You are on page 1of 4

EVERYTHING ABOUT HER

Sumulat ng Iskript: Irene Villamor


Direktor: Bb. Joyce Bernal

Gawain 1. Gamit ang mga Elemento ng Pagsusuring Panlipunan. Sagutan ang mga
sumusunod.

Buod:
Vivian Zapanta ay isang matagumpay na negosyanteng tinitingala dahil sa kanyang
tagumpay bilang isang real estate mogul. Ngunit sa tagumpay na kanyang tinatamasa ay kilala
siya bilang matapang, mahigpit at kinatatakutan ng lahat. Nalaman nito na mayroong siyang
malubhang sakit na cancer sa buto stage 3 kaya nagbago ang lahat. Ipinayo ng doktor na
kinakailangan niya ng mag-aalaga sa kanya. Isang private nurse ang kanyang makikilala at
makakasama sa paglaban niya sa sakit na cancer si Jaica na isang determinadong nurse
na kahit minsan ay may pagkataklesa at insensitibo ay pinapahalagahan pa rin ang kanyang
pamilya’t trabaho. Sa una ay hindi niya nakasundo ito ngunit ang nurse ang maggiging paraan
upang si Vivian at ang kanyang anak na si Albert ay magkabati. Tinawagan ni Jaica si Albert,
ang anak ni Vivian, mula sa numerong ibinigay ni Leo na adviser ni Vivian. Pumayag ito sa
kabutihang palad ngunit naging malamig ang pakikitungo ng nito sa ina.
Nang atakihin si Vivian nadatnan ito ni Jaica na namimilipit sa sakit at pinapaalis ang
mga kasambahay nitong nasa kanyang silid. Dumating si Albert at nagtulungan
silang dalawa upang magamot ang ina nito. Dito nalaman ni Vivian na pinaalam no Jaica sa
kanyang anak ang tungkol sakanyang sakit kaya siya ay nagalit dito. Samantala, naawa naman
si Albert sa naging kalagayan ng ina subalit umalis pa rin siya. Hindi niya kayang makitang
nasa ganoong kondisyon si Vivian. Napagpasyahan niyang umalis na dahil hindi
niya kayang maatim ang katotohanang iiwanan na naman siya ng kanyang ina tulad ng
ginawa nitonang bata pa lamang siya.
Pinipilit ni Vian na tawagan ang anak at ng hindi talaga ito sumasagot ay napag-
usapan naman nila ni Jaica ang ginawang pag-amin ni nito ng sakit sa kanyang anak. Gayun pa
man, nagpaliwanag si Jaica na kaya niya ito nagawa ay dahil sa tingin nito’y ‘yun
ang makakatulong kay Vivian. Nabaling ang usapan sa usaping pamilya at nalaman
ni Vivian na tulad ni Albert ay lumayo din ang ina ni Jaica, nai niwan sila upang
magtrabaho, hindi upang maging nanay nila. Sa huli’y hindi nagawang tanggalin ni
Vivian sa serbisyo si Jaica. Kinabukasan, at pinaalam niya sa lahat ang tungkol sa sakit
niya.
Bumalik si Albert sa tulong ng pangungumbinsi ni Jaica at sinumbatan niya
ang kanyang ina sa pagpili nito sa trabaho kaysa sa kanya. Pinakiusapan niya ang kanyang ina
na huwag siya nitong iwanan ulit. Nagkaroon ng bagong pag-asa ang mag-inang Vivian at
Albert na magkaayos.
Sa kabilang banda naman ay natutunan ding patawarin ni Jaica ang ina na nawalay sa
kanya ng mahabang panahon dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa tulong ng payo ni
Vvian. Ngunit ipinaalam ng doktor na malala na ang sakit ni Vivian, na hindi na ito kayang
lunasan ng kahit na anong gamot at isang buwan nalang ang itatagal ng buhay ni Vivian.
Sa huli ay nagkaroon ng selebrasyon, ipinakilala ni Jaica ang kanyang
buong pamilya kina Albert at Vivian. Nagbigay ng isang nakakaiyak ngunit
nakakalakas ng loob na mensahe sa lahat ng mga dumalo. Hiningi rin ni Albert ang permiso ng
kanyang ina at maging sa ama ni Jaica na ligawan si Jaica. Pumayag naman ang mga ito kaya
isinayaw niya ang dalaga. Nagtapos ang kwento sa pagpapakita ng mga larawang sina Jaica at
Albert ay ikinasal sa isa’t isa at nagkaroon ng supling at natupad din nila ang pangarap ni Vivian
na makapagpatayo ng tirahan para sa mga tao lalo na sa para sa mga mahihirap.
Direksyon:
Talaga namang napakahusay ng pagdidirehe sa buong pelikula Direk Joyce para sa
Star Cinema produce. Bawat eksena, bago magtapos ay siniguro na magkaroon ng pantapos
na pahayag na kung hindi nakakatawa ay nakakaiyak. Hindi maiiwasang mapangiti o di kaya ay
tumawa sa nakakatwang eksena at kung nakakaiyak naman ang eksena ay maganda ang mga
binibitawang pahayag ng bawat tauhan, na siyang dahilan ng pagkadurog ng puso ng mga
manood nito. Mahusay din ang pagsusulat ng iskrip ni Irene Villamor. Hindi siya takot na
gumamit ng mga salitang hindi angkop sa mga batang tagapanood. Yaon din naman ay akma
sa mga tauhang gumamit nito. Mahusay din ang pagka tagni-tagni ng mga pangyayari sa
pelikula. Walang nangyari na di magkaugnay sa pelikula
Maayos ang din talaga ang pagkakagawa at pinagbutihan nila ito sa bawat shots at
lugar na ginanapan at maging sa mga kinuhang gaganap. Bilang isang director nagawa ni Bb.
Joyce na ilabas ang galling ng bawat tauhan niya sa pelikula nang hindi sila nagsasapawan.
Pinakita ni Vilma Santos na isa talaga siyang napakagaling na artista, na gampanan niya ng
mabuti ang kanyang role. Damang-dama mo talaga kung paano niya ito ginanampanan. Hindi
inaasahan ang paggaling ni Xian Lim sa pag-arte pero dito sa pelikula na ito nakita mo kung
paano niya dinala ang kanyang papel sa pelikula. Si Angel Locsin naman humanga ako sa
galing niya kung paano niya ginampanan ang pagiging isang nurse pinakita niya kung gaano
ang pagtitiis at paghihirap ng mga nurse para alagaan ang kanilang pasyente.
Hindi nakapagtatakang marami ang tumangkilik ng pelikula. Madaming pinaiyak na mga
manunuod ng pelikula na ito at madami kang matututunan katulad nalang ng pagpapahalaga sa
pamilya na kahit anong mangyari ang pamilya ang nandyan para sayo.

Sinematograpiya:
Mapapansin na ang halos lahat ng eksena sa pelikula ay maliwanag na nag-
complement sa krakter at tema ng pelikula. Mapapansin din sa bawat malulungkot na eksena
ay dinidiliman nila ang lighting. Magaganda rin ang mga shots at hindi masakit sa mata.
Masasabing mahusay talaga ang sinematograpiya ng pelikulang ito sapagkat maayos ang mga
anggulo ng kamera at ang paggamit ng ilaw. Hindi magalaw ang kamera kung kaya't maayos
ang labas nito sa pelikula. Maganda rin ang kuha sa mga lokasyon na kanilang ginamit, bilang
manonood makikita at mapapansin agad ang mgs lokasyon sa pelikula na siyang
nagpapatingkad at nagpapaganda rin dito. Katulad na lamang nang sumakay sila sa chopper
papuntang Tagaytay, naipakita talaga ang kagandahan ng lugar mula sa taas.

Pagganap ng mga artista:

 Dra. Vivian Rabaya (Vilma Santos) – siya ay isang matagumpay na real estate
mogul. Nagkaroon siya ng multiple myeloma, isang uri ng kanser sa buto, kaya
napilitang bumalik sa Pilipinas ang kanyang anak. Magaling na magaling talagang
umakto si Vivian. Akmang-akma sa kanya ang papel na ito. Iba ang napanood ko kay
Vilma, para sa akin ay magaan lang angkanyang pag-arte subalit nanonoot sa mga
tagapanood.

 Jaica Domingo (Angel Locsin) – isa siyang mapagmahal na anak at kapatid.


Panganay siya sa apat na magkakapatid. Siya ay isang magaling na nurse kaya siya
ang naging personal nurse ni Dra. Rabaya. Bagay kay Angel ang kanyang
papel. Kapagginagamot niya si Vilma o di kaya’y yaong pasyenteng nirevivenila ay
mistulang tunay nga siyang nurse.
 Albert Mitra (Xian Lim) – ang anak ni Dra. Rabaya na matagal na nawalaysa kanya.
Malamig ang kanyang pakikitungo sa kanyang ina dahil sa ginawa nitong pang-
iiwan subalit sa kalauna’y natuto siyang patawarin ito. Magaling ang kanyang pag-
arte, nagampananniya ng maayos ang kanyang papel. Dalang-dala ako sa
bawatkilos niya lalo na nang sumbatan niya ang kanyang ina sa pang-iiwan nito sa
kanya habang humahagulgol.

 Leo (Michael de Mesa) – siya ang laging nagbibigay payo kay Vivian tungkol sa
mga bagay-bagay sa buhay nito. Naipakita nang maayos ni de Mesa ang katauhan ni
Leo.

 Dr. Raymond (Bart Guingona) – ang doktor ni Vivian. Siya ang nagmungkahi kay
Vivian tungkol kay Jaica. Maayos ang kanyang pag-arte bilang doktor ni Vivian.

 Jewey (Devon Seron), Jared (Khalil Ramos) at Jewel (Alexa Ilaca) – mga
nakababatang kapatid ni Jaica na puro kasosyalan ang nasa isip. Magaling sila.
Maayos ang kanilang pagganap bilang kapatid ni Angel sa pelikulang ito.

 Nanay nina Jaica (Shamaine Buencamino) – ang ina nina Jaica na iniwan sila kapalit
ng trabaho sa ibang bansa. Kahit isang eksena lang ang mayroonsiya sa pelikula,
kapansin-pansing hindi kumukupas ang kagalingan ni Shamaine sa pag-arte.

 Emil (Nonie Buencamino) – ang ama ni Jaica. Maayos ang pagkakapakilala sa kanya
at maging ang kanyang pag-arte.

 Dr. Raymond (Bart Guingona) – ang doktor ni Vivian at nagrekomenda kay Jaica
sakanya.

 Boy (Buboy Villar) – pinsan na tagapagbantay ng aso ng pamilya ni Jaica.

Paglapat ng tunog:

Ang mga musika ni Carmina Robles-Cuya at tunog na inilapat at ginamit ay maganda,


maayos, malinaw , nagbigay linaw sa mga pangyayari, at nagbigay daloy sa nararamdaman ng
mga senaryo at tema ng pelikula. Hindi magulo ang editing, maayos ang pagpapasok ng mga
musika sa bawat eksena, ang lunan at panahon ay angkop at ang mensahe nagustong ipahatid
ng pelikula ay talaga namang malinaw. Katulad na lamang noong ipinatugtog ang kantang
“Something I need” na may masayang tempo, isinisimbolo nito ang pagkakaroon ng taong
makakasama sa kabila ng bigat ng mga pangyayari sa buhay natin.
Gawain 2. Panoorin ang EVERYTHING ABOUT HER. Gamit ang Teoryang Feminista, sagutan
ang mga sumusunod.

1. Paano naipapakita ang pagganap ng babae sa pelikula? Bilang isang “istiryotayp”


(stereotype) o bilang isang indibidwal (individual)?

Ipinakita na kaya ng isang babaeng mamuno ng isang kompanya ngunit kapalit


nito ang pagiging ina n’ya sa kanyang anak, at maging isa sa pinakamahuhusay na
nurse sa isang hospital habang sinusuportahan at nagpapakaina sa mga kapatid. Ang
ginawang pagganap ni Vilma Santos bilang isang babaeng CEO ng isang kilalang real
estate company ay nagpapakita ng isang pagiging indibidwal sapagkat naipakita n’ya na
basta may pursigi maabot ang tagumpay, wala ito sa kasarian kundi nasa kakayahan.
Ang ginampanan naman ni Angel Locsin ay nagpapakita rin ng isang pagiging
indibidwal. Bilang isang panganay s’ya na ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid
habang OFW naman ang ina.

2. Magbigay ng bahagi ng pelikula kung paano ipinaliwanag o ipinahiwatig ang punto e


vista ng babae sa pelikula.

Sa pamamagitan ng mahusay na pagsulat ng iskript ay naipahiwatig ng maayos


ang punto at pananaw ng mga kababaihan sa pelikula. Gumamit ng maayos na
pagbibigay ng mga linya sa bawat karakter na dahilan ng magandang pagpapakita ng
pagiging magkaiba ng dalawang babaeng gumanap sa pelikula. Base rin sa
sinematograpiya ng pelikula, naipaliwanag ang pagiging magkaiba ng dalawang
pangunahing karakter. May mga shots na nagpapakita sa pagiging taklesa at brusko,
ang isa naman ay nagpapakita ng pagiging elegante at strikto.

3. Magsulat ng krtisismo gamit ang teoryang Feminismo.

Pumaibabaw sa pelikulang ito ang feminismo dahil umikot ito sa kahinaan at


kalakasan ng isang babae. Ipinakita rito na hindi kaya ni Vivian na pagsabayin ang
pagiging ina sa kanyang anak at ang kanyang trabaho. Gayun pa man, ipinakita rin
naman ang lakas ng isang babae na kaya nitong mamuno at magpatakbo ng isang kilala
at matagumapay na kompanya. Ang isa naman ay mahusay sa kanyang propesyon at
siya ay puno ng pag-asa kahit na mahirap ang buhay bilang isang nurse ngunit kinakaya
para sa pamilya lalo na at s’ya ang panganay. Ang pagganap nila sa kanilang mga
karakter ay tunay na nakakaantig ng damdamin at makaka-relate ang mga manonood.

You might also like