You are on page 1of 8

Moving Up SPEECH

OF
Ma. Kharla B. Caeg
M y p r o f
OIC-JHS/SHS

college gave our class three cardinal rules for public


speaking: She said, first, you must stand so that the
audience will see you; second, you must speak loudly;
well your school has an efficient sound system; and lastly
my professor said, you must make your speech brief so
that audience will like you. Ladies and Gentlemen, I will
do everything to make you like me by being brief and
straight forward in my message.

To the OIC- Assistant Schools Division


Superintendent, Madam Lynn G. Mendoza, To the
education program supervisor for ALS, Sir Dennis A
Bermoy, to our humble principal, Dr. Danilo L. Leuterio, to
the teaching and non-teaching staff of Parang National
High School beloved parents and Completers. Good
Morning.

To the person who introduced me and the same


person who invited me to speak today one of my most
favorite math teachers- Ang gurong di talaga umaabsent.
Mam Valentina Castro thank you for the kind words. I am
very pleased to be here joining you in celebrating this
momentous occasion. But first of all, congratulations, to
the community of Parang National High School, to the
proud parents and guardians and to the completers.

It has been a journey that started with tentative steps


perhaps. Of course, you have encountered trials and
tribulations along the way but you have also experienced
exceptional moments and created memories that will be
fondly remembered in the years ahead.
I would like to earnestly congratulate you dear
candidates for you are now very close to achieving your
dreams. Today is your time to shine as you have gotten
here through hard work and merit, with the assistance of
the academic community of Parang National High School
and support of your family, friends and loved ones.

Isa sa mga rason kung bakit hindi mabigat sa akin


ang pagpayag sa imbitasyon ng Parang National High
School na harapin ang hamon ng pagbibigay ng
inspirasyon sa araw na ito ay dahil napaka-espesyal ng
parte sa buhay ko ng mga batang magsisipagtapos
ngayon. Ang mga batang nasa harapan ko ngayon ang
pinakaunang batch na naturuan ko. Naalala niyo pa ba
nag Five points ko? Marahil sariwa pa sa inyong mga
alaala ang mga panahon na nahihirapan pa kayo sa
english grammar at sentence construction. Siguro yung
iba hindi pa din makamove on sa mga boardworks ko na
nagpapangatal ng mga tuhod nila habang inisip kung
tatama ba o mali ang isasagot nila. Grade 7 kayo nun
nung ako ay naging Student Teacher niyo sa English.
Napaespesyal ng parte niyo sa puso ko dahil kayo isa sa
mga mahalagang ang dahilan kung bakit ko nakayanan
ang pagiging English Teacher. Pero sa pagkakataong ito
ayaw ko na munang mag english. Hayaan niyo akong
magkwento sa wikang mas higit nating nauunawaan. Alam
kong kayo ang saksi sa mga panahong nagsisimula ako.
Ngayon ay gusto kong ibahagi ang kwento bago ako
taguriang Ma’am Kharla”
Naalala ko nung nasa elementarya pa lamang ako, ranas
ranas ko ang kahirapan ng buhay. Wala kaming sasakyan
na maghahatid sundo sa akin sa paaralan. Sa madali’t
sabi, sa mura kong edad kailangan kong lakarin ang
distansya ng paaralan at tahanan namin na humigit isang
kilometro ang distansya dala ang mabigat na gamit na
may mga libro. Tandang tanda ko pa rin ang sikat na
monggo na may macaroni na nagkakahalagang tatlong
piso na nagsisilbing ulam ko sa pananghalian. Masipag
akong mag aral ang iniisp ko kase ay kailangan kong
magtiyaga upang di ko paulit ulit na maranasan ang
ganung hirap.. Nagtapos ako bilang 2nd honorable mention
sa elementarya.. Masayang masaya noon ang mga
magulang ko naririnig ko kung gaano sila kasaya kapag
ikinikwento nila ako sa mga tao. Mula noon nakaprogram
na sa akin na kapag ginalingan ko sa school ay
napapasaya ko sila. Sa Sekundarya dala dala ko ang
ganung pananaw.. Kailangan kong mag excel sa klase
sapagkat yun ang alam kong makapagpapasaya sa mga
magulang ko.
Samu’t saring mga karanasan ang naranasan ko sa
sekondarya. Pareho pa din nilalakad ko pa din ang
distansya paaralan at tahanan namin. Minsan nga
naranasan ko pa na malate at hindi tanggapin sa first
period class ko. Umiyak din ako nun dahil namissed ko
ang quiz. Hindi ko sinasabing si mam Rivas yun pero
parang ganun na nga. Dahil sa pangyayaring yun
narealize ko na walang balidong rason/dahilan upang
matinag ang batang determinadong makamit ang
pangarap.
Mahirap pa rin talaga ang buhay namin 20 pesos lang ang
baon ko nun kasama na ang pambili ng ulam kaya sikat
na sikat ang Jiampong nung panahon namin. Jiampong
nalang ang kinakain namin kesa bumili ng ulam. Mas
iniisip namin na makaipon para pambili ng gamit sa
proyekto. Mas mahalaga pa sa amin nun ang kumpletong
requirements kesa sa kumpletong meals. Nag-aaral akong
mabuti nun. Sa apat na taong ginugol ko sa sekundarya
hindi sapat saken na makatapos lang. Dito sa Parang
National High School naramdaman ko ang pinakmainam
na paghahanda nila sa amin upang mas maging matibay
sa hamon. Nagtapos ako bilang Batch Salutatorian ng
graduating class 2012. Gaya ng nasabi ko kanina kita ko
nanaman ang ngiti sa at galak sa mga mukha ng mga
magulang ko nun. Napakasaya nila siguro nga isa yun sa
mga pinakamabuting ganti ko sa lahat ng mga sakripisyo
nila upang itaguyod ang aking pag aaral. Kapag nakikita
ko silang masaya, bawing bawi na ako sa lahat ng puyat
at sakripisyo ko sa aking pag aaral.

Mga 7 pitong taon na ang nakakaraan mula nung nilisan


namin ang paaralang ito upang harapin namin ang mas
mahirap na laban sa kolehiyo. Mabigat ang Kolehiyo, una
dahil hindi ko alam kung makatutuloy ba ako sa Kolehiyo
nun, dahil sa mahal ang tuition at matrikula. Hindi ako
natapos sa katotohanang mahirap lang kami. Inisip ko ang
aking pangarap at ginusto kong tindigan ang pangarap na
yun. Nag apply ako sa mga scholarship programs. May
mga ilan na nabigo ako. Marahil madami talaga ang
magagaling. Hanggang sa dumating ang pasukan at
nakaenrol ako ng walang binayaran sapagkat honor
graduate ako sa High School meron kaming entrance
scholarship. Hanggang sa pagdating ng second sem
dumating ang sulat na naqualified ako bilang CHED
scholar. Apat na taon kong naenjoy ang pribilehiyo na
makapag aral ng Libre. Sobrang saya ko nun sapagkat di
nakailangang isipin pa ng mga magulang ko ang
pambayad sa school, baon nalang at yung iba pangmga
gastusin. Libreng edukasyon ang kapalit ay matataas na
grades sa lahat ng subject loads mo. Libreng edukasyon
na ang kapalit ay puyat at pagod. Libreng edukasyon
kapalit ang mga oras ng paglilibang o pamamasyal sa
mga kung saang lugar. Nakapokus ang mundo ko sa pag
aaral sapagkat ang scholarship lang ang tanging daan
upang makapagpatuloy ako sa Kolehiyo. Hinarap ko ang
hamon na yun kahit alam kong sobrang hirap ng
pagdaraanan ko. Sa Kolehiyo. Mararanasan mo ang mag
isang pagharap sa mga hamon. Doon susubukin ang lahat
ng kakayanan mo. Doon kailangan mong magpatunay ng
sarili dahil ang pagkatuto mo ay hindi na responsibilidad
ng mga professor mo.
Hindi ka nila hahabulin sa requirement na namissed mong
ipasa. Wala silang pakialam kung bagsak ka. Mula noon
pinilit kong magperform ng higit sa alam kong kaya kong
gawin. Ayaw ko kasing mawala ang scholarship ko.
Hanggang sa dumating ang mga panahon na kailangan ko
ding maging working student upang makatulong ako sa
pamilya ko. Tuwing Weekdays nagtutor ako ng mga
batang elementary, pagkalabas ko ng paaralan, diretso na
kaagad ako sa bahay ng tutees ko. Kapag weekends
naman sumasideline ako sa paggawa ng lesson plans at
visual aids ng guro ko sa elementarya. Walang araw sa
buong linggo na tumatambay lang ako. Sanay ako sa mga
trabahong nagagamit ko ang aking kakayahan. Umikot sa
ganoon ang buhay ko sa Kolehiyo ang totoo ang pinaka
una kong laptop ay nabili ko mula sa sweldo ko bilang
tutor at bilang tagagawa ng lesson plan at visual aids.

Wala akong oras para sa sarili ko nun ang alam ko lang


kailangan kong mag aral ng mabuti at wala akong
kailangang sayanging oras para sa pangarap kong
Makatapos. Hanggang sa dumating din ang araw ng
pagtatapos ko sa kolehiyo. Sobrang okay na sa akin ang
makatapos lang sa Kolehiyo. Ang mahalaga may isa na sa
pamilya namin ang may degree sa kolehiyo. Alam kong
doon palang tuwang tuwa na ang mga magulang ko. Pero
ang pinakamalaking bonus ng Diyos kapalit ng lahat ng
sakripisyo ko ay makatapos bilang Cum Laude sa
Kursong Bachelor of Secondary Education major in
English. Wala na namang higit na masaya kundi ang mga
magulang ko sa achievement na yun. Makita ko lang yung
galak at tuwang yun, natatapos na ang lahat ng pagod at
sakripisyo ko. Pagkatapos ng graduation nakakapressure
ang expectations ng mga tao saken. Parang required na
kinabukasan ng graduation ko may trabaho na ako.
Pagkagraduate ko di na ako nakapag apply sapagkat may
nag alok na kaagad saken ng trabaho. Totoo pala yung
sinsabi nila na kapag cum laude ka, hindi na ikaw yung
maghahanap ng trabaho, trabaho na ang hahanap sayo.
Naransan ko yun. Days after my graduation hindi ko
naranasan tumamabay I was hired as Secretary to the
Dean of Academic Affairs and instructor in St. Anthony
College Calapan City Inc. Iba ang buhay sa tunay na
trabaho. Isang bagong pagpapatunay ng sarili ang
naranasan ko. Kasabay ang hamon ng board exam na
lalong nagpasaya sa mga mgaulang ko dahil hindi nalang
ako isang Cumlaude na may trabaho, kundi lisensyado na
din.
After a year, I was promoted as Assistant Principal of
Basic Education Department of the same school.
Kinailangan kong ipagpatuloy ang pag aaral ko sa
graduate school upang maging qualified sa position.
Nagmasteral ako sa MinsCAT din. Gaya ng inaasahan
wala na namang libreng araw ang babaeng ito. Weekdays
trabaho, pag weekends naman ay nag mamasters.
Sobrang hirap bumalanse sa demand ng trabaho at pag
aaral pero nagagawan ko naman ng paraan.
On my third year in St Anthony, napromote ulit ako
bilang OIC-Principal of the Basic Education department of
SACCI. Siguro nakita nila kung paano ako nagtatrabaho
para sa institusyon. Madami akong pinagdaanan bago ako
makarating sa kung nasaan man ako ngayon. Tinatawag
pa nila akong sensational principal. Marahil dahil
napakabata ko pa para sa posisyon. Pero ayos lang tuloy
lang ang pagharap. Ang pinkamainam na tingnan ay ang
positibong bahagi ng mga bagay.
At my young age, I am a firm believer that education
should be accessible to people coming from all walks of
life, individuals with life goals, with intelligence, with
passion with perseverance and with persistence. Bata ka
man o matanda, mahirap o mayaman, sa kabila ng
pagkakaiba iba ang kalidad na edukasyon ay para sa
lahat.
This is where I learn to think, solve problem and embark
on life-long learning. In such case, the function of
education is to teach one to think intensively and to think
critically.
As I look out over your faces, dear completers I am so
impressed by the mission of this school to create real
leaders, individuals who are living up to your own
potentials, individuals who are contributory to transform
this world into an awesome and better place to live in.

It is a truism that we may not have the power to


inspire the entire world to strive for success, but we do
have the power to try to achieve it for ourselves. The
future is truly in our hands, so let us make the most of it.

And now, dear completers, the end result of your


determination, in spite the obstacles faced along the way...
is the completers of 2019. You stand here today on the
rock face of the future. It is not a distant reality anymore. It
begins here and it begins today.

May your years ahead continue to be characterized


by empathy, compassion, objectivity and willingness to
take risks. May you always lead by example and work
hard and play straight.

May your successes be many and your tribulations be


few and far between.

I wish you everything that you so richly deserve in the


years ahead - it has been an honor and a privilege seeing
all of you in your milestone!

Thank you for listening, more power and God speed.

You might also like