPEH HEALTH 3

10
Development Team of the Module
Writer: JANEN R. PACHECO, DIANA ROSE B. DURAN
Editors:
Content Evaluator: Diane D. Herrera
Language Evaluator: Gladys Xziera D. Ramos
Reviewer: Rady J. Delos Reyes
Diane D. Herrera, Glehna France D. Awingan
Gladys Xziera D. Ramos
Illustrator: MA. CRISTINA M. JAVIER
Layout Artist: CRISELLE F. TANIZA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. SHOJI GERONA, EPS - MAPEH
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like