You are on page 1of 3

ANTAS NG KOMUNIKASYON

1. Intrapersonal - pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili-sa


kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman
ang paggalaw ng sarili.

2. Interpersonal - pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.

3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang valedictory address

4. Pangmasa - pangkahalahatan, halimbawa nito ay ang SONA

5. Pangorganisasyon - pakikipag-usap sa loob ng isang grupo o organisasyon

6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura

7. Pangkaunlaran - Ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.

MGA URI NG KOMUNIKASYON

KOMUNIKASYONG VERBAL

-Ito ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Pasulat ito kung nababasa.
Pasalita kung binibigkas o naririnig

KOMUNIKASYONG DI-VERBAL - Hindi gumagamit ng wika ang ganitong uri ng komunikasyon.. Kilos at
galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Halimbawa: ekspresyon ng
mukha, galaw ng mata, kamay at paa

IBA'T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI VERBAL

1. ORAS (Chronemics)

2. ESPASYO (Proxemics) -Ang oras ay maaaring magtaglay ng mensahe. Ang espasyong inilalagay natin
sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao ay maaaring may kahulugan.

May iba't ibang uri ng proxemics distance tayong ginagawa sa iba't ibang pagkakataon at ang
distansyang ito ay maaaring mangahulugang intimate, personal, social o public. Nakapaloob din sa
kategoryang ito ang pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar
3. KATAWAN (Kinesics) -Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga'y higit pa sa mga tunog
na lumalabas sa ating bibig. Kaya nga may tinatawag na body language. Maaaring magpakita ng
mensahe ang: Mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay na maaaring
maging: regulative, deskriptive, emphatic

4. PANDAMA (Haptics) - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch bilang tagahatid ng

5. SIMBOLO (Iconies) - Ito ay mga larawan na may mga ibig sabihin.

6. KULAY - Maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

7. PARALANGUAGE - Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa mga salita

*Pagbibigay-diin

*Bilis ng pagbigkas

*Paghinto sa loob ng pangungusap

*Lakas ng boses

*Tuginting ng tinig

1. Kinesika (Kinesics) - Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba't
ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng atingkilos ay
naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating parating sa iba.

✓ Ekspresyon ng Mukha - Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung
umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla atang ultimong paglabas
ng dila ay may mga kahulugang Ipinapahayag

✓ Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.

✓ Kumpas ng Kamay - Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit,
paghingi ng paumanhin o makikipag- alitan.mga pagpapakita ng karamdamang pisikal emosyonal at
marami pang ibu. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at
nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.

✓ Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong kalseng
tao ang iyong kaharap o kausap.

2. Proksemika (Proxemics)- Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni


Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa
pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring
isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

3. Katahimikan/Hindi Pag-Imik - Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay naghihigay ng oras o pagkakataon


sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di
pag-imik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.

You might also like