You are on page 1of 13

Learning Area Filipino 7

Learning Delivery Modality Face to face

Paaralan Pamantasan ng Cabuyao Baitang 7

LESSON Guro Jasper M. Reyes Asignatura Filipino
EXEMPLAR Petsa Ika-4 ng Abril, 2023 Markahan Unang Markahan
Oras 1:00-2:00 Bilang ng Araw 2

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Mindanao
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang
proyektong panturismo
C.Pinakamahalagang Kasanayan F7PB-If-g-4
sa Pagkatuto (MELC) (Kung Naiisa-isa ang mga elemento ng maikling kuwento mula
mayroon,isulat ang pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o MELC sa Mindanao
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)

E. Mga Tiyak na Layunin

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ng mag-aaral ang mga elemento ng
maikling kwento mula sa Mindanao
b. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-
unawa sa nabasang maikling kwento
c. Natutukoy ang kahalagahan ng bawat elemento sa
maikling kwento ng Mindanao
d. Napagkakasunod-sunod ang bawat elemento sa
nabasang Maikling Kwento ng Mindanao.
II.NILALAMAN - Kahulugan, Uri, Ugat, Sangkap, Bahagi, at katangian ng
Maikling Kwento at mga halimbawa nito.
III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro K-12 Basic Education Curriculum Guide (Filipino) pahina 141
PIVOT LEARNER’S MATERIAL FILIPINO 7

b.Mga Pahina sa Kagamitang

Pangmag-aaral
PIVOT LEARNER’S MATERIAL FILIPINO 7 pahina 45-46
c.Mga Pahina sa Teksbuk

d.Karagdagang Kagamitan mula sa https://www.scribd.com/document/484895802/Filipino-Grade-7-

Portal ng Learning Resource Modules-6
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo Powerpoint Presentation, Laptop, Marker, Illustration
para sa mga Gawain sa Board, Reflection Board
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV.PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN:
A. Panimula
● Panalangin.
● Pagtiyak na malinis at maayos ang kapaligiran ng mga
mag-aaral.
● Pagtatala ng mga dumalo at lumiban sa klase.

BALIK-ARAL
Gabay na Tanong:
1. Patungkol saan ang naging paksain noong
nakaraang talakayan?
2. Bakit kailangan pag-aralan ang Maikling kwento na
nagmula sa Mindanao?
PAGGANYAK
HULAAN MO AKO!
Panuto: Hahatiin ng guro sa apat na grupo ang buong
klase at paghihiwa-hiwalayin batay sa alphabetical
order ng kanilang apilyedo. Papapuntahin ito sa
bandang likuran ng silid-aralan at kapag nagsimula na
ay ipapakita ng Guro ang naka jumbled letters na
konektado sa salitang hinahanap na maaari rin maging
konektado sa tatalakayin. Kapag nahulaan ang
pinapahula ng guro ay magpapaunahan ang bawat
pangkat sa pagsulat sa pisara upang isulat ang
kanilang magiging sagot.

1. UNANG SALITA: OMAINNDA

SAGOT: Mindanao

2. PANGALAWANG SALITA: TSNULA

SAGOT: Sultan

3. PANGATLONG SALITA: GMIANLIK OKETWN

SAGOT: Maikling Kwento

4. PANG-APAT NA SALITA: WLHAA

SAGOT: Hawla

5. PANG-LIMANG SALITA: IPDNAOLK

SAGOT: Pilandok

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa gawain na ating
isinagawa?
Batay sa isinagawang gawain iyo bang natanto kung ano ang
magiging talakayang ngayong araw?
B. Pagpapaunlad

Pagtatalakay: Power Presentation:

Ano ang Maikling Kwento?
- Ang maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan
na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-akda. Ito
ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling
karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan
ng bumabasa o nakikinig. Ito ay maikli lamang at
matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan
lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari
ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-sunod
nito.
- Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari
mong tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o
kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para
matapos.

UGAT NG MAIKLING KUWENTO

Mitolohiya - Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang diyos na
pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo.Ang salaysay na ito
ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa kanilang mga
pananalig at paniniwala sa mga anito.
Alamat - Isinasalaysay ng kuwentong ito ang pinagmulan ng
isang bagay, pook, pangyayari at iba pa. Pinalulutang din dito
ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay.
Pabula - Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga
hayop bilang mga tauhan. Bagama’t kathang-isip lamang ang
kuwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay
naghahatid pa rin ng mahahalagang mensahe at aral ng buhay.
Parabula - Ito’y salaysay na hango sa Bibliya. Lumulutang dito
ang moral at ispiritwal na pamumuhay ng mga tao at ang
paglalahad ay patalinghaga.
Kuwentong Bayan - Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-
uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin at kultura ng isang lipi.
Inilalahad din dito ang mga suliraning hinarap ng tribu na siyang
mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.
Anekdota - Ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-
tawa at ang mga pangyayari’y kapupulutan ng mga aral sa
buhay.

Mga Uri ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay may mga sumusunod na uri:

1. Kuwentong Nagsasalaysay - masaklaw, timbang na
timbang ang mga bahagi, maluwag at hindi apurahan
ang paglalahad.
2. Kuwentong Tauhan- binibigayng diin nito ang tauhan
ng mga tauhang gumagalaw sa kuwento.
3. Kuwentong Katutubong Kulay - binibigyang diin nito
ang tagpuan at kapaligiran ng isang pook. Masusing
inilalarawan ang mga tao sa isang pook, pamumuhay
nila, ang kanilang mga kaugalian at gawi na napapaloob
sa kuwento.
4. Kuwentong Sikolohiko - nilalarawang mabuti nito ang
mga tauhan sa isipan ng mga mambabasa upang
maipadama ang damdamin at nararanasan ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari o sitawasyon.
5. Kuwentong Talino - mahusay ang pagkakabuo ng
balangkas nito. Kailangang lumikha ang may akda ng
makasuliraning kalagayan upang mamahay sa pag-
aalinlangan hanggang ang takdang oras ay sumapit ang
paglalahad ng kalutasan
6. Kuwento ng Katatawanan- ang takbo ng pangyayari ay
may kabagalan at may mangilan-ngilang paglihis sa
balangkas at galaw ng mga pangyayari.
7. Kuwento ng Katatakutan - pinupukaw nito ang
kawilihan ng mambabasa sa halip na ang kilos sa
kuwento. Binibigyang diin ang mga simulaing kaisahan
at bias.
8. Kuwento ng kababalaghan - binibigyang diin nito amg
mga bagay na kapana-panabik, hindi kapani-paniwala at
salungat sa hustong bait, kaisipan at karanasan ng tao.
Kataka-taka ang mga pangyayari subalit magbibigay ito
ng kasiyahan sa mambabasa.
9. Kuwento ng Madulang Pangyayari - ang mga pang-
yayari ay kapansin-pansin, lubahang mahalaga,
nagbunga ng isang bigla at kakaibang pagbabago sa
kapalaran ng mga tauhan.
10. Kuwento ng Pakikipagsapalarang Maromansa - nasa
balangkas ang kawilihan sa halip na sa mga tauhan ang
kawilihan, sa mga kawil ng mga pangyayari ang siyang
bumabalot sa pangunahing tauhan.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento

Ang maikling kuwento ay may limang bahagi:

 Panimula - nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala
ang mgatauhan, pook at panahon ng kuwento sa
mambabasa.
 Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula tungo
sa suliraning inihahanap ng lunas.
 Suliranin - ang mga suliranin ay kinakailangang
magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat
ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.
 Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng
pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga
pangyayari.
 Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng pagkakataon
ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento
atmagkkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang
pag-iisip.

Mga katangian ng Maikling Kuwento, ayon kay G.

Alejandro G. Abadilla
- May paksang diwa
- May banghay
- May paningin
- May himig
- May salitaan o diyalogo
- May kapananabikan
- May galaw
- May patunggali
- May kakalasan
- May suliranin
- May Kasukdulan
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento Mula sa Mindanao
Narito ang ilang kwentong bayan na siya ring mga maikling
kwento mula sa Mindanao:

1. Ang Perlas sa Mindanao

2. Ang Bundok Pinto
3. Naging Sultan si Pilandok
4. Ang Mahiwagang Tandang
5. Reynang Matapat
6. Ang Kuwento ni Solampid
7. Ang Munting Ibon ng Maranao
8. Pinagmulan ng Guimad
NAGING SULTAN SI PILANDOK (KWENTO MULA SA
MARANAW)
Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa
mga Maranaw – si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong
sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang
Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang
harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan.
Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na
ginintuang tabak.” Hindi ba’t itinapon ka na sa dagat?”
nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. “Siya pong tunay,
mahal na Sultan,” ang magalang na tugon ni Pilandok.
“Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang
magara? Dapat ay patay ka na ngayon,” ang wika ng
Sultan.”Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita
ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako’y
sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan.
Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang
masagana sa lahat ng bagay?” ang paliwanag ni Pilandok.
“Marahil ay nasisiraan ka ng bait,” ang sabi ng ayaw
maniwalang Sultan. “Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa
ilalim ng dagat. “Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako
ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na
ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap
ninyo,” ang paliwanag ni Pilandok. “May kaharian po sa ilalim
ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang
pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat.

Ako po’y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga

kamag-anak.” Umakmang aalis na si Pilandok.”Hintay,” sansala
ng Sultan kay Pilandok. “Isama mo ako at nais kong makita ang
aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko
pang kamag-anak.”Tatawagin na sana ng sultan ang mga
kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang
dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang
pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla.
“Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo
ako sa gitna ng dagat,” ang sabi ng Sultan. “Sino po ang
mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?” ang tanong ni
Pilandok.”Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa
inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang
magtungo rin doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at
nakangiting nagwika, “Gagawin kitang pansamantalang Sultan,
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw
ang pansamantalang hahalili sa akin.” “Hintay, mahal na
Sultan,” ang pigil ni Pilandok. “Hindi po ito dapat mlaman ng
inyong mga ministro.””Ano ang nararapat kong gawin?” ang
usisa ng Sultan. “Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta’t
ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at
espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin
nila ako,” ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan.
Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang
bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang
kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at
namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging
Sultan.
C. Pakikipagpalihan Gawain 1: Matapos Mabasa nang maigi ang Maikling kwento
Naging Sultan si Pilandok ay itala rito ang pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa pamamagitan ng “Story Mountain
Chart”

KASUKDULAN

PATAAS NA AKSYON PABABANG AKSYON

PANIMULA WAKAS

Gawain 2: PANGKATANG GAWAIN

Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat at babasahin

ang Maikling Kwento na napunta sa kanilang grupo sa
pamamagitan ng pag scan ng QR Code sa ibaba ng panuto.
At gamit ang MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO ay
isulat ang bawat parte base sa hinahangad at pagkakasunod-
sunod ng bahagi. Pagkatapos nito’y ng bawat pangkat ang
isinagawang pangkatan sa harap ng klase.

PANGKAT ISA: Ang Kwento ni Solampid

PANGKAT DALAWA: Reynang Matapat

PANGKAT TATLO: Ang Munting Ibon

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

1. Panimula
2. Saglit na Kasiglahan
3. Suliranin
4. Kasukdulan
5. Kakalasan o Wakas

Ang Kuwento ni Solampid

Noong unang panahon, may mag-asawang datu at ba’i sa
Agamaniyog na may isang anak na babae na nagngangalang
Solampid. Pinag-aral siya sa isang paaralan sa Antara a Langit
na matatagpuan sa pagitan ng langit at lupa. Ipinadala siya
upang mag-aral ng Banal na Qu’ran, hanggang sa umako
siyang napakagandang dalaga. Naging guro niya si Somesen
sa
Alongan. Hingi nagtagal, nagkasakit ang datu ng Agamaniyog.
Malubha ang sakit nito at ipinaalam kay ni Solampid.
Umuwi si Solampid at pinuntahan ang kanyang ama.
“Oh ama, ano ang nangyari sa’yo?” ang nag-aalalang tanong
ng dalaga. Sumagot sa kanya ang ama, “Mahal kong anak,
malapit na yata akong mawala sa mundong ito. Gusto kong
basahin mo sa akin ang Qu’ran bago ako mamatay at
huwag mong kalilimutang mag-abuloy sa mga mahihirap o
magbigay ng ‘sadaka’ sa aking pangalan.”
“Oo, ama, ikinagagalak ko pong gawin lahat ng kahilingan mo,”
ang sagot ni Solampid. Umupo siya sa tabi ng amang
maysakit at sinimulan niya ang pag-awit ng bawat bersikulo ng
Qu’ran. Nang marinig ang kanyang boses, tumigil ang ihip
ng hangin at ang mga dahon ay tumigil sa paggalaw. Pati na rin
ang mga ibon ay tumigil sa paglipad upang makinig sa pag-
awit ni Solampid. Pagkatapos na mabasa niya ang Qu’ran,
namatay ang kanyang ama.
Tumangis nang malakas ang dalaga, “Nanalangin ang lahat sa
kaisa-isa nating Panginoon! Oh ama, bakit mo kami iniwan sa
mundong ito?” Umiiyak si Solampid patungo sa kanyang ina at
niyakap ito. Umiiyak din ang lahat ng nasa bahay.
Inihanda ang datu para sa kanyang libing. Pagkatapos ng
pagdadasal, inilibing ang datu sa Agamaniyog. Sumunod
naman
ang pang-araw-araw na dasal at pagkatapos, bumalik na si
Solampid sa Antara a Langit.
Pagkatapos ng ikasandaang araw mula nang mamatay ang
ama ni Solampid, bumalik na siya para sa isang kaugaling
sinusunod ng kanyang ama. Tinulungan ni Solampid ang
kanyang ina sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita.
Nang
mga oras na iyon, nanonood sa kanya ang kanyang guro na si
Somesen sa Alongan at inihulog niya ang isang sulat na may
larawan niya para kay Solampid. Sinadya niyang ihulog ang
mga ito sa harap ni Solampid. Kinuha ng ba’ing Agamaniyog
ang sulat na may larawan. Pumasok kagaad ito sa kanyang
silid at itinago ang sulat. Bago niya itinago, tiningnan muna niya
ang larawan ni Somesen sa Alongan at humanga siya sa
kagandahang lalaki nito.
Abala naman si Solampid sa paghahanda ng pagkain para sa
mga bisita at pagkatapos ay pinakain niya ang lahat ng mga
naroroon. Para sa alaala ng kanyang ama ang paghahandang
ito. Pagkatapos ng lahat, pumunta na si Solampid sa “lamin”,
ang tore ng prinsesa upang matulog. Nanaginip siya na may
isang matandang lalaki na pumunta sa kanya at nagsabing,
“Solampid, hindi mo ba alam na si Somesen ay naghulog ng
sulat at larawan para sa iyo ngunit kinuha ng inyong ina at
doon itinago sa kanyang kahon? Gumising ka at buksan mo
ang kahon at kunin mo ang sulat.” Gumising si
Solampid at sinunod ang sinabi ng matanda. At natagpuan niya
doon ang sulat at larawan. Binasa niya ang sulat. Para sa ina
ni Solampid ang sulat at nagsasabing umiibig si Somesen sa
Alongan kay Solampid at gusto rin niyang pakasalan ito.
Sinunog ni Solampid ang sulat. Kinuha niya ang larawan at dali-
dali siyang umalis ng bahay. Nang dumating ang kanyang
ina, kaagad namalayan niyang bukas ang kanyang kahon.
Nalaman niyang wala na ang larawan at sulat. Alam din niya na
walang ibang magbubukas ng kahon maliban sa kanyang anak.
Pumunta siya sa “lamin” ngunit wala na si Solampid.
Bumaba siya at nakita niya itong papalayo na sa “torongan”.
Galit na galit ang ina ni Solampid. Kumuha ito ng kutsilyo at
nagbalak na patayin si Solampid. Muntik na niyang maabutan
ito ngunit tumalon ito sa ilog. Lumangoy siya hanggang sa
makarating sa kabilang dako ng ilog. Lumakad siya nang
lumakad hanggang sa makarating siya sa isang bahay na may
dalawang matanda. Bingi ang isang matanda at bulag naman
ang isa. Pumasok kaagad si Solampid sa bahay at nagtago.
Dali-dali niyang isinara ang pinto. Maya-maya, dumating ang
kanyang ina, hinanap si Solampid doon ngunit nabigo siya.
Hindi niya nakita si Solampid kaya bumalik siya sa kanilang
bahay.
Pagkaraan ng ilang araw, may tatlong magkakapatid na
binatang dumating sa bahay na pinagtataguan ni Solampid.
Nagtago
si Solampid sa silid ngunit nakita rin siya. Nakinig ang
magkakapatid sa kanyang kuwento at napagkasunduan nilang
ituring
siya na kanilang sariling kapatid. Dahil sa natuklasan din nilang
may maganda itong boses, pinakiusapan ang kanila gurong
si Rajah Indarapatra na tanggapin si Solampid na isa sa
kanilang mga mag-aaral. Hindi nagtagal umibig si Rajah
Indarapatra
kay Solampid at pinakasalan ito.

D. Paglalapat A. Paglalapat sa pang-araw-araw na buhay:

Bilang mag-aaral paano mo mapagyayaman at maipapakita sa

ibang mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa ng
Maikling Kwento lalong lalo na sa mga kwento ng Mindanao?

B. Pangwakas na Pagtataya:

Panuto: Basahin muli ang Maikling Kwento ng Naging Sultan

si Pilandok at bilang gawain, gumawa ka ng Spoken Poetry
patungkol sa nabasang Maikling Kwento at ibahagi ito sa klase
sa susunod na talakayan. Sundin ang rubrics na nasa ibaba.

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS MARKA

Nilalaman Maayos na 5
pagkakabuo ng
Ideya
Kaangkupan ng May Kaugnayan
Ideya sa Maikling 5
Kwento na
nabasa sa
binuong ideya
Presentasyon Maayos ang 5
paglalahad ng
sariling konsepto.
KABUUHAN
V. PAGNINILAY Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Gawin ang gawain na ito sa
REFLECTIVE BOARD.
Bilang isang mag-aaral mabibigyang halaga ko ang mga
Maikling Kwento mula sa Mindanao bilang kabahagi rin
ng akdang pampanitikang Pilipino sa pamamagitan ng
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
REFLECTIVE APPROACH
Inihanda ni:

Jasper M. Reyes
BSED MAJOR IN FILIPINO
Petsa:

Ipinasa kay:

DR. JONATHAN MARQUEZ

Professor

You might also like