You are on page 1of 10

Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Aralin 3
Pangngalan: Kahulugan, Uri, at Kayarian

Talaan ng Nilalaman

Pangunahing Layunin 2
Tiyak na Layunin 2
Unang Kakailanganing Aralin 2
Paksang Aralin 3
Paksa 3
Kagamitan 3
Sanggunian 3
Takdang Oras 3
Pamamaraan 3
Panimulang Gawain 3
Springboard 3
Pagganyak 4
Mahahalagang Tanong 4
Pagtatalakay 4
Gawain 4
Pagsusuri 5
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 6
Paglalapat 8
Pangwakas na Gawain 8
Pagpapahalaga 8
Paglalahat 8
Pagtatasa 9
Kasunduan 10

1
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Yunit 1 | Ang Mabuting Kaibigan


Aralin 3: Pangngalan: Kahulugan, Uri, at
Kayarian

Pangunahing Layunin
Batay sa gabay pangkurikulum ng Department of Education (DepEd), ang mga mag-aaral ay
inaasahang nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol
sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid. (F5PT-Ia-b-1.14)

Tiyak na Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: (Slide 2)
● nakikilala ang pangngalan sa loob ng pangungusap;
● natutukoy ang uri at kayarian ng pangngalang ginamit sa pangungusap; at
● nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbabahagi ng sarili at mga
karanasan.

Unang Kakailanganing Aralin


Mahalagang natamo na ng mga mag-aaral ang mga kasanayan buhat sa mga naunang
aralin.

Mga Kasanayan:
● nababasa ang tula sa paraang nauunawaan ang mensahe
● nasusuri ang nilalaman ng mga akdang nababasa o napakikinggan
● nabibigkas nang matatas ang tula nang may wastong tono, diin, antala, at
damdamin
● naipamamalas ang mga kasanayang kinakailangan sa pagbibigay-kahulugan ng
salita ayon sa gamit nito sa pahayag

Mga Paksa:
● Baitang 5, Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan - Aralin 1: Tamang Tono, Diin, Antala, at
Damdamin
● Baitang 5, Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan - Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Ayon sa
Gamit
● Baitang 5, Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan - Aralin 3: Pangngalan: Kahulugan, Uri, at
Kayarian

2
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Paksang Aralin
A. Paksa
Pangngalan: Kahulugan, Uri, at Kayarian

B. Kagamitan
● laptop
● projector
● presentation slides na kaugnay ng aralin
● kahon at labinlimang ginupit na mga larawan para sa palaro
● mga gagamiting talahanayan

C. Sanggunian
Filipino 5, Yunit 1: Ang mabuting kaibigan. Aralin 3: Pangngalan: Kahulugan,
Uri, at Kayarian. Quipper Study Guide. 2018.

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Springboard : 3 - 5 minuto
1. Hatiin sa limang pangkat ang klase. Takdaan ang bawat pangkat ng
kategoryang kabibilangan nila; ang mga kategorya ay tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari.
(Dapat na may nakahanda nang kahon ng mga larawan ang guro; bulak, baso,
gunting, simbahan, eskuwelahan, sementeryo, lola, sanggol, binata, pusa, rabbit,
kalabaw, namamalengkeng ale, nag-uulat na mamamahayag, at tumatawid na
dalaga sa kalsada.)
2. Bubunot ang bawat pangkat ng tigtatatlong larawan sa isang nakasaradong
kahon. Ikategorya ang mga larawan sa pamamagitan ng pagdikit sa ilalim ng
hanay ng wastong kinabibilangan nito.

3
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Talahanayan: (Slide 3)
TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

3. Itanong:
● Ano ang iyong napuna sa isinagawang pagbikas sa tula?
● Sa iyong palagay, nakuha mo ba ang damdamin at kaisipang nais
iparating ng tula?
● Nakatulong ba ang naging pamamaraan ng guro sa pagbigkas upang
iyong maunawaan ang tula? Paano?

Pagganyak : 3 - 5 minuto
Ipagawa: (Slide 4)
Gamit pa rin ang parehong talahanayang sinagutan ng buong klase, pumili ng
tig-iisang larawan sa bawat kategorya. Gawan ng angkop na pangungusap
ang limang mapipili.

Mahahalagang Tanong
1. Itanong: (Slide 5)
● Ano ang pangngalan?
● Ano-ano ang uri at kayarian ng pangngalan?
● Paano ginagamit nang wasto ang pangngalan sa loob ng
pangungusap?
● Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng pangngalan sa
pakikipagtalastasan?
2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin
pagkatapos ng talakayan.

4
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

B. Pagtatalakay
Gawain: 5 - 7 minuto
Opsiyon 1: PangNGALANan Mo Ako! (Slide 6)
Takdang Oras: 1 - 3 minuto
1. Pahanayin nang pabilog ang mga mag-aaral sa gitna ng silid. Pabilangin ang
mga mag-aaral ng isa hanggang sa dulong numero para sa pinakahuling
kalahok. Ang lahat ng nasa numerong butal (odd number) ang nasa uri ng
pangngalang pambalana, habang ang lahat ng nasa numerong buo (even
number) ang pangkat ng pangngalang pantangi.
2. Tagubilin ng laro:
● Mag-uumpisa sa kalahok 1, magbibigay siya ng katagang pangngalang
nasa uring pambalana, (Halimbawa: kaibigan).
● Kinakailangang makapagbigay ng pangngalang pantangi ang kalahok
2 na ayon sa pangngalang pambalanang ibinigay ng kalahok 1.
● Sa tuwing matatapos ang ikot ng laro, muling magbibilang ang mga
mag-aaral ng isa hanggang huling numero para sa natitirang kalahok.
Uulitin lamang ang daloy ng laro.

Opsiyon 2: Yari ng Pangngalan (Slide 7)


Takdang Oras: 1- 4 minuto
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
2. Atasan ang bawat pangkat na makabuo ng isang talatang naglalaman ng mga
pangngalang nasa kayariang payak, maylapi, inuulit, at tambalan.
3. Salungguhitan ang mga pangngalang ginamit sa loob ng talata.
4. Kinakailangang mayroong buong diwang ipinahahayag ang talata, at hindi
basta lamang pinagsama-samang pangunugusap.
5. Ang unang grupong makabuo ng talata ang siyang hihiranging panalo.
Gayunpaman, kailangang pumasa muna sa pagsang-ayon ng guro ang
nilalaman ng talata – kung ito ba ay buo at maayos o hindi.

Pagsusuri
Para sa Gawain Opsiyon 1: Malayang Talakayan (slide 8)
Itanong:
1. Para sa inyo, ano ang mas naging madaling tukuyin — ang
pangngalang pantangi o ang pambalana? Malayang sagot.
2. Aling bahagi ng gawain ang nagdulot ng kalituhan para makatugon sa
hinihinging uri ng pangngalan? Malayang sagot.
3. Anong teknik ang inyong ginamit o natuklasan para matumbasan ng
angkop na pangngalan at makatugon sa gawain? Malayang sagot.

5
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Para sa Gawain Opsiyon 2: Malayang Talakayan (Slide 9)


Itanong:
1. Ano ang apat na kayarian ng pangngalang ginamit sa isinagawang
gawain? Ang kayarian ng pangngalan ay payak, maylapi, inuulit, at
tambalan.
2. Gaano kahalaga ang paggamit ng pangngalan sa pagbuo ng talata na
nasa iba’t ibang kayarian? Mahalaga ang paggamit ng pangngalan sa
loob ng talata, sang-ayon sa angkop nitong kayarian, para maging
mabisa at malinaw ang pagpapabatid ng kaisipan. Maiiwasan nitong
makalikha ng ibang pagpapakahulugan, gayundin ang kalituhan sa
estruktura ng bawat pahayag.
3. Paano nakatulong ang pangngalan sa mga pangungusap upang
maging wasto ang isinagawang paglalahad sa isang talata? Dahil ang
pangngalan ay bahagi ng pananalitang binibigyang-turing sa loob ng
pangungusap, sa pamamagitan nito ay nabubuo ang diwang nais
ipabatid ng bawat pangungusap. Sa ganitong paraan, nakatutulong ito
para magkaroon ng isang buong ideya ang isang talata.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


Talakayin:
1. Isa-isang magpakita ng larawan ng tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari sa
harap ng klase.
2. Talakayin ang depinisyon ng pangngalan.
3. Ipakita sa klase ang larawan na nasa ibaba. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa
larawan, hayaang makalikha ng pangungusap ang mga mag-aaral tungkol sa
nilalaman nito. (Maaaring mag-imbento ng ngalan ng lugar at ng tao ang mga
mag-aaral.)

6
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Larawan: (Slide 10)

4. Mula sa naglalarawang pangungusap o mga pangungusap na nabuo ng mga


mag-aaral, talakayin ang dalawang uri ng pangngalan: pambalana at
pantangi—at ang apat na kayarian ng pangngalan: payak, maylapi, inuulit, at
tambalan.

Kasanayan sa ICT
Ano-ano pa nga ba ang maaari nating matutuhan tungkol sa pangngalan? Sa
ibabang bahagi nito, nakasaad ang ilan sa mga link na maaaring puntahan upang
magkaroon ng higit pang kaalaman tungkol sa naging aralin. Ilan lamang ang mga
ito sa impormatibong panooring nakalilibang din para sa mga mag-aaral habang
nagpapayaman ng kaalaman.

Ladores, Revel. (w. p.). Pangngalan. Nakuha mula sa


http://www.academia.edu/16621613/Pangngalan.

Raña, Virginia. (2015). Pangngalan. Nakuha mula sa


https://www.slideshare.net/vorge/pangngalan-51702702.

7
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

Filipino Love. (2018). Ang Pangngalan (complete). Nakuha mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=4c0qcjRDcnA.

Paglalapat
Itanong: (Slide 11)
● Paano matutukoy ang uri ng pangngalan kung hindi malawak ang
iyong talasalitaan? Tandaan lamang na ang pangngalan ang tumatayong
paksang pinag-uusapan sa loob ng isang pahayag. Binibigyang-turing ito
ng mga salitang naglalarawan sa loob ng pangungusap upang
bigyang-buhay ang katangian at pangyayaring kaugnay nito.
● Ano ang maaaring negatibong implikasyon ng hindi pagkilala sa apat
na kayarian ng pangngalan? Maaari itong magbunga ng maling
paggamit at pagkilala sa pangngalan. Ang maling paggamit sa
pangngalan kung tayo ay nakikipagtalastasan ay nakalilikha ng kalituhan
at hindi pagkakaunawan sa pagitan natin at ng kausap; gayundin kung
mali ang pagkilala natin sa kayarian ng pangngalan.
● Bakit mahalaga ang pangngalan? Nagiging madali ang paglalarawan
natin ng karanasan, kuro-kuro, o paglalahad ng isang konseptong nais
ibahagi, kung nakagagamit tayo ng pangngalan bilang bahagi ng ating
mga pahayag. Sapagkat ang pangngalan ay siya ring tumutukoy sa paksa
ng ating inilalahad, nagiging mas madali sa ating kinakausap ang
maunawaan ang kabuoan ng ating punto. Gayundin kung tayo ang
tagapakinig o nagbabasa ng paglalahad. Lalo na ang paggamit ng
pantangi, mahalaga ito bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa tiyak
na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayaring ating inilalahad.

C. Pangwakas na Gawain
Pagpapahalaga
Itanong: (Slide 12)
Paano makatutulong ang kasanayan sa wastong paggamit ng pangngalan sa
pagpapahayag ng saloobin o paglalahad ng mga pangyayari?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kalaaman.

Inaasahang Pagpapahalaga
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong. Balikan ang Slide 5.
2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago
ipakita ang mga inaasahang pag-unawa. (Slide 13)

8
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

● Bahagi na ng pananalita sa pagpapahayag ang mga pangngalan.


Datapuwa’t tinatalakay ito sa ilalim ng wikang sariling atin sa Filipino,
mahalagang mabatid ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng
pananalitang gaya ng pangngalan para sa husto at wastong
pakikipagtalastasan. Sa ganito ring paraan, nakapag-aambag ang
bawat isa upang mapanatili ang sining ng pananalita sa wikang
sariling atin.

Paglalagom
Ipakita ang Paglalagom: (Slide 14 at 15)
● Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar, at mga pangyayari.
● Tumutukoy ang pangngalang pambalana sa pangkalahatan o
karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari;
ginagamit naman ang pantangi upang tukuyin ang tiyak na ngalan ng
mga pangngalan.
● Binubuo ng apat na kayarian ang mga pangngalan: payak na binubuo
lamang ng salitang ugat; maylaping pinagsasama ng salitang-ugat at
panlapi; inuulit kung ang salitang ugat ay inuulit, at; tambalan para sa
dalawang salitang-ugat na pinagsasama upang makabuo ng isang
bagong salita.

Pagtatasa
A. Tukuyin kung ang mga pangngalang may salungguhit sa bawat pangungusap ay
pambalana o pantangi. Isulat ang PB kung pambalana at PT kung pantangi sa gilid
ng bawat bilang.

1. Napakataas ng Bundok Pulag nang amin iyong puntahan.


2. Maraming gulay ang binili ni inay mula sa palengke dahil bagsak-presyo.
3. Tandang-tanda ni Alyssa ang sinabi ng kaniyang ama habang papalayo at
papasok ng paliparan.
4. Isa lamang ang bulkang Pinatubo sa mga aktibong bulkan sa buong mundo.
5. Hindi na mabilang ni Nestor ang medalya ng panganay niyang si Rolee.

Mga tamang sagot:


1. Pantangi
2. Pambalana
3. Pantangi
4. Pambalana
5. pantangi

9
Yunit 1: Ang Mabuting Kaibigan • Baitang 5

B. Ilagay sa loob ng bawat hanay ang mga salitang nasa loob ng kahon. Dapat na
wastong maikategorya ang mga pangngalan ayon sa kayarian ng mga ito.

araw
halamang-dagat
tinda-tindahan
pistahan
walisin
prutas
bungang-araw
hagdan-hagdan

PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

Mga tamang sagot:


PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN

araw walisin tinda-tindahan halamang-dagat

prutas pistahan hagdan-hagdan bungang-araw

Kasunduan (Slide 16)


Sa isang ½ na papel, sumulat ng isang talatang naglalaman ng iyong hindi malilimutang
karanasan sa paaralan. Gumamit ng pangngalang hindi bababa sa walong bilang.

10

You might also like