You are on page 1of 2

Ang Aking Talambuhay

Ang aking pangalan ay Dave Bernales na bunsong anak ni Jocelyn Bernales at Dario Bernales, Ako
ay naisilang noong May 22, 2003. Meron akong dalawa kapatid si Darlene Bernales ang aking
panganay na kapatid na nagtapos kursong BSBA major in marketing sa STI sta.rosa laguna taong
2015 at ang pangalawa kong kapatid na si Jhon Daryl Bernales ay nagtapos sa kursong BS in
Marine Transportation sa West bay colleges sa alabang taong 2017. Ako nalang ang natitirang nag
aaral samin pamilya kaya naka focus sa akin sila mama ata pilit kong pinagsusumikapan maabot
at ang aking pangarap at makapagtapos upang makita nila mama ang tagumpay na aking
minimithi.

Ako ay nag simula nag-aral noong 4 na taong gulang pa lamang ako pumasok ako sa buklod
bahayan daycare center ng taong 2007 at ang Guro namin na nag ngangalan bethy ang nagsilbi
gabay namin habang kami ay nasa school dahil sa pagsusumikap ako noong nasa daycare ako
meron ako mga nakuha award na honesty award noong taong 2009 meron din ibang tulad ng
best in arts ang pinakamahirap na subject sakin hanggang ngayon ay math ito ang subject na
kung saan hindi ka nakinig tila lulutang ang buong mundo mo pagdating sa exam or quiz. Ito man
ang pinakamahirap hindi ito maging hadlang upang makagraduate ako sa daycare ng may top 10
achiever. Nagsusumikap ako upang masuklian ko ang paghihirap ng aking magulang dahil hindi
biro ang pagpapalaki ng tatlong anak. Taong 2010 ako ay graduate na sa daycare dahil ako nga ay
di dumako sa huli yugto ng daycare ang prep dahil sabi ng aking magulang ay handa na ako sa pag
lipat sa unang baitang sa uanang taon ko ay nailipat ako sa private school at hanggang sa
pangalawa ay nag private ako ngunit nung ikatlong baitang na lumipat nako sa public dahil sa
closure na aking school na tinutuluyan dahil sa nawalan na sila pundo sa school. Noong ako ay
lumipat sa public school masasabi kong buo ang aking karanasan sa pagkabata sumali ako sa
journalist writing noong nasa elementary school ako sa Tartaria Elemtary School ako ay may
dalawang hawak tagalog at english writing ako maraming masaya alaala sa dahil nag-uwi ako ng
3rd place sa tagalog at naka punta akong division level sa tanza cavite. Maraming school ang
nagtipon-tipon upang mag laban ngunit di tayo pinalad dahil nasa 5 th place lang tayo at di tayo
pasok para sa nationals hindi man tayo nakarating doon ay marami naman tayong aral na nadala.

Meron pa ako isang karasana sa elementary na kung saan sumali din kami sa sabayan pagbigkas
ito ang diko malilimutan dahil ang nag sasabayang pagbikas kami ay meron kami mga galaw na
kung saan napamangha namin ang mga judge pero mas mas nakita sila sa iba na mas
nakakaintriga kaya kami ay nag 3 rd place lang din. Bago ako magtapos ng Elementary ay nakuha
din ako ng award dahil top 10 achiever din ako sa school ko noong Elementary dahil nga sabi ko di
ako papatalo dahil may mga nakukuha din kagawarana ang aking mga kapatid noong nag-aaral
sila.
Noong ako nasa HIghschool na tila nag simula ako maconfuse sa sarili ko na tila ba ay meron
nawawala sa sarili ko dito ay hindi ko inaamin na nagkakagusto ako sa lalaki madami akong lihim
na damdamin pero tinatago nalang dahil ayokong mahusgahan sa taong 2015 ako nasa Sto.
Domingo Integrated HIghschool na nag aaral dito mas dumami pa ang kaalaman ko at mahirap
ang kompetiton dito sa pag aaral kaya ako lagi nasa C section wala ako nakuha mga awards dahil
medyo nahirapan ako sa pagaaral pero ginagawa ko ang aking makakaya dito ko din nagawa mag
remedial class upang maipasa ko ang aking mga subjects pero hindi ito hadlang upang maging
active ako sa school sumali ulit ako ng journalist sa highschool upang marecall ko kung kaya ko pa
ba pero mukha iba ang levels ng nasa highschool na nakapasok ako kaso 4 th place lang aking
nakuha hindi na ako naka ranas na umabot sa division level noong ako ay nasa highschool na kaya
sa school events nalang ako nasali. Sumali ako ng interpretative dance sa school, Festival
dance,maraming dance class dahil sa P.E noong highschool meron din kaming stage play kung
saan highschool musical ang aming ginawa tila ba nakakatwang pangyayari dahil ako si troy sa
highschool musical inaral ko ang kanya boses upang ma potrait ko ng maayos ang kanya character
sa stage play. Naging maayos naman stage play at nairaos namin ng maayos kaya meron kami
86grade noong kami ay nag stage play. Noong nalalapit na ang pag lisan ko sa highschool ay
nagpahinga nako sa mga activities sa school or di na ako nasali at nakapag moving up kami ng
maayos at masaya ng aking mga kaklase.

Taong 2019 bago tumama ang pandemic ay nag senior high ako sa olivarez collges tagaytay ito din
ang isa sa mga memorable na taon ko dahil dito nagsimula mag trabaho habang nag-aaral
mahirap pero kakayanin dito ko nalaman na mahirap ang buhay at mahirap kumitga ng pera dito
naging school active ulit ako dahil sa maganda environment na meron dito meron ako nakuha
award ulit bronze awardee mataas nadin ito dahil meron ako medal sa kasamaan palad nga lang
pandemic nito kaya online graduation lang nag meron kami. Sympre naging school active din ako
ng Olivarez dahil sa kasama ako sa school organization na acapella na kung saan kami ang mga
newsreporter ng school journalist din ang aking kinuha tagakuha ng balita at tagakalat sa school
maikli at masya ang aking senior high journey kahit tumama na ang pandemic. Ito ngayon ay nasa
college patuloy parin lumalaban sa pagsubok sa atinhg buhay at tinutupad padin ang tagumpay
na makapag tapos sa pagaaral. Mahirap padin makipag sabayan dahil may trabaho din ako
habang nag-aaral mahirap makakuha ng award dahil sa puyat at pagod nawawalan ng oras
minsansa pag-aaral pero pilit nating bumabangon para sa kinabukasan hindi nadin ako makasali
sa mga patimpalak dahil nga sa hirap ng schedule wala oras inaayos ko padin schedule natin
upang mabalance nating ang pagtratrabaho at pag aaral sa kahit ano man ang hamon kaya
kayang natin lagpasan basta my tiyaka at pag sisikap.

Dave Bernales
3BSBA1
FILIPINO 3

You might also like